Accused Of Heart (Casa Bilarm...

Od Shiningpencil

11.4K 369 48

UNDER EDITING Casa Bilarmino #1 Sa edad na diecisiete ay naranasan nani Miriam Trish Bilarmino ang mga proble... Viac

Accused of Heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Special Chapter

Kabanata 22

159 6 0
Od Shiningpencil

Kabahan 22







Binaba ko ang tasa sa lamesita at tinignan si Dante na nasa harap ko at nakaupo sa isang upuan, tahimik siya habang pinapanuod ang bawat galaw ko.

Nag iwas siya ng tingin nang magkasalubong kami ng tingin. "May kailangan kaba? " tanong niya at tumikhim.

Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago mag salita. "Oo. Gusto lang kasi kitang makausap... " tumango siya sa naging sagot ko na tila pinapahiwatig na ipagpatuloy ko pa ang iba ko pang sasabihin.

Tumikhim ako at seryosong tinignan si Dante. "Gusto kong itigil mo ang kasal. " walang paligoy ligoy kong sinabi.

Natigilan si Dante sa naging sagot ko. Nagulat ako ng mapansin ang kawalan ng emosiyon sa mukha nito. "Bakit gusto mong ihinto? Dahil ba kay Adonis? " Wala ding paligoy ligoy na tanong nito.

I bit my lower lip. Hindi nakaimik. At hindi alam kong anong sasabihin. Dahil tama naman siya. Pero hindi lang para kay Adonis, dahil para rin sa kaniya.

Panandalian lamang akong hindi nakaimik. Dahil kong hahayaan ko ang sarili na hindi makapagsalita ay paano ko masosolusyunan ang problemang ito?

"Hindi. Dante, ayaw ko lang na masaktan ka at ayaw ko na may pinapaasa akong tao. " mahinahong paliwanag ko at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Inikot nito ang daliri sa labi ng tasa at tumingin sakin ng malamig.

"Hindi puwede. " seryosong wika niya.

Napakunot ang noo ko, at nalito. Ngunit nginitian lang ako ni Dante at bumalik ang magaan nitong aura at nawala na ang bigat doon di kagaya kanina.

"Hayaan muna lang kami sa gagawin namin. Miriam. Dahil para rin ito sa ikakabuti mo. " makahulugang sinabi nito at saka ako binigyan ng isang matamis na ngiti at sumimsim sa tasa nito.

Natigilan ako. Bigla ay gusto kong malaman ang dahilan nila. Tama nga ang hinala ko. Alam kong may rason si Kuya kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito sakin.

Napatigil ako sa paglalakad patungo sa kwarto ko ng mapansing nakabukas iyon at nagkakagulo sina Mama La, nasa labas ng kwarto ko ang mga kasambahay at makikita sa mga mukha nila ang pagkataranta.

Umiiyak pa si Mama La habang binabanggit ang pangalan ni Kuya at tila pinipigilan ito.

"Venezio itigil mo na iyan! Huwag mo namang ilayo sa amin si Miriam! " pagmamakaawa ni Mama La kay Kuya, natigilan ako at parang nabuhusan ng malamig dahil sa narinig.

Naghiwalay ang mga labi kong nakadikit. Ilalayo ako ni Kuya kay Adonis!

Nag mamadali akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Naagaw ko pa ang atensiyon ni Mama La kaya maslalo itong umiyak.

Nasa bungad ako habang pinapanuod si Kuya na nilalagay ang mga damit ko sa maleta ko.

"Kuya! " tumaas ng bahagya ang boses ko.

Tumigil siya sa pag iimpake at bahagya akong nilingon.

Saglit lang 'yon dahil bumalik din siya sa pag iimpake. Naluluha na ako. At hindi nadin alam ang gagawin sa pagkakataong ito. Hindi ko din alam kong paano ko mapipigilan si Kuya, kilala ko ang Kuya hindi siya titigil hanggang't hindi niya natatapos ang gusto niya. Katulad din siya kay Tita Maureen. Madumi kong maglaro.

Nanginginig ang kamay kong pinigilan si Kuya ngunit marahas lamang nitong kinabig ang aking kamay.

Wala padin akong takas sa lakas ni Kuya. Pakiramdam ko isa akong lamok dahil sa ginawa niya, lamok na salot sa gabi. Teka bakit napunta sa lamok ang usapan?

"Ihahatid kita sa daungan at doon kana muna sa maynila maninirahan at mag aaral. " bumalik ang atensiyon ko kay Kuya dahil sa sinabi niya.

Pipigilan ko na sana siya ng dugtungan niya pa 'yon.

Malamig ako nitong tinignan kaya naitikom ko din ang bibig. "Subukan mo lang gumawa ng hakbang, Miriam. Makikita mo ang hinahanap mo. Huwag kang makulit, isipin mo na lang na nakakabuti ito para sa iyo. " malamig ngunit may pagbabanta sa boses nito.

Nag iwas ako ng tingin at hinayaan siyang dalhin ang maleta ko dahil wala akong lakas para makipag away pa sa kaniya.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa habang naglalakad patungo sa daungan. Mabigat din ang bawat hakbang na ipinapataw ko.

Namamasa na naman ang mga mata ko habang iniisip si Adonis.

Natatakot ako na baka kapag umalis na ako dito ay saktan naman sila ni Kuya. Kilala ko sila, tumitira sila ng patalikod. Hindi nila hahayaang nakakahinga pa ang taong alam nilang makakahadlang sa mga plano nila, dahil kahit ni pag bukas ng mata nito ay hindi nila 'yon hahayaan ni kahit kaonting paghinga o hindi sadya.

Ngumiwi ako at nakaramdam ng kaba. Paano kung gawin din nila 'yon kay Adonis?!

Natigilan ako sa paglalakad kaya tumigil si Kuya at malamig akong tinignan.

Alanganin akong ngumiti sa kaniya. "K-kuya nagugutom a-ako. " mahina kong sinabi at nag iwas ng tingin sa kaniya.

Hindi ko kasi kayang titigan ang mga mata ni Kuya na may mga poot. Pakiramdam ko ay sinasakal ang puso ko. Maging ako.

Saglit na nag tagal ang tingin sakin ni Kuya. Hindi siya nag salita, dahil sinenyasan niya ang g'wardiya at nang makalapit ay binulungan niya ang g'wardiya na kasama namin. Nakatingin pa sakin ang g'wardiya habang kinakausap siya ni Kuya.

Napangiwi pa ako. Inalis ko na lang sa kanila ang tingin. Ngunit bumalik din 'yon nang mag salita si Kuya.

"Ako na ang bibili. Dito kana muna at huwag mong subukang tumakas ulit. Miriam, " mariing sabi niya.

Tamad ko lang siyang tinanguan. Mukha bang makakatakas ako sa lagay kong ito? Sinulyapan ko pa ang g'wardiya na nakatingin sakin. Ni pagkurap pa nga'y hindi ginagawa. Napangiwi ako.

At bigong tumingin sa dagat at halos tawagin na ang lahat ng mga santo huwag lang matuloy ang pag alis ko sa lugar na ito.

Sinipa ko ang plastic cup na nasa paanan ko. Puro busina ng mga bangka lamang ang naririnig ko at ang marvel na paparating sa daungan. Mag bababa na yata ng mga pasahero.

At dahil sa marami ang mga bangka ang dumaong ay marami din ang taong naririto kaya nagsisiksikan ang lahat.

Natigilan ako. Paano kaya kong makisiksik din ako sa kanila para matakasan ko ang g'wardiyang ito?

Umusbong ang ngisi sa aking labi dahil sa naisip.

Nakangusong tumingin ako sa g'wardiya na nakatingin padin sakin. Nginitian ko siya ngunit gano'n padin ang ekspresyon ng mukha niti, blangko padin. Ni pag ngiti akala mo'y mahal. Akala mo naman ay ikinaguwapo na niya ang hindi pag ngiti?

Ibubuka ko na sana ang bibig para mag salita nang may bumangga sakin. Lilingunin kona sana iyon ng sumalubong sakin ang isang bagahe na matatabunan ang tao. Kasabay nun ang isang kamay na siyang humila sakin papasok sa loob.

Napaawang ang labi ko habang nakatingin kay Adonis na nasa gilid ko na may malaking ngisi sa labi. Hindi pala ito basta basta bagahe! Dahil taguan ito ng tao, nagmumukha lamang itong bagahe dahil sa mga kawayan na siyang nagiging dahilan kaya nanatiling nakaangat ang tila makapal na kumot sa ere.

Bigla akong nilingon ni Adonis at nginitian ng mapansin na nakatingin ako sa kaniya.

"Sinadya ko talaga iyon. "

Tinaasan ko siya ng kilay kahit pa ay gusto ko naring matawa sa naging sagot niya sa reaksiyon ko.

Tumigil siya sa pagtawa at sinuklay ang buhok at bigla itong naging seryoso. "Hindi ako papayag na ilayo ka nila sakin, Senyorita. Itatakas kita ay hindi itatanan pala. " seryosong sabi nito na walang halong biro.

Para akong naestatwa dahil sa sinabi niya at pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko. At muli na namang nabuhay ang aking puso at ngayon ay tumitibok na naman ng mabilis ng dahil sa kaniya.

Para akong mauubusan ng hininga at pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Maging si Adonis ay nakangiti nadin sakin, at ngayon ay nakangiti kaming dalawa habang hindi maputol ang tingin sa isa't isa.

Siguro kong hihiling ako ay isa lang ang hiling na gusto kong matupad.

Na sana balang araw ay hindi na maging bawal ang pagmamahalan namin sa mundong ito. Yung magiging malaya na kami?

Gusto kong maging malaya sa mundong ito, gusto kong mamuhay ng payapa at tuparin ang mga pangarap ko sa sarili kong sikap, at ang makasama ang lalaking gusto ko at handang gawin ang lahat huwag lang kaming magkalayo at gagawin ang lahat para lang mabuhay kami sa mundong ito.

Gusto kong hilingin ang bagay na alam ko namang malabong matupad. Pero wala namang imposible para sa taong nangangarap hindi ba? Wala namang masama kong mag baka sakali ako? Dahil hangga't nabubuhay ako sa mundong ito ay hindi ako titigil na ipaglaban ang karapatan ko.

Inaamin ko kinakabahan ako sa ginawa ni Adonis. Pero alam niyo ba nung mahawakan ako nito sa kamay ay pakiramdam ko ay nawala lahat ng takot at pangambang dala dala ko kanina?

Lumipat ang kamay ko sa aking dibdib na kung na saan ang aking puso, na hindi magkadahumayaw sa pagtibok ng mabilis. At pag kabog ng malakas.

Akala ko ay hindi ko mararanasan ang ganitong pakiramdam. Pero nagkakamali ako, maling mali...

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

363K 11.7K 11
Sabi nila masarap daw magmahal, pero naisip ni Zernia na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. May mga bagay tayong hindi natin inaasahan, may...
750K 27.4K 103
BOOK 3 OF IMPROBUS ILLE IMPERIUM [2nd Generation] "No one dared to take their crowns away until the crown sinners came." When the Evans Family went m...
4.5M 57.6K 51
Nagkulang ba ako sa kanya? Binigay ko naman sa kanya ang lahat, ang puso ko, ang kaluluwa ko at ang katawan ko pero bakit niya sakin nagawa ito? Akal...
1.2M 21.2K 47
WARNING: READ AT YOUR OWN RISK! MARAMING MGA ERRORS TO SO PASENSYA NA. KUNG PERFECTIONIST PO KAYO; I'M TELLING YOU, IT'S NOT SUITABLE FOR YOU. Tungko...