SILAKBO

By starjeizing

45.8K 2K 3K

A sudden outbreak of a zombie disease astounded the people in Tierra del Sol. It was the last thing they expe... More

Note
Sypnosis
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
09
10
11
12

08

807 37 6
By starjeizing

Chapter 8: Silhouette

Devion Cardinal.

Nakatingin lang ako kay Haji nang ipakita niya ang kagat sa kamay niya. Sari-saring senaryo ang pumapasok sa isip ko. Hindi ako makapag-isip nang matino. Nanatiling tahimik ang paligid. No one dared to speak.

Naya took a step back, staring at Haji's wound. Maging sina Monica ay bakas ang pagkagulat sa mukha. It was heartbreaking. Pakiramdam ko'y ano mang oras ay kailangan na namin magdesisyon. I couldn't think properly.

Hinang-hina si Haji habang nakahawak sa tyan niya. He looks like he's in pain. Pinipilit kong huwag tumingin sa kanya dahil nasasaktan lang ako. Hindi ko kayang makitang may isa kaming kaibigan na nagkakaganito.

Before we could even say a word, Sally pointed her weapon at Haji.

"Infected na siya. We have to kill him," bakas ang takot sa boses niya.

"No. Walang papatayin," it was Monica who answered.

"Huh? He's infected! Kailangan na natin agapan bago pa man niya tayo patayin dito isa-isa!" Sally hissed.

"H-Hindi..." Naya's voice broke. "Haji, h-hindi 'yan kagat 'di ba? S-Sabihin mo sa'ming sa ibang b-bagay mo 'yan nakuha..."

My chest started to feel heavy. Ayoko ring may isang mamatay sa'min. Nangako ako sa sarili ko na kumpleto kaming lalabas sa siyudad na 'to. I hate to admit but at some point, Sally was right. Kung hindi namin aagapan, kami naman ang mamamatay dito. Mas maraming buhay ang mapapahamak.

"A-Ayos lang... Tatanggapin ko ang desisyon niyo," mahinang sagot ni Haji.

Walang nakapagsalita sa amin. Pare-parehas na hindi alam kung ano ang gagawin.

"Haji..." Naya cried.

"I-Iwan niyo na ako d-dito," sabi ni Haji. He even gave us a reassuring smile.

"No, Haji. Walang maiiwan," umiiling na sabi ni Jace.

I can hear Haji's sobs. Kitang-kita ko kung paano siya nahihirapan sa sakit, physically and emotionally.

"Jace, infected n-na ako..."

"No..." Naya sobbed.

Mas lalo akong nasaktan. Gusto kong maniwala na panaginip lang lahat 'to. Na hindi totoo kung ano man ang nangyayari ngayon. But the pain inside my chest is already enough for me to realize that everything is real.

"Ano pang hinihintay natin? Barilin niyo na siya! B-Baka p-patayin niya tayo!" nagpapanic na sigaw ni Sally.

Monica didn't say a word but when she looked at them, I know she was glaring. Bigla kasing natahimik si Sally. Her friend, Dahlia, immediately tried to stop her from shouting unnecessary things.

"Sandali..." Unti-unting lumapit si Atreus kay Haji. "Pwede ko bang tignan ang kamay mo?"

Napatitig lang sa kanya ang kaibigan namin. When he realized what he was trying to do, lumayo pa siya rito upang masiguradong hindi niya masasaktan si Tres.

"H-Huwag kang lumapit sa'kin. Delikado..." mahina ang boses na sambit ni Haji.

"Titignan ko lang ang sugat mo. Parang may mali, e," sagot ni Atreus.

Haji lifted his wounded hand and showed it to Atreus. Hindi rin nagdalawang isip ang huli na hawakan ang kamay ni Haji upang mas makita nang ayos ang sugat. My heart was racing. I don't know why but I'm hoping for something.

"Ilang oras na 'to?" tanong niya kay Haji.

"T-Thirty minutes ago?"

Atreus clicked his tongue. "I don't know how to explain this pero base sa mga nakita at naobserbahan ko nitong mga nakaraang araw, dalawang minuto lang ang nakakalipas bago kumalat ang virus."

My brows furrowed. Hope is starting to grow inside me. Thirty minutes na ang nakalipas simula nang makagay si Haji.

"What do you mean?" tanong ni Monica.

"Kakasabi ko lang I don't know how to explain, eh." Atreus scratched the back of his head while smiling awkwardly. "Si Nixon na lang siguro ang tanungin niyo. Baka maintindihan niyo kapag sa kanya galing. Dalhin na lang din natin siya pabalik sa gusali para maeksamina."

I heaved a sigh.

"H-Hindi niyo ako p-pwedeng isama... D-Delikado kayo sa'kin..." nanginginig na sabi ni Haji. Kitang-kita ang takot sa mga mata niya. It breaks my heart seeing him like this. Paniguradong he feels the worst right now lalo pa't wala si Sandra sa tabi niya.

"Siraulo ka ba? Hindi ka namin iiwan!" umiiyak na rin ngayon si Jace.

"Sabihan mo na lang kami kapag iba na ang nararamdaman mo," ani Monica.

"A-Ayokong mapahamak kayo..." dumaing ulit si Haji sa kirot ng tyan niya. He slowly stand up and handed us his weapon. "I-If something happens, barilin niyo na a-ako."

Everyone went silent for a few seconds hanggang sa magsalita ulit si Sally.

"Are you guys serious? Isasama niyo ang infected?" tanong ni Sally.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. I understand her point. Pero we can't just ignore the fact that there is something weird happening to Haji. Unlike every other zombies, thirty minutes na ang nakalipas mula noong nakagat siya pero wala pa ring nangyayari. There must be an explanation to this.

"Hindi pa siya nagiging zombie, Sally. Hangga't hindi nangyayari 'yon, hindi natin siya iiwan," sagot ko.

She scoffed, "Fine. Sana hindi niyo 'yan pagsisihan."

"Sally..." pagsaway ni Dahlia sa kaibigan.

"Tama na 'yan," Atreus sighed. Lumapit siya kay Haji. "Tara na, pre."

Inakay ni Atreus ang kaibigan namin. Kami naman ay tumingin sa paligid para masiguradong walang susugod sa amin. Until my eyes met a pair of white eyes. Matalim ang titig niya sa amin. Siya rin 'yung nakita ko noong makilala namin ang grupo nila Lili. Base sa itsura niya, alam kong infected siya. Pero ang ipinagtataka ko, bakit hindi niya kami inaatake?

He's just... observing us. Mukhang sinasaulo niya ang bawat galaw namin at naghihintay ng tamang tyempo para umatake.

Is he an all-rounder?

Shivers went down my spine. I tried to look away. Mukhang malabo na may gawin siya ngayon. Malayo siya sa amin. Kung sakaling bigla siyang sumugod, maririnig namin ang yabag ng mga paa niya.

Nagpanggap akong walang nakikita. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglakakad. And just when we're about to leave the playground, namataan ko ang lima o anim na zombie sa hindi kalayuan. Humigpit ang hawak ko sa baril. Hindi pa nila kami nakikita dahil nasa madilim na parte kami ng playground.

Muli akong lumingon sa direksyon noong creepy na zombie na nasa likod ng puno. Wala na siya roon.

"S-Sabi ko sainyo... i-iwan niyo na ako d-dito. T-Tumakas na kayo," mahinang sabi ni Haji.

"Shh! Ano ba, Haji?! Hindi ka nga namin iiwan!" Naya hissed.

"Huwag kayong maingay. Paubos na ang bala ng baril natin. Paniguradong kapag pinatulan pa natin 'yan, lalo lang silang dadami," bulong ni Atreus.

"Anong gagawin natin?" tanong ko.

He smirked.

"Tatakas."

"Huh? Paano?" naguguluhang tanong ni Jace.

Base sa nakikita ko, wala kaming madadaanan. Kung tutuloy kami sa paglalakad, makikita kami ng mga infected dahil sa kumukurap na streetlight. Lumingon din si Atreus sa paligid, mukhang iniisip din kung paano kami makakaalis dito nang hindi kinakailangan na makipaglaban sa mga zombies.

"Nakikita niyo ba 'yang building na 'yan?" Itinuro niya ang abandonadong building.

"Tangina naman, Tres. Malabo ang mata ko," mangiyak-ngiyak na sambit ni Jace. Nagpapanic na rin siya sa mga nangyayari.

"Mauna na kayong pumasok diyan. Pangunahan mo, Devi."

Kumunot ang noo ko. Paano kami makakaalis sa play ground kung papasok kami sa loob ng gusali? Hindi namin sigurado ang kung anong meron sa loob noon. We don't even know if it's safe to go inside.

"Huh?"

"Lumabas kayo sa fire exit ng building na 'yan. Magpapahuli na ako para siguradong makatakas kayo," sagot niya.

Natigilan ako sa narinig. Alam kong kaya kong kaya niyang protektahan ang sarili. Pero hindi ko alam kung kakayanin ko bang gabayan ang mga kasama sa loob. Then, Atreus reached for my hand and smiled.

"I trust you, Dev."

Mas lalo akong natigilan sa sinabi niya. Ilang araw pa lang kaming nagkakilala pero ang laki na agad ng tiwala niya sa'kin. Plus the fact na palagi niya kaming inuuna tulad na lamang noong kanina.

"Sumunod ka sa amin sa loob, ha? Babalik ako kapag hindi ka sumunod sa'min," sabi ko.

He chortled before nodding. "Kapag hindi ako bumalik within fifteen minutes, balikan mo ako."

Tumango ako sa kanya bago nagtungo papasok sa gusali. Inakay ni Naya at Jace si Haji, kami naman ni Monica ang nangunguna, at sila Sally ang nahuhuli. It's good thing that we have Monica beside us. Idagdag pa ang mga bago naming kasamahan na mukhang mapapagkatiwalaan.

I was contemplating kung papasok ako sa loob o sasamahan si Atreus sa labas.  We have Dahlia, Sally, and Monica. Sigurado akong kaya nilang lumabas ng gusali kahit wala ako. Pero pumasok sa isip ko ang sinabi ni Tres kanina. May tiwala siya sa'kin kaya dapat pagkatiwalaan ko rin siya.

We went inside. Silence and darkness welcomed us. Halos mga yabag lang ng mga paa namin ang maririnig.

"A-Ang dilim..." bulong ni Naya.

"Hindi ba tayo pwedeng mag-flashlight?" tanong ni Jace.

"Hindi pwede. Baka mas lalong habulin tayo dito sa loob," Sally answered at the back.

Nagpatuloy kami sa paghahanap ng fire exit. Halos mangapa kami sa dilim dahil wala talaga kaming makitang kahit na ano. Kung hindi lang tumatagos ang ilaw ng buwan sa bintana, talagang hindi kami makakausad.

Maya-maya pa'y narinig namin ang daing ni Haji.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaibigan.

"Umiikot n-na ang p-paningin ko."

Napatigil kami.
ng
"See? He's turning into a zombie! We agreed about this, Devion. Shoot him!" Sally said hysterically.

"Sally..." pagpigil sa kanya ni Dahlia.

"Can you please shut up?! Kanina ka pa!" inis na sambit ni Naya.

"Natatakot lang kayong patayin siya dahil kaibigan niyo siya!" she shouted. Napapapikit na lang ako nang mariin dahil sa lakas ng boses niya.

Imbis na makinig sa pag-aaway nila, pumunit ako ng tela sa damit ko saka naglakad patungo sa direksyon ni Haji. Siguro'y dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya kaya siya nahihilo. May sugat siya sa tiyan, mukhang tinamaan ng matalim na bagay.

"Hindi ko alam kung makakatulong 'to pero kaunting tiis na lang Haji. Magagamot ka rin ni Nixon," ani ko.

Matapos itali ang tela sa tyan niya, nagsimula na ulit kaming maglakad. At sa 'di kalayuan, namataan ko na ang fire exit pero may nakaharang na kahoy doon. Mukhang sinadyang ipako sa pinto.

"Tangina..."

Napamura ako nang malutong nang makakita ng bulto ng katawan na nakatayo malapit sa fire exit. All I can see is his silhouette. He's just standing there without any movement. I don't know if zombies know how to sleep pero mukhang 'yon ang ginagawa niya ngayon.

"Looks like he's sleeping. Huwag na natin gambalain," Jace whispered. "Para hindi na rin natin kailangan tumakbo. We need to guide Haji."

"See?! Mahihirapan pa tayo! Magiging zombie rin naman 'yang si Haji—" pagrereklamo ni Sally na agad naming pinutol.

"Shh!"

But it's too late. We heard a groan from the infected infront. Unti-unti siyang lumingon sa amin. Nakalaylay ang isa niyang mata sa pisngi at wakwak ang bibig. There are traces of dried blood on his mouth.

When the zombie groaned even louder, I knew we fucked up.

Shit.

Continue Reading

You'll Also Like

10.7K 448 8
Leo receives the news, "You only have few months to live." In order to escape from the reality that is bound to haunt him soon, he decides to take th...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
363 48 4
Hindi na mabilang ang beses na humiling akong kahit isang pagkakataon lang ay makatakasan ko muna ang reyalidad. Malayo sa mga responsibilidad na may...