Always Yoo | winrina

By k_yuji

7.1K 256 14

Winter Kim - a grade 12 student, had a huge crush on a famous student in SM University named Karina Yoo. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 32

127 6 0
By k_yuji

Hindi na naman ako pinapansin ni Karina, but this time may reason siya. Hindi na ito prank, gaya ng dati. Nakita niya raw kasi ako kanina na may kausap na babae tapos kung maka-ngiti raw ako, parang walang bukas ika niya.

Eh, natatawa lang naman talaga ako sa sinabi ni Kaye kaya napatawa ako. Tsaka, hindi ko talaga siya nakitang dumaan. Akala ko nga ay nasa office niya lang siya.

Hindi ko alam kung malulungkot ba ako ngayon o ano. Kanina pa kasi siya nagsusungit sa akin. Pero kahit ganun, mahal na mahal ko ang girlfriend ko.

“Baby” tawag ko rito. Nag-angat siya ng tingin at masama pa rin ako nitong tinignan.

“Date tayo.” nakangisi kong saad. Umiba naman ang expression ng kanyang mukha, pero agad din itong naglaho na parang nasa isip niya na galit pa pala siya sa akin.

“Where?” cold nitong tanong.

“No matter where I am, I am happy as long as I am with you.” panggagaya ko sa sinabi niya sa akin noong nakaraang araw.

Kinikilig pa rin talaga ako sa date namin noong isang araw nuh.

Marami akong kinuhang pictures niya, but hindi ko shinare o ni-upload sa social media kasi para sa mata ko lang ‘yun. Meron namang iba na pinost/upload ko, pero konti lang talaga.

Ganyan ako kadamot when it comes to my girlfriend.

Marami rin ang nagsi-comment kung saan ko raw nakuha ’yung mga litrato. Ang sinabi ko na lang ay nakita ko lang kung saan saan. Alam kong masama ang magsinungaling pero may reason naman ako. Kasi ayokong ma-reveal ‘yung relationship namin ni Karina sa public.

Sila Ningning at Giselle lang talaga ‘yung may alam sa relationship namin ni Karina. Alam ko naman, at may tiwala naman ako sa dalawang iyon kaya malabo talagang ipagkalat nila.

Ganoon din naman sina Mama at Mommy, nasa work lang naman sila palagi at sina Tita at Tito rin. Sila-sila lang talaga ang may alam sa relationship namin ni Karina.

“What time is your class now?” tanong ng aking magandang girlfriend na kung makatingin sa akin, parang ang laki-laki talaga ng nagawa kong kasalanan.

Ang cute rin kasi minsan ni Karina kapag nagseselos siya, kasi grabe talaga siya kung mainis sa akin. Selos na selos nga siya kay Yeji noon eh, nung hindi pa kami. Ano na kaya ngayon na kami na?

But, okay lang talaga sa akin na nagseselos siya pero hindi naman ako gumagawa ng ikinaseselos niya sadyang mahal niya lang talaga ako kaya ’yun ang nararamdaman niya emz.

Doon kasi nag ma-matter eh, sa palagay ko lang naman. Kasi in the first place, bakit ka naman magseselos if hindi mo mahal ang isang tao? Bakit ka naman masasaktan kung hindi mo mahal ang isa tao, diba?

“Ayokong pumasok.” mas sumama ang tingin nito sa akin, “Saka na kapag okay na tayo.” maloko kong saad.

“Do you not think we’re good??” naiirita nitong tanong sa akin. Kita mo, magtatanong na nga lang naiirita pa.

“Kasi baby, naiinis ka sa akin, sabi mo.” ani ko na para bang nagsusumbong sa magulang.

“Come here.” aniya.

Agad naman akong tumayo at pumunta sa kinaroroonan niya.

“I love you,” she whispered and kissed me on my cheeks.

“Ako lang i—” hindi ko natuloy ang sasabihin dahil agad niya akong kinurot sa tagiliran. “Masakit.” sabi ko, kasi masakit talaga.

“Let me see.” umiling ako, para-paraan din kasi itong si Karina.

“Hindi na siya masakit.” sabi ko sa kanya, pero masakit pa talaga. Parang bumaon kasi ‘yung kuko niya.

“Let’s go sa house namin, later?” narinig kong sabi ni Karina. Napangiti naman ako sa idea niya. Maganda ngang pumunta roon kasi matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta doon sa bahay nila.

Miss ko na ‘yung pamangkin niyang Ate Season ang tawag sa akin.

“Nandoon ba si Seulhyun?” tanong ko sa aking girlfriend, tumango naman siya sa akin.

“Sige, bili muna tayo ice cream mamaya. Ibibigay ko kay Seulhyun.” saad ko rito.

“She doesn’t like ice cream.” ani Karina. Hindi ako makapaniwala. Mostly kasi sa mga batang na-eencounter ko ay mahilig sa ice cream.

“Ano pala ang gusto niya?” biglaang tanong ko.

“What time is your class now?” pag-iiba ng usapan ni Karina. Tumingin naman ako sa aking relo at maaga pa naman para sa klase namin.

“3 P.M. pa, Baby.” sagot ko.

“So, anong favorite food ni Seulhyun?” tanong ko ulit.

“Is that your last subject?” tanong ulit nito sa akin. Bakit niya ba iniiba? Don’t tell me nagseselos niya sa pamangkin niya? Haha.

“Baby, nagseselos ka ba?.” tanong ko at tumawa. Wala lang, feeling ko kasi nagseselos siya eh.

“Why?” sagot nito na para bang walang alam.

“Wala, sabi ko ang cute-cute mo.” sabi ko sa kanya at agad na kinurot ang dalawang bahagi ng kanyang pisngi.

Palagi siyang naiinis sa akin kasi palagi kong kinukurot. Paano ba kasi, ang cute-cute niya. Ayan tuloy.

Biglang nag ring ang cellphone niya, kaya naman ay napatigil ito sa kanyang ginagawa.

“Wait, let me answer this call.” tumayo ang aking girlfriend at agad na lumabas ng office niya. Hindi ko siya gets kung bakit sa labas pa niya sagutin, kung pwede namang dito sa loob?

Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik na agad si Karina. Hindi ko alam kung maiinis ba ako, o magtatampo o hindi kaya magseselos kung sino man ‘yun?

Ay, bahala na nga.

“Sino ‘yun?” kahit anong bahala ko, hindi ko pa rin talaga maiwasang magtanong.

Bakit ba kasi sa labas kung pwede namang dito sa loob?

”Nothing.” nakangiti nito sagot sa akin, sabay upo sa swivel chair.

Edi okay.

Magsama sila nun kung sino man ‘yun.

CHAROT

“Badtrip ka na naman ba?” tanong sa akin ni Ningning. Kakatapos lang kasi ng Philosophy subject namin, at feeling ko rin ay kanina niya pa ako napapansin na wala ako sa mood.

“Hindi naman.” maikling sagot ko sa aking kaibigan. Ewan ko ba, hindi naman ‘yun big deal talaga pero ewan bigla-bigla nalang ako nawawala sa mood nang dahil lang dun.

“Sinungaling.” ani Ning, “Parehas talaga kayo ng pinsan mo, ano?”

Ayan na naman siya, dinadamay niya na naman ako. Sa tuwing may ginagawang hindi maganda si Giselle sa kanya, pati sa akin kino-connect niya eh.

“Nasa lahi niyo na ‘yan siguro.” kalmado lang akong nakikinig kay Ningning. Hindi naman ako naiinis talaga sa mga sinasabi niya. Bahala na siya d’yan kung ano ang sabihin niya, basta aminado akong hindi kami pareho ni Gi nuh.

“Mauna na ako, ha? Mag-ingat ka.” pagpapaalam sa akin ni Ningning.

“Ikaw rin.” sagot ko lamang sa kanya. Inayos ko na rin ang aking mga gamit at agad na rin nagtungo sa opisina ni Karina.

Kahit medyo na-badtrip ako kanina ay kailangan ko pa rin pumunta doon, kasi pupunta ako sa bahay nila. For sure naman ay magkaka-ayos kami. Kapag kasi nag-aaway kami, hindi talaga ‘yan umaabot ng isang araw o ano pa man ‘yan.

Nakakainis lang talaga ‘yung time na pinrank niya ako. Grabe, mag-isang araw kaming hindi nagpapansinan?

“Are you okay?” bungad na tanong sa akin ni Karina, tumango lamang ako sa kanya.

“Can’t you speak?” she asked, kaya napahinga ako ng malalim.

“Okay lang ako.” naka-pout kong saad.

“What’s wrong?” she asked worriedly.

Sasabihin ko ba? O hindi?

Ay bahala na talaga si Batman.

“About kanina.” panimula ko, “Sino ‘yung kausap mo?”

“I told you already?”

“Eh, bakit kasi sa labas mo sinagot ‘yung call eh pwede naman sa loob?” para na akong bata sa boses ko ngayon. Hindi ko ito gusto, pero kasi, alangan naman na hayaan ko lang diba? Nakakaselos din kasi eh. Pero hindi ko ‘yun sasabihin, maangas tayo e.

“Are you jealous?” aba’t tinatanong pa talaga ako, oh.

“Hindi,” pagsisinungaling ko, nakakawala kasi ng angas.

“So, why are you talking to me like that?” sabi ko nga, hayaan nalang ‘yun.

“Uwi na tayo.” flat kong saad.

“That’s Seulhyun, Baby.” she said. “I don’t like the way you asked me earlier about her favorite food.” for real? Pinagseselosan namin si Seulhyun?

“Nagseselos ka?” tanong ko, hindi naman siya sumagot.

“Pinagseselosan natin ‘yung bata.” sabi ko rito kaya naman ay natawa na rin siya.

“Ikaw kasi.” she said.

Ang cute talaga ng girlfriend ko kapag nagtatagalog, kaso panay English e’ sayang. Gumawa ako ng challenge sa kanya last time pero hindi niya naman totally na ginawa.

“Bakit ako?” walang idea kong tanong.

“Don’t buy her food because she will get used to it and she will always look for it.” tunog nagseselos.

“What if stuffed toy nalang?” agad niya naman akong inirapan.

“Just do what you want.” aniya sa akin, kaya natawa ako. Apaka-selosa ng abunjing bunjing ko.

“Ate Season, I missed you.” agad pa akong hinalikan ni Seulhyun sa pisngi kaya nagulat ako. Tumingin din ako sa kinaroroonan ng aking girlfriend, pero inikutan niya lang ako ng mata.

“Are you going to sleep here, Ate Season?” tanong ng bata sa akin. Grabe, ang sakit sa tainga nung tawag niya sa akin, ha.

“No, I’m just visiting you here. Your Mommy mentioned that you wanted to see me na.” sunod-sunod naman siyang tumango.

“Are you with my Mommy earlier? Because I asked her about you, she said that she’s not with you.” naka-pout na saad ng bata.

“Nagseselos lang ang Mommy mo, kaya niya ‘yun nasabi.” bulong ko kay Seulhyun.

“Really? Why?” inosenteng tanong ng bata. Ang sarap pisilin ang pisngi niya, ah.

“Minjeong.” agad naman akong napatingin kay Karina.

“Yes, Lo— Karina?” umangat naman ang isang kilay nito.

“Can you go to your room muna?” tanong ko kay Seulhyun.

“Why?” tanong nito sa akin at mas hinigpitan pa ang pagkayakap sa akin.

“I’ll talk to your Mommy muna, okay?” humiwalay siya sa pagkayap, “Pupunta ako sa room mo later if done na kami mag-talk.” sabi ko kaya naman ay agad ng pumasok si Seulhyun sa kanyang kwarto.

“Baby,” I called my girlfriend, naka-crossed arms na kasi ito tapos parang naiinis na talaga sa akin.

“Baby, pamangkin mo ‘yun.”

“Then, what now?” may halong inis sa boses niya.

“Bata kasi ‘yun, love. Huwag kana magselos.” sabi ko sa kanya. Tumabi ako sa kanya at agad akong sumandal.

“I love you, ikaw lang.” seryoso kong saad sa kanya. Umangat ako ng tingin at agad ko siyang hinalikan sa labi.

“Okay na ba tayo?” tanong ko rito. Tumango naman siya kaya hinalikan ko ulit siya labi, pero panandalian lang.

“Isa pa.” aniya.

“No, okay na ‘yon.” sabi ko at sumandal na ulit sa kanya. Nag eenjoy na siguro si Seulhyun doon sa kwarto niya, hindi na kasi lumabas o baka hinintay niya lang ako sa room niya.

“Puntahan ko muna si Seulhyun.” sabi ko sa aking girlfriend.

“Her again.” ang cute niya talaga, grabe. “I’ll cook nalang muna sa kitchen. Call me if you need something, okay?” she said, at tumango naman ako. Infairness ha, nag co-conyo na siya. I like it, ang ganda pakinggan.

Tumayo na kami pareho. Pumunta siya sa kusina nila, at ako naman ay pumunta sa kwarto ni Seulhyun. Kami lang tatlo ang nandito, umalis kasi si Ate Seulgi, may binili pero hindi ko alam kung ano tapos ‘yung maids naman nila Karina ay wala rin dito.

“Ate Seasonnn.” tawag sa akin ng bata at agad pang niyakap ang aking mga binti.

“I missed you, Ate.” aniya na tila ba’y hindi kami nag kita ng ilang buwan.

“Anong nilalaro mo?” tanong ko kay Seulhyun.

“Solving Rubik’s cube.” manang mana talaga siya sa Mommy Tita niya.

“How to solve that? Can you please teach me?” sunod-sunod kong tanong sa bata. Hindi ko talaga maalam ‘yung rubik’s cube. Ang sakit-sakit kasi sa ulo initindihin e.

“I can’t totally explain it to you, Ate Season, but you can observe me how I solve this.” ang sabi ni Seulhyun sa akin. Sa aking baby loves ko nalang ako magpapaturo niyan, for sure pati pagmamahal ituturo nun sa akin emz.

Nagsimula na siyang magbuo at sinundan ko ang bawat paggalaw niya. Medyo hindi ko talaga gets pero may part naman na naiintindihan ko, pero konti lang kasi naman, obob ako e.

After ilang segundo ay nabuo na ni Seulhyun ang rubik’s cube. Ang galing niya talaga, silang dalawa ni Karina. Nawa’y ako rin marunong bumuo, para tatlo na kaming magaling.

“Ate Season, did you know that Rubik’s cube can help us to understand concepts such as symmetry, colors, and patterns?” tanong nito sa akin, tumango naman ako bilang sagot.

“It can also help us to improve our dexterity and hand-eye coordination.” sunod nitong sinabi.

Parang nahihiya na tuloy ako. Ang bata niya pa lang pero marami na siya alam, at kung makipag-usap rin siya, parang ka-edad mo lang ang kausap mo.

“Knowing how to solve a Rubik’s cube can be a great asset for anyone, Ate Season.” tamang nakikinig lang ako sa kanya, habang pinagmamasdan siya sa pagbuo ng rubik’s.

“It can help us stay calm under pressure, and it can also help us to learn new skills.” animo’y kausap ko ay nasa dese-otso anyos na eh.

“Let’s eat na.” gulat akong tumingin sa pintuan, nakatayo kasi doon ang girlfriend kong naka-apron pa.

Kinuha ko ang kamay ni Seulhyun at agad na rin kaming lumabas sa kwarto niya, at nagtungo sa dining area nila. Pinaupo ko na rin si Seulhyun sa upuan, katabi ng sa akin.

“Mommy did you cook all of these?” hindi makapaniwala na tanong ni Seulhyun kay Karina. Simpleng pag tango lang ang ginawa ng aking girlfriend.

“Wow.” ang nasabi lang ni Seulhyun.

Parang first time niya yata?

O sadyang hindi lang talaga mahilig magluto si Karina rito, since meron naman silang maids at ang nakasanayan lang ng bata ay luto ng mga maids nila..

Nagdasal muna kami bago kami nagsimulang kumain. Nang matapos ang pagdarasal ay agad ng kumain si Seulhyun. Tila ba ay excited siyang matikman ang luto ng kanyang Mommy.

Tahimik lang din akong kumakain sa tabi ng bata si Karina naman ay ganon lang din, at nahuhuli ko rin siyang sumusulyap-sulyap sa akin.

“Will Seulhyun be able to go out tomorrow?” biglang tanong ko sa aking girlfriend, ang tahimik kasi.

“Yes, Ate Season.” narinig kong sagot ng bata sa akin.

“What do you mean?” confused na tanong ng aking girlfriend.

“Gagala kami.” tumaas naman ang isang kilay niya.

“Just the two of you?” Karina asked in disbelief.

“I mean, tayong tatlo.”

“No, she will not be able to go out tomorrow.”

“But, Mommy, I don’t have a class tomorrow.” naka-pout na saad ng bata.

“Your Ate Season has a class tomorrow.”

“Baby, pwede namang after class gumala?” pagsingit ko na. Umiling lang siya at nagpatuloy na sa kanyang pagkain.

Tumingin naman ako kay Seulhyun at parang nagsasabi pa ito na kumbinsihin ko ang Mommy niya. Gustuhin ko mang gawin ay nanahimik nalang ako.

Pasensya ka na, Seulhyun.

Ilang sandali ay nakarating na rin si Ate Seulgi. Marami itong dalang pagkain, hindi niya kasi alam na magluluto ang girlfriend ko.

Tumayo na si Karina at agad na pumunta sa kitchen sink, pagkatapos ay agad naman siyang umalis sa dining. Tinignan ako ni Ate Seulgi kaya nagkibit balikat lang ako.

Nagpaalam muna ako kay Ate Seulgi at agad kong sinundan ang aking girlfriend.

Nang makarating ako sa kwarto ni Karina ay nag ce-cellphone lang naman siya, habang nakaupo ito sa kama niya. Dahan-dahan akong pumunta sa kinaroroonan niya. Nag-angat lang siya ng tingin saglit, at bumalik na ulit ang atensyon niya sa kanyang phone.

“Love,” tawag ko sa kanya. Kinuha ko ang upuan sa may desk at doon umupo.

“Hindi na nga ‘yon, love.” sabi ko pa sa kanya.

“I hate it.” sabi niya.

“Ang alin?” tumayo na ako at pumunta sa kama niya. Suminyas naman siya na tumabi ako sa kanya, kaya naman ay sinunod ko ang sinabi niya.

Agad niyang binitawan ang kanyang phone at agad siyang sumandal sa balikat ko, at nakayakap sa akin.

“I’m upset because I’m jealous of my niece. Is this something that’s normal?”

“That’s normal, Baby. I mean, normal lang naman ang magselos talaga.” sabi ko sa kanya. “Especially when you’re in a relationship.” dugtong ko.

“How can you say that?”

“Jealousy is a common emotion, and it is typically normal to feel jealous at times. It can be a sign that you care about someone o sadyang mahal mo lang talaga ‘yung taong ‘yun, kaya ka nakakaramdam ng selos.” paliwanag ko sa kanya.

“Is it not insecurity or immaturity that’s causing me to feel this way right now?” mahinang tanong nito sa akin.

“For me, baby, It’s not. Lahat naman ng tao, baby, nakakaramdam ng selos. I can’t judge you, or laugh at you because your reason is acceptable.” makatotohanan kong sagot.

Normal lang naman talaga ang magselos diba? Parti na ‘yun sa isang relasyon. Pero of course, hindi ko hahayaang ganon nalang ang mararamdaman niya palagi.

“I love you,” she said genuinely.

“Mahal na mahal din kita.” sagot ko sa kanya, at hinalikan ang kanyang ulo.

Minju’s POV

“Tanga, ayaw pa talaga maniwala.” sigaw ni Ryujin sa akin.

“Ikaw? Paniniwalaan ko? Mukha mo pa nga, hirap ng paniwalaan e.” sagot ko naman sa aking kaibigan. Nandito pala siya sa bahay namin, ewan ko ba sa kanya. Pumunta lang yata rito para painitin ang ulo ko.

“Seryoso kasi, Ju. Nakita ko siya.” sige, ipaglaban mo ‘yan.

“Ano naman kung nakita mo siya?” tanong ko sa kanya. Kanina niya pa talaga pinu-push ‘yang nakita niya raw si ano.

“Sasabihin ba natin ito sa kaibigan natin?” tanong nito, at tinignan ako sa mata.

“At bakit naman? Para sa anong dahilan? Masaya na si Karina, bakit need mo pang ipaalam ‘yan sa kanya?” naiinis kong sagot sa kanya.

“Para aware siya sa surroundings niya?” hindi siya sigurado sa kanyang sagot.

“Alam mo, RJ. Hayaan mo nalang kung ano ‘yung nakita mo. O isipin mo nalang na wala kang nakita, o hindi kaya ay isipin mong hindi mo siya nakita.” basic as that.

“Pero,” may rereason pa sana siya pero humudyat ako na tumigil na siya.

“Sa totoo lang, matagal ko na siyang nakita.” aniya.

Ayaw talaga manahimik.

“Pero hindi ko muna sinabi sayo, kasi baka namamalikmata lang ako, pero ngayon, sigurado na talaga akong siya ‘yon.” ang sarap talagang sapakin itong si Ryujin.

“Kailan pa?” tanong ko nalang dito.

“Matagal-tagal na ‘yon,” sagot nito.

“Kung gusto mong sabihin kay Karina, hala, go. Basta huwag mo akong idamay.”

“Para kang pekeng kaibigan.” ako? gago ba siya.

“Hoy, matagal-tagal na kasi ‘yon? Tsaka, ang point ko lang naman dito ay bakit need mo pang ipaalam kay Karina? Alam mo namang masaya na siya sa kaibigan ko.” bwisit talaga, hindi makaintindi.

“Para nga aware siya diba?” pangungulit pa nito. Tanga talaga nito kausap e, walang punto mga sinasabi.

“Bahala ka d’yan. Hindi kita gets, hindi ko alam kung bakit ganyan kana ngayon.”

“Concern lang naman ako sa kaibigan natin.” pag rereason niya pa.

“Saang part? Parang ikaw na nga itong nagbibigay ng rason para mag-away sila ni Winter eh, saan ‘yung part na concern ka? Past is past, Ryujin.” may diing pagbigkas ko.

“Alam mo namang ayaw ng pag-usapan ni Karina ‘yung past niya diba? Alam mo ‘yun, Ryujin. Kaya manahimik ka nalang.” dugtong ko pa.

“So, habang buhay niya ‘yun itatago kay Winter? Ganon ba?”  kung makasabi ito, parang ang big deal na talaga eh. Napapikit nalang ako sa sinabi niya.

“Hayaan mong si Karina ang magsasabi nung past niya, hindi naman ikaw si Karina ah?”

“Concern nga lang ‘yung tao e.” aniya kaya natawa ako.

“Tanga, kailan ka pa naging tao?” natatawang tanong ko sa kanya.

“Tanginamo.” malutong na mura nito sa akin.

Honestly, nagdadalawang isip din ako if sasabihin ko ba itong sinabi ni Ryujin, or hayaan nalang? Pero I think, mas maganda siguro kung hahayaan na lang? Tama naman akong wala talagang point si Ryujin sa mga sinasabi niya.

Masaya na si Karina, kaya hindi na niya need malaman ‘yung nakita ni Ryujin.

————————

Guess who? 👀 HAHAHHAHAHAHA. Anyway, siguro hindi muna ako makakapag-update next week since exam na namin, at need kong mag-review talaga. HUHUHUHAHAH

Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 285 63
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
270K 10K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
208K 6.4K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...