Flawed Series 1: Lost in His...

By elyjindria

3.8M 106K 36.3K

(COMPLETED) Maria Elaine Garcia has been working as a maid at Hacienda Castellon for a long time. She's innoc... More

Lost in His Fire
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
WAKAS

KABANATA 18

78.8K 2.5K 1K
By elyjindria

Trigger warning: slut shaming remarks and sexual assault


***


Nanginig ang buong katawan ko sa nakita. Nanghihinang nabitiwan ko ang cellphone... nakuha ang video na iyon noong nagpunta ako sa unit ni Zamir... Paano nakuhanan iyon? Anong nangyayari?

"Walang hiya ka! Ganiyan ba kita pinalaki ha, Maria Elaine?! Oo! Mahirap ang buhay natin, pero hindi kita pinalaking pokpok! Hindi ko sinabi sa'yo na ibenta mo 'yang katawan mo!" sigaw ni nanay.

Napatakip ako sa bibig ko. Nanginginig na napahagulgol ng iyak. Hindi ko sila masisi kung bakit galit na galit sila sa akin ngayon... Mahirap man ang pamilya namin, pero meron kaming dangal... pero wala na 'yon ngayon matapos ang nangyari.

Kaya pala ganoon ang tingin sa'kin ng mga tao kanina... mukhang nakita rin nila. Mukhang napanood din nila.

"Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan! Walang hiya ka!" Muli akong ginawaran ni nanay nang malakas na sampal.

Lumapit si Ate Elena kay nanay at humawak sa braso nito, tila pinapakalma. "Nay, b-baka naman atakihin na naman kayo niyan. Tama na po... Mag-usap usap muna tayo nang mahinahon."

"Mahinahon?! Bakit?! Iyang katangahang ginawa ng kapatid mo, dapat pag-usapan nang mahinahon?! Ni hindi niya naisip ang pamilya niya, lalo si Ella na kinse anyos pa lang! Ano na lang ang sasabihin sa kaniya ng mga kaibigan at kaklase niya?! Na ang ate niya... Ano?! Pokpok?! Alam mo bang nakipagsuntukan pa si Leo sa barkada niya dahil binabastos ng mga lalaki ang video niyang babaeng 'yan?!" asik pa ni nanay.

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at mas lalong napahagulgol ng iyak... Napatingin ako kina Leo at Ella na nakatitig lang sa sahig. Si tatay naman ay hindi kumikibo at nakahawak lang sa sentido nito. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkadismaya sa sarili ko... Nadamay ko ang pamilya ko... ang mga kapatid ko na walang kamalay-malay. Habang buhay magiging kahihiyan ito para sa kanila... kung sana ako na ang. Kung sana ako na lang ang magdusa at 'wag na sila...

Napatakip si nanay sa mukha niya at napaiyak. Tila mas lalong may kumirot sa puso ko dahil sa nakita...

"N-nay... Sorry po, 'nay. D-desperado lang po ako... Sorry po, 'nay. S-sorry..." hingi ko ng paumanhin. Nanginginig ang mga kamay na humawak ako sa kamay ni nanay.

Iwinaksi rin niya ang pagkakahawak ko sa kaniya saka muli akong sinampal. "Elaine naman! B-bakit?" Napahagulgol ng iyak si nanay. "Hindi ko magawang tumingin sa'yo nang hindi naaalala ang katangahang ginawa mo! Umalis ka! Umalis ka ng pamamahay ko, Elaine!"

Umiling ako habang patuloy ang pagluha. Humawak ako sa kamay ni nanay pero agad niya rin akong itinulak palayo sa kaniya.

Natigilan lang kami nang mapahawak si nanay sa dibdib niya saka napapikit nang mariin. Agad na lumapit sina tatay sa kaniya. Agad na umakyat ang kaba at takot sa sistema ko nang tuluyang mawalan ng malay si nanay.

Agad na napaiyak sina Ate Elena. Binuhat naman ni tatay si nanay at agad na isinugod sa pilahan ng tricycle. Umiiyak na lang din ako habang nakasunod sa kanila. Nanginginiig ang buong katawan ko sa takot... Inatake si nanay nang dahil sa akin. Kapag may nangyaring masama sa kaniya dahil sa akin... hindi ko na alam ang gagawin ko.

Isinugod agad namin sa ospital si nanay. Agad naman siyang natingnan ng doktor pero hindi magandang balita ang sinabi niya sa amin.

"Kailangan na po niyang ma-operahan. Mahina na po ang puso niya, idagdag pa ang sakit niya sa bato. Kapag hindi po naagapan, baka mas lumala pa. Hindi po natuloy ang pag-opera sa kaniya last time, ngayon po ay talagang kailangan na," paliwanag ng doktor sa amin.

Tila lumilipad ang isip ko. Nanginginig pa rin ang katawan ko... ang daming tumatakbo sa isip ko... pero si nanay ang pinakamahalaga ngayon.

"Y-yung perang galing kay Senyorito Zamir... iyon na lang po ang gamitin natin," sabi ni Ate Elena nang magising na si nanay.

Nanatili akong nakatayo sa sulok... natatakot ako na baka atakihin muli si nanay kapag nakita ako.

"Wag na wag niyong gagawin 'yan, Elena. Mas gusto ko pang mamatay kaysa gamitin ang pera na galing sa pagbebenta ni Elaine ng katawan niya," mariing sinabi ni nanay.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at mas lalong nanghina...Agad akong lumabas ng silid. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Zamir, pero hindi pa rin siya sumasagot... Nasaan na ba siya? Kailangang kailangan ko siya ngayon.

Kailangan ko ng pera... Ano'ng gagawin ko? Kailangan ng maoperahan ni nanay... Saan ako kukuha ng pera? Si Zamir lang ang nakikita ko na makakatulong sa akin... pero hindi ko siya mahanap.

Matapos kong puntahan ang unit ni Zamir, dumiretso naman ako sa hacienda dahil wala siya roon... Inabot na ako nang malakas na ulan, pero tila wala na akong pakialam kahit basang basa ako ngayon. Nanginginig ang mga kamay na naglalakad ako papunta kina Senyora... Hihingi ako ng tulong sa kanila... kakapalan ko na ang mukha ko.

Napatingin sa akin ang mga katulong sa hacienda nang dumating ako. Nagbubulungan pa ang iba... mukhang nakita rin nila ang video... Napailing na lang ako at hindi na pinansin pa ang mga 'yon.

"What are you doing here, Elaine?"

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Senyora Eleanor, nasa tabi niya si Senyorita Adrianna.

"Look at how messy you are... Hawakan niyo nga iyan at itulak sa labas," utos pa ng senyora sa mga katulong.

Natigilan naman ang mga katulong, halatang nag-alangan.

"S-senyora... G-gusto ko lang po sana kayong makausap," sabi ko sa nanginginig na boses.

Napairap si Senyora at lumapit sa'kin saka hinablot ang buhok ko. "Kaya naman pala nasisiraan na lalo ng bait si Zamir... dahil nandito pala ang babae niya... Nagkalat pa talaga kayong dalawa at dinungisan ang pamilya namin!"

Napalunok ako... mukhang nalaman na rin nila ang tungkol doon.

Napadaing na lang ako nang itulak ako nito dahilan para mawalan ako ng balanse at matumba sa sahig. Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko saka lumuhod sa harapan niya.

"S-sorry po... sa ginawa ko... S-sa k-kumalat po na video... pero nandito po ako ngayon para manghingi ng tulong. Si nanay po... n-nasa ospital siya ngayon at kailangan ma-operahan. G-gagawin ko po ang lahat... matulungan niyo lang po kami," sabi ko sa nanginginig na boses. Napakapit ako nang mahigpit sa basa kong damit... tila wala na akong pakialam pa sa kahihinatnan ng ginagawa ko. Si nanay ang pinaka importante sa akin ngayon.

"Ang kapal din naman ng pagmumukha mo..." nakangising sinabi ng senyora. "Inaasahan mo ba na tutulungan kita matapos mapahiya ng pamilya ko dahil sa katangahan niyo ni Zamir?" Natawa nang mapakla ang senyora. "Kakaiba ka rin, Elaine. Akala mo kung sino kang mahinhin at hindi makabasag pinggan, pero isa ka rin palang pokpok na handang ibuka ang mga hita para sa pera. Ganiyan talaga kayong mahihirap, ano? Wala kayong kahihiyan... mga mukhang pera at patay-gutom."

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at napapikit... pilit kong tinatanggap at nilulunok ang masasakit na salitang iginagawad niya sa akin. Wala na akong pakialam pa sa kahihiyan at dangal sa mga oras na 'to... tatanggapin ko ang kahit anong sasabihin niya sa akin.

Kumuha ng pera ang senyora mula sa wallet niya at inihagis sa harapan ko ang lilibuhing mga pera. Nagbagsakan ang mga 'yon sa sahig.

"Ayan. Pulutin mo... Ayaw na kitang makita sa pamamahay ko simula ngayon. Inaalis na kita sa trabaho..." tumingin siya sa mga katulong. "Kung sino man sa inyo ang kaibigan ng babaeng 'to... magsabi agad, nang mapalayas ko na rin."

Napalunok ako at pinulot ang mga pera sa sahig gamit ang nanginginig na mga kamay. Naramdaman ko na lang na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko... pero pilit kong iwinaksi at patuloy sa pagpulot ng mga pera sa sahig.

Natigilan ako nang may lumapit sa akin. Nag-angat ako ng tingin... si Ria. Kitang kita ang sakit at awa sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nagsimula siyang tumulong sa'kin sa pagdampot ng mga pera.

"Ano? Kaibigan ka ng pokpok na 'yan?" tanong ng senyora kay Ria.

Nag-angat ng tingin sa kaniya si Ria. "Oo, kaibigan–"

Agad kong kinuha mula kay Ria ang mga pera saka nagsalita. "H-hindi ko po siya kaibigan," sabi ko sa mahinang boses.

Ayokong may madamay sa gulo ko... lalo na si Ria. Ang laki na ng naitulong niya sa'kin. Ayokong madamay pa siya sa problema ko. Mahirap din para sa kaniya ang kumita ng pera.

Halatang natigilan si Ria sa sinabi ko, pero hindi na ako naghintay na makapagsalita siya at agad na tumayo hawak hawak ang mga pera. Napalunok ako at tumingin kay senyora saka marahang yumuko.

"M-maraming salamat po."

Pagkasabi ko no'n ay agad na rin akong umalis. Hinayaan ko na lang na mabasa ako ng ulan... Pilit kong iniingatan ang mga pera at itinago sa loob ng damit ko. Nanginginig ako sa lamig, pero hindi ko na alintana pa iyon.

Basang basa ako nang makarating sa ospital. Napatingin sa'kin sina tatay nang makita akong palapit sa kanila. Napakagat ako sa ibabang labi ko at inabot sa kaniya ang pera... Pati sina Ate Elena ay natigilan at napatingin sa akin.

"Elaine..." sabi ni Ate at akmang lalapit sa akin, pero pinigilan ni tatay.

"K-kulang pa po iyan. P-pero gagawa pa po ako ng paraan. May mga pwede naman po akong utangan na kaibigan. H-hintayin niyo lang po at–"

Natigilan ako nang makatikim ako nang malakas na sampal din mula kay tatay. Natigagal ako at napahawak sa pisngi ko, saka napatingin kay tatay na ngayon ay masama ang tingin sa akin.

"Saan galing ang perang 'yan? Sa pagbebenta mo ng katawan mo?" mariing tanong pa niya. "Dahil sa katangahan mo, nakaratay ngayon ang nanay mo rito sa ospital... tapos naglakas ka pa ng loob na magdala ng maruming pera?" nanggagalaiting tanong ni tatay.

"T-tay... g-galing po kina Senyora Eleanor iyang pera. N-nakiusap po ako sa kaniya at–"

"Elaine... pwede ba? Umalis ka na lang... Kapag nakikita kita, nagdidilim ang paningin ko. Baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo... kaya utang na loob, umalis ka na lang. Wag ka nang magpapakita sa akin at sa pamilyang 'to," mariing sinabi ni tatay.

"T-tay..." Agad na sinabi nina Leo, pero agad silang pinigilan ni tatay.

"Makakasama ka lang sa nanay mo... kaya umalis ka na. Umalis ka rito sa Vista Querencia... at 'wag ka nang magpapakita sa'min kahit na kailan."

Tila kutsilyong sumaksak sa puso ko ang sinabi ni tatay. Umiling ako at nanginginig ang kamay na humawak sa kamay ni tatay, pero agad niyang iwinaksi 'yon.

"T-tatay, w-wag naman pong ganito... N-nagkamali po ako, sorry po... Pero wag niyo naman po akong paalisin. Gagawin ko pong lahat para makatulong sa pagpapagamot kay nanay... hindi ko na po uulitin ang kasalanan ko. P-pakiusap, 'tay..." Napahagulgol ako ng iyak.

Hinablot ni tatay ang braso ko at kinaladkad ako palabas ng ospital. Mas lalo akong napahagulgol ng iyak nang itulak niya ako sa labas. Napapatingin sa amin ang mga tao sa paligid, pero wala na akong pakialam pa roon.

"Wag na wag kang magpapakita sa amin, Elaine! Itinatakwil na kita! Wala na akong anak na tulad mo simula ngayon! Kaya umalis ka na! Kinakahiya kitang puta ka!"

Pagkasabi no'n ay agad na ring pumasok si tatay sa loob. Napatakip ako sa mukha ko at napahagulgol ng iyak... hinang hina na ako. Gusto ko nang may makapitan... pero wala. Wala kahit isa.

Kahit mabigat ang loob ko, umalis ako ng ospital... Papalamigin ko muna ang ulo nina tatay... Baka tanggapin din nila ako kapag kumalma na sila. Sa ngayon, maghahanap pa ako ng pera.

Sinubukan kong tawagan ang mga kaibigan ko na pwedeng mautangan, pero walang sumasagot sa kanila.

Nagtungo ako sa malapit na tindahan at sumilong doon. Nanginginig na yumakap ako sa sarili ko. Kahit basang basa na rin ang kamay ko dahil sa ulan, pinunasan ko ang pisngi ko, pero wala rin 'yong talab. Muli kong tinawagan ang numero ni Zamir... pero hindi pa rin siya sumasagot.

"P-pakiusap, kailangan kita, Zamir... Pakiusap, sumagot ka... P-pakiusap..." napahagulgol ako ng iyak habang nanginginig... nagmamakaawa na sana sagutin niya ang tawag ko, kahit isang beses lang.

"Uy, si Elaine pala 'to..."

Natigilan ako nang may grupo ng mga lalaki na tumigil sa harapan ko. Napalunok na lang ako at napaiwas ng tingin... tumitingin sila ng kakaiba sa akin, na para bang napanood din nila ang video.

"Galing mo, Elaine. Pa-isa rin," nakangising sinabi ng isang lalaki.

"Baka mahal ang bayad diyan, mayaman si Zamir," tumatawang sabi pa ng isa.

"Bayaran kita ng 500, pwede na? Pwede na 'yon... Subo mo na lang 'to, oh. Marunong ka ba?" sabi ng isang lalaki saka itinuro ang pagitan ng mga hita niya.

"Malamang marunong 'yan, pokpok, e."

"Magaling ka ba? Baka naman di sulit ibabayad namin ha."

Mas lalo akong nanginig at napayakap sa sarili ko. Umatras ako pero agad naman silang lumapit. Tinalikuran ko na sila at akmang tatakbo pero agad na nahablot ng isa ang braso ko.

Nanginginig na tumingin ako sa paligid, sarado ang tindahan at walang tao sa labas dahil umuulan.

"B-bitiwan niyo ako..." nanginginig na sabi ko saka inalis ang pagkakahawak sa akin ng isang lalaki, pero humawak din ang isang lalaki sa kabilang braso ko... Wala akong laban sa tatlong lalaking ito.

"Arte mo naman. Pasalamat ka nga babayaran ka, e. Ano? Diyan na lang tayo sa gilid. Mahal sa motel, e."

Agad akong umiling. "T-tulong–ah!" Natigilan ako nang bigla akong sikmuraan ng isang lalaki.

"Bakit ba nag-iinarte ka pang pokpok ka? Sarap na sarap ka nga kay Zamir, e. Kami naman..."

Napahagulgol ako ng iyak at pilit na nagpumiglas. Tila wala silang pakialam kahit pa nasa labas kami at pwedeng may makakita. Humawak sila sa katawan ko at nagsimulang humalik sa leeg ko. Napahagulgol ako ng iyak at pilit silang itinutulak at sinisipa pero masyado silang malakas kumpara sa akin.

Natigilan lang ako nang maramdamang may humampas sa isang lalaki, dahilan para bumagsak ito sa sahig. Natigilan ako nang makita si Ria... basa na rin ng ulan at may hawak na dos por dos.

"Mga hayop!" sigaw niya at hinampas din ang isang lalaki. Buong lakas niyang hinampas iyon kaya agad na bumagsak sa sahig, dumudugo pa ang sentido.

Akmang susugurin siya ng natitirang lalaki pero agad din itong hinampas ni Ria sa ulo. Nang mawalan ng malay, pinaghahampas pa ni Ria ang mga 'to nang paulit-ulit. Napatingin siya sa'kin... at agad akong sinugod ng yakap pagkatapos.

Napahagulgol ako ng iyak at gumanti ng yakap sa kaniya. Napaiyak na rin si Ria at yumakap nang mahigpit sa'kin. Hinaplos niya ang basa kong buhok habang umiiyak.

"R-Ria..." Nanginginig na kumapit ako sa damit niya.

"Elaine... S-salamat sa Diyos at nailigtas kita... Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa'yo," umiiyak na sabi niya habang nakayakap nang mahigpit sa akin.

Ayaw kumalma ng katawan ko... matindi pa rin ang panginginig ko habang nakakapit sa damit ni Ria. Mas lalo siyang napahagulgol ng iyak at yumakap sa'kin.

"Hindi ka nararapat sa impyernong 'to... Ilalayo na kita sa lugar na 'to... U-umalis na tayo rito, Elaine."

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
1.2M 44.8K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1M 5.1K 7
Raiah Chavez will do everything to get into Kelton Medical Center, while Dr. Silvester Kavinski is willing to do whatever it takes just to keep her a...
246K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...