NERD SPARKS

By haztowrites

26.9K 963 49

Lovely Martha Celestine Martinez a high schooler who is known for her typical boyish aspect, dark personality... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Nerd Sparks Sequel

Chapter 27

484 27 6
By haztowrites

Pagkatapos ang nangyari kanina ay umalis na ako sa bahay ni Seco at nasa labas na ako na walang alam na puntahan. Kanina pa ako palakad-lakad at kanina pa hindi humihinto ang pagtulo ng luha sa mata ko. Hindi ko man pagmamay-ari si Dust pero bakit hindi ko matanggap na mahal niya si Celestine?

Napakatanga ko. Dapat una palang hindi ko na pinatuloy ang nararamdaman ko sa kanya kasi ako lang pala ang masasaktan.

Alas tres na nang hapon hindi parin ako nakakain, hindi ko ininda ang pagkulo ng tyan ko kahit alam kong nagugutom na ako. Wala na akong pakialam sa kung anong mangyayari sakin. Mas mabuti nalang na mamatay nalang ako ngayon kesa sa malaman kong mahal niya parin si Celestine, ang lola ko na kadugo ko. Hindi ko ipagkakait ang pagkakataong iyon, lola ko yun at mahal ng lola ko si Seco, ano ang magagawa ko?

Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyayari, mahal ko si Seco at hindi ko ipagkakait ang mundo para sa kanya, kung saan siya masaya, susuportahan ko nalang siya, pero paano naman ako?

Napaupo ako sa bench dito, malayo na pala ang nilakad ko. Siyam na oras na pala ako naglalakad. Napatingin ako sa librong nasa tabi ko.

Oo dinala ko ang librong nakita ko kanina sa bahay nila. Ewan ko rin kung bakit anong pumasok sa isip ko at bitbitin ko ito palabas ng bahay nila.

Napatingin ako sa langit, parang makulimlim na ang kalangitan. Tumayo na ako at mag simulang maglakad ulit ng ma-out of balance ako dahil naapakan ko ang maliit na bato. Dumiretsiyo sa lupa ang buong katawan ko at marahan na napahawak sa ulo ko. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang sakit na parang tumutusok sa ulo ko. Hindi ko magawang buksan ang mata ko. Wala na akong marinig na kahit ano, parang huminto narin ang paghinga ko. Napakasakit ng ulo ko.

Mamatay na kaya ako?

Dumilim ang paningin ko pagkatapos na nang mangyari.





****************************************

Napakadilim. Madilim na kahit buksan ko ang mga mata ko ay wala parin akong makita. Nakaramdam din ako ng kaunting kaba dahil malamig ang hanging tumatapik sa mga balat ko.

Nasaan ba ako?

Napabangon ako ng marahan at unti-unti ko nang naklaklaruhan ang mga sa paligid ko. Agad naman akong napahawak sa ulo ko dahil sa dagliang pagpitik nito na wala sa wisyo.

"Ahh..."

Agad ko namang naalala ang huling nangyari sakin bago ako napunta rito.

"Tskk"

Nawalan pala ako ng malay kanina

Gabi na pala hindi ko na man lang namalayan. Napakasakit ng pagkatumba ko kanina. Napahinto ako sa pag-iisip ko ng mapansin kong bakit pala ako nandito?

Pinagmasdan ko ang paligid, kaya pala malamig dahil kanina pa nakatutok sakin ang electric fan, sinaunang electric fan. Nakakamangha ang ichura nito, nakaka-aliw lang tingnan.

Tss

Napunta ang paningin ko sa disenyo ng bahay. Malapad ang espasyo ng bahay na ito, ang mga kagamitan na nandito ay magara at parang mahal tingnan. Nasa malaking sofa pala ako nakahiga kanina pa, hala?

gago!

eh?

Sinong bahay ito?

Dahan-dahan kong sinuyod ng tingin ang damit ko. May damit paman ako, madumi lang.

tss

"how are you?"

"ay gago——"anas ko ng makarinig ako ng hindi pamilyar na boses.

Pumunta lang sa kanya ang paningin ko dahil nabigla ako sa kanya.

"Hmm... Nakita kita kanina sa daan ng walang malay kaya dinala kita sa bahay ko, hindi na kita sinabihan kung pwede kitang dalhin sa bahay kasi wala ka ngang malay" ngisi-ngising aniya ng hindi ko kilalang lalaki.

"Ok kalang? namumuti ang iyong labi binibini... sandali kukuha lang ako ng tubig"

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko rin alam kung bakit parang hindi lang ako makapaniwala siguro.

Tss

Anong pumasok sa isip nito bakit tinulungan ako? wala na nga akong pakialam kung ano na ang mangyari sakin doon kanina sa daan.

"Ito tubig..." aniya sabay bigay ng isang basong tubig sakin.

Walang kibuang tinanggap ko naman kasi kanina pa ako nauuhaw.

"super thirsty huh?"

Parang maisusuka ko tuloy yung tubig ko dahil sa sinabi niya.

loko nito ah?

tss

Tinapos ko lang ang basong tubig tsaka padabog na nilagay sa center table dito ang baso. Tiningnan ko siya ng diretsyo.

"bakit? you should thank me because I saved you lately,  before giving me that look..." aniya tska ngusmisi na naman.

Binaling ko nalang sa iba ang direksyon ko dahil nabwibwisit ako sa pagmumukha niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang pananamit at awrahan tulad niya sa taong ito. Halos ng lalaki dito ay napakapormal tingnan tulad ni Franco pero siya parang nanggaling sa hinaharap tulad ko kung umayos. Napalunok ako sa iniisip ko. Naalala ko bigla si Dust.

Marahan akong napayuko at napatingin sa mga kamay ko nalang. Hindi niya lang naman ako hinanap. Pinipigilan ko ang aakamang luha na tutulo maman sa pisnge ko. Napakagat nalang ako ng labi ko.

"Lalim ng iniisip mo binibini? ok kalang ba?" 

Hindi ko siya nagawang tingnan at sagutin. Ano ba ang pakialam niya?

tss

buhay ko to

"May hinanda na akong hapunan para sayo— satin pala, gusto mo ng kumain?"

Nagugutom na ako kanina pa
Gusto ko ng kumain
Kaso ayaw ko siya kausapin
Kaso paano namam ako kakain?

"tssk, hali kana tumayo kana dyan binibini alam kong nagugutom kana, kanina ko pa narinig yang tyan mo" natatawang aniya at nagulat naman ako ng ilahad niya yung kamay niya sakin. Anong gagawin ko naman dyan?

"Tayo na po binibini, nilalamig na yung pagkain natin..."

Hindi ko kinuha yung mga kamay niya at mag-isang tumayo papunta kung saan.

"Oh saan ka pupunta binibini? Nandito yung kusina" turo niya sa kusina.

Napairap nalang ako at dumiretsyo sa kusina dito. Narinig ko pang tumatawa tawa yung loko. Umupo nalang ako at sa tabi ko naman siya umupo.

"Let's eat..."

Ok

Kumuha na ako ng mga putaheng gusto kong kainin at tsaka nagsimula ng kumain. Sa wakas nakakita din ako ng putaheng pamilyar sakin, adobong baboy tsaka tinolang manok? Marunong siya magluto? o mga maids niya ang nagluto? Ay halata naman na meron dahil napakasarap nitong kinakain ko at napakalaki ng bahay para siya lang mag-isa dito.

Habang kumakain ay naalala ko parin yung pagyakap ni Seco kay Celestine. Nasasaktan lang ako kapag naiisip ko yun.

"By the way......I'm Night..."

Napahinto ako sa kinakain ko at dahan dahang napatingin sa kanya.

Night?

Bumalik nalang sa kinakain ko ang paningin ko. Pakialam ko sa kanya? Wala akong pakialam sa kanya kung ano ang pangalan niya, kahit sa kanya mismo.

"Maari ko bang malaman ang pangalan mo binibini?"

Napa-iling lang ako sa kanya.

"Ok got it" sabi niya at napangisi nalang.Wala siyang magagawa kung hindi ko sasabihin kung ano ang pangalan.

Tumayo lang ako at hinanap ang lababo dito at naghugas na ng kamay ko. Pagkatapos ko dito aalis na ako.

"Oh? aalis kana no?"

Diretsyo lang ang paglalakad ko. Wala akong ganang pansinin siya.

"Wow, haha ok bye.....lovely"aniya

Agad akong huminto sa paglalakad ko. Unti-unti naman akong napatingin sa kanya. Kunot-noong nakatingin ako ng diretsyo sa kanya.

"I said goodbye lovely" aniya niya pa sa pangalawang pagkakataon.

Kilala niya ako?

Tinalikuran ko nalang siya at hinanap ang pintuan palabas ng bahay.

Loko ang isang yun, paano niya nalaman ang pangalan ko ni hindi ko naman sinabi sa kanya?

Tss

Dali-dali na akong lumabas, napakalamig na dahil gabi na kailangan kong makahanap ng tutulyan ko ngayong gabi.

Hindi sa kalayuan nakakita ako ng parang pwede ko pagsisilungan ko ngayong gabi. Pumunta ako doon ng biglang kong naramdaman na may humatak sakin dahilan para matumba ako.

~HUSSHHUSHHHSUUSHHH~

"Are you out of your mind? magpapagasa kanalang ba ng kabayo? 

Tiningnan naman ako ng masama ng lalaking dumadala ng kabayo.

"Magpapakamatay kanalang ba?" aniya niya sakin. 

Ano ba pakialam niya? Buhay ko to wala siyang pakialam. Akin to.

"Mabuti nalang sinundan kita palabas dahil kung hindi—"

"Mas mabuti nalang kung namatay nalang ako ngayon." wala sa wisyong sabi ko habang nakatingin sa lupa.

"hey, I'm... b-binibini paumanhin kung nasigawan kita..."

"Ano ba pakialam mo ha? buhay ko to, huwag kang makialam hindi mo alam kung ano ang mga pinagdadaanan ko kaya huwag kang umasta na parang magkakilala tayo"

Dahan dahan ko naman naramdaman ang isa-isang pagtulo ng luha sa pisnge ko.

Gusto ko nalang mamatay. Wala na akong iba pang magagawa sa buhay ko. Wala ng saysay ang buhay ko kung ipagkakait naman pala siya ng mundo sakin. Nasasaktan ako. Gusto ko nalang manahimik at hindi na ulit makakita ng araw.

"G-gusto ko nalang mamatay kesa sa makita ko siya na may kasamang iba..."humahagulgol ani ko.

Napakasakit isipin na hinintay ko siyang makabalik pero ng makabalik naman siya ay hindi na pala ako yung mahal niya. Napakatanga ko. Nagpakatanga ako sa maling tao.

"hey, I'm s-sorry..."

Agad napunta sa kanya yung paningin ko.

"Can you please stop? I don't need your sorry..."humahangos na pagkasabi ko, parang hihikain ako dahil sa hindi ko makontrol ang pag-iyak ko.

"Anong nangyari sayo?..." sinserong aniya habang hindi kinukuha ang mga paningin sakin. Wala akong ganang isabi sa kanya kung ano man ang pinagdadaanan ko sa buhay ko. Wala na siyang pakialam don.

"Hey, if it's good to you, my house is open, pwede kang makitulog muna sa bahay ko binibini...parang uulan pa ngayong gabi..."

Hindi ako makatingin sa kanya. Patuloy paring tumutulo ang luha ko.

"hey it's ok, I don't mind you staying in my house..."

"Bukas na bukas pagkatapos kong magluto ng agahan aalis agad ako."

I hear him chuckles. Tumayo nalang ako at tsaka tiningnan siya. Ningitian niya ako bago naunang pumunta ng bahay niya, sumunod nalang ako sa kanya.

"Dito ka matutulog?" Hindi makapaniwalang aniya sakin nang makapasok kaming dalawa sa bahay niya. Napatango lang ako.

Dito nalang ako matutulog sa salas, malaki naman dito yung sofa kaya dito nalang ako.

"is that ok with you?"natatawang aniya. "May bakanteng room pa ako, doon kana lang baka makita pa kitang maglaway dyan habang natutulog ka?" ngisi ngising aniya.

Loko to ah

Tss

"Sige nasaan yung isang room?"

"Nasataas lang po binibini, tayo na samahan kita papunta roon"

"Nooo—I mean... s-sige"

Natawa lang siya sakin at napailing-iling.

Parang Gago.

"sige kung ayaw mong samahan kita papunta roon, there..." turo niya sa isang pintuan sa pangalawang palapag ng bahay. Napatango nalang ako.

"Ok, sleep well Lovely, have a good NIGHT..." aniya na mas diniinan ang 'NIGHT' tss. 

Walang lingonang pinuntahan ko yung kwarto na tinuro niya sakin mula sa baba. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang isang minimalist na disenyo ng kwarto. Napakakalma tingnan, ang ilaw niya dito ay warm ang kulay na mas nagpapakalma ng paligid.

Sinalampak ko sa kama ang katawan ko. Nakatingin ako ngayon sa kisame habang iniisip kung tama ba ang gagawing kong desisyon?

bibitawan ko na ba siya?

Naipikit ko nalang sa wisyo ang dalawang mata at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.



*************************************

Katulad ng sinabi ko sa kanya kagabi ako ang magluluto ng agahan namin. Kanina pa ako nagising at kakatapos ko lang magluto ng hinanda kong agahan. Napatingin ako sa niluto ko at sa tingin ko ok na siguro to para saming dalawa.

Pumunta ako sa bintana at napatingin sa magagandang bulaklak. Mga rosas ang nakatanim halos dito sa bahay niya. Napakaganda tingnan.

"So Lovely aren't they?"

Halos tumalon ang puso ko ng maramdaman kong may tumabi sakin. Gising na pala yung Loko.

Tss

"Good morning Lovely..." aniya habang nakatingin sa bintana.

Dahan- dahan naman siyang napatingin sakin at ningitian ako ng marahan dahilan para mailang ako sa ginawa niya.

"Nakaluto na ako, kain na tayo"sabi ko at tsaka tumalikod na.

"ok"

Tiningnan niya naman isa- isa yung mga niluto kong pagkain. Tango-tango naman siya at tsaka umupo na.

"Ano pa ang kaya mong gawin maliban sa pagluto?" aniya sabay tikim ng niluto ko.

Naiinis man pero sinagot ko siya.

"Wala na"

"Ok"

Tss

"Masarap, mas masarap kapa magluto kesa sakin, nag-aral kabang magluto?" sabi niya habang nakatingin sa kinakain. Kumuha naman siya ng bago.

"wala namam, marunong lang talaga siguro ako" tango tango naman siya.

Kukuha sana ako ng bago nang bigla niyang harangan ng kutsara niya yung tinidor ko.

Gago to ah?

Tss problema niya?

Isa-isang kumunot ang noo kong nakatingin sa kanya.

"That's mine..."

tss

Edi sayo na

Gusto ko pa sanang kumain, na walan na ako ng gana.

"But since you cooked it, sayo nalang yan binibini" nakangising niya.

"sayo nalang yan"

"No it's alright, eat it..."

Tss

"Sayo nalang yan, ayaw ko ng kumain"

Tumayo na ako at tsaka tumungo papuntang kusina. Uminom nalang ako ng tubig at umupo dito sa granite counter dito sa kusina. Pagkatapos kong maghugas aalis na ako. Napatingin naman ako sa dining table at wala na siya doon.

Tinapos ko nalang ang tubig at tsaka tumalon pababa ng granite.

"Anong ginagawa mo dyan?" aniya.

Kahit nagulat ako sa presensiya hindi ko pinahalata. Anong pakialam niya. Dumiretsiyo nalang ako sa dining at nilinis lahat ng plato at dinala sa lababo.

"Ako na ang maghuhugas dito, pagkatapos kong maghugas aalis na ako."

"Ok, aalis din ako gusto mo nalang sumama? may kalesa ako..."

"sige" matipid kong sabi.

Tinapos ko nalang ang ginagawa ko at tsaka ako napunta sa salas. Napaupo ako habang hinihintay siya.

"Hindi kaba maliligo?" aniya.

"Wala akong dalang damit"

"maligo kana ang baho mo, kukuha nalang ako sa cabinet ng kapatid ko"

Hindi pa ako nakapagsalita pero tumalikod na agad siya.

"May cr don sa kwartong tinulugan mo doon ka maligo isasabit ko nalang sa doorknob ang damit na susuotin mo at mga iba mo pang gagamitin."

Kunot akong nakatingin sa kanya habang nakanguso.

Ha?

"Bilisan mo dyan o hindi kita papaalisin dito!"

Agad akong napatayo at pumunta sa pangalawang palapag ng bahay niya. Naligo na ako at pagkatapos ko ay kinuha ko nalang ang sinabit niya sa doorknob.

Nakakahiya man pero wala na akong ibang option kundi gamitin lahat ito dahil kailangan ko nga ito.  At isa pa baka nga nangangamoy na ako. Isang tight jeans ang binigay niya sakin at isa isang dress din na kulay Black, black din yung jeans. Napakaikli ng dress at may pagka semi modern ang datingan. Black lahat ng binigay niya sakin!

Napakagandang kulay.

Sinuot ko nalang ang hikaw na maliit pero silver. Napatingin ako sa singsing na gawa sa kahoy. Nagdadalawang isip ako kung gagamitin ko parin ba ito o itatago ko nalang?

"Binibin tapos na ako, tapos kana ba?" aniya habang kumakatok sa pintuan.

"Malapit na"

Sinuklay ko nalang ang buhok ko at tsaka ko nilagyan ng beret na kulay itim rin. Naglagay din ako ng pabango na binigay niya.  Amoy rosas at blue water.

Naka boots ako dahil ito tin ang binigay niya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero sinuot ko nalang para bagay narin sa damit ko. Three-forth yung dress kaya nagustohan ko bagay din pala sa jeans? parang bagong style lang. Tiningnan ko nalang ang sarili ko sa salamin bago umalis. Parang ano...

Hindi ako.

Lumabas nalang ako at tumambad sa labas ng pintuan ang Loko. Naka full black din siya.

"tara na" sabi ko.

Napatingin siya sakin at napangisi.

"Kasukat mo yung kapatid kong babae, let's go"

Tumango lang ako at sinundan siya papunta sa kalesa. Pinagmasdan ko ang pananamit niya at napaka semi-modern talaga kung tingnan. Tinulungan niya akong makasakay sa kalesa at ngayon magkaharap kaming nakaupo.

May maliit na hikaw ang isa niyang tenga kulay silver ito. Bagay sa damit niya yung hairstyle niya parang semi-modern tingnan. Bagay sa kanya. Nakatingin lang siya ng diretsyo sa  daan.

May pagkachinito pala ang isang to?

"Anong tinitingnan mo?"

Bumalik ako sa ulirat. Hindi pa ako nakapagsalita.

"ha?"

"Ha?" nakangising aniya. "Sabi ko ano ang tinitingnan mo sa mukha ko?"

tss

"Wala"

"Ok, bagay ba?" patukoy niya sa hikaw niya.

Tiningnan ko lang siya at dahan-dahang napatango.

"Medyo"

"Oh bakit medyo lang?"

" fifty-fifty" sabi ko. Sige nga kung gets niya.

"ha?"

"Wala"

Binaling ko nalang sa iba ang paningin ko.

"May alam kabang pwedeng pagtrabahu-an?" sabi ko.

Napa-isip naman siya.

"Ahh Oo...May Flower shop ako naghahanap ako ng tagabantay doon baka gusto mo?"

"Pwede sige, pupunta ba tayo doon?"

"Hmmm, pupunta ako doon dahil baka may gusto ring magtrabaho sa flower shop ko, isang araw pa ako naghahanap ng tagabantay doon" tango-tango lang ako.

"Sige"

Mabilis lang ang byahe namin at nandito na kami sa tapat ng flowershop niya. Nagpaalam na ang kutsero sa kanya at narinig ko pang susunduin niya ito mamaya. Pumasok na kami sa loob at namangha ako dahil napakaganda dito. May isang babae ang sumalubong samin.

"Good morning Ginoong Night, meron napo akong nakuhang, sales lady dito" aniya ng isang babae.

"Ahh talaga? Good! meron kapa bang bakante para sa kanya?" Agad namang napatingin sakin ang babae at napangisi. Binaling niya sa papel ang paningin niya at tsaka ulit napa-ngisi sakin.

"Meron pa po..."

"Good, anong bakante?"

"Tagapitas po ng bulaklak Ginoong Night" agad kong narinig na tumawa si Night sa sinabi ng babae pati ako nagulat dahil tawang-tawa itong katabi ko.

"Ok, wala na bang may gustong mag-apply dito?" Aniya sa babae.

"Marami po kaso po hindi ko po alam kung sino ang pipiliin sa kanila."

"Ahh, that's fine, ako nalang ang pipili, I need two ok?"

"sige po Ginoong Night."

"Si Binibini nalang ang kukunin kong isang tagapitas" natatawang aniya habang nakatingin sakin. Ako ba ang tinutukoy niya?

Nakita kong napanguso ang babaeng kaharap ko.

"Hindi po bagay sa kanya Ginoo napakaputi at napakaganda niya para mainitan sa labas."

"Sa tingin mo?" natatawa paring aniya.

"Opo Ginoo, kahit ako hindi ako papayag"

"Sige, pero kailangan niya ng trabaho, anong bagay sa kanya? , wala na bang iba dyan?"

Napaisip naman ang babae. Agad naman siya lumapit sakin na parang nakajackpot.

"Binibini, bagay po kayo——"

"No hindi kami bagay!"

Tss

Kumunot naman ang noo ng babae sa sinabi ko.

"Eh? pero po binibini bagay po kayo——"

"Hindi." Nagtataka ang ichura niya. Hindi!

"Binibini? gusto ko pong ibatid sayo na bagay po kayong maging Assistant ni Ginoong Night. Bagay po sa yo"

ha?

"Opo binibini bagay po kesa po sa tagapitas ka ng mga bulaklak"

"Alright, since wala pala akong ganyan ikaw nalang ang kukunin ko" aniya Night habang nakangisi.

Ngumisi sakin ang babae at tsaka nag paalam kay Night. Dahan dahan naman akong napatingin sa kanya.

"Kelan ako magsisimula?"

"Now, nilapit niya ang mukha niya sakin ng kaunti, sasama ka sakin kahit saan ako pumunta got it?"

Napalunok nalang ako at tininan ang pagtalikod niya. Napatingin pa siya sa pwesto ko. Parang sinasabi ng mata niya na pumunta ako sa kanya kaya pumunta ako.

"Good, let's go"

Hindi ko pala namalayan na inalalayan niya na ako sa pagsakay namin sa kalesa. Marami siyang sinabi sakin, lahat ng pinupuntahan niya dapat nandoon ako kasi ako na daw ang mag-oorganise ng pupuntahan at ng kailangan niya sa buong araw. Marami siyang tinuro at mga dapat kong gawin. Nakinig lang ako sa buong byahe hanggang sa tumigil na ang kalesa. May meeting daw siya kasama ang ibang tao kaya dapat sumama ako.

Tinulungan niya akong bumaba at sabay kaming pumasok sa isang malaking gusali. Pagkadating namin sa loob ay binati kami isa-isa ng mga tao. Kaya ganon din ang ginawa ko sa kanila. May isang brown na papel na akong hawak ngayon at ballpen na yari sa hindi ko alam. Dito ko nilalagay lahat ng mga dapat kong gawin.

Marami ng tao dito. Sinama niya ako sa loob ng isang private room lang na para lang siguro sa mga taong mag-memeeting dito. Andami na rin nila at kanya-kanya ay may Assistan nga! Hala! siya lang pala walang ganon nang hindi pa ako nandito?

Umupo ako katabi niya.

"Ok kalang?"

Napatango lang ako.

"Ok naman ako"

Namamangha lang siguro ako sa lahat ng mga taong pumapasok at sa kung pano sila manamit.  Mayat-maya nagsimula na ang pinagmeetingan. Sinabi din sakin ni Night na mag take down notes daw ako para ma recall niya yung pinagmeetingan.

Pagkatapos ng meeting ay may pinuntahan naman kaming dalawa. Napakabusy pala ng schedule niya araw-araw. Naabutan na kami ng alas dos ng hapon pero di parin kami naka kain.

Nagugutom na ako.

"Namumutla ka? gusto mo kain muna tayo?" Agad akong tumango.

Pumunta kami sa isang restaurant na hindi ako pamilyar. Nag-order na siya ng mga pagkain habang nakikinig ako sa tunog ng tyan ko. Kanina pa ako nagugutom.

"ito kumain ka muna nito" binigyan niya ako ng candy.

Agad ko namang binuksan at kinain ito. Uminom pa ako ng tubig. Tinanong niya ako kung ok na ako at tumango naman ako. Namumutla lang ako dahil kanina pa ako nagugutom. Mayat-maya ay na serve na rin ang mga pagkain namin kaya humahangos na akong kumain na.

"So cute"

Wala na akong pakialam ang mga sa paligid ko basta nagugutom ako at kailangan ko ng kumain. Napatingin naman ako sa kanya ng maramdaman kong hindi parin siya kumukuha ng pagkain.

'cute cute'

May sinabi siya pero di ko gets kaya.

"ha?" sabi ko.

"Ha?" aniya pabalik sakin at napangisi nalang. Kumuha narin siya at nagsimula ng kumain.

Tss.

"after dito may pupuntahan pa tayo, right?" napatango nalang ako habang kumakain. "Bilisan mo dyan"

Tss

Pagkatapos naming kumain ay napaupo ako sa kalesa na busog. Parang inaantok pa ako. Naipikit ko nalang ang mata ko. Sabi kanina sakin ni Night, mayalo daw ang susunod naming puntahan kaya marami ang kinain ko. Matutulog nalang muna ako, hindi na kayang ng mga mata ko. Gusto ko ng matulog.

**************************************

Nagising ako dahil sa boses na pamilyar sakin.

"Binibini gising na." dahan dahan naman akong napatingin sa kanya. Nakangisi siya habang nakatingin sakin. Marahan ng bumubukas ng tuluyan ang mga mata ko.

Nagulat ako.

Nakatulog ako.

Naka-sandal pala yung ulo ko sa balikat niya!

NO!

"sorry, sorry" ani ko. Hindi ko sinasadya namatulog sa balikat niya. "Sorry sorry"

"No it's fine, kanina pa kita ginigising, are you alright?"

"Ok lang ako thank you pero sorry di ko sinasadya na matulog sayo, sorry"

"it's ok, wag kang mag-sorry wala kang kasalan, napuyat kalang dahil first time mo pero masasanay karin... nandito na tayo, let's go?"

Napatingin ako sa labas ng kalesa at bumalik sa kanya yung paningin ko. Ningitian niya ako at tska tinulungan ako pababa ng kalesa. Narinig ko pang sinabihan niya ang kutsero na babalik nalang siya mamaya kaya napatango naman ito sa kanya. Naiwan kaming dalawa sa isang pamilyar na lugar pero alam kong hindi pa ako nakapunta rito.

Nauna siyang pumunta sa playground at napaupo sa swing. Umupo nalang ako sa bench dito habang pinagmasdan ang paligid dito. Napakahangin dito, alas kwatro na pala ng hapon, hindi sa malayo may nakita ako isang simbahan doon. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito pero napaka-presko talaga.

"Hindi tayo aattend ng meeting, pumunta tayo dito para sa kanya, sinama nalang kita para may kasama ako.

Hindi ko man ma-intendihan ang sinasabi niya pero napatango nalang ako.

"tayo na?" Sumunod lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami talaga pupunta pero ngayon nakatayo kami sa harap ng simbahan. Ningitian niya ako. "Pasok tayo..."

Napakatagal narin na hindi na ako nakapunta sa simbahan. Ngayon nalang ulit ako nakapunta. Umupo ako sa tabi niya at napaharap. Siya siguro ang tinutukoy ni Night na pupuntahan niya. Isang katahimikan ang bumalot sa paligid, walang ibang tao dito kundi kami lang dalawa. Napaka-aliwalas ng paligid na parang napakagaan ng nararamdaman ko habang nakatingin sa harapan ko. Sa kanya.

Isang tilamsik ng ilaw ang bumalot ng paningin ko, agad naman itong naglaho pero dahan-dahan nagsitaas ang mga balahibo ko.

Nakita ko siya.

Nakita ko si Dust.

Isa-isang pumapatak ang mga luha sa mata ko. Na-miss kona siya. Napahagulgol ako habang nakatingin sa harapan ko.

Wala na bang pag-asa?

Kaya ko bang hindi siya yung lalaking makakasama ko hanggang sa tumanda ako?

Panginoon, tulungan niyo po ako.
Mahal na mahal ko po si Dust. Pero kung ganon din naman po ang naging desisyon niya, sana po malimutan ko nalang lahat kung ano man po meron kami. Hindi ko kaya na makita siya na kaya niya na kahit wala ako. Inintay ko po siya pero bakit po naging ganon? panginoon... sana kung ito po yung rason para magbago ang ikot ng buhay ko sana po hindi ko nalang siya nakilala. Masakit po na mawala na siya sakin.

Hindi ko ya...















Four Years Later (1898)

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa paligid ko.

Akala ko nung una mahirap na wala siya para sakin. Lahat pala ng sakit ay maramaramdaman mo lang sa unang oras. Na lahat pala ng pagsisisi, hinanakit at lungkot ay bahagi lang pala ng unang pagkakataon sa buhay ng isang tao.

'Hindi ko ya...'

Ang huling salita bago ako lumabas sa simbahan noong 1894. Hindi ko rin alam kung paano ko sinimulan ang pagbago ng buhay ko na wala na siya sa piling ko. Akala ko nung una wala na akong pag-asa pero hindi pala. Ngayon nakatingin ako sa harap kung saan nakikinig parin siya sa akin. Siya ang palaging kong lakas sa lahat ng problema. Siya lang yung katabi ko sa lahat ng oras. Nandyan lang siya palagi para sakin. Isang luha ang pumatak sa mata ko.

Thank you

Hindi niya talaga ako pinabayaan, siya lang ang nagpapatibay sakin at nagbibigay ng bagong lakas para sa bago kong buhay.

Apat na taon narin ang nakalipas, nung una akala ko makakabalik pa ako sa mundo ko pero hindi na pala. Ito ang hiniling ko sa Unknown shooting star ng gabing iyon noong 1893 kaya ako nandito. Marami na ang nagbago sakin at sa buhay ko. Nalimutan ko na lahat at tuluyan ko na palang natatanggap na hindi pala kami para sa isat-isa. Seco Sevirein Sparks, unang lalaking bumihag ng puso ko at huling lalaking magdadala ng lungkot sa buhay ko. Dust, Hindi ko na malilimutan ang pangalang ito.

Tanggap ko na kung saan lang ako banda, ito ang plano ng mundo para sakin at para sa kanya. Minahal namin ang isat-isa pero hindi pala magtatapos sa pag-iisa.

Namuhay ako ng wala siya. Nakasanayan ko narin akala ko hindi ko kaya pero akala ko lang pala lahat ng yun.  Hindi ka nga talaga matuto kapag hindi mo pa nasubukan. Naging malakas at na walan ako ng pag-asa para sa sarili ko, hindi dahil para sa kanya pero para sa bago ko nang buhay, sa sarili ko naman. Mas binigyan ko oras ang sarili ko muna bago ang mga taong malapit sa akin dahil bahagi lang sila ng buhay ko. Mga taong nagpapapasaya at mga taong nagpalungkot ng buhay ko ay bahagi talaga ng buhay ko dahil wala lang saysay ang kwento ko kung wala ito.

1894, Eighteen palang ako nun, apat na taon na ang nakalipas at twenty-two na ako. Parang kelan lang nung seventeen palang ako at nakilala ko si Dust as Seco nung 2010. Parang kahapon lang lahat nangyari.

Na-miss ko din lahat ng tao sa 2011, 2011 ako nung umalis ako nun. Tandang tanda ko pa. Na miss ko si Chelseah, Ricco at Franc. Sila yung taong nakilala ko at naging parte ng buhay ko nang taong yun.

Isang katahimikan ang bumalot sa buong sulok ng ipikit ko na ng dahan-dahan ang mga mata ko. Matapos kong manalangin ay agad naman nila akong kinantahan ng Happy Birthday. May mga bagong tao narin akong nakilala at naging parte narin ng bago kong buhay. Nagpapasalamat ako dahil hindi nila ako pinabayaan lalo na si Night na nandyan lang palagi para sakin.

"Happy Birthday Lovelyyyyyyyyy"aniya lahat ng mga kaibigan ko.

"Thank you"sabi ko nalang at tsaka napatingin sa lahat ng pumapasok sa bahay. " pasok po kayo..." binati rin nila ako. Nagpapasalamat nalang ako. Pumunta ako ng kusina para dumagdag ng pagkain sa hapag nang biglang.

"Happy Birthday Love ko." aniya ng isang pamilyar na boses sakin. Agad naman akong napangiti ng halikan niya ako sa pisnge ko. "Happy Birthday baby baby ko"

"Hoy! gaga, anong baby?" agad ko namang nakita na napanguso siya sakin habang nakayakap siya sakin sa likod ko at nakasandal sa balikat ko ang baba niya. "Hala baby ko joke lang, cute cute talaga... heheh thank youuuu" sabi ko sabay kiss ko sa kanya. 

"Here, sayo yan love..." sabay abot niya ng paper bag sakin.

"Thank you baby pa kiss nga" nakangising sabi ko. Lumapit naman siya sakin pero umatras ako at ngumuso naman siya. "Heheh kiss mo ako" ikikiss na sana niya ako pero umiwas naman ako.

"Baby ko akin na ang kiss ko" parang baby aniya sakin kaya nagroll eyes nalang ako at lumapit sa mukha niya.

"Ang bango mo babe..." nakangising ani ko at dahan dahan na akong napatingin sa mga labi niya.

Siya yung nagkiss sakin.

"Happy Birthday Love, sigena nandun na sa labas mga friends mo puntahan mo na sila"

"Yes baby baby ko!" Sabi ko at tsaka sumaludo.

"Last..."sabi niya at hinalikan ako sa lips ko. "I love you baby..."

"I love you too baby ko"

"Go na ha?"

Nakangising tumango naman ako sa kanya at lumabas ng kusina.

Apat na taon na ang nakalipas at marami na talaga ang nagbago lalo na sa sarili ko. Mas binigyan ko halaga ang mga taong nagmamahal sakin.

Yes, sinubukan kong mahalin si Night, Nauna niya akong nagustuhan at nagustuhan ko naman siya, mas minahal niya ako ng sobra. Nung una hindi ko pa ma amin sa sarili ko na nahulog ako sa lokong to. Hindi ko nga inaasahan na pwede maging kami dahil ayaw ko sa kanya at alam ko sa sarili ko na isa lang ang gusto kong makasama noon.  Pero napakabata ko pa nga talaga sa edad na yun at mas inuna ko yung nararamdaman ko kesa sa dapat ko pang maintindihan. Pero nga lahat ng yun ay aral na bahagi ng buhay ko. 

Nung una mahirap pero habang tumatagal natatanggap ko at nalilimutan ko na kung ano ang natapos na na wala ng saysay sa buhay ko. Mas minahal ko kung ano ang buhay ko ngayon.

Night is unexpectedly become my best friend and partner. Minahal niya ako in unexpected way at mas minahal ko siya unconditionally. I was not expecting in a short period of time that I will love him like this.  Hindi niya din alam kung pano basta mahal niya ako ng walang dahilan. We loved each other.

Since I become true to myself I was able to be more practical to everything. Even sa kay Night I was more practical about everything dahil hindi ko gusto na may masaktan ang isa sa amin kapag love will concedes between our relationship. I'm seeing nothing but I like me better when I'm with him. I thought my first love will never betrays but unexpected love really win against all. Now, I'm enjoying and I'm happy.

Kakagaling ko lang sa mga kaibigan ko at binati ako nila ng Happy Birthday. Nagbeso pa sila sakin.

"Kain na kayo, late kayo"nakangising ani ko sa kanila. "Joke lang go na kain na kayo doon."

Marami akong bisita dito dahil inimbita din ni Night mga friends niya. Bumalik na ako ng kusina para  uminom ng tubig.

"thirsty huh?"

"Tss"

Loko talaga tong baby ko! Halos mabulunan pa ako.

Napatingin ako sa kanya pero nagulat ako dahil wala si Night dito. Hindi siya yung nagsabi nun. Isa-isa kong naramdaman ang pagpintig ng puso ko sa hindi alam na paraan habang nakatingin sa lalaking kaharap ko ngayon.

Nagulat man pero nagawa kong ngumiti sa kanya.

"h-how are you?" Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kanya.

"Mhmmmm, I'm fine" sabi ko at tsaka napaupo sa upuan at napainom ng tubig.

"Kamusta ka?" sabi niya with teary eyes.

This can't be...

Hindi pwede, matagal ko na siyang binura sa buhay ko. Paano niya ako nahanap?

Hindi pwede to!

"I m-missed you..." his voice cracked

"D-dust..."

"I really missed you love..." sabi niya at tuluyan na nga siyang umiyak.

"Dust..."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I'm about to cry nang magsalita siya.

"Alam ko kung ano kana ngayon at kung sino na ang mga taong malapit na sayo But I'm still sorry about what happened...it's a big misunderstanding..."

"Stop it Dust... tapos na yun...I'm happy with my new life...I already moved on..."

"I know but Love I still love you...I'm sorry..."

"Dust...I'm sorry... but matagal na kitang binitawan...I'm happy now" nakangiting sabi ko sa kanya tsaka ko pinahiran ang mga luha sa mukha niya. "I love you but noon yun, ibang iba na ngayon"umiiyak kong sabi.

Pinalaya ko na talaga siya sa buhay ko matagal na.

"Love...I'm so sorry, it is really a misunderstanding, Hindi ko mahal si Celestine, that night noong 2011 bumalik ang oras sa 1894, bumalik ako para sayo Lovely... hinanap kita ng matagal then I reached to find you... but then kinaumagahan hindi ko na alam kung saan ka pumunta, sabi ng maids ko umalis kana na hindi ko man lang alam?"

"Dust tapos na yun, stop it please...."nagmamaka-awang  sabi ko.

"You don't understand how I feel after I knew that you leave... ano ba ang ginawa ko? bumalik naman ako sayo... hinanap kita ng oras na yun pero hindi kita nakita... what did I do?" umiiyak aniya.

Agad ko naman itong pinunasan. Hindi ko gustong iniiyakan ako ng mga tao.

"Dust? Look am I now? I'm happy...I'm happy without you..."

"Love... I always loved you...please Love I need you.... I missed you so much..."

"Dust...stop, I have Night, wala kanang magagawa, I'm happy with him now, mas minahal ko kung ano ang meron ako ngayon... kaya stop crying for me, hindi na babalik ang nakalipas na..."

"Lovely... I love you so much...hindi ko alam ang gagawin ko, I rejected her...Celestine, just to be with you, I did all things just to find you Love..."aniya tsaka ako marahang hinawakan sa mga kamay ko pero agad ko itong iniwas. "Love?" nangingilid ang mga luha sa buong pisnge niya. Nasasaktan ako na makikita ko siyang ganyan pero I need to let him go. I'm fine of my life.

"I'm sorry Dust...But... hindi na ikaw yung mahal ko... I'm sorry..."

"Lovely...I love you..."

Napakasakit tingnan na ang mahal mo noon ay nagmamakaawang balikan kung ano ang meron kami noon. Hindi na ito tulad noon. Hindi na ako yung minahal niya noon.

"Dust I'm really sorry..." sabi ko habang hindi ko mapigilan ang mga luhang sunod-sunod na pumapatak. Lahat ng kanina ko pang luha ay sinasalo niya. Napakasakit. Bumalik ang kirot at sakit pero hindi ko na kayang bumalik pa sa nakaraan ko. Tama na.  "I'm sorry, I'm so sorry Dust..."

"Love?...." napailing nalang ako. Naramdaman kong niyakap niya ako sa likod ko. "I love you..."

"Dust stop, I'm begging you please stop it..." nakayakap parin siya sakin. Nararamdaman ko ang pagpintig ng puso niya ng napakabilis. "Stop it Dust...please..."

"I missed you...I love you so much I can't stop thinking about you every time, I can't let you go... I'm always here for you, hindi ko kayang palayain ka...My Love please..."

"Dust hindi na ito tulad ng dati, I have him already and I don't want to break him, I love him Dust. I love Night." humihikbing ani ko sa kanya.

Napakasakit pero wala na siyang magagawa sa naging desisyon ko. Mas naging mature na yung pagiisip ko hindi na ito tulad ng dati. Mahal ko si Dust noon hindi na ganon ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya.

Dahan dahan niya akong binitawan at napatango nalang sakin habang pinipilit ngumiti.

"I'm sorry but I love you my love... maybe I fall in love in a wrong person, maybe if the world will let our hearts unite again maybe in another life will do? I've try so many times just to find you but maybe I'm wrong, I'm looking for a wrong person...Napaka-gago ko, alam ko na ng una palang na hindi na ako yung mahal mo pero pinuntahan parin kita dito, alam kong  wala ng pag-asa pero malayong hindi mangyari na baka sa susunod na buhay natin sana matanggap mo na ako...Love?"

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sadabihin ko.

"Mas minahal ko ang mundo dahil ikaw lang ang naging mundo ko...please wait for me again? I know you still love me but it's complicated, you have N-night...baby I love you so much please...wait for me again?....hindi ako magpapakamatay para lang makasama ka ulit, I'm going to wait when the gods take my soul away from this body, I'll wait for it, hindi na ako magpapakagago para lang ulit makasama ka, I'll wait for the right timing, I know we can still be together right? Love... please? " napakasakit niya tingnan na ganyan siya.

Napabuntong hininga ako at tsaka umiyak. Bakit nasasaktan parin ako? Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan dahil sakin.

"Baby I love you...If letting you go could be the answer, gagawin ko yun makasama lang kita ulit sa susunod na buhay." Aniya at tsaka ako hinawakan sa mga kamay ko. "Iintayin parin kita..."
"I love you Lovely...." dahan dahan niya nilagay sa palad ko ang isang papel na napakapamilyar sakin. "Nakita ko yan ng gabing yun sa bahay mo...alam mo na ngayon ang sagot sa mga tanong mo...mahal kita mahal ko...."


"Let's rewrite our story if the world allow us in another life. No date, No place, No time will count this time, true love is unexpected so I'll wait when that time will come..."

"Please say yes for me in another life, could you? I always love you my Moon..."

"I love you My Love..."

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 66 23
SI GIRL OK NAMAN SYA PERO SA KASAMAANG PALAD SYA AY TINAWAG NA "CRAZY GIRL" SA DI MALAMANG DAHILAN AT IYON NGA ITO AKO NGAYON NAG MUMUKMUK CHARGOATT...
42.3K 659 16
DELULU & GUILT PLEASURE
14K 760 200
(CLOSED) A book that will promote your stories. English and Filipino stories are only allowed in here. ♡
14.2K 1K 43
*Crdst to the owner of the picture I used☺️* Taglish (Tagalog/Filipino-English) Izzie Song is a 17 years old student who has a car crash and she was...