ALL-TIME FAVORITE: Forbidden...

By AgaOdilag

69.1K 1.3K 104

Ipinakasal si Mariel ng kapatid na si Vincent kay Adrian sa Nevada nang labag sa kanyang kalooban. Sa buong b... More

First Page
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
EPILOGUE

PROLOGUE

7.9K 123 11
By AgaOdilag

Lake Tahoe, Nevada

IBINABA ni Mariel ang sun goggles sa mukha niya at itinaas ang ski pole upang kawayan ang kapatid na nasa last slope nito.

Gumanti ng kaway si Vincent at sinenyasan siyang bumalik na. Nakangiti niyang nilapitan ang kapatid na tila walang kapaguran. Mahusay itong skier kung ihahambing sa kanya na ang pinipili ay ang gentler slopes
o iyong madaling ruta.

"Tired so easily?" nakangiting bungad nito. Itinukod sa niyebe ang ski pole.

"Okey na ako, Vincent. Alam mo namang hindi
kita kayang tagalan," nakangiti ring wika niya sa kapatid. "Babalik na ako sa hotel."

"Let's go then," anitong nauna nang humakbang.

"You don't have to. Kaya ko namang umuwing
mag-isa..." Hindi niya gustong awatin ang kapatid sa pag-i-skiing pa nito.

"Pagod na rin ako. Isa pa'y may mahalagang bagay tayong pag-uusapan, my dear little sister," seryosong wika nito.

"Sounds important..." aniya na sinundan ng tanaw ang likod ni Vincent at sinikap na makaagapay dito.

"Sa hotel na natin pag-usapan."

Sa loob ng kotse ay walang kibuan ang
magkapatid. Si Mariel ay may agam-agam sa dibdib.

Tatlong araw na mula nang dumating siya dito sa Nevada. Alam niyang hindi siya papupuntahin dito ni Vincent kung hindi mahalaga ang dahilan.

Taun-taon ay entitled siya sa isang out-of-the-country vacation. Subalit sa taong ito ay pangalawang beses na niyang paglabas ng Pilipinas, at sa pagitan lamang ng pitong buwan.

"I'll give you thirty minutes to shower and dress. Hihintayin kita sa restaurant sa ibaba," wika ng lalaki nang nasa tapat na ng silid ni Mariel.

Isang tango ang naging tugon ng dalaga sa kapatid. Pagkatapos ay nagtuloy na si Vincent patungo sa sariling hotel room. Kinuha ni Mariel ang susi mula sa shoulder bag at binuksan ang pinto ng silid niya.

Nag-shower siya at nagbihis ng square pants and silk blouse. Matapos maglagay ng kaunting make-up ay bumaba na.

"You're ten minutes late," ani Vincent na hinila ang upuan sa tabi nito upang paupuin siya.  "Malapit na kitang sunduin," may himig ng iritasyon ang tinig nito.

"You're very impatient today, Vince. Bakit ba?"
malambing niyang sabi kasabay ng pag-upo. "Kung ang sasabihin mo lang sa akin ay mag-aasawa ka na, well, I'm telling you na matagal ko nang hinihintay iyon."

Hindi sumagot ang binata at sinenyasan ang
maitre'd. Ni hindi siya tinanong kung ano ang gusto niya. Ito na mismo ang nagbigay ng order nila. Pagkaalis ng waiter ay mataman niyang tinitigan ang kapatid.

"Now what?" Itinaas niya ang dalawang braso sa mesa, itinukod doon ang baba niya't nginitian ang kapatid. "Pilipina rin ba ang babaeng ito o foreigner?" patuloy niya sa panunukso.

"You're right. Tungkol sa pag-aasawa ang
sasabihin ko sa iyo. Pero hindi sa akin."

Nagsalubong ang mga kilay niya sa tinuran nito.
"Kanino?" curious na tanong niya.

"I'll tell you later. Pero gusto kong ipaalam sa iyo na may problema ako... at kailangan ko ang tulong mo." Matiim na napatitig sa kapatid ang dalaga.

Hindi niya kailanman naringgang nagkaproblema si Vincent. Siya ang laging ganoon. She's twenty two at matanda si Vincent sa kanya ng labindalawang taon.

Noong maliit pa siya'y tagapagtanggol niya ito sa mga classmates niyang bully. Pag may suliranin siya'y ang kapatid ang lagi niyang takbuhan. At noong mamatay ang mga magulang nila'y si Vincent din ang lagi niyang karamay.

She adored and loved her older brother.
"A-anong tulong ang maibibigay ko sa iyo, Vince?" tanong niya sa mahinang tinig.

"Gusto kong malaman kung nakahanda kang
tulungan ako, Mariel."

"Of... course. Sa abot ng aking makakaya. Alam
mo iyan."

Umaliwalas ang mukha binata. "I know I can
rely on you, pet..."

Pet. Iyon ang tawag sa kanya ni Vince noong maliliit pa sila at kahit na nang magdalaga siya. May humaplos na init sa damdamin niya.

Natanaw ng binata ang waiter na dala na ang
pagkain nila. "Kumain muna tayo, Mariel. Alam kong gutom ka na. Pag-usapan natin ang problema mamaya pagkatapos nating kumain," wika nito sa kanya.

Between foods, pasulyap-sulyap kay Vincent si
Mariel. Iniisip kung sa papaanong paraan matutulungan ang kapatid. She's only too eager na tulungan ito sa anumang suliranin. Makagaganti din siya ng utang na loob sa mga kabutihan nito sa kanya.

Kasalukuyang inilalapag ng waiter ang kanilang kape nang simulan ni Vincent ang paglalahad ng problema. At naglahong lahat ang pagnanais niyang tulungan ang kapatid nang marinig ang salaysay nito.

"Y-you can't do that! Hindi ko magagawa ang
sinasabi mo, Vincent!" Mariing pagtutol ng dalaga makaraan ang ilang sandali.

Nagsalubong ang mga kilay ni Vincent. "Ang
sabi mo'y tutulungan mo ako in everyway you could."

"Pero... pero... hindi sa ganitong paraan," aniya
na litung-lito.

Impatiently, luminga sa paligid si Vincent. "Alam mo ba kung saan galing ang salaping pinapag-aral ko sa iyo nitong huling taon mo sa kolehiyo? Ang salaping ginagastos mo sa pag-paroo't parito sa ibang bansa? Itong hotel accommodation natin? Ang pocket money
mo?"

"Sa... sa... naiwang pera ng Papa at Mama? Ang
negosyo natin sa Maynila?" Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng kapatid.

"Matagal nang natunaw iyon, Mariel." Sa
pagkakataong ito ay umiwas ng tingin si Vincent.

"How? Hindi ko maintindihan, Vince..."

"Kaya nga ipinaliliwanag ko sa iyo," angil nito.
"I... I... started losing money here in Nevada..."

"Huwag mong sabihin sa aking ipinatalo mo sa sugal ang kabuhayan natin?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Alam niyang nagsusugal ang kapatid pero ang maipatalo nito ang buong minana nila ay hindi niya mapaniwalaan.

Nang hindi sumagot ang binata ay nanlumo siya "Oh, Vincent!"

"Para rin sa iyo ito, Mariel... sa kinabukasan mo." nagsusumamo ang tinig nito, "...at sa akin.
Sinabi ko na sa iyo kung ano ang mangyayari kapag hindi ka pumayag sa sinasabi ko. Ang leeg ko o ang karsel dito sa Nevada?"

"But this is unfair, Vincent! How can you expect
me to marry a man I have never met in my whole life!" bulalas niyang gusto nang maiyak.

"You will meet him today."

"No, Vince, please, don't do this to me..."

Inihilamos ni Vincent sa mukha ang isang palad a tila nahahapong sumandal sa upuan. "I'm sorry, pet, sa mahinahong tinig ay ginagap nito ang kamay niya. Nagkaroon ng lambong ang mga mata. "Tama ka napaka-unfair ko kung pati ikaw ay idadamay ko sa suliraning ito. Yeah, problema ko ito at bahala akong
lusutan. Please forgive me, Mariel."

Hindi nakakibo ang dalaga. May tumulong luha sa mga mata niya na agad ding pinahid ng kamay.

Ginagamitan siya ng kapatid ng reverse psychology. Alam niya iyon. Pero alam din niyang hindi imumungkahi ng kapatid iyon kung may ibang paraan ito para lusutan ang problema.

At hindi niya maaaring pabayaan ang kapatid na makulong... or the worst that could happen to him ay... mapatay. Ni isipin ay hindi niya kaya iyon.

Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay nag-angat ng mukha si Mariel. "I... I'll... marry him, Vincent," kung paanong lumabas sa bibig niya iyon ay di niya alam.

Umaliwalas ang mukha ng binata. "Are you sure, pet? Talagang pakakasal ka sa kanya?"

Isang marahang tango ang pinakawalan ng dalaga.

"Oh, Mariel, salamat. You just saved my throat.

Lumingon ito sa isang mesa sa di-kalayuan sa kanila at sumenyas. Isang malaking lalaki ang tumayo mula sa mesa at lumapit sa kanila.

"Hello, Vince?" Nakangiting bati ng lalaki. "Is this your little sister, Mariel?"

Sa tingin ng dalaga ay matanda pa ito sa kapatid niya pero magandang lalaki at macho. At kung pagbabasehan ang mga alahas at klase ng suot nito the man spells money.

"Yes, Adrian. Gusto kong makilala mo ang bunso kong kapatid, si Mariel." Nilingon nito ang kapatid na tila maiiyak. "Pet, this is Adrian Martinez. Siya ang mapapangasawa mo."

Kinamayan siya nang mahigpit ng lalaki at napapikit ang dalaga. Sana'y biglang bumuka ang lupa at lamunin siya.

"I'm only too glad to meet my future bride. Hello, Mariel, hinding-hindi mo pagsisisihan ito," mariing wika ni Adrian.

Hindi niya alam kung paniniwalaan ang sinabi nito. Hinatak niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki.

Ngayon pa lamang ay gusto na niyang pagsisihan ang pagpayag sa pakiusap ni Vincent na pakasalan niya ang lalaking ito.

Continue Reading

You'll Also Like

51.6K 1K 12
Tinakasan ni Regina ang kasal nila ni Xander nang matuklasan niya ang tunay na pagkatao nito. Nagtungo siya sa Hong Kong upang kuhanin ang tatlong ta...
22.2K 366 12
"Pag-ibig din ang magdurugtong sa magagandang alaala ng isang lumipas na pag-ibig.." Maligaya si Julie sa piling ng kasintahang si Greg. Subalit tuwi...
67.6K 1.3K 13
Pagkatapos ng dalawang disastrous relationship, ipinangako ni Lilia sa sarili na ang pakikipag-boyfriend ang kahuli-hulihang maaari niyang isipin. Ha...