El Violador

JuanCaloyAC

393K 8.3K 1.2K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Sex Deadly Sins Read at your own risk. Maximiliano DiM... Еще

Welcome Hindots!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
It's me, hello, I'm the author.

Finale

10.7K 360 87
JuanCaloyAC

Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin ng Pilipinas pagdaong ng barko sa pantalan. Pebrero ng taong isáng libó't siyám na daán at labíng-siyam ang unang araw na tumuntong ako sa Pilipinas, tatlong buwan matapos ang unang digmaang pandaigdigan.

Tatlong buwan na ang nakalilipas pero pakiramdam ko ay nasa guerra pa rin ako. Natapos ang guerra pero hindi ang dinulot nito sa akin. At umaasa ako na sana ay malagpasan ko itong takot ko rito sa Pilipinas na hindi ko nagawa sa Espanya.

"Maligayang pagdating sa Pilipinas." Bati sa akin ng isang tauhan ng barko.

Nginitian ko naman siya at yumuko ng kaunti tanda ng paggalang. Binitbit ko na ang aking maleta at sumunod sa agos ng mga tao na bumababa sa barko. Pinagmasdan ko ang paligid ng Cebu. Payak na payak ang lugar, malayo sa mga lungsod sa Espanya.

Nagsimula na akong bumaba nang kaunti na lang ang tao sa may hagdanan. Ayon sa liham ng aking mga magulang, may susundo raw sa akin dito sa daungan. Ang problema ko, hindi ko kilala kung sino siya o sino sila. Basta may lalapit na lang sa akin dahil nakita na niya ang larawan ko.

Pagbaba ko sa barko ay nanatili lang ako sa gilid. Kita ko ang mga pasaherong sinusundo ng mga kakilala nila. Masaya pa silang nagyakapan na tila nanabik sa kanilang muling pagkikita. May ilan pang pasahero na dumiretso na lang sa pagsakay sa mga kalesa na tila wala atang sumundo.

Hihintayin ko na lang na mabawasan ng tao dito sa daungan ng mga barko bago hanapin ang taong maghahatid sa akin sa Negros at sa Hacienda DiMarco. Napatingin naman ako malawak na karagatan ng Cebu. Ang ganda ng dagat, amoy ko rin ang alat nito, at mas pinapaganda siya ng papasikat ng araw.

Ang tanging dahilan ko kaya napapayag akong pumunta rito sa Pilipinas ay para hanapin ang pamilya ni Aling Caridad. Si Aling Caridad ang kasambahay namin sa Espanya na halos nagpalaki sa akin at tinuring akong parang sarili niyang anak, kaya para sa akin, siya ang pangalawa kong ina.

At matapos kong mahanap ang pamilya ni Aling Caridad ay muli akong babalik sa Espanya.

Hanggang ngayon ay nahihiwagaan ako sa aking mga magulang kung bakit pinili nila ang Pilipinas para bumili ng sakahan. Parang kailan lang nang matapos ang pananakop namin sa bansang ito pero heto, bumabalik na naman ang mga Espanyol sa bansang ito.

Ano bang mayroon sa Pilipinas para piliin nang piliin naming mga Espanyol?

"Heneral...Maximiliano?"

Naputol ako sa mga iniisip ko dahil sa tumawag sa akin. Napalingon naman ako at kita ko ang isang dalaga. Mas maliit siya sa akin, namumutawi rin sa balat niya ang pagiging Pilipina dahil sa kayumanggi niyang balat. At dahil sa papasikat na araw ay tumatama sa mukha niya ang sikat ng araw kaya pansin kong itim na itim ang kulay ng kanyang mga mata.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito sa isang dalaga. Kay tagal na panahon akong nakulong sa guerra at hindi nagawang tumingin sa babae. At ang huling nobya ko ay bago pa ako pumasok sa pagsu-sundalo.

Nabighani ako agad sa ganda niya.

"Sí...soy el General Maximiliano." Sagot ko naman sa kanya.

Mukhang magiging kapana-panabik ang pamamalagi ko sa'yo, Pilipinas.

.

.

.

.

.

Nagising ako sa isang panaginip, sa isang magandang panaginip. Magandang panaginip dahil nagising akong nakangiti. Ayoko pa sanang matapos ang panaginip na iyon pero may mga bagay na kailangan na nating tapusin. Aasa na naman ako na sana ay mapanaginipan ko ulit siya.

Napatingin naman ako sa bintana ng aking kwarto. May araw na. Napabangon naman ako sa aking kama at iniligpit pa ito bago ako nagpunta sa aking banyo para ayusin ang sarili ko. Nang matapos ay bumaba na ako sa kusina.

"Buenos Dias." Magandang umaga. Bati ko kay Thiago na nagsisimula nang mag-agahan.

Napatingin naman siya sa akin. "Buenos Dias, Hermano." Magandang umaga, kuya.

Naupo naman ako sa harap niya at uminom muna ng isang baso ng tubig. Nilibot ko naman ang paningin ko sa loob ng kusina. "Donde esta mama y papa?" Nasaan sina mama at papa? Taka kong tanong sa nakababata kong kapatid.

"Ellos se fueron temprano para un viaje de negocios." Maaga silang umalis para sa negosyo nila. Sagot naman ni Thiago na hindi man lang nagawang tignan ako at tutok lang sa pagkain.

Tumango naman ako at nagsimula nang kumain. Sanay na kami ni Thiago na laging wala ang aming mga magulang, mga bata pa lang kami ay ganito na sila. Nakasanayan na namin na hindi na kami laging nagkakasama dahil abala na kami sa kanya-kanya naming gawain sa buhay. Pagkagising o matutulog na lang namin nakikita ang isa't isa.

"Estás yendo al trabajo?" Papasok ka sa trabaho? Tanong naman sa akin ni Thiago.

Tumango naman ako. "Sí, pero primero iré a una clínica." Oo, pero dadaan muna ako sa klinika.

Tumango naman si Thiago dahil alam niya ang tungkol sa pagpunta ko lagi sa klinika. Hindi ko naman itinago sa pamilya ko ang lagay ko dahil kailangan nilang matuto kung paano nila ako matutulungan kung sakaling atakihin ako ng sakit ko.

"Cuidarse." Ingat ka. Sambit pa ni Thiago.

"Y tú?" Ikaw ba? Balik kong tanong sa kanya.

Tinignan muna ako saglit ni Thiago bago ituon ang sarili niya sa pagkain. "Voy a recoger a mi novia primero para dejarla en el trabajo antes de ir a trabajar." Susunduin ko muna ang nobya ko para ihatid siya sa trabaho niya bago ako pumasok sa trabaho ko.

Napangiti naman ako dahil binatang-binata na talaga ang nakababata kong kapatid. Lumaki siya na maginoo sa mga kababaihan. Lumaki siyang gaya ko. Alam kong darating ang panahon na bubukod na siya kapag nag-asawa na siya ng tuluyan. At alam kong magiging isa siyang mabuting ama at asawa sa pamilyang bubuuin niya.

Matapos naming mag-agahan ni Thiago ay bumalik na ako sa aking kwarto para maghanda sa pagpasok ko. Kabilang pa rin ako sa hukbong pansadata ng Espanya. Bilang isang heneral, tungkulin ko na pamunuan ang malalaking dibisyon ng hukbo. Nagsasagawa rin ako ng mga tungkulin sa pamamahala, mga tungkuling pang-administratibo, at mga tungkulin sa pagpa-plano at estratehiko.

May naidulot man sa akin ang guerra pero hindi ko pwedeng iwanan ang trabahong ito dahil tungkulin namin sa sandatahan na protektahan ang Espanya.

Matapos kong mag-ayos suot na ang aking unipormeng pang-sundalo ay bumaba na ako at nagpaalam sa mga kasambahay. Dumiretso ako sa kotse ko. Mukhang nauna nang umalis si Thiago dahil wala na rin ang kotse niya sa garahe. Sumakay na ako sa kotse at nagsimula nang bumyahe papunta sa klinika.

Labing-isang taon na ang nakalilipas simula nang matapos ang guerra ay kailangan pa rin naming magkaroon ng buwanang pagtingin sa duktor. May ilang mga sundalo kasi, gaya ko, ang dala pa rin ang epekto ng guerra sa kanila at mukhang matagalang proseso pa ito para tuluyan kaming makalimot sa guerra.

Pumasok na ang kotse ko sa Sandatahang Lakas ng Espanya. Sumaludo pa sa akin ang mga bantay na sundalo sa tarangkahan. Sumaludo rin ako sa kanila bilang heneral nila. Tinahak ko pa ang loob ng sandatahang lakas at pinarada ko na ang kotse sa harapan ng klinika. Bumaba na ako at pumasok sa klinika.

Nginitian naman ako ng isang empleyado. "Tienes una cita con el médico, ¿verdad?" Ngayon kayo nakatakdang makipag-usap sa duktor, 'no?

Ngumiti naman ako at tumango. "Si." Oo.

Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa kwarto ng duktor. Ilang saglit pa ay lumabas na siya at lumapit sa akin. "Por favor, entra ahora. El médico está esperando." Pasok na kayo. Hinihintay na kayo ni duktora.

"Gracias." Salamat.

Naglakad na ako papunta sa kwarto ng duktora. Kumatok pa ako bago buksan ang pinto. Nginitian naman niya ako pagpasok ko sa kwarto niya at sinenyasang maupo. At gaya ng nakasanayan ay naupo at sumandal ako sa malambot na upuan.

Kita ko naman na tumayo si duktora at pumwesto sa gilid ko para ibaba ang likuran ng inuupuan ko para humiga ako ng pahilig sa upuan.

"Cómo estás?" Kumusta? Tanong niya sa akin.

Pumikit na ako habang nakalapat lang ang mga palad ko sa tiyan ko. "Estoy bien." Ayos lang.

"Aún tienes pesadillas?" Binabangungot ka pa rin ba?

Umiling naman ako. Kay tagal ko ng hindi binabangungot. Kay tagal ko ng hindi nakikita ang madugong guerra sa aking gunita. Nakakatulog na ako nang maayos. Hindi tulad dati na magigising ako sa kalagitnaan nang gabi dahil pakiramdam ko ay nasa guerra pa rin ako.

"Ya no." Hindi na. Sagot ko naman. "Pero yo siempre soñando." Pero lagi akong nananaginip.

"Sigue siendo ella con quien sueñas?" Siya pa rin ba ang napapanaginipan mo?

Tumango naman ako. "Si." Oo.

Narinig ko pa ang paghakbang ng mga paa ng duktora na lumipat sa kabilang gilid ko. "Tu sueño sobre ella no es un problema para ti?" Hindi naman ba problema sa'yo ang panaginip mo sa kanya?

Umiling naman ako. "De hecho, me gusta mi sueño sobre ella." Sa totoo lang, gusto ko ang panaginip ko sa kanya.

"Por qué?" Bakit?

Hindi ako nakasagot agad. Binalot lang kami ni duktora na katahimikan. Bakit nga ba? "Soy feliz porque puedo estar con ella en mis sueños. Siempre duermo profundamente cuando ella es el contenido de mis sueños. Me despierto con una sonrisa cuando ella está en mis sueños." Ang saya ko kasi kapag kasama ko siya sa panaginip ko. Ang sarap ng tulog ko lagi kapag siya ang laman ng panaginip ko. Nagigising kasi akong may ngiti sa aking mga labi kapag siya ang nasa panaginip ko.

Binalot naman ulit kami ng katahimikan ng si duktora naman ang hindi agad nagsalita na parang kay tagal niyang pino-proseso ang sagot ko.

"Puedes dejarla ir en tus sueños?" Kaya mo ba siyang pakawalan sa panaginip mo? Pagbasag ni duktora sa katahimikan sa kwarto niya.

Hindi ulit ako nakasagot agad dahil parang hindi ko kaya ang sinasabi ni duktora. Parang sinasabi niya na pakawalan ko ang isang taong nagpapasaya sa akin. Sa panaginip ko na nga lang siya nakakasama ay mawawala pa siya sa akin.

"No." Hindi. Sagot ko naman.

Napabuntong-hininga naman si duktora. "Puede que se acostumbre a ese sueño, General. Y puede que le resulte difícil separar el sueño de la realidad." Baka masanay ka sa panaginip na 'yan, Heneral. At baka mahirapan kang ihiwalay ang panaginip sa katotohanan.

Napahawak ako nang mahigpit sa isa ko pang kamay. Nauunawaan ko ang gustong iparating ng duktora. "No puedo dejarla ir, doctor. En todos mis sueños, ella es la que acepto aunque no sea cierto. Así que déjame soñar con ella." Hindi ko siya kayang pakawalan, duktora. Sa lahat ng aking panaginip, siya ang tanggap ko kahit hindi totoo. Kaya hayaan mo na lang ako sa panaginip ko sa kanya.

Muling kaming binalot ng katahimikan ni duktora bago siya muling magsalita. "Ahora lo dejo con ese sueño suyo, General, porque ella lo ayuda con sus pesadillas. Pero llegará el día en que tendrás que dejarla ir de tus sueños." Hahayaan kita ngayon sa panaginip mong 'yan, heneral, dahil nakakatulong siya sa mga bangungot mo. Pero darating ang araw na kailangan mo na siyang bitawan sa panaginip mo.

Huminga naman ako nang malalim bago tumango. "Gracias doctora." Salamat, duktora.

Matapos ko sa klinika ay dumiretso na ako sa aking opisina para magsimula sa aking trabaho. Ginugol ko ang buong araw ko para sa gawaing administratibo ng bawat dibisyon ng hukbo. Tuloy pa rin ang pagsasanay ng mga sundalo at ang pag-anib ng mga bagong sundalo dahil kahit ano'ng oras ay pwedeng maulit ang digmaan, kaya kailangan ay handa kami.

Ganito na lang ang buhay ko. Gigising ng maaga para mag-ayos pagpasok sa trabaho, gugugol ng maraming oras sa trabaho, at pagdating ng hapon ay muling uuwi sa bahay para kumain at magpahinga para matulog. Paulit-ulit, nakakasawa, pero wala naman akong magawa dahil ito na lang ata ang buhay ko.

Pero, ngayong araw ay ayoko munang dumiretso sa mansion dahil paniguradong wala pa ang mama at papa, maski na rin si Thiago. Maglilibot-libot muna ako. Hindi ko muna ginamit ang kotse at naisipang maglakad-lakad muna sa Barcelona.

Habang naglalakad ay napatingin ako sa matayog na istruktura ng Basilica de la Sagrada Familia. Kay tagal na nitong tinatayo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos-tapos. Pero, ito lang ang istrukturang kahit hindi pa tapos ay maganda.

Parang gusto niyang ipahiwatig na may mga bagay na maganda kahit hindi pa kumpleto. Ako, kulang ako, pero hindi ako ang Sagrada Familia. Hindi ko kayang tumayo ng matayog sa isang lugar na hindi ka kumpleto. Hindi ko kayang mabuhay sa kalungkutan ng pag-iisa.

Naisipan ko namang pumasok sa simbahan. Walang misa pero may mga tao sa loob para magdasal. Tahimik lang sila habang taimtim na nagdadasal para kausapin ang panginoon. Ang Espanya ay isang katolikong bansa kaya karaniwan na itong gawain ng mga tao rito.

Lumuhod din ako at pumikit para magdasal. Panginoon, salamat sa pangalawang buhay na ibinigay mo sa akin. Nabuhay nga ako pero hindi ako masaya. Ang lungkot ko. Ayoko ng ganitong buhay, ayoko nitong pangalawang buhay kung ganito siya kalungkot. Gusto ko iyong dati kong buhay, masaya, sobrang saya ko noon.

Napatakip pa ang kamay ko sa mga mata ko dahil nagsisimula na naman akong maluha sa tuwing naaalala ko ang masaya kong buhay na ninakaw sa akin ng pagkakataon. Hanggang ngayon ay pinapangarap ko pa rin na maibalik ang buhay kong iyon. Pero alam kong imposible ng mangyari.

Huminga naman ako nang malalim at pinunasan ang mga luha ko bago naupo. Napatingin naman ako sa altar na medyo may kalayuan dahil dito ako sa bungad ng pintuan naupo. Sampung taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap ang nangyari.

Panginoon, bigyan mo ulit kami ng pagkakataon na ituloy ang kwento ng pag-iibigan naming dalawa. At sana ay nasa tamang panahon at pagkakataon na para sa aming dalawa.

"Ang ganda ng Sagrada Familia, 'no?"

Napatingin naman ako sa nagsalita dahil hindi pangkaraniwan na maririnig mo ang salitang 'yan dito sa Espanya. Sa kaparehong inuupuan ko ay may isang babae ang nakaupo na may kalayuan sa akin. Nakatingin lang siya sa altar. Ang tagal kong pinagmasdan ang mukha niya.

"Naaalala ko noon." Pagpapatuloy niya. "Ang sabi ko pa sa kaibigan ko na kapag nakahanap siya ng nobyong Espanyol ay dito sila magpakasal at imbitahin niya ako. Ito ang unang beses na makita ko ang simbahan na ito. Ang ganda niya, sobra."

Binalot na naman ang mga mata ko ng luha. Napakagat pa ako sa ibabang labi ko. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako pero hindi e, nandito siya. Totoo siya at nakikita ko siya ngayon.

Liningon naman niya ako at nginitian. Matagal niya rin akong tinitigan at kita ko rin ang pamamasa ng mga mata niya. "Kay tagal kong nangulila, Maximo..."

Tumulo na ang mga luha ko. Tumayo na ako sa kinauupuan ko para lapitan siya at tabihan. Agad ko siyang kinulong sa mga yakap ko at hinalikan siya sa ibabaw ng ulo niya. Sa wakas, matapos ang ang sampung taong pagkakawalay namin sa isa't isa ay pinagtagpo ulit kami ng pagkakataon.

"Kay tagal ko ring hinintay ang araw na ito, Esmeralda." Sambit ko sa kanya. "Ang makita ko ulit ang babaeng pinakamamahal ko."

Gumanti rin ng yakap si Esme sa akin habang umiiyak sa dibdib ko. "Mahal na mahal kita, Maximo."

Mas lalong tumulo pa ang mga luha ko nang marinig ko ulit ang linyang iyan. Ang sarap sa tenga at ang sarap sa puso. Hinawakan ko pa ang magkabilang pisngi ni Esme para iharap siya sa akin. Pareho kaming luhaan.

"Kailan ka pa dumating dito sa Espanya?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina lang. Sinundo ako ni Thiago." Sagot niya na humihikbi pa. "Tinuro niya kung saan kita mapupuntahan. At kita ko ngang palabas ka na ng opisina mo kaya sinundan kita hanggang dito sa Sagrada Familia."

Kinuha ko naman ang panyo ko para punasan na ang mga luha niya. "Bakit hindi mo sinabi ang pagdating mo? Para ako sana ang magsundo sa'yo. Grabe, hindi ko akalaing dadati pa ang araw na ito na muli kitang makakasama, Esmeralda."

Ngumiti naman si Esme at ang mga luha ko naman ang pinunasan niya gamit ang palad niya. "Gusto talaga kitang i-sorpresa. Pasensiya na, ha? Ngayon lang ako nakapunta rito, ngayon lang kita napuntahan."

Umiling-iling naman ako. "Ayos lang, Esme. Ang mahalaga, nagkita na tayong muli.

Matapos ang gabi ng pagkasunog ng Hacienda DiMarco, at ang gabi ng madugong nangyari sa kamalig ay nabago ang buhay namin ni Esmeralda. Nanganib ang buhay ko noong gabing iyon matapos kong makatanggap ng maraming saksak kay Armando at halos maubusan ng dugo.

Ilang buwan akong walang malay-tao, pero nang magising ako ay nandito na ako sa Espanya. Dahil sa nagawa kong pagpaslang kay Armando ay pinatalsik kaming mga DiMarco sa Negros dahil sa pagiging banyaga namin.

Hindi na nila ako nagawang ikulong sa Pilipinas dahil sa nagawa rin ni Armando sa akin na kinamuntik ko ng ikamatay. Nakapatay din si Armando noong gabing iyon, at si Adalla ang nagbuwis ng buhay para protektahan si Esmeralda. Kaya imbes na hatulan akong makulong ay pinabalik na lang kaming pamilya sa Espanya. Tanging si Esmeralda lang ang naiwan dahil siya lang ang purong dugong Pilipino.

Naiwan naman sa pangalan ni Esmeralda ang pagmamay-ari ng buong hektarya ng Hacienda DiMarco. Ibig sabihin, siya na ang nagmamay-ari ng buong hacienda. Siya na ngayon si Donya Esmeralda DiMarco.

Sampung taon. Sampung taon kaming nawalay sa isa't isa dahil sa nangyari.

Lumabas na kami ni Esmeralda ng simbahan para ilibot siya sa Barcelona. Magkahawak pa ang kamay namin habang nililibot ko siya. Ngayon lang ulit ako naging ganito kasaya. Iyong panalangin ko gabi-gabi ay nadinggin din ng D'yos sa wakas.

"Ang gwapo mo pa rin sa uniporme mo. Ganyan din ang suot mo nang una tayong nagkita." Puna naman sa akin sa ni Esme.

Napangiti naman ako dahil ang una naming pagkikita ang pinaka-gusto kong nangyari sa buhay ko dahil hindi ko inaakalang ang babaeng susundo sa akin ay ang magpapa-ibig sa akin.

"Mukhang pagiging heneral talaga ang nakatakda sa akin." Sagot ko naman. "Hindi ata ako para sa pagiging haciendero."

Naupo naman kaming dalawa sa harapan ng Museu Nacional d'Art de Catalunya. Nasa likod lang namin ang gusali ng museo habang pinapanood namin ang tubig sa fountain. Padilim na ang paligid pero may mga tao pa rin sa paligid.

"Kumusta?" Tanong ko kay Esme. "Kumusta ka noong nawala ako?"

Nakatingin pa rin si Esme sa unahan niya. Ngumiti siya bago sumagot. "Ang lungkot sa totoo lang. Gulat pa rin ako sa biglang nangyari sa buhay natin. Ang bigat ng obligasyon na hawakan ang buong hacienda. Hindi ko alam kung paano ko aayusin iyon mula sa pagkakasunog. Pero, ang ginawa na lang namin, nagsimula muna kami sa maliit na parte ng sakahan. At nang kumita na, unti-unti ulit naming pinalawak ang taniman hanggang sa naibalik na namin ito sa dati niyang anyo. Hindi madali dahil halos inabot din kami ng walong taon para maibalik ito sa dati niyang anyo. Hindi na ako nakabalik sa pag-aaral para ituon ang sarili ko sa hacienda."

Tinignan naman niya ako habang magkahawak ang mga kamay namin. "Ginugol ko ang oras ko sa sakahan, sinusubukan kang kalimutan. Pero, hindi ko magawa." Napahinto si Esme sa pagsasalita nang muling maluha sa kwento niya. "Araw-araw kitang hinahanap, umaasa na sana isang araw, makita kitang muli dahil hindi ko na magawang magmahal ng ibang lalake kung hindi ikaw lang, Maximo. Ikaw lang ang aking tanging iibigin habangbuhay."

Hinawakan ko ulit ang magkabilang pisngi niya at humaplos doon ang hinlalaki ko. "Salamat dahil kinaya mong buhayin ulit ang hacienda na ikaw lang mag-isa. At pasensiya na dahil wala ako sa tabi mo para tulungan ka. Kung pwede lang puntahan ka sa Pilipinas ay matagal ko ng ginawa pero hindi na ako pwedeng tumuntong sa bansa niyo. Gustuhin ko man na kunin ka rito sa Espanya, pero alam kong nasa Pilipinas ang buhay mo. Gustong-gusto ko talagang magkasama tayong muli."

Tumango-tango naman si Esme at sinubukang ngumiti. "May dahilan kaya ako nagpunta rito."

Nagsalubong naman ang mga kilay ko at binalot ng kaba. "A-ano?"

Humawak pa si Esme sa kamay kong nakasapo sa pisngi niya. "Pinapayagan ka na ng Sta. Maria na makabalik sa Pilipinas, Maximo. Sila ngayon ang mayor ng Negros kaya nailaban ko ang pagbabawal nila sa mga DiMarco na makatuntong sa Negros. Ikaw lang ang pinayagan dahil ikaw ang asawa ko. Pero sa isang kondisyon, kailangan mong talikuran ang pagiging Espanyol mo at manirahan bilang isang Pilipino sa Pilipinas."

Nginitian ko si Esme at tumango-tango. "Simula nang minahal kita, alam ko sa sarili ko na Pilipino na ako, Esme. Kaya madali lang sa akin na talikuran ang pagiging Espanyol ko, makasama lang kitang muli."

Nagyakapan kaming dalawa. Sa wakas, makakabalik na ako sa Negros at makakasama ulit si Esme. Makakasama ko na ulit ang babaeng dahilan kung bakit ako nabubuhay dahil nangako ako sa Panginoon at sa harap ng altar na magsasama kami hanggang sa pagtanda namin.

"Papa..."

Napadilat naman ako sa narinig ko. Kumalas si Esme sa pagkakayakap sa akin. Nginitian ako ni Esme sabay tingin sa harap namin. Sinundan ko naman ng tingin ang tinitignan ni Esme.

Kita ko si Thiago sa harap ng fountain na may kasamang bata habang magkahawak ang mga kamay nila. Pinagmasdan ko ang mukha ng bata. Magkakulay kami ng balat, pareho kami ng hugis ng mukha, bagsak din ang buhok niya gaya ko. Pero, ang pinakapansin sa kanya ay ang mapusyaw na kulay kayumanggi niyang mga mata.

Napatingin naman ulit ako kay Esme. "Siya ba si..."

"Ang anak mo," Sambit ni Esme. "Simeon Pablo DiMarco."

Muli kong tinignan ang batang kasama ni Thiago. Napabitaw ako kay Esme at tumayo para lumapit kay Simeon Pablo. Napaluhod pa ako sa harap niya nang matapat ako sa kanya. Naluluha akong napatingin sa mukha niya. Hinawakan ko pa ang magkabilang pisngi niya bago siya sa yakapin.

"Anak..." Bulalas ko.

Umiyak naman siya sa balikat ko at yumakap din sa akin. "Papa, uwi na po tayo..."

Tumango-tango naman ako. "Oo, anak, uuwi na tayong pamilya sa Negros. Makakasama mo na ako at hinding-hindi na kita iiwan pang muli. Hinding-hindi ko na kayo iiwan ng mama mo."

May mga taong pagtatagpuin pero paglalayuin ng pagkakataon. At muling magtatatagpo ang landas nila dahil sa iisang destinasyon pa rin ang papatunguhan.

Dahil kung para kayo sa isa't isa, para kayo sa isa't isa.

WAKAS

—MidnightEscolta 😉

Продолжить чтение

Вам также понравится

Never Good But Worthy Mareng BINI Cordero

Детектив / Триллер

194K 4.1K 48
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 2 of Never Series Read at your own risk. Pursuit of justice, danger in revenge, and the worthiness...
Blooming Memories Mareng BINI Cordero

Короткий рассказ

41.5K 1.2K 12
✨FLUFF✨ Do you know what the worst part of loving someone is? It is losing yourself in the process of loving them and losing sight of how special you...
The Merciless Stud (Hot Trans Series #3) moodymind

Художественная проза

1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
Never Dies Just Changes Mareng BINI Cordero

Детектив / Триллер

247K 6.5K 38
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Never Series Read at your own risk. Naniniwala ka ba sa mga paranormal? Naniniwala ka ba sa bu...