ALL-TIME FAVORITE: Forbidden...

By AgaOdilag

61.5K 1.2K 100

Ipinakasal si Mariel ng kapatid na si Vincent kay Adrian sa Nevada nang labag sa kanyang kalooban. Sa buong b... More

First Page
PROLOGUE
ONE
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
EPILOGUE

TWO

4.4K 93 5
By AgaOdilag

MALAYO pa si Mariel ay natanaw na niya ang sign post, Hacienda Ramona. Kumaliwa siya at tinunton ang mabatong-daan. Sapaligid ng daan ay ang malawak na taniman ng tabako na kaygaganda ng tubo. Pagkatapos sa kanan niya'y walang katapusang taniman ng mais na ang dulo'y hindi niya maabot ng tanaw.

Ganoon din kalawak ang taniman ng mga bawang. Ang asawa niya'y totoong maykaya sa buhay. Maliban pa sa kaunting negosyo nito sa ibang bansa na kung anuman ay hindi nito pinagkaabalahang sabihin sa kanya. Maging si Vincent ay walang ibinigay na impomasyon.

Hindi rin naman siya interesado at sunud-sunuran lamang sa sinasabi nito.

Matapos ang sampung minutong pagtakbo ng kotse ay isang malaki at magandang bahay ang natanaw niya. Yari sa adobe at malalaking narra. Isang antigong bahay na tipikal sa bayang ito. Napapaligiran ito ng sari-saring magagandang halaman. Mga namumulaklak na halaman at may mga orkidyas na iba't iba ang kulay ng halaman at may mga orkidyas na iba't iba ang kulay. Sa tingin niya'y alaga ng mapagpalang kamay ang mga halaman.

Tatlong sasakyan ang natatanaw niya sa garahe. Isang pick-up truck na luma na at marahil ay ginagamit sa plantasyon. Isang four-wheel drive Strada pick-up na kulay salmon at silver, at isang modelong Land Cruiser.

Isang nakasombrerong matandang lalaki ang
lumapit sa kanya nang pumarada siya sa likod ng mga pick-up. binaba niya ang windshield.

"May sadya ho ba kayo kay Mr. Martinez, miss?"
magalang na tanong ng matandang lalakina nag-alis ng sombrero.

Nagsalubong ang mga kilay ni Mariel. May Mr. Martinez ba?  Ang alam niya'y biyuda na ang stepmother ni Adrian ayon dito. May pitong taon nang namamatay ang ama nito.

Nag-alis siya ng bara ng lalamunan bago nagsalita. “Ako si Mariel. Mariel Belmonte Martinez, ang asawa ni Adrian. Inaasahan ako ni Donya Ramona." aniyang itinuon ang mga mata sa bahay.

Isang ngiti ang pinakawalan ng matanda. "Naku, magandang hapon ho sa inyo, ma'am! Halina ho kayo at kaninang umaga pa kayo hinihintay ni Donya Ramona," Ang matandang lalaki na mismo ang nagbukas ng pintuan ng kotse niya.

Umibis siya. Napakasarap i-stretch ang mga binti pagkatapos ng kulang anim na oras na biyahe mula Maynila.

"May mga bagahe po ba kayo?"

"Nasa trunk ng kotse ang iba." Nilingon niya ang likuran ng kotse na kung saan naroon ang isa pa niyang bag. Pagkatapos ay lumakad siya patungo sa patio. Nang biglangbumukas ang pinto at sumungaw ang isang matandang babae na marahil ay nasa singkuwenta mahigit ang edad. Ito marahil ang stepmother ni Adrian. Tantiya niya'y bata lamang kay Adrian ng sampung taon.

"Mariel...?" Alanganing salubong ng matanda
kasabay ng paghagod ng tingin sa kanya.

Inilahad niya ang kanyang kamay. "Ako nga ho.
Kumusta po kayo..."

Inabot ng matanda ang kamay ni Mariel kasabay
ng pagyakap sa kanya. "Nakarating ka rin sa wakas, hija. Kanina pa kita hinihintay."

"Na-flat-an ho ako sa daan kaya medyo natagalan ako at hindi ako gaanong makapagpatakbo nang matulin dahil baka lumampas ako sa itinuro ninyong daan." paliwanag niya.

"Ang nasa isip ko nga ay baka naligaw ka. Halika
sa loob, hija," nilingon nito ang matandang lalaki. "Ipasok na ninyo ang mga gamit ni Mariel, Mang Pasyo."

Inakay siya ng matandang babae papasok sa loob ng bahay. "Maupo ka, hija." Itinuro nito ang isang antigong upuang nara na may sulihiya sa gitna.

Mga antigong kasangkapan ang laman ng
kabahayan. Mula sa ilawan hanggang sa malalapad atbmakikintab na sahig na narra. Sa tagiliran ay naka-display ang isang lumang makinang panahi na panahon pa yata ni Padre Damaso. Isang lumang ponograpo na nasa tabing mesa at mga kung anu-ano pang antigong mga bagay na sa pakiramdam niya'y pumasok siya sa isang time machine at nasa panahon siya ng mga kastila.

"Kung saan-saan pa hinanap at binili ng anak ko ang mga nakikita mong iyan, Mariel," nakangiting paliwanag ni Donya Ramona na nahulaan ang nasa isip niya. "Itong bahay ay talagang antigo at minana pa ng asawa ko sa mga magulang nito. Pero karaniwan sa mga gamit ay mga bago na. Pero si Brad ay mahilig sa mga antique kaya ganito ang ayos na nakikita mo."

Brad? Ito marahil ang sinasabing Mr. Martinezng hardinero. Bakit hindi sinabi ni Adrian sa kanyang may kapatid ito sa ama? At kung bakit din naman kasi, hindi siya nagtanong ng husto kay Adrian kung sinu-sino ang daratnan niya rito sa Hacienda Ramona.

"Natitiyak kong hindi biro ang pag-ipon ng mga antigong kasangkapan." Naupo siya at hinawakan ang isang matandang lampara na may gaas pa sa lalagyan.

"Ako nga pala si Ramona. Mariel. Tiya ang itawag

"Y-you're very young." puna niyang hindi naitago ang pagkamangha.

Marahang natawa si Donya Ramona. "If you considered fifty one very young, then thank you, hija," nasa mukha nito ang pleasure. "Pareho kaming biyudo ni Enrique, ang Papa ni Adrian, nang magkapangasawahan. Si Adrian ay kinse anyos na binatilyo nang magpakasal kami ni Enrique at ako naman ay may isa ring anak sa unang asawa ko na isang taong gulang noong panahong iyon, si Brad," paliwanag nito.

"Oh!"

"Ang unang asawa ko'y pinsang makalawa ni Enrique na namatay sa isang aksidente sa bus pababa ng Baguio. Kaya ang anak kong si Brad ay Martinez din."

"Sina Adrian at Brad, bukod sa pagiging stepbrothers by marriage ay magpinsang makatlo," patuloy ni Donya Ramona. "Sa nakikita ko'y walang gaanong sinabi sa iyo si Adrian tungkol sa pamilya niya."

"Isang... madaliang pagpapakasal ang nangyari sa amin." Ikinahihiya niyang masabing she practically knew nothing about her husband. "Hindi kami... nagkaroon ng maraming pagkakataong mag-usap."

Iwinasiwas ní Donya Ramona ang isang kamay.
"Naintindihan ko, hija. Whirlwind courtship and the honeymoon at sa isang magandang lugar. Kung ako man ang nasa kalagayan mo'y hindi ko na magagawang ipakipag-usap sa asawa ko ang anumang bagay maliban sa aming dalawa."

Kasama ng pamumula ng pisngi sa gustong
ipahiwatig ng matandang babae ay nakadama ng guilt si Mariel. Paano niya sasabihin sa mabait na matandang ito na ginawa siyang pambayad-utang ng kapatid niya sa stepson nito.

Bagaman hindi pa rin niya maunawaan kung bakit pinakasalan siya ni Adrian. Lahat ng mga iginagawi ni Adrian ay napaka-unusual
para sa isang bagong kasal.

Una, ay ang kawalang interes nito sa kanya bilang babae. Hindi dahil sa inaasam-asam niya iyon. Far from it, at ipinagpapasalamat niya. Pero hindi maiwasang hindi siya magtaka at mag-isip.

Pangalawa, ay ang pagpapaiwan nito sa Nevada at ang pagpapauwi sa kanyang mag-isa after barely one month ofmarriage.

Nagpatuloy si Donya Ramona. "Lamang ay
ikinalulungkot kong sabihing ang anak kong si Brad ay iba ang iniisip tungkol sa... " Hindi natapos ng matandang babae ang sasabihin dahil mula sa likuran ay may nagsalita.

"At ano ang iniisip ko, Mama?"

"Oh, Brad, hijo, halika at nang makilala mo ang
asawa ni Adrian."

Lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig at ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang makilalang ito ang lalaki sa restaurant.

"Ikaw?" bulalas niya.

Kung nabigla man ang lalaki ay hindi ito nagpahalata maliban sa sandaling paghinto ng mga hakbang. Pagkatapos ay balewalang lumapit sa kanya.

"Magkakilala kayo ng anak ko, Mariel?"

"We've met, Mama... " si Brad ang sumagot sa
pormal na tinig. Ang mga mata ay sumuyod sa anyo ni Mariel.

Nakadama siya ng pagkailang. Sa tingin níya'y
hinuhubaran siya ng mga mata nito sa pagkakatitig.

"You've met! Saan, hijo? Kailan?" Nagtatakang
tanong ng matandang babae.

"Yes, we've met this morning," agap ni Mariel.
"Sa isang restaurant. We shared the same table and he bought my breakfast. Hindi ako nakapagpasalamat sa kanya," tumingala siya rito. “Thank you," may bahid ng sarcasm ang tono niya at hindi niya itinago ang iritasyon sa mukha nang maisip ang naging palagay sa
kanya ng lalaking ito.

Nagsalubong ang mga kilay ng matandang babae. "Oh, yes. Kararating nga lang pala ni Brad kanina galing Tarlac at may binili," natawa si Donya Ramona. "And you didn't both know na pareho kayo ng destinasyon."

“Your son is very friendly," hindi niya mapigil ang sariling sabihin sa sarkastikong tono. Naiinis siya. Si Brad ay tumaas ang isang sulok ng mga labi at hindi man lamang natitigatig

Naramdaman ni Donya Ramona ang tensiyon sa pagitan ng dalawa. "Hijo, anong..."

"Napagkamalan ko siyang pick-up girl, Ma," wika nito at tumingin sa kanya. "My apology, my dear stepsister-in-law," bahagya nitong ikiniling ang ulo. Wala kahit bahagyang sinseridad sa paghingi ng paumanhin.

"Napagkamalan mong... Really, Brad!" bulalas ni Ramona na ang shock sa mukha ay kitang-kita.

Nagkibit ng balikat ang binata. "You can't blame me, Ma. Hindi iyon ang unang pagkakataong nilapitan ako ng mga babae," kaswal nitong sinabi. Pagkatapos ay idinugtong, "...predator women, you know."

Tumalim ang mga mata ni Mariel na tumingin dito.

The arrogant, conceited male chauvinist pig!

"Kung sabagay," sang-ayon ng matandang babae. "Noong nagbibinata na sina Adrian at Brad, Mariel... hay naku, ang mga babae! Ginagawa ang lahat ng paraan mapansin lang ng dalawang lalaki," pagkatapos ay tumingin kay Brad. "But surely, hijo, makikilala mo kung sino ang mga ganoong uri ng babae."

"They're one of a kind, Mama. Hindi mo malalaman kung kailan nila gagamitin ang makamandag nilang paraan sa iyo."

"Brad!" saway ni Donya Ramona. Pagkatapos
ay tumingin kay Mariel. "Pagpasensiyahan mo ang anak ko. Mariel. He didn't mean a thing Masanay ka na sa bayaw mo."

Nagkibit ng balikat si Mariel at ngumiti ng ubod tamis. "Huwag kayong mag-alala, naiintindihan ko. Your son is probably one of those people who experienced life's blow along the way. And now he seems to always defending himself for another blow."

Ang mga sinabi niya'y epektibong nakita sa mukha ni Brad. Naningkit ang mga mata nito and compressed his lips into thin line.

Agad na namagitan si Donya Ramona. “Oh, well I haven't formally introduced you two yet. Brad, this is Mariel. Hija, ang aking anak, si Brad..." sinabayan ito ng matanda ng iling ng ulo sabay tingin sa anak with a warning look sa mga mata nito. At bago pa may nakapagsalita ay yumuko si Brad at sa isang kisapmata'y nasa mga labi na niya ang mga labi nito.

Nanlaki ang mga mata niya when he deliberately touched her lips with his tongue. The kiss was hard and warm at hindi naman nagtagal pero tila nagpaparalisa iyon sa buong pagkatao niya at nananayo ang pinong balahibo niya sa mukha.

"Brad, that was very naughty.." may bahid ng
banayad na pagsaway ang tinig ni Donya Ramona. "Baka mamaya ay kung ano ang isipin ni Mariel."

Hindi nilingon ni Brad ang ina at nanatiling nakatitig sa napatangang si Mariel. "Hands shaking is a little bit old fashion. I'd prefer a kiss in welcoming the new member ofthis family," naroon pa rin ang bahagyang panunuya sa tinig nito. "Do you agree with me, Mariel?"

Pilit niyang kinalma ang sarili. "S-sure..." she was still in a daze dahil sa kapirasong halik na iyon at hindi niya magawang magkomento ng maanghang dahil kay Donya Ramona.

"Ngayon at nakilala mo na ang pamilya ng asawa mo ay sasamahan na kita sa silid mo, hija. Saka na lang uli tayo magkuwentuhan. Natitiyak kong napagod ka sa biyahe," ani Donya Ramona na tumayo.

Mabilis na sumunod si Mariel. Nagpasalamat ng lihim. Gusto niyang makatakas sa mga titig at sinasabi ng lalaking ito. Nara-rattle ang senses niya. And damn him for kissing her like that. Sinadyang gawin ng binata iyon.

"See you around, stepsis..." pahabol ni Brad in a flat tone.

Hindi niya pinagkaabalahang lingunin ito.

SA itaas ay isang maaliwalas na silid ang pinasok nila.

Napuna niyang sa loob ng silid natapos ang antigong mga gamit. Mayroong isang pandalawahang kama sa loob ng silid, modernong tokador at wardrobe at may
airconditioner pa. Binuksan ng matanda ang aircon.

"Ang silid na ito'y dating kay Adrian, hija. Kasunod ay ang kay Brad. Im sorry, pero tatlo lamang ang banyo. Ang isa'y nasa dulo para sa dalawang guest rooms at ang sa pagitan ninyong dalawa ni Brad. You will share a bathroom."

Gusto niyang sabihing mas gugustuhin niyang gamitin ang isa sa mga guestrooms upang huwag lang maki-share ng bathroom sa bunsong anak nito pero nakakahiya iyon kaya minabuting tumango na lamang.

Isa pa, marapat lamang na ang silid ni Adrian ang okupahin niya.

"Wala ka na bang kailangan, Mariel?"

"Wala na po at maraming salamat."

Humakbang patungo sa pinto ang matandang
babae. "Alas siete y media ang hapunan, hija." Muli siyang tumango at ilang sandali pa'y nag-iisa na lang siya sa silid.

Binalikan niya sa isip ang pinag-usapan nila ng
Mama ni Brad lalo na ang bahaging bago dumating ang binata.

Ano ang iniisip ni Brad sa pagpapakasal niya kay Adrian? At bakit biglang naging mahalaga para sa kanya na hindi ito mag-isip ng masama?

At bakit hinalikan siya nang ganoon ni Brad? It was an erotic kiss intended for lovers only. At isiping may-asawa siyang tao! Ano ang akala nito sa kanya?

Napapailing siya. Eh, ano ba kung ano ang isipin ng lalaking iyon sa kanya? At sino ba ang gusto ng pagpapakasal niya kay Adrian?

Definitely, hindi siya. She hated it. At kung may
magagawa lang siya'y gusto niyang i-divorce agad-agad ang lalaki. Pero paano naman si Vincent? Kahit paano'y nag-aalala siya sa kapatid.

Napapabuntong-hiningang inilatag niya ang
katawan sa kama, at hindi niya namalayang nakatulugan na niya ang pag-iisip dala ng matinding pagod sa mahabang biyahe.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 35.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
24.4K 451 20
Si Danny ang natatangi at nag-iisang pag-ibig sa buhay ni Angela. Walang takot na ipinagkaloob niya rito ang kanyang sarili hanggang sa magbunga ang...
132K 2.4K 30
"Your father paid me to marry you, Cielo. Not to bed you. Pero mapag-uusapan natin iyan. Should you want me to sleep with you. All you have to do is...
178K 6.1K 21
Zach Navarro and Elisse YbaƱez had a mutual understanding. Theirs was a kind of puppy love. Hindi pa man namumukadkad ang kanilang love story, Zach l...