Rhythm Of Her Emotions: Poems...

By ScarletVidia

4.8K 90 17

As she sat at her table Her imaginations enable Her computer, pens, and a notebook Comforts her, like the m... More

AUTHOR'S NOTE
TAGU-TAGUAN
PARA KAY NANAY AT TATAY
LARAWANG KUPAS
KAIBIGAN
HAROT
THE FLOOD
INANG KALIKASAN

"KAMUSTA KA NA?"

116 4 0
By ScarletVidia

(NOTE: Please don't steal this poem I just made kasi ito po ang gagamitin namin ng aking partner for our performance task in Filipino tomorrow. I'll edit this once we've finished performing this, upang i-grant ko sainyo ang permission na gamitin ito. THANK YOU!) 



KAMUSTA KA NA?


Kamusta ka na? Congrats dahil sa wakas naka-graduate na tayo ng hayskul

At mga importanteng bagay na rin ang ating hinahabol

Sana naalala mo pa rin ako, pati na rin ang mga pinagdaanan nating dalawa

At huwag mo sanang kalimutan ang matatamis nating mga ala-ala


Kamusta ka na? Ang tagal na diba? Noong huli tayong nagkita

Ngunit, ang pinakahuli at pinakamasakit nating pagkikita

Sa araw na 'yon sinabi mong "pagod na akong mahalin ka, tama na"

Tama, hindi na maibabalik pa ang dating pag-ibig na mayroon tayong dalawa


Kamusta ka na? Balita ko may bago kana raw

Siya'y mabait, maganda, matalino, at palagi mong hinihiling

Siya'y kagaya rin ng isang bulaklak, isang bituin na sa wakas iyong narating

Iyong bagong tahana't mundo, iyong buwan at araw


Kamusta ka na? Sana natandaan mo pa rin ang ating mga pangako

Akala ko, sabay-sabay nating tuparin ang mga iyon

Pero, tingnan mo kung anong nangyari? Iyon ay napako

Natatawa ako, ilusyon lang pala 'yon, at sa iba kana nakipagrelasyon


Kahit masakit, umaasa't nagbabasakaling baka bumalik ka sa akin

Pero malabo nang mangyari 'yon, tiyak puso ko'y iyong wawasakin

Sawa na rin akong pakinggan sa mga salita mong puro kasinungalingan

Lumalamig na ang ating pagmamahalan, hindi na rin tayo nagkakaintindihan


Hindi ko inaasahang ang noo'y matamis nating ngiti

Ay hindi rin inaasahang matatapos sa isang hikbi

Oo, minahal kita ng husto't walang pagsisisi

Pero iniwan mo akong nakalutang sa ere ng walang sabi


Sana ika'y maayos na nagpaalam

Kahit ako'y iyong naiwan, ay klaro't mayroon sana akong alam

At sa lahat ng mga salitang ating binigkas

Ay mayroong malungkot na wagas


At nang nakita ko na ulit ikaw at ang matamis mong ngiti

Tanggap ko nang hindi na 'yon para sa akin, di ba naman?

Para na 'yon sa tinatanggi mo't pinili

Para na sa babaeng iyong ipinaglaban


At noong dahan-dahan na siyang lumalapit sa'yo sa ating tagpuan

Hindi na maalis-alis ang iyong titig sa iyong kasintahan

Nang kayo'y magkalapit na, kamay niya'y iyong hinahawakan

Pinalaya na natin ang isa't isa, kupas na ang ating nakasanayan


Ayos lang ako rito na minamasdan ka, pinipilit ko pa rin ang sarili kong sumaya

Masaya ako dahil binuo't inayos kita, kahit ako'y iyong sinisira

Masaya ako dahil binuo kita, ngunit ika'y itinadhana sa iba

Masaya ako dahil ipinagtagpo kayo ng Mahal nating si Bathala


Bago ako lumisan sa ating bayan

Sapagkat mag-aaral na ako sa ibang paaralan

Ay binisita ko pa rin ang ating tagpuan

At sa mga oras na iyon, ay nakita kita kasama ang iyong kasintahan


Tunay nga siyang diwata o kabilang sa mga tala

Ingatan niyo sana ang isa't isa dahil parehas kayong kayamanan

Ipinakilala mo ako sa kaniya ngunit tawag mo na sa akin ay "kaibigan"

Umalis muna siya saglit at binigyan tayo ng oras para makipag-usap ng walang alinlangan


"Ikaw, kamusta kana?" ang naging tanong mo sa akin

Huminga ako ng malalim pinipigilang hindi maging iyakin

"Ayos lang ako" ang tanging sagot ko

"Salamat sa lahat, sana mapatawad mo ako" ang sinabi mo sa akin


"Matagal na kitang pinatawad, huwag ka nang mag-alala pa..."

"Dahil mahal kita sobra, ngunit matagal na kitang pinalaya"

Sabay kaming ngumiti

Nawala na ang bigat sa aking puso, ito ang pagwawakas na matagal ko nang minimithi


Dumating na ang babaeng mahal niya

Nagpaalam na silang dalawa, at masayang nagpasyal

Para makabuo pa sila ng mga ala-ala na espesyal

Na katumbas sa mga magagandang selestiyal


Maraming nagsabi sa'kin, nakilala ko ang maling tao sa maling panahon

Pero sa'kin, siya ang tamang tao na saktan ako

Siya ang tamang tao na nakapagbago, na sa akin ay inaahon

Lahat ay may dahilan, lahat ng mga sakit ay tanging temporaryo


"Ikaw, kamusta kana?"


ScarletVidia

2023

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 116 18
Photo Of You [Re-Publish] Description Under-editing..
8.4K 471 16
الـكاتـبه نـاديـن
14.1K 777 15
Virat: mahi... Please Mahi: cheeku
26K 863 46
Status: COMPLETED || UNEDITED SORRY FOR ALL THE ERRORS AHEAD Would it ever be possible for two unexpected people to fall in love with each other? All...