SWEETHEART 12: Charles' Angel

By AgaOdilag

94.3K 1.9K 143

Cats and dogs. Iyon ang tulad nina Charles at Angeli. Kailanman ay hindi na yata sila magkakasundo pa. Not un... More

First Page
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 8

3.3K 71 4
By AgaOdilag

"LEAVING?" bati ni Angeli nang lumabas sa
family roon sina Charles at Cathy. Nakasandal siya sa dingding at nakakrus ang mga braso sa dibdib.

She watched a fake smile spread across Cathy's face.

"Oh, hi, Angeli," bati nito. "Yes, paalis na ako.
Maganda 'yong pinanood namin. Sayang, you
didn't join us."

"Actually, hindi ko hilig 'yong mga ganoong
movies."

"Ah." Napatangong sagot ni Cathy. "Got
to go na." Umikot ang mga mata nito sa buong
kabahayan. "Nice place, ha."

She shrugged her shoulders. Sinundan niya
ng tingin ang dalawa sa paglabas. Subalit nanatili siyang nakasandal doon at hinintay ang pagbabalik ni Charles. Hindi naman siya nainip at naroon na agad ito.

"Yuck!" aniya at tumalikod papasok sa family room. Sinadyang iparinig kay Charles ang sinabi.

"Yuck what?" wika nito na sumunod.

"You two think you are matured enough," she
rolled her eyes. Pagkatapos ay hinablot mula sa kamay ni Charles ang remote control ng TV na hawak pa rin nito. She tuned on Nickelodeon.

"Ano ba ang sinasabi mo?" tanong nito.
umupo sa kabilang sofa at kumuha ng tortillas sa bowl na nasa ibabaw ng center table. Pagkatapos ay ipinagkrus nito ang dalawang paa sa ibabaw ng mesa habang tila sinasadyang mang-asar na iparinig sa kanya ang malakas na pag-crunch nito sa kinakain.

"Don't play innocent, Charlie. Alam kong alam.
mo kung ano ang tinutukoy ko."

"Hindi ako manghuhula, Angel. So clarify me."
Nakuha pa rin nitong magsalita kahit halos puno na ang bibig nito.

Naniningkit ang mga matang tumaas ang kilay
niya. "Don't worry, makakarating ito kay Mommy, sabi niya subalit nanatiling nakatutok sa TV ang paningin. Alam niyang nakatingin ito sa kanya nakikita niya iyon mula sa reflection ng screen ng TV.

Nakasampay pa ang dalawang mga kamay sa
sandalan ng couch. Pagkuwa'y naramdaman niya ang kamay nito sa buhok niya. Then his fingers combed her hair gently. She stiffened.

"Sweetheart-"

"Don't sweetheart me! At alisin mo iyang
kamay mo!" Tinabig niya ang kamay nito sa buhok niya at mabilis siyang umusog palayo.

"Ang tinutukoy mo ba ay ang pagpunta rito
ni Cathy without your permission?" patuloy ni
Charles, undaunted. "Is that it? Nagpaalam ako kay Tita Veronica."

She turned to look at him. She met his eyes.
Napahigpit ang hawak niya sa remote.
"Hindi po iyon, Mr. Charles Montalban. Kundi
iyong ginawa ninyong lover's lane ang couch na ito. You made-out here. Nilapastangan n'yo ang paboritong lugar ko!"

Nagpakawala siya ng mahabang paghinga.
Hindi nangyari ang ikinatakot niya ang mag-
stutter sa harap nito. Simula nang makita niya
si Charles, wearing nothing but a pair of boxer
shorts-hindi na niya alam sa sarili kung paano pa makakabuo ng isang sentence na hindi man lang mauutal kapag kaharap ito.

"Made-out?" he said unbelievingly. Napatuwid
ng upo. "You sound like a five-year-old, Angel.
We just kissed." And he laughed softly. "At hindi kami nakaupo. Sa pagkakatanda ko'y nakatayo na kaming pareho nang hagkan ko si Cathy. Something of a goodbye kiss..."

"Yeah, right," she said sarcastically. "You kissed twice."

"And that's not making-out," patuloy nitong
depensa. "And wait a minute..." Kunot-noong
humarap ito sa kanya. "Were you sneaking at us? Of course, you did! Kanina pa kita nakikitang pasilip-silip."

"Hindi, ah!" mariing tanggi niya, guilt flooded
her lovely face. "It just happened that-that...
that..." She came up with nothing. Damn. So much for thinking she didn't stammer.

Naramdaman niya ang biglang pag-iinit ng
magkabila niyang pisngi. Agad niyang ibinalik ang atensiyon sa television, Nagulat pa siyang nalipat iyon sa ibang channel dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak sa remote nang wala-sa-loob.

"I'm only concern, Charlie," finally she managed, without looking at him. "Lahat ay nagsisimula sa simple kiss. Ang babata n'yo pa.
Para 'yang maliit na ningas na maaaring tumupok sa buong kagubatan."

"Now you sound like my mother, only a better
version," he said drily. "It's just a kiss, Angel
sweetheart. And Cathy's my girlfriend. What are we supposed to do? Magtitigan maghapon? Thanks for the concern, but we do know our limitations."

"Okay, fine." Napairap siya. Walang silbing
makipagtalo pa rito. "Forget I said anything.
Sinikap niyang mag-concentrate sa pinapanood.

Mayamaya ay narinig niyang tumatawa si
Charles. Nilingon niya ito. "And what are you laughing at?"

"Just wondering..." he said smiling. Saglit
na dumaan ang mga mata sa mga labi niya bago ibinalik ang paningin sa mukha niya. "Don't tell hindi ka pa nahahalikan ni Brent?"

"Excuse me?" Angeli set her jaw for a moment. Nagulat at nainis sa biglang pagbangon ng tanong na iyon. "I don't want to dignify that by answering."

Charles grinned from ear to ear. At gusto niyang ibato rito ang remote control.

"O, baka naman-" Inangat nito ang kanang
braso sa ere, at saka binagsak na tila.. "-lupaypay sa kuwan si mestisong bangus?"

Napahugot siya ng paghinga sa ipinahihiwatig
nito. "Hindi, ah!" Napataas na ang tinig niya.
Naaasar na siya. Iniisip nitong bading ang boyfriend niya. "So okay, we kissed. Yon ba ang gusto mong marinig?"

Kumunot ang noo ni Charles. May talim na
nagdaan sa mga mata sandali. Pagkuwa'y, "Is he a good kisser?"

"Kailangan bang maging mahusay sa paghalik
sa cheek-" Woops. Huli na para bawiin ang sinabi.

"That's what I thought," Charles said in a pleased tone. At pagkatapos ay malakas na humalakhak at pumuno iyon sa buong silid.

Nakuyom ni Angeli ang mga kamay. She fell
into a trap. Tumayo siya at kinuha ang bowl sa mesa, ibinuhos rito ang buong laman ng tortillas.
Nahinto sa pagtawa si Charles. Hinawakan siya
sa braso at hinatak. Napaupo siya sa kandungan nito.

She opened her mouth to say something scathing but words didn't come out. He was staring at her.... sa mismong mga labi niya. And tortilla chips was all over his head and some in his face.

"Sweetheart..." His voice husky.

Suson-suson ang kaba ni Angeli. Pakiramdam
niya ay mababasag ang dibdib niya. At wala siyang maisip na gawin kundi ang itulak ito at mabilis na tumayo.

"Walang nakakatawa roon!" wika niya na
namaywang. Hoping that her voice didn't quiver. "You don't kiss at sixteen. And Mom would kill me kung malalaman niya na ginagawa ko rin ang ginagawa ninyo ni Cathy!"
Padabog na humakbang siya patungo sa pinto. She had to get out of there before her knees gave way.

"Hey, sweetheart," he called after her.

She stopped. Muling lumingon. Hindi dahil sa
pagtawag na ginawa nito. It was about the way he had called her. There was something in his voice na nagpangyaring mapalingon siya rito.

"So, ako pa rin pala ang unang nakahalik sa iyo sa mga labi," wika nito sa mababang tinig na
nagpatayo ng mga pinong balahibo niya. "Couldn't forget it, love..."

"I hate you, Charles Montalban!"

NAKAPANGALUMBABANG nakaupo sa
bleachers si Angeli at pinapanood ang basketball practice ng team nina Brent. Nakatutok ang mga mata niya sa mga naglalaro pero wala roon ang isip niya.

Paulit-ulit na inire-replay sa isip ang sinabi
ni Charles. Darn the man. Ang tagal-tagal nang nangyari ang eksenang iyon! She was only nine years old. And one of her life's most embarrassing moment. Bakit kailangang ipaalala nito gayong isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi na siya nakipagbati rito pagkatapos?

She shut her eyes tightly. It wasn't even a kiss.
And it was nothing. At ang nakapagtataka pa ay hindi na siya muli pang tinutudyo ni Charles matapos ang pangyayaring iyon sa kusina.
Kung nagkakasalubong sila sa hagdanan ay "hi" at "hello" lang ang sinasabi at saka l magmamadaling bumaba. Kung nagkakaharap man sila sa pagkain, he was civil.

Fact is, ipinagpasalamat niya iyon. At the
same time, it puzzled her. Maliban na lang nitong nakaraang Sabado nang ipaalala nito sa kanya ang halik na iyon.

"Hey, are you all right?"
Bahagya pang napapitlag si Angeli. Nasa harap niya si Brent, sa dalawang mga kamay ay hawak ang bola. Puno ng pawis ang katawan at mukha

"Oh, hi," aniya at agad na ngumiti.

"We need to talk," ani Brent na hindi na hinintay pa na makasagot siya sa una nitong tanong.

"About what?"

Nakita niya ang pagbuka ng mga labi ni Brent
Ngunit walang tinig na lumabas mula roon. Parang nag-aalangan sa sasabihin.

"Hey, ano ba iyon? At maupo ka naman nang
hindi ako nakatingala sa iyo," aniya.

May ilang beses itong tumikhim bago, "Listen,
Angeli," ani Brent sa alanganing tinig. Seryoso ang anyo nito at may ilang beses na nagbuntong-hininga.

Somehow she knew something unpleasant
was coming. If only because Brent used her name. Nasaan na ang "doll" na tawagan nila sa isa't isa? Nagbigay iyon ng kakaibang kislot sa kanyang dibdib.

Nagpatuloy ito. "I want to tell you that... that
need time... and space."

Kumunot ang noo niya. Her shoulders sagged as if the air had been drained out of her. Sinalubong niya ang tingin ni Brent, ngunit ito na rin mismo ang umiwas.

"You need time and space..." She murmured,
almost to herself. It was a clear implication that
Brent wanted to end their relationship.

Sandaling naagaw ang atensiyon niya nang sa
dulo ng kanyang mata ay matanaw ang mga barkada ni Brent na naka-stand-by sa papasok sa men's locker room.

At nang mapansin ng mga ito na dumako sa
kanila ang tingin niya ay saka lamang kumilos ang mga ito na tumuloy sa locker room.
Ibinalik niya ang atensiyon dito. Ang sinasabi
ba nito sa kanya ay udyok ng mga barkada nito?

Tumayo siya mula sa pagkakaupo. Hindi niya
hahayaang pagmukhaing gaga ang sarili sa harap nito.
Tinanguan niya si Brent. "Okay, if that is what
you want," aniya sa tinig na tila bale-wala sa kaniya ang nangyayari.

"O-okay lang sa iyo?" hindi makapaniwalang
usal nito.

"Sure. You can have all the time and space
in the world, Brent." Then she walked out of the gymnasium, nakataas ang noo kahit masamang-masama ang loob.

"BUT WHY?" tanong ni Anne sa kabilang linya.
Ang kaibigan agad ang una niyang tinawagan nang makauwi siya ng bahay dahil nauna na ito habang nasa gym nga siya at hinintay si Brent. Only to be dropped like a hot potato.

"I don't know. I need time and space,"
she snorted as he mimicked her ex-Brent's dialogue, "that was what he told me."

"Pero ano raw ang dahilan? There must be a
valid reason. You two were a couple. Could it be another girl?"

"Wala akong ideya. Hindi ko alam. I didn't
bother to ask. Nagmamadali akong umalis dahil alam kong sa sandaling iyon ay alam na ng mga barkada niya na nakikipag-break si Brent sa akin. And I want to show them that I didn't care!"

"Time and space lang naman... hindi naman
nakikipag-break sa iyo si Brent, 'di ba?"
pangongonsola ni Anne.

"Fool me," she snorted. "Iyon din iyon."

"Oh, Angeli, I'm sorry," Anne groaned sympathetically.

"I am not!"

"You are not? Ano ang ibig mong sabihin?
Hindi ka nasasaktan?"

Ibinagsak ni Angeli ang sarili pahiga sa couch.
Mahabang paghinga ang pinakawalan niya.
"H-hindi ko alam," aniya, muling nagbuntong-
hininga. "Kinakapa ko pa nga ang damdamin ko, eh. But one thing is sure, my pride's hurt! Boys don't dump me. It's the other way around!" she said arrogantly.

Iyon ang totoo. She was supposed to be hurt.
Pero ang ipinagtataka niya ay hindi. She was angry. Her ego's deflated in front of Brent's friends.

"I'm pretty sure na topic tomorrow sa campus
ang 'The Angeli-Brent-break-up," patuloy ni Anne.

"You bet!" masama ang loob niyang sagot. Para
yatang hindi niya kayang harapin ang mga friend at classmate niya.

Ilang sandali nang natapos ang pag-uusap nilang dalawa ni Anne ay nanatili pa rin siya sa ganoong ayos. Nakatitig sa kisame. She frowned, noticed for the first time that the paint was cracked and dry. Sasabihin niya sa mommy niya na kailangang mag-repaint.

Then she shut her eyes tightly... angrily. Dapat
ay heartbroken siya dahil nakipag-break ang nobyo niya. Pero heto at sa lahat ba naman ng panahon ay ngayon pa niya napunang kailangan nang magpapinta ng kisame ang mommy niya.

She must be crazy!
She groaned.
Sinisikap dibdibin ang pangyayari.
Nag-emote.

Doon siya napasukan ni Charles.
"I'm sorry. Narinig ko ang balita."

She started. Napatingala. Nasa ulunan niya
si Charles at nakayuko sa kanya. His expression worried as he gazed at her.

"Gusto kong sapokin ang mestizong hilaw na iyon!" wika nito.

Agad siyang tumayo mula sa pagkakahiga at
inayos ang sarili. "So I am really that popular, huh?bAng bilis ng balita," matabang niyang sabi. Tumayo upang lumabas ng silid.

Pinigilan ni Charles ang braso niya, "Where are
you going?"

She pulled her arm away. "Sa kuwarto." Walang
lingon-lingong nagpatuloy siya sa paghakbang.

"Angel," habol-tawag sa kanya ni Charles. "It's
his lost, not yours."

Sukat sa sinabi nito ay gustong panlambutan ng mga tuhod si Angeli. Nahinto siya sa paghakbang.bMas pipiliin pa niya na tuyain at pagtawanan siya ni Charles kaysa makisimpatya.

"He doesn't deserve you," mariin nitong sabi.
"Tell me, ano'ng gusto mong gawin ko sa mestisong hilaw na iyon?" Though Charles' voice was calm, underneath his tone was anger.

Bigla ay tila gusto niyang maiyak sa concern na iyon ni Charles. She bit her lower lip para pigilan ang damdamin. Gusto niyang ibuhos sa iyak ang asar na nararamdaman dahil sa ginawa sa kanya ni Brent. Kung tulad lang sana ng dati ang lahat, she would cry in Charles' arms.

Tulad ng ginagawa niya noong sila ay mga bata pa. Na sa tuwing aawayin siya ng ibang mga batang lalaki ay tinatawag niya si Charles at nagsusumbong. And Charles would come running with his baseball bat at susugurin ang mga umaaway sa kanya.

Ngunit hindi na katulad ng dati ang lahat.
Matagal ng namatay ang relasyon na iyon sa pagitannnilang dalawa. Only because of that stupid wet kiss!

"T-thanks... but I don't need your help with
this," she said with tears in her voice. Mabilis siyang lumabas ng silid bago pa tuloyang hindi na niya makontrol ang emosyon.

"I HATE to tell you this, ngunit parang alam ko
na kung ano ang dahilan kung bakit nakipag-break sa iyo si Brent," ani Anne sa mahinang tinig nang nasa canteen sila.

Ang totoo ay naaasar si Angeli sa naging araw
niya ngayon sa school. Just what she had expected, hindi na yata mabilang ang narinig niyang mga nakikisimpatya.

"I'm sorry, Angeli..."
"Marami pa namang iba diyan, Angeli..."

Pero alam naman niyang hindi totoo sa loob ng mga ito ang mga sinasabi. Naniniwala siyang mas ikinatuwa ng mga girls ang break-up nila ni Brent. Marami ang may crush dito sa buong campus.
But the worst part of the news was Brent Certezo dumping Angeli Herrera.

"So, okay, ano ang dahilan ni Brent?" she asked
half-interestedly.

"Lalo ka lang maiinis."

Napataas ang mga kilay ni Angeli. "Like I could feel any worse."

"Okay, listen. Months from now we're gonna be in college..."

"So?"

"And do you know who's gonna be in college,
right?" patuloy ni Anne. "Women. College women...."

Ito na mismo ang sumagot sa sariling tanong. "Kaya silang magkakabarkada ay pinlanong makipag-break sa kani-kanilang high school girlfriends, because they'll soon gonna meet college women."

"How pathetic!" Angeli exclaimed.

"Could be," ani Anne, "kung hindi ko rin
nalamang pinopormahan ni Brent 'yong Miss
SIC noong nakaraang taon na nasa engineering department."

That totally got her attention. "P-paano mong
nalaman?"

"From Christian," sagot nito. "Hindi sinasadyang narinig niya ang usapan ng grupo ni Brent sa locker room. Hindi naman naisip ni Christian na seryoso ang mga ito, not until..." Hindi na nito tinapos pa ang sasabihin. Napakibit ito ng mga balikat. "Fact is malimit kong makita si Brent sa college department nitong mga huling araw. Hindi ko binigyan ng ibang motibo."

Angeli sighed as she tossed her things back to
her bag. Tumayo na siya, shifting her bag on her shoulder. "I need some air."

"Hey, I didn't mean to ruin your day."

She laughed drily. "Kahapon pa sira ang araw
ko. Anyway, thanks for telling me. He's starting to get into my nerve. Gusto ko pa tuloy ipagpasalamat na break na kami."

"Ako rin naman, eh," susog ni Anne. "You know
what, Angeli, ipakita mo sa lahat na bale-wala sa iyo ang nangyari. Don't look so defeated. Make him sorry. Who does he think he is, Brad Pitt?"

Napangiti siya sa pakikiramay ng kaibigan.
Pagkatapos ay napatingin siya sa malayo. Make him sorry. Napagkit sa isip niya ang sinabing iyon ni Anne.

Hmm. Why not?

Continue Reading

You'll Also Like

14.1K 219 10
Naghihintay na lang si Helen na gawing pormal ni Adrian ang relasyon nilang dalawa. Na sa malaon at madali'y ihahayag nito na magnobyo sila. Subalit...
1.5M 129K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
112K 9.6K 40
Seelie and Unseelie: two opposing fae courts with such a dark history that they've cut all ties between them. Affiliation with the other side in any...
1.2M 66K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...