ALL-TIME FAVORITE: Sinner or...

By AgaOdilag

60.5K 1.1K 84

Pagkatapos ng dalawang disastrous relationship, ipinangako ni Lilia sa sarili na ang pakikipag-boyfriend ang... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13

CHAPTER 4

3.9K 72 2
By AgaOdilag

"THELMA Ventura!" bulalas ni Lilia. Bahagyang
napaangat ang likod niya sa sandalan ng silya.

"Yes. And after that, malaya ka na at puwede mo nang ituloy ang biyahe mo, with new plane tickets at accommodations kung kinakailangan."

"Dadalhin mo ako kay-kay Thelma Ventura?" ulit niya sa nanlalaking mga mata. Iyon ang huling pangalang inaasahan niyang marinig mula sa bibig ng lalaking ito.

The sudden flood of relief weakened her... kasabay niyon ay ang pagbangon ng galit. Ang naipong takot, sindak, at agam-agam sa dibdib niya at ang kaalamang hindi naman pala siya nanganganib ay nagpangyari upang mauwi iyon sa galit.

Marahas siyang tumayo. "Damn you!" she said
furiously. She fought the urge to hit this man. "Is this what is all about? Dadalhin mo lang pala ako kay Thelma Ventura! You could have killed me if I had a weak heart!"

"Your heart is far from being weak, Miss Serrano," sagot nito sa patuyang tono. “Wicked is more apt a description..."

Pinalampas niya ang insulto. Mas ang intrigang
nadarama niya sa dahilan kung bakit siya nito kinidnap.

Thelma Ventura was Tony's mother. Nang una siyang ipakilala ni Tony rito ay nakapalagayang-loob agad niya ang matandang babae. Ganoon din si Fidel, ang asawa nito na bagaman sensitibo at labis-labis ang pagmamalaki kay Tony ay kasundo niya.

Nang mabalitaan ni Lilia ang nangyaring aksidente ni Tony ay agad siyang nagpunta sa Alabat, isang bayan sa Quezon, upang makiramay sa mga ito. Subalit hindi man
lang siya nakalapit kay Thelma dahil naroon na agad si Fidel Ventura at humarang sa kanya.
Poot ang nasa mga mata nito. At kung lalaki lamang siya'y malamang na nasaktan siya ni Fidel Ventura. Siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng anak... na wala siyang
kuwentang babae. Na mula nang makipagkalas siya kay Tony at sabihin ditong hindi na matutuloy ang kasal ay gabi-gabi na itong lasing. Na kung hindi ito naging miserable at desperado, hindi sana ito naaksidente at namatay.

Para kay Fidel Ventura ay kasalanan niya ang lahat. Na nawalan ito ng anak dahil sa kanya.
Pero hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa mag-asawa sa kabila ng napahiya siya sa mga taong nakikiramay.

Nauunawaan niyang namimighati lamang ang mga ito sa pagkamatay ng anak. Fidel loved Tony to a fault. Iyon ang nakita ni Lilia rito.
Kaya naman mula noon ay hindi na niya sinubukang makipagkita o makipag-communicate pang muli sa mag-asawa. It would only upset them, bukod pa sa napakalayo Alabat. Pero kung alam lang niyang nais siyang makita ni Thelma, she would have dropped everything at walang
sabi-sabing pupunta siya sa Alabat anumang oras.

"Bakit hindi mo sinabing kay Thelma Ventura mo ako dadalhin? Pupuntahan ko siya anumang oras kung sinabi mo sa aking gusto niya akong makita at makausap."

"Really?" Disbelief, disgust, and anger was visible on Vince's face. "Yes, naroon ka nang mamatay si Tony, pero hindi ka nakatagal at umalis ka rin agad. Ang pagkamatay ni Tony ang nagbigay sa iyo ng pagkakataong maputol ang ugnayan mo sa pamilya niya!"

Humakbang ito palayo kay Lilia na tila ba kung
hindi nito gagawin iyon ay pipilipitin nito ang leeg niya. Nagpalakad-lakad ito bago muling humarap sa kanya.

"Sa nakalipas na mga buwan ay tinangka ni Thelma Ventura na makipag-ugnayan sa iyo. Pero sa tatlong pagkakataon ay nabigo siyang makausap ka. Iisa ang sagot ng sekretarya mo... kung wala ka sa opisina'y nakikipag-meeting ka. At-"

"Pero imposibleng hindi ko kakausapin si Thelma kung... kung..." She stopped in mid-sentence. Hinahagilap sa isip kung may pagkakataong nasabi ng sekretarya niya na tinawagan siya ni Thelma Ventura. The past three months were the company's busiest months. Sunod-sunod ang meetings ng mga writer at editorial staff; inventories; seminars para sa sales persons and workshoppers. At
mahigpit niyang ibinilin sa sekretarya na mga importanteng tawag lamang ang gusto niyang i-entertain.

"Kung... kung hindi man niya ako nakausap ay hindi iyon sinasadya. I just got myself too busy..." she said almost guiltily.

He sneered at her. "Of course you're busy. Busy
dating with the likes of Ramil Cuesta at kung sino pang masalaping lalaki."

Napasinghap si Lilia sa narinig. "Wala kang
karapatang-" Subalit hindi niya nadugtungan ang sinabi dahil muling nagsalita si Vince.

"Matagal nang may sakit si Thelma, Miss Serrano!" Sa pagkakataong iyo'y nakita ni Lilia ang pagguhit ng pag-aalala at lungkot sa mga mata ni Vince kasabay ng galit.

"Hanggang ngayo'y hindi niya matanggap ang maagang pagkawala ni Tony. Kaya ipinasya kong dalhin ka sa kanya. Gusto kong makita mo kung ano ang ginawa mo kay Thelma... sa pamilyang iyon. Panahon na para makita mo kung anong pinsala ang nagagawa ng mga babaeng tulad mo!"

She shook her head wearily. Naririnig niya ang bawat katagang lumalabas ng bibig nito subalit hindi niya maunawaan ang ibig nitong sabihin. Maraming tanong ang nag-uunahan sa nalilitong isip niya subalit bago pa siya makapag-isip kung alin doon ang unang itatanong ay muling nagsalita si Vince.

"I'm sure you realized by now that you are not in danger." Muling bumalik ang kalamigan sa tinig nito. "At umaasa akong ang bayolenteng pagkatao mo'y itatago mo na uli. At marahil ay magagawa mo nang kumilos para sa gagamitin natin bukas o kung hanggang kailan titigil ang
bagyong ito." Sandali itong luminga sa bintana.

Ang bintanang capiz ay patuloy na hinahampas ng mga sanga ng puno sanhi ng malakas na hangin. Pagkuwa'y ibinalik sa kanya ang tingin.

"Naubusan ng gas ang tangke at tatakbo ako sa kamalig sa labas upang kumuha ng kahoy na panggatong. Siguro nama'y magagawa mong magluto ng hapunan natin habang maaga pa. May frozen foods sa ref."

"No." Totoong napanatag ang loob niya sa kaalamang hindi siya nanganganib mapahamak sa lalaking ito. Subalit hindi niya basta maalis sa isip ang terror na dinanas niya
mula kaninang nalaman niyang hindi sila sa airport pupunta. And she couldn't even forgive him for ruining her vacation. "If you want food, you can get it yourself!"

Gustong manliit ni Lilia sa tinging ibinigay nito sa kanya. "Na-stranded tayo rito dahil sa hindi inaasahang pagsama ng panahon. If you expect me to apologize, you've got a thing coming. You deserve all you get. At kung inaasahan mo ring ako ang gagawa ng lahat para sa iyo, nagkakamali ka! Hindi ako si Thelma at Fidel Ventura... o si Tony!" His mouth curled cruelly. "Now moved!"

Mabigat ang loob na kumilos si Lilia. Hindi dahil sa gusto niyang sumunod. Alam niyang pipilitin siya nitong kumilos. And she didn't want him to touch her. Itinaas niya ang noo at humakbang patungo sa ref kasabay ng paglabas ni Vince patungo sa kusina.

Puno ng frozen food ang freezer. Ipinasya niyang maglabas ng karne upang siyang lutuin. Pagkatapos ay bumaling siya sa cupboard at naghanap ng mga gagamitin
para sa paghihiwa ng manok at iba pang rekado. At wala siyang pakialam kung gumagawa siya ng ingay sa pagdadabog niya.

Sinimulan niyang hiwain frozen ang meat subalit ni hindi tumalab ang kutsilyo niya. She tried again. At dahil frozen, nahirapan siyang ihiwa ang kutsilyo. She gritted her teeth angrily, tinabig ang matigas na karne at bumalandra iyon sa lababo.

Iyon ang napasukan ni Vince. Watching her, he was torn between irritation and amusement.
"Bakit hindi mo gamitin ang microwave para
i-thaw ang karne?" suhestiyon nito na tila ba wala siyang alam sa mga modernong kagamitan.

Hindi sumagot si Lilia. Alam niyang umaakto
siyang tila bata sa ginagawa. Pero nagagalit siya. Ano ang karapatan ng lalaking itong kidnapin siya sa isang walang kakuwenta-kuwentang dahilan at pagkatapos ay utusan siyang maghanda ng pagkain nila?

Nakita ni Vince ang pagtaas-baba ng dibdib niya sa tinitimping galit. "Nakapagtatakang hindi mo alam kumilos sa kusina gayong hindi ka naman anak-mayaman."

Nasa tono nito ang pang-uuyam. Humakbang palapit sa kanya. "Sa pagkakaalam ko'y galing sa pagsasaka ang ipinampaaral sa iyo ng iyong mga magulang..."

"Wala kang pakialam kung paano ako nakapag-aral!” she hissed. "At lalong wala kang karapatang husgahan ako kung marunong ako sa kusina o hindi!" Unawarely, iniangat niya ang kutsilyo sa direksiyon nito. Her voice was sharp and bitter. "Nawala ang bakasyong matagal ko nang hinihintay dahil sa iyo."

"Ibaba mo iyan at baka saan pa tumama iyan."
Hinawi nito ang kamay niyang may hawak na kutsilyo. "At bakasyon lang ang nawala sa iyo'y nagkakaganyan ka na..." paismid nitong sabi at dinampot ang frozen meat na humagis sa lababo. Inalis ang cloth cover ng microwave na nasa dulo ng tiled counter. "Pero hindi ka nanghihinayang na nawala sa iyo sina Thelma at Fidel..."

Wala akong pakialam sa kanila! Iyon ang nasa isip niya sa inis, but she held her tongue. Hindi siya ganoon ka-uncaring sa mga magulang ni Tony na naging napakabait din naman sa kanya. Humugot siya nang malalim na paghinga, her anger slipping away. Muli humalili ang kalituhan. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito.

Hindi niya kasalanan ang nangyari-kung ang pagkawala ni Tony ang ibig sabihin ng lalaki. Dahil ginawa niya ang lahat para matulungan ang dating kasintahan.

At ano naman ang pakialam ng lalaking ito kung sakali? Nasaan ang connection? Kailangan niyang malaman dahil patuloy siyang nangangapa sa dilim, and he was
driving her out of her mind. He must have investigated thoroughly para malaman nito ang maraming bagay tungkol sa kanya. Pero bakit?

At dahil wala naman silang gaanong kinain kaninang tanghali ay maaga silang naghapunan. They ate in silence.

Patapos na sila nang nangahas siyang linawin ang lahat dahil tila wala itong balak na gawin iyon. "Who are you? Ano ang relasyon mo sa mga Ventura?"

"Vince ang pangalan ko. Sinabi ko na sa 'yo, 'di ba? At ang mga Ventura ang mga magulang ko. And if you want to split hairs, ako ang ampon nila."

"Y-you're lying," aniya. Lalo lang naguluhan. "Dalawa lang ang anak nila-sina Vic at Tony. At sa pagkakaalam ko ay nasa Canada si Vic. So who are you really, Mr. Cortez?"

"I am Vicente Cortez," he said. "I was nine years old when the Venturas adopted me. Mas pinili nilang tawagin akong Vic. Sa Canada, Vince ako sa lahat... at iyan din ang natatandaan kong tawag sa akin ng biological mother ko.
So pinili ko ang pangalang iyon."

"Ikaw si... si Vic!" bulalas ni Lilia. Hindi makapaniwala.

Hindi niya inaasahan iyon. Bigla ay rumagasa sa isip niya ang mga bagay na binanggit ng mag-asawang Ventura tungkol sa lalaking ito.
Si Vic o Vince ay anak ng malayong pinsan ni
Thelma Ventura na nakapag-asawa ng Mexican nang ito'y magtrabaho sa America.

Ayon sa pagkakakuwento ni Thelma sa kanya, ang ama ni Vince ay napatay sa isang mob
riot sa America nang ito'y isang taong gulang pa lamang. Iyon ang dahilan upang umuwi sa Pilipinas ang ina nito. At naulilang lubos si Vince nang siyam na taong gulang ito. At dahil si Thelma lamang ang kaisa-isang kamag-anak
ay inampon at pinag-aral ng mga Ventura si Vic.

Subalit sa murang gulang, natutuhan ni Vic na huwag iasa sa iba ang buhay. He helped himself by working his way through college, sa kabila ng pagnanais ng mga Ventura na suportahan ito. Thelma said he was a loner. That he walked through life without needing someone. That he made his own rules.

At ngayon ay isa siya sa biktima nito.
"Vic... Vince... whatever," she shrugged her shoulders, looked straight into his eyes. "But it still doesn't explain why you abducted me. O, kung bakit gugustuhin akong makita ni M-ma... ni Thelma ngayon." Hindi niya masabi
"Mama Thelma" na siyang gusto ng matanda nang babaeng itawag niya rito.

"Hindi na ngayon. Nawalan na siya ng pag-asang makausap ka pa." Inabot nito ang baso ng tubig at uminom. Pagkatapos ay tumayo na ito, his powerful figure filling the entire room. "Tulad ng sinabi ko na, nawalan na siya ng siglang harapin ang buhay magmula nang mamatay si Tony. At alam natin kung sino ang may kasalanan niyon. At ipapamukha ko sa iyo ang kasamaang ginawa mo!"

The anger in his voice turned her stomach. Ibinaba niya sa plato ang kutsara at tinidor. "Wala akong kasalanan sa nangyari kay Tony!"

"Lagi namang walang kasalanan ang mga tulad mo, 'di ba?" paismid nitong sabi. "Ang tulad mo'y kinukuha ang lahat-pag-ibig, pagtingin, pagtitiwala-pagkatapos ay ihahagis na lang basta na tila basahan kapag nagsawa
na. Wala kang pakialam sa epekto niyon sa iba. You're selfish and inconsiderate. At ipapamukha ko sa iyo ang pinsalang ginawa mo. I'll make sure of that, if that's the
last thing I do."

"Wala ka rito nang panahong magkasintahan kami ni Tony!" she said, her voice quivering. "Wala ka rin dito nang tapusin ko ang ugnayan namin at hindi ituloy ang pagpapakasal sa kanya. Kaya ano ang nagbigay sa iyo ng karapatang husgahan at hatulan ako?"

"Tony was my brother. Ang mga magulang niya ang nagpalaki sa akin. Utang ko sa kanila ang lahat. Iyon ang nagbigay sa akin ng karapatan! At dahil sa ginawa mo kay Tony, ang Mama ngayon ay-" Hindi nito itinuloy ang gustong sabihin. Tumaas-bumaba ang dibdib. Ang
kalamigan at pagkasuklam na nakikita niya sa mga mata nito'y sapat upang muling umahon ang takot sa dibdib ni Lilia.

"You're dangerous, Lilia Serrano," muling sabi ni Vince. "Wala kang pinapatawad. Pati lalaking may asawa ay binibiktima mo!"

She raised her head sharply. "A-ano ang ibig mong sabihin?"

"Sa palagay mo ba hindi ko nalaman ang tungkol kay Henry Mendez?" He sneered. "Ano na nga ba ang nangyari sa kanya? Bumalik ba siya sa asawa niya o tuluyan nang nasira ang pamilya nila? Hindi ko na tuluyang inalam
dahil hindi ko kayang sikmurain ang natuklasan ko tungkol sa 'yo. Ang ikinalulungkot ko lang, pati si Tony ay naging
biktima ng kamandag mo."

"But you don't know-" Subalit hindi niya nagawang tapusin ang sinasabi dahil tinalikuran na siya ni Vince at lumabas na ito.

Continue Reading

You'll Also Like

50.4K 1K 31
Nang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. Natuklasan din niya mula sa...
1.9M 95.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
56.1K 1.3K 18
"Sweetheart, I'm yours. And I'll be yours hanggang sa matuyo ang dagat sa San Ignacio. In other words-until I die..." Si Miles ang first crush ni Nad...
815K 25.4K 53
[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor...