Lit Candle in the Rain (Night...

By thefakeprotagonist

35.9K 1K 434

[FINISHED] Categories : Boys' Love • Contemporary Romance • LGBTQ Kannagi Lacanlali, or Kann, suffers daily f... More

Author's Note
Playlist and Praises
Prologue
Episode 1 - Hate at First Meet
Episode 2 - Cupid's Squalling
Episode 3 - Enemyship [1/2]
Episode 3 - Enemyship [2/2]
Episode 4 - Bottoms Up! [1/2]
Episode 4 - Bottoms Up! [2/2]
Episode 5 - The Pitchfork Effect
Episode 6 - Worst-case Scenario
Episode 7 - Detention Room [1/2]
Episode 7 - Detention Room [2/2]
Episode 8 - Lit Candle in the Rain
Episode 9 - Show, Don't Tell
Episode 11 - Fake Dating
Episode 12 - Love Triangle
Episode 13 - Grumpy x Sunshine
Episode 14 - Forced Proximity
Episode 15 - Enemies to Lovers
Episode 16 - Fear Is a Liar [1/2]
Episode 16 - Fear Is a Liar [2/2]
Episode 17 - Hugs and Could'ves
Episode 18 - Out of the Blue
Episode 19 - Finding Kann [1/2]
Episode 19 - Finding Kann [2/2]
Episode 20 - What Happened Yesteryear
Epilogue - Social Butterfly Challenge
Author's Message

Episode 10 - Bare Your Heart

635 31 12
By thefakeprotagonist

KANNAGI

“Understanding naman akong tao. Pero ba’t ’di ko ma-gets ’yong d-in-iscuss kanina ng instructor namin sa Gen. Math? Huhuness,” si Aneeza, umaaktong naiiyak kahit wala namang luhang lumalabas.

Kasalukuyan kaming nandito sa Walang Pangalan Bookstore o WPBS. Kasama rin namin si Soichi na sobrang abala sa pagbabasa sa isang slasher-horror comic book na hinablot niya kani-kanina lamang. Wala namang masyadong customer dito kaya sinamahan ko na lang sila sa isang table at humalo sa kanilang usapan.

Nagpakawala ng mahinang tawa si Soichi dahil sa sinabi ni Aneeza, pero nakatutok pa rin sa comic book ang kanyang mga mata.

“Anyway, may nakita akong video clip—performance ni Bryan Chong,” pag-iiba ni Aneeza ng topic. “Ang husay niya, ’no? He deserves to win, sa true lang. Ang ganda ng version niya ng ‘Mercy’ ni Shawn Mendes.”

“Pero”—sinara ni Soichi ang binabasa niya—“iba ang nanalo. Wala ka nang magagawa ro’n. At saka, ang tagal na n’on,” pambabara nito.

“For me lang naman, e,” giit pa ni Aneeza. “Unique kasi ang boses niya, e. I like his style. ’Tapos, ang taas pa ng falsetto niya—mas mataas kaysa sa grades ko. ’Naol, ’di ba?”

“Go, Coach Aningza!” kunwari’y pagtsi-cheer ko rito.

“And then medyo nadi-disappoint talaga ako sa ilang singing competitions dito sa Pinas,” pagpapatuloy ni Aneeza sa rant niya. “Don’t get me wrong, ha, pero ano kasi . . . may kasama kasing awa factor, alam n’yo ’yon. IMO, dapat pinapanalo nila ’yong magagaling talaga. Sana, sa voice—technicality or style—sila magbe-base. Idi-disregard na sana ang estado sa buhay. Singing contest naman ’yon, ’di ba? Hindi charity work. For me lang naman.” Nagkibit-balikat siya pagkatapos.

“Ang dami mo namang alam. E ’di, ikaw na ang mag-judge next time,” pakli ni Soichi. “Sa susunod, i-vote mo na rin ang contestant na gusto mong manalo. Hindi ’yong magra-rant ka ngayon, ’di mo naman binoto ang manok mo no’ng finals.”

“Alam mo”—tinuro ko si Aneeza—“may point ka. Gusto ko rin noon manalo ’yong Mica Becerro. Game-changer kasi talaga siya. Sumali siya para maging inspirasyon sa mga kabataan na mag-explore, na ’wag mag-focus sa isang genre lang. Pero sa kasamaang-palad, karamihan sa voters ay ’di nakaa-appreciate ng opera na genre.”

“Ano ba’ng ipinaglalaban natin?” tanong ni Aneeza saka tumawa nang marahan. ’Tapos, nagdagdag pa siya ng, “Anyway, nagkasalubong pala kami ni Prim kanina sa hallway. Parang wala lang kami. Ako, ha, sa part ko, napatawad ko na siya sa ginawa niya sa ’tin noon. Though never ko siyang kinompronta. Pero parang sa loob-loob ko, need kong palayain—Char, palayain?” Humalakhak siya. “’Yon na nga, kailangan kong pakawalan ’yong galit. For me, it’s a self-care.”

“Kaya, ’wag ka nang . . .” ani Soichi at hinihintay na dugtungan ’yon ni Aneeza.

“. . . uminom!” agarang tugon ng kaibigan namin.

Pagkatapos n’on, sinauli na ni Soichi ang libro at nagpaalam na sila sa ’kin. Ide-date daw ni Soichi ang family niya sa Morlon Night Bazaar kasi minsan lang sila makapag-bonding. Samantalang nagmamadali naman si Aneeza nang tumawag ’yong tutor niya; magpapaturo daw siya sa General Mathematics. Aniya, baka maagapan pa raw ang kabobohan niya habang maaga pa.

Pagkaraan ng ilang minuto, tumunog ang chime at pumasok sa loob ng bookstore ang bago kong kaibigan na si Gemini. May ilan ding sumunod sa kanya sa pagpasok na ’di ko kilala; rerenta siguro ng mga libro ang pakay nila. Inasikaso ko muna sila bago ko in-entertain ang isa sa mga paborito kong writer sa Wattpad.

“’Musta ang buhay writer?” pambungad na tanong ko kay Gemini habang lumalapit ako sa paborito niyang puwesto—sa bandang gilid na malapit lang sa bookshelf.

Ngumuso siya. “Grateful na medyo nababanas?” agarang sagot niya. “Alam mo ’yon, nagpapasalamat ka sa mga reader kasi sinubaybayan nila ongoing stories mo, pero at the same time naiinis at nape-pressure sa ilan na humihingi agad ng updates kahit kapo-post mo lang. Like, hindi kaya tinatae ng writers ang updates. Pinagpaguran ’yon, pinag-iisipan nang maigi, at ine-edit bago i-post para mabigyan ang readers ng maayos at malinis na updates, at para na rin goods ang kanilang reading experience.”

Napalunok ako ng laway. Umupo ako sa tapat niya saka klinaro ang lalamunan—tinamaan talaga ako sa mga sinabi ni Gemini—bago ako umamin sa kanya, “Guilty ako riyan, Nayi, hehe. Ako ’yong akositinKann na minsan na ring nag-comment ng ‘update na po, author’ kahit kaa-update mo lang. Sorry, a. Ngayon, nauunawaan na kita—ang mga katulad mong writer.”

“Ayos lang, Kann,” nakangiting wika ni Gemini. “May mga writer naman na okay lang sa comment na gaya n’on. Parang ’yon pa nga ang nagsisilbi nilang fuel o inspiration para magpatuloy sa pagsusulat at makapagsulat agad ng panibagong chapter. Pero meron din namang tulad ko na nagsusulat kung kailan ko trip o kung kailan nag-uumapaw na ang creative juices.”

Bumuntonghininga ulit ako. “Sorry ulit. On behalf sa mga reader na parang nagmamadali, sorry, Nayi. Ngayon, naiintindihan ko na ang mga paghihirap ninyong mga writer. Kahit free story lang ’yong pino-post n’yo sa isang writing platform, hindi kayo binabayaran, grabe pa rin ang effort n’yo sa pag-iisip ng magagandang plot, scenes, at dialogues saka sa pag-e-edit para lang magkaro’n kami ng maayos na reading experience.” Nginitian ko siya. “And thank you na rin. Ang masasabi ko lang, magsulat ka o mag-update ka kung kailan mo gusto, hindi dahil gusto ng mga reader mo. ’Wag ka ring ma-pressure sa katulad mong writer na mabilis makapag-update. ’Ika nga, ‘Write at your own pace.’”

“Salamat, @akositinKann, a,” pasasalamat nito na may kasamang tudyo. “Pinagaan mo talaga ang loob ko. Parang nilayasan ng inis ang puso ko. At dahil diyan . . . next month na ’ko mag-a-update!”

“Hoy!” reaksyon ko. ’Tapos, agad kong binawi: “’Ge, ayos lang. Magre-read na lang ako ’pag nakalimutan ko ang takbo ng story mo.”

Pagkatapos ng aming author-reader association, iniwan ko na si Gemini kasi may binabasa pa siya. Wala akong magawa kaya napagdesisyunan ko na lang na ilabas ang naipong basura dito sa bookstore. Habang nagtatapon ako ng basura, tumuloy sa ’king pandinig ang iyak ng isang butiki.

’Di kaya . . . may masamang mangyayari sa ’kin sa araw na ’to? ’Wag naman sana. Kung ano-ano talaga ang naiisip ko. Umiling-iling ako, sinusubukang idispatsa ’yong pumasok sa isip ko.

Akmang papasok na ’ko sa loob nang may biglang sumigaw ng, “Kann? Kann!”

Dali-dali akong napalingon sa direksyon nito at nakita kong katatawid lang ni Prim sa kalsada saka papalapit na siya sa kinalulugaran ko.

Makaraan ang ilang segundo, tuluyan siyang huminto sa harapan ko. Bagama’t humahangos, nagawa niyang magbato ng tanong: “Kann, can I have a word with you? Saglit lang.”

Napalunok ako. Muntikan ko pang mabitiwan ang mga salitang Kausap mo na ’ko ngayon, pero pinigilan ko ang sarili ko na sabihin ’yon. Sa halip na Kausap mo na ’ko ngayon, nagsaboy na lang din ako ng kuwestiyon: “Bakit?”

Bumagsak ang tingin niya sa semento nang ilang sandali bago niya ibinalik ang titig sa ’kin. Parang may ineensayo siyang speech sa utak niya. “I just wanna say sorry. Kasi, pinabugbog ko kayo sa members ng Martial Arts Club. Nadala lang ako sa galit ko kay Aneeza dahil sa ginawa niya sa boyfriend ko. Nag-sorry naman siya sa ’kin noon, ayos na siguro ’yon. ’Di na namin need magkita para mag-usap.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit ako ang kinakausap mo ngayon? Si Aneeza sana ang nilapitan mo.”

Aksheli, ikaw talaga ang pakay ko.”

“B-bakit naman?”

“Because . . . gusto ko ring sabihin sa ’yo na support ko kayo ni Clyve. I’m shipping for you and Clyve—you two would make a great couple! Sana, kayo ang endgame. Fighting!” aniya at bigla na lang siyang naglakad palayo sa ’kin.

Ang random.

Napatigalgal ako habang pinoproseso ang mga salitang kumawala sa kanyang bibig. “Teka!” sigaw ko pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad. “Walang ibig sabihin ’yon, Prim!”

Nakita niya pala kami ni Clyve kagabi sa isang kainan, kaya marahil ay lumukso siya sa isang konklusyon na mag-ano kami kahit hindi naman.

Plano ko sanang pumasok ulit sa loob ng bookstore, pero may narinig akong humintong sasakyan at ang sunod na rumehistro sa ’king pandinig ay mga yabag. Lilingon na sana ako, ngunit sa kasamaang-palad, may biglang tumakip sa bibig ko. Unti-unti akong nahihilo sa amoy ng panyo; bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyang sakupin ng kadiliman ang aking paningin.

• • • • •

Nagising akong may kung anong nakatakip sa mga mata ko, dahilan para wala akong makita. Hanggang sa may narinig akong mga yabag at boses, palakas nang palakas habang palapit nang palapit.

“Ano’ng gagawin natin sa isang ’yan?”

“Alam mo naman ang dapat mong gawin. Unahin ang kidney!”

Bigla na lang akong binundol ng kaba at pangamba nang pumasok sa magkabila kong tainga ang mga katagang ’yon. At dahil wala namang nakatakip sa bunganga ko, sumigaw ako ng, “Ano’ng pinaplano n’yo? Pakawalan n’yo ’ko rito! Mga hayop kayo!”

“Shh! ’Wag kang maingay!” sita n’ong isa.

“Kami lang ’to,” dagdag naman n’ong kasama niya.

Parang pamilyar ang boses nila.

Gumalaw-galaw ako, dahilan upang lumangitngit ang upuang gawa sa kahoy na inuupuan ko. Pero mahigpit talaga ang pagkakatali nila sa ’kin sa upuan. Kalaunan ay napaubo ako dahil sa mga alikabok na sumalakay sa ’kin.

“’Wag ka nang gumawa ng ingay. ’Wag mo nang subukang tumakas. Kasi, katapusan mo na—”

“What the hell are you doing?” Isa na namang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa buong paligid. “Pakawalan n’yo nga siya!”

Tumuloy sa ’king tainga ang mga yabag na parang nagmamadaling lumabas sa lugar na ’to. Sigurado akong takot sila sa lalaking kararating lang.

Hindi nagtagal ay rinig kong huminto ang lalaki sa harapan ko at bumuntonghininga. Dahan-dahan nitong kinalas ang pagkakatali ng kamay ko sa upuan. Ramdam na ramdam ko ang ingat sa mga kamay niya; parang sinisigurado niyang ’di ako masasaktan. ’Tapos n’on ay maingat niyang inalis ang piring.

Pagkatanggal niya sa piring, dali-dali akong napapikit kasi panandalian akong inatake ng liwanag na nagmumula sa nag-iisang bumbilya sa silid na aming kinaroroonan. Ilang segundong nakasara ang mga mata ko bago ako tuluyang makapag-adjust.

Doon ay tuluyan na ring nagkatagpo ang mga mata namin ng lalaking tumulong sa ’kin—walang iba kun’di si Clyvedon.

Sa di-inaasahang pagkakataon ay bigla na lang niya ’kong ikinulong sa mga braso niya, senyales na nag-aalala siya sa ’kin nang sobra. ’Yong uri ng yakap na parang wala na siyang balak na pakawalan ako.

Naguluhan ako sa ginawa niya, na may kasamang gulat, at idagdag pa ang biglaang pagtalon ng puso ko sa di-malamang dahilan. Sa isip ko, gustong-gusto ko siyang itulak palayo, pero parang binigyan siya ng puso ko ng karapatan kung kailan siya kakalas sa pagkakayakap sa ’kin. Hanggang sa unti-unti kong iniangat ang aking mga kamay at huminto ito sa kanyang likod at balikat.

Sa ilalim ng puting ilaw, may dalawang Romeong nagyayakapan.

Matapos ang ilang minuto ay tuluyan na siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa ’kin. Inilayo niya nang kaunti ang mukha niya, subalit nanatili pa rin siyang nakaluhod sa maalikabok na sahig. Napansin kong napakuyom siya ng palad sabay iwas ng tingin. Nagtaas-baba rin ang Adam’s apple niya ’tapos sunod-sunod ang pagbuga ng hangin. Parang may gusto siyang sabihin sa ’kin ngunit ’di niya alam kung saan magsisimula o ’di kaya’y nag-iipon pa siya ng lakas ng loob.

“Pasensiya ka na sa mga kaibigan ko, a,” umpisa niya. Ibinalik na rin niya ang titig sa ’kin. Dahil mainit dito sa loob ng kuwartong walang kagamit-gamit, namataan ko ang butil ng pawis na dumaloy sa kanyang sentido.

Sabi na, e. Pamilyar din ang mga ’yon. Sina Beast Mond at Lukecifer pala. Pero . . . si Beast Mond, takot kay Clyve?

“Bakit nila ginawa sa ’kin ’to? Ano’ng trip n’yo, ha?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

“D-dahil . . . gusto nila akong umamin,” nauutal na sagot ni Clyve. “I don’t wanna be your enemy anymore, Kann—”

“Ano’ng klaseng kaaway ang ’laging tumutulong sa ’kin sa tuwing nasa peligro ang buhay ko? Ano’ng klaseng kaaway ang kinagawian nang mag-alala sa ’kin? Tuloy, kahit saan ako lilingon, mukha mo na ang nakikita ko. Ikaw na parati ang nasa isip ko dahil sa mga ginagawa mo. No’ng para na ’kong kandilang may sindi na muntikan nang mapuksa sa gitna ng ulan, dumating ka at pinasilong mo ’ko sa dala mong payong.” Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko, pero parang ang sarap sa pakiramdam na ipaalam sa isang tao ang matagal mo nang gustong sabihin o itanong. “Clyve, ano ba ’ko sa ’yo?”

Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi—parang nakahinga siya nang maluwag—at saka niya sinabing, “’Di tayo papasa bilang magkaaway. Tagilid din tayo sa pagiging magkaibigan. Puwede bang”—napalunok siya ng laway—“puwede bang higit na lang do’n?”

Pagkatapos n’on ay dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko, hanggang sa gahibla na lang ang agwat ng mga labi namin. Natuod ako sa kinauupuan ko nang tuluyang dumampi ang malambot niyang labi sa akin. Parang mali pero hinayaan kong mangyari. Parang bawal subalit ginusto kong lumabag. Hanggang sa ipinuwesto ko ang magkabila kong kamay sa likuran ng kanyang ulo at batok ’tapos napagpasyahan kong gumanti ng halik.

Continue Reading

You'll Also Like

1K 15 1
Keith Michael Angeles and Harry de Jesus are friends ever since they are a kid. They grew up so close to each other despite their differences in so m...
38.4K 2.4K 22
[ Iskwala Series #1 ] Intrigued by the unknown and driven by curiosity, Damian Villados was a man of exploration, always eager to dive headfirst into...