El Violador

By JuanCaloyAC

393K 8.3K 1.2K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Sex Deadly Sins Read at your own risk. Maximiliano DiM... More

Welcome Hindots!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Finale
It's me, hello, I'm the author.

Chapter 24

8.2K 219 38
By JuanCaloyAC

Nagising na lang ako isang umaga sa mainit na yakap ni Maximo. Mukha niya ang unang bumungad sa aking mga mata. Himbing pa rin siyang natutulog dahil may mahina siyang paghilik. Pinagmasdan ko naman ang buong mukha niya. Kay gwapo talaga ng Espanyol na ito.

Kung maglilihi nga ako sa kanya, sana ay mukha lang ni Maximo ang makuha ng anak namin dahil ayokong pati ang ugali. Baka mamaya ay makuha rin ng anak namin ang ugaling mananakop at sakupin na lang ang mga dalagang Negrenses.

Napatingin pa ako sa namumula niyang labi. Ito lang naman ang labing humalik sa akin kagabi. Hindi ko na siya nagawang pigilan. Hindi ko alam, para bang ginagayuma niya ako kaya napapa-oo na lang ako sa gusto niya. Pero ang galing niyang humalik. Buti na lang ay siya na mismo ang huminto dahil baka may mangyari pa sa amin.

Mas humigpit pa ang yakap sa akin ni Maximo kaya mas dumikit ako sa katawan niya. Amoy ko pa rin ang mabangong sabon sa katawan niya. Napatitig naman ako sa dibdib niya nang may maramdaman akong sumusundot sa hita ko. Bakit parang may isang buhay na bagay sa ibaba ni Maximo? May daga bang nakapasok sa kwarto ng senyorito?

Dahil sa pagiging usisera ko ay kinapa ko ang bagay na 'yon. Teka, nasa pagitan siya nang mga hita ni Maximo. At ang tigas niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ito.

Ang ari ni Maximo!

"Ahhhh!!!" Tili ko.

Agad naman napabalikwas si Maximo at napabangon sa kama. Papungas-pungas pa ang mga mata niya at magulo pa ang buhok niya na napatingin sa akin. "Ano'ng nangyari, Esme? May masakit ba sa'yo? Ayos ka lang ba?"

Nakatingin lang ako diretso sa mga mata niya pero nakaturo ako sa nakaumbok sa pandiyama niya. "Bakit buhay 'yan?"

Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa tanong ko sabay tingin sa bagay na tinuturo ko sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata niya sabay talikod sa akin. "Mierda!"

Kita ko naman na parang inayos niya ang ari niya. Nahawakan ko ang ari niya! Hindi man ang mismong ari niya pero nadama ko pa rin 'yon mula sa suot niyang pandiyama. Ito ang unang beses kong humawak ng ari ng lalake. At bakit gan'on kalaki 'yon?! Parang hindi nagkasya sa kamay ko!

Muli naman akong hinarap ni Maximo, wala na iyong nakatayo sa pandiyama niya pero may bukol pa rin. "Esme, patawad. Walang ibig sabihin 'yon. Karaniwan na sa mga kalalakihan ang paninigas sa umaga. Esme, wala akong balak gawin sa'yo. Kita mo namang mahimbing pa ang aking pagtulog."

Tinalukbong ko lang ulit ang kumot hanggang sa ulo ko. Kay bastos na umaga naman nito. Alam ko namang tulog pa siya, at ngayon ko lang nalaman ang gan'ong bagay sa mga lalake. Kung gan'on pala lagi, hindi talaga kami pwedeng magtabi! Dahil ayokong makasanayan na laging nadadama ang ari niya sa umaga!

"Esme..."

"Oo, alam kong tulog ka." Sagot ko naman sa kanya. "Nakakahiya lang ang nangyari. Hindi ako sanay sa ganito, Maximo."

Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga at dama ko rin ang pag-upo niya sa gilid ng kama. "H'wag mo namang hilingin na maghiwalay tayo sa pagtulog. Kagabi lang ulit ako nahimbing sa pagtulog, Esme."

Tinanggal ko naman ang talukbong ng kumot sa mukha ko para tignan siya. "Ano'ng gusto mo? Masanay ako d'yan sa ano mo." Sabay nguso sa ari niya. "Maximo, ni hindi pa nga tayo kasal."

Tumango-tango naman siya na halatang inaantok pa dahil naputol ko ang mahimbing niyang pagtulog. "E, habangbuhay na tayong magsasama, Esme. Hindi ko naman pinipilit agad na kasanayan mo ang lahat. Pero may mga bagay na hindi na natin maiiwasan ngayon. Unti-unti na natin sanayan ang sarili natin sa ganito, Esme."

Matagal ko naman siyang tinitigan. Bakit ang gwapo pa rin niya kahit bagong gising siya? Noong nagpaulan ba ang D'yos ng magandang mukha ay sa Europa lang? Tas pagdating sa ibang bansa ay ambon na lang?

Napabuntong-hininga naman ako. "Oo na. Tabi pa rin tayo matutulog."

Sanayin ko na lang ang sarili ko sa buhay niyang ari tuwing umaga. Alam ko naman na dadarating ang gabing may mangyayari ulit sa amin. Hindi naman maiiwasan 'yon dahil magkasama kami sa iisang kwarto. Ganitong buntis ako at ang taas ng damdamin ko kaya pansin na pansin ko ang akit na taglay ni Maximo.

Kita ko naman ang pagpipigil ng ngiti ng senyorito. "Salamat, misis."

Inirapan ko naman siya. Hindi ko na ata matatanggal sa kanya ang pagtawag sa akin ng misis. Oo, ikakasal palang kami. Ito namang lalakeng ito, masyadong sabik na tawagin agad akong misis.

Bumango na ako sa kama at dumiretso sa banyo para ayusin ang sarili ko. Umihi muna ako at dinig ko ang pagpasok din ni Maximo sa banyo. Buti na lang may isa pang pinto ang humaharang sa inidoro kaya hindi ako kita.

Matapos kong umihi ay agad kong binuksan ang pinto. Napatingin naman sa akin si Maximo na nagsisipilyo na ng ngipin niya. Basa na rin ang mukha niya at ang unahang buhok niya na mukhang sa lababo na naghilamos. Inabot naman niya sa akin ang sipilyo ko.

Tinignan ko naman siya nang masama. "Umiihi ako, Maximo. Bakit ka basta-basta na lang pumapasok?"

Napatingin naman siya sa pinto sa gilid ko na sarahan para sa inidoro. Nasa kabilang gilid kasi ang paliguan. Parang gusto niyang sabihin na may pinto naman at sarado kaya hindi niya ako nakitang umihi kanina. Pati ba naman dito sa banyo ay kailangan kong sanayin ang sarili kong maglabas-masok kami kahit may isang gumagamit sa amin ng banyo.

Napairap na lang ulit ako sabay lapit sa kanya at kinuha sa kanya ang sipilyo ko para simulan na ring linisin ang ngipin ko. Pareho naman kaming nakatingin sa repleksyon namin sa salamin. Para na kaming mag-asawa.

Naramdaman ko naman ang isang braso niya sa likod ko at kita ko mula sa salamin na inabot lang ng kamay niya ang tiyan ko at hinaplos 'yon. Alam ko namang hindi tiyan ko ang gusto niyang haplusin kung hindi ang anak namin.

Napatingin naman ako sa kanya mula sa salamin. Nakatingin din pala siya sa akin. Ngumiti pa siya na parang masaya sa nangyayari sa pagitan naming dalawa ngayon. Kilig na kilig naman si gago.

Yumuko na ako para magmumog pero ang kamay niya ay tuloy pa rin sa paghaplos sa tiyan ko. Isang buwan pa lang ang tiyan ko, Maximo! Baka nga munggo pa lang ang anak natin sa tiyan ko. Makahaplos naman siya akala mo ay may umbok na ang tiyan ko.

Matapos kong magmumog ay inalis ko na ang kamay niya dahil pupunasan ko na ang bibig ko sa tuwalyang nakasabit sa pader. Palabas na sana ako nang banyo nang tawagin ako ni Maximo kaya napalingon ako sa kanya. Tapos na rin siyang magmumog.

"Esme," Tawag niya sa akin sabay hakbang palapit sa harap ko. Ngumiti siya sabay nguso. "Baka pwedeng makahingi ulit ng halik?"

Napatitig lang ulit ako sa kanya. Nakatingala ako sa kanya kasi mas matangkad talaga siya sa akin dahil hanggang dibdib lang niya ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko, napagbigyan ko kasi siya kagabi kaya hihingi na naman ito ng pabor.

Tutal ay pareho nang mabango ang hininga namin kaya tumango na lang ako. Ngumiti siya sabay hawak ng isang kamay niya sa kaliwang pisngi ko habang ang isang braso niya ay hinapit ang katawan ko para dumikit sa katawan niya.

Pumikit lang ako nang damahin ko ulit ang labi niya. Napahawak lang ako sa matitigas niyang braso. Gumalaw pa ang labi niya kaya sumunod na lang ang labi ko sa gusto ng labi niya. Ayoko sanang masanay sa halik niyang ito dahil baka ako naman ang maghanap nito sa kanya.

Maximo, bakit ang sarap mong humalik?! Ilang taon ka ba nang matutong makipag-laplapan, ha?!

Kinagat pa ng labi niya ang ibabang labi ko bago huminto sa paghalik sa akin. Dumistansya ang mukha niya sa akin para tignan ako. Ngumiti siya sabay ayos ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Magandang umaga, misis." Pagbati niya sa akin.

Ganito na ba ang mga umaga ko? Gigising ako sa mga yakap niya, mag-aayos ng sarili na siya ang katabi ko, at siya ang unang babati sa akin sa umaga. Maximo, ang dami mong binabago sa buhay ko. Pati ba ang puso ko ay kaya mong baguhin at mapa-ibig ako sa'yo?

"Magandang umaga rin, Maximo." Bati ko rin sa kanya.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Mag-agahan na tayo, Esme. Baka nagugutom na ang anak natin."

"Maximo, isang buwan pa lang akong buntis." Sagot ko naman sa kanya.

Hinila lang niya ako palabas ng kwarto at itinawag sa ibaba gamit ang isang telepono sa kwarto niya para i-utos lang na i-akyat ang agahan namin. Dumiretso naman kami sa balkonahe ng kwarto niya. Dalawa silang kasambahay ang nag-akyat ng pagkain namin ni senyorito.

Magkaharap naman kaming kumakain ni Maximo sa pabilog na lamesa. May pahabang tinapay na sinasawsaw si Maximo sa mainit na tsokolate. Lahat na lang ng pagkain sa mansion na ito ay bago sa akin.

"Ano naman ang tawag sa pagkain na ito?" Taka kong tanong sa kanya.

"Churros." Sagot naman niya. "Masarap din ito sa kanela."

Kinuha niya ang isang maliit na budburan at tinaktak ang kanela sa churros na nasa platito ko. Matapos niyang budburan ng kanela ay linapag niya lang ulit ito sa gilid ng mesa. Kinuha naman niya ang maliit na kutsilyo at tinidor sa gilid ng platito ko para hiwain ang churros. Tinusok naman niya ang tinidor ko sa hiniwa niyang churros sabay sawsaw nito sa mainit na tsokolate.

"Ah," Banggit niya na ngumanga pa para sabihin na isusubo niya sa akin ang pagkain.

Siningkitan ko naman siya nang tingin. "May kamay ako, Maximo. Kaya kong kumain. Hindi mo ako kailangan subuan."

Napabusangot naman siya sabay nguso. "Gusto ko lang namang alagaan kayo ng anak natin, Esme."

Ano ba 'tong si Maximo? Kulang ba siya sa aruga noong bata siya? E, inalagaan naman siya ni Aling Caridad. Pati ba kalambingan ay sinalo niya sa Espanya?! Bakit ubod siya ng lambing?!

Napabuntong-hininga naman ako sabay subo ng churros sa tinidor. Kita ko naman na ngumiti na siya sa ginawa ko. Minsan, iniisip ko na lang na epekto ito ng guerra sa kanya. Ilang taon ba siyang hindi nagkaroon ng babae dahil sa guerra kaya ganito siya sa akin?

"Masaya ka na?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

Nagpigil naman siya nang ngiti sabay tango. "Opo. Sobra po."

"Ang galing naman ng kaibigan kong sumubo."

Napalingon naman kami ni Maximo sa nagsalita. Si Hilda na kakapasok lang sa kwarto at naglalakad palapit sa amin. Naupo pa siya sa bakanteng upuan at walang hiyang kinuha ang tasa ko ng tsokolate at kinamay na lang ang churros.

"Hmmm..." Bulalas ni Hilda matapos niyang tikman ang churros. "Ang sarap naman nitong mahaba, kulay kayumanggi at medyo may katigasan na pagkain. Dito lang pala ako sa mansion makakatikim nito."

Pinanlakihan ko naman ng mga mata si Hilda. Ito na naman siya sa mga bastos niyang biro. Kita ko naman si Maximo na napakunot-noo lang sa sinabi ni Hilda.

"Churros ang tawag d'yan, Hilda." Pagpapaliwanag pa ni Maximo.

"Sharap." Sagot naman ni Hilda habang puno ang bibig at ngumunguya pa.

Napakasalaula talaga ng babaeng ito. "Ano ba ang ginagawa mo rito, Hilda? Baka magalit ang don at donya sa atin na basta-basta ka na lang nagpupunta rito."

"Ah, hindi." Singit naman ni Maximo. "Pinatawag ko talaga siya rito. Magiging abala kasi ako sa sakahan kaya ipapasama kita kay Hilda sa bayan para magsimula ka ng pumili ng isusuot mo sa kasal natin. Pwede ka rin magpagawa. Kung ano ang gusto mo, Esme, pera ko naman ang gagamitin sa mga gagastusin natin."

Tuloy na tuloy na talaga ang kasal naming dalawa. Malapit na akong maging isang ganap na DiMarco. Magiging asawa ko na si Heneral Maximiliano DiMarco.

"Hala, senyorito. Pati ako pipili rin ng susuotin sa kasal niyo? Nakakahiya naman pero sige kung ipipilit mo, senyorito. S'yempre imbitado ako, 'di ba?" Pangunguna ni Hilda na ang kapal ng mukha na hindi man lang niya hinintay na si Maximo mismo ang mag-alok sa kanya.

"Oo naman." Natatawang sagot ni Maximo sa kaibigan ko. "And'on ka na kaya pumili ka na rin. Sagot ko na rin ang damit na susuotin mo."

Pumalakpak pa si Hilda sa saya sabay tingin sa akin. "Makakasuot din ako ng disenteng kasuotan. Ang bait talaga ng senyorito. Sana h'wag ka munang kunin ng D'yos."

Putragis ka talaga, Hildaria!

Pinagpatuloy na lang namin ang agahan. Nauna munang naligo ang senyorito habang nasa balkonahe pa rin kami ni Hilda kumakain. Umalis na rin si Maximo para pumunta na sa sakahan kaya ako naman ang naligo habang naghihintay si Hilda. At nang makapag-ayos na ako ay pumunta na nga kami ng bayan gamit ang kalesa.

"Ano bang gusto mong suotin, Esme?" Tanong sa akin ni Hilda habang naglalakad-lakad na kami sa bayan.

"Gusto ko ng simple lang." Sagot ko naman. "Isang araw ko lang naman gagamitin."

Nagtitingin-tingin pa kaming dalawa sa bawat patahian ng mga damit na aming nadadaanan hanggang sa mapahinto ako sa isang patahian. Kita ko ang isang babaeng sinusukat ang isang magandang traje de boda. Mukhang mamahalin ang suot niya. Umikot pa ang babae kaya nakilala ko kung sino siya.

Si Jacinta---ang babaeng papakasalan ni Armando.

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 150 51
|| EXPLICIT MATURE CONTENT!! || || WARNING ⚠ R 🔞 || ||UNEDITED|| 𝙳𝚘𝚜 𝚁𝚒𝚟𝚎𝚛𝚊 𝚡 𝚃𝚞𝚕𝚒𝚙𝚒𝚊𝚗 𝚅𝚎𝚐𝚊𝚜 Hindi ko alam na aabot ako sa pu...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
58.6K 711 31
Room Series #2 Kimsey Alfea Lopez is a fashion designer and she's a playgirl when it comes to boys. Until one day, she met the model in the Fashion E...