Play Pretend

By nininininaaa

2M 85.3K 18.7K

[OFFICE LOVE AFFAIRS #1] As his personal secretary, Chantal's next task is to marry the president. *** Not ge... More

Play Pretend
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 36

32.7K 1.1K 216
By nininininaaa

#OLAPlayPretend

Chapter 36
Email

One week had passed since the first day. I had finally adjusted to working. Mabilis kong nagagawa at natatapos ang mga naka-assign sa aking tasks. Mas nakikisama na rin sa akin ang mga katrabaho when they realized I was harmless.

They found me intimidating at first. No one knew how to act around me. Inamin nila 'yon sa akin. Hindi ko naman sila masisisi dahil alam nilang lahat na asawa ako ng kataas-taasan. Kung ako man ang nasa posisyon nila, I would also feel that way.

I had to thank Cess for being the bridge that connected me to our other colleagues. She showed them how easy it was to befriend me. Na hindi nila kailangang layuan ako. Na kaya ko ring makisama sa kanila. I was also once an ordinary employee like them before marrying my CEO.

"Saan tayo kakain ng lunch mamaya?" tanong ni Geneva, ang nakaupo sa harapan namin ni Cess.

Laging nasa isip niya ang pagkain. Madalas kahit kakapasok pa lang, nagtatanong na siya kung saan kakain o ano ang gustong kainin. Madami rin siyang nakatagong snacks sa pinakailalim na drawer ng table niya. She liked sharing them with us.

Naging kasabay na namin siya ni Cess sa pagkain. Sometimes, the other staff would also join, pero madalas may kanya-kanya talagang grupo.

"May bagong bukas na Japanese restau malapit sa unang stop light! Subukan natin! Malapit lang naman!" aya niya sa amin. You could really see her enthusiasm when it came to trying new foods.

"Puwede naman..." sabi ni Cess saka ako nilingon. "Gusto mo ba?"

I smiled and nodded. "Okay lang din basta hindi tayo mala-late pagbalik."

With that, we finally decided to eat our lunch at the newly opened restaurant. Mabilis naming tinapos ang ginagawang trabaho para maagang makaalis para sa lunch. Patapos na ako nang nag-notify sa akin ang company email ko dahil sa natanggap na mensahe.

To: chantalbdelavega@dvh.com
Subject: Invitation for a Lunch Meeting

Dear Mrs. Dela Vega,

Greetings!

It is with great pleasure that I inform you that I will be available from lunch until two in the afternoon. In line with this, I would like to invite you for a lunch date at any restaurant of your choice. We can also go for a quick stroll if we have more time to spare.

I look forward to your quick and favorable response.

Regards,

Xaiver Vincent Dela Vega, MBA
Chief Executive Officer
Dela Vega Holdings

Hindi ko napigilan ang kumawalang tawa sa akin. Huli na nang takpan ko ang aking bibig. Napatingin naman si Cess na siyang nakarinig sa akin. Her eyes slightly narrowed as she turned to me.

"Okay ka lang?" tanong niya.

I sheepishly smiled and nodded. She immediately bought my answer and mind her own business. Binalik ko ang atensyon sa imbitasyon ni Xaiver. Instead of replying through email, I chose to send him a text message.

To: Xavi
Sorry, Mr. Dela Vega, I have to turn down your invitation. Nagkasundo na kami nina Cess at Geneva na kumain sa bagong bukas na Japanese restaurant.

Kagat-kagat ko ang aking labi at pumangalumbaba nang pinadala ang mensahe. I could only imagine his reaction while reading it. At gaya ng in-expect ko, mabilis nga ang naging pag-reply sa akin ni Xaiver.

From: Xavi
No chance of canceling your plans with them?

Napabuntonghininga ako. Ang sarap pagbigyan, pero talagang nakapagbitiw na ako ng salita. Babawi na lang ako siguro ulit mamayang gabi. I'm gonna cook his favorite at sana ay makakain na kami nang walang aberya.

To: Xavi
I can't. Mamayang gabi na lang. I'll cook for us.

From: Xavi
Where?

To: Xavi
Sa bahay natin.

From: Xavi
Yeah I know

At agad niya 'yong sinundan.

From: Xavi
Sa dining o sa kwarto natin?

Nanlaki ang mata ko saka sinulyapan si Cess dahil baka mamaya ay nababasa niya ang nakaka-eskandalong sinasabi ni Xaiver. I felt relieved when she was still minding her own business. Itinago ko ang cellphone ko at ginamit ang harang sa cubicle habang nagtitipa ng reply.

To: Xavi
Magtigil ka nga!

I could feel heat rushing to my cheeks. Ibinaba ko muna ang cellphone. Kakasabi ko lang na hindi sana maantala ang pagkain namin ng dinner, which always seemed to happen.

A few minutes later, umalis na kaming tatlo para pumunta sa nasabing restaurant ni Geneva. It was a fast food Japanese restaurant na affordable pa rin kahit papaano. Mabuti na lang din dahil hindi pa naman ako sumasahod para kumain sa mga mamahalin. Next week pa at ayaw kong gamitin ang pera ng asawa ko.

"Ano sa 'yo?" tanong ni Geneva dahil siya ang nagpresintang pumila at umorder para sa aming tatlo.

"Chicken teriyaki bowl na lang ako," sagot ko.

"Tonkotsu ramen," si Cess.

"Okay. Ano drinks ninyo?"

"Red iced tea."

"Gano'n na lang din sa akin."

"Okay, ulitin ko ah!" Umupo nang maayos si Geneva. "Chicken teriyaki bowl, red iced tea tapos ikaw, Cess, tonkotsu ramen..."

Unti-unting humina ang boses ni Geneva habang inuulit ang orders namin ni Cess hanggang sa tuluyan na siyang tumigil. Her eyes were fixed behind me and Cess. She was suddenly on her proper behavior, which was very unusual during lunch.

Lilingunin ko pa lang kung sino ang nakapukaw ng kanyang atensyon, but I suddenly felt a strong aura on our side. My head snapped to the left, and my eyes went wide open to see my husband.

"Xavi!" Hindi ko napigilan ang gulat. Muntik na akong mapatayo.

Xaiver just smiled at me before looking at Cess. "Can I sit beside my wife?"

Nanuyo ang lalamunan ko. Noon ko lang nakita si Cess na punong-puno na emosyon ang mukha. Naghahalo ang takot, kaba, at pagkamangha roon. Geneva was worse, though. Kung titingnan mo siya ay parang hindi na humihinga dahil sa presensya ni Xaiver.

"Y-yes, Sir!" nagmamadaling sabi ni Cess.

Umalis siya sa tabi ko at lumipat kay Geneva. Xaiver shamelessly sat beside me and looked over the menu. He knew his effect on his employees, and he was using it to his advantage. Siya lang ang ata ang kumportable sa ayos namin.

"I guess I'll have oyakodon," he said, then turned to me. "What's yours? I'll order for us."

"Chicken teriyaki bowl..." sagot ko sa isang mahinang boses.

"Red iced tea?"

Tumango na lang ako.

"Got it," he replied curtly. Suno niyang sinuyod ng tingin ang dalawang kasamahan ko na halos manginig na sa kaba. "How about you two?"

"Uhm..."

Nagkatinginan sina Cess at Geneva. Walang gustong may magsalita sa kanilang dalawa.

"A-ako na lang po ang mag-order, Mr. Dela Vega," sabi ni Geneva at agad tumayo.

"Samahan na kita, Gen," habol ni Cess.

They both looked like they wanted to get away from Xaiver as soon as possible. Hindi ko maiwasan ang maawa sa dalawang kaibigan na aligagang-aligaga dahil kay Xaiver.

"Here's my card." Mabilis na inabot ni Xaiver ang isa sa kanyang credit card kay Cess.

Nanginginig naman ang kamay ng aking kaibigan na tinanggap 'yon. And when they got a hold of his card, nagkukumahog silang umalis papunta sa counter.

I sighed heavily, then turned to Xaiver once we were alone. Masama ang tingin ko sa kanya, while he stared back at me, looking innocent.

Nagtaas siya ng kilay. "What?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin pupunta ka rito?" tanong ko.

"Because I wanted to surprise you," he simply answered, leaning forward to move his face closer to mine. "Were you surprised?"

Marahan ko siyang tinulak. I couldn't let him take control of me.

"Tinatakot mo ang mga kaibigan ko," sabi ko.

"I didn't do anything," he said in defense.

"CEO ka sa kompanyang pinagtatrabahuhan nila. Just your mere presence can scare them. Sana nagsabi ka muna para nabigyan ko sila ng heads up."

"Okay, okay..." Xaiver sighed, finally admitting his fault. "I'm sorry. I just want to eat lunch with you. We haven't done that since we went back to work, except on weekends."

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Now how can I stay mad at him when his reasons make my heart flutter?

"Okay..." Napabuntonghininga na rin ako, pinipigilan ang sarili na mangiti at kiligin sa sinabi niya. "Basta 'wag mo silang takutin. Don't act like their boss."

"That's easy," he confidently said, wrapping his arm around my shoulders and pulling me closer. "By the way, I'm with Joseph."

Nanlaki ang mga mata ko. Nilingon ko siya at hindi ko maintindihan ang ekspresyon. Sinubukan kong hanapin si Joseph at nang nakita kong nakaupo siya mag-isa sa mga bakanteng lamesa, Xaiver blocked my view with his body.

"Don't look at him." Siya naman ngayon ang masama ang tingin sa akin. "Sinama ko lang siya dahil diretso na kami sa next client pagkatapos kumain."

"Kawawa naman si Joseph. Mag-isa lang siya roon sa table!" sabi ko at akmang tatayo nang hilahin ni Xaiver ang palapulsuhan ko pababa.

"He can take care of himself. Ayos na siya ro'n."

"Xavi," pagbabanta ko.

Xaiver didn't move or talk. Nagtitigan lamang kami at halos isang minuto ring nanatili na ganoon. Hinihintay naming dalawa kung sino ang unang susuko. And as expected, hindi nagtagal ay labag sa loob na umiwas ng tingin si Xaiver saka nilingon si Joseph.

My friend looked so lonely at his table. Nagtaas ng kamay si Xaiver na agad pumukaw sa kanyang pansin. Alert for Xaiver's orders, agad tumayo si Joseph para lumapit. He avoided recognizing my presence. Pigil na pigil siyang tumingin sa akin.

"Yes, Sir?" agap niyang tanong.

"Dine with us," masungit na utos niya kay Joseph. His tone didn't sound inviting.

Sinulyapan ako ni Joseph bago mabilis na umiling kay Xaiver. "Huwag na, Sir. I can manage."

"No. Sit here. My wife wants to eat with you," kalmado ngunit madiing sabi ni Xaiver.

Nanlaki ang mga mata ni Joseph. Kung wala si Xaiver, sigurado akong baka namura at napagtaasan niya na ako ng boses.

"Uh... O-okay, Sir."

Papaupo na si Joseph nang biglang itinaas ni Xaiver ang kanyang kamay. Agad na huminto si Joseph.

"Help her friends order our food first. Umorder ka na rin ng sa 'yo," utos ni Xaiver.

"Yes, Sir!"

Nagkukumahog na umalis si Joseph para sumunod sa mga kaibigan ko na nakapila sa counter. Nang maiwan kaming dalawa ni Xaiver ay pinalo ko siya sa braso.

"Huwag mo masyadong takutin si Joseph," sabi ko, although I was also guilty of teasing him. Ibang klase na kapag si Xaiver ang gumawa no'n. Baka matuluyan ang pagre-resign ni Joseph.

Nagkibit-balikat siya. "I didn't do anything," ulit niya sa naging depensa kanina. "I even helped him get introduced to your colleagues. He can turn his attention to them instead of bothering you."

"Xavi, I already told you he's gay."

"May mga kagaya niyang gusto pa ring magpakasal sa babae at magkapamilya balang araw. I know a few friends," he reasoned out.

I just shook my head and stopped calling him out. I'm not sure if he's really dense about his effect on other people, or if he just pretends to play innocent.

"By the way, we can go home together. Maaga matatapos ang last meeting ko," pag-iba niya ng topic.

Umayos ako ng upo saka hinarap siya. "Hindi ka na gagabihin?"

He smiled and intertwined our hands. "Let's do our groceries before going home, or do you wanna go shopping?"

Ito na naman siya sa kagustuhang gumasta nang malaki para sa akin. He would always insist that I go shopping for new clothes or items at home that we didn't need.

"Wala tayong pera, 'di ba?" lagi kong sinasabi tuwing gusto niyang gumastos.

"I'm earning now," mayabang niyang sabi. "Seven figures a month. We will never go poor, baby."

Muntik na akong maubo sa banat niya. He sounded so smug. Hindi na niya sinubukan pang itago. Mukhang pagod na siya kakapanggap na walang pera. Wala na rin siyang maisip na idadahilan.

The poor Xaiver era is now gone.

"Uhm, Sir..."

Habang nalilibang kami sa sarili naming mundo ni Xaiver, nakabalik na sina Cess, Geneva, at Joseph. Dala-dala na nila ang drinks, pati ang number.

"Here's your card po." Medyo nanginginig pa rin ang kamay ni Cess nang inabot pabalik ang credit card ni Joseph.

"Thanks," he simply said and took his card.

I eyed my friends, asking them to sit down. Nag-aalangan naman silang bumalik sa kani-kanilang upuan. Si Cess ang nakaupo sa harapan ni Xaiver at hindi niya malaman kung saan siya titingin. For them, it seemed like it was forbidden to share a meal with him or to even stare at him.

"Uhm, nga pala, Cess, Geneva..." Inilapag ko ang aking kamay sa hita ni Xaiver nang tawagin ko ang atensyon ng dalawa. "Asawa ko nga pala, Xaiver," pakilala ko saka nilingon si Xaiver. "Sila 'yung mga kaibigan kong lagi kong kinukwento sa 'yo."

"It's nice meeting you both." Pormal na inilahad ni Xaiver ang kanyang kamay sa dalawa.

Isa-isa naman 'yong tinanggap nina Cess at Geneva. They looked so thrilled and amused that our company's CEO was directly interacting with them like an ordinary person.

"This is Joseph, my secretary," pakilala niya rin kay Joseph. I knew he had ulterior motives for doing that.

Simpleng tumango rin si Joseph at ngumiti sa dalawa. Pare-pareho silang hindi na nakuhang magsalita dahil mukhang takot na magkamali habang kasama si Xaiver.

Buong pagkain ng lunch, si Xaiver lang ang kumportableng gumagalaw. Sanay na ako kay Cess na tahimik at kay Joseph na laging seryoso kapag nandyan si Xaiver, but Geneva was unusually quiet. Hindi siya makapag-react sa kinakain.

"Dito na kayo sumakay. Ihahatid ko kayo pabalik sa DVH," aya ni Xaiver nang makarating kami sa kanyang sasakyan.

Hawak-hawak niya ang kamay ko nang lumabas kami ng restaurant. Ilang beses kong nahuli na patingin-tingin sina Cess at Geneva sa magkahawak naming kamay. Hindi mawala ang pagkamangha sa kanilang mga mukha. Parang ngayon lang sila nakakita ng mag-asawang magka-holding hands.

"Akala ko may meeting pa kayong pupuntahan ni Joseph?" tanong ko.

"We still have time," he said, then turned to Joseph. "Open the door for her colleagues. Ako na muna ang magmamaneho."

"Yes, Sir."

Agad na sinunod ni Joseph ang utos ni Xaiver. He opened the door for Cess and Geneva. Ngiting-ngiti si Geneva na nagpasalamat kay Joseph saka pumasok sa SUV. Dahil may space pa naman ay sumakay na rin siya sa back seat kasama ang dalawa.

"Let's go." Hinigpitan ni Xaiver ang hawak sa kamay ko saka ako dinala sa front passenger's seat. He opened the door for me and didn't let go of my hand until I was settled inside.

Pagkasakay ni Xaiver sa driver's seat ay inabot niya muli ang kamay ko. I heard Geneva's soft sigh of adoration. Medyo nag-init ang pisngi ko sa hiya.

Xaiver didn't seem to mind showing public affection. Hanggang sa pagbalik sa DVH, hawak niya pa rin ang kamay ko at hindi pa nakuntento. Bumaba siya ng SUV upang pagbuksan ako ng pintuan. He planted a soft and quick kiss on my lips before we parted.

Hindi nakatakas ang mahinang pagtili ni Geneva. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Mabuti na lang at agad ding umalis sina Joseph at Xaiver. Pinalitan ako ni Xaiver sa passenger seat habang si Joseph ang nagmaneho. Kaming tatlo naman ay pumasok na sa gusali para bumalik sa trabaho.

"Grabe! Sobrang guwapo pala talaga ni Mr. Dela Vega sa malapitan 'Di ko kinaya! 'Di ko siya matingnan!" Hindi na napigilan ni Geneva ang sarili nang kaming tatlo lang sa elevator. "Naging secretary ka niya, 'di ba? Paano mo kinaya? Baka mahimatay ako lagi kapag tinititigan niya!"

I chuckled at her exaggeration. I was also starstruck by his looks when I first met him. Pero siguro nga ay dahil lagi ko siyang nakikita bilang sekretarya niya noon, I quickly got over it. Although, sometimes, I couldn't deny that he could still catch me off guard when he was dressed for formal events. Iba ang aura sa mga araw at gabing 'yon kahit na naka-suit and tie lang din siya.

"Geneva!" suway sa kanya ni Cess na hindi kinakaya ang mga sinasabi ng kaibigan.

"Nagsasabi lang ako ng totoo!" giit ni Geneva. "Pati 'yung secretary niya, ang guwapo rin! Kinilig ako kanina nung pinagbuksan niya tayo ng pintuan!"

Ngumuso ako upang pigilan ang pagtawa. It seems like Xaiver's plans have succeeded. Mukhang may nabihag talaga ang kawawang Joseph.

"May girlfriend na ba 'yon, Chan? O baka may asawa na rin?" Geneva sounded so interested that I couldn't help but feel for her.

"Hindi ko alam, pero wala ata," sagot ko na lang.

I don't know if Joseph will be comfortable with me telling people he's gay. Sinabi ko man kay Xaiver, pero ibang usapan na 'yon. Kaya naman hindi basta puwedeng sabihin kina Cess at Geneva. Ayaw ko siyang pangunahan. All I could do was answer vaguely.

"Talaga?" Hindi ko sigurado kung dahil ba sa ilaw o talagang nagningning ang mga mata ni Geneva. "Tingin mo bagay kami? Ano kayang type niya?"

Type niya? Lalaki.

"Geneva, magtigil ka nga!" Hindi na kinaya ni Cess.

Hilaw na lang akong ngumiti. This is all Xaiver's fault!

Geneva stopped asking questions about Joseph when we got back to the office. Nagpatuloy kami sa trabaho na parang walang nangyari. Nang mag-uwian na, umakyat ako sa opisina ni Xaiver. The receptionist immediately allowed me inside. Nanginginig pa. She offered me drinks and desserts while I waited for my husband to arrive.

Pabalik na sina Xaiver at Joseph mula sa mga meetings nila sa labas. He told me to wait for a while dahil malapit na rin sila. Like what he told me earlier, dadaan kami sa Landers para mag-grocery. I'd rather buy stocks for our pantry instead of buying clothes, bags, or shoes like he wanted me to do.

"Salamat, Mary." Ngiti ko sa receptionist na umasikaso sa akin.

"No problem, Mrs. Dela Vega," she replied courtly.

I nodded my head and smiled shyly.

Iba pa rin sa pakiramdam ang tawagin bilang Mrs. Dela Vega. It felt so surreal. Ang sarap pakinggan. It's like an assurance that I'm really Xaiver's wife.

Nangingiti akong uminom sa juice na sinerve sa akin ng receptionist. Napatingin ako sa kanyang lamesa. There was a pile of files lying on his huge table. Tatayo sana ako upang tingnan 'yon nang tumunog ang cellphone.

Binaba ko ang tingin doon. It was from an unknown number. Pinulot ko ang cellphone upang basahin ang mensahe at unti-unting naglaho ang ngiti ko nang makita kung kanino 'yon galing.

From: Unknown Number
Hi, Chantal. This is Macy. I got your number from Hari, I hope you don't mind.

My lips parted slightly. We had not seen each other since the wedding. Wala rin akong narinig tungkol sa kanya. I almost completely forgot about her existence until that moment. I forgot about my insecurities as Xaiver kept me busy keeping up with all the love and assurance he gave me.

Kaya sa hindi inaasahang mensahe na natanggap ko mula kay Macy, hindi ko sigurado kung ano ang dapat maramdaman lalo na nang sinundan niya pa 'yon ng panibagong mensahe.

From: Macy
Can we meet?

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 105K 56
The S #3 She was the most innocent and purest Serrano... until she wasn't. Alister Santiesteban is the name that Hyon wrote in the back of her notebo...
2.2M 38.2K 72
Alyx owns a pair of eyes that can see things not normally seen by other mortals, and this has doomed her to live the life of a loner. But what if thi...
3.3M 85.9K 63
Sa isang pagwawakas, hindi maaaring walang masasaktan. Isa man sa inyo, o kayong dalawa pareho. Sa bawat mga hakbang palayo, ay ang unti-unting pagka...
4.4M 110K 43
Cliché? Yun yung good girl meets her prince charming, they both fall in love, the antagonist comes along, here comes the up rise, problem solved then...