ALL-TIME FAVORITE: Forbidden...

By AgaOdilag

61.8K 1.2K 100

Ipinakasal si Mariel ng kapatid na si Vincent kay Adrian sa Nevada nang labag sa kanyang kalooban. Sa buong b... More

First Page
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
EIGHT
NINE
TEN
EPILOGUE

SEVEN

3.7K 88 8
By AgaOdilag

ISANG linggo na siya sa plantasyon. Marami sa mga oras niya'y ginugol sa pagtulong kay Brad sa pag-aasikaso sa mga naggagatud ng mga dahon ng tabako.

Bukod sa lihim na pagsulyap-sulyap sa kanya ni Brad ay pormal ang pakikitungo nito sa kanya.

Nag-i-enjoy na sana siya sa kanyang trabaho kung hindi lang sa nararamdaman niyang sakit ng dibdib na araw-araw silang nagkikita at nagkakalapit ni Brad pero malayo pa rin dahil hindi niya maipahayag ang damdamin niya rito.

And how could she be foolish na magtaglay ng
damdamin para rito gayong bayaw niya ito.

Alas sais na'y naroroon pa sila at pinangangasiwaan ang pagpapasok ng mga natuyong tabako sa loob ngnkamalig. Nagdidilim ang langit at nagbabadya ang malakas na ulan.

"Madalang ito sa tag-init," ani Brad na tinulungan ang tauhan sa pagpasok sa huling sako.

"Huli na ito, Brad," anang tauhan na lumabas mula sa bodega.

Nagsimulang pumatak ang ulan. "Sige na, Pacio. Umuwi ka na bago ka abutan ng malakas na ulan."

Tumango ang tauhan at nagpaalam, saka sumabay na sa mga kasamang nagmamadaling umuwi. Isinasara ni Brad ang kamalig nang tuluyang bumagsak ang ulan.

"Brad, dali!" sigaw ni Mariel. Malayo rito ang
pick-up. "Aabutan tayo ng malakas na patak!"

"Sumilong kả at mapapasma-" Ganting sigaw nito na nahinto dahil inabot na ng ulan si Mariel at patakbong sumilong sa kinaroroonan niya kipkip ang ilang bundle ng dahon.

"You, little idiot, alam mong nagsisimula nang
pumatak ang ulan kanina tapos ngayon ka lang sumisilong!" pagalit nitong sinabi nang maktang nabasa siyang talaga.

"Huwag mo akong sigawan!" ganting sigaw niya. "Patakbo na ako sa pick-up pero nakita ko ito." Itinuro niya ang bitbit na ilang bunton ng mga dahon ng tabako.

Napapikit si Brad. "Hindi ko ikalulugi iyang
kapirasong iyan kung mababasa. Mas mahal ang gamot  sa pulmonya!"

Naningkit ang mga mata ni Mariel sa inis dito.

Malakas ang hangin at malalaki ang patak ng ulan. Mula Sa pagkainit-init na panahon ay nabasa ang tigang na lupa. Ang sama ng amoy ng alimuom ng lupa.

"Hindi ako hihingi ng kahit isang sentimo sa iyo
Brad Martinez, para pambili ng gamot ko!"
Pagkatapos ay biglang naghalukipkip. Giniginaw siya.

Umikot ang mga mata ni Brad. Muling binuksan ang kamalig.

"Pumasok ka sa loob. Maginaw dito at maanggi. Kukunin ko ang pick-up," utos nito. Totoong may bubong pa rin sa area na iyon pero umaabot ang anggi dahil sa malakas na hangin.

"Di, ikaw naman ang nabasa. Sira ka ba?
Mumurahin mo ako pagkatapos ay magpapapasma ka."

"Sanay ako sa ganito, Mariel."

"Wala akong nalamang sanay sa sakit, Mr.
Martinez. Hihinto rin ang ulang iyan. Biglang buhos at biglang hihinto, ganoon. Maghintay na lang tayo."

"Pumasok ka sa loob ng bodega at maginaw dito," utos nito at hinila siya papasok.

Hindi gustong sumunod ni Mariel pero tama ang binata. Giniginaw siya. Sa loob ay naupo siya sa isang silyang kahoy na nasa likod ng mesang katamtaman ang laki na siyang ginagamit pag nagpapasuweldo ng mga tao. Si Brad ay sa bunton ng mga sako ng tabako naupo.

Tinitigan muna siya ng binata bago nito hinubad ang sariling pangtrabahong polo.

"Hubarin mo iyang pang-itaas mo at isuot mo ito. Mapupulmonya ka riyan sa basang blouse mo."

"Napatitig siya sa hubad nitong dibdib at kailangang ialis niya ang isip at mata niya roon. Hindi ako maghuhubad sa harap mo, Brad!"

"You don't have to. Lalabas ako sandali at magbihis ka." hnihagis nito sa kanya ang poloshirt na longsleeves at pagkatapos ay lumabas.

Sandali munang tinitiganni Mariel angpolo ng binata bago dinampot. Nalalanghap niya ang pinaghalong pawis, cologne, at tabako sa damit nito. Pero para sa kanya, hindi tutumbasan iyon ng pinakamamahaling pabango sa buong mundo. Dinala niya ito sa ilong niya at pinanatili roon ng ilang segundo bago naghubad. Pati ang bra niya'y nabasa kaya hinubad na rin.

Hustong nagbubutones siya nang pumasok si Brad. Ngumiti ito. May tenderness sa mga mata. "Nilunod ka ng polo ko. Ang liit mo ba naman, eh."

Hindi sumagot si Mariel. Siguro nga'y maliit ang 5'3" niyang height dahil mataas si Brad sa kanya ng walong pulgada.

Isinara ng binata ang pintuan ng bodega at ang kapirasong liwanag na nanggagaling sa labas ay tuluyan nang nawala. Muling naupo ang binata sa ibabaw ng sako.

"W-wala bang ilaw dito, Brad?" tanong niya na
inaaninag ang binata mula sa siwang ng mga bintanang nakasara. Pasado alas-sais na at madilim na sa labas dahil sa malakas na ulan.

"Walang gumagamit ng bodegang ito sa gabi
Mariel, kaya hindi kinakailangan ang ilaw," sagot nito. Pagkatapos ay idinagdag. "Natatakot ka ba sa dilim?"

"Hindi." Sa iyo ako natatakot, Brad, at sa
sarili ko.

"Walang problema kung ganoon. Sabi mo nga,
hihinto rin ang ulang ito."

Akma siyang magsasalita nang biglang kumulog at kumidlat ng malakas at napasigaw siya. Si Brad ay hindi tumitinag sa kinauupuan. Ni hindi niya maaninag ang ekspresyon ng mukha nito.

"Calm down, Mariel, kidlat lang iyon. Takot ka
rin ba roon?" anang binata na pilit na ipinako ang sarili sa kinauupuan.

"Brad, sumugod na lang kaya tayo sa ulan patungo sa pick-up...?" aniya sa nag-aalalang tinig. She couldn't stand being with him alone sa loob ng madilim na bodegang ito.

"Come here, Mariel," he commanded in a thick
voice.

"H-hindi kita nakikita..." pag-iwas niya.

"Alam mo kung nasaan ako. Tatlong hakbang and you're here,"

Hindi na siya nag-isip pa at mabilis na humakbang patungo sa kinaroroonan ng binata. Right into his arms.

"Oh, honey..." bulong nito na ikinulong siya sa mga bisig, Hinagkan nito ang ibabaw ng ulo nya. "Malaking bahagi ng isip ko ay nagtutulak na takbuhin na ang pick-up. Kung ako lang, pero hindi ko maipapasok ang pick-up dito nang hindi ka pa rin mababasa. Maghapon tayo sa matinding init at tinitiyakbko sa iyong sakit ang aabutin nating pareho. Lalo ka na, hindi ka sanay sa ganitong gawain."

Hindi niya matiyak kung naiintindihan niya ang
sinasabi ni Brad. Nasa matitipunong dibdib nito ang isip niya. Sa mga braso nitong nakayakap sa katawan niya. And she wanted him to kiss her.

"Kiss me, Brad, please..."

And kiss he did. Hard and rough and possessive. Walang gentleness. A little bit savage and cruel. Na para bang sa pamamagitan noo'y malilimutan nito ang sirkumstansiya sa pagitan nilang dalawa.

Then he left her mouth and kissed her temple, ang pisngi niya, ang mga mata niya, na para bang mini-memorya ang hugis ng mukha niya. And then his mouth settled on her earlobe and gave it a gentle bite. She moaned with lnpleasure. Then his hands closed on her breast and she gasped.

Bumaba ang mga labi ni Brad sa dibdib niya, uncaring the poloshirt, and give one sensitive peak a not-so-gentle bite that almost took her breath away. Gusto niyang alisin ang nakaharang na polo nitong suot niya.

She ached for more.

She never imagined that lovemaking could be this exciting.

Her own hands feeling and touching his chest
erotically. Brad groaned.

Pagkatapos ay huminto ito sa ginagawa at
hinawakan siya sa magkabilang kamay. His breathing ragged.

"I'd better stop, Mariel, while I still can..." wika
nito sa gumagaralgal na tinig.

Napapikit si Mariel. Mabuti na lang at madilim at hindi nakikita ni Brad ang guilt at kahihiyan sa mukha niya.

Ano mayroon ang lalaking ito at madali siyang
matangay? How could this man make her forget everything? Ito ang ikalawang pagkakataong hinagkan siya ni Brad at sa bawat pagkakataon ay nakalimot siya. At sa dalawang pangyayari ay lagi na'ng si Brad ang may kontrol. Nagpapaalaala ng katayuan niya.

Pinilit niyang pigilin ang pagkawala ng hikbi pero narinig iyon ng binata.

"Huwag kang umiyak, please..." bulong nito na
idinikit ang noo sa ulo niya. I want you so damned much, alam kong alam mo iyan..."

"And.. I want you, too.." and love you!

"Oh, honey, I know, I know.." wika nito sa
naghihirap na damdamin. "Anuman ang sirkumstansiya sa pagitan ninyo ni Adrian, Mariel, kasal ka sa kanya. And we can't do this, can we?"

Tama ang binata. Sa mata ng lahat ay mag-asawa sila ni Adrian at isang malaking kasalanan ang ginagawa nilang ito. Sa pagitan ng mga hikbi ay umiling siya.

Mahigpit siyang niyakap ni Brad. Muli nitong kinuha ang mga kamay niya at iginiya paibaba.

Napasinghap siya at pinanlakihan ng mga mata.

"Gusto ko lang malaman mo kung ano ang
ginagawa mo sa akin. I've been fighting so much for self-control, honey." he breathed against her hair.

"K-kahit na... ano pa ang palagay mo sa akin...
kahit na ano pa ang... iniisip mo sa akin..." her voice almost in a sob whisper, "...gusto kong malaman mong, no one has ever made me feel like this... except you. lyan lang ang gusto kong paniwalaan mo. Hindi na mahalaga ang iba pa."

"Mariel!"

"A-alam kong mali ang... nararamdaman ko. Tama ka. At maraming beses na akong napahiya sa sarili ko..."

"Sshh... huwag mong sabihin iyan, Hindi mo
magagawa iyon kung natutuhan kong pigilin ang sarili ko. Nasa akin ang higit na sisi. You're young and vulnerable and I have done my damned best to seduce you mula pa nang una kitang hagkan."

She smiled bitterly. "Thank you for restoring my pride, Brad..." Kumawala siya at humakbang pabalik sa dating kinauupuan pero pinigil siya ng binata.

"No, stay here with me. Just let me hold vou
hanggang sa pagtila ng ulan," at niyakap siva nito patalikod. Holding her so close. "I promise to behave "

I dont want you to. Gusto niyang sabihin pero
sobra-sobrang kahihiyan na ang inabot niya.

Gustong sabihin ni Brad na iniibig niya si Mariel. pero hindi niya gagawin iyon. It isn't smart. May nagmamay-ari na rito.

He doesn't give a damn anuman ang sabilhin ng iba sa moral values niya. But Mariel is a very much married woman and vulnerable. At alam na alam niya ang kahinaan ni Adrian.

Ipagpalagay nang ginampanan nito ang tungkulin sa asawa sa mga unang araw ng kasal ng mga ito pero marahil ay hindi sapat.

Bata pa si Mariel at mainit.

Nararamdaman niya iyon.

Desiring another man's wife ay malaki nang
kasalanan. Taking advantage of her vulnerability is even more.

He could take her right here and this very moment at natitiyak niyang hindi ito tatanggi.

Pero pagkatapos ng passion ay ano?

Kaya ba nilang harapin ang usig ng konsensiya
pagkatapos? Papayagan ba niya ang sariling mamuhay sila sa kasalanan?

Paano na ang respeto niya sa sarili? Sa babaeng pinag-uukulan niya ng makasalanang pagmamahal?

Maraming bagay ang bumubuo sa isang relasyon. Pag-ibig, pagmamahal, sex, respeto sa isa't isa at moral values. Makapagmamahal siya ng walang sex and still maintained self-respect and moral values.

But having sex just the satisfaction of sex nang walang pagpapahalaga sa ibang bagay ay garbage.

Mahal niya si Mariel. Hindi niya naramdaman ang ganitong damdamin sa ibang babae. Not even with Faye na inakala niyang iniibig niya noon.

At hindi siya papayag na dungisan ang pag-ibig niyang iyon.

Kung hindi man sila para sa isa't isa, then at least, he will have untainted memories to linger on.

Continue Reading

You'll Also Like

50.1K 1K 31
Nang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. Natuklasan din niya mula sa...
56.9K 1.4K 21
Tinanggap ni Carlene ang round-trip ticket to Europe mula sa granduncle niya upang maibsan ang lungkot na sanhi ng sabay na pagkawala ng kanyang mga...
114K 2K 10
Si Joey Agoncillo ang nag-iisang babae sa limang arkitekto na napiling mag-bid sa isang malaking kontrata. She needed that break to prove something t...
14.5K 437 63
Tricia Jordan Carvajal, rich, famous, brat but gorgeous as hell. The daughter of Mr. & Mrs. Francis Raphael Carvajal, the owner of Carvajal Universit...