Lit Candle in the Rain (Night...

By thefakeprotagonist

53.8K 1.3K 468

[FINISHED] Categories : Boys' Love ā€¢ Contemporary Romance ā€¢ LGBTQ Kannagi Lacanlali, or Kann, suffers daily f... More

Author's Note
Playlist and Praises
Prologue
Episode 1 - Hate at First Meet
Episode 2 - Cupid's Squalling
Episode 3 - Enemyship [1/2]
Episode 3 - Enemyship [2/2]
Episode 4 - Bottoms Up! [1/2]
Episode 4 - Bottoms Up! [2/2]
Episode 5 - The Pitchfork Effect
Episode 7 - Detention Room [1/2]
Episode 7 - Detention Room [2/2]
Episode 8 - Lit Candle in the Rain
Episode 9 - Show, Don't Tell
Episode 10 - Bare Your Heart
Episode 11 - Fake Dating
Episode 12 - Love Triangle
Episode 13 - Grumpy x Sunshine
Episode 14 - Forced Proximity
Episode 15 - Enemies to Lovers
Episode 16 - Fear Is a Liar [1/2]
Episode 16 - Fear Is a Liar [2/2]
Episode 17 - Hugs and Could'ves
Episode 18 - Out of the Blue
Episode 19 - Finding Kann [1/2]
Episode 19 - Finding Kann [2/2]
Episode 20 - What Happened Yesteryear
Epilogue - Social Butterfly Challenge
Author's Message
New Achievement Unlocked!
New Boys' Love Story!

Episode 6 - Worst-case Scenario

1.2K 45 14
By thefakeprotagonist

KANNAGI

Pasado alas-otso na ng gabi nang dinagsa ng mga tao ang Woli (ang pinagtatrabahuan kong restobar). Nakasuot ako ngayon ng crisp white shirt na pinaibabawan ng black vest saka may black bow tie pa, ’tapos pinaresan ng itim na pants. Waitstaff ako rito—part-timer. Kung paano ako nakapasok dito, sa ’kin na ’yon. May sarili akong mga paraan.

Ang sabi ko kaninang umaga kay Tita, may gagawin lang akong project, pero ang totoo ay naghanap talaga ako ng raket para bayaran ’yong utang ko kay Beast Mond at siyempre para na rin sa pangtustos ng eskuwela ko. May kakilala rin akong may-ari ng tindahan ng mga libro na kinausap ko kanina. Nagbabakasakali ako kung puwede akong mag-apply bilang assistant niya. ’Buti na lang at hindi siya nag-atubiling tanggapin ako.

Napagtanto ko na lang na gumagalaw na ang mga labi ko, bumubulong sa sarili: “What would you like to order, ma’am/sir? May I take your order, ma’am/sir?”

Ayos lang kaya ’tong suot ko? Pa’no kung may mali rito? Baka pagtawanan nila ako. Relax, Kann, relax.

Nilapitan ko ang isang binatilyo na sa hinuha ko ay minor de edad din kagaya ko. Patingin-tingin siya sa entablado, may live band kasi, habang may itinatala sa dala niyang maliit na notebook.

Ano’ng trip ng isang ’to?

“Hi”—ininat ko ang mga labi ko—“may I take your order, sir?” sabi ko sabay abot sa kanya ng menu card, nanatiling nakangiti.

Nga lang, naglaho ang ngiti ko dahil iba ang sagot na rumehistro sa ’king pandinig sa inaasahan ko.

“Kilala kita, a,” aniya habang naniningkit ang mga mata at nagkatagpo ang mga kilay.

Kumunot naman ang noo ko ’tsaka napalunok. “H-huh?” ang tangi kong naisambit.

Sa isang kisap-mata’y bigla na lang umaliwalas ang mukha niya at tila ba may bumbilyang lumiwanag sa itaas ng kanyang ulo. ’Tapos, itinuro niya ’ko kaya napalunok ulit ako. “Ikaw nga”—bumungisngis siya—“’yong paiinumin sana ni Beast Mond ng isang pitsel ng alak! The guy in distress. ’Tapos, may sumulpot na knight in shining armor!”

Kung ano-ano na lang ang kinukuda niya. Gusto ko sanang sabihing, O, ’tapos? ’Di ka na o-order? Magkukuwentuhan na lang tayo rito? Pero siyempre, customer pa rin ang isang ’to, ’di puwedeng bastusin. At ’di ko rin naman gustong humakot ng atensyon sa mga nandirito. Kaya minabuti kong pakalmahin ang sarili ko.

Patience, Kann, patience.

“Ako nga pala si Gemini Yvasco Hinolan. Grade 10. You can call me Nayi, or puwede ring Gemini,” pagpapakilala niya sa kanyang sarili sabay lahad ng kanyang kamay. “Ikaw?”

“Ako, ah—ako si Kannagi. Kannagi Lacanlali,” tugon ko pero ’di ako nakipag-shake hands. “Pero teka nga, Grade 10? ’Tapos, alam mo ’yong nangyari sa house party sa mansyon ng mga Gulmatico? Nando’n ka? ’Di ba senior high students lang ang imbitado noon?”

Umangat ang kanto ng kanyang mga labi. “Well”—nagkibit-balikat siya—“I have my ways, Kann,” magarbo niyang pagkasabi.

Umiling-iling ako nang konyatan ng realisasyon: waiter ako at customer siya! Kailangan niya nang um-order kasi marami pang naghihintay sa kabilang table! Masyado na ’kong nagtatagal dito. Baka masisante agad ako ’pag naispatan ako ng manager nitong restobar na nakipagkuwentuhan sa customer.

Pero kung maka-“Kann” siya sa ’kin, parang ilang taon na kaming magkakilala, a? Taragis na ’to!

Hinga, buga. “Ano pong order n’yo, Mr. . . .” Inalala ko ang sinabi niyang pangalan kani-kanina lamang. “. . . Hinolan?”

Bumuntonghininga siya at mukhang naintindihan na niya sa wakas na ’di ako maaaring magtagal sa pakikipag-usap sa kanya. Matapos ang ilang segundong pakikipagtitigan sa menu card ay sinabi na niya sa ’kin ang order niya. Sinulat ko ang kanyang order bago ko siya iniwan.

Teka, isip-isip ko, parang nakita ko nga siya noon. Parang isa siya sa mga sumigaw noon ng, “Bottoms up! Bottoms up!” ’Naknampucha!

• • • • •

“Yay! December na!” sigaw ni Soichi. At dahil masyado siyang nakahakot ng maraming atensyon, in-adjust niya agad ang boses niya. “At isa lang ang ibig sabihin nito: Magbubukas na ang Morlon Night Bazaar sa Morlon St.! I’m sure marami na namang susugod do’n mamayang gabi. Pati na ang mga taga-kabilang bayan.”

Kasama ko ngayong Lunes ng umaga sina Soichi at Aneeza, at kasalukuyan kaming nandito sa cafeteria kasi recess time namin. Napaka-energetic nitong si Soichi sa pagpasok ng December na animo’y nakalunok ng battery na Energizer.

“’Langyang weekends ’yon, naka-time-lapse!”

Napadako ang tingin ko sa isa ko pang kaibigan na si Aneeza. May napansin akong kakaiba sa kanya; naka-hooded jacket kasi siya habang napalinga-linga sa paligid. Para tuloy siyang kriminal na kasalukuyang sinusuri ang buong lugar kung meron bang rumorondang mga pulis. ’Tsaka, nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya na para bang ilang araw siyang walang tulog.

“Magtapat ka nga sa ’min, Aningza,” panimula ko, matiim ang titig na ipinupukol sa kanya. “May nagawan ka bang kasalanan kaya ’di ka mapakali riyan?”

“Oo nga,” pagsang-ayon ni Soichi. “Kanina ka pa mukhang timang diyan. Napapraning ka na ’ata. Bagay na bagay talaga sa ’yo ang palayaw mong ‘Aningza.’” Humalakhak ang kumag pagkatapos niyang sambitin ’yon.

Binalingan niya kami. ’Yong timpla ng mukha niya, parang sumisigaw ng “Tulungan n’yo ’ko, please!” ’Tapos, napatuwid siya sa pagkakaupo. “E, kasi”—lumikot na naman ang mga mata niya—“’yong queen bee kuno na si Prim Libres, at pati na rin ’yong mga alipores niya, target ako ngayon.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Soichi at parang ’di na maipinta ang hitsura. “Uh, not following,” wika niya. At saka: “Ano ba kasing ginawa mo?”

Nagpakawala ako ng hangin sa pamamagitan ng ilong nang mapagtanto ko kung ano ang gusto niyang iparating. Sigurado akong may kinalaman ’to sa nangyari no’ng nakaraang Biyernes ng gabi. “May kinalaman ’to sa nangyari no’ng may pa-house party sa mansyon ng mga Gulmatico, ’no?”

Um-oo si Aneeza gamit ang dalawa niyang kilay.

“’Ayan, inom pa more,” kantiyaw ko.

“Wait, wait. Ano ba kasi ang nangyari, ha?” sumalingkitkit si Soichi. “Isali n’yo naman ako sa usapan n’yo!”

“Ito kasing si Aneeza, no’ng nalasing siya, naglagay siya ng lipstick at pagkatapos ay pasikreto niyang kini-kiss ang mga lalaking naka-puting polo shirts. At base sa sinabi niya kanina, isa ang boyfriend ni Prim sa mga nahalikan niya.”

“I think . . . dasurb? Ha-ha-ha!” Bumunghalit ng tawa si Soichi kaya nahawa na rin ako.

Humaba ang nguso ni Aneeza at nagpang-abot ang perpektong mga kilay. “Soitchy, ’di ka nakatutulong. Want mo mag-substitute kay Barney? Want mo sakalin kita until mag-violet ka?” saad niya kay Soichi. At sa ’kin: “Kannkong, puwede bang maki-sit in sa class n’yo? Kahit today lang, puhlease. Nanganganib ang buhay ko. Baka lumapit si Prim sa Martial Arts Club at suhulan niya ang mga ’yon para jumbagin ako. Worst-case scenario, baka ipaligpit nila ako, huhu.”

“Ba’t ka makiki-sit in sa klase namin?” takang wika ko sa kanya.

“E, kasi, alam kong poprotektahan mo ’ko,” agarang sagot ni Aneeza.

Maya-maya’y napahawak si Soichi sa kanyang dibdib at umastang nasasaktan. “So, ’pag ako, hindi kita kayang protektahan, gano’n ba, Aneeza?”

“Oo, Soichi!” bulalas ni Aneeza habang nakataas ang isang kilay. “Baka nga ipapahamak mo pa ’ko, e. Baka ikaw pa ang magbubukayo sa ’kin.”

Napaigtad kami nang bigla na lang tumayo si Soichi at sinampal ang lamesa, nagtiim-bagang. “Sige, magsama kayo! Bahala kayo riyan!” ’Tapos, tinalikuran niya kami at nag-umpisang maglakad palabas ng cafeteria.

Napatampal na lang si Aneeza sa noo.

“Hoy, Soichi! Teka lang! Tampururot naman nito!” sigaw ko pero ’di na niya kami nilingon. Taragis na ’yon!

Pagkatapos ng recess ay bumalik na ’ko sa room namin. At gaya ng pakiusap ni Aneeza, naki-sit in siya sa klase namin. ’Buti na lang at madaling kausap ang instructor namin sa Oral Communication kasi hindi ito nagdalawang-isip na payagan ang kaibigan ko. Sakto, wala ngayon si Clyvedon. Pero pumasok ’yon kanina, e. Sumbong ko nga ’yon kay Ma’am Gulmatico na nag-cutting classes siya.

• • • • •

Nang sumapit ang hapon, agad akong naglakad papunta sa shop ni Kuya Nastor, ’yong kakilala ko na kinausap ko noong nakaraang Sabado. Nilakad ko na lang kasi malapit lang naman ’yon sa eskuwelahan namin. Si Aneeza? ’Ayun, humiwalay sa ’kin kasi pinatatawag daw siya ng homeroom teacher nila.

Matapos ang ilang minutong lakaran, narating na rin ng mga paa ko ang harapan ng tindahan ng mga libro. Bumungad sa ’kin ang pangalan ng shop na nakapaskil sa itaas mismo ng pinto: WALANG PANGALAN BOOKSTORE.

Ayon kay Kuya Nastor, wala raw siyang maisip na pangalan kaya iyan na lang daw, unique pa. Bookstore ’to kaya siyempre nagbebenta si Kuya Nastor ng mga novel, mapa-fiction man o non-fiction. Meron din namang comic books na karamihan ay slasher-horror ang genre. Bukod doon, nagpaparenta rin siya ng mga libro. Nga lang, dapat dito sa Merryfield nakatira. ’Tapos, may iba pa siyang mga tinda: noodles, kape, tsitsirya, at soft drinks. Maaari din kasing tumambay rito ang mga customer. Kaya habang nagbabasa, puwedeng-puwede silang chumibog o magkape.

At dahil may tililing ako, hinila ko ang pinto ng tindahan kahit nagsasaad naman ito ng “PUSH.” Napalingon-lingon ako sa likuran ko saka napagtantong may nakakita sa ’kin at nagpipigil pang tumawa. Para akong dumukot ng bato at ipinukpok sa sariling ulo. Pilit kong ininat ang mga labi ko bago humarap ulit sa pinto. Sa pagkakataong ito, itinulak ko na ito.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa shop, bumungad sa paningin ko si Kuya Nastor na agad na bumuntonghininga nang masilayan ako. May dala-dala siyang bag at parang nagmamadali. Ramdam ko ang kaba at pagkabahala niya. May emergency ’ata.

“Magandang hapon, Kuya Nastor,” pambungad na wika ko sa kanya, alanganing ngumiti. Pinagdaop ko ang aking mga palad ’tsaka bahagyang yumuko.

Agad niyang pinutol ang distansya sa pagitan namin. “Kann, ikaw na muna ang bahala rito, a,” bilin niya sa ’kin. “’Yong nakababatang kapatid ko kasi, e—basta, may problema sa bahay. Ikaw na ang bahala sa shop, a.”

Sunod-sunod na pagtaas-baba ng ulo ang isinukli ko sa kanya. “Mag-ingat po kayo, Kuya Nastor.”

Pagkalabas ng may-ari nitong shop, karaka-raka kong nilapag sa counter ang bag ko, kung saan naka-display ang samot-saring tindang pagkain. ’Tapos, dali-dali kong binisita ang mga librong nakatambay sa mga bookshelf.

Abot-tainga ang ngiti ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga libro, at manaka-nakang hinawakan gamit ang mga daliri ko. Nang hindi ako makatiis, kumuha pa ’ko ng isa at inamoy-amoy ang loob nito. Wala talagang tatalo sa aroma ng bawat pahinang naglalaman ng hinabing mga salita.

“Buang ka ba? Kulang na lang, kainin mo ang librong ’yan.”

Rumehistro sa pandinig ko ang isang mahabang preno ng sasakyan nang sambitin ’yon ng isang lalaki—base sa tinig nito. Dali-dali kong nilingon ang may-ari ng pamilyar na boses. Pagdapo ng mga mata ko sa mukha niya, doon ko nakumpirmang tama nga ang hinala ko. Si Gemini Hinolan nga! Siya ’yong nakausap ko sa pinagtatrabahuan kong restobar!

Masyado akong tutok sa mga libro. ’Di ko na namalayan na may tao pala rito. Akala ko, wala pang customer.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa habilog na mesang gawa sa kahoy at saka pumangalumbaba habang pinagmamasdan ako. Nakasuot siya ng salamin sa mata, maputi siya, kulot ang kulay-uling niyang buhok, at ’di mapagkailang angat ang hitsura niya.

At dahil sa lumalagong kuryusidad, ’di na ’ko nakapagtiis at binato ko na siya ng mga tanong: “Ba’t kung saan-saan ka na lang sumusulpot? May powers ka ba?”

“Gagi, hindi!” bulalas niya ’tapos humagikhik. “Actually, pumunta ako sa house party, sa Woli, ’tsaka rito sa WPBS para kumuha ng inspirasyon. Ikaw nga, parang pinasukan mo na lahat ng part-time jobs sa bayang ’to, e.”

Ano raw? Inspirasyon? Pinagsasabi nito? “Para saan ang inspirasyon?” ang aktwal kong naitanong.

Sumilay ang malapad na ngiti sa kanyang labi. “Writer kasi ako. Ako si xxtherealvillainxx sa Wattpad,” siwalat niya habang ’di pa rin napapawi ang ngiti. “Follow mo ’ko, ha.”

Halos lumuwa na ang mga mata ko nang rumehistro sa ’king pandinig ang kanyang sinabi. “Ikaw si xxtherealvillainxx?” pag-ulit ko. Nagkukumahog akong lumapit kay Gemini, humila ng isang bakanteng upuan, at pagkatapos ay walang pasintabing tumabi sa kanya. “Ikaw pala ’yon? F-in-ollow na kita! Matagal na! Sa katunayan, binabasa ko ngayon ang ongoing story mo sa—”

Nabitin sa ere ang bibig ko sa gitna ng pagsasalita kasi bigla na lang tumunog ang chime na nakasabit sa itaas ng pinto kaya karaka-raka akong napalingon doon. Dumapo ang mga mata ko kay Cerri na hawak-hawak ang mga tuhod, tagaktak ang butil-butil na pawis, at nagtaas-baba pa ang mga balikat niya na animo’y kagagaling lang sa isang marathon. Mababakas din sa hitsura niya ang pagkabahala.

“Ano’ng nangyari sa ’yo, Cerri?” Naghuhuramentado ang puso ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.

“K-Kann,” aniya, nahihirapang magsalita, tuloy-tuloy ang pagbuga ng hangin, “ang mga kaibigan mo . . . h-hawak sila ng kapatid kong si Prim.”


• • • • •

A/N: Hello, hello! New characters na naman: Kuya Nastor, Prim, and Gemini. Akshwali, come and go character lang talaga si Gemini rito. But, but, but! Abangan n’yo siya sa third installment ng Night Bazaar Series (na medyo matagal pa, haha). Siya ang magiging bida roon. Anw, thanks sm for reading!! (⁠●⁠♡⁠∀⁠♡⁠)

Continue Reading

You'll Also Like

3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
18.5K 622 115
I'amore Dello Scrittore Epistolary Series #5 The writer's twisted words of love.