Vanilla Sky (Lesbian Love Sto...

By dark19

32.2K 3.4K 657

(CallenxDaphne's love story) Lesbian love Story More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
19
20
21
22
23
24
25

18

682 102 11
By dark19

Daphne's POV

Sabado ngayon ng umaga at wala akong pasok pero sina Mama at Kuya ay meron kaya heto ako yung nag aayos ng umagahan ni Roi. Wala daw syang pasok pero kakasabi lang ng Mommy nya sakin kahapon na may meeting silang dadaluhan ngayon sa Cebu. Napakatigas ng ulo.

Nakatitig sya sa basong nilapag ko at parang naninibago sya sa nakikita nya.

"Taho ang tawag dyan..." sabi ko at pinaglagyan ko sya ng fried rice sa plato nya.

"Ito pala yung kinukwento ni Ishan sakin nung nag date sila ni Ully sa Baguio...." kwento nya. Lihim ako napangiti. Napakainosente nya talaga sa mga ganito.

Kinuha ko yung baso ng taho at kumutsara ako bago ko nilapit sa bibig nya.

"Tikman mo dali..." nakangiting saad ko at walang alinlangan nya itong sinubo. Napataas ang isang kilay nya at halatang nasarapan sya sa natikman nya.

"Akala ko OA lang yung kwento ni Ishan regarding dito." saad nya at nagpasubo pa sya ulit.

"Napakabisyo...." kunwaring reklamo ko at napatawa sya.

"Gusto mo matutong magdrive? Turuan kita" tanong nya.

"Ayaw..." sabi ko.

"Bakit naman? Para palitan tayo kapag naglong drive tayo... Lugi ako kapag ako lang driver..." saad nya bago inubos yung taho. Talagang sya lang yung umubos.

"Baka maibangga ko yung kotse mo..."pagdadahilan ko. " Saka ayos ka tatlong buwan palang tayo ganyan ka na.... Sa mga nababasa ko grabe nila pagsilbihan yung mga jowa nila pero ikaw tingnan mo kakasabi ko lang kanina hati tayo sa taho pero ano ginawa mo? " reklamo ko. Napakahayop at scammer!

Natawa sya.

" Sa libro lang yun.... Saka partner tayo, kaya dapat sa lahat ng bagay magkasama at iisa ang paghihirap at saya natin.... " saad nya. Napakatalino talaga!

" Gago ka! Napakadami mo pangako sakin nung sinagot kita, na pagsisilbihan kita.... charot charot lang pala! Scammer! Target mo lang na gawin na personal driver mo." reklamo ko at tawang tawa sya habang minamasahe na yung isang kamay ko.

"Wag kang pacute di mo pa din ako madadaan sa ganyan...magdadrive ka pa din...." di talaga sya natitinag sa reklamo ko.

.....

Ang ending?

Nandito kami sa loob ng Santillan Residency.... tinuturuan nya ko magdrive. Ninerbyos ako baka mamaya
makabangga ako ng mga gate dito. Halatang mas mahal pa ito sa tinitirhan namin ngayon.

"Roi! Ayoko na talaga....baka mamaya maibangga ko itong kotse mo." reklamo ko.

"Okey lang yan ano ka ba...." kalmadong saad nya na syang kinahilo ko.

"Anong okey? Mahal pa sa bahay namin yang gate ng mga bahay dito..." reklamo ko pero natatawa lang sya.

Sinenyasan nya ko na iparada ko sa gilid yung sasakyan kaya dahan dahan ko itong pinaandar.

"Para tayong hinihila ng pagong...." natatawang saad nya.

"Wala akong pake!" kesa maibangga ko ito. Nakakahiya.

Pagkababa nya ay pumunta sya sa gawi ko at pinagbuksan ako. Promise sobrang tense ko dahil sports car nya 'to jusko. Kahit abutin ako ng 60years sa trabaho hindi ko mababayaran ito kapag nasira ko.

"Magbiyahe na lang tayo... madami naman bus sa Pilipinas." sabi ko na lalo nya kinatawa.

"Napaka abnormal mag isip. Mahirap yun." sabi nya ng makababa ako.

"Mas abnormal ka sa totoo lang... bakit kita sinagot na scammer ka." simangot ko.

Napaigtad pa kami pareho ng may bumusinang sasakyan at pumarada sa harap namin. Napaakbay sakin si Roi at nakataas ang kilay nyang nakatingin doon sa may sasakyan sa harap namin.

Nung nagbaba yung bintana sa gawi namin ay nahiya ako dahil si Ma'am Maddy iyon na nakatingiti sa akin at binati nya ko kaya bumati ako pabalik... may karga itong batang lalake na ang gwapo pero napaiwas ako ng tingin dahil nakatingin sakin yung bata. Hindi ako sanay na tinitingnan ng bata.

"Tara sa bahay..." singit ni Sir Yuji mula doon sa may driver's seat.

Napabuntong hininga si Roi at sumang ayon.

Nagpatiuna silang umandar na.

Pinagbuksan ako ni Roi ang pintuan ng sasakyan nya sa parte ng passenger's seat. Kinabitan nya muna ako ng seatbelt at hinalikan nya ko sa noo bago nya tuluyang sinara yung pintuan sa gawi ko. Napangiti ako sa gesture nyang 'to kapag hinahalikan nya ko sa may noo ko. Yung amoy ni Roi ang gusto ko..... parang ang payapa ng loob ko kapag ganitong malapit sya sakin.

Bawat bahay na alam nyang kung kanino ay dinidiscuss nya sakin. Dito din pala sina Kaia.

Parang inaagaw nya ko mula sa malalim na pag iisip marahil nakita nya yung reaksyon ko nung nakatingin sa akin yung anak ni Sir Yuji.

Pagkadating nga namin sa bahay nina Sir Yuji ay namangha ako. Parang kina Roi din na napakaraming pulang rosas sa paligid.

Parang napahigpit yung pagkakahawak ko sa kamay ni Roi nang lumapit sa amin yung mag asawa habang karga ni Ma'am Maddy yung anak nila ni Sir Yuji na si Sandro.

Parang nakakarinig ako ng iyak ng sanggol at alam ko na iyon ay mula sa nakaraan ko.... para akong pinapatay ng huling ala ala ko sa tinig ng sanggol na iyon bago iyon tuluyang nawala. Sa tuwing sumasagi sa isip ko iyon gaya ngayon ay nanlalamig ang sikmura ko at parang may sumasakal sa akin. Nilalabanan ko.... nakakahiya kung dito ako magbebreakdown sa harao nila.... ako ang pumatay sa batang iyon. Pinagkaitan ko sya ng pagmamahal.

Binuhat iyon ni Sir Yuji.

"Ay, tatawag pala kami ni Sandro kay Dada..." paalam nila at ng makalayo ito ay parang duon dahan dahang umayos na yata yung pakiramdam ko pero ramdam ko pa din yung panlalamig ng mga palad at talampakan ko.

"Okay ka lang Daph?" nag aalalang tanong ni Ma'am Maddy. Para akong natutuyuan ng laway sa lamig ng sikmura ko...Sasagot sana ako pero parang umikot yung buong paligid ko at nawalan ako ng malay.

....
Nagising ako ay nasa bisig na ko ni Roi at naaamoy ko yung amoy ng pulang rosas sa paligid. Iniisip ko kung nasaan kami. Naalala ko na nawalan pala ako ng malay. Hinapit ako lalo ni Roi sa kanya kaya parang nakasiksik na ko sa kanya.

"Kamusta pakiramdam mo?“ malambing at nag aalalang tanong nya sa akin. Napayakap ako ng mahigpit sa kanya at siniksik ko yung mukha ko sa leeg nya.

"S-sana....sana sinubukan ko syang mahalin..." kung minahal ko lang yung batang iyon na nabuhay ng walong buwan sa sinapupunan ko sana.... sana hindi sya nawala. Kinakain ako ng halo halong emosyon sa pagkatao ko. Yung nangyare sakin na kahit hanggang sa ngayon ay nandidiri pa din ako sa sarili ko at itong guilty ako dahil sa akin ay nawala yung baby....

"Everything happened for a reason.... hindi mo kasalanan lahat...." saad nya at hinalikan nya ko sa noo ko.

“Hindi kita iiwan kahit na anong mangyare..... ako ng bahala sa lahat...." saad nya. Lahat ng sinabi nya sakin sa Berlin ay pinanghahawakan ko.

Kaia's POV

Lunes na lunes eh Nandito kami sa opisina ni Callen sa Tower. Wala kaming ibang meeting place ngayon kase under renovation ang Garden.

Tahimik si Riyon na nakaupo malapit sa may salamin na bintana. Kung hindi dumating si Ishan malamang may kinalagyan si Axcel sa kanya.

"Hiding?" malamig na tanong ni Callen kay Riyon.

Walang ganang napatingin sa kanya si Riyon.

"Wolf is doing under the table again huh? You are not sticking in the plan. Same old Callen." bored na saad ni Riyon pero walang pakielam si Callen. Mayamaya ay bumukas yung pintuan at sina Ishan at Arthy ang niluwa noon habang nakasunod sa kanila si Thunder.

Kalmado silang naupo sa tabi ko habang si Thunder ay naupo sa arm rest ng sofa na kinauupuan ni Riyon. Para itong batang tumingin sa mukha ng ate nya.

"Anong balak?" tanong ni Ishan bago napasandal sa kinauupuan namin.

"We are changing the plan. Balak ni Axcel na i-undergo ng DNA yung labi nung bata at hahayaan natin sya. Mas babaliwin natin sya sa resulta." saad ni Riyon na para bang predicted na nya yung mangyayare.

"Walang violent reaction Callen?" tanong ko kay Callen. Kontrabida tong gago na 'to eh.

"Nothing..." saad ni Callen pero halata mo madami na yung tumatakbo sa isip nya. "We all know na sa iba nilibing ng mga magulang ni Daph yung sanggol."

"Mahirap dayain yung DNA at hindi natin malalaman kung saan sya magpapaDNA" saad ni Arthy which is correct.

"May nahukay ako..." saad ni Thunder na syang kinalingon ko sa kanya. "Anak mismo ng exboyfriend nya sa ibang babae... yun yung nilibing ko sa puntod na pinupuntahan nina Axcel."

That's good idea pero...

"If we can perform a DNA testing to that baby..... hindi din naman natin alam bakit sobrang protektado ng mga pamilya natin yung libingan na yun." saad ni Ishan.

"Aalisan nila tayo ng karapatan sa Garden kapag sinuway natin sila,..." plain na saad ni Thunder na syang kinatahimik namin. Knowing Tita Cy.

"Everything will be blame to me..." kaswal na pagkakasabi ni Callen habang pumipirma ng mga dokumento sa harap nya.

"Wala kang gagawin?" takang tanong ko.

"I'am the baddest person here, kalaban ko si Axcel from the start, alam  nyo yun... kahit anino ko pa lang yung nakikita nila eh ako na yung pinakamasama at may kakayahan na gumawa ng mga karumaldumal na gawain." saad nya. Medyo totoo yun. Riyon is silently looking at her bago napataas ang isang kilay.  "Let her dig a pit of hell toward in my throne..." kaswal na saad nya at alam namin na kaya nyang gumawa ng malaking casualty kapag pinilit ni Axcel na agawin si Daph.

"Makakapatay si Kuya Yuan...." seryosong saad ni Thunder. "Makakapatay sya kapag naagrabyado ka..." nakatingin sya kay Callen.

Doon ako kinabahan.

Axcel's POV

Napakalakas ng ulan at napangiti ako sa kaibigan ko ng makabalik sya habang dala yung isa pang pala. Puro sugat ang kamao nya. Pasado ala una na ng madaling araw.

"Napatay ko yata...." walang buhay na saad nya bago nya sinumulang maghukay.

"Duktor ka pero bakit di mo na tantya? " kaswal na tanong ko bago ko sya tinulungan maghukay. Lalo kaming malilintikan kapag napatay nya iyon. Tao ng magulang ni Callen iyon.

"Putang inang mga Altamirano na yan! Ang lalakas manggipit! I'll do everything to make it right! Magpapatayan yang si Callen at Riyon! " galit na galit na saad nya. Gaganti ito dahil pinuruhan ni Riyon ang kaliwang kamay nya kaya tagilid na makakapag perform pa sya ng mga surgery sa trabaho nya.

Habang naghuhukay kami ay naalala ko yung sinabi nya regarding sa bata.

"Sigurado ka? " muling tanong ko regarding sa bagay na sinabi nya sakin patungkol sa bagay na sinabi nya bago kami nagpunta dito sa sementeryo.

"I'm fucking sure! It's either Riyon or Callen.... Aware silang lahat doon mula umpisa..." saad nya. "Dapat ready ka din.... pinanghimasukan natin sila.... papatay din sila! " saad nya na para bang wala syang choice para makatakas sa sitwasyon namin.

"Napakagaling nilang magmanipula ng sitwasyon. Pero may mga butas pa din at hindi nila kontrolado iyon....Iyon ay ang emosyon ni Daphne. Hindi nila kakayanin lahat kapag yung mismong may katawan ng biktima na ang magsasampa ng kaso sa kanila." saad nya habang gigil na gigil sa pagpapala.

"Mali talaga yung desisyon nyo that time na ganapin yung party na iyon sa hotel room ng Kaye eh! Tingnan mo nangyare!" sisi nya sakin.

"Magsisihan pa ba tayo dito? Tang ina naman nangyare na!" gigil kong sagot dahil nagtatagal pa kami dito

Tiningnan lang nya ko ng masama at hindi iniinda yung lakas ng ulan bago muling nagpala.

"Wala akong maalala...wala talaga ako maalalang ginawa natin nung gabing iyon sa sobrang kalasingan..." kwento nya na syang kinatigil ko.

"Ang alam ko lang dalawang party ang mayroon that time....." saad nya.

"Nandoon sila....." sabi ko bago ko natamaan ng dulo ng pala na hawak ko yung ibabaw ng kabaong.

Durog ka ngayon sakin Callen.

Cyrll's POV

"Nahukay na nila...." plain na report sa akin ni Leo. Napasandal ako sa swivel chair ko bago ko marahan na pinatong yung ballpen ko sa ibabaw ng table.

"Yung mismong puntod?“ tanong ko at napatango sya.

"Magaling yung batang yun...." sabi ko bago ako napatingin kay Leo. "Bibigyan natin ng leksyon yung batang iyon kung hindi sya kayang disiplinahin ng ama nya." saad ko habang hinahanap yung number ng anak ko.

"Da?" bungad sakin ni Callen pagkasagot ng tawag ko.

"You ready?" malamig na saad ko.

"Always." sagot nya na kinangiti ko.

"You can proceed now." bigay ko ng signal sa kanya.

"Ako ng bahala doon sa Senador." dagdag ko bago ko ini off yung tawag.

May binigay akong envelop kay Leo.

“Pakibigay kay Maddy..... sya ng bahala sa eskandalo ng Senador na yan na kakadkad sa buong Pilipinas." sabi ko kay Leo.

Hindi ako papayag na masasaktan ang anak ko dahil lang sa kanila.

.................

Sorry sa late update super busy guys.

Vote and comment kayo.

Thanks for reading.

~dark19

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 318K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
279K 4.8K 24
Dice and Madisson
723K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...