"Rain Pov"
Mula ng hapon na umalis kami sa gubat,tahimik lamang siya habang nakasunod sa likod ko.
Kaya naman nag alala ako,pero Anong nagagawa ko kong hindi naging patas ang tadhana sa kanya.Nag kagusto siya sa hindi para sa kanya at panigurado wala naman akong maitutulong sa nararamdaman niya.
Hanggang makabalik kami sa paaralan,ganon parin siya.
Sabay naman kaming nakabalik ng silid pero saglit lamang akong tumagal doon dahil ito din ang gabi na kailangan kong lumabas .
Iniwan ko siya ng wala akong nasabi,para sa ano pa diba?Dapat lamang niyang tanggapin na mali ang nararamdaman niya.Sigurado naman na makikita niya din ang mate niya pagdating ng tamang panahon.
Ng makarating ako sa lugar kong saan ko pinagpapahingahan ,umakyat ako sa taas ng puno.
Kumuha ng bunga at humiga sa sanga
Ngayong gabi ang blue moon..ito ang gabi kong saan ginaganap sa aming pack ang kasiyahan.
Nakakalungkot lamang at wala ako doon para pakisaya, ngunit kahit ganon pa man at masaya narin akong malaman na ngayong gabi ay pinag diriwanng nila ang aming kasiyahan kong saan kaarawan ni Ina.
Kinagat ko ang hawak kong prutas,habang ang isang kamay ay nilagay ko sa likod ng ulo ko upang gawing unan.
Habang nakatingin sa taas ng kalangitan,nasa isip ko ang masayang mukha ni Ina.
Na tuwang tuwa habang binabati ng mga panauhin noong nakikita ko pa sila at nakakasama.
"Ang saya siguro balikan ang dati.."sambit ko
Kong kaya ko lang bumalik sa nakaraan, siguradong masayang masaya kaming lahat, kahit nag iisa lang akong nasasaktan.
Kahit hindi ko siya tunay na Ina.. itinuring ko siyang Isa sa pinaka mahalagang tao sa aking buhay. Kahit na ako ang madalas na nakasasaktan at nag sasakripisyo ayos lang.
Itinaas ko ang aking isang kamay ,na para bang sa pamamagitan non .maabot ko ang kalangitan pati narin ang buwan.
"Prince Novan Pov"
Mula sa aking pinag tataguan,tinanatanaw ko siya .
Nakahiga siya sa malaking sanga , nakatingin sa taas .
Habang pinag mamasdan ko siya,nadadama ko ang kanyang lungkot.
...
At maging ako ay nakakadama narin
Naikiyukom ko ang aking palad,ayaw kong makita siyang ganito.
Ang makitang ang mga mata niya ay may bahid ng kalungkotan.
Naapektohan ako pag ganito siya.
Gusto kong makita ang mga ngiti niyang matipid at matang puno ng sigla na palagi nalang akong nahahawa
Dapat may gawin ako,dahil isa akong Prinsipe kaya alam kong may paraan upang mapawi ang lungkot niya , ngunit.....paano?Anong gagawin ko.
Kanina lang ,hindi niya naunawaan kong bakit ako nagalit.Wala naman sana sa plano ang sabihin ko ang tunay kong nararamdaman,sa totoo lang nahihiya ako
At nagkataon naman na mali ang kanyang pag kakaintindi ,buong Akala niya ay ang kaibigan niya ang gusto ko.Kahit hindi derikta niyang sinabi alam kong iyon ang iniisip niya,huli ko nalang din naunawaan ang kanyang iniisip.
Hindi ko tuloy alam kong dapat ba akong matuwa o magalit sa nangyari.
Ngayon lamang ako nakadama ng hiya sa buong buhay ko at siya lamang ang tanging nakapag palabas ng ganito pakiramdam sakin.
Siya ang lahat, pero hindi ko pa masasabi ko siya nga ba ang mate ko.Hindi pa lumalabas ang senyales na siya nga, subalit kahit walang senyales ang pakiramdam ko at ang buong puso ko ,siya ang tinatawag.
At malulungkot ako kong hindi siya ang magiging mate ko.
Maraming paraan naman eh,ano pa ang pagiging Prinsipe ko kong hindi siya magiging akin.
Kong labag man ito sa kagustohan ng mahal na diyosa,ipag lalaban ko parin dahil may sarili akong batas saking buong pagkatao,ako ang gagawa ng aking tadhana
Humakbang ang aking mga paa,kong gusto kong makuha ang loob niya at mapasaakin siya .
Isa lamang ang gagawin ko,at iyon ang mapa-ibig ko siya kahit ano pa ang maging kapalit.
........
"Rain Pov"
Alam kong may mga matang nakatingin saakin .Sa init nito nakilala ko agad ang may-ari nito.
Ano naman kaya ang ginagawa niya dito.?
Anong ihip ng hangin ang pumasok sa utak niya at napasunod siya sa tahimik kong kinaroonan.?
Hanggang sa makalapit ay hindi ko siya pinansin,dumaan ang ilang sandali at siya nga ang naunang magsalita
"Alam kong alam mo na naririto ako.Hindi mo man lang ba ako papansinin o babatiin ?"siya
Napa irap nalang ako
"Magandang gabi"sambit ko at nanati paring hindi siya binigyan ng tingin
"Sayo din,Anong ginagawa mo dito?"tanong niya
"Nag hahanap ako ng tahimik na lugar."
"Maaari ba kitang samahan?nais ko din sana magpahangin ."
"Hindi ko pag aari ang lugar na ito,kaya naman hindi mo na kailangang mag paalam pa"
Nagulat na lamang ako na bigla siyang sumulpot sa harap ko.
Nagulat man ay hindi ko ipinahalata.
Agad na naisip ko kong ayos pa ba ang sanga na aming kinaroonan.
Ng masigurong ayos naman pala, tumingin ako sa kanya ng sandali.nakatingin siya sa taas tulad ng ginagawa ko kanina.
"Sa tagal ko ng nabubuhay sa mundong ito,ngayon ko lamang napag tuonan ang lahat ."
Hinayaan ko lamang siyang magsalita
"Ang liwanag ng buwan,at ang mga butuin ang maliit ngunit nagsilbing palamuti ng kalawakan.Para sila ang mga simbolo ng kagandahan ng kadiliman."
Tama siya sa kanyang pananaw.
Tumingin ako muli sa langit
Akala ko ,ako lamang ang nakakaisip ng ganong mga bagay.
"Tungkol sa kaibigan mo."
Sambit niya saka tumingin sakin
Kay Cov..?
"Nais ko lang linawin ang mga bagay bagay.
Hindi ako interesado sa kanya o ano man."
Napa angat ang isa kong kilay
"Anong tinutukoy mo?"
"Hindi lang ako mapalagay pag nasa malapit siya lalo na sayo.Ako ang kapareha mo,kaya naman nais ko na sakin kalang naka tutok,hindi kong saan o kong kaninong nilalang"
Bawat salita niyang binibitawan ,ay may diin na tila ba may pinanggagalingan
Ngunit...
Ginagamit ba niya saakin ang mataas niyang estado ng pamumuhay.
Nagsalubong ang kilay ko,ayaw ko sa lahat ang tulad niyang mayabang,mapagmataas at walang pakealam sa nararamdaman ng iba
Inis man ay minabuti kong maging mahinahon
"Naiintindihan ko, subalit sana isipin mo din na bukod sa kapareha kita,dapat maisip mo din na may sarili akong buhay,ako ang may hawak sa buhay ko at desisyon."
"Ano?Mali ka ng iniisip mo..alam ko yon lahat."
"Anong mali doon,kasasabi mo lang na dapat ituon ko ang lahat ng oras ko sayo.
Malinaw na malinaw na sinabi mo yon.
Alam kong alam mo na ibinilin ka ng mahal na Luna Queen sakin.Pero hindi ibig sabihin non sayo lang iikot ang oras ko."
May inis na sabi ko nawala ang pagiging mahinahon ko,ang sarap niyang itulak
"Hindi mo naiintindihan,tama ka sa lahat,nasabi ko iyon dahil ayaw kong may iba kang kinakausap at iniisip bukod sakin.
Gusto ko sakin ka lang ,ayaw kong may kaagaw.
Ikaw ang unang naging mabuti sakin dito at naging totoo.
May mga bagay na akala ko tama ako parati ngunit agad mong ipinauunawa sakin na mali ako.
Hindi man ito parati na sinasabi ko at mahirap sambitin,makinig kang mabuti.
Masaya ako....Masayang masaya akong nakasama ka dito sa alpha camp.
Nagkaroon ako ng isang kaibigan na matatawag kong akin.At madamot ako,ayaw kong ibahagi ito sa iba."
Seryoso ang kanyang tinig at malalim ang mga tingin
Nailang ako at agarang napaiwas tingin
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin.
Wala din akong masabi
Iyon pala ,kaya pala ganon nalang ang lahat ng ikinikilos niya.
Isang malapit na kaibigan ang tingin niya sakin.
Sabagay,Mahirap nga naman makakita ng matatawag na totoong kaibigan.
Sa buhay naming mga taong lobo,dahil sa kapangyarihan at lakas na abilidad.Hindi naiiwasan ang magpataasan sa bawat antas nang aming pamumuhay.
Tumikhim ako
"Bukas ay may training na dapat gawin, kailangan maaga tayo.Babalik na ako"sabi ko at umupo
Handa na sana akong bumababa ng magsalita siya
"Muntik ko nang makalimutan yun ah.Sasabay na ako"
Siya at nauna nang bumaba
Mula sa taas ay tumalon siya
Sumunod nalang din ako.
Kong kaibigan ang kanyang hangad,hindi ko iyon ipag dadamot bagkos maaari ko siyang ibilang sa aking mga tunay na kaibigan.