ALL-TIME FAVORITE: Forbidden...

By AgaOdilag

69K 1.3K 104

Ipinakasal si Mariel ng kapatid na si Vincent kay Adrian sa Nevada nang labag sa kanyang kalooban. Sa buong b... More

First Page
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
EPILOGUE

FIVE

4.1K 93 4
By AgaOdilag

NARINIG niyang tinawag siya ni Brad. Pero wala siyang pakialam. Gusto niyang lumayo sa pagkasuklam na nasa mga mata nito. Gusto niyang iligaw ang sarili sa nagtataa sang mga puno ng mais. Gusto niyang sumigaw sa gnawang panggagamit sa kanya ng kapatid
at ni Adrian.

Nakakailang hakbang na siya nang abutan siya nito. Hinawakan siya ni Brad sa braso ngunit nagpumiglas siya.

"Bitiwan mo ako!"

"At saan sa palagay mo ikaw pupunta? Isang
kilometro na ang layo natin mula sa bahay," wika nito na hindi binibitiwan ang braso niya.

"Kahit saan basta malayo sa iyo.. dito... sa inyong lahat!" At tuluyan na siyang napaiyak.

"Oh, shit!" Patalikod nitong sinabi na tumingala sa langit. Ang araw ay nagsisimula nang magbigay ng init. "Don't go female on me, Mariel. I can't stand women who use tears as weapon.." wika nito na ang mga kamay ay nasa balakang like some lord over his lowly servant.

Nanlisik ang mga matani Mariel. "Then leave me alone, Mr. Righteous! Hindi ako umyak para gamitin sa iyo. I just .. I just ... oh, I hate you!" Halos sumisigaw na siya sa sama ng loob, in anger, in frustration. Hinatak niya ng malakas ang braso sa pagkakahawak ng binata.

Nabitawan siya ni Brad at paupong bumagsak sa tuyong lupa nang mawalan ng panimbang.
Mabilis din siyang dinaluhan ng binata subalit pagalit niyang sinangga ang mga braso nito.

"Tumigil ka, Mariel! Kumikilos kang parang bata," may iritasyon na sa tinig nito.

"I do not know why I have to put up with you and your insults, Brad. Ano ba ang pakialam mo sa akin? At ano ba kung binayaran ako ni Adrian? At kahit na magkano pa ang ibinayad sa akin, siguro naman ay hindi sa mana mo kukunin ni Adrian ang ibabayad niya!" Sagalit niya'y hindi na niya alam na ipinahihiwatig niya sa lalaki na binayaran nga siya ni Adrian.

Bigla ang pagtatagis ng mga bagang nito na
nakatunghay sa kanya. If eyes could kill, namatay na siya sa mismong oras na iyon.

"At kailan ang divorce ninyong dalawa?Pagkatap0s na maisalin ng abogado ang kalahati ng plantasyon at iba pang ari-arian sa kanya? At pagkatapos ay ano? Ipagbibili niya ang plantasyon?"

She was so shock and angry na wala na siyang
pakialam kung ano ang patutunguhan ng pag-uusap na iyon. Anyway, hindi naman siya nakatitiyak na hindi nga pinlano ni Adrian iyon.

Baka tama nga si Brad, Adrian will divorce her
pagkasalin sa mana.

Mabuti naman kung ganoon. She'll be glad to
death. Bayad na si Vincent sa utang nito at makakalaya na siya sa walang kuwentang pag-aasawang ito.

But things will never be the same again.

"You will have to ask Adrian about it. At wala
akong pakialam kung kailan iyon. The sooner, the better," aniya in a resigned voice. Itinaas ang mga paa at niyakap ang mga binti at ipinatong ang mukha niya sa mga tuhod. Parang batang pinahid niya ng likodng palad ang mga luha sa pisngi.

"Just as I thought," patuloy nito na tila naririnig na niya ang pagtatagis ng mga bagang. Yumuko ito at hinawakan siya sa mga balikat at marahas na itinayo.

"Bit--tiwan mo ako!"

"And how much will it cost me if I'll ask you in my bed?" He asked softly but dangerously.

Napatanga si Mariel. Wala sa loob na napatitig sa binata, lips slightly parted in amazement. Tama ba ang narinig niya?

Did this man really think na isa siyang bayarang babae?

Itinaas niya ang isang kamay upang sampalin ito subalit nahawakan ni Brad ang braso niya.

"Do not resort to violence, Mariel," pagalit din
nitong sinabi. Ibabalik ko sa iyo ang gagawin mo."

"You hypocrite beast!" Hiyaw niya sa nagpupuyos na dibdib. Pilit na binabawi ang kamay sa pagkakahawak ni Brad. “Afterall, ang lahat ng mga animosity mo sa akin ay gusto mo lang palang madala ako sa kama. Keep your money, Mr. Martinez. I'd rather have sex with one of your farmers kaysa sa iyo!"

"Say anything else and I'll kill you!"

"Sasabihin ko ang anumang gusto kong sabihin at wala kang..." hindi niya naituloy ang sasabihin. Nakita niya ang mabilis na pagbaba ng mukha ni Brad patungo sa kanya.

Ang araw ay tila putong ng korona sa ulo nito. It made him appear like a god. An angry god ready to punish her. Alam niyang hahagkan siya ng binata but she was too stunned para umiwas. Sa halip, she closed her eyes when his lips touched hers.

He was kissing her hard and rough. In anger, in
frustration at sa lahat nang sama-samang damdamin. Napaungol si Mariel. Her lips felt bruised, Pilit iniwas ang mukha. Huminto si Brad sa paghalik pero hindi pinakawalan ng isang kamay nito ang mukha niya.

Pagkatapos ay muli siyang siniil ng halik. Banayad sa pagkakataong iyon. Nalasahan nito ang kapirasong dugo mula sa mga labi niya. She heard him groaned and grazed her lips with his tongue tenderly na parang inihihingi ng paumanhin ang karahasan.

Mariel remain passive at nagpaubaya, stunned by the sudden change. But parted her lips when she felt the pressure ofhis lips urging her to open her mouth. She let him explore. She was flled with aching pleasure. Humigpit ang mga braso nito sa pagkakayakap sa kanya. And he kissed her more deeply, more erotically.

She had been wanting the kiss! Mula pa kahapon ng tanghali nang banayad siya nitong hagkan bilang pagbati Hindi siya makapaniwala sa natuklasang iyon.

Kung gaano katagal ang halik ay hindi niya alam. Ang alam niya'y gusto niyang huminto sa pag-inog ang mundo at manatiling hinahagkan siya ng bìnata sa habampanahon.

At nang iwan ni Brad ang mga labi niya ay
nakadama siya ng kawalan. She opened her eyes at nakita niyang nakatitig ito sa kanya, sa buong mukha niya. Nasa mga mata nito ang pinaghalong galit at pagnanasa... and confusion. But there was something else, too. Hatred?

"I can see that there's no need to offer you some sort of payment. Sa nakikita ko'y papayag ka kahit libre, And you'd rather have it with one of my farmer, huh?" Pang-uuyam nito na bahagyang tumaas ang isang sulok ng bibig. Ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa
mukha niya. His eyes still filled with wanting.

"Ganoon pa man," patuloy nito, "... gusto kong
malaman mong I can pay you twice as much sa halagang ibinayad ni Adrian. Pero sa mata ng lahat, may-asawa ka pa rin, gaano man kaimoral ang pagkatao mo at motibo ng kasal mo. And I don't go for married women, " his voice filled with disgust.

Married women! Napakurap si Mariel. Sa mga
sandaling nasa bisig siyani Brad ay nakalimutan niyang may-asawa siya. Lord, ano ang nangyayari sa kanya?

Anuman ang sirkumstansiya ng pagpapakasal nila ni Adrian, iniibig man niya ito o hindi, asawa pa rin niya ito.

At wala siyang karapatang makipaghalikan sa ibang lalaki!

At sa isang lalaking mababa pa ang pagtingin sa kanya!

Nanghilakbot siya sa ginawa niya. Tama si Brad. Pagkapahiya at pagkasuklam sa sarili ang naramdaman niya. Pero hindi niya gustong iparating sa binata na ganoon ang nadarama niya. Hindi rin ito maniniwala pagkatapos ng ginawa niyang pagpapaubaya sa mga bisig nito.

"Hinahangaan ko ang moralidad mo, Brad." Patuya siyang ngumiti matapos kumawala. "...and also your hypocricy. Mangunguna ka sa listahan. Hindi ako nagpakita ng motibo sa iyo but you ravished me in one of my weakest moments. Pero hindi tulad mo, inaamin kong I enjoyed it. Why, you kissed well," she made the compliment sounded na tila sumpa. Pagkatapos ay humakbang siya pabalik sa sasakyan bago pa makasagot ang lalaki.

Tiim-bagang na sumunod ang binata.

Itinuloy ni Brad ang pag-ikot sa plantasyon. Wala silang kibuan. Hindi maikakaila ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Ipinakita nito sa kanya ang plantasyon ng tabako na isa sa mga nagsu-supply sa malalaking tobacco company.

"Traders ang humahango ng mga ito?" kaswal
niyang tanong na tinanguan ng binata.

"Nakakontrata na ang mga ito," anito at
pagkatapos ay dinala siya sa maisan na ikaapat na bahagi lamang ng lawak ng tabakuhan. Maliban dito ay nakita rin niya ang plantasyon ng mga bawang at sibuyas.

Mainit ang araw at pinagpapawisan na siya pero hindi maikakailang nag-i-enjoy siya sa tournilang iyon. Somehow, ay naipahatid niya kay Brad ang interest niya sa pamamagitan ng pagkokomento tungkol sa kaalamán niya sa agrikultura. Nalaman niyang nag-iempleyo ang Hacienda Ramona ng mga agriculturist para sa plantasyon. Gusto niyang makatagpo ang mga ito at maaaring makapagpalitan sila ng ideas. Or maybe learn more from them dahil sa experiences ng mga ito.

Sandaling nakalimutan ni Mariel ang animosity sa pagitan nila ni Brad at hindi ikinaila ng binata ang pagkamangha sa komento niya. Appreciating and considering them.

"Nakalimutan kong hindi ka nga pala nag-almusal at pasado ala-una na. I'm sorry, sana'y ipinaalala mo sa akin," wika nito nang nasa loob na sila ng sasakyan.

Si Brad ay pinipihit ang ignition.

Ngumiti siya. Totoong ngiti. And little did she
know that she looked very pretty and very young. Nakasabog na sa mukha niya ang ilang hibla ng buhok na natanggal mula sa pagkakatali sa pony tail. May pawis sa ibabaw ng ilong niya.

"Walang problema, hindi pa naman ako gutom. I enjoyed the tour, really."

"You are very knowledgeable pagdating sa
pananim. May pakiramdam akong mawawalan ng trabaho ang isang agriculturist natin," nakangiting biro nito at kung hindi nakapagpigil si Mariel ay napalakas ang paghugot niya ng paghinga.

The man's smile is very dangerous para sa mga
senses niya.

"Sure," ganting-biro niya, "...basta ba babayaran mo ako, eh," biro lang iyon at walang-kahulugan pero nagsalubong ang mga paningin nila at parehong sabay na nawala ang mga ngiti.

Bigla siyang tumuwid ng upo at itinuon ang pansin sa mga pananim sa labas ng bintana.

Tumikhimn si Brad.

"Hindi ko bubuksan ang aircon, pawis na pawis
ka. Baka ka mapulmonya," wika nito sa magaang na tono sa pagsisikap na maisalba ang magandang usapan.

Nagbigay siya at tipid na ngumiti sa binata. Itinaas ni Brad ang isang kamay at pinahid ng daliri nito ang ilong niya. Gustong manigas ng katawan ni Mariel. His touch alone ay nagdudulot na ng electrifying effect sa mga senses niya.

"Ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng
nagpapawis ang dulo ng ilong," wika nito. Nasa mga mata ang amusement. “A very jealous type, sabi nila. Ganoon ka ba?"

She rolled her eyes at marahang tumawa. The man is an incurable flirt kung gugustuhin nito.

"Naniniwala ka roon?" aniya, still laughing softly.

"I'm asking you..." his voice husky and his dark
eyes on her lips na tila inaalala ang nangyari hours ago.

Umiwas siya ng tingin. "Halika na, kumakalam na ang sikmura ko at baka naghihintay na ang Tiya Ramona," pag-iiba niya sa usapan.

Tumango ang binata. Pumormal. "I'm sorry, Mariel. I went over the line kanina. Hindi na mauulit iyon."

Natawa siyang muli sa kaseryosohan ng tono nito. "Which one? The insults or the kiss?"

Naningkit ang mga mata ng binata sa pagtawa niya.

"Hindi ko inihihingi ng paumanhin ang paghalik ko sa iyo. Ang inihihingi ko ng paumanhin ay ang pagkawala ng pagpipigil ko. And yes, the insults, too. Both will never happen again."

"Meaning, hindi na mauulit ang pagkawala mo sa sarili at ang pang-insulto..." aniya na nakangiti pa rin at kumikislap ang mga mata. "Whạt about the kiss?""

"The kiss is the result of..." huminto ang binata sa pagsasalita at tinitigan siya na ang kanang kamay ay itinatakip sa bibig upang pigilin ang pagtawa. She was just teasing him. "You, witch!"

At sabay na nagtawaman ang dalawa.

Mayamaya'y muling pumormal si Brad. "I'm sorry, Mariel. I really am."

Nagkibit siya ng mga balikat. "Kalimutan na natin iyon, Brad,"

Tumango ang binata, ngumiti at pinaandar ang sasakyan pauwi. Ang anumang animosity sa pagitan nilang dalawa mula pa noong dumating si Mariel ay tuluyan nang nawala.

Continue Reading

You'll Also Like

76.9K 1.5K 21
Nang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked...
1.3M 19.1K 41
Dice and Madisson
27.5K 815 22
"Love can be measured by loving without measure..." Lumayo si Zaira para makalimot. Pumunta siya sa Baler, sa bahay ng isang kaibigan. Doon niya naki...
83.7K 1.9K 21
Joe had been Guada's friend since forever. Wala siyang problema na hindi nito ginawan ng paraan, totoo man o kinatha niya. Kinatha, dahil mas gumagaw...