Make You Mine Season 1 | Hear...

By chrisseaven

44.3K 1.3K 240

Tian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despit... More

Make You Mine
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Make You Mine
About Heartful Academy
Special Part
First Anniversary Gift: Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 13

734 36 0
By chrisseaven


HAKU MONTERIVER

IT'S in the middle of the night, but I'm still staring myself at the mirror. After I take a shower naka white towel nalang ako. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi ko at hindi ko mapigilang ngumiti nang maalala ko ang ginawa sa 'kin ni Tian kanina.

Sa lahat ng nasuntok, ako lang yata ang nakangiti. I don't feel pain or anger sa suntok na 'yon, kasi syempre siya naman ang may gawa no'n. Kung sa ibang tao malamang magagalit talaga ako.

Lumabas na ako para makapagbihis. Pagkatapos magbihis ay umupo na ako sa kama. Tinitignan ko ang kwarto kong walang ka design-design, puro black ang mga kurtina, may mga paintings pero sketch lang din walang color, ganito kasi kadilim ang buhay ko dati.

Ang tanging nagbibigay kulay lang sa room ko ngayon ay ang lamp na nakapatong sa drawer. My midnight is always like this, hirap makatulog. Nagsimula ang lahat ng ito bata palang ako, nong umalis ako at tumira na sa Los Angeles.

That day is still like hunting me. Giving me so much of what ifs. What if hindi ako umalis? What if I stay? What if I fight? Mga what if na hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isip ko.


Hindi na naman ako makatulog sa dami kong iniisip. Isa na do'n ang mga nangyari nitong nakaraang araw lang. Fresh pa rin sa 'kin ang lahat ng nangyari mula nong nakabalik ako dito sa Philippines.

Napahiga nalang ako sa kama dahil wala naman ako iba pang gawin. Gusto ko na matulog pero ginugulo ako ng isip ko, lagi nalang ganito na parang nag re-rewind ang lahat.

Mulo do'n sa airport na kakabalik ko pa nga lang dito sa Pilipinas ay agad ko na siya nakita. Iba talaga kumilos ang tadhana, akalain mong naging ganon kabilis ang muling pagtatagpo namin.

It's a special moment for me, napakasaya ng puso ko no'n, hindi ko lang maipakita dahil hindi ako ganon ka-showy sa feelings ko. Pero ang masakit lang is hindi na niya ako maalala.

Kahit anong pilit kong paglapit ng mukha ko sa kanya sa loob ng kotse ay wala akong nakikitang excitement o tuwa sa mukha niya. Para lang akong stranger sa mga mata niya.

Expected ko na 'yon dahil sa condition niya. 10 years din kaming nagkahiwalay kaya malabo ng mabalik pa ako sa ala-ala niya. Napanuod ko no'n sa balita ang pagtapat niyang may rare memory disorder siya na hanggang ngayon hindi pa rin matukoy kung ano o paano nagsimula.

But it was a scared condition dahil hindi niya hawak ang takbo ng memorya niya. Nakakalimutan niya ang mga nakaraang pangyayari, lalo na kapag matagal ng hindi nakikita ang isang tao.


Dumaan din sa isip ko ang pangalawang pagkikita namin, sa Music Festival. Natuwa ako nang makita ko siya do'n, dahil nalaman kong hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa music. Lalo na sa bandang Coastline.

Nong gabing 'yon para akong ibinalik sa nakaraan na mga bata pa kami at magkasama naming pinakikinggan ang mga kanta ng Coastline.

Nong inawit nila ang Make You Mine habang magkalapit ang aming katawan ay gustong-gusto ko na umamin sa kanya na ako ang kababata niya, pero mukhang hindi pa 'yon ang tamang panahon.

Ayaw ko matapos ang gabing 'yon na hindi ko maipadama sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos ang mukha niya habang siya'y nakatulog sa braso ko.


Hindi ko rin inasahan ang pagtatagpo namin muli sa unang araw ko sa Heartful Academy. Masaya ako nong malaman kong do'n ang taping nila para sa bago niyang pelikula, kaya madalas ko na siyang makikita do'n. Masaya, pero hindi din niya 'yon madama, dahil galit lang ang nararamdaman niya sa 'kin.

Nagkunwari akong kalmado lang na walang pakialam sa lahat at walang pakialam sa kanya. Pero sa totoo ay lagi akong nakamasid sa kanya tuwing may shooting sila, laging sa kanya lang ang tingin ko, laging siya ang hinahanap ko, at laging siya ang iniisip ko.

Nong nagtama ang aming mga labi sa loob ng classroom ay do'n ko na sinimulang iparamdam sa kanya na gusto-gusto ko mapalapit kami sa isa't isa. Ngumiti ako no'n para ipakita sa kanyang walang masama sa nangyari, walang dapat ikahiya at comfortable ako sa kanya.

Mula no'n ay kinukulit ko na siya kahit lagi siyang pikon sa 'kin at minumura pa ako. The thing that makes me more happy is parang natupad ang hiling ko gabi-gabi na mas mapalapit pa sa kanya.

Dahil sa aksidenting nabangga niya ako sa comfort room at natapon ang dala niyang kape sa uniform ko ay mas nagkaroon kami ng connection sa isa't isa.


Hindi ko rin nagustohan ang pinakita kong ugali sa kanya na dinumihan ko ang sariling uniform. Pero that night 'yon lang ang naisip kong paraan para makasama ko pa siya ulit sa bahay kahit na panandalian lang.

Ginawa ko ang bagay na 'yon para ipakita sa kanyang welcome siya sa buhay ko, at hindi siya ibang tao para sa 'kin. Lahat ng mga nangyari sa amin nitong nakaraang araw at itong suntok niya sa mukha ko, ay patunay lang na hindi pa rin siya nagbabago.

Ganon pa rin ang ugali niya nong mga bata pa kami. Matapang at ayaw magpatalo, mabait siya pero nagagalit din. Kung meron man nagbago sa kanya, 'yon ay ang pagiging playboy niya, kung kanino-kaninong babae siya pumapatol.

Hindi ko alam paano siya naging flirty, eh hindi naman siya ganon before. But I wish he only flirt with me, I don't want his body touched by someone else, nakakagago 'yon.

Napabuntong hininga nalang ako. "Kung hindi ko lang siya iniwanan, hindi sana umabot dito. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Sana sa oras na maalala na niya ako, sana mapatawad niya ako at wala ng sakit sa puso niya." Sabi ko sa sarili habang nakatingin ako sa itaas at dahan-dahan ko na ipinikit ang mga mata.



Gumising ako ng maaga dahil ako lang naman mag-isa sa bahay at ako lang ang kikilos para sa sarili ko. Na-umagahan na ako ng sandwich with coffee. Nasanay na ako sa Los Angeles na ganito lang ang kinakain ko tuwing umaga.

Pinakain ko na rin ang pusa kong si Tiano sa favorite niyang tuna. Umakyat na ako sa kwarto para makapagligo. Pagkatapos ko suotin ang school uniform ng Heartful Academy ay ready na ako pumasok.

Bumaba na ako ng hagdan at binigyan ko muna ng forehead kiss si Tiano bago ako lumabas ng bahay. Walang tao na maiiwan dito sa bahay dahil nasa bakasyon si Uncle Vin pero nakahanda na ang pagkain ni Tiano para mamaya.

Sumakay na ako sa kotse ko at maging ito ay black din ang kulay. Hindi naman masyadong kalayoan mula sa amin ang Heartful Academy kaya hindi nagtagal ay narating ko na 'to. Pagkatapos ko ma-parking ang kotse sa malawak na parking lot ay pinuntahan ko na ang mga classmates kong sina Troy at William na kanina pa naghihintay sa labas ng gate.

"Ito na naman tayo, ready ka na ba pagkagulohan ulit bro?" Tanong sa 'kin ni Troy at buntong hininga lang naging sagot ko, dapat na siguro ako masanay sa ganito.

Hinawakan ni William ang balikat ko. "Don't worry bro, we're here for you. We will guard you." Tumawa pa siya. "Oh english 'yon ah..." tinawanan na rin siya ni Troy.


Pagkapasok namin ng entrance area ay agad na sumalubong sa amin ang napakaraming HA students na mukhang kanina pa naghihintay sa pagdating ko. Nagsitakbohan sila palapit sa 'kin habang ang ilan pa sa kanila ay may hawak-hawak na tarpaulin na naka print pa ang mukha ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sunod naman sila nang sunod. Thanks sa mga kaibigan ko dahil sila ang tumatanggap sa mga bigay na gifts ng students. Sapat na sa kanila na matanggap ang regalo sa 'kin kaya nagsialisan na sila. Ang iba naman ay nagpapa-picture pa bago umalis na kinikilig.

Hindi pa nagtatapos sa entrance area, dahil kahit saan kami dumaan ay pinagkakagulohan ako at halos hindi ko maintindahan ang mga pinagsasabi nila dahil ang iingay nila. Lahat sila ay gustong makalapit at mahawakan ako, pero to the rescue naman ang mga kaibigan ko at hindi nila hinahayaang dadami ang dudumog sa 'kin.

Pagkarating namin sa aming classroom na nasa third floor ng ABM Building 1 ay hindi rin nagpahuli ang mga classmates ko. Isa-isa silang nagbigay ng diy gifts, balloons at mga foods. Nakahanda ang mga kaibigan ko dito kaya kanina pa sila may dala-dalang tote bag na paglalagyan ng mga ibinibigay sa 'kin.


Lumapit na kami sa aming upuan na nandito sa likod naka-pwesto. Magkatabi lang kaming tatlo at ako ang nakapagitna sa kanila kaya rinig na rinig ko ang ingay nilang dalawa.

"Wow grabe ang saya talaga nito...bro, pwede bang ito nalang mga pagkain ang pasahod mo sa 'min as your guard..." pinipilit pang tumawa ni Troy para hindi halatang nahihiya siya.

Tumango ako. "Sige, pero tirhan niyo ako." Sagot ko at ngumiti naman ang dalawa at isa-isa silang kumuha ng gusto nilang pagkain na nakalagay sa mga hawak nilang tote bag.

Agad nag react ang mga classmates naming babae. "Hoy...bigay namin kay Haku ang mga 'yan eh, bakit niyo kinakain?!" Inis nilang sabi sa mga kaibigan ko habang nagsasalubong pa ang mga kilay nila.

Nagpatuloy lang sa pagkain ang mga kaibigan ko. "Hoy mga marites...pasahod na niya sa amin ito, hindi kaya madali ang trabaho namin na mapanatili siyang secured. Tsaka kaibigan namin si Haku, may angal kayo...?" Sagot ni William na lamon pa rin nang lamon, hindi na umangal ang mga babae at inis na nagsilabakan sa mga upuan.



It's 12 Noon at napaka-tahimik ng classroom namin ngayon dahil nando'n ang lahat sa cafeteria nag take ng lunch. Kaming tatlo lang ang natira dito at kakatapos lang namin kumain mula sa mga bigay ng fans.

Gaya ng lagi kong ginagawa pag wala pang klase ay nakatambay ako dito sa malawak na hallway at muli kong pinagmamasdan si Tian na nasa quadrangle o event center na matatanaw lang mula dito sa building.

Nagpahinga muna sila sa taping at nakaupo siya ngayon habang may binabasa na kung hindi ako nagkakamali ay script. Nakita kong may itinuro ang mga kaibigan niya, kaya lumingon din ako sa kung saan sila nakaturo para malaman kung ano 'yon. At nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang si Sky ang nakita nilang dumaan.

Nilingon ko ang mga kaibigan kong busy sa pinaghahatian nilang chocolate. "Kailangan ko ang tulong niyo. May mahalagang tao akong pupuntahan, pero hindi niya dapat malaman na nando'n ako dahil ayaw niya ako makita." Sabi ko sa kanila.

Napangiti ang dalawa. "Tamang-tama bro...nando'n pa sa lockers namin ang mga costume na ginamit namin sa role play." Sagot ni William at agad kaming lumapit sa mga lockers na makikita lang dito sa hallway.

Ipinasuot nila sa 'kin ang isang pang-matandang wig na puro puti ang plastic na mga buhok, at nagsuot na rin ng black sunglasses para hindi madali makilala ni Tian ang mga mata ko. Nakakatawa man ako tignan ngayon pero bahala na, dapat ko marinig ang pag-uusap nila.

Naglagay na rin ng fake na mustache si Troy habang si William naman ay naka mask. Nag changed outfit na rin kami para hindi halatang students. Ready na kami kaya bumaba na kami ng building at nakita kong hindi pa nakaalis si Tian dahil nagpaalam pa siya sa kanilang Director kaya nauna nalang kami ng mga kaibigan ko.


Lumakad kami sa kung saan dumaan si Sky at mabuti nalang ay hindi pa siya nakalayo kaya makakasunod kami sa kung sa'n siya pupunta.

Tama ang hinila ko, dito nga siya ulit sa  Enchanted Park. Malawak ang park na 'to at maraming pwedeng pagtambayan para makapag relax. Tagumpay kami sa pagsunod sa kanya at hindi niya 'yon namalayan dahil sinusubukan naming huwag siya tignan, sa galing namin umarte ay para lang kaming mga normal na matatandang naglalakad.

Nakaupo na ngayon si Sky sa bench habang kami naman ay nandito na rin sa kabilang bench na malapit lang sa pwesto niya para marinig ko talaga ang pag-uusap nila Tian. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Tian, nadaanan na niya kami at parang kinakabahan pa siya.

Nang makaharap na niya si Sky ay dahan-dahan siya ngumiti. "Sinasabi ko na nga ba, dito lang kita makikita." Rinig kong sabi niya dito.

"Anong kailangan mo sa 'kin?" Mabilis siyang tinanong ni Sky. "Hindi na ako magpaligoy-ligoy dahil kailangan ko ng tulong mo. P-Pwede ba kita maging guitar coach? Pwede mo ba ako turoan mag guitar? Please..." magkahawak pa ang mga kamay niya at nakikiusap.

Nakita kong mas sumeryoso ang titig ni Sky kay Tian. "Hindi pwede. Wala na ako sa mood ngayon magturo." Sagot nito.


Imbis na lungkot ay hindi 'yon ang nakita ko sa mukha ni Tian, naging mas determinado siya mapapayag si Sky. "Alam kong may pinagdadaanan ka ngayon sa long time crush mo...pero artista ako, matutulongan kita sa bagay na 'yan, pwede ko gamitin ang media para manawagan sa kanya. Marami akong connection at marami akong pera, susuportahan ko ang date niyo...lahat ay gagawin ko basta pumayag ka lang..."

Para na siyang nagmamakaawa na kulang nalang lumuhod na siya sa harapan nito. Dahan-dahan niya hinawakan ang mga kamay ni Sky, bagay na ikina-inis ko dahil parang ayaw na niya bitawan ito at nakipagtitigan pa siya. "Please pumayag ka na maging coach...para ito sa career ko, at may career ka sa music 'di ba...kaya I'm sure maiintindihan mo ako..."

Pinipigilan ko ang sarili sa matinding selos dahil hindi nila pwede malaman na kami itong nasa kabilang pwesto. Nakita kong natahimik si Sky at mukhang napaisip siya sa mga sinabi ni Tian.

Ilang sandali pa ay dahan-dahan niya inalis ang mga kamay ni Tian na nakahawak sa kanya, at tumayo siya sa harapan nito. "Hindi ako hihingi ng kapalit sa 'yo." Seryosong tugon niya kaya napanganga si Tian. "Pero tutulongan kita, dahil naging idol ka rin niya. Baka pagnalaman niyang naging coach mo ako ay matutuwa siya sa 'kin." Patuloy ni Sky.

Napangiti nga si Tian at hinawakan pa ni Sky ang balikat niya. "Sige, bukas nalang kita tuturoan dahil may lakad pa ako." Tugon ni Sky at tumango naman si Tian.


Pagkaalis ni Sky ay nakita ko ang labis na saya ni Tian. "Yeesss!!" Napasigaw siya at nakuha pang tumalon na parang buhay na buhay nga ang loob niya.

Sa sobrang saya niya ay umabot na siya dito sa pwesto namin at ibinahagi ang good news. Nakipag-apir pa siya kina Troy at William. Nagsimula akong kabahan nang lumapit na siya sa 'kin at bigla pa akong niyakap.

"Lolo payakap po...sobrang saya ko lang talaga ngayon, dahil solve na ang problema ko..." hinayaan ko lang siya na yakapin ako at nakita ko pang nagpipigil tumawa ang mga kaibigan ko.

Lalo akong kinakabahan dahil sobrang likot ni Tian sa pagyakap sa 'kin, at nangyari ang lalong nagpabilis ng kaba sa 'kin, nahulog ang suong kong wig. Matapos ako yakapin ni Tian at aalis na sana siya pero kamalasan na bigla niyang natapakan ang wig, kaya natigilan siya at habang dahan-dahan niya pinulot ito ay napalunok kaming tatlo sa kaba.


Nilingon niya kami at nanlaki ang mga mata niya nang makitang nag-iba na ang buhok ko. Nagduda na nga siyang hindi ako matanda, agad niyang kinuha ang sunglasses sa mata ko at dito ko na nakita ang matinding galit sa mukha niya.

"Diputa ka! Wala ka bang magawa sa buhay?! Sobrang creepy stalker mo na...kung ano-ano nalang ginagawa mo para lang masundan ako! Hindi ba sabi ko sa 'yo, ayaw na kita makita!" Malakas niyang itinapon sa dibdin ko ang wig.

Pinilit kong kumalma. "Kaya nga ako nag costume para hindi mo makita ang mukha ko. Tapos ano na namang problema mo ngayon?" Sagot ko at napakagat nga siya ng labi sa labis na gigil sa 'kin. "Pilosopo kang puta ka! Sinira mo na naman ang magandang araw ko! Fuck you ka talaga!" Pinakitaan pa ako niya ng middle finger bago siya umalis. Pambihira talaga.




Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 287K 106
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
209K 2.1K 69
What happens when Melanie Shelby goes to a race of her cousin for the first time. @landonorris is following you now @bellemelshelby is following you...
6.6K 432 37
Hayaan mo muna akong lumayo sa 'yo. | As Tian and Haku are now officially partnered on a movie, the feelings goes deeper and love is slowly blooming...
51.9K 1.4K 20
Ⓓ︎ Ⓘ︎ Ⓢ︎ Ⓒ︎ Ⓛ︎ Ⓐ︎ Ⓘ︎ Ⓜ︎ Ⓔ︎ Ⓡ This is a work of fiction. names, character, business, songs, place and events are either product of the authors imagina...