SWEETHEART 12: Charles' Angel

By AgaOdilag

112K 2.1K 150

Cats and dogs. Iyon ang tulad nina Charles at Angeli. Kailanman ay hindi na yata sila magkakasundo pa. Not un... More

First Page
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 17

4.5K 87 5
By AgaOdilag

"HELL0, Tita Veron.." He smiled at her mother.
A genuine smile. Then reached for Veronica's hand and squeezed it. Then his eyes moved to Anne. "How are you, Anne?"

"It's wonderful to see you again, Charles," si
Veronica.

"Alam mong nasa crowd kami!" excited na
bulalas ni Anne. "You've recognized us, Charles! Hindi mo kami nakalimutan. Oh, I can't believe it!"

Siniko ni Angeli ang kaibigan na tila teenager
na gustong mag-swoon. Charles laughed huskily.

Si Angeli na unti-unting nakaka-recover sa
pagkamangha sa muli nilang pagkikita ay hindi
maiwasang suriin nang may pananabik ang kaharap.

Nine years had wrought a few subtle changes.
He still had that rugged face, the devil-may-care smile. There were few lines of stress in the corners of his eyes. His shoulders broader and he looked incredibly fit. Ang walang-manggas nitong navy blue cotton shirt, had accentuated his sineway forearms.

"I've searched for you among the crowd from
the back stage. I won't believe for one minute you wouldn't be at the concert if only out of curiosity," he said, ang mga mata nito ay itinuon kay Angeli na nanatiling walang-kibo.

"Oh, gosh, Charles," patuloy ni Anne. "Bago
ka bumalik sa ibang bansa ay magpakuha tayo ng picture, ha? Maiinggit sa akin ang mga co-teachers ko.. I could even sell your photographs! It's good business," pabirong dugtong nito at nagtawanan ang lahat maliban kay Angeli na tiningnan nang masama ang kaibigan.

"Tita Veron, is it okay if I stay in your house, at
least, for tonight?" Charles asked.

Pumuno sa van ang malakas at hindi mapigil na pagsinghap ni Angeli. Sandali siyang sinulyapan ni Charles pero muli nitong ibinalik ang pansin sa mommy niya.

"Tomorrow, my agent here in the Philippines
WIill find us a place to stay. Darating bukas ng umaga ang Papa mula sa Maynila kasama ang-"

"You can stay in your old room, Charles,"
mabilis na sabi ni Veronica. There's no need for
you to find a place to stay. Maliban ang bakanteng dalawang silid sa itaas ay hindi komportable sa inyo. Ang dating silid mo at isang guest room sa harap ng silid ni Angeli."

Isang nagpapasalamat na ngiti ang binitiwan ni Charles."Thank you, Tita Veron. Gusto ng Papa na manatili kami rito sa San lgnacio sa loob ng ilang araw. In fact, gusto kayong makita at makausap ng Papa. Para pasalamatan kayo sa pagkupkop ninyo sa akin. And he was so sorry he hadn't been able to come when Angeli's father died many years ago."

"Oh, it's a long long time ago, Charles,"
Veronica said softly. "But of course, I'd be more
than happy to see Marcus again."

"Do you know what you are saying?" Sa kauna-
unahang pagkakataon ay nagsalita si Angeli. Her voice croaked. "Susundan ka ng mga tao saan ka man magpunta!"

"I'll try not to be visible. Besides, kung
malalaman man nilang narito ako, sa una lang ang excitement, Angel.." He used her childhood name for her at may kumislot na kung ano sa dibdib ni Angeli. "Magsasawa rin ang mga iyan sa sandaling araw-araw nila akong makikita rito."

"The townpeople's half of the problem,"
patuloy niya. "You'll find the press everywhere
and-" Nilinga niya ang ina "-Mom, you won t
have any peace at all. Lahat ng mga kakilala at
kaibigan ninyo ay darating sa bahay. Papaligiran kayo ng media..." There was almost a hint of panic in her voice.

Hindi niya gustong manatili sa kanila nang matagal si Charles at ang ama nito. Gayundin ang ang asawa 't anak nitong natitiyak niyang nasa hotel sa Maynila at kasamang darating bukas.

Charles and his wife and son in her mother's
house! Lord, she wouldn't be able to cope. May
hangganan ang pagkukunwaring kaya niyang ibigay at ipakita na hindi siya naapektuhan. She would sOon suffer a breakdown.

"Angeli, I don't really mind!" ani Veronica. "It
isn't everyday that you would have a celebrity guest in your house. Heaven's sake, Charles Montalban for that matter!"

"Oo nga naman, Angeli," segunda ni Anne.
"Friends would die of envy."

Angeli's heart sank. Natitiyak niyang hindi
niya kayang baguhin ang desisyon ng ina. Tuladndin noon.

Charles eyes were cold and quizzical as he
turned to her. "My men will handle the paparazzi, Angel. You don't have to worry. Hindi nila malalamang sa inyo ako nakatira. Bago pa nila matuklasan iyon ay paalis na kaming mag-anak."

Pagkatapos ay nilinga nito ang isang lalaki sa
likod na noon lamang napansin ni Angeli. Charles talked to him in Spanish. Pagkuwa'y tumayo ito at lumakad patungo sa pinto ng van.

Sinundan ito ni Angeli ng tingin. Kasinlaki at
kasintaas ito ni Charles. Ang suot nito ay kahawig din ng suot ni Charles. Nakayuko ito as he went out of the van. Lima o anim na lalaki ang sumalubong dito. They surrounded him as if to protect him and ushered him towards the helicopter. Gayong ang totoo ay pinaligiran ng mga ito ang lalaki upang huwag mapuna na hindi ito si Charles Montalban.

At tulad ng inaasahan, ang media ay halos
magtakbuhan patungo sa chopper kasunod nito.

"W-what's going on?" Anne asked.

"He will board the chopper. lisipin nilang ako
iyon. Sa iilang ilaw na natitira sa paligid at sa
malalayong poste pa, hindi nila ako makikilala,"
amused na sagot ni Charles. Na para bang ang
lahat ay isang nakakatuwang laro. Pagkatapos ay tumunghay ito sa driver ng van at itinuro ang daan patungo sa bahay nina Angeli.

"Tatlo itong van na magkakamukha," he
informed them. "May iba pang sasakyan na magko-convoy sa atin at natitiyak kung mahihirapan silang tukuyin kung saan talaga ako nakasakay. Two of the vans will proceed to Trinidad Hotel where my entourage are staying."

Tahimik na isinandal ni Angeli ang katawan
habang unti-unting lumalabas ng SIC premises
ang van. Kasabay niyon ay natanaw niya mula sa tinted glass ang ilang sasakyang nagsimula na ring umusad. Sa gate ng SiC, four motorcycled patrol convoyed the van ahead of them.

So ito ang buhay ng isang celebrity. Angel
shook her head inwardly. She didn't think she could cope this kind of life.

But fame and wealth always had its price.

SI ANNE ay sa kanila na pinatuloy ng mommy niya upang doon magpaumaga at ibinigay rito ang guest room sa itaas. Pagdating sa kanila ay dere-deretso sa hagdan si Angeli habang sina Ann at Veronica ay kausap pa si Charles sa ibaba, catching up good old days.

Si Lupe at Diding ay excited na kinuha mula
sa assistant ni Charles ang maleta nito. Nalingonan niyang binati at niyakap ni Charles si Lupe, ganoon din si Diding who almost shrieked with delight.

Pagdating sa itaas ay gasino na siyang nagpalit ng pantulog at humiga. Tila mabibiyak ang ulo niya sa sakit habang nakatitig sa kisame. Bakit kailangan nitong sa kanila makipanuluyan? He could have boarded that chopper back to Manila and to the five-Star hotel where he was billeted at makakapamili ng de-klaseng tourist spot sa buong Pilipinas.

She sighed. Ang maipagmamalaki lang ng
San Ignacio ay ang malinis at magagandang dark beaches at ang hile-hilerang orchard na pag-aari ng .ayayaman sa bayan nila.

Alam ni Charles iyon. So why did he have to
come here? This place held no special memories. He wasn't even born here.

He was just nostalgic. lyon ang dahilan kung
bakit pinili nitong sa kanila makipanuluyan at
ipasyal ang ama sa magagandang lugar sa San
Ignacio at sa karatig-pook.

At tumatanaw ng utang-na-loob ang papa ni
Charles. Mula nang "ikasal sila ni Charles ay
nagbalik lamang si Fernie upang asikasuhin ang pagbibili ng bahay sa kabila. Bahagya na itong nagtanong sa kanila ng mommy niya tungkol kay Charles. She shrugged her shoulders when Veronica had informed her that Charles had left to join his father in Las Vegas.

Mula noon ay wala na silang nabalitaan sa
mama ni Charles. Kahit sa mga interview at writeup nito ay walang nababanggit tungkol kay Fernie.

Thirty minutes later ay naririnig niya sa labas ng silid ang tinig ng ina habang inihahatid si Charles sa dati nitong silid. Itinuon niya ang paningin sa pinto ng banyo, tiniyak na naka-lock iyon. It was silly or her. Hindi siya papasukin ni Charles sa silid niya.

Sa status nito, he could have the most beautiul
woman in the world without lifting a finger. Not to mention the fact that he was married to a stunning Woman.

That thought multiplied the sadness and pain in her heart. Then she sterned herself. Ang nakalip ay nakalipas na, gaano man iyon kasakit.

Now that she had came face to face with her
past, kailangan na niyang iwan iyon at harapl
nang malaya ang hinaharap. She would find a nice man and marry him and give her mother her most desired grandchildren.

Muling natuon sa pinto ang mga mata niya nang marinig ang muling pagbaba ng ina at pagkatapos ay ang mahinang kilos at galaw sa kabilang silid. Ilang sandali pa y narinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo sa kabila at pagkatapos ay ang lagaslas ng tubig sa shower.

Hanggang sa ilang sandali pa ay tahimik na sa
kabilang silid. Alas-tres na ng madaling-araw ay nanatiling gising si Angeli. Ano mang pilit niyang pikit ang mga mata at matulog ay hindi pa rin siya dalawin ng antok.

Kung gusto niyang humarap sa panauhin nila
Dukas nang hindi nangangalumata ay kailangan niyang humabol ng tulog.

She desperately started counting sheeps.

WHEN ANGELI finally awoke next morning it was fiflteen minutes past eleven. At may pakiramdam siyang ilang minuto lang ang itinulog niya. Namamanaag na ang araw sa kabila ng mga bundok hang makatulog siya

Tumayo siya upang pumasok sa banyo, pagkuwa'y napahinto. Pinakiramdaman kung may gumagamit. At nang matiyak na walang tao sa loob ng banyo ay pumasok.

A certain déjà vu filled her as she saw his white
cotton undies on the tiled floor. Sa vanity counter ay ang toothbrush nito at ang toothpaste niya pressed in the middle of the tube. His shaver and aftershave cologne were there too.

Alam niya ring ginamit nito ang sabon at
shampoo niya. Nakikita niya ang botelya ng
shampoo niya sa caddy, bukas ang cap at nakatumba at tumutulo ang laman.

She smiled despite herself. Old habits die hard.
World renown celebrity or not.

Charles bathroom door was opened. At nata-
tanaw ni Angeli ang nakakalat na basang tuwalya sa sahig. Natitiyak niyang wala na sa silid nito si Charles

Curiosity won. Pumasok siya sa silid nito.

Nakita niya ang magulong higaan. Sa pagkakatitig Sa higaan ay malayang dumaloy ang mga alaala. She had her first kiss in that bed... agad niyang nilagyan ng renda ang tinatakbo ng isip. Walang dahilan upang balikan ang mga alaala.

She was about to go back to the bathroom when she heard laughter.

Hagikgik ng bata ang narinig niya. Galing iy
sa tree house. Lumakad siya patungo sa bintatd nanungaw. Mula roon ay natanaw niya sa tree house si Charles na itinataas sa sanga ng punong-mangga ang isang batang lalaki na nagtititili sa pinagsamang tuwa at takot.

His son.

At bago niya makuhang makaalis sa pagka-panungaw ay lumingon si Charles. For a few moments their eyes met. Siya ang unang umiwas.  Agad siyang tumalikod at pumasok na sa banyo.

She took a fast shower. Pagkatapos ay nagmamadaling nagbihis. Jeans and T-shirt. Pagkapananghalian ay magpapaalam na siya sa ina na babalik na ng Maynila. She couldn't stay in one house with Charles and his family. She wasn't a masochist.

Isa pa, hindi naman niya planong magtagal sa San Ignacio. Mayroon siyang negosyong pinamamahalaan. Alam ng mommy niya iyon.

Nasa ibaba na siya ng hagdan nang matanaw
ang isang pamilyar na lalaki. Dark, handsome, and bearded. In his mid-fifties. Nasa unang taon siya sa high school nang huli niya itong makita. Sa tapatnto sa pang-isahang sofa ay isang magandang babae ang kausap ng mommy niya.

"So this is Angeli!" ang matandang lalaki nang
matanaw siya, a warm smile spread on his lips.

"H-hello, Tito Marcus," bati niya. Pinilit niya
Sariling ngumiti at lumakad patungo sa sala:
"It's been a long long time..."

Tumayo si Marcus at sinalubong siya. Isangyakap ang ibinigay sa kanya at hinagkan siya sa
pisngi. "It is indeed, hija. And how pretty you have grown, little one."

"At hindi kayo tumatanda, Tito Marcus," aniya.
Ang mga mata niya ay hindi maiwasang hindi
maituon sa babaeng kausap ni Veronica.

"Life has been good to me, Angeli." Nilingon
nito ang babaeng kausap ng mommy niya na
nakatingala sa kanilang dalawa. I want you to meet Maria Consuelo, hija..."

Isang mainit at palakaibigang ngiti ang
pinakawalan ng babae. Tumayo at mahigpit siyang kinamayan. "It is a pleasure meeting you," wika nito sa accented English. "T've heard a lot of things about you from Charles.."

"I could guess not all of them are desirable,"
nakangiting sabi niya.

"Wrong, Angel," ang tinig mula sa likod. "I
don't talk ill with women."

Lumingon siya. Sa tabi ni Charles ay ang anim
na taong gulang na batang lalaki. His spitting image. Sinikap niyang isiksik sa sulok ng puso niya ang hapding nararamdaman.

"He lies a lot," wika ni Maria Consuelo at
masuyong sinulyapan si Charles. "When he said you have the prettiest smile in the whole world I didn't believe him. Perhaps I am jealous..." She gave a soft and musical laugh and Angeli wished she could laugh the way she did. And talked the way she talked. Her Spanish accent was endearing.

Nagpatuloy ito habang humahakbang palapit
sa dalawa. "I want my boys to think I am the
prettiest.." She used the word "my" possessively. Pagkuwa'y nilingon siAngeli. "But seeing you now, I am not sure anymore."

It was impossible not to like the woman.
Her smile and warmth were genuine. Nakikita at nararamdaman niya iyon. But Angeli's own smile was stiff. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi niya alam pakibagayan ang papuri mula sa babaeng ito.

"But you're beautiful." Though she meant it, the words came out of her mouth awkwardly.

"Whoa!" ani Charles. "What do we have here?
A mutual admiration society?"

Maria Consuelo laughed gaily. Kinuha ang bata
mula kay Charles. "And this is our son, Robbie.
Robbie meet Angeli."

"Hello, Angel," wika nito, dimpling at her.

Agad na naitago ni Angeli ang pagkabigla sa
tinawag nito sa kanya. "My dad said you have
Wonderful beaches. I wanna go there."

"Of course, Robbie," sang-ayon ni Marcus.
"Mamayang hapon kapag hindi na mainit ay tutungo layo roon," he said in Spanish.

"You can join us," anyaya ni Maria Consuelo
sa kanya.

"Thank you but I'm going back to Manila right
after lunch," sagot niya. Hindi maiwasang hindi niva sulyapan si Charles. Nakita niyang nagsalubong ang mga kilay nito.

"Kailangan bang magmadali kang lumuwas,
hija?" si Veronica.

"Mom, napag-usapan na natin ito, di ba?"

"Iyon ay bago natin nalaman na dito sa atin
tutuloy si Charles at ang pamilya niya, katwiran ni Veronica. "At gusto kong samahan mo sila sa Coral Beach Resort ngayong hapon, hija,.."

"Mom-"

"I've talked to Mrs. Jacinto this morning over the phone. Ipinareserba ni Charles ang buong beach."

Hindi na kumibo si Angeli. Nakakahiyang magtalo silang mag-ina sa harap ng lahat. Si
Maria Consuelo ay pinaglipat-lipat na ang tingin sa kanilang mag-ina, sinisikap maintindihan ang pinag-uusapan nila.

Defeated, isang buntong-hininga ng pagsang-ayon ang pinakawalan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

123K 3.2K 48
"Good Afternoon, I am your new music teacher, Miss Jauregui" Cheesy Lauren Jauregui Fanfiction
75.5K 864 13
"Akin Ka, Roxanne, dahil binili kita mula kay Alfonso ng dalawa at kalahating milyon...!" Hindi makapaniwala si Roxanne na siya ang ibinayad ng ama...
5.1M 454K 94
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
92.9K 1.2K 33
Ang pagkakaligtas nina Xander at Cameron mula sa mga kamay ni Hestercita ay siyang pagtatapos ng ilang taong paghahanap ni Xander sa tunay niyang mga...