Hue in my Dreams (Hue Series...

By nevertofadingstars

30.1K 767 132

HUE SERIES #3 Layshana Natividad is a graduating film student tasked to create a documentary series of the Ex... More

Author's Note
Hue #1
Hue #3
Hue #4
Hue #5
Hue #6
Hue #7
Hue #8
Hue #9
Hue #10
Hue #11
Hue #12
Hue #13
Hue #14
Hue #15
Hue #16
Hue #17
Hue #18
Hue #19
Hue #20
Hue #21
Hue #22
Hue #23
Hue #24
Hue #25
HUEPILOGUE

Hue #2

1.1K 31 10
By nevertofadingstars

Hue #2

Layshana's POV

Luchen "gago" Montenegro brought me to the top floor of this hotel where the bar was also located. Wala namang press o whatsoever pero medyo nag aalala ako sa mga CCTV cameras dahil baka biglang kumalat tapos kuyugin ako ng mga fans niyang niluluhuran na siya.

Hindi naman siguro dahil tiyak masisira ang career niya sa dating issue at ang buhay ko. The last thing I'd want in life is to be involved with a famous person.

But I have to deal with it. Iisipin ko na lang na ganito ang future ko kasama ang mga Hollywood actors and actresses.

Tinakpan ko na lang ang mukha ko gamit ang itim na sumbrero. 'Yon lang ang meron ako, buti na lang hindi white katulad ng kanya dahil baka isipin nila couple cap. Iba pa naman mag-isip ang mga kabataan ngayon pagdating sa idols nila.

"Dito mo pala dinadala ang mga babae mo," sabi ko pagpasok namin sa penthouse niya.

Sa kanya yata itong buong floor tapos sobrang laki at may nadaanan ako na ilang kwarto bago kami tumigil sa dulong kwarto. Pakiramdam ko bathroom lang niya ang buong bahay namin.

Namahanga ako sa interior ng kwarto niya pero hindi ko na masyadong pinansin. Hindi naman yon ang pinunta ko rito—pero kung sakali ay magandang venue 'to para sa series.

"Dito mo ba dinala si Ice?" Hindi napigilan na tanong ko.

Speaking of, sino na naman kayang lalaki ang kasama niya? Hays.

"Ice, who?" Kunot-noo na tanong niya tapos may pinindot siya sa gilid para maging malamlam ang kulay ng ilaw.

Sakto lang ito sa mga mata ko, may photosensitivity raw ako sabi ng doktor nang magpa-check up ako sa medical mission. Hinayaan ko na lang. Wala rin kasi akong pambili ng salamin. Hindi naman siguro ako mamatay rito.

"Sinong Ice?" ulit niya. "Chix ba?"

"Gago talaga, sa dami ng babae ay hindi na alam," bulong ko habang hinuhubad niya ang sapatos niya tapos ako ay nandon pa rin sa bandang pintuan dala ang mga gamit ko.

Natatakpan ng itim na kurtina ang malaking glass wall kung saan nakahilera ang iba't-ibang klase ng gitara. Sa headrest ng kama niya ay may painting na hindi ko alam ang ibig sabihin tapos may walk-in closet sa kabilang side...at tingin ko ay may mga secret door pa.

"You were saying?" Lumingon na siya, inayos ang kulot-kulot na buhok niya, kulay brown, chestnut? Mahogany? Hindi ko sigurado dahil never naman ako nagkulay ng buhok ko pero kapareho ito ng mata niya—brown nang matitigan ko ito kanina sa bar.

"Nothing. So, what's the deal? Just fuck?" curious na tanong ko. Lumapit ako sa bandang kama habang nasa may tapat siya ng walk-in closet sa tapat lang nito.

"Yeah, and you have to sign an agreement."  Tinuro niya ang papel sa bedside table. "After this, you aren't allowed to talk to anyone about our sex."

"Bakit? Maliit ba yan kaya ayaw mong idisclose?" Mahinang bulong ko na mukhang narinig niya.

"Baka hindi mo kayanin," ngumisi siya. "Hinahamon mo ba ako?

I shrugged. Wala naman akong pakialam. Pumunta na lang ako doon sa table para basahin ang kontrata.

"Remind me to include this in the documentary series," sabi ko sa kanya habang binabasa ang nakasulat. Infernez, notarized pa.

"Series, wait. What are you saying?" Naguguluhan na tanong niya habang palapit sa akin. "And, why are you still dressed? Don't you know the courtesy of fucking?"

"No. Enlighten me."

Medyo napatigil ako nang maghubad siya sa harapan ko. Yumuko ako agad dahil sa hiya. Ugh! Ano ba naman itong pinasok ko. Ngunit hindi ko ipagkakaila na maganda ang katawan niya. Gwapo talaga siya—no argument lalo na at parang nakangiti ang mata niya kahit na nakabusangot ang mukha niya.

"Oh, may abs..." sabi ko na lang para mawala ang tensyon.

"Alam mo, ang daldal mo." He bit his lower lip, kinda disappointed, "Let's just fuck."

Akmang hihilain na niya ako pahiga sa kama nang itulak ko siya. "What the fuck?" Pagalit na sabi niya.

"Sorry. I am not actually here for that," sinabi ko na bago saan pa mapunta ang usapan. "You see, I am here to get a scoop from you and your band. And to make you agree on a documentary series." Nilabas ko ang folder kung nasaan ang script at ang proposal ko para sa project tapos pinakita ko sa kanya pero sa mga mata ko siya tumingin.

"Kinausap ko na ang manager mo pero hindi siya pumayag. Ayaw mo raw...so naghanap ako ng paraan para ikaw na mismo ang makausap. I need this for our project."

Magmamakaawa ba ako? Luluhod din ba ako? Tangina. Bakit hindi na lang kasi professor ko ang pumunta rito, o di naka-score pa sana siya.

"Documentary series?" Tiningnan niya ako nang nag-iisip. "Ah, you're still in this kind of thing, Zeshana."

Umangat ang kilay ko sa gulat. No one calls me Zeshana because they all thought Layshana is my full name.

"How did you know my name? You know me?"

Hindi ako dapat mag-assume dahil kilala naman ako sa campus dahil student leader ako, laman ng competitions at kung ano ano pa. But for him to call me in my second name? That's fucking strange.

"Of course, you're the only one I didn't sleep with in our batch. It's not hard to forget." He clicked his tongue, titling his head a little then a smirk formed.

"Oh, I see." I clapped my hands, feeling proud. "I am sorry for your ego. Did it hurt? It should be since I am still not going to sleep with you." Binigyang-diin ko para ramdam niya.

He crossed his arms. "Wow. Nice plan. You used that to corner me."

"Yes. So, how about we talk about it? I am pretty sure na magugustuhan mo ang proposal ko and—"

"I am pretty sure I'd love sex more than a documentary series." He scoffed, eyes rolling. "No sex. No series."

Naningkit ang mata ko. Magagalit na sana ako kasi wala siyang kwenta tapos biglang naintindihan ko ang mga salitang binitiwan niya.

"Wait, are you actually going to do the documentary series if there's sex?" Linaw ko. "Like, you're gonna sign an agreement and do it?"

"Yes."

Ang bilis sumagot. Pota! Sex lang pala katapat nito. Dinalhan ko na lang sana siya ng mga babae sa kanto.

"But...it has to be you."

Okay, gago. Bakit ba umasa pa ako na mapapayag ko siya ng walang kapalit? Hindi ba pwedeng mag eenjoy din siya at mas makikilala niya ang sarili niya sa series?

"Can I have someone to do it?" I bargained. "I will find you someone—"

"You are the one who needs me and my band. It has to be you. Bakit nandadamay ka pa? Are you still a virgin? I'll be gentle—oh, sweet..." sabi niya nang ipakita ko sa kanya ang middle finger ko.

"Fuck yourself alone!"

"Really?" Tumawa siya. "You're still in my penthouse. The door won't just open for you as it has some code from the inside. You cannot just leave."

"Are you going to do it without my consent?" Hamon ko sa kanya. "Go on, do it...and I'll get your brother as my lawyer. I think he's already in 3rd or 4th year? Possible..."

"Brother? Who? Si Kuya Luka? Kilala mo siya?" gulat na sabi niya, nanlaki ang bilugang mata niya. Doon na ako tumingin, medyo distracting kasi ang abs niya.

"Oo naman!" sabi ko agad. "I was the president of his fandom when I was in high school."

"Fandom? May fandom si Kuya Luka tapos president ka?" Kumurap kurap siya na parang hindi pa naniniwala. May pahawak pa sa batok.

Hindi naman ako nagsisinungaling. Totoo naman dahil super fan ako ng Kuya niya na miyembro ng Lacrosse. Ang grupo pa nga nila ang nagpakilala at unang bumuo ng Lacrosse team sa Pilipinas.

"How about me?" tanong niya na para bang kasalanan ko pa. Nagpaikot ikot siya roon sa may carpet habang iniisip kung totoo pa ba ang sinasabi ko—o hindi ko na rin alam kung ano ba ang iniisip niya.

Ang sarap kuhanan ng video tapos ibebenta ko sa fans niya para may silbi naman siya na nasa harapan ko ngayon dahil mukhang hindi naman siya papayag sa series.

Ewan ko ba—dapat maging mabait ako kasi may kailangan ako pero hindi ko talaga alam ang salitang iyon kapag gago ang kaharap ko.

"Huh? Ewan ko sayo. Sino ka ba?" asar ko, yabang, e. Deserve niya asarin dahil akala niya lahat may gusto sa kanya.

"Wow. But you're here." He mocked.

"Yes, for different reason. Walang connect sa fandom saka hindi kita type para tayuan ng fandom!"

"What did you say again?" Nagtiim bagang siya tapos lumapit siya sa akin habang ako naman ay umatras kasi gusto ko may distansya pa rin kami. Malay ko ba kung anong kagaguhan ang gagawin niya.

"Si Kuya Luka ang type mo?" Umungol siya na parang aso habang umiiling-iling.

"Obviously," proud na sabi ko. Siya lang naman ang naging crush ko buong buhay ko—wala ng iba. "Ang gwapo, talino, mabait, respectful, hindi gago ng Kuya mo, so why are you still asking?"

Gusto kong ipamukha sa kanya iyon para mapagtanto naman niya, ganti ko na para sa mga babaeng ginago nito. Kumukulo na naman dugo ko kapag naalala ko ang mga ginawa ni Ice dahil sa lalaking 'to tapos ang mga kwento ng mga babae na kabatch namin noon.

"My Kuya again." He sighed. "We're the same. Mas famous pa nga ako!" Tumaas na ang boses niya.

Wait, did I hit a nerve?

"Hindi ka nga pumapasok sa klase mo dati. Anong same same ka. Ulol!" Lumukot ang mukha ko.

Akala ko magagalit siya pero bigla na lang siyang ngumisi, tipong natutuwa siya sa sinabi ko.

"You know? So...you were checking me out before?"

"I know because I am the student council of our college. Sakit sa ulo ka ng prof."

"How come you didn't even visit me, Ms. Student Council?" He softened his gaze, turning his eyes into a line.

"Ano ka, kinder?" Inirapan ko nga. "Saka, tigilan mo na nga ang topic na 'yan. Pwede ba, tanggapin mo na lang ang proposal ko tapos basahin. Nandyan na lahat ng benefits at mga sagot sa posibleng tanong mo."

"Sus. Asa!" Dumila siya, akala mo bata. "Doon ka kaya Kuya Luka mag-propose tutal type mo siya."

"And, if he agrees?"

Hinahamon ba niya ako. Si Kuya Luka 'yon. Lleu Kadyl! My ultimate crush—kahit na wala na kaming bigas noon, makita ko lang siya ay busog na ako.

"Asa ka pa. Kahit magpustahan pa tayo. Hindi mo siya mapapapayag. He's my manager—the real one. Front lang ang iba." Singhal niya sabay ekis ng matipunong braso.

"Really? Bakit hindi mo sinabi agad?" Ngumisi ako, ngiting tagumpay.

"So, what? Hindi ka naman niya kilala."

Hindi ako sumagot. Hinanap ko ang IG ni Kuya Luka para magpadala ng mensahe.

"Wait, do you really know my brother?" He's panicking.

No comment. Busy pa rin ako sa phone ko, nagta-type ng sasabihin kay Kuya Luka. Siguro sa Brewed Yesterday Cafe na lang kami magkikita kasi doon siya madalas na tambay. For sure, papayag siya basta maayos ang proposal ko pero syempre kailangan ko pa ulit na mas ayusin para hindi siya magkaroon ng problema.

"Zeshana." Tawag ni Luchen nang hindi ako sumasagot.

Lumapit na siya sa akin. Aagawin sana ang phone ko pero naitago ko na.

"Don't call me by my second name."

Pagtingin ko, medyo aligaga siya.

"Fuck. Did you message him?"

Parang takot siya sa Kuya niya. Aba, dapat lang.

"If he agrees, you will agree, right?" Seryoso akong tumingin sa mga mata niya. "I really need this project."

Binalik niya ang seryosong tingin saka mabilis na lumapit sa akin.

Akala ko kung anong gagawin niya. Tinanggal niya ang sumbrero ko tapos tinapat niya ang mukha niya sa mukha ko.

What the fuck?

He softly whispered, giving me chills. "If he doesn't, you'll have sex with me."

I smirked, offering a handshake. Syempre hindi ako magpapatinag sa kanya. I felt his cold sweaty hand when I said, "Deal."

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 297K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
6.4M 160K 60
Zera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to...
2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
971K 33.4K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.