SWEETHEART 12: Charles' Angel

By AgaOdilag

94.2K 1.9K 143

Cats and dogs. Iyon ang tulad nina Charles at Angeli. Kailanman ay hindi na yata sila magkakasundo pa. Not un... More

First Page
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 13

3.3K 79 8
By AgaOdilag

SA LOOB ng magkasunod na araw ay kibuin-dili si Angeli ng ina. Nang ikatlong araw, Biyernes, ay atubiling naghahanda siya sa pagpasok sa escuela.

Nag-iisip kung paano niya maiiwasang hindi sila magkita ni Charles gayong magkaklase sila. She didn't think she could even face him after what happened. Ngunit lalong hindi maaaring mananatili na lang siyang nagmumukmok sa silid niya. She could only hope he wouldn't come to class since it was Friday.

Kasalukuyan siyang nagsusuot ng sapatos nang katukin at pasukin siya ni Diding.

"Ipinatatawag ka sa ibaba ng mommy mo,
Angeli" wika nito.

That lit her eyes and she smiled. Her mother
would finally talk to her. The cold treatment was over. Nagmamadali niyang isinuot ang sapatos at tinungo ang pinto palabas.

"Nasa family room sila."

Napahinto siya sa mismong harap ni Diding.
"Sila?"

"Naroon ang mommy mo at sina Charles at
Aling Fernie," sagot ni Diding. At pagkuwa'y
dinugtungan, "Dumating kahapon si Aling Fernie, naririnig kong sinesermunan si Charles at itinawag ko sa mommy mo sa bayan. Palagay ko'y tinawagan niya sa telepono si Aling Fernie dahil dumating sa kabilang bahay ang mommy mo at pagkatapos ay umalis din uli," mahabang balita ni Diding.

Ang ngiti sa mga labi niya ay tuluyang naglaho.

Nahalinhan iyon ng matinding kaba. Bakit
kailangang ipatawag ng mommy niya ang Tita
Fernie niya? Sesermunan ba siya ng ina sa harap nito? Sila ni Charles?

Tila may bolang bakal ang nakakabit sa mga
paang bumaba ng hagdanan si Angeli. Tinungo ang family room. Nakabukas nang bahagya ang pinto at nag-aatubiling itinulak niya iyon.

"Pumasok ka, Angeli, at maupo ka rito sa tabi
ko," wika ni Veronica sa pormal na tono. Itinuro
ang kaliwang bahagi ng sofa.

Ang mga mata ni Angeli ay agad niyang itinutok kay Charles. Nakayuko ito sa pagitan ng dalawang binti. Ang mga siko ay nakatukod sa mga binti at ang dalawang kamay ay parehong nakahawak sa ulo.

Umupo siya sa gilid ng couch at bahagya pang napaigtad nang magsalita si Fernie.
"Naibalita na sa akin kagabi ng mommy mo,
Angeli, ang nangyari sa inyo ni Charles," wika nito sa tinig na bahagyang may galit at nilinga ang anak. "Kagabi pa dapat kami pumarito nitong si Charles subalit madaling-araw na itong umuwi mula sa kung saan na naman!"

"Ayon sa ating family code," si Veronica, "ay
hindi ka pa maaaring ikasal, Angeli, dahil magsi-seventeen-"

"Ikasal!" putol ni Angeli sa sinasabi ng ina.
Napatingin kay Charles na gulat ding nag-angat ng ulo.

"Charles' almost twenty and of age to be legally married but you're not," patuloy ni Veronica na tila hindi siya nagsalita. "But I was able to get a marriage license for you both. Don't ask me how, but I did..."

"Mommy, that's illegal!" she exclaimed.

"At alin ang legal, Angeli?" Veronica countered
angrily. "Yong nagtatalik kayo gayong hindi kayo kasal? Not to mention that you're both too young to indulge in premarital sex?"

"What are you talking about?" manghang
napatayo si Charles. Ang mga mata ay nagpalipat-lipat sa dalawang nakatatandang babae.

"Premarital se-Mommy!" Naguguluhang usal
ni Angeli. Hindi malaman kung ano ang sasabihin at maramdaman. "Nagkataon lamang na nakita ninyo kami ni Charles sa isang uncompromising position subalit hindi nangangahulugan iyon na akusahan ninyo kami nang ganyan!" She turned to look at
Charles who stared back at her helplessly.

"Iniisip mo bang gusto ko ang nangyayaring
ito?" magkahalo ang pait at galit sa tinig ni Veronica.

"I wish your father's alive..." Nabasag ang tinig nito sa sinabi. "I... I failed him."

"Oh, Mommy..." With guilt in her heart,
hinawakan ni Angeli ang balikat ng ina subalit
tinabig nito ang kamay niya at inayos ang sarili.

Itinaas mukha upang ang upang ibalik ang namuong mga luha, itinuwid ang katawan at kalmanteng hinarap ang lahat.

"Nagpatawag na ako ng magkakasal sa inyo.
You will exchange your vows this afternoon. Ang kasal ninyo ay maaaring kuwestiyunin ng ibang tao,S subalit sino ang gagawa niyon? Sinang-ayunan ng mama ni Charles ang gagawin ninyong pagpapakasal."

"Pagdating mo ng desi-ocho, Angeli, maaari
kayong magpakasal uli upang maging legal ang inyong kasal ni Charles ayon sa batas," ani Fernie at tinitigan ang anak. "Hindi ko akalaing magagawa mo ito, Charlie... maraming konsumisyon akong inabot sa iyo nitong nakalipas na mga taon... but what you did-" Nilingon nito si Angeli "what you both did was the... the..." Hindi nito malaman kung paano itutuloy ang sasabihin. "Hintayin mo kung ano ang sasabihin ng ama mo sa bagay na ito?"

"Ama?" Charles reiterated bitterly. "He
wouldn't care a whit, itinaboy mo siya, 'di ba?"

"Oh, shut up!" angil ni Fernie sa anak. "Hindi
ito ang panahon para pag-usapan ang bagay na iyan. Kung mayroon mang magandang kinahinatnan ang kalokohan mong ito ay ang katotohanang mawawala na sa akin ang responsibilidad sa iyo. You'll soon be a married man at magiging responsable ka na sa gagawin mo sa iyong sarili!" Sinulyapan nito si Veronica na para bang sinasabing nalipat na rito ang responsibilidad sa anak.

Manghang napatingin si Angeli kay Fernie
at pagkatapos ay kay Charles. Tumiim ang mga
bagang nito at nakiraan ang kapaitan sa mga mata. Subalit sandali lang iyon dahil humalili na ang galit sa mga mata nito. Tumayo si Fernie at lumakad patungo sa pinto.

"Uuwi na muna ako, Veron. Wala pa akong hustong pahinga mula kahapong nag-usap tayo. Babalik na lang ako kapag dumating na ang magkakasal sa dalawa." Tila hapong-hapo nitong hinawakan ang noo at nagpatuloy sa paglabas.

Hinarap ni Angeli ang ina. "You can't do this,
Mommy!" apila niya. "Bakit mo kami ipakakasal? At ano ang kabuluhan ng gagawin ninyo gayong hindi naman iyon legal? Bale-wala rin iyon!"

"Legal ang inyong kasal kung walang magko-
kontesta!" pagdiriin ni Veronica. "Ang tanging
makakapagpawalang-bisa lamang ng inyong kasal ay ang mga magulang ni Charles at ikaw, Angeli. But I wouldn't allow you to do that. Dalawang taon lang ang hihintayin natin upang kumpirmahin ang legalidad ng inyong kasal. At ipakakasal ko kayong muli."

"At si Charles?" baling niya sa ina. "Bakit
gagawin ninyo ito sa kanya? Kaya niyang ipawalang-bisa ang gagawin ninyo, Mommy!"

Binalingan ni Veronica ang binatilyo. "You
wouldn't do that, would you, Charles?" naghahamon ang tinig nito. Hindi makuhang sumagot ni Charles at nakatitig lang kay Veronica. His eyes confused.

"That's what I thought," nasisiyahang sabi ni
Veronica. "Ang mama mo ay tuloyang ipinaubaya sa akin ang lahat. And I am doing this for your own good, Charles, Angeli. Right after the wedding, kung hindi ko kayo maaawat sa anumang lihim ninyong pagtatagpo, at least, mag-asawa na kayo. Magbunga man ang kapusukan ninyo"

"Magbunga ang kapusukan!" Angeli parroted
na horrified voice. "Mom, nothing happened that  night-"

Veronica smiled drily. "Don't you all kids say the same thing?"

Sa nanlalaking mga mata ay binalingan niya si
Charles na hindi malaman kung paano magparoo't parito sa loob ng silid.
"Charles, bakit hindi mo ipaliwanag sa Mommy
ang totoong nangyari?"

"I-I tried," sagot nito na sinabayan ng iling.

"Alam mo bang alam na ng buong subdivision
ang nangyari sa inyo ni Charles?" wika ni Veronica sa kanilang dalawa.

Tumiim ang mukha niya. "I'll kill Diding for
this!"

"Huwag mong ibigay ang sisi kay Diding. You
can't deny I saw you both with my own eyes,"
patuloy ni Veronica. "Binigyan mo ako ng kahihiyan sa mga tao. At isiping ipinagmamalaki kita sa ating mga kaibigan at kakilala sa tuwing napupuri ka nila na lumaking isang maganda at masunuring anak at may mataas na pamantayang moral..."

Gustong manlumo ni Angeli sa nakikitang anyo
ng ina. Lumatay ang matinding pagkabigo sa mukha nito. Natitiyak niyang hindi ito naniniwala sa kanila ni Charles. At sa kauna-unahang pagkakataon ay
napatunayan niya ang malimit at pabirong sabihin ng ama sa kanya noong araw.

"Sweetheart, your mother's a puritan... oh,
well, that's too strict a word. Shall we say she's
from the old school. Kung hindi dahil sa akin, you wouldn't be allowed to entertain suitors at
your age. She was horrified when at thirteen ay may gusto nang manligaw sa iyo. Sa paliwanag at pakiusap ko'y sinisikap niyang pakibagayan ang iyong henerasyon, so please, don't disappoint her..."

"Magpalit ka ng damit, Angeli," pormal na
utos ni Veronica at tinitigan ang suot niyang school uniform. "Mamaya lang ay darating ang tinawagan kong magkakasal sa inyo."

She turned to look at Charles, umaasa na may
magagawa ito sa kinasuungan nilang sitwasyon. Subalit, tulad niya, ay litong mga mata rin ang isinalubong nito sa kanya.

"It's your fault!" sigaw niya rito.

Tinitigan siya ni Charles. Nanlulumo.
Pagkuwa'y umupo ito at sinapo ng mga palad ang mukha.
Guilt flooded her. Hindi lang naman nito kasalanan ang nangyari. Siya man ay dapat ding sisihin. Siya ang pumasok sa silid nito.

Nagmamadali siyang tumalikod palabas ng
family room.

SA HARAP ng mga magulang nila at ng nagkakasal, Charles and Angeli exchanged vows. Both the mothers provided the rings. Ang singsing ni Angeli ay ang sariling wedding ring ni Fernie. Charles' ring came from Angeli's father.

"You are now married," ani Veronica matapos pirmahan ng dalawang kabataan ang dokumento at magpaalam ang nagkasal. "On your eighteenth birthday, Angeli, and that is fifteen months from now, your marriage will be legalized..." Gumaralgal ang tinig ni Veronica roon. Dinampian ng panyo ang mga mata.

"So," ani Fernie na inilahad ang dalawang
kamay paitaas. "Saan titira ang dalawang bata?"

"W-what do you mean?" manghang tanong ni
Angeli.

"Hija..." Fernie said patiently. "Mag-asawa na
kayo ni Charles, natural lamang na magkasama
kayo. At makakapamili ka ng bahay na gusto mong tirhan. Dito sa inyo o doon sa kabila... hanggang hindi nabibili ang bahay na iyon. Anyway, sa makalawa ay babalik akong muli sa Hong Kong..."

"Ipagbibili mo ang bahay?" hindi makapaniwalang sita ni Charles sa ina. Tumiim ang mga bagang nito sa galit. "Hindi ako papayag!"

"Anak lang kita, Charles. Kung hindi lang
inilagay ni Marcus sa pangalan mo ang bahay
ay matagal ko nang ipinagbili iyon!" Fernie said
angrily. "At papayag kang ipagbili ang bahay dahil hindi mo gusto ang gagawin ko. Now that you have your own life to live, I can also live mine the way I want it!"

Hindi malaman ni Angeli kung anong
damdamin ang unang mangingibabaw sa kanya?

Ang katotohanang may-asawa na siya ayon sa ina at sa nagkasal sa kanila o ang sinasabi ng mama ni Charles. Natitiyak niyang may nakapagitang alitan sa mag-ina lalo at matagal nang panahong hindi niya nakikita ang papa ni Charles.

Tinitigan niya si Fernie. Sa pagkakaalam niya
ay bata itong nag-asawa, and she had Charles at the age of nineteen. She knew she was a couple of years younger than her mother who was forty-one.

Fernie's hair was reddish brown from the bottle. She was beautiful and was fashionably slim. At thirty-nine she could pass for thirty... or thirty-two. At hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito kay Charles.

Nang tingnan niya ang ina ay nakatuon ang
nagsisimpatiyang mga mata nito kay Charles.
Humakbang si Fernie palapit sa kanya. Hinagkan siya sa pisngi.

"I wish you and my son all the hapiness, Angeli," wika nito sa paraang siya lang ang nakaririnig. She said it with genuine emotion. "Sana'y hindi magiging katulad ng pagsasama namin ng papa niya ang magiging buhay ninyo."

Angeli swallowed. Hindi makahagilap ng
itutugon. Pagkatapos ay hinarap ni Fernie si
Veronica. "Paano, Veron... bahala ka na sa mga bata."

Tahimik na tumango si Veronica. Pagkatapos ay humakbang ito patungo sa anak. Nakita ni Angeli ang sandaling kalituhan sa mukha ni Fernie na tila hindi alam ang gagawin. Itinaas nito ang kamay at hinawakan sa braso si Charles.

"Despite what you think, you are my son, and...
and..."

"Oh, please, Ma. Spare me with the dramatics,"
Charles said, his face grim.

Angeli saw Fernie's shoulders sagged. Tumalim
ang mga mata sa pagkakatitig sa insolenteng anak. Pagkuwa'y itinaas ang mukha at tumalikod at lumabas ng family room.

Si Veronica ay hinarap ang dalawa. "You can
both stay here if you want, Charles. O di kaya ay sa kabilang bahay. But if you'll ask me, mas gusto kong dito muna kayo at ipagpatuloy ninyo ang pag-aaral hanggang sa makatapos kayo ng kolehiyo."

She paused for a while. "Kung ako sa inyo, iwasan ninyong magkasama sa iisang kuwarto kung gusto ninyong makatapos ng pag-aaral. Pag-usapan ninyo kung ano ang plano ninyo." Pagkasabi niyon ay iniwan sila nito.

"I can't believe this is happening!" she said,
her voice rising to a pitch. "We can't be possibly married! This isn't true! How can I be a wife at sixteen?"

Mabilis siyang nilapitan ni Charles at hinawakan sa magkabilang balikat at niyugyog. "Calm down, Angel... calm down."

"No..." she sobbed hysterically, pushing him.
"How can you expect me to calm down? I am
married to you!" She didn't mean it as an insult.

She didn't know what she felt towards him. And to be married to him at this point in time when she didn't know what to do and what to expect scared her so.

"Magre-react ka ba nang ganito kung kayo ni
Brent ang nagpakasal?" he asked with an edge in his voice. Ang mga mata ay naningkit sa pagkakatitig sa kanya.

"B-Brent?" naguguluhang tumingala siya rito.
Ni hindi niya ito naisip sa nakalipas na mga araw. "Well, thanks alot at naisip mo siya sa gulong ito!"

Tumiim ang mga bagang nito at binitiwan siya.
Nanlalambot na napaupo siya sa sofa.

Continue Reading

You'll Also Like

10.1K 135 13
INIINGATANG PAG-IBIG by Claudia Santiago Published by Precious Pages Corporation "I have always been in love with you. Kahit pa isiksik ko sa utak ko...
1.4M 129K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
878K 6.7K 114
short imagine stories for when your lonely 😉 all the chapters are kind of like a broken up full story so some might not make sense if you don't read...