SWEETHEART 12: Charles' Angel

By AgaOdilag

94.2K 1.9K 143

Cats and dogs. Iyon ang tulad nina Charles at Angeli. Kailanman ay hindi na yata sila magkakasundo pa. Not un... More

First Page
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 16

3.5K 80 7
By AgaOdilag

ALAS-OCHO ng gabi ang simula ng concert ni
Charles Montalban sa SIC. Sa buong buhay ng mga taga-roon ay noon lamang nagkaroon ng traffic sa San Ignacio. Napakasikip ng daan patungo sa SIC. At nang makarating siya sa kolehiyo ay apat na pulis ang nagta-traffic bukod pa sa mga nangangasiwa sa parking area.

Natatanaw nila ang mga van ng mga istasyon ng radyo at television. At nakapangalat ang cameramen at reporters. Sa pagkakaalam niya ay sa nag-iisang hotel sa Trinidad naka-check-in ang entourage ni Charles Montalban. At dahil dalawang palapag lang ang hotel ay malamang na okupado iyon ng buong staff na namamahala sa concert.

At si Charles Montalban ay darating sa concert
site sa pamamagitan ng helicopter. Ito at ang asawa cum-manager nito ay manggagaling pa sa Maynila sa five-star hotel kung saan ito nakatuloy.

Wala na siyang mapagparadahan sa allocated parking lots gayong alas-siete pasado pa lang. At kung hindi kay Anne ay malamang na hindi niya maipaparada ang kotse niya. Sa likod ng high school building siya itinuro ng kaibigan na dalhin ang sasakyan niya.

Doon man ay may ilang sasakyang nakaparada
subalit alam niyang sa ilang mga guro iyon at
principal. She recognized the principal's old
Mercedes-Benz. It was almost a vintage. Nasa high school pa Siya ay kotse na nito iyon.

Pagkababa sa kotse ay mahaba rin ang nilakad
nila patungo sa field ng SIC kung saan naroroon ang malaking make-shift stage. Thousands of people were everywhere. Karamihan sa mga iyon ay galing sa mga karatig-lunsod, tulad ng Batangas at Cavite na hindi naman kalayuan sa San lgnacio.

Pinangunahan sila ni Anne patungo sa upuan
nila sa ikatlong hanay mula sa unahan. While hernmother and friend were so excited, hindi naman mapalagay si Angeli. She knew her hands werencold and shaking.

People were chattering innocuously. Nararam-
daman niya ang lumalaking excitement ng mga tao. Ang banda sa stage ay kasalukuyang nagpa-practice. Ang ingay ng musika ay halos nakabibingı. Gayunma'y ikinagagalak niya ang ingay sa paligid niya. Naaawat siya nitong mag-isip.

Beinte minutos bago mag-alas-ocho ay narinig sa itaas ang ingay ng chopper. Nagtayuan ang mga tao sa kanya-kanyang upuan kabilang na si Anne at ang mommy niya. The tension that she felt was heightening to an unbearable degree.

At ni hindi niya maintindihan ang sarili kung
bakit kailangang makadama siya nang ganoon. After the concert, Charles Montalban's entourage would go back to Manila. And she would go back home feeling more empty than she had in nine years.

Ayon kay Anne, sa likod ng stage lalapag ang
chopper. May mga security men all over. Wala
kahit na sino ang maaaring lumampas sa cordon na nakapaikot.

Five to eight and the music began. lyon ang
introduction sa isa sa mga sikat na kanta ni Charles Montalban. Tumitili ang mga tao, higit na nangingibabaw ang tinig ng kababaihan.

A forerunner came out from the backstage, with a microphone in his hand, nag-echo sa paligid ang malakas nitong tinig kasabay ng tili ng audience.

"Here he is, ladies and gentlemen... Charles
Montalban!"

NAGPALAKPAKAN ang mga tao. Angeli held her breath. And suddenly, he was there on stage. Charles Montalban, Singer. Composer.

He was wearing high-topped runners, tight Jeans, and a sleeveless khaki shirt. He was smiling and blewing kisses to the audience na ang tili ay maririnig kahit sa kabilang bayan. His presence was projecting every superlative in male charisma.

Nilinga nito ang banda at sumenyas. It was one of his top of the chart parade revivals. Achy Breaky Heart.

Kasabay ng musika at pagkanta, Charles turned his sinewy back to the audience, wiggle his behind. Walang hinto sa pagtili ang audience. Flowers were tossed onstage.

Muli itong humarap, shaking his thigh. His high
energy infected his audience. The younger audience sang and danced with him. The older ones clapping their hands... swaying their bodies on their seats.

Si Anne ay kasabay ng madla sa pagtili. At
bagaman hindi nakikitili si Veronica, Angeli
guessed that her mother would have screamed too had she been ten years younger. Nakikita niya ang excitement at kasiyahan sa mukha ng ina. And that somehow, alleviate a little of her tension.

Muli ay lumakas ang tili ng crowd dahil
sinisimulan na ni Charles na alisin isa-isa ang
butones ng khaki shirt nito, teasing the crowd with glimpses of his flesh.

The crowd screamed, urging him to take off his
shirt. And off he did. Inihagis iyon sa mga tao na hindi malaman kung paano mag-aagawan.

Kung halos lahat ng mga babaeng audience
inaasahan nga na makakakita sila ng isang hubad na katawan ay nagkamali ang mga ito. Sa loob ng shirt ay isa pa uling sleeveless T-shirt na kakulay ng balat.

He grinned, he sang, he danced, he shook his
thighs. The audience just mad about him. Kung paanong ganoon din sa bawat concert na gawin nito sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Two more rock songs followed. What followed
next was a another of his hit. Natahimik ang crowd. It was a Spanish love song. At ang paraan nito ng pagkanta ay tila ba inaabot nito ang puso ng bawat isa... touching... loving.

Bawat babae sa audience, anuman ang edad,
tila nakadarama na ito ang pinatutungkulan ni
Charles ng inaawit. He wove an undeniable magic.

The song was elusive, tender. At dahil kinanta sa Español, ang lengguwaheng pangalawa na sa lahat ng mga Pilipino, nakadagdag iyon sa misteryosong bighani.

"He's... he's-oh, I'm running out of adjectives!"
mahinang bulalas ni Anne, siniko siya.

Hindi kayang umusal ng salita ni Angeli.
Tahimik siyang nakaupo, kinatatakotan niya ang kahit na gumalaw at baka kapag ginawa niya iyon ay malalaman ni Anne, ng mommy niya, ang nadarama niya sa sandaling iyon.

All these years, ngayon lamang lumutang ang
lahat ng damdaming minsan man ay hindi niya inakalang nakatago sa dibdib niya. Seeing Charles again, the pain of losing him that night and the morning after returned, tenfold. Sumisigid ang sakit sa buto niya, until her whole body became one pulsing tormenting ache.

Matapos ang limang sunod-sunod na pag-awit ay nagkaroon ng intermission. Ibang kilalang performers ang humalili.

Unti-unti ang pagpapakawala ng paghinga ni
Angeli. Hindi niya alam kung gaano niya katagal pinigil ang paghinga. Iyon na ang pagkakataon upang tumayo siya at magpaalam na mauna nang umuwi. Kung magtatagal pa siya roon ay natatakot siyang ipagkanulo siya ng sariling damdamin. Hindi niya iyon maaamin sa harap ng ina at ng kaibigan.

"You're unbelievable!" bulong ni Anne sa
kanya. "Para kang tuod. Hindi ko matiyak kung
effect iyan ng pagkamangha o hindi ka nag-i-
enjoy..."

"I am enjoying, Anne," sagot niya. Nagtatakang
nakuha niyang magsalita nang ganoon ka kalmante. "And since-"

"Are you all right, hija?" nag-aalalang tanong
ni Veronica at hinawakan ang kamay niya. "Nanlalamig ka. Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang umuwi na tayo?"

Inilahad na ng mommy niya ang mismong gusto niyang gawin. Subalit agad ang pag-ahon ng guilt sa dibdib niya nang titigan ang ina.

Veronica was enjoying. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakita niyang nasiyahan ang ina. She even sang with the audience, nakisabay sa pag-awit ni Charles. At nakapagtatakang alam nitong sundan ang Spanish lovesong na kinanta ni Charles.

At kung sasabihin niyang uuwi siyang mag-isa ay natitiyak niyang lalo lang mag-aalala ang
mommy niya.

"I-I'm fine, Mom. Nabigla lang ako. Seeing
Charles after all these years... on stage performing was something of a shock to me." That was part of the truth.

"We all are, Angeli," her mother said with a
smile. "I am proud, too. Gusto kong ipagsigawan sa lahat ng taong naririto na minsan ay natira sa atin si Charles... that you were once his childhood sweetheart." Veronica grinned. "But that would be silly."

Nanatili siyang nakaupo. Matapos ang dalawang performers at isang dance number ng kilalang dance group ay muling nagbalik sa stage si Charles. Muli ay ang hiyawan ng mga tao. Charles sang a medley of popular ballads.

Isinunod nitong kantahin ang isang OPM, Martin Nieverra's Ikaw Lang Ang Mamahalin.

And then he sang his signature song, You're Still Mine, his own composition.

You're still mine, angel
Loving you all these years
was my inspiration
Your face is in my every dream
Memories of you keeps me going...

Angeli knew the lyrics by heart. In fact, every
song that he sung. Subalit kakaiba ang idinudulot ng parti-kular na awiting iyon ni Charles sa kanya.

Angel. Hindi niya dapat bigyan ng kahulugan
iyon. Angel. Sweetheart. Baby... etc. Lahat iyon ay ginagamit sa mga awitin. Hindi lang ni Charles kundi ng kahit na sinong mang-aawit sa buong mundo.

Madamdaming binibigkas ni Charles ang lyrics
ng awitin. And Angeli closed her eyes tightly. It was madness to be here. It was as if she was tormenting herself by listening to his song... to this particular song.

Then it was over. He said good-bye to the crowd, saying something like it was good to be back home again. Pandemonium broke loose. Nagpalakpakan ang mga tao at sumisigaw, asking for an encore.

Charles Montalban returned to the stage and
rendered one last number, You Are My Song.
Hustong natatapos ang kanta, the stage lights slowly faded to darkness. At nang muling magsindi ang ilaw ay wala na sa stage si Charles.

"He's wonderful, Angeli!" ani Anne, ang
palakpak ay hindi matapos-tapos. Hindi malaman kung iiyak o ngingiti. "I'm awed, really..."

Angeli managed a nod and dragged her eyes
away from the stage. Naroroon pa rin ang banda na unti-unti nang nagliligpit.

She turned around her. Nagkakagulo ang crowd sa paghahayag ng papuri kay Charles. Ganoon din ang mommy niya. Siya lang ang namumukod-tangi na ganoon ang reaksiyon sa libo-libong taong naroroon sa kabuuan ng concert. Ni hindi niya makuhang mag-isip nang maayos.

Ang mga tao ay isa-isa nang tumatayo para
umuwi. Siya man ay nauna nang tumayo sa
dalawang kasama. "Let's go, Mom, Anne." Kung
hindi siya magma-madaling umalis sa lugar na iyon, she would be a mental wreck. "Sumasakit ang ulo ko. Kahapon pa ito, 'di ba?"

Nagkatinginan ang mommy niya at si Anne at
pagkuwa'y sumunod na ring tumayo si Veronica.nAt dahil sila iyong kabilang sa mga nasa unahan ay nasa huli sila ng mga taong nagsisialisan na.

Hindi pa sila gaanong nakakahakbang palayo dahil sa siksikan nang biglang may tumawag sa likod nila.

"Miss Angeli Herrera."

Napahinto sa paglakad si Angeli. Ganoon din
ang mommy niya at si Anne na nasa unahan niya. It was more out of curiosity than anything else when she turned her back.

Sa pagitan ng ilang taong nasa likuran nila, isang malaki at mataas na lalaki ang nakita niyang tumaas ang kamay upang mapansin niya. Pilit na isinisiksik ang sarili sa crowd.
Then to his left, mayroon ding dalawang
lalaking nagpipilit na hawiin ang mga tao.

Bahagyang umahon ang kaba sa dibdib ni Angeli.

She thought she had seen them earlier. Hindi niya ito napuna sa mukhaan. Subalit nakapangalat ang grupo nito sa paligid ng stage, at pare-parehong may hawak na radio transmitter. She assumed them to be Charles' bodyguards.

Nasa mukha ng mga ito ang walang kasiguruhan habang pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Anne.

"Sino ang Angeli Herrera sa inyo?" tanong ng nasa harap niya sa Tagalog subalit mas mukhangnforeigner.

Nagkatinginan silang tatlo, walang gustong
magsalita. May bahagi ng isip niya ang nagsasabing umalis na sa lugar na iyon at makisiksik sa mga tao.

Akma niyang hihilahin ang ina paalis nang mag-angat ng mukha ang babaeng kasunod ng lalaking nagtanong. A big smile on her face.
Ang high school principal.

"You're looking for Angeli? There she is," wika nito, tinapik sa braso ang lalaki at itinuro siya mismo. "Dear, hin'di ba minsan ay nakipanirahan sa inyo si Charles Montalban?"

It was as if Angeli had turned to stone. Ni hindi
makuhang sumagot sa tanong ng matandang babae.

"Please come with us. I'll take you backstage,"
magalang na anyaya ng lalaki. Itinuon ang tingin kay Veronica na nasa likod niya at kay Anne. "I was informed that you were with your mother and friend. Please take them both with you."

"W-why?"

"Gusto kayong makausap ni Mr. Montalban,
Miss Herrera," sagot nito. Nakangiti. "Hindi siya
maaaring lumabas sa backstage dahil tiyak na
magkakagulo ang mga tao. So, if you please-"

"I don't think so."

"Of course you want to see Charles, Angeli!
We want to see him," giit ni Veronica. Hinawakan ang braso ng anak.

"Your mother is right, my dear!" bulalas ng
matandang principal. "You wouldn't miss this
chance seeing your childhood friend, would you?"

"Please come this way," wika ng lalaki at inakay
siya sa pagitan ng mga taong hinawi ng dalawa pa.

Walang nagawa si Angeli kundi ang sumunod,
lalo at pabulong na hinihikayat siya ng excited na si Anne. May mangilan-ngilang tao ang nakakaulinig sa usapan at sinubukang sumunod sa kanila subalit ang dalawa pang bodyguard ay hinarang ang mga ito at magalang na tinanggihan.

Hindi gaanong maliwanag sa likuran ng stage.
Subalit maraming sasakyang nakaparada. Halos magkakamukha. Itinuro sila ng lalaki sa isang van na napapagitnaan ng dalawa pang van. Sa labas ng cordon ng mga sasakyan at security ay ang media at mga photographer na nakahanda ang mga camera at naghihintay na muling makita ang celebrity.

Bumukas ang pinto ng van at nang hawakan ng bodyguard ang kamay niya upang papasukin siya sa loob ay lumitaw ang isang kamay at inabot si Angeli. Agad na nagliwanag ang paligid sa kislap ng mga flash bulb.

She was almost hauled inside the van. Ni hindi
niya alam kung paano siyang nakaupo. She was only aware of her mother and Anne following her and was ushered inside. Pagkatapos ay ang pagsara ng pinto ng van.

After Charles became a celebrity, she never
envisage seeing him again in person. Not even in her wildest dreams. Para sa kanya, Charles had become an unreachable star.

But she was there inside the semi-illuminated
van face to face with Charles Montalban after nine years.

"Hello, Angeli." The deep, masculine voice was vaguely familiar. It had now a slight American twang.

"C-Charles..." She wasn't conscious of uttering
a sound, but somehow the words had come out.

Continue Reading

You'll Also Like

112K 9.6K 40
Seelie and Unseelie: two opposing fae courts with such a dark history that they've cut all ties between them. Affiliation with the other side in any...
1.4M 129K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
2.7M 155K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...