Adam's POV
"Great! Just great!" I said with sarcasm nang ibaba ko ang telepono. Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo? I made a promise to Arkisha na magdedate kami ngayon pero ng dahil sa biglaang meeting, kaylangan kong i-cancel yon.
"Hello Babe, I'm sorry but hindi matutuloy ang date natin today. May biglaan akong meeting sa kliyente ko eh. I am really sorry. Promise, babawi ako sayo."
"It's okay. I understand. I love you", sagot niya sa kabilang linya.
"I love you more."
Kaya naman mahal na mahal ko si Arkisha eh, sobrang understanding.
"Ay! Teka Maam, sandali po! Magagalit po si Sir Adam niyan--"
Naagaw ang atensyon ko ng ingay sa labas. Pag-angat ko ng tingin, its my secretary and.. Scarlett?
"Sir, pinipigilan ko po siya pero--"
"It's okay. Iwan mo na kami", sabi ko sa secretary ko.
"S-scarlett?"
Hindi ko kasi ineexpect na makikita ko siya dito sa opisina ko. Parang may nagbago sa kanya. I can't deny na mas gumanda siya ngayon. Mas pumuti, mas naging sophisticated.
Si Scarlett, ang babaeng minahal ko noon. Ang babaeng naging mundo ko noon. Ang babaeng halos alayan ko ng buhay ko noon.
Noon. Hindi na ngayon.
"So kamusta ka na?" tanong niya.
"I'm perfectly fine", sagot ko. "Napadaan ka? What do you want?"
Wala naman kasi akong maisip na dahilan para maligaw siya dito.
"You."
AKO? What the hell?!
"I want you back", dagdag pa niya.
What can I say? She can't be serious!
"Wala ka bang sasabihin? Silence means yes, right?"
"No."
"Oh cmon AJ. Huwag na tayong maglokohan. Alam ko naman na hanggang ngayon mahal mo pa rin ako, so bakit pa natin papahirapan ang isa't isa?"
AJ. Isa nga rin pala siya sa tumatawag sa akin ng pangalang yon. I almost forgot.
"Tama ka", sagot ko. Sawa na ako sa mga kalokohan niya.
"See?"
"Tama ka. Huwag na nga tayong maglokohan, so if I were you, lumabas ka na dito sa opisina ko!" sigaw ko.
She was shocked. Maybe she didn't expect na kaya ko siyang sigawan.
Nagawa pa niyang tumawa. "Kahit kailan, palabiro ka talaga! One of the things I love the most about you."
I know, but making her laugh wasn't my intention!
"Hindi ako nagbibiro, hindi kita kailangan", matigas kong sabi.
"AJ, I know nasaktan kita, pero hindi ko ginusto yon. Kung alam mo lang lahat, you will understand me."
Malungkot ang boses niya pero hindi ako pwedeng magpadala.
"I know everything. Lahat ng panloloko mo."
"That's a lie. Hindi kita niloko!"
At ako pa ang sinungaling?!
"Huwag mo akong gawing tanga! Ano akala mo sa akin bulag? I saw you. You were kissing a guy, at hindi iyon ang unang beses!"
Mas malakas ang boses ko kesa sa unang sigaw ko sa kanya kanina.
"Please AJ, you have to hear my explanation. Let's take a lunch."
"I don't wanna hear any of your explanations! Umalis ka na."
Tinalikuran ko siya. Hindi ko na kakayanin pa ang iba pang kasinungan na lalabas sa bibig niya. Naramdaman ko na lang ang paglapit niya at ang pagyakap niya mula sa likod ko.
"AJ please?" ramdam ko ang pagmamakaawa sa boses niya.
Hinarap ko siya at hinawakan ang dalawa niyang braso.
"I don't wanna hurt you so please, umalis ka na lang", malumanay kong sabi. Hindi ko alam baka kung ano pang magawa ko sa kanya kaya pinaalis ko na siya.
"Okay. I will leave pero magkikita pa tayo", paalam niya. Next thing I know kinabig na niya ako at hinalikan. Nagulat ako sa ginawa niya.
"Bye Hon", sabi niya palabas ng opisina ko.
Hon. Ginamit pa niya ang endearment namin noon!
Hindi ba siya titigil?!
Nasipa ko ang silya sa harap ko sa galit.
"Sh*t!"
Wala na bang mas ikamamalas ang araw na to?!
Tumunog ang intercom.
"What?!" padabog kong sagot sa secretary ko.
"Sir, tumawag po yung secretary ni Mr. Mendez, cancelled daw po ang meeting nyo today, may food poison daw pong nangyari."
Ano ba ang dapat kong maramdaman? Dapat ba akong malungkot sa nangyari kay Mr. Mendez o dapat ba akong matuwa dahil pwede ng matuloy ang date namin ni Arkisha?
My phone rang.
Paris.. Calling.
Padabog kong sinagot ang tawag.
"What?!"
"Bakit ba ang init ng ulo mo? Magkita tayo. May importante tayong pag-uusapan", sabi ni Paris.
"I can't. I have a date today", sagot ko.
"Date? Date na naman?? Makakapaghintay naman yang date mo pero ang pag-uusapan natin, hindi. Meet me at my favorite restaurant. I'm on my way. Bye."
Damn!
Mabuti na lang hindi ko pa natatawagan si Arkisha na pwede ng matuloy ang date namin. Nagpunta na ako sa favorite restaurant ni Paris.
"There you are, my favorite brother!" bati ni Paris.
Favorite brother? Eh ako lang naman ang kapatid niyang lalaki. Pssh.
"Ano ba yung sinasabi mong mahalaga nating pag-uusapan?"
"Don't be so excited. Maupo ka nga muna. Bakit? Naghihintay na ba ang ka date mo? Let her wait!"
Kumunot ang noo ko.
"I mean, hello! There's a lot of time. Waiting for about thirty minutes won't kill her", bawi niya.
I let it pass. Hindi din naman natuloy ang date namin eh.
"How dare you refused her invitation", sabi niya.
Naguguluhan ako. Pagtingin ko sa direksyong tinitingnan niya, I saw Scarlett, papalapit sa table namin.
Damn! This is a set up! Tiningnan ko ng masama si Paris. Mas lalo akong nainis ng makitang nakangiti siya. Nagdidiwang siguro ang loob niya na nauto niya ako. I'm gonna kill her!
No. I'm gonna kill both of them!
Tumayo si Paris, akmang aalis na.
"Be nice to her, dear brother", bulong niya sa akin.
Kahit na nagpupuyos ako sa galit, pinilit kong kumalma. Umupo na sa katapat kong silya si Scarlett.
"You don't know when to stop, do you?" tanong ko kay Scarlett.
"I won't stop till I get you back", sagot niya.
She flashed her close up smile.
"Bakit ba ganon ka kaconfident na babalik ako sayo?"
"Because I know you will. Look AJ, I want to say sorry for all the things I've done to you. For all the pain, but I wanna let you know na hindi lang ikaw ang nasaktan, mas ako."
"Mas? Why? Dahil ba niloko ka din ng mga naging nakarelasyon mo?"
Nakita ko ang galit sa mga mata niya.
"You have no idea how much I've suffered", halos paiyak na ang boses niya. "Hindi mo alam ang pakiramdam ng nawalan ng isang taong mahalaga para sayo."
"Alam ko yon, because I felt that the day you left me", sagot ko.
"I have my reasons kaya ko nagawa ang lahat ng yon, AJ."
Tiningnan ko siya sa mata at may namumuong luha sa mga yon.
"Nang mga panahong yon, alam kong hindi pa tayo parehong handa sa responsibilidad kaya naman pinili kong lumayo sayo. Alam kong may malaking future na naghihintay sayo at ayokong maging sagabal kaming dalawa.."
Unti unting pinaprocess ng utak ko ang mga sinabi niya.
NO!
"..pinili kong ilihim sayo ang ang kondisyon ko. Ayokong malito ka. Hindi kita kayang papiliin kung kami ba o ang future mo.."
Tumulo na ang luha niya.
"..tuwang tuwa ako ng malaman ko na nagbunga ang pagmamahalan nating dalawa at the same time, natakot ako. Natakot ako sa mga consequences. Alam kong hindi ka papayag basta basta na lalayo ako. Alam kong hindi ka maniniwala kapag sinabi ko sayo na "wala lang, gusto ko lang lumayo sayo" kaya naman ipinakita ko sayo na may iba na akong mahal. I hate to see you in pain pero mas nangibabaw pa din talaga ang takot ko na sabihin sayo ang sitwasyon ko.."
Tuloy tuloy na ang pagluha niya. Ramdam ko ang sakit at lungkot sa bawat salitang binibitawan niya.
"Scarlett", ang tangi kong nasambit.
"Umalis ako ng bansa at lumayo sayo. Pero dala na rin siguro ng depression at lungkot, I lost him. I lost our child.."
Humagulgol na siya ng iyak. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Inilapit ko ang silya ko sa kanya at inalo sa pag-iyak.
Kung ganon, muntik na akong maging isang ama?!
How could I never known? Pakiramdam ko ngayon, wala akong silbi.
"Mas natakot ako. Nanghinayang. Mahal na mahal ko ang anak ko pero bakit siya kinuha? Ito ba ang kapalit ng paglilihim ko sayo? Kung alam ko lang sana nagtake na lang ako ng risk."
Patuloy pa din siya sa pag-iyak.
"Ssshh.. Tahan na, Scarlett."
"AJ, I love you so much. I tried to be brave sa harap mo noong nagkita tayo, pero ngayon, I can't hide my true emotions. I'm sorry kung naglihim ako sayo. Sa kagustuhan kong maprotektahan ang anak natin, lalo siyang nawala. If only I could turn back time, gagawin ko, pero hindi na, kaya kasalanan ko to! This is all may fault!!"
Niyakap ko siya.
"Scarlett, tama na, huwag ka ng umiyak. It's not your fault, ako ang dapat sisihin. Ako ang ama, pero wala akong nagawa."
"AJ please, hindi ko na kaya kung pati ikaw mawawala sa akin, ikamamatay ko. Please tell me hindi mo ako iiwan."
Inayos ko ang buhok niya at mas yumakap siya sa akin.
"Please AJ, don't ever leave me", paulit ulit niyang sinasabi.
Honestly, I don't know what to say. Hindi ko kayang makitang nagkakaganito si Scarlett pero mas hinding hindi ko kayang saktan si Arkisha.