BRIDE SERIES #1: His Unwanted...

Por cyrexzyrnx

35K 1.9K 153

Samantha Eliza Lavega, a 21 years old daughter of Mr. Ismael and Mrs. Joyce Lavega is suffering for being an... Más

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
31

24

410 28 7
Por cyrexzyrnx

"Hayop Eli, hindi pwede to eh!" halata ang inis sa boses ng kakambal ko.

Kahit ako ay galit. Ako ikakasal? Sa ibang lalaki pa, siraulo ba sila?

"Eli ano nang gagawin natin ngayon?" naintindihan ko kung bakit nag-aalala siya.

"Hindi ko alam Xy, kahit ako hindi ko alam."

"I just go to my room, tatawagan ko si Andrie." saad nito bago lumabas sa aking silid. Nasa baba lamang ang mga magulang namin kaya ang hirap gumawa ng hakbang. Ayokong may mapahamak.

Nagdecide akong tawagan na lang din si Ace upang makausap ito. I know Ace would help me in this situation.

Nakailang ring na ngunit hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko. Busy ba siya?

I already texted him and I am still waiting for his reply for almost one and a half hour but still wala pa rin.

Asan ka ba?

Hindi rin naman ako pwedeng basta basta umalis na lang lalo pa at nandito ang mga magulang ko.

But still pwede namang subukan diba?

Bumaba ako sa sala at naabutan kong may ginagawa sila Mom and Dad sa harap ng laptop nila. Maybe business stuff.

"Mom, Dad? Labas po muna ako may kailangan akong gawin." paalam ko sa kanila ngunit sinalubong lang ako ng nakataas na kilay ng aking ina.

"Kakalabas lang din ng kakambal mo Eliza, anong pinaplano niyong dalawa?" nahihimigan ko ang pagdududa sa boses nito.

"Wala po My, hindi ko po alam kung saan si Xyrielle pumunta. Baka may inaasikaso sa office niya." kunwaring walang alam na ani ko, alam kong nasa condo na ito ni Andrie ngayon.

Walang dapat gawin na trabaho ang isang iyon kaya siguradong sa boyfriend niya iyon pupunta at maglalabas ng sama ng loob.

"Eliza. Hindi n'yo magustuhan kapag ako ang nagalit." naantig ako sa sinabing iyon ni Daddy. Tumango lang ako bilang pagpapakita nang pagsang-ayon.

"Go, just always remember what I am saying Eliza. Always remember."

Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito sa labas ng condo unit ni Ace ng walang nangyayari. Masyado akong lutang at hindi ko alam kong paano kakayanin ang mga nangyayari sa ngayon.

Nag door bell ako ng ilang beses ngunit walang lumalabas. Wala ba siya dito?

Nakailang ulit ko na rin siyang kinontact ngunit sa mga oras na to ay out of coverage na ang cellphone niya.

Nasan ka Ace? Kailangan kita ngayon.

Nagdecide akong pumasok na lang dahil may duplicate key naman ako. Binigay niya ito noon para kapag gusto ko raw magpahinga ay pwede akong pumunta rito at mag-stay.

Pagpasok ko ay nakumpirma ko ang aking hinala. Wala nga siya rito.

Nasan kaya iyon? Wala siyang sinabi tungkol sa pupuntahan niya.

Nagsimula na akong kabahan, kung ano anong thoughts ang pumapasok sa isipan ko.

I've decided to call my twin, after three rings she pick up the call.

"Hello Eli, bakit?" bungad nito sa kabilang linya.

"Nasan ka Xy?"

"Andrie's condo. Why? Nasa labas ka rin ba?"

"Yup. Nandito kay Ace pero wala siya rito sa unit niya."

"Actually Eli wala rin si Andrie rito. Kanina pa ako naghihintay dito kase hindi niya sinasagot ang tawag at text ko."

Gulong gulo ako ngayon. Nasaan ang dalawa at bakit pareho namin silang hindi makita at matawagan.

"Eli let's meet. At the park malapit diyan sa building na kinaroroonan mo. Wait moko diyan."

Nagmamadali akong bumaba at pumunta sa sinabing park ni Xyrielle matapos ibaba ang tawag.

Anong gagawin namin ngayon.

Hindi naman inabot ng isang oras ay nakarating na rin ito kaagad.

"Eli nag-aalala ako." bungad sa akin ng kakambal ko at naupo ito sa tabi ko.

"Nasan ba kase sila?" kahit ako ay hindi na maitago ang kabang nararamdaman sa ngayon.

"Sa tingin mo may kinalaman sila Mom and Dad?" doon ako lalong nanlumo, paano kong sila nga ang may pakana nito.

Anong ginawa nila sa dalawa at nawawala ito.

"Eli paano kung nalaman nila na karelasyon natin sila at may ginawa silang masama sa dalawa. Eli hindi ko kayang may mangyari kay Andrie." hindi na nito napigilan ang luhang kanina pa nagbabadya.

Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya. Ang hirap lumaban kapag ang mismong kaaway mo ay ang mga magulang mo.

"Wag kang umiyak. Magagawan natin ito ng paraan." pagpapatahan ko sa kanya.

Ngunit anong paraan ang magagawa ko? Napalingon ako sa mga kabataang nasa tabi ko ng bigla itong tumili.

"Hindi ko matanggap? Akala ko pa naman may forever na sila ni Miss Samantha tapos ikakasal na siya. Naiiyak ako."

"Ako yung nasasaktan, hindi ko naman kaano ano."

"Fan nga lang ako pero tingnan mo umiiyak na ako."

"Hindi ko mapigilan ang luha ko, ang sakit."

Hindi ko na pinansin ang usapan ng mga kabataan. Wala rin naman akong naintindihan.

Dumaan kami sa isang restaurant para mag dinner. Pansamantalang naging okay ang kakambal ko kaya nakampanti na rin ako.

Habang kumakain ay napalingon ako sa tv nang marinig ang pamilyar na pangalan.

"Ace Axel Chavez, isang sikat na actor ay ikakasal na?" natigilan ako ng marinig ang headline ng balita.

Sabay sabay na tumulo ang aking mga luha ng marinig ang buong balita.

"Ideniklara ng pamilya ng actor ang nalalapit na kasal nito sa isang kilalang anak ng mga Figueroa. Para sa kaalaman ng nakararami ang pamilyang Figueroa ay isa sa mga pinakamaunlad na pamilya. Walang pahayag ang actor at napapansin ng mga fans nito ang pananahimik sa kabila nang kumakalat na balita. Sa kabilang bahagi kinumpirma naman ito ng nasabing fiance ng actor na si Karylle. Maririnig ninyo sa ngayon ang panayam sa kanya..."

Hindi ko na natapos ang balita at umiiyak akong lumabas sa restaurant na iyon. Tinawag pa ako ng kakambal ko ngunit wala akong lakas upang makinig.

Dumiretso ako sa parking lot at doon humagulgol ng iyak. Buti na lang at may dalang sasakyan ang kakambal ko.

"Eli-."

"Alam ko Xy. Magiging maayos ako. Total ikakasal na rin naman ako diba. Okay lang, pantay lang kami."

"Pero Eli-."

"Shh, ayoko munang makarinig please. Aayusin ko to, hayaan mo lang ako."

Nagpapasalamat ako at naintindihan ako ng kakambal ko. Wala na itong sinabi at nagdrive na lamang pauwi sa bahay.

Dumiretso ako sa kwarto at doon tinuloy ang pag-iyak. Ang sakit sakit! Mag-aapat na taon na kami pero sa iba lang din naman pala kami ikakasal. Kami yung tumagal eh, bakit sa iba siya magkakapamilya.

Nakatulog ako sa sobrang bigat at lungkot.

***

Nagising ako sa malakas na katok ni mommy.

"Eliza wake up. May lakad tayo."

"Yes My."

Bumangon ako na mabigat ang pakiramdam. Namamaga ang aking mga mata dahil sa pag-iyak.

Pagkatapos maligo at makapagbihis ay tinabunan ko ng make-up ang naglalakihan kong eye bags.

Nang masiguradong ayos na ang aking mukha ay saka ako bumaba.

"Ang tagal mo, ako yung sinasabaw nila rito." bulong sa akin ng kakambal ko.

Tanging malungkot na ngiti ang naisukli ko rito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maayos. Alas dies na pala at malapit na ang tanghalian.

"We will meet Mr. and Mrs. Tei together with their twin." saad ni dad.

"Please lang huwag kayong gumawa ng kalokohan na dalawa. Kahit ngayon lang sumunod kayo samin ng Daddy n'yo." dagdag ni mommy.

Walang imik akong tumango, hindi ko na nabigyang pansin ang kakambal ko dahil lumilipad ang aking isipan.

Nakarating kami sa isang exclusive na restaurant. Wala akong imik na naupo habang hinihintay ang pamilyang e-me-meet namin.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng sipain ako ni Xyrielle sa ilalim ng mesa. Napalingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Layas na tayo." bulong nito habang hindi nakatingin sila Mom at Dad. Sinamaan ko lang ito ng tingin. As if naman makakatakas kami rito ngayon.

Mukhang hindi niya pa na gets ang ibig kong sabihin kaya itinuro ko gamit ang aking nguso ang mga tauhan ng mga magulang ko na nakatayo sa labas at nakatingin dito sa posisyon namin.

Tila nanghina naman ito kasabay nang pagbuntong hininga niya. Kagaya ko ay nanahimik na rin siya.

Pagkalipas ng halos isang oras na paghihintay ay dumating na rin kaagad ang pamilyang pa-special. Sadyang nagpa-late talaga sila ha? Tsk!

Ngumiti lang ako kahit alam kong pilit at nakipagbatian sa kanila. Ang mag-asawa ay may kasamang dalawang lalaki na magkamukha, siguro ito na nga iyong magiging asawa naming dalawa ng kambal ko.

Kambal sa kambal ha? Kasuka!

"So that's your lovely twin Mr. and Mrs. Dale. Ang gaganda, hindi masasayang ang lahi." nagtawanan sila sa sinabi ni Mr. Tei.

May nakakatawa?

Pansin ko lang din na kagaya namin ay tahimik lang ang dalawang magkambal. Sumasabat lang ito kapag may sasabihin at itatanong sa kanila.

"Let's plan this. Maiwan muna namin kayo mga anak at mag-uusap lang kami ng magiging future mother and father in law n'yo." paalam ni Daddy at sabay silang umalis.

Lilipat lang din pala ng table sana kanina pa nila ginawa.

"Sino si Eliza sa inyong dalawa?" napalingon ako sa masungit na lalaking nagtanong.

Talaga bang hindi niya ako kilala? Pinakilala na kami kanina ah, sabagay nakalimutan ko rin naman kung sino siya eh.

"Sumunod ka sakin, may pag-uusapan tayo." utos nito bago tumayo. Inirapan ko ito bago nagpaalam kay Xy. Nang pumayag ay iniwan ko sila kasama ng pakakasalan niya sa table at sinundan ang lalaki.

Naabutan ko ito sa loob ng cr na naghihintay sa akin.

"I don't want to marry you." deretsong saad nito pagpasok ko.

"The feeling is mutual po Mr. Stranger." nakairap na saad ko sa kanya.

"Then do something." may diin na saad nito. Bakit ako?

"Eliza may girlfriend ako at mahal na mahal ko siya. Ayokong magpakasal sa iba. Plan something please." natahimik ako ng marinig ang sinabi nito. Kung may magagawa ako sana ginawa ko na.

"Same here Mr. Stranger." malungkot na saad ko.

Bakit ba kase kailangan kaming maitali sa relasyon na parehas naming ayaw.

"Stop calling me Mr. Stranger, I have a name Ms. and it's Carl Nethan Tei."

"Okay."

Wala akong ganang makipag usap, kung wala lang din naman siyang magagawa manahimik na lang siya.

"Eliza I can't stop my parents. They will hurt my girlfriend if ever suwayin ko sila. Please, ikaw ang pag-asa ko."

"Wala akong paraan Carl. Kung sanang meron hindi tayo aabot sa ganto."

"Eli I think something okay. Give me your number, I call you if I already have a plan."

Walang pag-alinlangan kong binigay ang number ko sa kanya. Sana nga may maisip siya.

"Babalik na ako. Sumunod ka." saad nito bago lumabas sa cr.

Inayos ko na lang din ang aking sarili. Akmang lalabas na ako ng pumasok sa loob ang isang pamilyar na tao, sobrang na miss ko siya.

"Ace." tawag ko sa pangalan niya, malungkot na ngiti ang isinukli nito sa akin.

"I'm sorry love, I can't fulfill my promises. I'm sorry."

Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. Ramdam ko ang paghaplos niya sa aking buhok.

"Eliza? Let's break up!" tila nahiwa ang aking puso sa tinuran nito

"Ikakasal ako Eli. Ang masakit kase hindi sa iyo. Bakit ba kase tayo pinanganak na mayaman, pera ang kayamanan ng mga magulang ko at wala akong magagawa." paliwanag nito habang may luhang tumutulo sa kanyang mga mata.

"Ace-."

"I know I'm selfish but Eli sasaktan ka nila kapag hindi ko sila sinunod. Remember what I've told you before, I'm willing to give up everything just for you. Ayokong saktan ka nila at ang pamilya mo, Kaya sinusuko ko ang pagmamahal ko sayo para sa kaligtasan mo."

Walang kahit anong salitang lumabas sa aking bibig. Patuloy lang sa pagpatak ang aking mga luha.

"I don't want to end this dream but we need to wake up Eli... I d-dont have another ink, I can't write our more chapter. I'm sorry but love, we are not your favorite Disney characters, I'm sorry but we can't have our own happy ending."

Doon na tuluyang nanghina ang aking mga tuhod. Ang sakit tapusin ng isang relasyon na apat na taon niyong sabay binuo.

Niyakap niya ako ng mahigpit, at alam ko sa sarili na iyon na huling yakap ko sa kanya.

"It has been a great journey with you love, enjoy your journey without me. Thank you for being part of my life." bulong nito bago ako binitawan at tinalikuran.

Napangiti ako ng mapait.

The sun is now set, you can go now. Be happy without me my sunshine.

Seguir leyendo

También te gustarán

67.8K 1.8K 37
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
38.2K 1.2K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
25.1K 466 48
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
5.6K 300 7
Inosente ang batang si Renren ngunit nagbago ang lahat ng matuklasan niya ang papel niya sa buhay.