Make You Mine Season 1 | Hear...

By chrisseaven

56K 1.4K 257

Tian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despit... More

Make You Mine
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Make You Mine
About Heartful Academy
Special Part
First Anniversary Gift: Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 14

951 34 0
By chrisseaven


HAKU MONTERIVER

IT'S 3 o'clock in the afternoon at tapos na ang klase. Nakatayo kami ngayon ng mga kaibigan ko sa labas ng school building. "Sorry bro, pero hindi ka namin masasamahan ngayon may training pa kasi kami sa arnis team." Tugon ni William. "Future tanod kasi mga kaibigan mo..." dagdag ni Troy at nagtawanan sila.

Tumango ako. "Naintindihan ko." Sagot ko at umakbay sila sa balikat ko bago sila umalis.

Tumingin ako sa quadrangle na napakalapit lang mula sa kinatatayoan ko at nakita ko si Tian na nasa stage kasama ang isang maliit na babae na kung hindi ako nagkakamali ay ka-love team niya sa movie. "Hindi ako magseselos, alam ko namang hindi ganyan ang tipo niya." Sabi ko sa sarili.

Pero nang hawakan ng babae ang kamay ni Tian at nagkatitigan sila ay napakuyom ako ng kamao. Gusto ko magdabog pero naisip kong para lang naman sa trabaho 'yang ginagawa nila kaya hayaan ko nalang muna.

Umalis na ako dahil may mahalagang bagay pa akong bibilhin. May malapit lang ditong mall kaya hindi naging matagal ang byahe ko.


Pagkatapos ko ma-parking ang sasakyan ay pumasok na ako sa mall habang nakasuot ng mask para walang makakilala sa 'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil walang fans na dudumog. "Salamat naman, hindi ako matatagalan dito sa mall." Sabi ko sa sarili.

May napapansin akong lumilingon sa 'kin at parang may ilan pang palihim na kinukuhanan ako ng picture. Siguro may mga tao pa rin ang na-aatract sa kahit naka mask. Hindi ko sila masisisi, medyo maamo naman kasi ang mga mata ko. Sa pagkatanda ko, ang mga mata ko ang unang napansin ni Tian nong mga bata pa kami.

May nadaanan akong mga babae at narinig ko ang usapan nila. "Gosh parang si Haku...hindi kaya siya 'yan..." bulong ng isa sa babae. "Baka nga, kasi siya lang naka mask dito, ayaw niya siguro malaman na nandito siya baka pagkagulohan siya, hindi ba ganyan naman talaga mga sikat..." wika ng isa.

Anak ng tokwa. Nagdududa na sila.

Tamang-tama naman may malapit na skaletor kaya humakbang na ako dito at dinala ako nito sa second floor. Natigilan ako nang makita ang napakaraming tao sa second floor, siguro dahil dito sa playground para sa mga bata.


Pinagtitinginan na ako ng iba kaya nagpatuloy lang ako sa paglakad at hindi sila pinansin. Parang kilalang-kilala talaga nila ang mga mata ko. Naalala kong nasa loob pala ng sling back ko ang black sunglasses ko, kaya kinuha ko ito at ginamit para matakpan ang mga mata ko.

Tamang-tama na may malaking salamin akong nadaanan kaya tinignan ko muna ang sarili dito. "Ayos na, hindi na nila ako makilala nito." Sabi ko at muli na akong nagpatuloy.

Lumapit ako sa isang sales lady. "Can I ask? Where I can find here a guitar?" I ask. "Go on third floor, there you can find the Music Intruments." She replied with a smile.

After ko magpasalamat sa ay muli akong umapak sa skelator. Nang marating ko ang third floor ay hinanap ko ang Music Instruments sa sinabi niya. Nang mahanap ko ang Music Instruments ay napangiti ako sa dami ng iba't ibang instruments na nandito, merong piano, drum, violen at iba't ibang klase ng guitar.

Pumili na ako ng bibilhin kong guitar. Napili ko ang isa sa pinakamagandang accoustic guitar na nandito, simpleng cream color lang siya. Pagkatapos ko magbayad ay binigyan ako ng free extra strings at pick, bumili na rin ako ng gig bag para paglagyan ng guitar.

Lumabas na ako ng mall at bumalik na sa kotse. Inalis ko na ang mask at sunglasses. Habang nagmamaniho ay napapangiti ako dahil meron na akong guitar.


Pagkauwi ko sa bahay ay agad na sumalubong sa 'kin si Tiano at nilalaro pa niya ang paa ko, dahan-dahan ko siya binuhat at mukhang busog na busog siya. Nagbigay ako ng forehead kiss sa kanya bago ko siya ibinaba.

Malaki ang bahay na 'to pero kami lang ni Tiano ang magkasama. Nasanay na rin ako dahil ganito na talaga ang buhay ko. Sa America palang, at hanggang dito ay ganon pa rin.

Medyo magkapariho lang kami ng situation ni Tian. Sa pagkakaalam ko kasi nasa abroad ang Papa niya at matagal ng pumanaw ang Mama niya, kaya tulad ko mag-isa lang siya sa bahay.

Pumasok na ako sa kwarto para simulan na ang pag practice ng guitar. Habang hawak-hawak ang guitar ay umupo ako sa harapan ng aking computer set. At dahil beginner palang ako dito ay nanuod ako ng mga tutorials.

Gaya ni Tian, I do love listening to music, pero sa usapang aawit o tutunog ng instruments ay wala akong interest dahil hindi sapat ang confidence ko dito. Pero ito ako ngayon, nagawa ang akala ko dati hindi ko kaya, nagawa kong mag practice ng guitar para sa kanya.

Sinunod ko lang ang mga instructions at tips na sinasabi sa mga videos na pinapanood ko. Talagang hindi madali na igalaw ng sabay ang dalawang kamay sa magka-ibang tungkolin sa guitar tulad ng strumming at chords position, pero habang tumatagal ay nagawa ko naman.


Bawat chords ay tinatatak ko talaga sa isip para hindi ko agad makalimutan. Inaral ko din ng mabuti ang bawat finger style o position ng bawat chords. Ang bagay na pinaka-challenging na talagang nahirapan ako ay ang mabilisang kilos sa daliri para sa magka-ibang chords.

Pero I never pressure myself dahil alam kong normal lang ito dahil nagsisimula palang ako. Maswerte na nga ako dahil mabilis kong na-memorize ang bawat details, chords, strumming at kung ano-ano pa. Na sure akong mahirap sa part ni Tian dahil makalimutin siya at hindi makapag-focus.

I spend my whole time sa pag practice lang ng guitar. Hindi ako umaalis ng kwarto at hindi rin nag take ng snack dahil ayaw kong mawala ang focus ko sa guitar. Dahil dito ay hindi ko na namalayan ang oras, inabot na pala ako ng gabi.

Nakaramdam na ako ng gutom kaya nagpadeliver nalang ako ng fast food dahil matatagalan lang kung magluluto pa ako. Nang dumating ang order ko ay bumalik na ako sa kwarto para do'n kumain at ipagsabay ang pag practice ng guitar.


It's already midnight pero pinag-aaralan ko pa rin ang lahat tungkol sa guitar. Pagdating ng 1 AM ay nakaramdam na ako ng antok, hindi ko naman akalain na magtatagal ng ganitong oras ang practice ko.

Gustohin ko man mag practice pa, pero kailangan ko na magpahinga dahil papasok pa ako bukas. Ibinalik ko na sa lagayan ang guitar at humiga na ako sa kama. Agaw pansin ngayon ang liwanag ng buwan na pumasok sa kwarto ko dahil nakabukas ang bintana.

"Hindi ko akalaing umabot ako dito para lang muling mapalapit sa kanya. Simple lang naman ang plano ko, magtapat lang sa kanya na ako 'yong tinatawag niyang Hakunamatata dati. Pero hindi nangyari, dahil nawala na ako sa ala-ala niya. Kaya bahala na if I see my self chasing just to get him back." Sabi ko sa sarili ko.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa liwanag ng buwan sa loob ng kwarto ko. "Kung maaari lang mabago ang nangyari na, hihilingin ko sanang ako nalang naging coach niya, para makasama ko siya ng matagal." Naging mababa ang tuno ng boses ko at dahan-dahan ko nalang ipinikit ang mga mata ko.



Gumising akong ang nasa isip agad ay mga pinag-practisan ko kahapon. Hindi ko 'yon inalis sa isip ko, kahit sa pagligo, sa pagkain, sa pagbyahe papuntang school, sa loob ng campus at hanggang ngayon na nasa classroom na ako.

Tinayak kong walang ibang gugulo sa isip ko at mag focus lang sa mga na-practice ko tulad ng basic chords. Maraming nakapaligid sa 'kin pero hindi ko sila pinapansin, lalo na hindi naman sila si Tian, at ayaw kong masayang ang pinagpuyatan ko kagabi.

Kaya nanatili akong tahimik dahil ayaw kong madisturbo ako. Kahit ang mga kaibigan kong kanina pa ako kinakausap ay hindi ko napapansin. "Haku, parang ang lalim ng iniisip mo, ayos ka lang...?" Rinig kong sabi ni William.

Mayamaya nakita kong papalapit sa 'kin si Gwen. Maganda siya, matangkad at maputi, at siya ang muse sa room namin. "Good morning Haku...ano ready ka na ba for the upcoming King and Queen of Hearts?" Nakangiting tanong niya sa 'kin habang nakatayo siya sa harapan ko.

Naiilang ako sa ngiti niya dahil parang may kasamang pang-aakit. "This month na 'yon, kaya sabihan mo lang ako kailan ka free, para makapag practice tayo. Tayo kasi ang representative ng Grade 11." Sinusubukan pa niyang ilapit sa 'kin ang kanyang mukha at halos kitang-kita ko na ang dibdib niya.

Hindi ako sumagot at agad na tinakpan ang tenga ng headphones. Pinanuod ko ulit ang guitar tutorial at dito nag focus. Narinig ko pang pinagtatawanan ng mga kaibigan ko si Gwen kaya sinapak niya ang noo ng mga ito at inis na umalis.


Recess time na kaya nagsilabasan ng room ang ilang students para pumunta sa cafeteria at sa kung saang-saang park. Lumabas na rin kami ng mga kaibigan ko at natigilan ako nang makitang magkasama sina Tian at Haku sa quadrangle, at malayo ang pwesto nila mula sa mga kasamahan para siguro makapag focus si Tian sa pag practice ng guitar.

Kahit tinuturoan lang naman ni Sky si Tian ay nakakaramdam ako ng inis sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ni Tian at magkalapit pa ang kanilang mukha lalo na magkatabi lang sila.

Nakakainis na parang ang saya nilang dalawa at nakuha pa nilang tumawa. Napabuntong nalang hininga ako. "That should be me holding your hands on a guitar strings, sing you a song, and make you laugh." Sabi ko. "Pero galit lang pala ang naramdaman mo sa 'kin." Mababang tuno ng boses ko.


Hindi pwedeng kakalimutan na niya ako, hindi ako papayag na hindi niya ako makita sa isang araw. Kaya bahala na kahit magalit pa siya sa 'kin. Eh lagi naman talaga siyang galit sa 'kin kaya ano pang bago do'n, nasanay na ako sa kanya.

Pagkatapos ko masabihan ang mga kaibigan ko sa gagawin ay lumakad na kami papunta sa quadrangle. Naging dahan-dahan ang lakad namin habang dumaan sa harapan nila Tian at Sky.

Nong una hindi nila kami napansin dahil masyadong focus sila sa guitar, pero nang magtakbuhan na papunta dito ang mga fans na nakita sa 'kin ay napalingon na silang dalawa.

Naging marami pa ang bilang ng fans na lumalapit sa 'kin, at kahit ayaw ko ay napilitan akong pumayag na makipag-picture sila sa 'kin para lang mas mag-ingay sila sa kilig.

Dahan-dahan kong nilingon sa likod sina Tian at Sky at napangiti ako nang makitang natigil nga sila sa ginagawa. Napakamot pa sa ulo si Tian na malamang naiinis dahil nadisturbo 'yong practice nila.


Pinatigil na nila William at Troy ang mga fans at naintindihan naman nila 'yon kaya dahan-dahan na silang umalis at nakatingin lang ako sa kanila. Natahimik nga ang buong quadrangle, at habang lumilingon ako sa paligid ay biglang may sumapak sa ulo ko mula sa likod kaya napangiwi ako.

Pero pa-simple din akong ngumiti dahil alam ko sino gumawa no'n. Lumingon ako at tamang si Tian nga ang may gawa, nakakuyom pa rin ang kamao niya na parang gusto pa niya ako sapakin ulit.

"Nanadya ka ba?! Talagang dumadaan ka pa dito para pagkagulohan ka ng mga fans mo at madisturbo ang practice namin!!" Matalim ang titig niya sa 'kin habang pasigaw na sinabi iyon.

Nanatili lang akong kalmado. "Hindi ko kasalanan na pinagkakagulohan nila ako. At tsaka dumaan lang naman kami dito dahil malamang daanan 'to. Anong gusto mo, lilipad kami?" Seryosong sagot ko.

Lalo nga siya nagalit na halos umusok na ang ilong niya. "Napaka-pilosopo mo talaga! Kung wala kang magawa sa buhay habolin mo nalang utot mo, 'wag mo akong gulohin dahil nanahimik ako dito..." napahawak siya sa ulo niya. "Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil ang hirap-hirap ko matuto ng gitara...tapos lalo mo pang sinisira ang araw ko..." ramdam kong ang matinding galit niya ay may kasamang pagod na halos gusto niyang umiyak.


Natahimik ako at na-guilty ako sa ginawa ko, parang mas lalo ko siyang napa-stress. Gusto kong humingi ng tawad, kaya pinipilit ko ngayon ang sarili na kayanin magsalita kahit kinakabahan ako sa kanya. "S-So—" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil parang ayaw na niya ako pakinggan, at bumalik lang siya sa tabi ni Sky.

"Sorry." Binulong ko nalang sa sarili ang dapat sanang sabihin sa kanya.

Umalis na kami ng mga kaibigan ko at hindi pa rin ako makapagsalita dahil nagiguilty ako sa nagawa ko. Biglang hinawakan ni Troy ang likod ko. "Okay ka lang bro?" Tanong niya.

Hindi ako makasagot kaya muli siyang nagsalita. "Bro, hindi sa pangingialam ah...pero ano bang meron kay Tian, bakit parang gusto mo mapalapit sa kanya?" Muli siya nagtanong.

Nilingon ko siya. "It's a long story. But sabihin nalang nating nakalimutan na niya ang lahat ng pinagsamahan namin." Naging mababa ang tuno ng boses ko dahil sa pagkalungkot.

Umakbay silang dalawa sa balikat ko at parang kinu-comfort nila ako. "So babalik na ba tayo sa room, o baka may pupuntahan ka pa?" Tanong sa 'kin ni William at nilingon ko siya. "Cafeteria muna tayo, may bibilhin lang ako." Sagot ko.


Pagkatapos namin sa cafeteria ay mag isa akong bumalik sa quadrangle para personal na ibigay kay Tian ang binili kong ice cream. Pagkadating ko sa harapan niya ay napaka-lalim pa rin ng tingin niya sa 'kin, pero sa kabila no'n ay dahan-dahan kong inabot sa kanya ang ice cream.

"Para sa 'yo. Ito nalang ang natirang chocolate flavor, buti nakaabot pa ako. Alam ko kasing favorite mo ang chocolate." Mahinahong sabi ko.

Sinalubongan niya ako ng kilay. "Ano 'yan, peace offering?! Hindi ko matatanggap 'yan, dahil hindi kita mapapatawad sa mga pinaggagawa mo sa 'kin." Halatang galit pa rin siya.

"Kahit 'wag mo muna tanggapin ang sorry ko, basta tanggapin mo lang 'tong ice cream na binili ko para sa 'yo. It can help you, because I know stress ka na. And ice cream can cheer you up, makes you calm and happy. Please tanggapin mo 'to, I want to make you feel better." Ngumiti ako sa labi.

Hindi ko inaalis ang kalmadong tingin ko sa mga mata niya para mapakita ko sa kanyang totoo ang mga sinabi ko. Natahimik siya at kahit papaano ay naramdaman kong kumalma siya habang nakatingin sa 'kin.

Tinitignan niya ngayon ang kamay kong may hawak ng ice cream at parang pinag-iisipan niya kung tatanggapin ba ito. Habang nagkatitigan kami ay umaasa naman ako na tatanggapin niya ang ice cream at bubuti ang loob niya sa 'kin.




Continue Reading

You'll Also Like

28.1K 3.7K 63
[Haikyuu x Original Character] Mencintai anak perempuan di tim putra sekolah musuh? Itulah yang di alami seorang Sakusa Kiyoomi ketika ia melihat sos...
213K 7.8K 110
kung saan si baekhyun at chanyeol ay magaling magtago
553K 18.8K 144
Read and find out...
3.9K 124 34
When two people fall for each other, should they fight for their love even though everything is uncertain? When two best friends unexpectedly love ea...