Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

One

162K 2.1K 335
By cursingfaeri

Prologue

"Mama! Mama! Wag kayong umalis please!" sigaw ng apat na taong gulang na batang babae. 

Pumapalahaw na ito ng iyak habang nagwawala sa sahig. 

"Kailangan kong umalis anak, nandito naman ang Tita mo eh. Andyan din sina lolo't lola. Hindi ka nila pababayaan. Magtatrabaho lang si Mama para may pambayad tayo sa school sa pasukan," nangingilid ang luha na sabi ni Louise.

Nilingon ng batang babae ang apat na pinsan na noo’y nagkukubli sa pintuan malapit sa kusina. Mababakas sa mukha ng bata ang pagkaawa sa sarili. Wala na nga siyang Papa heto't iiwan na naman siya ng kanyang Mama. Hindi niya maintindihan kung bakit siya laging iniiwan. Mabait naman siya eh. Alam niyang hindi siya kailanman naging pasaway na anak, pero bakit ganun?

Nahabag si Louise sa bata. Pero alam niyang kailangan niya itong gawin. Kailangan niyang ayusin ang buhay na sinira ng talipandas nitong ama. Kailangan niyang ibangon ang sarili. Pinahid niya ang mga luhang namalisbis sa mata at pinatigas ang anyo. Hindi dapat pairalin ang awa sa ngayon. Masisira lang lahat ng kanyang mga plano.

  

"Sama na lang po ako Ma! Please naman Ma. Ayoko po dito. Ayoko maiwan! Mamaaaa!" Iyak nang iyak na sigaw ng batang babae. Nakahawak na ito sa tuhod ng ina. Halos nakaluhod na din habang gumagapang sa sahig.

Pilit na nilalayo ni Louise ang katawan sa bata bago mabagsik na sininghalan ito. "Hindi nga pwede! Ang kulit kulit mo! Dito ka nga lang sa Tita mo! Sige na! Go to your room! Now!"

Muli nitong kinuha ang kamay na sobrang higpit ang kapit sa laylayan ng damit niya.

"Nooo! I'm not going anywhere! Why do you need to leave ba? Ma, please naman po oh, hindi naman ako bad diba? Bakit niyo ako iiwan?" tanong nito sa pagitan ng mga hikbi. Mababakas ang pagkalito sa maamong mukha.

Muntik nang matawa si Louise sa narinig. Wow spokening dollar, English.

Hindi niya masisisi ang anak. Dalawa't kalahating taon pa lamang ay makikita na ang potensyal at talino nito kaya naman pinag-aral niya agad. Matalino ang kanyang anak. Pero dahil nga apat na taon pa lamang, umulit ito ng kinder 1. Nasa Day Care Center lang din sa kanilang subdivision ito nag-aaral. Mahilig itong mag-english. Impluwensya din siguro ang kaalamang panay mayayaman ang mga kaklase.

"Di ba sinabi ko na kailangan ni Mama magtrabaho para sa future mo? Paano ka magiging doctor niyan kung wala tayong pambayad ng tuition?" paliwanag ni Louise dito.

  

"Hin-di na lang po a-ko mag-aaral. Ayo-ko ko po ma-layo sayo eh. Ka-hit hindi na lang po a-ko magdoc-tor Ma bas-ta magka-sama ta-yo," paputol-putol na sagot ng bata sa pagitan ng mga hikbi habang pinapahid ang mga luha. Halatang pinipilit lang nitong pigilan ang pag-iyak dahil nahihirapan na din ito sa paghinga.

"Hindi nga pwede. Naiinis na talaga ako ha, I said go to your room now!" inis nang pakli ni Louise dito. Alam niyang kapag tumagal pa siyang nakatitig sa anak ay baka hindi na niya matuloy ang pag-alis.

"Noooooo! Ayoko nga eh! Sasama nga ako!" Nagpapadyak pang sagot ng bata sa kanya.

"Ate, sige na, ipasok mo na si Louie sa silid niya. Ikaw na muna bahala sa kanya ha? Salamat talaga ate," umiiyak na ding saad ni Louise habang pilit kumakawala sa mahigpit na kapit ng anak.

"Ingatan mo ang sarili mo. Huwag kang mag-alala Tuturing ko siyang parang sariling anak. Siguraduhin mo lang na aayusin mo ang buhay mo dun," sagot naman ni Ayessa bago nilingon ang bata.

"Say goodbye to Mama na Louie and we'll go to your room na. We still need to fix your things. Magmamall tayo, gusto mo yun di ba?" pagpapakalma ni Ayessa sa bata.

"Ayoko po Tita. Gusto ko po sumama kay Mama!” saad nito kay Ayessa bago nilingon ang ina. “Mama! Parang awa mo na isama mo na lang ako!" Mas lalo pang pumalahaw ang pag-iyak niya nang hindi na siya kinikibo ng ina.

"Ate aalis na ako pigilan mong mabuti,” saad ni Louise bago nilingon ang hardinero cum family driver. “Mang Tonyo pakisara ang gate dali!" at tumakbo na papunta sa naghihintay na kotse  para ihatid siya sa airport.

Kailangan niya ng bagong mundo kaya kailangan niya muna talikuran ang lahat ng bangungot na 'to.

Pansamantala.

"Mama! Mamaaaaa! Mamaaaaaaaaaaaaaa!"

Ipinikit lang ni Louise ang mga mata at hinayaang tumulo ang mga luha sa mga iyon.

Hanggang sa hindi na niya marinig ang sigaw ng anak.

Chapter 1 

Five Years Later

"Aray ano ba?! Ba't ka ba nambabatok?" inis na asik ko sa pinsang si K.

Ganyan lang talaga pangalan niya. Letter K. Ewan ko kung tinamad yung parents niya pero siguro binawi lang kasi ang haba naman ng apelyido nila. San Buenaventura. Ang nakakatandang kapatid naman nito ay si Kuya J. O diba? Ayaw talaga silang pagurin ng parents nila sa pagsusulat sa ng pangalan nila sa papel.

Matanda ito sa akin ng apat na taon. Second year high school ito at ako naman ay nasa grade four. Ito ang pinakasadista sa lahat kong pinsan. Bawat mali batok agad kung hindi naman pitik sa noo at tenga. Ako talaga ang laging kawawa dahil bukod sa nag-iisa akong babae sa aming magpipinsan, ako pa yung bunso.

"Ang tanga mo kasi. Bakit hindi mo alam ang spelling ng embarrass? Double R tsaka double S nga. Paulit-ulit na lang natin ‘tong nirereview hanggang ngayon nagkakamali ka pa rin?! Bakit ba kasi ikaw ang representative ng quiz bee niyo eh ambobo mo naman sa English?!" naiinis na ding sabi nito.

"Sa English lang naman ah! Tsaka malay ko kay Ma'am, ayoko din naman sumali diyan eh!" angil ko na din sabay kamot sa ulong binatukan nito. Kung hindi lang talaga ‘to mas malaki at mas matanda sakin, babatukan ko din ‘to eh. Ang lakas kaya ng batok niya!

"Nakakainis. Hindi ako makapaglaro ng basketball dahil kailangan kitang ireview. Pag kinulang kami mamaya—"

"Ako na lang Kuya K!"

Malaking bulas din kasi ako. Matangkad ako sa karaniwang edad ko. Pwede na nga akong pumasang grade six or high school eh!

Nakatikim na naman ako ng batok mula dito.

"Aray!" nakangusong reklamo ko.

  

"Hindi pa nga ako tapos magsalita kung makaariba yang bunganga mo. Pag sa basketball ambilis mo eh,” nandidilat ang mga matang sita nito sakin. “Besides, ikaw naman talaga ang papalit. Galingan mo ang pagshoot. Muntik na tayong matalo last time kung hindi mo napasok ang three point shot mo."

"Magaling naman ako ah! Tsaka ang hirap kayang tumira kapag si Kuya J yung nagbabantay," agad kong sagot dito.

Third year highs chool naman ngayon si Kuya J. Lagi kaming naglalaro ng basketball. Lalo kapag ganitong weekend. May half court kasi kami sa likod ng bahay. Pero dahil nakatoka akong ireview ni Kuya K ngayon, hindi siya makakasali sa dapat ay two on two na laro ng tatlo ko pang pinsan.

Nakakatandang kapatid ni Mama ang Mommy Van nila Kuya K. Yun yung pinakamatanda sa mga kapatid ni Mama. Dalawa ang anak nito: Sina Kuya J at si Kuya K. Sumunod namang kapatid ni Mama ay si Daddy Roque. Anak nito sina Kuya Justin na second year high school na ka-batch ni Kuya K at lastly, si Kuya Kurt na first year high school. Sumunod na kapatid ni Mama si Tita Ayessa. Siya yung walang asawa niyang kapatid at siyang tumatayong Mommy ko ngayon. Just like me, bunso din si Mama sa family. I considered myself as bunso kasi parang kapatid ko na din naman sina Kuya eh. Wala naman akong sibling!

Extended family kami sa bahay, kaya naman magkakasama kami lagi. Syempre sila din madalas kong kalaro tsaka mas trip ko ang mga toys nila. Madami kasing pinapadalang remote control cars ang Daddy nila Kuya K. Minsan yung mga cool na gumagalaw na robots o literal na lumilipad na helicopter. Ang astig lang! Engineer kasi sa Singapore ang Daddy ng mga ‘to. Kapitan naman sa barko ang Daddy Roque kaya sunod din sa layaw sina Kuya Justin.

Pinapadalhan din ako ni Mama ng toys. Kaso bakit ba kasi uso yung mga manyika sa babae? Hindi ko naman trip yun. Alam kong sikat si Barbie pero isang beses na pinadalhan ako ni Mama ng doll, nakalagay na pangalan: Skipper. 

Sino ba yun? Sabi ni Mama ko, little sister daw yun ni Barbie.

"Gusto ko po Barbie eh! Hindi naman kilala nila Kuya yan," reklamo ko agad dito nung tumawag siya at tanungin ako kung natanggap ko na ang mga toys.

"Kasi ikaw si Barbie di ba? Kaya siya ang little sister mo," malambing na sabi ni Mama.

"Wala naman akong little sister eh! Mas gusto ko si Barbie! Tsaka hindi naman mahaba at kulot ang buhok ko eh, pano ako naging si Barbie?!" nagpapadyak pang sagot ko dito. 

"Sige na, sige na wag ka nang magmaktol dyan, bibili tayo ng Barbie."

"Talaga Mama ha?" Lumiwanag talaga ang mukha ko sa sinabi ni Mama.

"Oo naman, sige na, magwowork pa si Mama, bigay mo muna kay tita ang phone. I love you baby."

"Bye Ma, thanks po!" Paalam ko bago inabot kay Tita Ayessa ang cellphone.

Ewan ko ba, ang hirap sakin magsabi ng I love you. Ang hirap masyado maglabas ng nararamdaman. Simula noong iwan ako ni Mama noong four years old ako, hindi na daw ako yung dating malambing na bata. Tsaka spoiled man ako kay Tita, hindi naman siya yung tipong malambing. Hindi siya masyadong expressive. Kaya siguro na-adapt ko din yun. Maagang nagmature ang utak ko tungkol sa mga bagay bagay.

Siguro may factor din iyong pagdidistansya ko ng sarili ko sa family namin. Ayoko lang mangyari yung… katulad ng ginawa ni Mama.

Yung… nang-iiwan. 

"Kuya naman eh!" kamot-kamot ko na ang ulo nang batukan na naman ako nito.

Nakakainis. Nakakarami na talaga siya, hmp!

"Nagdedaydream ka na naman kasi, makinig ka na. Spelling tayo. Sasabihin ko ang word tapos isulat mo dyan sa papel ang sagot mo," saad nito at nagsimula nang banggitin ang mga salita.

Nagsimula na din akong magsulat.

Napapakunot-noo ako sa bawat salitang sinasabi niya.

Nang matapos ang ten item quiz nito ay seryoso akong tumayo at binigay kay Kuya ang papel.

"Oh yan! Saksak mo sa baga mo. Ang hirap-hirap! Kakain muna ako ha," sabi ko at kumaripas na nang takbo.

Nakita ko pa ang pagsalubong ng mga kilay ni Kuya K bago dumadagundong ang sigaw niya ng,

"Louie Antoinette! Mapapatay kita!"

Alam niyo kung bakit? Kasi eto lang naman katumbas ng mga sagot ko sa words niya.

Lazy ================>  1. Kuya K 

Courageous ==========>  2. Louie

Redundant ===========>  3. Kuya K

Astonishing ==========>  4. Louie

Misogynist ===========>  5. Kuya K

Exaggerated ==========> 6. Kuya K

Competitor ===========> 7. Kuya K

Communist ===========> 8. Kuya K

Smartest ============>   9. Louie

Photosynthesis =======>  10. Die! Just die word! Die.........!

Bobo nga ako sa spelling, aminado naman ako dun eh. Pero alam ko naman mga meaning nun noh! Katabi ko kaya lagi dictionary pag nagbabasa ako ng paborito kong libro.

Sorry Kuya K, nakakabore na talaga eh. Hehehehe.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 277 55
"Sabi nila hindi daw totoo ang love at first sight pero bakit ganun ako lang ba ang tinablan nun o naranasan niyo na din na ma - love at first sight...
THE EXCAVATE | SEQUEL By M

Mystery / Thriller

66.2K 2.1K 35
[Sequel of Shimmara Academy] After the explosion, Nhean found herself alone in the outside world. As she mourned from the loss of her friends and her...
44.7K 2.2K 29
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
18.2K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...