Clash of the Campus Princes a...

Galing kay songaeiki

3.2M 91.4K 4.7K

An unexplainable tradition of Saint Harvest when it comes to their school organization where all of them are... Higit pa

Prologue
Chapter 1
Author's Note
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 4.2
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 7.2
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Author's Birthday Note
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21.1
Chapter 21.2
Chapter 21.3
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
OTHER STORIES
Chapter 32
Chapter 33.1
Chapter 33.2
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 45.2
Chapter 45.3
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Special Chapter
Chapter 51.1
Chapter 51.2
Chapter 52.1
Chapter 52.2
Chapter 52.3
Chapter 52.4
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
EPILOGUE
Author's Note
CCPP PLAYLIST
CCPP Book Two
CCPP SOFT COPY

Chapter 57

19.4K 837 121
Galing kay songaeiki

Chapter 57: Her Handkerchief?

Pauline's POV

"Apo. Okay na ba talaga yang braso mo? Papasok ka na ba?" Tanong ni Lola.

Nag-nod naman ako at sumagot. "Opo La! Feeling ko po kasi, lalo ako magkakasakit dito sa bahay kapag di ako lumabas." Sabi ko at pilit na ngumiti.

"Nag-aalala din sayo ang mommy mo, sabi nga niya. Matapos lang daw ang meeting nito sa London ay aalis na sila agad para sayo." Sabi nito.

"Hay nako! Kayo talaga. Pilay lang 'to, yakang-yaka 'to!" Sabi ko pa.

"Sa susunod naman kase Pau-pau. Mag-ingat ka! Grabe. Di ako makapaniwala na nahulog ka nga sa hagdan." Sabi nito sa akin.

"Opo La. Mag-iingat na." Sabi ko.

"Oh siya. Ayusin ko na nga itong mga gamit mo nang makaalis ka na." Sabi nito at pumunta muna sa sala.

Matapos nung nahulog ako sa hagdan akala ko mawawala na yung sakit kasi mapapalitan na ng Physically pain. Pero hindi pala, kasi imbis na hanapin niya ako. Ayun, nakita ko pang nag-kiss sila ni Eunice, nakita ko naman talagang si Eunice ang humalik sa kanya, pero ba't di niya kayang itulak siya? Nalilito ako.

"Oh. Apo? Maayos na gamit mo." Sabi ni Lola.

"Ah. Sige po." Sabi ko at sumunod na dito.

"Ipapahatid pa ba kita kay Mang Ronald o susunduin ka ni Justine?" Sabi ni Lola.

Susunduin nga ba ako ni Justine? Pero pakiramdam ko, hindi e. Lalo na kung iba naman yung susunduin niya.

"Uhm. Di na po siguro, busy po yun ngayon e. Alam niyo na. Gagamitin ko na lang po yung kotse ko." Sabi ko at kinuha na ang gamit ko.

"Oh sige. Mag-iingat ka sa pagmamaneho." Sabi ni Lola at binuksan na ang pintuan.

"Mauna na po ako." Paalam ko.

"Ay. Teka!" Napatingin naman ako nung tawagin ako ni Lola.

"Nakalimutan mo panyo mo, saka. Diba? Yan yung panyo na binigay ni Justine noon ng nasa parke ka?" Sabi ni Lola. Kinuha ko naman yung panyo na binigay niya.

"Sige po, mauna na ako." Paalam ko.

Pumunta na ako sa garahe at sumakay na sa kotse ko. Buti na lang at marunong na ako mag-drive. Ayoko talagang isipin na sinundo ni Justine si Eunice. Ano na ba kami?

Pagkarating ko sa school ay agad kong pinarada yung sasakyan ko sa tabi ng sasakyan ni Abby.

"Oh? Maayos ka na? Wow ah! Nakaka pagmaneho ka pa." Sabi ni Abby nang makababa ako sa sasakyan.

"Psh. Sisiw." Sabi ko.

"Tsk. Gawin kaya kitang sisiw? Paano kung napano ka? Hindi ka na lang nag pahatid. Bakit? Hindi ka ba sinundo ng magaling mong Yamo?" Sigaw ni Abby.

**Off Engine**

Napatingin naman ako sa sasakyan na nasa harap namin ni Abby. Kilala ko 'tong sasakyan na ito, kilalang-kilala.

"Pauline? Tara na?" Aya ni Abby at hinawakan ako sa wrist. Pero para lang akong bingi na walang narinig, hindi pa din ako umaalis sa kinatatayuan ko.

"Pau! Ano ba! Halika na!" Sigaw ni Abby at hinahatak na ako.

Hindi pa din talaga ako umaalis sa harap ng sasakyan ni Justine hanggat sa lumabas ito at lumabas din ang isang babae. So? Tama nga ang hinala ko? Kaya di niya ako sinundo kasi si Eunice ang sinundo niya?

"Pauline!" Sigaw ni Cleofe at Cassandra. Pero para lang silang hangin sa akin.

"Tsk. Ang kapal din talaga ng mukha mo Justine para dito pa sa harap ni Pauline mag-park no?" Sabi ni Cassandra.

"Why? Kasalanan ba ni Babe na ito na lang ang huling parking space?" Sabi naman ni Eunice.

Halos ni isang salita, walang lumalabas sa bibig ko. Nasasaktan ako! Umasa ako. Tsk! Sino nga ba nag-sabi sayo Pau na umasa ka? Ikaw lang naman Pau. Kahit kelan! Ang bobo mo.

"Heck Eunice. Anak ng may-ari si Justine ng school na 'to. Meaning, half owner na din siya. Pwede niyang gawin kung anong gusto niya. Pwede siyang mag-park kung saan niya gusto. So? Bakit makikipark pa siya dito sa student parking kung pwede naman sa iba diba?" Sabi naman ni Abby.

"H-halika na.." Sabi ko at hinawakan na si Abby.

"Psh. I don't talk to low class." Sabi naman ni Eunice at yumakap pa sa mga braso ni Justine.

Bakit? Bakit di ka man lang nag-pupumiglas? Nasa harap mo ko! Ba't parang wala lang sayo?

"Halika na. Hindi din naman talaga kinakausap ang taong takas sa mental." Sabi ni Cleofe at hinatak na ako papaalis doon.

"Wag ka na nga umiyak.." Sabi ni Cassandra.

"Tama na yan." Sabi ni Cleofe.

"Tumahan ka na, nandyan na si Sr." Sabi ni Abby.

Inayos ko naman ang sarili ko at pinunasan ang mga luha ko. Nandito ako sa tabi nila Cleofe. Gusto ko muna sa tabi nila.

"Hello Class!" Bati ni Sr. Caga.

Tumayo naman ang iba at bumati pero ako ay nananatiling naka-upo habang naka-yuko.

"Ms. Smith? Ganyan ka na ba walang respeto?" Sita sa akin ni Sr. Caga.

"Excuse me Sr." Napatingin naman ang atensyon nila kila Eunice at Justine na ngayon ay papasok pa lang.

"Sorry we're late." Sabi ni Dana.

"Di na po mauulit." Sabi ni Mae.

"Ok. Pasok." Sabi ni Sr. Umupo naman sila sa mga pwesto nila.

Bali ganito ang kalalabasan.

Aircon|Justine|Eunice|Dana|Mae
Cleofe|Jousha|Jin|Abby|Vacant
Ako|Cassandra|Alex|Vacant|

Yung dati naming pwesto ay naiba na. Dati ako nasa tabi ng Aircon at tabi ni Justine. Habang sila Abby at Jin naman ang kasama ko sa row.

"Back to my lecture to you Ms. Smith." Sabi ni Sr. Yung mga kaklase ko naman ay tahimik lang na naka-upo.

"Excuse me again Sr." Tumayo naman si Cleofe.

"Hindi niyo ba napapansin na masama ang pakiramdam ni Smith?" Tayo naman ni Kevin.

"Masama ho! Pakiramdam nung tao, kaya pwede? Saka niyo na sermunan? Tutal kayo naman ang may kasalanan." Sabi ni Cleofe.

"Paano mo ako nakaka-usap ng ganyan Ms. Seo?" Sabi ni Sr. Caga.

"Tama na yan Cleo." Sabi ko.

"Hayaan mo na." Sabi naman ni Abby.

"Psh. Dahil may respeto pa ako sa inyo. Di ko kayo sasagutin." Sabi naman ni Cleofe at umupo na.

"Mga walang respect." Sabi ni Eunice.

"Sariling teacher sinasagot." Sabi naman ni Dana.

"Di bali ng sagutin sila, kesa naman landiin sila. Speaking of respect, kami na sinasagot ang teacher namin o kayo na nakikipag-landian sa kanila. Tell me! Sinong walang respeto sa teacher pati sa sarili nila?" Sabi ko at sinamaan ng tingin si Sr. Caga at sila Eunice.

"Excuse me! I'm leaving!" Sigaw ko at padabog na umalis sa room.

Pumunta naman ako sa garden. Dito lang ata peaceful. Dito lang ata ako titigil umiyak. Dito nga ba talaga?

"Nakakainis!" Bulong ko.

"Ang weak mo!" Napatingin naman ako sa nagsalita.

"Lagi ka na lang ba iiyak? The heck! Sino ba namatayan sa inyo? Condolence ah." Sabi ni Eunice.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Tss. Napadaan lang ako! Why? Are you thinking na sinusundan kita? No way." Sabi naman niya.

"May sinabi ba ako? Don't be too defensive." Sabi ko sa kanya.

"Well, bakit mo iniiyakan boyfriend ko?" Tanong niya.

Boyfriend niya? Heck! Grabe naman yun! Parang sinampal naman ako doon.

"May relasyon ba kayo?" Tanong niya pa.

"Hindi ba halata? Sa tingin mo! Bakit iiyak ang isang babae habang nakikita niya ang lalaking mahal niya na kasama ang Ex niya?" Sabi ko.

"Hm. Tears of Joy?" Sabi niya.

"Mental ka nga!" Sabi ko.

"Psh. Well, sorry ka! You're just a rebound nung panahon na wala ako. Well, ngayong nandito na ako! Wala ka na. Dahil ako na." Sabi niya.

"Edi ikaw na. Pabida ka diba? Kaya nga pati professor mo dinadamay mo sa kalandian mo." Sabi ko at nilabas ang panyo ni Justine at pinunasan ang mga luha ko.

"What the fuck? Talagang nasa iyo pa ang panyo ko?" Sabi niya.

Napatigil naman ako doon. Panyo niya?

"H-hindi sayo 'to" Sabi ko.

"Tss. Akin yan!" Sabi niya at inagaw pa 'to pero hinigpitan ko yung hawak dito at tinulak siya.

"AKIN TO! BINIGAY SA AKIN NI JUSTINE TO!" Sabi ko.

"Okay. Tingnan mo pa yung initial dyan." Sabi niya.

Tinignan ko naman ito at may nakita akong J.R.E. Bakit? Bakit di ko 'to napansin? Bakit ang bobo ko sa akala kong Justine Ryan Enriquez Scott 'to? Bakit? Lagi na lang akong umaasa.

"Tss. Ako nagbigay sa kanya niyan kaya akin yan." Sabi niya at tinulak ako ng malakas kaya naman napahiga ako sa damuhan.

Pero bakit ganon? Kahit nalaman kong si Eunice ang E dito? Bakit ayaw kong bitawan 'to? Bakit? Umaasa nanaman ako?

"OMG!"

Naramdaman ko na lang ang bigat ng katawan ko ng sampalin ako at sabunutan ni Eunice. Hindi ko mapagtanggol ang sarili ko dahil may pilay ako. Pau-pau! Tulungan mo sarili mo.

"PAU!"

"HAYOP KA EUNICE!" - ABBY.

"NICE! TAMA NA YAN!"

Hindi ko alam pero, mas nasaktan ako ng tawagin ni Justine si Eunice. Kinuha naman ni Justine at Jousha si Eunice sa ibabaw ko at tinulungan ako nila Abby tumayo.

"P-pau? O-" Hindi ko na pinatapos si Justine ng bigla ko siyang sampalin. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin yun.

"PAULINE!" Sigaw ni Abby.

"Masaya ka ba sa paglalaro mo? Nanalo kana? Ako natalo?" Sabi ko sa kanya.

"Salamat nga pala sa pag bigay ng panyo nung nasa park ako ha! Habang lugmok ako sa magulang ko. Pero di ko na kailangan niyan! Dapat hindi ko na lang pala tinanggap e! Kasi naman, galing pala sa masamang tao yan" Hinagis ko naman sa kanya yung panyo.

"Masaya kana? Sana! Kasi.. Natalo ako! Salamat sa pagiging panakip butas ah! Salamat." Sabi ko at tumakbo na paalis.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero. Strike two na 'to. Dalawang beses na ako nasasaktan Physical at Emotional. Ang sakit ah! Katawan ko, lalo na ang damdamin ko. Letse!

Bakit ganun? Di ko ramdam yung mga pinagsasabi mo sakin... Mahal mo nga ba talaga ako? O isa lang ako sa iyong pampalipas oras?

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

10.2K 2.2K 45
Joanna Beatrice is a part of a special section, but she doesn't feel like she belongs because she's not as smart as her classmates. She's a happy-go...
60.6K 677 6
Magaling ka bang magpanggap at magtago ng nararamdaman? Mahilig ka rin bang tumanggi sa mga katotohanang tungkol sa sarili mo? Ako si Zhavia. Lahat a...
6.5K 1.2K 18
Penful Aqua got accident because she wanted to escape those people who hurt her, and after that incident she met this guy named Ausvein Aphie who hav...
19.3K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...