Sea Without Waves (Rebel Seri...

By Ineryss

2.6M 71.4K 20.4K

hhss More

Sea Without Waves
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 22

50.8K 1.4K 240
By Ineryss

Part

Pagdating sa mansiyon ay pansin ko agad ang mga naka park na sasakyan. Ibig sabihin ay hindi lamang kami ang nagpasyang pumunta kundi pati na rin ang iba.

I sighed when the driver opened the door for us. Mommy glanced at me with a sudden dramatic expression.

"Makikipagplastikan na naman ako sa biyenan ko," saka siya lumabas at biglang nagbago na ang eskpresyon.

Parang dumagdag iyon sa buntonghininga ko.
Lumabas din ako at sumunod kay Mommy na nagawa pang panguyan ng katulong na sumalubong. Kinakausap niya ang aso habang papasok na kami sa bahay.

Ang unang mga matang nakita ay walang iba kundi kay Ayeselle. Her red swollen eyes, red cheek, and red nose welcomed my sight.

Yakap siya ni Abrielle at kapwa nakaupo ang dalawa sa sofa. Nauna silang dumating rito lalo na't kung titingnan sa pag-uusap ng mga matatanda na masyadong seryoso, parang kanina pa iyon.

"Oh Abrielle..." my mother's dramatic voice echoed all over the room.

Kahit wala namang luhang lumalabas ay nagpeke pa rin ng iyak ang aking inang naglakad na patungo sa sofa ng kinaroroonan nila. Lola's eyes looked at her with pure judgements.

"Pinag-alala mo kaming lahat! Akala namin abo kana!" my mother's high-pitched voice made it more emotional.

Kita ko ang pagsinghap ni Tita Pristine, ang ina ni Abrielle, sa narinig na sinabi ni Mommy. Napalayo ng kaonti si Ayeselle dahil sa kagustuhan ni Mommy na yumakap.

"Nasaan na ang k-um-idnap sa'yo?! Naipakulong na ba?! How dare him!" si Mommy na nihawakan ang magkabilang pisngi nito.

Mas umiyak si Abrielle. I looked at Ayeselle who's silent while looking at her in awe. I realized that my judgements from the past is somehow wrong. Well yes, she's probably the reason behind the fire that almost cost Abrielle's life...

Our parents talked about what happened to her. Seryoso lamang akong nakikinig at nangangalap ng impormasyon kung ano nang nangyari sa kumidnap kay Abrielle.

"He must be sentence to death! Together with that... bastard!" Tita Pristine shouted in anger.

Mariing pumikit si Abrielle at mas lalong bumuhos ang luha. Ayeselle caressed her back to console her.

"Hindi natin alam kung ano ang ginawa noong hayop na 'yon sa anak ko roon! She must be very traumatized that she's even defending her own abductor!" rinig ang tinig niya rito sa sala habang nasa kabilang sofa sila.

"I told you he didn't touch me!" Abrielle lamented and looked at them with swollen eyes.

Tita Pristine's eyes narrowed at her. "Don't ever lie to us, Abrielle! You are just seventeen when he abducted you!"

It's months. At sa... mismong birthday niya... nandito siya. Did Sanders decided to let her go or... Paano ba nahuli?

"I told you! Hindi niya ako sinaktan! Hindi niya ako ginalaw! Kusa akong sumama sa kanya!" she cried.

Mommy's dramatic expression is just too much. She's so shock while holding her chest. Si Tita Pristine ay madilim ang ekspresyon at mukhang ayaw tanggapin lahat ng kanyang rason.

"Abrielle. You are the victim. We understand it's hard to cope up with what happened to you and you're still scared. You're not just physically traumatized but also mentally. But you don't have to get scared now because you're here with us. Poprotektahan ka namin," Tita Pristine said eagerly.

Marahas na umiling si Abrielle. "You are all just trying to find someone to blame for all of these! Gusto niyo lang may masisi at mapagbintangan sa kahihiyang ito! But you are all pointing at the wrong man! He's... he's innocent!" desidido si Abrielle na ipagtanggol siya.

Nabilang ko pa kung ilang hakbang ang ginawa ni Tita Pristine bago siya dumating sa harapan namin, ni Abrielle, at ginawaran ito ng isang sampal.

Abrielle's head cocked to the side because of the forceful slap. Tita Pristine looked at her with bloodshot eyes.

"How dare you... we are all worried for you... we are all doing our best to find you... how dare you, Abrielle. Walang gabi na hindi ko pinagdasal na sana ay nasa mabuti kang lugar kaysa ang isiping naging abo ka sa kakahuyan! Walang gabi na hindi kita iniyakan sa labis na pag-aalala! Walang gabi akong hindi nagdasal na sana ay mahanap ka! And you... you will say that to us?!"

Abrielle cried. "Ngayon lang kayo nag-alala kung kailan wala na ako. Ngunit noong panahong nandito ako, ni minsan ba... may pakialam kayo?"

Umagos ang luha sa mga mata ni Tita Pristine. Nakakuyom na ang kamay. Lola was listening attentively with her serious expression. Mommy looked hurt and affected with their conversation. Tahimik kami ni Ayeselle pero kita ko ang pagpupunas ng luha niya. She's emotional too.

"Kami... kami ang mga sumasalo ng kasalanan niyo! We are all treated indifferently because of your mistakes! Kaya isipin niyo kung bakit ang rami raming galit sa pamilyang ito! Isipin niyo ang mga mali niyo! Isipin niyo ang pagkukulang niyo! We don't have the right to call out your mistakes just because we are too young! Na wala kaming karapatang itama ang mga mali niyo dahil kayo ang mas nakakatanda ngunit kailan niyo makikita... na ang mga pinaggagawa niyo... kalabisan na?"

"Kalabisan, Abrielle? Imagine the other kids! Imagine the other girls at your age! Maswerte ka dahil nasa'yo ang lahat! May pang-aral! May makakain! At may pamilya! Kaya anong mali 'yang sinasabi mo!"

"Mom! I'd rather live poorly than treated like the lowest of the low! Anong kaibahan noon sa kanila? Anong kaibahan natin sa mababang uri kung ganoon din tayo tratuhin?!"

Tumahimik si Tita Pristine. I bowed my head a bit and licked my lowerlip. The flashback of the judgements we got from the others because of our family background was worse. Hindi lamang ako nagpapaapekto ngunit hindi ko naisip na hindi ganoon ka tatag ang iba para lunukin at hindi makaramdam sa sinasabi ng iba.

"Ang hirap makipagkaibigan... ang hirap mamuhay nang tama... ang hirap gumalaw nang walang nasasabi sa'yo! So tell me if I'm this fortunate to have a silver spoon in my mouth, but everyone treats me so poorly!"

Hindi na makasagot si Tita Pristine. It was a defeaning silence. The youth's unheard cries to their toxic household have finally resulted in an explosion to draw their attention.

Kumpara kay Mommy, alam kong iba ang paraan ni Tita Pristine sa pagiging ina sa dalawa. She's strict. She's imposing superiority over gentleness. Mas takot magkamali ang dalawa dahil alam nilang doon lamang sila napupuri. Kaya noong itinapon dito, parang mga hayop na nakawala at hindi na natakot gumawa ng mali dahil malayo kami sa aming mga magulang.

Hindi ko alam kung ano ang desisyon nila kay Sanders. Si Lola lang din ang nakakaalam. Kung sinabi ni Abrielle na inosente siya, walang ginawa at siya ang kusang sumama, ibig sabihin ay hindi siya kinidnap ni Sanders.

Sa mansyon kami nagpagabi para umuwi kinabukasan lalo na't pupunta rin sila Daddy dito sa CARAGA ngayong gabi.

Nasa iisang kwarto kaming tatlo. Ayeselle was hugging her while they're both sitting on the bed. Nakatayo ako sa gilid ng nakabukas na balkonahe at naninigarilyo. Everything is stressing me out. Tumatakbo sa kahit saan ang isip ko.

"Nasaan si Arkaine?" tanong niya.

Ayeselle shook her head. Tumingin ako sa likod at ibinuga ang usok. The dark sight of the forest looked peaceful but intriguing. Ramdam ko ang lamig na simoy ng hanging nanggagaling doon habang pinaglalaruan nito ang nakalugay kong buhok.

"Nagdesisyon siyang umalis. Nasa UK na. Doon siya mag-aaral."

"Huh? Bakit?"

I puffed my cigarette again. Naisip ko bigla si Draven. That nerd... how's his life? Alam kong tinanggap niya kaya medyo gumaan ang loob ko roon. He probably doesn't have an idea where it came from dahil kung... nalaman noon na sa Ferrarin, baka mas gugustuhin noong magkusa kaysa ang tumanggap ng tulong galing sa amin.

He deserves it. It was the stolen opportunity I gave back. Wala lang iyon kumpara sa kalupitang ginawa ng aking pamilya sa kanila.

"Sumama ka kay Sanders?" nag-aalangang tanong ni Ayeselle.

My brow arched when I remembered how she always approached him. Kahit noong sa party, nakita ko 'yon. I puffed my cigarette again.

"Wala siyang kasalanan..." she said weakly.

"But you know he will be blamed for your drastic decision, Abrielle," sabi ko.

Mariin siyang pumikit. "Eighteen na ako. Kaya ko siyang... ipagtanggol."

I scoffed and shook my head. Pinitik ko sa gilid ang abo ng sigarilyo at muli itong hinithit habang nililingon ang dilim ng kakahuyan.

Kaya niyang ipagtanggol. I heard the desperation in her voice just like how I tried to protect Draven from all of these. Gusto ko sanang sabihin na ang tanga niya sa parteng iyon, ngunit ang tumayo sa inosenteng walang kinalaman sa bintang ay hindi isang kahihiyan. She's tough for doing that.

Overall, I am happy that she's safe. I am happy that she's not hurt. I am happy that she's alive. Ilang beses kong pinagdudahan na baka wala na siya ngunit malaki ang pananalig ko na ligtas siya. That she's probably somewhere living her life to the fullest away from the chains of our family name.

Pinatawag kami sa ibaba nang dumating na sila Daddy para sa isang dinner. Abrielle's father hugged Abrielle. Nasa gilid ako ni Mommy nang yumuko siya at napaismid sa akin.

"Did you smoke?" she whispered while carrying her dog.

Nagkibit ako. She leered at me. Tumikhim lamang siya at nangingiting tumingin kay Dad.

Katulad ng usapan nila kanina, iyon din ang naging pag-uusap sa hapag. I was munching my food slowly. Galit na galit si Tito at gusto niyang maparusahan ang nasa likod noon but Lola told them she will handle it personally.

Ayaw nilang tanggapin na ang nangyaring pagkawala ni Ayeselle ay maituturing lamang na paglalayas. They're pushing that she was abducted. Of course. What happened is scandalous. May ipinakulong sila at sa paglitaw ni Abrielle, sa pagbibigay niya ng opinyon tungkol sa tunay na nangyari, mamamantsahan ng kahihiyan ang aming angkan. The people in this town will only find another reason of their judgements towards us.

Kaya sigurado akong ilalaban nila ang mga akusasyon. They will not bow down to these people they have labeled as low when in fact we are lower than them. What a shame.

Muli kaming bumalik sa Manila sa sumunod na araw. Nasa iisang sasakyan na kami ng aking mga pinsan. Umiidlip ako dahil antok pa habang naririnig ko ang pag-uusap ni Ayeselle at Abrielle. Mukhang nagkukwento siya sa mga ganap niya noong wala ito.

"'Yung mortal enemy ko doon sa CARAGA sa Manila na rin nag-aaral. Scholar siya..."

"'Yung nagtuturo ng taekwondo noon sa lower grade?"

"Oo," halos marinig ko sa boses ni Ayeselle ang gigil. "Nandoon din siya noong hearing."

"He's friends with the Blancavers right?" si Abrielle.

I am just too sleepy to join their conversation kahit na may ideya ako kung sino 'yang pinag-uusapan nila. I saw him in Manila too. Hindi nga lang halos nagpansinan dahil alam ko, galit pa rin 'yon sa akin. Masama ang loob.

The next days are somehow calm. Ibinuhos ko ang oras sa pag-aaral. Nasa kolehiyo na ako. Accountancy ang kinuha kong kurso lalo na't gusto kong pamahalaan ang hotel sa CARAGA ganoon din si Lola.

I hate the place because of the ugly memory I had in the town. Ngunit ang mga memorya ko roon kasama si Draven ay ang tanging magandang alaala na meron ako.

Not that I'm... inlove with him. But the calmness of the place reminds me so much of him.

Wala akong narinig sa kanya kahit isang masakit na salita noong ipinapakulong ng aking angkan ang kanyang kapatid. Malamig lamang ang tingin niya sa akin, tila isang kalmadong dagat na nang-aakit masisid at doon kana tuluyang lulunurin sa lalim nito.

I'm expecting him to lash out at me. Na manunumbat siya sa lahat lahat ng mga mali ko. Na pagkatapos kong paglaruan ang damdamin niya, dinurog naman ng aking angkan ang buhay nila.

The calmness he left in my life was felt not just in my body, but also in my soul. And I'm always yearning for it...

At iyon siguro ang naisip niyang parusa sa akin.

"Come on, Ashtraia. It's February! Date tayo!" Miguel appeared infront of me.

Anong date? Walang ganyan kung Accountancy ang kinukuha mong kurso. I need to study. Mababa ang kuha ko noong nakaraang semester kaya kailangan kong bumawi.

"I'm busy, okay?" halos itulak ko ang pag-amba niyang pumasok sa condo ko.

"Busy? You are always busy. Boyfriend ba talaga ang turing mo sa akin? Ni hindi natin ginagawa ang normal na ginagawa ng couple! You always don't have time for me! You don't answer my calls. Kahit reply sa text madalang pa. You always decline my invites. Kaya ngayong ako ang nagkusang pumunta dito, ayaw mo pa rin? What the fuck really are we?"

At first, I thought he was like him. Calm. Gentle. Smart. Ngunit sa kalagitnaan, laging... nagiging ganito. Laging nagiging marahas. It reminded me of my past self. And I hate it.

Sa iritasyon ko, padabog kong isinara ang pinto sa mismong harap ng mukha niya. He knocked multiple times. I groaned and went back to open it again.

"Let's break up," irita kong sabi at muling isinara ang pinto sa nalaglag niyang panga.

I am constantly drawn to someone who is as calm as the sea. And I'm always their cruel waves, desperate to return but escaping after being dragged into their depths.

Aalis. Babalik ulit. It was the cycle of my lovelife. Ang sumunod kong subok na relasyon ay noong third year na ako. Two years after my failed relationship with Miguel.

Dave is an athlete. Soccer. Nanonood ako lagi ng kanyang game at pinaglalaanan ko ng oras. Ngunit sa kalagitnaan, lagi akong nawawalan ng gana. Para bang laging may napapagtanto ang isip ko sa tuwing hahalikan ako.

Sa tuwing sinusubok kong umalis sa nakaraan, pinipilit na mamuhay nang walang bakas ng kahapon, paulit ulit akong nahihila pabalik.

"Here," bigay ni Alissa sa isang inumin nang maupo ako sa dalampasigan at tahimik na pinanood ang marahas na hampas ng alon.

I always love the sea. I love its calmness. But always curious with its waves.

"Anong rason ng break-up niyo?" tanong niya nang umupo sa gilid ko.

"It's empty," sabi ko.

"Empty?"

Tumango ako at dinala sa labi ang bote ng aking inumin. It's a light drink. Ang lamig nito ay bumyahe sa aking lalamunan habang nalalasahan ko ang tamis sa aking bibig.

"Wala raw siyang maramdaman sa akin dahil wala akong emosyon," I chuckled.

Nagkasalubong ang kilay niya. "You are not clingy to them?"

Ngumiwi ako at umiling. I am not the clingy type.

"Hmm... pero naglalaan ka naman ng oras? Hindi ka naman... uh..."

"Nagchecheat?" I chuckled.

Tumango siya. Umiling ako. Ipagsasabay ko pa ba ang dalawa kung hirap nga ako sa isa? Besides, those kinds of things must not be tolerated. Oo at hindi ko alam kung paano sila mamahalin sa paraang gusto nila pero hindi ako ganoon kasahol para maghanap ng iba dahil lang may palaging kulang.

"Wala ka bang ibang mahal? Like hmm... past exes mo? Baka 'yun ang rason kaya parang pakiramdam mo may kulang?"

Mahal? Nangungulila siguro oo... Pero mahal...

"Wala naman," maingat kong sabi at tiningnan ang marahas na pag-ambang umalis ng alon.

"Maybe you're not just the romantic type. Kaya siguro 'yung mga nagiging boyfriend mo nahihirapan na basahin ka dahil sanay sila sa ibang babae na alam mo 'yon... clingy?"

Nagkibit ako at tiningnan ang paghilang muli ng dagat sa alon. Pabalik sa kanya.

"Do you love them?" she asked again.

Inisip ko ang nararamdaman ko. There's something about them that I like. The calmness. Iyon 'yon. Magulo ang isip ko kaya minsan, gusto kong may nagpapakalma sa akin.

"I like them," siguradong sabi ko.

"Love, Ashtraia," giit niya.

Natahimik ako.

"Tell me the things you love," she asked again.

"The sea," I said without hesitation.

"Explain why you love the sea."

"I love its calmness."

Tumango siya. "I think you're just taken with the idea that they're as calm as the sea. But you're not completely in love with them."

Natigilan ako. Isinabit ko sa gilid ng aking tainga ang buhok kong pinaglaruan ng malamig na hangin.

"That's the definition of love, Ashtraia. Mahal mo sila ng buo. You love each parts, not just the one that was required to fill a need within you. You love them completely."

Not just the one that was required to fill a need within me...

"Ikaw ata ang may problema," halakhak niya.

Natawa rin ako at nailing. I gulped my drink again while smirking.

"Someday... I know you're gonna find your own sea. Someone you can love completely."

I rolled my eyes while smiling. "That's so corny."

"Totoo 'yan! Dahil mukhang sa ngayon, bawat parte lang ng dagat ang mga nakikita mo sa ibang lalake. Like you know, their calmness. You love the sea means you love its waves, its water, its sand, its calmness... you're entirely inlove with it. That's the definition of love to you."

Natigilan ako.

The truth is, I've been trying to ignore it in my head for a long time, but it keeps bouncing back, insisting to be acknowledged. Sinikap kong baliwalain kahit nasa likod iyon ng isip ko. Na... itong nararamdaman ko ay hindi naman pagmamahal.

I was confused so I tried to be in a relationship to confirm if it feels the same way but it wasn't. Minsan iniisip ko na baka nangungulila lang, pero madalas, sa kalabog ng dibdib ko, halos magduda na ako.

It was easy to admit that I love the sea. But it was hard to confess that I'm inlove with the sea since it reminded me of him...

And every time my mind tried to get away from the truth that I'm in love with him, my heart would always pull me back to him.

I can't avoid the truth. No matter how hard I tried to flee, I was always a part of him, expecting he would take me back into his arms.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 255 73
Hit With Love (an epistolary) ╰┈➤ LIGHT SERIES #01 written by : cryden straea cover by : MajesticPrincess
569K 20.7K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
789K 40.7K 61
• BOOK LAUNCH on April 25-28 at the Philippine Book Fest • Featured in WattpadRomancePH's Official Reading List! •Highest Ranking: #1 Savior *** One...
3.8M 113K 71
Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat ay nagsisimula sa mababa bago umangat. M...