Hiram na Anino

By abdiel_25

489 45 1

Urban Legends Series | Ang kamatayang naiwasan ay utang na dapat pagbayaran. *** A novel. Maaring ang lahat s... More

Disclaimer
Simula: Hiram na Anino
Kabanata 1: Byahe ng mga Pugot
Kabanata 2: Nasaan si Maureen?
Kabanata 3: Huling Paalam ng Namayapa
Kabanata 4: Sa Bangungot ni Katrina
Kabanata 5: Dilat ang Mata
Kabanata 7: Huling Yakap at Pagkakataon
Kabanata 8: Ang Estrangherong Tsuper
Kabanata 9: Oras na Itinakda
Kabanata 10: Sa Ilalim ng Lamesa
Wakas: Hangganan ng Palugit
Espesyal na Kabanata 1: Pebrero 25, 2019

Kabanata 6: Hindi Imbitadong Panauhin

29 3 0
By abdiel_25

KABANATA 6: HINDI IMBITADONG PANAUHIN






PUMARA AGAD ng taxi si Addy. Nang huminto ang sasakyan sa harapan namin, mabilis kaming sumakay ni Isabella sa likuran, sa unahan sa tabi naman ng driver umupo si Addy.

"Manong pasundan ho 'yong sasakyan ng ambulansya na 'yon," sabi ni Addy sa driver habang inaayos niya ang seatbelt niya. Madali rin niyang tinuro ang ambulansya na umandar na at nauna nang umalis sa lugar habang maingat na iniiwasan ang mga nagkalat na tao sa kalsada.

Tumango lang ang driver bago nito patakbuhin agad ang sasakyan kasunod ng ambulansya. Agad din naming nasundan ang sasakyan kung nasaan ang katawan ni Marcus at si Renald na nag-insist sumama sa ambulansya para may kasama ang kaibigan namin kung sakali mang magising ito—bagay na ipinapanalangin namin ngayon kahit pa alam naman naming suntok sa buwan ang hiling na 'to.

Walang nagsasalita sa aming tatlo kahit pa maya't maya kaming sinisipat ni Addy sa likod. Lahat kami ay hindi mapalagay habang nakatuon ang mga mata namin sa ambulansyang sinusundan ng taxi na sinasakyan namin.

Habang binabagtas ang daan at sinusundan ang nagmamadaling sasakyan sa harapan namin, nag-ring bigla ang cellphone ni Isabella. Agad niyang kinuha mula sa bulsa ang cellphone at tiningnan sa screen nito kung sino ang tumatawag.

"Si Marga," ani Isabella bago siya tumingin sa amin ni Addy. Ni-loud speaker niya rin ang cellphone para marinig namin ang sasabihin ni Marga sa kabilang linya.

"Wala sa mga bahay nila sila Brian. Pare-pareho silang hindi pa mga umuuwi," saad ni Marga. Maririnig mula sa kabilang linya ang mabigat na paghinga ng babae, parang hinihingal. "Nandiyan pa ba kayo sa bayan? Anong oras na ah—teka lang, bagalan mo naman maglakad!" saad ni Marga, mukhang magkasama pa rin sila ni Felipe hanggang ngayon.

"Wala na kami sa bayan. Papunta kami ngayon sa ospital," sagot ni Isabella.

"Ospital?" takang tanong ni Marga.

"Nakita na namin si Marcus. Pero hindi pa namin maipapaliwanag ang lahat sa ngayon. Keep contacting Brian and Harold, baka isa sa kanila ay sumagot," ani Isabella bago tumingin sa akin. "Kasama ko pa si Addy, Tyrese, at Katrina. Babalitaan agad namin kayo kapag malinaw sa amin ang lagay ni Marcus."

Narinig ko pa ang pagtatanong ni Felipe kay Marga tungkol sa nangyari bago tuluyang maputol ang linya. Kasabay naman nito ang siyang pagbagal at unti-unting paghinto ng sinasakyan namin hanggang sa tuluyan na kaming bumaba sa taxi.

Nasa tapat na kami ng ospital.

Mabilis na ibinaba sa ambulansya ang katawan ni Marcus. Kasunod nito si Renald na agad lumapit sa amin bago kami sabay-sabay na sumunod sa stretcher na itinutulak ng mga nurse papunta sa emegency room hanggang sa pigilan na kami ng mga ito dahil nasa harapan na kami mismo ng ER.

Natahimik kaming apat.

"May balita na ba sila Marga kung nasaan si Brian at Harold?" tanong ni Renald nang lingunin niya kami. Gaya namin, bakas sa mukha niya ang pagkabalisa dahil sa bilis ng mga pangyayari.

"Kakatawag lang ni Marga sa amin kanina habang nasa taxi. Wala raw si Brian at Harold sa mga bahay nila, hindi pa raw umuuwi," tugon ni Isabella habang hinihimas-himas ang magkabila niyang braso gamit ang dalawa niyang kamay. Tila nilalamig sa kaba dahil napansin ko rin ang panginginig ng mga daliri niya sa kamay.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang naglalakad-lakad sa aisle sa tapat ng emergency room. Hindi na ako nakapagpigil at naupo na lamang sa hilera ng mga upuan sa gilid ng daan.

Napahawak ako sa ulo ko bago hinilamos sa mukha ang dalawang palad ko.

Naramdaman ko na may tumingin sa akin pero hindi ko 'yon pinansin sa pag-aakalang si Addy lang 'yon o isa sa tatlong kaibigan na kasama ko. Pero nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang sumunod na beses kong maramdaman na tila may mga matang nakatuon ang atensyon sa akin—hindi ko man alam kung saan nanggagaling, ramdam na ramdam ko naman ang bigat ng pukol ng mga tingin nito.

Awtomatikong napaangat ang mga mata ko nang mamataan ko ang isang itim na itim na anino. Dumaan ito mismo sa harapan ko kaya akala ko ay si Isabella ang may-ari nito.

Pero nang sundan ko ang anino, bigla itong lumayo at lumiko sa kabilang pasilyo mula sa kung nasaan kaming magkakaibigan.

Natatakot man ay nanaig ang kuryosidad sa akin kaya walang anu-ano ay tumayo ako at sinundan ang anino.Hindi yata napansin ng tatlo ang paglayo ko mula sa kanila dahil sa malalim nilang pag-uusap tungkol sa pangyayari. Ang huli ko na lang narinig ay ang pagtatanong ni Isabella kung bakit ngayon pa nangyari ang mga ito kung kailan ga-graduate na kami sa senior high.

Lumiko ako sa pasilyo kung saan ko nakitang nagpunta ang anino. Mabilis ko itong nakita nang makaliko ako.

Sinundan ko kung saan ito papunta. Medyo mabilis na rin ang paglalakad ko dahil mabilis na umuusad ang anino. Hindi ko rin alam kung namamalik-mata lang ba ako o dulot ng pagod kaya nakikita ko ang anino na naging dalawa bago ako mabangga ng mga nurse at doktor na tumatakbo papunta sa kung saan ko huling nakita ang dalawang anino.

Nagkaro'n ng komosyon sa lugar. Tila may dalawang pasyente ang nag-aagaw buhay at kinakailangan ng atensyong medikal kaya nagmamadali ang mga nurse at doktor sa pagre-revive sa mga pasyente.

"Katrina! Bakit ka nandito? Akala ko kung saan ka na nagpunta." Narinig ko si Isabella habang papalapit sa kinatatayuan ko. Nang makalapit siya sa tabi ko, napatingin din siya sa komosyon.

Hindi namin makita ang mga pasyente mula sa gawi namin dahil sa kurtinang nakatakip sa mga ito. Ang nakikita lang namin ay ang mga nurse na nag-aassist sa dalawang doktor na nire-revive ang mga pasyente gamit ang automated external defibrillator.

Wala pang isang minuto, dalawang magkasunod na matinis na ingay ang narinig namin sa buong lugar. Natahimik ang lahat ng nakakita at nakarinig sa ingay at komosyon na nilikha no'n.

Kasabay sa paghawi ng kurtina kung nasaan ang dalawang pasyente, ang pagdating ni Addy, Renald, at Tyrese.

"Nag-text sa akin si Felipe. Tinawagan daw sila ng ate ni Brian dahil naka-receive sila ng tawag mula sa mga pulis na dinala rin daw rito si Brian at Harold—"

Nagkatinginan kaming lima bago kami natulala sa dalawa pang bangkay ng mga kaibigan namin. Parehong hindi makilala ang mga mukha dahil sa pasa at galos, at namamagang laman. Nagkulay matingkad na ube at itim ang bandang leeg, dibdib, at braso nila.

Senyales na gaya ni Marcus, maaaring nadaganan at naipit din sila mula sa stampede na nangyari sa concert ngayong araw.

"Tangina, bakit ngayon pa talaga?" sambit ni Isabella bago manghina ang mga tuhod niya at mapaupo sa sahig.






KANSELADO ANG pag-eensayo namin ngayong araw para sa graduation na tatlong araw na lang mula ngayon dahil sa misa na inisyatibo ng paaralan namin. Ito ay para kay Maureen na wala pang isang buwan nang mamayapa, at para kay Brian, Marcus, at Harold na kamakailan lang binawian ng buhay.

Malinaw na ang stampede ang ikinamatay nilang tatlo tulad sa lagpas bente katao pa na binawian din ng buhay noong araw na 'yon dahil sa dagsa ng tao at malakas na buhos ng ulan.

Buong araw—simula nang mamatay si Maureen—binansagan nang malas ang section namin dahil sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga kaibigan namin. Hindi ko rin alam kung anong mapapala ng mga estudyante sa pag-iwas nila sa amin sa paniniwalang baka sumunod sila sa kabilang buhay kapag malapit kami sa kanila.

Gano'n pa man, meron pa ring mga mangilan-ngilang mag-aaral na nagpapaabot ng pakikiramay nila para sa section namin na nawalan ng apat na estudyante bago pa man ang graduation.

Ilan sa mga guro namin ang narinig kong nag-uusap sa faculty kaninang umaga. Pinag-uusapan nila ang kasabihan na lapitin ng disgrasya ang tao lalo na kapag may malaking pagdiriwang na inaasahan. Paniwalang-paniwala sila, kahit pa mga propesyunal, na ang kasabihang ito ang ikinamatay ng mga kaibigan namin at hindi lang nagkataon.

Habang pinag-uusapan nila ang paniniwalang 'yon, sumagi sa isip ko ang gabi kung kailan muntik na kaming mamatay—'yong gabi kung kailan kami nakitang pugot ng tsuper. Pero agad din itong nawala sa utak ko nang hatakin na ako ni Isabella papunta sa gymnasium kung saan nagpupulong ang lahat ng estudyante at guro para sa misa.

Inabot ng halos isang oras ang padasal bago kami nagsibalikan sa mga kaniya-kaniyang silid-aralan namin.

Nagmamadali man dahil sa agos ng mga mag-aaral na bumabalik sa mga classroom, nahagip pa rin ng mata ko ang isang pamilyar na mukha.

"Huy! Baka madapa ka! Kung saan-saan ka nakatingin," sabi sa akin ni Isabella kaya napatingin agad ako sa hinahakbangan ko.

Mabilis ko ulit sinipat ang lalaking nahagip ng mga mata ko pero wala na ito ro'n.






MADILIM NA ang nilalakaran ko at mag-isa lang ako sa daang tinatahak ko pauwi.

May hawak akong plastic sa kaliwa kong kamay na may lamang giniling, patatas, at carrots na lulutuin ni mama para sa hapunan namin. Pagkatapos ay may gummy worms din ako na sakmal-sakmal at inuutik-utik kainin. Sa kaliwang kamay ko namay ay hawak-hawak ko ang cellphone ko na nilagay ko sa tapat ng tainga para marinig si Isabella sa kabilang linya.

"Hello?" bungad na saad ko nang sagutin ko ang tawag niya.

Nanatili akong naglalakad sa gilid ng daan para kung sakali mang may bisikleta o motorsiklo na dumaan sa makipot na eskinita ay hindi ako masagasaan o mahagip. Aliw na aliw ako sa pagnguya ng gummy worms kaya hindi ko alintana kahit pa nakakatakot ang itsura ng ruta na pinili kong tahakin. Ito kasi ang pinakamabilis na daan pauwi sa bahay.

"Lumabas na 'yong resulta sa PLM! Tingnan mo kung nakapasa ka!" sigaw ni Isabella. Nai-imagine ko na tumatalon-talon siya ngayon sa kama niya gaya ng palagi. "Hindi ko pa chinecheck 'yong sa akin dahil gusto ko sabay nating tingnan. Basta 'yong promise natin ha! Kapag hindi pumasa ang isa, hindi natin ipu-pursue 'tong university na 'to."

"Wala pa ako sa bahay kaya maya-maya ko pa mach-check. Pero bibilisan ko na ang paglalakad," sabi ko bago bahagyang naglakad ng mabilis.

"Nasaan ka ba?"

"Bumili ng rekados para sa hapunan," mabilis kong tugon bago isubo ang huling gummy worm na nasa kamao ko. "Sige na, tawagan na lang kita kapag nasa bahay na ako at kapag na-open ko na ang email ko."

"O sige, sige. Ingat pauwi. Bilisan mo ha!"

Ibinaba na ni Isabella ang tawag kaya diniretso ko na sa bulsa ko ang cellphone.

Habang naglalakad, saglit akong napalingon sa likuran ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may kasabay ako kahit wala namang tao sa likuran ko. Mas binilisan ko tuloy ang paglalakad ko lalo pa nang kilabutan ako sa malamig na hanging dumampi sa balat ko.

Kumaripas ako ng takbo nang magulat sa biglang pagsulpot ng itim na pusa galing sa kumpol ng mga basura.

Nang makarating ako sa bahay, kunot-noo ang ipinukol sa akin ni mama pagkaabot ko sa kaniya ng mga ipinabili niya. "Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya bago kuhain sa kamay ko ang plastic.

"Wala. Kakakape ko lang yata 'to," sagot ko bago umakyat at dumiretso sa k'warto ko.

Agad akong umupo sa upuang katapat ng study table ko. Binuksan ko ang lampshade at dinial ang numero ni Isabella habang ino-open ko ang laptop ko.

"Nakauwi na ako. Nasa harapan na ako ng laptop," sabi ko nang sagutin ni Isabella ang tawag.

"Okay, okay! Sabihin mo sa akin kung okay na ha? Para sabay nating makita 'yong result," pagbibilin niya pa. Tumango-tango lang ako kahit hindi naman niya nakikita habang hinihintay na mag-load ang email ko. May ilang unread messages pero hindi ko pinansin ang mga 'yon dahil wala naman ro'n ang pakay ko.

Nang mag-load na ang email ko at makita ko na ang hinahanap ko, saglit kong tiningnan ang screen ng cellphone ko para siguraduhing hindi pa naibababa ang tawag.

"Game ka na?" tanong ko.

"Mmm! G na!"

"Okay. One, two, three!" Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko tuluyang buksan ang pinaka-recent na email sa akin mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Kasunod nito ang concentrated na pagbabasa sa laman ng mensahe.

Sakto nang matapos ko ang pagbabasa sa buong email ang pagtili ni Isabella sa kabilang linya.

"Please tell me na pasado ka rin!" sigaw niya bago magtitili. Ngayon siguradong-sigurado ako na talon siya nang talon sa bawat sulok ng k'warto niya.

"Makakapag-college na tayo! May university na tayo!" Sinabayan ko ang pagtili niya bago tumalon-talon sa higaan. Binalot ko ang sarili ko sa kumot pagkatapos ay hinagis ang mga unan ko sa iba't ibang sulok ng k'warto sa sobrang saya. "Akala ko tambay for life na tayo!" mangiyak-ngiyak kong saad bago tumakbo pababa sa salas kung nasaan ang mga magulang ko.

"Hanggang college magkasama pa rin tayo—!"

Kusang naputol ang tawag o baka napatay ito ni Isabella nang hindi sinasadya dahil sa walang pagsidlan na tuwa.

"Nakapasa ako sa PLM! Mag-aaral ako sa PLM!" masayang balita ko sa mga magulang ko pagkababa ko.






"NASAAN NA sila Marga at Artemis? Magsisimula na 'yong event wala pa rin sila rito," puna ni Jhoanna habang patuloy sa pag-contact sa dalawang kaibigan.

"Baka naman na-traffic lang?" sabi ni Tyrese.

Hindi na sumagot pa si Jhoanna. Ibinaba na lang nito ang cellphone niya at sumama sa amin sa pagkuha ng litrato habang hinihintay ang mga kaibigan namin at ang pagsisimula ng graduation.

Alas cuatro na ng hapon. Kung tutuusin, dapat kanina pa nagsimula ang event pero mukhang may technical difficulties kaya hindi pa rin kami pinapapasok sa auditorium. Ang lagay tuloy ngayon, init na init kaming lahat dito sa labas kaya todo paypay kami at ang mga magulang ng mga kapwa namin estudyante para maibsan ang init at pawis.

"Sakto lang pala tayo!" Napalingon kami sa dalawang babaeng nagmamadali kasama ang mga magulang nila na nakasunod sa kanila. Dumiretso ang mga ito sa pila.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Jhoanna kay Marga at Artemis na kararating lang.

"Ito kasing si Artemis nagyaya pa mag-iced coffee. Ayan tuloy hindi namin namalayan ang oras," sagot ni Marga bago niya hawiin ang buhok niya. "Ang init naman," reklamo pa nito bago paypayan ang sarili gamit ang dalawa niyang kamay.

"Picture tayo." Bigla akong hinatak ni Isabella. Ngumiti na lang ako dahil mabilis din niyang kinuha ang litrato naming dalawa. Ni hindi ko na nga nakita kung maayos ba ang itsura ko ro'n dahil agad na niyang tinabi sa bulsa ang cellphone nang magsimula na kaming magmartsa papasok sa auditorium.

Kasabay ko si papa sa pagmamartsa samantalang nasa photographer naman namin si mama. Kuha lang siya nang kuha ng litrato habang naglalakad kami hanggang sa magkahiwalay na kami sa loob ng auditorium dahil magkaiba ang upuan ng mga student at parents.

May halos kalahating minuto rin bago pormal na nagsimula ang event sa isang dasal at pagkanta ng national anthem. Pagkatapos nito ay opening remarks ng presidente ng unibersidad.

Gaya ng palaging kasama sa talumpati, binati nito ang lahat ng mga mag-aaral na magsisipagtapos ngayong araw a ipinakilala niya rin ang mga kasama niyang faculty and directors. Pinasalamatan din niya ang mga magulang at guardians na dumalo ngayong araw bago mag-deliver ng speech si Anthony bilang first honorable mention. Pagkatapos ay tuluyan nang nagsimula ang pagbibigay ng parangal at katibayan ng pagtatapos sa bawat estudyante.

Todo bigay kami sa pagpalakpak sa tuwing may tatawagin sa mga kaklase at kaibigan namin. Lalo pa nang matawag si Anthony at Tyrese na first honorable mention at batch salutatorian.

Nang tawagin ang pangalan ko, tumayo ako at hinintay sa aisle ang papa ko para sabay kaming umakyat sa stage. Nakahanda na rin ang cellphone ni mama at naghihintay siya sa harap lang din mismo ng stage para mas mabilis niya kaming makuhaan ng picture.

Matapos sabitan ng medalya, makuha ang sertipiko, at makipagkamay sa mga nasa stage, bumaba na kami. Bumalik ako sa upuan ko at gayon din ang ama ko.

"P'wede ko ba hiramin 'yan? Balik ko rin next week," pagbibiro ni Marga kaya natawa kami. "Damot! Buti nga hinihiram ko lang, hindi ko hinihingi."

Nagtawanan pa kami at nagbiruan habang pumapalakpak sa mga natitirang mga kaklase namin na tinatawag para tanggapin ang sertipiko nila. Nasa isang oras din ang inabot bago lahat ng mag-aaral ay mabigyan ng pagkilala hanggang sa tawagin ako para sa aking valedictorian speech pagkatapos ni Tyrese sa kaniyang salutatorian speech.

"Good evening to all faculty and staff, professors and non-teaching personnels who are with us tonight, to our beloved university president and directors, parents and guardians, and to my fellow students who will mark the end of a journey and beginning of a new quest today," panimula ko matapos ang palakpakan nang tawagin ako.

"This academic year is the same as my previous years in education: challenging yet fun, struggling yet constantly trying, but most importantly, fulfilling. However, unlike the previous recognitions we had, today we are commemorating our schoolmates, classmates, and friends who have not reached this point—wearing their toga, receiving their certificate of completion, and taking their pictures of this memorable day," ani ko habang pinapanatili ang mga tingin ko sa lahat ng tao sa loob ng auditorium.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Despite this saddening news, just like what we are supposed to do, we must carry on. Wala naman talagang tiyak sa mundo hindi ba? All we have is this moment, and the assurance that we'll still be breathing tomorrow is upon the decision of the Almighty and no one else. So whatever comes in the path, may it be an opportunity or an obstacle, we must breakthrough and push through—we must conquer, and be the better version of ourselves, always."

May napansin akong hulma ng tao na naglalakad palayo sa gilid ng stage. Tila paalis na.

Hindi ko alam kung bakit napunta ang atensyon ko sa kaniya pero marahil dahil siya lang ang may malalaking galaw sa lahat ng audience kaya madali siyang makikita sa crowd.

May kadaliman man, pero naaninagan ko ang mukha niya nang saglit siyang lumingon sa stage—sa akin!

Nandito rin siya noong misa para sa mga namayapa naming kaibigan.

"You did great this year, to come up on this stage and bring home these awards, these certificates as proof of your hard work. And I know, you will always do well. As we should! Congratulations to my fellow students for a remarkable year we've accomplished! We're about to set foot in college but fret not! We will slay!" huli kong saad bago ko marinig ang palakpakan ng lahat.

Habang bumababa sa stage, isa lang ang nasa isip ko.

Bakit nandito 'yong tsuper ng jeep?

Continue Reading

You'll Also Like

4K 120 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
213K 6.3K 25
Mainitin ang ulo ko pero hindi ko naisipang maging ranter. Imbes na manlait ako, tutulong na lang ako sa mga nangangailangan ng improvement sa kanila...
197K 6.4K 35
Fright Night. Tuwing huling Biyernes ng buwan, bago sumapit ang hating gabi ay nagkikita-kita ang magbabarkadang sina Ryan, Ed, Cez, Kai at Joy sa li...
4.5M 131K 45
Kingdom University Series, Book #3 || Campus Prince siya, ako nganga. So paano na?