SWEETHEART 12: Charles' Angel

By AgaOdilag

112K 2.1K 151

Cats and dogs. Iyon ang tulad nina Charles at Angeli. Kailanman ay hindi na yata sila magkakasundo pa. Not un... More

First Page
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 15

4.2K 93 1
By AgaOdilag

NANG magmulat ng mga mata si Angeli ay
iba na ang nasa screen. Kanina pa natapos ang
interview kay Charles. Dinampot niya ang remote sa kandungan niya at ini-off ang television.

Then the band ring on her finger caught her eyes.

Sa nakalipas na mga taon ay hindi iyon naalis sa daliri niya. Mula sa middle finger nang una niyang isinuot iyon ay nalipat na sa ring finger. It fitted her ring finger finally. Fernie's wedding ring... and became her wedding ring.

It had no meaning. It wasn't even expensive. A
simple band ring. And yet, she wondered why she didn't bother to remove it from her finger.

Ang sabi ng mga kaibigan niya ay props lang
ang singsing na iyon sa daliri niya para itaboy ang manliligaw. But men didn't notice the ring. Hindi naman kasi unusual na kakitaan ang isang babaing may band ring sa daliri. Besides, all her friends knew she was unmarried.

Nanatiling lihim sa lahat ang pagpapakasal nila
ni Charles siyam na taon na ang nakalipas. Kahit ang mama niya ay mahigpit na kinausap sina Diding at Lupe na kalimutan ang nangyari. Veronica even threatened to dismiss Diding if she didn't keep her mouth shut.

Ayon kay Veronica, since the marriage hadn't
been legal, ay hindi mabuting pag-usapan.
She remembered her pain when she woke up nine years ago and Charles was gone.

Tinanghali siya nang gising nang sumunod na
araw matapos ang prom night nang sinundang gabi. Nang bumaba siya ay tanghalian na at naroon ang mommy niya at naghahanda ng pagkain sa mesa. Since it was Sunday, ito ang nagluluto.

"G-gising na ba si Charles, Mom?" tanong niya
nang maupo siya sa puwesto niya sa mesa.

"Hindi mo ba alam?" tanong nito, nahinto sa
paglalagay ng corn soup sa bowl niya. "Akala ko'y nagkausap kayo kagabi sabi niya."

Tumingala siya sa ina. Kumunot ang noo. "Ano
ang hindi ko alam, Mommy?"

Ilang segundong hindi agad nakasagot si
Veronica bago ipinagpatuloy ang ginagawa at
pagkatapos ay umupo sa bahagi nito sa mesa.
"Gamit ang lumang kotse ng papa niya ay
umalis patungong Maynila kaninang umaga si
Charles, Angeli-"

Napaangat siya sa upuan niya. "Umalis si
Charles!"

"I assumed you talked about it last night. Iyon
ang pagkakaunawa ko sa sinasabi ni Charles.
Though I tried to talk to him out of it. I said he
can't leave on the second day of your marriage." Her mother's voice was calm, hindi katulad ng nararamdaman niya sa sandaling iyon. Tila may kumuyumos sa puso niya.

"He said the marriage hadn't been necessary. Ipinaliwanag niyang ang nangyari sa inyo ay hindi sinasadya. Na iyon ang unang pagkakataon and that he was sorry it happened... Na pareho pa kayong mga bata para makulong sa isang maagang pag-aasawa. Pinilit niya akong kumbinsihing paniwalaan siyang walang nangyari sa inyo. He even suggested that I take you to a doctor. Ikaw daw ang nakaisip ng solusyon na iyon kagabi para maniwala ako..."

Pinigil niya ang huwag mapaungol. Hindi niya
naiintindihan ang iba pang sinasabi ng ina. Isa lang ang narinig niya. He left this morning.

"Siguro nga ay nagpadalos-dalos ako,"
idinagdag ni Veronica sa walang katiyakang tono.

"I offered him some money but he refused. He said he has his own savings from his father's remittances. He also explained that he had a ready passport. Na matagal na iyong ipinaayos ng papa niya para sa kanya should he decide to join him in the States... Tell me, Angeli, kung walang nangyari sa inyo, paanong inabutan ko kayo sa ganoong sitwasyon?"

Hindi niya sinagot ang tanong ng ina. Tahimik
siyang tumayo at lumabas ng dining room at muling bumalik sa silid niya. Hindi niya gustong makita nito ang pamumula ng mga mata niya. Iba't ibang damdamin ang nasa dibdib niya nang mga sandaling iyon. Kasama na roon ang kalituhan.

Bakit hindi nagpaalam sa kanya si Charles na
aalis? Kung umalis ito, one thing was sure-hindi ito nakipagbalikan kay Cathy para lang iwan din. Unless both agreed on a long distance love affair.

But she would learn later na kahit si Cathy ay hindi alam ang pag-alis nito. Na hindi ito
nakipagbalikan dito.

And what about her? Wala ba silang pinagsa-
mahan? Didn't she deserve to know what his plans were? Kung mali siya sa hinala niya tungkol dito at kay Cathy, surely then, there must be some bond between them?

Subalit sa nangyari, tila wala siyang halaga rito.

Ang pagkasuklam at hinanakit kay Charles ay
matagal din niyang inalagaan. During college days, silang dalawa ni Anne ay tinaguriang The Playgirl Duo. Wala silang ginawa kundi ang magpalit ng boyfriends.

Lalo na si Anne pagkatapos umalis ni Christian-his family migrated to Australia. Sa loob ng ilang buwan ay effective ang long distance love affair. Hanggang sa parehong magkatamarang magsulatan at magtawagan ng long distance.

Nasa ikatlong taon siya sa kolehiyo nang mag-
stick siya sa isang boyfriend, si Sam-Charles
close friend.

Looking back, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nang ligawan siya ni Sam ay sinagot niya ito. Marahil dahil bago siya nito niligawan ay nabanggit sa kanya ni Sam ang isang postcard na ipinadala dito ni Charles.
Magkasintahan na sila nang hingin niya kay
Sam ang return address ni Charles subalit ayon
dito ay walang return address ang postcard.

Right after college graduation Sam had took
over his parents business, a convenience store
in Trinidad. And then he proposed marriage.
Ang ikalawang pagkakataon mula nang maging magkasintahan sila.

At muli ay tumanggi siya. Hindi pa siya handa
roon.

"When are you going to be ready, Angeli?" he
asked bitterly. "Natitiyak mo bang magiging handa kang pakasal sa akin?"

"A-ano ang ibig mong sabihin, Sam?"

"Sa loob ng isa at kalahating taong magkasintahan tayo ay wala akong natatandaang hindi ka nagtanong o bumanggit ng pangalan ni Charles," wika nito, sadness and anger in his eyes. "Hindi ko miminsang inisip kung kaya mo lang ako sinagot dahil iniisip mong baka sa pamamagitan ko ay magkaroon ka ng balita sa kanya..."

Mangha siyang humarap dito. ""What are you
talking about. I don't understand..."

"Ayokong paniwalaan iyon subalit habang
tumatagal ay nakikita kong walang kahihinatnan
ang relasyon natin. All right, itinaas nito sa ere ang dalawang kamay, you said you love me-though I doubt it now if you really do. You let me kissed you, but that was as far as you allowed me to do. Ganoon pa man, sa tuwing hinahagkan kita may pakiramdam akong nagbibigay ka lang. You don't love me, Angeli!"

"Of course I love you, Sam," kunot-noong
sabi niya.

"Si Charles ang mahal mo, hin'di ba?"

Napasinghap si Angeli. Tila may sumuntok
sa sikmura niya sa sinabing iyon ng kasintahan.
Y-you're wrong, Sam. Saan mo kinuha ang ideyang 'yan-"

"Dammit, aminin mo, Angeli!" he snapped.

"Alama si Cathy nang pagselosan ka niya.
pinagtawanan niya ako noon nang sabihin kong
kakamali siya... na para kayong magkapatid ni
Charles." Buong kapaitang humugot ito ng buntong-hininga. "I should have believed her." Tumayo ito at lumakad patungo sa pintuan.

Gusto niya itong pigilan. Sabihing nagkakamali
ito. Subalit walang tinig na namutawi sa mga labi niya. Nasa pintuan na si Sam nang lingonin siya.

"Nang ligawan kita'y naintriga lang ako kung
ano ang mayroon sa iyo at hindi ka mawalan ng
boyfriend. I thought you were cheap, kayo ni Anne Subalit napatunayan kong hindi and I have learned to love you truly, Angeli," he said sincerely. "And I'm willing to give you my name."

Huminga ito nang malalim. Umiling.
"Pero hindi ako martyr. You are. At naaawa
ako sa iyo. It has been four years since Charles left. Huwag mong bulagin ang sarili mo at papaniwalaing mahal mo si Charles. You were both kids then, for goodness sake!"

Sam stood there for a minute before he turned
his back.

Gusto niya itong tawagin. Sabihin ditong malh
ang iniisip nito. Na magpapakasal sila kung iyon
ang gusto nito. Subalit hindi siya makakuha ng lakas para gawin iyon.

She bit her lip to keep herself from crying
Nanghihinayang siya sa relasyong alam niyang
humulagpos na sa mga kamay niya. Alam niyang
mahal siya nito. Sinikap niyang tugunan ans
pagmamahal nito sa nakalipas na panahon sa abot ng kanyang kakayahan. She thought she had given her all.

But Sam thought otherwise. Gayunman, hindi
niya naisip na ang kakulangan ng init sa relasyon nila ay dahil kay Charles. In fact, she was stunned as she listened to him analyzing her.

She had never been aware of it. At kahit sa mga sandaling iyon ay hindi niya magawang aminin sa sarili ang sinasabi nito.

Nagkataong hindi lang niya nagawang mahalin
si Sam sa paraang gusto nito. Maybe that was as far as she could give of herself.

NAGBUNTONG-HININGA si Angeli at muling
tinitigan ang singsing sa daliri. Dala ni Charles
ang singsing ng daddy niya. Dapat iniwan nito
iyon. Pero marahil ay nawaglit na sa isip nito sa
pagmamadaling makatakas mula sa kanya.
Natitiyak niyang hindi ginusto ni Charles na
makulong sa isang pag-aasawahang hindi man lang pumasok sa isip nito kahit na sa pinakamsamang panaginip nito.

Hinubad niya ang suot na damit upang
nagpahinga na. She would miss dinner this time.
Pumasok siya sa banyo at naglinis ng katawan.
Palabas na siya nang muling mag-ring ang telepono niya.

She half-expected it to be Anne. She groaned.
Hindi niya gustong makipag-usap dito tungkol kay Charles. Dinampot niya ang telepono at sinagot. Subalit hindi si Anne ang nasa linya kundi ang mommy niya.

"Napanood mo ba si Charles, Angeli?" bungad
ng ina sa excited na tinig.

She rolled her eyes in dismay. Kahit ang ina ay
hindi siya pinaligtas. Walang emosyon ang tinig niya nang sumagot. "Yes, Mom. Kapapatay ko lang ng TV."

"Bukas na ng gabi ang concert ni Charles dito
sa atin, hija, and I bought us tickets. Pinabili ko
yon kay Anne-"

"Nagpabili ka ng ticket kay Anne!" bulalas niya.
Ni walang binanggit si Anne sa kanya tungkol sa pagpapabili ng mommy niya ng ticket.

"Of course!"

"Oh, Mom, hindi ako makapaniwalang gusto
mong manood ng isang rock concert."

"At paano mong naisip na hindi ko gustong
panoorin ang concert ni Charles, Angeli?" her
mother countered back indignantly. "Besides, the concert isn't entirely rock. Inaasahan kong aalis ka mamayang madaling-araw pauwi rito sa atin."

"Mom," paungol na tumatanggi si Angel.
"Hindi ko maiiwan ang shop-"

"Nonsense," putol ni Veronica sa sinasabi niya.
"Ano ang ginagawa ng supervisor mo at ng mga empleyado mo kung hindi ka makakaalis kahit dalawang araw?"

"Masakit ang ulo ko, Mommy, at kung gigising
ako bukas ng madaling-araw para magbiyahe ay-"

"Angeli," muling putol nito sa sinasabi niya. "I
know you were hurt and angry when Charles left that day nine years ago without saying goodbye. He was your friend... a husband in fact, had that marriage been legal. But aren't you happy for him, hija? Kung hindi niya ginawa iyon, sa palagay mo ba ay maaabot niya ang kinalalagyan niya ngayon? Somehow, yong takot na ma-trap siya sa pagpapakasal sa iyo ay nagsilbing inspirasyon para matupad niya ang pangarap niya."

"In one way or another, he owed that to us,
Angeli. Hindi dahil gusto kong pasalamatan niya tayo. He might not recognized us anymore... money and fame do that to a lot of people. And Charles is unreachable now. But still, gusto kong panoorin ang concert niya. At alam kong kahit paano ay ganoon ka rin... so I am expecting you here tomorrow, hija."

"I am not sure, Mommy..."

"I don't take no for an answer, Angeli," her mother said sternly. At pagkatapos ay naputol na ang linya.

Napatitig sa kawalan si Angeli. Her mother's
probably right. Hindi na marahil sila makikilala Charles. At kung makilala man, he would probably just say "hi" and "hello." lyon ay kuno
makakasingit ito ng pagkakataong lapitan sila.

At sa kung mapuna man Sila sa dami ng taong manonood Natitiyak niyang hindi rin lang siya makakatulog minabuti niyanig sa oras na iyon na bumiyahe pauwi sa San Ignacio. At least, sa kanila na niya itutulog ang kalahati ng magdamag. And perhaps half of the day tomorrow.

MADILIM na sa labas. Pero nanatili siyang
nakapa-nungaw sa bintana ng silid na iyon. It was the room Charles occupied when he stayed with them.

Mula roon ay natatanaw ang tree house na
natatamaan ng ilaw sa poste. Ang mga kawayan at nipa niyon ay bago na rin. Bagaman wala nang pumapanhik doon simula nang tumuntong siya ng kolehiyo ay tiniyak ng mommy niya na hindi iyon mabubulok.

Alaala ng kabataan niya at ng daddy niya, ayon dito. At pakikinabangan din daw ng magiging apo nito kung sakaling maisip na niyang mag-asawa at magkaanak. Na kinainipan na ni Veronica.

Gusto niyang abutin ng tanaw ang bahay sa
kabila subalit hindi na iyon abot ng paningin niya.

Nang may makabili ng bahay nina Charles ay
pinataasan ng mommy niya ang bakod. Pinatapalan ang bahagi ng puno na maaaring magkatanawan sa kabila. Ipinaputol din ni Veronica ang sanga ng punong-mangga na humahapay sa kabila.

"Journeying down memory lanes?"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Si
Anne na bihis na bihis para sa concert.
She smiled at her friend. "I just can't help
remembering the g0od old days, Anne. Minsan ay inakyat ni Charles ang punong iyan at tumawid sa bubong patungo rito dahil madaling-araw na siyang umuwi at hindi niya gustong magising ang lahat."

Umangat ang kilay ni Anne. "Pero nagising ka?"

She shrugged her shoulders, umiwas ng tingin.
Hindi miminsang pumasok sa isip niya ang nangyari noong gabing iyon. But that was long ago.

"Si Charles ba ang dahilan kung bakit hindi
ka na nakipag-boy friend, Angeli?" marahang
tanong ni Anne.

Nang hindi agad siya makasagot ay dinugtungan nito ang sinabi, "I remembered the night of the prom when we took you home. Nang malaman mong magkasama sina Cathy at Charles noon ay tila ba iiyak ka anumang oras. It was what Christian and I feared. Na mag-boomerang sa iyo ang plano mo. Did you fall for him along the way?"
she asked softly.

Nilingon niya ang treehouse. A sad smile
escaped her lips.
"Hindi ko kayang sagutin Iyan, Anne. Ang tanging masasabi ko ay nasaktan ako nang gabing iyon sa prom nang malaman kong magkasama sila ni Cathy. Higit na nasaktan nang sabihin niya nang gabing iyon pag-uwi na
nagkabalikan sila. Kung bakit siya nagsinungaling ay hindi ko naiintindihan..."

"Hindi ko kayang sabihin kung kailan ako
humintong umiyak nang gabing iyon at kung kailan nakatulog. Upang magising lamang sa kinabukasan na mali ang akala ko. Dahil kung nagkabalikan sila ni Cathy, hindi siya aalis nang ganoon na lang. What hurt me most was the fact that he didn't even say goodbye..."

Ang sakit at hapding naramdaman niya
nang umagang iyon ay muling nanumbalik.
And she frowned at herself. Hindi na niya
naalala ang damdaming iyon sa nakalipas na siyam na taon.

"You must have loved him!" bulalas ni Anne. "Tama kami ni Christian, kung ganoon. Mahal mo
si Charles. All those years, those childhood years, you have loved him..."

"Don't be an idiot..." pagsisikap niyang itanggi.

"Angeli, there's a very fine line between love and hate. You must have loved him all along, sa
kabila ng awayan at asaran ninyong dalawa. Iyon ang dahilan kung bakit hindi mo magustuhan st Cathy. Ganoon din siya sa iyo. Cathy honestly loved Charles. Alam mong nabalita sa buong campus kung paano siya umiyak nang malamang hindi na muling papasok pa si Charles, And the next year she join her-parents in the States."

Isang mahina at bahaw na tawa ang pinakawalan niya.

"Okay, dahil love expert ka, sasang-ayunan kita. So, I granting that I loved Charles then. But that was a long time ago, Anne. Tapos na iyon. High school days... first love... unrequitted love. He's hot property now and very much married.And I doubt if Charles has something to do why I chose to remain single. Ikaw rin naman, 'di ba? At kung hindi lang kilalang persona si Charles
ngayon at nagkataong dito sa atin gaganapin angconcert niya, we wouldn't be discussing him at this moment."

Tumango si Anne. Napahinuhod. Lihim na
nagpa-salamat si Angeli.

"Yeah. Ican't wait to see him again -in person.
I have all his posters, you know.."

She grinned. Hindi niya gustong aminin sa
kanbigan na siya man ay may itinatago ring posters ni Charles sa loob ng closet niya. "Don't expect foo much. Sa dami ng tao ay baka ni hindi niya tayo makita. At sa status niya, maraming security at bodyguards iyan. Isa pa, baka hindi na niya tayo kilala."

"It doesn't matter. I'm still his fan."

Mula sa pinto ay sumungaw si Veronica.
"Ladies, tayo na at baka mahuli tayong dumating at maibigay sa iba ang reserved seats natin."

Continue Reading

You'll Also Like

75.9K 864 13
"Akin Ka, Roxanne, dahil binili kita mula kay Alfonso ng dalawa at kalahating milyon...!" Hindi makapaniwala si Roxanne na siya ang ibinayad ng ama...
5.2M 465K 96
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
66K 841 13
"You have innocent eyes, Blanca, and you are as pure as your name signifies." Magpapakasal sila ni Kier. At hindi na siguro masama kung patiuna niya...
93.4K 1.2K 33
Ang pagkakaligtas nina Xander at Cameron mula sa mga kamay ni Hestercita ay siyang pagtatapos ng ilang taong paghahanap ni Xander sa tunay niyang mga...