Flawed Series 1: Lost in His...

By elyjindria

4.2M 112K 37.7K

(COMPLETED) Maria Elaine Garcia has been working as a maid at Hacienda Castellon for a long time. She's innoc... More

Lost in His Fire
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
WAKAS

KABANATA 28

84K 2.9K 1.3K
By elyjindria

Zamir Luciferus Castellon

Maayos na naman ang pakiramdam ko nang magising. Wala na si Elaine. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na bumangon. Nilinis ko muna ang apartment bago ako umalis at bumalik sa bahay ni Elaine.

Naabutan ko si Nathan na nakaupo sa couch, tila hinihintay na matapos magluto si Elaine. Tumingin agad siya sa direksyon ko. Napalunok ako at agad na lumapit sa kaniya.

"Nathan..."

He shyly looked at me, he seemed uncomfortable. "Papa... S-sinabi po sa akin ni Mama na may sakit ka kahapon," he muttered.

I just sighed and held his arm, then gently caressed it. "Nathan... I'm sorry. You must have been so scared yesterday. I'm really sorry, anak..." Napalunok ako, pakiramdam ko ang bigat na naman ng dibdib ko. "Sorry, anak. Hindi na uulitin ni Papa... Sorry..."

Saglit na natahimik si Nathan... Matatanggap ko naman kung may tampo pa rin siya sa akin. Susubukan ko na lang ulit na bumawi sa kaniya. I know I keep on disappointing him and his mother... but I won't give up. I will prove myself to them. Kahit ilang ulit pa.

Natigilan ako nang tumayo si Nathan saka humawak sa noo ko. Nagtatakang tumingin ako sa kaniya. He just looked at me with a worried look on his face.

"Papa... magaling ka na po ba?" tila nag-aalalang tanong nito.

Hindi ko alam kung bakit tila maluluha ako sa tanong niyang 'yon... Inaasahan ko na galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari kagabi... pero ito siya at nag-aalala sa akin ngayon.

Napabuga ako ng hangin at pilit na pinigil mapaluha sa harapan niya. Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya. "Okay na 'ko, anak. Makakabawi na 'ko ulit sa'yo."

"Papa... Ayoko pong nagkakasakit ka," nakangusong sinabi niya saka napaiwas ng tingin.

Napangiti ako saka humawak sa pisngi niya. "Sorry kung nag-alala ka kay Papa, Nathan." Marahan ko siyang hinila para yakapin.

Hindi naman siya pumalag at gumanti ng yakap sa akin. Mas lalo akong napangiti, pakiramdam ko may humahaplos sa puso ko sa mga oras na 'to.

Natigilan ako nang bumulong siya sa akin. "Papa, malapit na po ang birthday ni Mama."

Kumalas siya sa pagkakayakap saka tumitig sa akin. Ngumiti pa siya, nakita ang bungi niyang ngipin. Napangiti rin ako saka marahang ginulo ang buhok niya.

"Salamat sa pagsasabi sa'kin, anak. Paghahandaan ko ang birthday ng Mama mo," bulong ko rin saka marahang kinurot ang pisngi niya.

Nag-almusal na siya nang matapos magluto si Elaine. Napatingin naman agad sa'kin si Elaine saka nagpamaywang.

"Okay ka na?" tanong niya.

Humawak ako sa batok ko at ngumiti. "O-okay na 'ko. Salamat, Elaine."

Hindi na siya nagsalita at ipinaghain na si Nathan. Pagkatapos kumain ni Nathan at maghanda para sa school, nagpresinta ako maghatid, pero pinigilan ako ni Elaine. Siya na raw ang maghahatid.

Napatitig na lang ako sa sketchpad ko habang iniisip ang birthday ni Elaine. Alam kong sinabi sa'kin ni Nathan ang tungkol doon para makapaghanda ako ng ireregalo para sa kaniya.

Napabuga ako ng hangin saka tumingin sa tambak na trabahong kailangan kong gawin. Magbabawas muna siguro ako ng gawain... mamayang gabi, regalo naman para kay Elaine ang aasikasuhin ko.

I just smiled when I remembered how she took care of me last night. Isa na siguro 'yon sa pinakamagandang gabi ko simula nang mawala sa buhay ko si Elaine... Somehow, it gave me hope. I know she still hates me... Hindi naman agad maaalis iyon, pero kahit papa'no, nagkaroon ng pag-asa sa puso ko.

Wala akong ginawa maghapon kundi magtrabaho. Napapatingin pa ako sa orasan dahil hindi pa umuuwi si Elaine simula nang ihatid niya si Nathan... Hapon na pero hindi pa rin siya bumabalik.

Natigilan lang ako nang marinig na may dumating na sasakyan. Napatayo ako agad at sumilip sa bintana para tingnan kung si Elaine 'yon... Pero tila natulos ako sa kinatatayuan ko nang makitang bumaba ng kotse ang boss ni Elaine at pinagbuksan siya.

Tila may bumara sa lalamunan ko... Siguro magkasama sila... buong araw.

Bumalik na lang ulit ako sa kinauupuan ko... nagkunwari akong nagfo-focus sa trabaho nang pumasok na si Elaine. Ibinaling ko kaagad sa kaniya ang tingin ko saka ngumiti.

"Elaine, hello... Uhm, kumain ka na ba?" tanong ko.

Tumango siya. "Kumain na 'ko... Ako na ulit ang susundo kay Nathan," tipid na sabi niya saka pumasok na sa silid niya.

Napabuga ako ng hangin saka humawak sa batok ko... parang gusto ko na lang magkasakit ulit.

Pagsapit ng gabi, nagsimula na 'kong mag-drawing. I decided to give a full sketchbook of Elaine's portraits as a gift for her birthday. I don't know what she would like... but I want to show her my efforts with this. Ito rin ang ireregalo ko kapag birthday naman ni Nathan.

I just smiled while staring at the first portrait that I finished. It was Elaine's smiling face. I just drew it out of my imagination... and my memories... but I managed to draw it accurately, in a detailed manner, beautifully... or maybe it's just because Elaine, the subject of my art, was so beautiful that the art turned out beautiful as well.

Ganoon ang naging routine ko tuwing gabi... Inilalaan ko ang oras ko sa pagguhit kay Elaine... hanggang sa mapuno ang sketchbook. Iba't ibang larawan na niya ang naguhit ko... merong nakangiti, tumatawa, nagagalit... umiiyak... masaya. Tila sauladong saulado ko sa isip ko ang bawat detalye ng mukha niya.

At the sketchbook's last page, I decided to write a letter for her...

Elaine, happy birthday. I wish I could give you something more meaningful and more worthy of someone as precious as you, but for now, I could only give you my feelings, my sincerity, and my heart.

I was never an artist, but when I finally met you, it felt like I could make beautiful art with you as my subject. For me, you are the art itself. You gave life, colors, and meaning to my plain and broken canvas. Your colors may be bright, it may be colorful, it may be white, it may be dark... but it was always beautiful.

I had lived a terrible life... that I wanted to just disappear and die, but you suddenly came, and you made my life worth living for. I was never a believer, but that was before I met you... I thanked all the heavens for your existence as you are the only woman that I will ever die and live for.

Thank you so much for existing. Out of all the negativities of the world, you are my only hope... out of all its darkness, you are the only light that I see... out of all its coldness, you are the only fire that gives me warmth... You and Nathan have become my everything, everything beautiful and meaningful.

I love you so much, Maria Elaine.

-Zamir

I sighed and as soon as I finished writing my letter, I poured all of my feelings in every word.

But when her birthday finally comes... I lost all the confidence I had tried to build for the past few days. Nawalan ako ng lakas na ibigay sa kaniya ang regalo ko.

Her boss gave her a bunch of expensive stuff. He gave her designer bags and jewelries. It made me feel... small and helpless.

"Wow, grabe si Sir Ryle mo. Kulang na lang buong store ang ibigay sa'yo," sabi ni Ria habang tinitingnan ang mga paper bag na ipinadala ng boss ni Elaine kanina.

Elaine just smiled shyly and touched her nape. "Hindi naman niya kailangan magbigay ng ganito karami... Isauli ko kaya?"

"Ano ka ba? Barya lang 'to sa kaniya. 'Wag mo na isauli. Saka halata namang love language niya talaga ang magbigay ng gifts."

Napalunok ako at pilit na itinago sa likod ko ang sketchbook... Itinago ko na lang iyon sa bag ko.

Mabigat ang dibdib ko nang mapagdesisyunan kong umalis. Dumiretso ako sa firm para kausapin si Mr. Solon.

"Ano? Gusto mong dagdagan ko ang pinapasweldo ko sa'yo?" nakakunot-noong tanong nito.

Napalunok ako at tumango. "Kung pwede sana... kahit kalahati na lang po ng dapat kong sweldo. May pinag-iipunan din po ako at mga kailangang gastusin," sabi ko habang nanatiling nakatungo, tila nakikiusap sa kaniya.

Gusto ko rin na may maibigay kay Elaine... hindi lang basta sketchbook. Bakit hindi ko naisip iyon? Hindi nararapat kay Elaine ang simpleng regalo lang.

"Zamir, bakit tumatapang ka yata nitong mga nakaraang araw?" malamig na tanong ni Mr. Solon.

"H-hindi po sa gano'n... Humihiling lang po ako at nagba-baka sakali."

Napailing siya. "Kung tutuusin nga, ang laki na ng binabayad ko para sa tulad mong kriminal... Kung hindi ka nakukuntento sa ibinabayad ko, mabuti pa at umalis ka na sa kompanya ko."

Natigilan ako sa sinabi niya. Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko. "Sir, sorry po," agad na sinabi ko. "H-hindi na po... o-okay na po ako sa sweldo ko. Pasensya na po."

Napangiti si Mr. Solon. "Buti naman at nagkakaintindihan tayo, Zamir..."

Bagsak ang mga balikat ko nang makaalis ng firm. Napahilamos ako sa mukha ko saka tiningnan ang ipon kong pera sa bank account ko. Dinagdagan ko pa iyon noong nakaraang linggo... May sapat na pera na ako para makapagsimula sa bahay.

Bumalik na ako sa bahay ni Elaine... pero natigilan ako nang makitang nandoon ang kotse ng boss ni Elaine. Nagtago ako sa malapit na poste... kausap niya si Nathan.

"Nathan, nagustuhan mo ba 'yung gifts ko sa'yo?" nakangiting tanong niya kay Nathan.

Ngumiti si Nathan saka tumango. "Opo, boss... pero bakit po niregaluhan niyo ako kahit hindi ko naman po birthday?" tanong pa niya.

"You deserve it because you're a good kid. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabait sa Mama mo, ha?"

Natahimik ako habang nakatitig sa boss ni Elaine mula sa malayo... Mukha nga itong mabait. Nakakasundo rin siya ni Nathan. Mukhang hindi siya ang tipo na may magulong buhay at kayang mahalin si Elaine nang walang paghihirap... Kaya niya ring ibigay ang lahat ng kailangan at gusto nina Elaine nang walang kahirap-hirap.

Hindi muna ako umuwi... Naglakad-lakad na lang muna ako sa labas habang nag-iisip. Ang daming tumatakbo sa isip ko... tila may nakabara na naman sa puso ko na hindi ko maipaliwanag.

Kailangan ko bang mag-apply sa isa pang trabaho? Kahit siguro labor job, kaya ko naman siguro. Hindi naman ako mahina pagdating sa ganoon.

Humawak na lang ako sa batok ko habang naglalakad pauwi. Tila nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala na roon ang kotse ng boss ni Elaine.

"Bye, Ria... Ingat ka sa pag-uwi, ha." Narinig ko ang boses ni Elaine. Hinatid niya sa may gate si Ria.

Napatingin ako sa kanila. Nahihiya naman akong basta magpakita at umentrada. I just stayed where I was standing and waited for them.

"Elaine, tanungin nga kita... Kaya ba hindi mo sinasagot si Sir Ryle dahil kay Zamir?"

"Gusto ko lang na kilalanin siya muna. Walang kinalaman si Zamir dito, Ria."

I just stared at the ground and remained silent... I don't know what to feel about it.

"E, ano ang plano mo kay Zamir?" tanong pa ni Ria.

"Wala akong plano kay Zamir. Hahayaan ko siyang maging malapit kay Nathan... pero hanggang doon lang. Pero kung tutuusin, hindi naman namin siya kailangan."

Napabuga ako ng hangin at napahimas sa batok ko nang marinig iyon mula kay Elaine... Mabigat sa dibdib... siguro dahil totoo ang sinabi niya. Totoo namang hindi nila ako kailangan... Kayang kaya nila kahit wala ako.

"Tama ka diyan, girl. Sige, alis na 'ko. Bye!"

Narinig kong nagpaalam na rin si Elaine saka pumasok sa loob. Nanatili akong nakasandal sa poste... tila naubusan ako ng lakas... tila maraming katotohanan ang sumampal sa akin ngayong araw.

"Zamir..."

Nag-angat ako ng tingin nang makitang nasa tapat ko si Ria. Seryosong nakatingin ito sa akin.

"Zamir, gusto ko lang maging tapat sa'yo... Ayoko talaga sa'yo para kay Elaine. Salungat ako sa pagpayag niya na ipakilala ka kay Nathan noon, pero hindi ko siya pinigilan dahil igagalang ko naman ang desisyon niya... Ayokong maging masama ang labas dito, pero nakita ko lahat, e. Nakita ko lahat ng naging paghihirap ni Elaine dahil sa'yo. Nakita ko kung paano siya ipinagtulakan at sinuka ng lahat. Nakita ko kung paano nasira ang buhay ng mabait at inosenteng kaibigan ko... dahil sa'yo." Napalunok si Ria, namumuo na rin ang luha sa mga mata niya.

"Naiintindihan mo naman siguro kung bakit ko 'to sinasabi, 'di ba? Wala akong pakialam kahit wala ka ng pera ngayon o ano, hindi 'yon ang dahilan kaya ayaw ko sa'yo... Ayoko sa'yo dahil isa ka sa malaking dahilan ng paghihirap ni Elaine. Hindi mo ba nakikita? Hindi mo ba nararamdaman? Pinipilit lang ni Elaine na pakisamahan ka dahil kay Nathan... Ayaw ka na niya sa buhay niya... Hindi mo ba nakikita? Kailangan ko pa bang ipamukha at isampal ang katotohanang 'yon sa'yo, Zamir?"

Hindi ako nakapagsalita... Ang daming negatibong emosyon ang naglalaro sa puso ko... Hindi ko maipaliwanag... o siguro alam ko naman talaga kung ano. Siguro ayaw ko lang tanggapin. Ayaw ko lang talagang harapin.

Natigilan ako nang maabutan ko si Elaine na nakaupo sa couch pagpasok ko sa bahay. Napabuntonghininga ako at inayos ang buhok ko saka lumapit sa kaniya. Natigilan naman siya at nag-angat ng tingin sa'kin.

"E-Elaine... Happy birthday," anas ko saka tipid na ngumiti sa kaniya.

Saglit na natahimik si Elaine... Nanatili siyang nakatitig sa'kin, na para bang may malalim din siyang iniisip.

"Zamir..."

Napalunok ako nang tawagin niya ang pangalan ko. "Hmm?"

"Zamir... maliban kay Nathan, mahal mo ba ako? May nararamdaman ka ba para sa'kin?" tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin.

Natigilan ako sa tanong niya... Hindi ko alam kung bakit bigla niyang itinanong 'yon... kinakabahan ako, pero sinagot ko pa rin ang nararamdaman ng puso ko.

"Oo, Elaine... M-mahal kita. Mahal na mahal kita..."

Napakagat si Elaine sa ibabang labi kasabay ng pamumuo ng luha sa mga mata niya. "A-ayokong mahalin ka ulit, Zamir." Nabasag ang boses nito.

"Elaine..."

"Kapag minahal ulit kita... K-kapag hinayaan ulit kita sa buhay ko, mawawala na naman 'yung respeto sa sarili ko na ilang taon kong binuo. Ibibigay ko na naman lahat... wala na namang matitira sa'kin... Gano'n ka mahalin, e. N-noong minahal kita, wala nang natira sa'kin, Zamir. Lahat... respeto at pagmamahal sa sarili... nawala 'yon lahat sa'kin. Gano'n ka mahalin... Nakakaubos, nakakapagod... Ayoko na no'n. Ayoko nang bumalik sa gano'n, Zamir... Sa totoo lang, natatakot ako. Baka kahit na gaano katindi ang galit ko sa'yo... mauwi pa rin 'yon sa pagmamahal. Ayoko na. Ayoko na talaga, Zamir. Pakiusap..." Napapikit siya nang mariin kasunod ang pagtakas ng luha mula sa mga mata niya.

Pakiramdam ko... pati ako, naubos din. Hindi ko alam. Hindi ko alam na ganoon ang dulot ng pagmamahal niya sa akin noon... Hindi ko alam na ganito siya katakot sa akin... at sa pagmamahal sa'kin. Sobrang sakit... dahil tila isinampal sa 'kin na hinding hindi ko pala siya kayang pasayahin... na mauubos lang siya sa pagmamahal sa'kin.

Hindi ko na napigil ang mga luha ko. Kahit nanghihina, naglakad ako palapit sa kaniya saka lumuhod sa harapan niya. Mapait na ngumiti ako saka humawak sa mga kamay niyang nakapatong sa hita niya.

"Elaine... a-alam ko na 'yung sagot, pero gusto ko pa rin itanong... K-kahit ba umalis ko, kaya niyo pa rin sumaya? H-hindi niyo ba talaga ako kailangan ni Nathan? Mas magiging maayos ba talaga ang lahat sa inyo... kung wala ako?" I don't want to cry... but I couldn't stop myself. Tears escaped from my eyes... they were uncontrollable, just like my feelings.

Napatakip si Elaine sa bibig niya habang patuloy na lumuluha... tanging tango lang ang nakuha kong sagot mula sa kaniya, pero para nang dinurog no'n ang puso ko.

Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya... pero kung nahihirapan siya... at kung masasaktan at matatakot lang siya nang ganito habang nasa tabi ko... sasarilinin ko na lang ang pagmamahal na nararamdaman ko.

"Elaine... S-sana tanggapin mo ang bahay na ipapagawa at ibibigay ko para sa inyo ni Nathan."

Natigilan siya at tumingin sa mga mata ko... Kahit mahirap para sa akin, pinilit kong ngumiti saka hinaplos ang mga kamay niya... na baka huling beses ko nang magagawa.

"P-pakiusap, tanggapin mo sana, Elaine... Kapag tinanggap mo, aalis na talaga ako... Hindi ko na kayo guguluhin ulit." 

Continue Reading

You'll Also Like

29K 893 35
May isang simpleng babae na nag ngangalang Louise Chandria Lopez na naka pasok sa isang pa aralan bilang scholar . Ilag ang lahat sa Kanya at wala m...
2.1M 30.9K 62
Rabiah Tamarez has been enslaved all her life. Alipin sa mga magulang na dapat ay nagbibigay sa mga pangangailangan niya, sa bulok na paniniwalang da...
1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
Tryst By Selina Matias

General Fiction

86.7K 105 1
Unhinged #4: Love sucks. MATURE CONTENT (R-18) ....... Cover photo grabbed from google. Credits to Claude Monet.