Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicro...

By PsychopathxXx

339K 10.3K 1.2K

Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. Th... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
PROLOGUE
1. Weakness Detected
2. Wrong One
3. His Eyes Around
4. Wanted Bride
5. Old Married Couple
6. White Dress
8. Newly-Wed Spark
9. That Side of Him No One has Seen
10. Failing... Falling... Sweetheart
11. Possible Danger
12. A Weekend Getaway
13. Message Received
14. Family Tree
15. The Past and the Present
16. Clear Choice
17. Happy Birthday
18. An Eye for an Eye
19. Spoiled Kid
20. Triggers and Reminders
21. Double Trouble
22. Clingy Baby
23. Flames of Desire
24. Bracelets
25. Baby Tarsier and the Guards
26. Pleasure in Confession
27. Mommy!
28. Birthday Boy's Request
29. Pretty... Queen... Fili!
30. Wedding Vows
Epilogue: Perfect Match

7. The Honeymoon Part

10.6K 304 21
By PsychopathxXx

CHAPTER SEVEN

We got married... not in secret.

Alam ng lahat nang nakakakilala sa amin kahit ang bunso kong kapatid. He was the happiest for me. Hindi na raw siya solo para alagaan ako. But the happiness was short-lived, because it was a different scenario the next day.

Russle was confined in the hospital, and I was a mess since then. Wala ako sa sarili ko. I was worried for him. I promised us two I would be the strong one whenever he gets so sick, but I couldn't even function.

Halos si Gotham ang lahat ng umasikaso sa lahat. He was the sane one. Kung wala siya, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Iyong planong pagtungo namin sa Estados Unidos hindi na natuloy sa biglaang pagka-confine ng kapatid ko.

Gotham assured me the hospital they owned could provide the best care for my brother. He was able to get the best in the field to treat my brother's condition.

My husband was doing everything to save him... in order to save me.

My husband. It was stranged, but a reality for me.

"You haven't eaten," he stated.

Hindi ako kumibo kaya narinig ko ang pagbuntong - hininga niya. I was still waiting on the area while my brother underwent surgery. Kabang - kaba ang aking dibdib. Not eating on time was on the least of my worries. It wasn't a priority.

"You need to have energy. I don't want an incompetent in bed."

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Sinipa ko si Gotham ng mariin, tumama ang aking paa sa kanyang tiyan. Hindi naman nagpatinag ang magaling. He stood his ground, grinning.

"I took that for you. I'd like to see you mad than see you worrying about your brother. Russle's going to be fine, sweetheart. He's a fighter. And he doesn't want to see you starving yourself because you're worried about him." Hinila niya ako patayo. "Let's eat."

Hindi ako sumagot.

Nagpatianod ako sa kanya nang maglakad siya paalis ng waiting area. Pansamantalang tumao muna roon ang kanyang goons. My eyes didn't leave the door of the operating room until it was out of sight.

Dinala niya ako sa cafeteria ng hospital. It was big. Kahit ang cafeteria, mukhang sosyal at pangmayaman. Pinaupo niya ako sa upuan sa gilid habang tumungo siya sa counter upang kumuha ng makakain.

Sinundan ko lang ng tingin si Gotham... ang gwapong asawa ko.

My mind wasn't processing all that happened. And then, Russle was confined in the hospital.

Bumalik si Gotham dala ang isang tray na may lamang iba't ibang pagkain. It was already a packed meal. Nagsimula siyang maghain sa tapat ko bago maupo sa kanyang upuan.

"Come on, eat."

Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakatingin lang sa kanya. I heard him sigh. Muli siyang tumayo, hinila niya ang upuan sa tabi ko. Naupo siya sa may gawing kanan ko.

Gotham picked my utensils and started getting a spoonful of food. Hinipan niya pa iyon bago iharap sa akin.

"Fili..." His voice was dangerous. "I'm going to do whatever it takes to make you eat. Do you want me to fucking chew the food for you? Just say so. Now be a good girl and open your mouth for me."

I rolled my eyes at him.

Masyado siyang mayabang at demanding, akala niya matatakot niya ako sa ganoong paraan.

"The food is getting cold," he told me impatiently.

"Go away, Gotham. You're not asked to do this, so don't. Hindi mo ako kailangang pakainin, at hindi mo kailangang ipamukhang inis na inis ka sa pagiging pabigat ko. Hindi mo kadugo ang nasa loob ng operating room kaya hindi mo alam kung paanong mag-alala. I even doubt you even know how to care about the people around you." Mariin kong binitiwan ang bawat salita.

He stared at me for a second, I saw a glimpse of emotion in his eyes. But I couldn't name what it was.

Instead, he just grinned and shrugged.

"If that's what you think, then so be it." Isinubo niya unang laman ng kutsara, sumandok siyang muli ng bago at iniumang iyon sa akin. "But I wouldn't be dragging you here if I don't. I shouldn't care, here the fuck I am. I'll stop teasing you, just please, eat."

Did he just say please?

"Sayaw ka muna," utos ko.

"What?!" Bumalik ang pagkakakunot ng kanyang noo.

I didn't reply, but I opened my mouth to welcome the food he got for me. Relief twinkled in his eyes. Ipinagpatuloy niya ang pagsusubo sa akin ng kanin at ulam.

My mouth anticipated for every bite of food I ate. Paminsan - minsang kumakain din si Gotham matapos niyang subuan ako. At bawat galaw niya nakamasid ako.

Naibsan din ang gutom na naramdaman ko. I realized I haven't eaten since Russle was confined. Kung hindi pa ako pipilitin ni Gotham, wala pa rin ako ngayong kain. Pinainom niya ako ng maraming tubig at saka juice para manumbalik ang lakas ko.

"I'm thinking you just really want me to feed you," mayabang niyang turan.

Sinamahan niya ako pabalik ng waiting area. He insisted to hold my hand as we walked back to my spot before. His goons took their leave when they saw us approaching the vicinity.

Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay iyong tipong malalasog ang mga buto niya sa daliri. He chuckled. Hindi niya pa rin binitiwan ang kamay ko.

Humarap siya sa akin, pinisil niya ang aking pisngi. "Thanks for eating, sweetheart. You really need energy for our honeymoon." He smirked teasingly.

He's at it again. Akala ko ba hindi na niya ako kukulitin basta kumain lang ako? Sinipa ko siya sa tuhod at inirapan. He just dodged it easily. Mas lalong lumaki ang kanyang ngisi sa labi.

"You're needing practice. You're getting slow."

"Ah, ganoon?" Kinuha ko ang kamay mula sa kanya.

I glared at my punching bag.

Nagpambuno kami sa labas ng operating room. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng ibang dumadaan na staff, basta makaganti ako kay Gotham.

None approached to stop us. That hallway became our battlefield. Hinayaan niya akong atakehin siya, sinasalag niya ang bawat pagtama ng kamao at paa ko sa kanyang katawan.

He grabbed my hand and made me spin. Pinaikot niya kanyang braso mula sa likuran ko. His head was resting on my shoulder while embracing me from behind. Gotham locked me in his embrace, and made sure it was impossible to escape.

"You tired?" He asked huskily. "You had fun trying to hurt me?"

Narinig ko ang paghalakhak niya sa likod ng aking batok, tumindig ang aking balahibo sa tono ng boses niyang laging nang-aakit.

"Are you calm, sweetheart?" masuyo niyang bulong.

I have no energy to resist, but it's a nice feeling to be alive again. Every time we fight, blood rushes to my system. Iyon yata ang bonding naming dalawa ni Gotham --- ang mag-away.

Hinalikan niya ang aking pisngi. Unti - unting lumuwag ang hawak niya sa akin pero hindi niya ako binitiwan. Sumandal ako sa kanya.

"Everything will be fine. Russle will be fine. He's a tough little boy."

Wala iyong aroganteng mapang-inis niyang boses. "I felt weak when I should be the strongest at this moment..." pag-amin ko. I was being honest to him. For some reason, I wasn't hesitant a bit to let him know what I truly felt. "Can you be my strength and the person to lean on?"

"Anything you want me to be," he seriously answered. I felt his lips on my cheek. "Even as your personal porn guy."

Sinipa ko na naman siyang muli. Talagang nagawa pa niyang isingit ang pang-aalaska sa kahit anong okasyon. Sometimes, I just wanted to punch him in the face. Presensya pa lang niya asar na asar na ako.

Inalalayan niyang maupo kami sa bench ng waiting area. Pinagdaop niya ang aming mga daliri habang hinihintay na matapos ang operasyon. He was drawing circles on my palm. Doon ako humuhugot ng lakas.

Sa bawat pagsulyap ko sa gawi ni Gotham, nakatutok din ang kanyang mga mata sa akin. He's so good annoying me. Imbes na mag-aalala sa kapatid ko, napalitan ito ng inis sa bawat antics niya.

But I wanted him here. I wanted him beside me as I face my problem cowardly.

Takot akong harapin ang bawat segundong walang nakaalalay sa akin. It wasn't a good feeling.

"Do you want to make out?" basag sa katahimikan ni Gotham. I gave him a glare. He just shrugged. "You're so tensed, Fili. Loosen up."

"So, that's your way... your coping mechanism?" Inirapan ko siya.

"Is it effective?"

"Medyo," nagkibit - balikat ako. "Imbes na mag-alala ako kay Russle, nababaling sa'yo ang inis ko. Magaling ka roon."

Kinagat ko ang aking labi. Bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina. Napikon ako sa wala sa lugar na jokes niya, napagsalitaan ko siya ng masasakit na salitang lumabas sa bibig ko dahil sa inis.

Gotham's certainly not that heartless... he might be to other people, but not to me and my brother. And I just told him he was.

If he was heartless, he shouldn't be trying to lighten up the mood to ease away my fears.

"Iyong nangyari kanina..."

"Hm, what about it?"

"Sorry for the harsh words." I bit my lip even more.

It was the first time admitting I was wrong. At sa lalaki pa talaga. Kay Gotham talaga.

I don't usually feel any remorse for the things I did, but it was weighing me down. Hindi naman ako ganito dati. Hindi ako nakonsensya noong beses na ninakawan ko siya ng sasakyan. And he's just stupid to let me.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit hinayaan lang niya ako. To think that Gotham is such a wealthy, powerful and dangerous man, he could kill me at that moment... in that instant... but he didn't.

Here we are, married.

He shook his head. "I don't accept apology, wife. Blow job might do."

Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aw, fuck!" Kinamot niya ang parteng kinurot ko pagkatapos ay hinapit niya ako papalapit sa kanya. Hinalikan niya ang aking pisngi. "No need to apologize, I don't mind. I know you're worried about your brother and I'm trying stupidest things to make you stop overthinking about his condition."

Kinagat ko ang labi ko. Gumana na naman ang kawalanghiyaan ng aking kamay, sinapak ko siya. He's becoming a sweet talker, I'm allergic with sweets. Baka hindi na si Gotham ang kausap ko.

"What's that for?!" inis nitong tanong.

Hawak niya ang pisnging nasapak ko. I found his reaction cute.

Tangina. Kinasal lang kaming dalawa... it's nothing more, nothing less.

"Mukhang sinasapian ka ng masamang espiritu tuwing nagiging mabait ka sa akin, kinikilabutan ako," I told him truthfully.

Namulsa siya, tinitigan niya akong parang inaarok ang aking buong pagkatao.

"Are you, really? Or you're just having feelings for me? You don't have to deny it, sweetheart." His voice laced arrogance.

I bit my lower lip. Nag-iwas ako ng tingin.

"Paano kung mayroon nga akong nararamdaman?" I asked in a low voice.

Agad na nagbago ang ekspresyon niyang arogante, sumeryoso ang kanyang mukha.

"Kumukulo ang dugo ko sa'yo, iyon ang nararamdaman ko."

Itinulak ko siya, tumungo ako sa bench at naupo. I was waiting for the door of the operating room to open.

***

Nakahinga ako nang maluwag. Nabunutan ng tinik ang aking dibdib.

It was a successful operation.

My brother had survive and I was extremely proud of how brave and strong he was.

Russle was still staying at the ICU for close monitoring, but I was relieved all went well. I owed Gotham a lot. Pera ko lang ang ginamit na pambayad, but he was the one who provided my brother the best health care possible.

Mabilis siyang umaksyon. His connections made things easier for him. Kahit ang ekspertong doktor sa ibang bansa, nagawa niyang dalhin sa kapatid ko para sila mismo ang tumingin at mag-opera sa kanya.

Gotham fulfilled his role... I haven't done anything to please him and be a good wife.

Mas madalas ko siyang awayin at pag-initan ng ulo. I shook my head slightly. He married me, what does he expect?

"Hi, bunso. Kumusta ang nararamdaman mo?" Russle gave me a beaming smile.

Nag-thumbs up siya sa akin. Pinagbawalan ko muna siyang maglikot at magsalita. He is still recovering from the operation. We can't risk it. Kailangan niya ng sapat na pahinga at enerhiya.

"Masayang - masaya si ate na successful ang operasyon. Proud ako sa'yo," pagkausap ko sa kanya. "Napakatapang ng Russle ni ate. Salamat dahil lumaban ka..." Ngumiti ako.

His hand tried to reach my face to touch it. Agad naman akong lumapit para mahawakan niya.

Pinigilan ko ang sarili kong umiyak sa harap niya. He's the only one that matters to me, and I would die if something bad happens to him.

I wasn't even productive the past few days, it was Gotham who carried me through it all. His annoying tactics didn't let me succumb to my weakness. Iyon lang yata ang nagawa niyang tama sa ilang araw niyang pambubuwesit sa akin, hindi niya ako hinayaang lamunin ng buhay ng takot at pangamba ko.

Russle smiled, but it wasn't for me. Nilingon ko ang bagong dating.

Gotham was standing near the door. He walked toward us.

"How are you, little man?" he asked my brother. They did fist bump while his other hand rested on my shoulder. Gotham is a big man with a big hand, mabigat ang kanyang kamay sa balikat ko. "For a proper man and a soldier,"

Pasimple kong inalis ang kanyang kamay na nakatuon pero para iyong magnet na hindi ko matanggal sa kapit. I just glared at him, but he wasn't paying attention to me. He was just talking to my brother.

I sighed, and just watched the both of them. May dalang maliit na lego puzzle si Gotham, excited itong siniyasat ng kapatid ko. Pinagmasdan ko lang siya. His excitement radiated even without talking.

I just love my little guy. Nothing could break his spirit, not even the operation.

Nanatili siya sa hospital ng ilang linggo para sa recovery at ilang tests pang isinagawa pagkatapos ng operasyon. Russle's doing great.

Madalas akong nasa hospital bilang bantay niya, madalang lang kung magkita kami ni Gotham ng mga sumunod na araw. Tumataon iyon tuwing nagpapahinga ako. I haven't seen him in awhile.

Ang mahalaga, magaling na si Russle. Magaling na ang kapatid ko.

Simula ngayon, maaari na siyang mabuhay kagaya ng ibang bata... and I wouldn't have to worry all the time.

"Excited ka na bang umuwi, bunso?" Tumabi ako sa kanya sa upuan.

He was busy with his other toys from Gotham. Sumulyap siya sa akin at tumango.

"Opo, ate! Uuwi na tayo, yehey!"

Niyakap niya ako mula sa pagkakaupo, natawa naman ako. Hinagod ko ng kamay ang kanyang buhok, bahagyang ginulo ko ito. Muli siyang bumalik sa paglalaro ng lego.

All his bags were already organized in the bed, we were just waiting for Gotham to arrive. Handa na siyang umuwi... sa bahay ni Gotham. We haven't talked yet about our set up. Hindi naman kami mag-asawang tunay...

"Ready?" Umalingawngaw ang baritonong boses ng lalaki.

Inalalayan ko namang tumayo ang excited na kapatid ko. Sinalubong niya ang kanyang hilaw na bayaw. Tumayo naman ako at naglakad patungo sa mga bagahe ni Russle sa ibabaw ng kama.

"Leave that to my men, Fili. You're my wife, not my assistant." Dumagundong na naman ang boses niya.

Hindi naman ako nakinig. Why would I even listen? Umirap ako sa ere at binuhat ang mga gamit ng kapatid ko, hindi naman iyon gaanong mabigat. Isa pa, sanay naman ako.

Hinablot niya sa akin ang mga dala ko, buhat pa niya ang kapatid ko. S'yempre, hindi naman ako nagpatalo, hinigit ko iyong pabalik. I made sure he wouldn't get it again from me.

"Para pa rin kayong aso't pusa, ate at kuya bayaw." komento ni Russle.

Nagtama ang aming paningin. "Your sister is hard-headed," Gotham answered without looking away.

Inirapan ko siya. Umikot ang mata ko sa kabuuan ng kwarto sakaling may naiwan pang gamit si Russle, mukhang naigayak ko naman ang lahat.

"Tara na..." aya ko sa dalawa.

Nauna na akong naglakad palabas ng kwartp bitbit ang mga bag. Gotham's men tried to get the bags from me but I didn't let them. Kaya ko namang magbuhat, hindi naman iyon masyadong mabigat. They didn't need to help me.

Nang makarating sa exit ng hospital, pumarada ang isang magarang sasakyan. Pinagbuksan kami ng mga tauhan niya.

Unang bumungad ang mga laruan at dekorasyon sa sasakyan para kay Russle. Napangiti ako. My brother couldn't hold his excitement and happiness with Gotham's surprise.

When I glanced at his direction, he winked at me. Umismid ako. Sinundan ko sa pagpasok si Russle sa sasakyan. Gotham slid inside with ease.

"Thank you, kuya bayaw! Ang dami mo ng gifts sa akin, hindi ko naman po birthday!"

"That's the welcome for a brave gentleman," he caressed his hair softly.

I bit my lower lip.

He knew what buttons to push to make me soft. Si Russle lang naman ang katapat ng pagiging matigas ng puso kong kagaya ng bato.

Napakislot ako ng may lumapat sa lap ko. It was bouquet of flowers from Gotham. Nakatago iyon sa likod na upuan.

Kumunot ang noo ko. "Why are you giving me flowers?"

"Why not?" He shrugged.

"Hindi pa ako patay," I gritted my teeth.

He chuckled. "What if I am?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "Ako talaga ang papatay sa'yo," I told him.

"Go ahead," Pasimple siyang umisa ng halik sa aking pisngi.

I just rolled my eyes. Hinawakan ko ang bouquet at inamoy ang aroma ng mga bulaklak. It smells so nice.

Nang mag-angat ako ng paningin, naninitig pa rin siya sa akin. He caught me sniffing the flowers. To hide my embarrassment, I just gave him a death glare. Uminit ang aking pisngi.

When we arrived at Gotham's mansion, we were greeted by decorations and festivities. There were fountain of gifts and foods. Wala namang ibang bisita kung hindi kami lang at saka... ang ilan niyang mga kaibigan na nakipag-high five sa kapatid ko.

They welcomed him like a champ. Tuwang - tuwa ang kapatid ko sa mga kalaro niyang kasinglaki ng mga higante. Invested na invested iyong Chinese sa kapatid ko, siya ang nagtanong sa kanya ng maraming katanungan tungkol sa operasyon.

I went to the long table to get something for my brother. Muntikan na akong mapatalon nang naramdaman ko ang kamay ni Gotham na bumabaybay sa aking baywang.

The next thing I knew, he was trying to put a cheese on my mouth.

Sinamaan ko siya ng tingin. "'Wag mo nga akong binibigla, kung makapagsubo ka, ah. Mabubulunan ako!"

His playful smirk didn't fade. "Subuan mo rin ako," sinabi niya ng may accent.

Tumaas ng kusa ang kilay ko. "Bata ka ba?" inis kong tanong. "May kamay ka, ah. Gawin mo, hindi iyong inuutusan mo ako. Hindi mo ako katulong, Gotham. Asawa mo ako, ipapaalala ko---"

I stopped seeing his smirk growing wider. Kinagat ko ang aking labi nang mapagtanto ang mga katagang binitiwan ko.

Wow, asawa.

"When is the honeymoon, then, sweetheart?"

I gulped. Hindi ko ito napaghandaan sa pag-aasawa --- the honeymoon part.

"When will we consummate the marriage?" baritonong tanong niya. He even cornered me against the table.

Nablanko ang utak ko. I could usually come up with a better comeback, but I got a mental block. Mainit niyang halik ang bumungad sa akin ng banggitin niya ang salitang honeymoon. It wasn't a good sign, I shouldn't be thinking of that.

My eyes widened when I felt his lips on mine. It was sudden, and abrupt but enough to wake the desire inside my body.

"Why did you do that?" nanghihinang tanong ko.

"Your lips looked lonely for a second, it needs my company," he answered smugly.

Natauhan ako sa sagot niyang iyon, inundayan ko siya ng isang sapak. Hindi siya umilag, hinintay niya lang iyong tumama sa kanyang balat.

"I'll let it slide this time, I was able to kiss you in the lips. Come to think of it, I'll let your tries slide more than once." Pinitik niya ang tungki ng ilong ko.

Tinabig ko ang kanyang kamay. Sa inis ko, sinubuan ko siya ng malaking bloke ng cheese. Napaubo siya at nasamid na ikinangisi ko.

Nagsimula akong magsalin ng mga putaheng p'wede nang subukan ng kapatid ko ng konti. Russle could try some of the foods he wasn't allowed before. Excited na excited siya rito.

Hindi ako nakatiis, inabutan ko ng juice si Gotham na panay pa rin ang ubo.

"Ano ka ngayon?!" Inirapan ko siya.

Nakangisi akong umalis sa harap niya dala ang platong may lamang pagkain para kay Russle. He was busy doing inspection on his new toys with Gotham's friends and showing them how to play them.

My heart's at ease. Napakapayapa ng kalooban ko habang pinagmamasdan ko si Russle.

In the back of my mind, I was afraid to be fully happy. Pakiramdam ko hindi ako p'wedeng lubusang maging masaya dahil kapalit noon ay sobrang kalungkutan. My happiness should have a reservation for the sadness that might struck me in the next days.

Sana ganito lang palagi... sana masaya lang kasama ang kapatid ko.

But we don't have a normal life like the others.

***

Things were going smoothly the past few days. My brother was living his best life, and I'm happy seeing him more alive and active than before. Hindi mawala ang ngiti niya sa labi simula nang umuwi kami.

It was bothering me... I felt like something was not right. I just couldn't tell what was wrong in this whole situation. Hindi ako naniniwalang hinahayaan ako ng tadhanang maging masaya. What's the fucking catch?

Sinindihan ko ang sigarilyo habang tanaw ang abalang kalye sa ibaba. Someone enveloped his hand on my waist. The scent belonged to Gotham.

Wala namang ibang taong may lakas ng loob na yakapin ako mula sa likuran. It was just him.

Hindi ko narinig ang mga yabag niya, naramdaman ko na lang ang paglapat ng kanyang mga braso sa aking baywang.

"Happy honeymoon, sweetheart," baritonong bulong niya sa aking tainga.

I puffed a smoke. Hinayaan ko ang kamay niyang nasa baywang ko. I should've pushed him away to put out the fire building inside of me in just a fraction of contact of our skin. He's igniting the fire from within, sinisilaban ako sa tuwing naglalapat ang aming balat.

We flew to Hong Kong for the honeymoon after my brother's recovery. Buwan na ang lumipas simula nang magpakasal kami sa huwes. Bitbit niya kaming dalawa ni Russle palabas ng bansa.

Anong honeymoon?

Eh, wala siyang ibang ginawa kundi ipasyal niya ang kapatid ko sa mga sikat na pasyalan. Kulang na lang magpalit ang mukha ng dalawa dahil hindi mapaghiwalay. They are so close with each other.

Walang nangyari dahil iba ang inaatupag niya. I wasn't expecting anything, I was just telling the truth.

"Why are you here? Bakit hindi mo kasama si Russle?" Tumaas ang kilay ko at muling nagbuga ng usok.

He rested on my shoulder, his lips was sneaking to kiss me on the neck. "Are you jealous? Are you jealous I'm spending more time with your brother?" he asked huskily.

His hands were slowly travelling to my belly, teasing me a bit. Napaigtad ako, halos mabitiwan ko ang hawak na sigarilyo. Iniharap niya ako sa kanya.

Binasa niya ang kanyang labi at ngumisi. Tamang nakasunod lang ang tingin ko sa labi niya.

"I'm trying to drain his energy... there wouldn't be any hindrance when we... destroy the fucking bed." He put my the hair covering my face behind my ear. "Get ready, I'll fuck you until sunrise."

"'Wag puro salita kung kulang naman sa gawa," I gritted my teeth.

Nanginginig ang buong kalamnan ko --- hindi sa takot.

I hate to admit it, but I am failing to resist his seduction.

Masyadong gwapo, hindi ko mapigilan ang sarili kong pagnanasa sa lalaki. Talagang ginayuma niya yata ako. Fuck, I can't deny the sexual tension between us. It had been there since waiting to be recognized.

At kapag hinalikan niya ako, kusang gagalaw ang mga labi ko upang halikan siya pabalik.

That's what he did, he kissed me so passionately in the balcony, I was losing my mind.

My body was aching for his touch. Nawawala ako sa wisyo.

Sinagot ko ang intensidad ng kanyang halik. Ginaya ko ang bawat galaw ng kanyang labi. I realized I had been waiting for this to happen the moment I tasted his lips. Hinanap ng katawan ko ang lasa ng kanyang labi.

Bahagya niya akong isinampa sa pasamano ng balkonahe. My legs wrapped around his lower torso. Even with clothes, I could feel the monstrous being inside his pants. The mere contact sent tingly sensation all over my body.

Napapikit ako sa sensasyong namayani sa aking katawan.

He could push me to my death and I wouldn't care at the moment --- but I don't want to die a virgin.

Fuck his gayuma. Fuck Gotham Wolfgang.

Binuhat niya ako at dinala sa kama.

For the first time in my life, I let man rule over me... I will let him dominate me, just this once...

In bed.

My whole system was screaming to be invaded by him.

***

Happy Valentine's Day!

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 73.3K 35
Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. They fear no one. But just like the other...
902K 23.6K 34
Lars and Maddie are the exact opposite of one another. The first time they meet, they already clashed because of different points of view in life...
161K 4.5K 38
She's a gold-digger... In this economy, respect the hustle. The Gold-digging Mastermind | PsychopathxXx __________ Warning: R-18 | Story not suitable...
511K 8.7K 47
NOTE : my character isn't perfect like you, like us, they make mistakes, they cry and get hurt. She sacrificed everything for family, she gave up eve...