HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

236M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 208 : THE SUFFERING

2.9M 59.3K 201K
By maxinejiji

EERAH ANITHA'S POV

"Tigilan mo ang lalaking iyon, Eerah. Tigilan mo si Deib Lohr." Sinabi iyon ni Almeyra habang nakatitig sa aking mga mata.

Nilabanan ko ang mga tingin niya. "I can't."

"Eerah!" bulalas niya. Nagbaba ako ng tingin. "Bakit ba pulos paghihiganti na lang ang laman niyang utak mo?"

"Alam mo, at ilang beses ko nang sinabi sa iyo ang dahilan, Almeyra."

"Pero bakit siya?"

"I want him to suffer. I will make them suffer. All of them."

"Masyado pa siyang bata para maranasan ang lahat nang ito. Ano ba ang nangyayari sa iyo?"

Hindi na ako sumagot. Sa halip ay tumayo ako at kumuha ng isang bote ng alak. Nang makabalik ay ipinagsalin ko siya at saka ako sunod-sunod na lumaghok. Nababalutan ng ulap ang isip ko. Bagaman alam kong masasama ang lahat ng laman niyon ay wala ako sa katinuan para piliin kung alin ang tama. Ang tanging hangad ko ay ang makapaghiganti.

"When will you stop, Eerah?" mayamaya ay tanong ni Almeyra.

Hindi ko iyon inaasahan kaya gulat akong napatitig sa kaniya. Sinsero ang kaniyang mga mata at naroon din ang pag-aalala. Napailing ako at hindi nakasagot.

"This is not you, Eerah. I know you. Hindi ka ganito."

"Almeyra, please, stop."

"No, Eerah. Kahit ngayon lang ay makinig ka sa akin. I know that you can make this stop. Alam kong hindi ka kasinsama ng mga inamin mo sa 'kin kanina. Alam kong mabuti kang tao, at habang may panahon pa ay tulungan mo ang sarili mong magbago."

Nang sandaling iyon ay nagsisi akong inilahad ko pa ang buong katotohanan sa kaniya. Naisip ko nang ganito katinding pangongonsensya ang gagawin niya, itinuloy ko pa.

"Kung magiging ganoon lang sana kadali iyon, Almeyra." Nauubusan ng pag-asang sabi ko. "Pero nandito na 'to. Hindi ko pwedeng baguhin ang nasimulan na. Wala kaming ibang paraan kundi tapusin ang nasimulan nang lakaran."

"Hindi totoo iyan, Eerah. Mag-isip kang mabuti. Kung magpapatuloy ka, kayo, sa ganitong klase ng buhay ay hindi kayo magkakaroon ng katahimikan."

Napatitig ako sa kaniya. At namalayan ko na lang ang mga luha kong isa-isang pumapatak. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko malaman kung saan nagmumula ang biglang pagbugso ng aking damdamin. Kahit kailan ay wala akong nakausap nang ganitong kaseryoso tungkol sa bagay na ito. At masaya akong si Almeyra ang nagsasabi sa akin ng mga ito ngayon. Masaya ako na siya ang kasama at nakakausap ko. Dahil kung ako lang ay baka mabaliw ako, punong-puno ng galit ang dibdib ko.

"Mahalaga sa akin ang mommy ko, Almeyra," luhaan kong sabi. "Siya ang nagbigay sa akin ng panibagong buhay matapos kong mamatay."

"Pero hindi niya magugustuhan kapag nalaman niyang sa ganitong uri ng pamumuhay napunta ang bagong buhay na ibinigay niya sa iyo. Sa inyo ng pamilya mo, Eerah. Maniwala ka sa akin dahil ina rin ako."

"But I can't. I can't make it stop." Lumuluha kong sabi hanggang sa magtuloy-tuloy lang iyon.

"Oh, Eerah," agad siyang lumapit sa 'kin at yumakap. "If I can only turn back the time. Ibabalik ko iyon sa panahon kung saan pare-pareho tayong masaya at walang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng isa't isa."

"Wala akong magagawa kundi ang hilingin na lang iyan ngayon, Almeyra," umiiyak ko pa ring sabi.

"I'm going to miss you, Eerah."

"Oh, of course, I'll miss you, too, Almeyra."

"Sa lahat ng kaibigan ko na itinuring ko na ring kapatid ay ikaw ang pinakamalapit sa akin, Eerah. Kahit hindi tayo magkasama ay nami-miss kita. Nasisiguro kong ngayon ay lalo kitang mami-miss. Ilang taon na naman siguro bago uli tayo magkita."

"Pwede mo naman akong bisitahin anumang oras."

"Pwede mo rin namang gawin iyon sa akin. Kapag may oras ka ay mag-unwind ka sa America, sasamahan kita."

"Alam ko, hindi mo naman ako hahayaang maglakbay nang mag-isa."

"Salamat at nanatili ka sa tabi ko, salamat talaga. Hindi ko ito makakalimutan."

"Walang-anuman. Basta para sa iyo, lahat ay kakayanin ko."

"I love you, Eerah."

"I love you, too, Almeyra."

"'Wag mong kalilimutan ang lahat ng sinabi ko sa iyo, Eerah. Promise me."

"I will never forget it, Almeyra. I promise," nakangiti kong sabi at saka muling yumakap sa kaniya. Napapikit ako. At doon nawala ang aking mga ngiti. Muli iyong napalitan ng pagluha.

Hindi ko maipaliwanag ang lungkot ko. Iba iyon sa lungkot na naramdaman ko na nang mga nakaraan. Ang pakiramdam ko ngayon ay isang bahagi ng puso ko ang muling hihiwalay sa akin dahil magkakalayo kaming muli ni Almeyra. Ngayon ay nakokonsensya ako na hindi ko man lang nagawang ibigay sa kaniya ang oras ko nang mga panahong nandito siya. At sa halip ay nabigyan ko pa siya ng problema at isipin na paniguradong babaunin niya hanggang sa makabalik sa America.

Napuno ng luha ang gabing iyon. Ang lungkot ay nanatili sa aking dibdib hanggang sa mahiga ako. Hindi nawala sa isip ko ang mga sinabi ni Almeyra, lalo na ang mga nangyari. Aminado ako sa takot na aking nararamdaman. Hindi iyon normal. Marahil ay dahil nakokonsensya rin ako. Pero huli na para huminto o umatras pa ako. Mas gugustuhin kong mapahamak kasama ang pamilya ko kaysa umatras nang mag-isa at iwan sila. Hindi ko iyon magagawa. Hindi ko maaatim na traydurin o talikuran ni isa man sa kanila.

Maaga kaming gumising kinabukasan dahil sa sunod-sunod na busina sa labas ng bahay ni Almeyra. At kasabay no'n ay ang hindi matigil na pagri-ring ng cellphone ko. Dumating si daddy kasama si Christian at ang tauhang si Mark.

Sandali akong nagulat, hindi ko inaasahan ang pagdating nila. Ngunit nang mapagtanto kong may mga bitbit silang pagkain ay agad akong kumilos para asikasuhin sila.

Malapit ang daddy ko sa aking mga kaibigan, lalo na kay Almeyra. Pero hindi ko inaasahang maiisip niya pang gawin ito dahil batid kong masyado siyang abala nitong mga nakaraan. Bukod doon ay hindi na ko humingi pa ng oras niya dahil sa hiya na naramdaman ko sa nangyari nang mga nakaraan.

"Where's Cargosin?" tanong ni Almeyra nang makababa. Agad siyang lumapit sa aking ama at kay Christian para yumakap. "Oh, I'm so glad to see you, tito."

"I'm sorry I didn't have the chance to meet you earlier, I was busy."

"It's okay, tito. Thank you for coming today. You never fail to make me feel special," bumeso uli si Almeyra sa aking ama. "Mukha kang bata, tito, I'm so jealous."

"Come on," natatawa namang sabi ni daddy. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood sila. "Let's eat?" anyaya niya 'tsaka kami sabay-sabay na naupo.

"Nasaan nga uli si Cargosin?" lumilingang tanong uli ni Almeyra.

"Yeah, where is he?" inosente kong tanong. Agad naman akong nagulat nang mabasa ang masamang tingin ni Christian.

Tumikhim naman ang aking ama 'tsaka nameke ng ngiti. "He's busy." I'm sure he's lying.

Hindi ko maipaliwanag nang biglang mabuhay ang kaba sa dibdib ko. I know that something is wrong. Gusto ko tuloy kwestyonin ang biglaan nilang pagpunta rito. Pero hindi ko na muna inintindi iyon. Kapag nanguwestyon ako ay paniguradong magdudulot na naman iyon ng panibagong takot kay Almeyra. Makapaghihintay pa naman ako mamaya, tatanungin ko sila kapag wala ito sa paligid.

Gabi ang flight ni Almeyra pero kailangan namin siyang ihatid nang maaga sa airport. Gayunman ay nakakatuwang makita na naglaan pa rin siya ng oras para sa amin. Masaya tuloy kaming nagkwentuhan tungkol sa aming kabataan. Saksi ang aking ama sa aming kabataan ng aking mga kaibigan, nando'n siya at sumusubaybay sa amin, gano'n niya kagusto ang mga bata. Hindi tuloy kami magkanda-ugaga sa katatawa nang balikan namin ang masasayang nakaraan.

Hindi ko nga lang naiwasang mapansin si Mark na nasa pinto na animong may binabantayan. Tuloy ay hindi ko maiwasang makiramdam. Malakas ang kutob ko na ang presensya nila ngayon dito ay may ibig sabihin. At hindi lang dahil kay Almeyra.

"Is there something wrong?" mayamaya ay seryoso kong tanong nang sandaling umalis sa harapan namin si Almeyra.

Hindi ko naitago ang pagkadismaya sa aking mukha nang makita ang nag-aalala nilang mga tingin.

"What's wrong? Why are you here?" tiningnan kong pareho ang aking ama at si Christian. "Where is Cargosin?"

"May nangyari kagabi,"mahinang ani Christian.

Wala pa siyang tinutukoy ay mukhang nahuhulaan ko nang napahamak si Cargosin. At maging ang may kasalanan ay mukhang kilala ko na rin.

"Ano ang nangyari kay Cargosin?"

"Kagaya nang nangyari sa iyo."

Natutop ko ang aking bibig. "How is he?"

Nag-iwas ng tingin si Christian, nanunuya ang mukha at masama ang tingin. "Nasa mansyon ngayon ang doktor niya at ginagamot siya. Ngayon ay nandito kami para kay Almeyra, hindi malabong siya na ang isunod."

Nagugulat akong napatitig kay Christian. I knew it! Fuck! Hindi ko malaman kung bakit bigla akong kinilabutan. "What do you mean? Siya ang isusunod? Bakit? Paano mo iyong nasabi?"

"Nabanggit sa akin ni Cargosin ang napag-usapan ninyo kagabi. Bakit mo ginawa iyon, Eerah?" hindi matumbasan ang mababasang galit sa mga mata ni Christian.

Wala ako sa huwisyo upang magpaliwanag. Nanunuya siyang nag-iwas ng tingin at bumaling sa aking ama na masama na rin ang tingin sa akin. Napakislot ako sa takot.

"Ito na ba ang matalinong pamamaraan na iyong ipinagmamalaki?"

"Christian..."

"Wala kang ginawang tama—maski isa. At nang dahil sa mga maling kilos na ginawa mo ay lahat tayo ang napahamak."

"Enough," mariing anang Chairman saka tumikhim. "Wala tayo sa tamang lugar para pagtalunan ang bagay na iyan. Ang kailangan nating gawin ngayon ay ang agapan ang panibagong kapahamakan."

"E-Eerah..." Nangibabaw ang tinig ni Almeyra mula sa aking likuran.

Agad na tumindig ang mga balahibo ko at dumeretso ang aking likuran. Nanlaki ang mga mata ko habang nakapako pa rin ang mga iyon sa mukha ng aking ama. Sumimbulat ang kaba sa aking dibdib nang manlaki rin ang mga paningin nila. At unti-unti ay nangibabaw sa aking pandinig ang tahimik na pag-iyak ng matalik kong kaibigan.

Almeyra!

Dahan-dahan akong napaharap sa aking likuran, sobrang bagal na halos pwede na naming ikamatay pare-pareho ang sinayang kong oras. At gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang bugbog nang mukha ni Almeyra, may mga pasa at dumurugo ang labi!

Kung paano nitong tahimik na nagawa iyon sa 'taas ay hindi ko alam. Kasalukuyan silang nasa 'taas, sa may hagdanan.

"What did you do!" halos patili ko iyong sinabi, mabilis na rumagasa ang mga luha paibaba sa aking mukha.

Agad na nangibabaw ang galit sa aking dibdib nang makita ko nang husto ang taong iyon. Na nasisiguro kong siya ring nanloob sa aming mansyon. Ang taong iyon na nababalutan ng itim at may tabing ang mukha at tanging mga mata lang ang makikita.

"E-Eerah..." Muling sambit ni Almeyra.

Ang akma akong lalapit ay siyang pagsigaw ni Almeyra nang hilahin siya nito sa buhok. Halos mapapikit siya sa sakit at agad na napaatras.

"Let her go!" sigaw ko.

Ngunit ang taong iyon na nasa harapan ko ay nanatiling tuwid na tuwid at walang sinasabi. Bahagyang nakatabingi ang ulo na animong pinag-aaralan ang mga tindig namin.

"Please, I am begging you," umiiyak na ani Almeyra sa katabing hawak siya. "May pamilya ako. 'Wag mo akong sasaktan, please!" pakiusap niya.

Ganoon na lang kadali para sa taong iyon na bitiwan siya! Ngunit bago pa man makatakbo pababa si Almeyra ay dinagukan siya nang malakas nito sa likuran. Sumubsob si Almeyra at nagpaikot-ikot pababa sa hagdan! Humampas pa ito sa likuran ng silya nang tuluyan niyang marating ang 'baba! Lalong dumugo ang kaniyang labi, maging ang kilay niya ay mas pumutok.

"Hayop ka!" sigaw ko at saka tinulungan si Almeyra na makatayo.

Pero ang taong iyon sa likod ng itim na damit ay naglakad pababa ng hagdan na para bang walang nararamdaman maski na kaunting kaba. Batid kong nasa akin ang paningin niya habang marahang inihahakbang ang kaniyang mga paa. Pero ang bigat ng paghakbang niya ay hindi kapani-paniwalang naging maugong sa aking tainga. Lalo ako niyong pinakakaba, at tinutuliro ako nang paglapit niya.

"Mark!" nangibabaw ang tinig ng aking ama, hindi ko sila nagawang lingunin. Namalayan ko na lang ay biglang sumugod si Mark sa taong iyon na nasa harapan na namin!

Nagawa agad nitong saluhin ang pag-atake ni Mark—nang hindi inaalis ang paningin sa akin! Gano'n na lang ang takot na idinulot niyon sa akin. Kung paano nito iyong nagagawa ay hindi ko alam. Pero hindi ko mapigilang mawalan ng pag-asa dahil totoo palang gano'n na lang ang galing at bilis nito.

Sinalo nito ang sipa ni Mark at basta na lang iyong ibinato. Bago pa man magawang sumugod uli ni Mark ay humampas na sa kaniya ang silyang hindi ko man lamang nakitang pinulot nito!

Nanggigigil ako. Maging ako ay gusto nang sumugod para pagtulungan namin ni Mark na madakip siya! Pero imposible iyon ngayon dahil wala akong makuhang tyempo. Masyadong mabilis ang mga kilos niya na maging si Mark ay hindi magawang sabayan.

Sipa dito, tadyak doon! Suntok dito, dagok doon! Halos sumuka ng dugo si Mark nang sunod-sunod siyang sipain nito sa ulo paibaba sa dibdib! At ang huli niyang ginawa ay umikot at biglang sumipa na sa sobrang lakas ay magagawang marinig sa kabila ng distansya namin!

Sabay-sabay kaming napaatras nang bigla siyang humakbang papalapit sa amin. Nananatiling nasa akin ang nakakatakot niyang tingin. Para bang handa niyang itumba ang lahat ng kaharap at ako ang huling ititira. At kapag nangyari iyon ay natatakot akong baka pahirapan niya ako hanggang sa malagutan ng hininga.

Kakatwang wala siyang sinasambit na maski isang salita. Ang mga kilos niya ay swabe na para bang nagagawa niyang basahin ang isip ng kalaban, kaya nagagawa niya iyong ilagan o gantihan. Wala siyang takot, hindi siya kinakabahan. At makikitang handang-handa niya kaming saktan.

Hindi ro'n natapos iyon. Muling bumangon si Mark at sinugod siya sa kaniyang likuran. At tulad nang una kong naisip, para nitong nabasa ang kilos ni Mark nang paatras niya itong sipain! Bago pa man matumba si Mark ay tumalon na patalikod ang taong iyon at eksaktong lumapag sa likuran ng tauhan. At walang-alinlangan nitong binali patalikod ang braso ni Mark.

Napatili kaming dalawa ni Almeyra sa nasaksihan. Agad na napasigaw sa sakit ang tauhan namin, sunod-sunod na inihampas ang palad sa sahig na para bang mapapahinto niyon ang nananakit sa kaniya. Pero hindi pa ito nakontento dahil may pinindot itong kung ano sa likuran ni Mark dahilan para mapasigaw itong muli sa sakit hanggang sa mawalan ng malay. Pabato siya nitong binitiwan at saka prenteng tumayo.

"What do you want! What do you want! What do you want! What do you want!" paulit-ulit na sigaw ni Almeyra.

Nakapikit niyang tinakpan ang mga tainga na animong mababaliw na dahil sa nakikita. Umiiyak at nawawalan ng pag-asa.

"I am begging you, please! Tell us what you want and we will give it to you! Please!"

Dahan-dahan nitong nilingon si Almeyra. 'Ayun na naman ang tumatabingi nitong ulo na para bang inirerehistro sa isip ang mga sinabi ng aking kaibigan. Walang ano-ano ay itinuro nito ako!

Nanlaki ang mga mata ko, naiwang nakamaang ang aking mga labi. Me? natatakot kong tanong sa isip.

Pero hindi doon natapos iyon dahil matapos ako nitong ituro ay itinuro nito si Christian at sa huli ay itinuro nito si Chairman.

What the hell?

Natutuliro akong nilingon ni Almeyra 'tsaka sunod-sunod na umiling. "Eerah..."

"Almeyra..." Humabol ako sa kaniya pero muli siyang umatras.

"I knew this is going to happen, Eerah! I knew it!" umiiyak niyang bulalas. Lalo akong nalito at hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin.

Hindi ko siya maaaring pagtuunan ng pansin, kailangan kong panatilihin ang paningin sa kaharap namin.

"Christian! Please, do something!" sigaw ko.

Natutuliro man ay sinugod din ito ni Christian. Pero hindi ko malaman kung anong klaseng tao ba itong kaharap namin dahil nagagawa nitong iwasan si Christian habang ang mga kamay ay parehong nasa likuran. Walang kahirap-hirap siya nitong naiiwasan. At nang makadampot si Christian ng isang metal na bagay ay bigla niya na lang itong inihampas sa kaharap. Ngunit ang imposible ay nagawa nitong posible nang mabilis itong makaiwas at mapunta sa harapan ko mismo!

At ang mas ikinagulat ko ay nang bigla ako nitong hilahin sa braso at pabatong isinalubong sa panibagong paghampas ni Christian—ako ang lintik na tinamaan!

Agad kong naramdaman ang pagtulo ng dugo mula sa aking bumbunan, halos matikman ko iyon nang dumaloy hanggang sa aking labi.

"Hayop ka!" sigaw ko at mabilis na sumugod!

Sunod-sunod akong sumuntok sa kaniyang harapan, habang si Christian ay panay rin ang pag-atake mula sa likuran. Pero ang taong ito sa harapan namin ay parang hangin kung kumilos, gaya nang sinabi ni Cargosin. Pero hindi ako magawang tinagin noon, ang galit ko ay umabot na sa dulo at ang tanging hangad ko ay ang mapatay ito ngayon mismo.

"Papatayin kita!" sigaw na mabilis na dinampot ang flower vase at inihampas dito.

Maswerte nitong naisangga ang braso dahilan para mabasag iyon sa ilang piraso. Tumambling ito papalikod at hindi namin napansing nakapulot ito ng bubog. Nalaman na lang namin iyon nang ibato niya iyon kay Christian na inosenteng tinamaan.

"Mátala!" galit na anunsiyo ng aking ama, pahintulot na kumilos na kami.

Dali-dali akong pumunta sa pinto at ini-lock iyon. "Ngayon ay wala ka nang kawala sa amin." Gigil ko iyong sinabi habang itinataas ang parehong manggas ng aking damit.

Ngunit ganoon na lang kalumo nitong tiningnan ang pinto at saka muling ibinalik ang paningin sa akin. Pinakukulo niyang lalo ang aking dugo.

Tumingin ako sa gawi ng kusina, lihim na hinanap ng mga mata ko ang matatalim na bagay na naro'n. Hindi ko hahayaang matapos ang araw na ito nang hindi ko mapapatahimik at makikilala ang hayop na ito.

Nagtinginan kami ni Christian at nagkatanguan. Mabilis siyang kumilos at ako naman ay humanap ng tyempo para makatakbo papunta sa kusina. At pagbalik ko ay bitbit ko na ang tatlong mahahabang patalim. Agad kong ibinato ang isa kay Christian. Ang dalawa naman ay ibinato ko sa ere at nang masalo ko ang mga iyon ay pabaliktad kong hinawakan. Ganoon sa aking paraan nang paghawak ng espada. Ganoon sa paraan na sanay ako. Ganoon sa paraan ko kung paano akong lumalaban.

Pinaggitnaan namin ito ni Christian, pinaikutan. Habang ito naman ay nananatili sa kinatatayuan, nakatuon ang paningin sa kung saan ngunit kami'y minamatyagan. Pero sadyang mabilis siya, bukod doon ay nasisiguro kong malakas ang kaniyang pakiramdam. Dahil nang umamba ako ng saksak ay agad siyang sumipa. Kakaiba ang sipa niya, hindi iyon pwedeng maliitin. Dalawa lang ang pwedeng mangyari kapag tinamaan ng sipa nito, kung hindi ka tatalsik ay mamimilipit ka sa sakit.

"Huwag ninyo nang patagalin." Nangibabaw bigla ang tinig ng aking ama sa gitna nang matinding tensyon. "Sa loob ng dalawang minuto ay kailangang ako na ang kaharap mo."

Nilingon siya nito. At bagaman may tabing ito sa mukha ay batid kong napangisi ito. Nagustuhan nito ang sinabi ng aking ama na para ba iyong isang pampagana.

Nagoyo kami nito sa ganoong sitwasyon nang hindi namin mamataan ang biglaan nitong pagyuko! Kinuha nito ang dalawang unan sa sofa at initsa kay Christian ang isa. Nahiwa iyon nang laslasin ni Christian pero nang mawala iyon sa kaniyang paningin ay sumalubong na uli ang paa ng nasa kaniyang harapan. Nakailag si Christian, napaatras at saka lang sumugod nang makakuha ng tyempo. Paulit-ulit niyang iniumang ang kutsilyo rito at may minsan pang muntik niya na itong tamaan.

Doon ako biglang sumugod, bagay na ikinagulat nito at nadaplisan. Pero sa sobrang nipis ay iyong manggas lang ng suot nitong jacket ang nabutas. Hindi ko inaasahan nang maramdaman ko ang pagsipa niya sa aking tuhod, napayuko ako ngunit nagawa kong iumang ang saksak papunta rito. Patuwad itong umatras habang sinasalo naman ang pag-umang ng patalim ni Christian. Sobrang bibilis naming kumilos na halos hindi kami magkakitaan!

At nang makahanap ako ng tyempo ay bigla akong pumunta sa likod nito at doon ito sinipa! Sapat ang lakas niyon upang mapasubsob siya papunta kay Christian na eksaktong tinamaan siya sa braso. Nakita ko nang magkakasunod na pumatak ang dugo niya, at hindi ko naiwasang mapangiti.

Kung ganoon, ang bilis niya ay katumbas ng dalawa o tatlong tao? Punyeta!

"Ano ka ba sa tingin mo, isang ninja?" sarkastiko kong tanong.

Nagawa kong ngumisi pero hindi ko nagawang iwasan ang palad niyang papaangat na sumalo sa aking panga! Napamura ako matapos kong makagat ang sariling dila!

"Isa." Bigla itong bumilang sa hindi malamang dahilan.

"Anong isa?" inis kong tanong 'tsaka muling sumugod sa kaniya.

Nang akma niyang dadambain si Christian ay payakap kong sinalo ang mga braso niya at pwersahan iyong inilapit sa 'kin. Pareho kaming naglabanan ng lakas at aminado akong naging mahirap iyon sa parte ko dahil dalawang kutsilyo ang aking hawak.

"Christian!" pagtawag ko.

Agad na sumugod si Christian at nag-umang ng saksak! Ngunit nagawa nitong tuunan ako ng bigat upang maingat ang sarili at pinagtatadyakan ang mga braso ni Christian. Hanggang sa tuluyan nitong masipa ang lalaki sa dibdib dahilan para muli itong tumalsik. Pwersahan siyang humarap sa 'kin at inikot ang mga braso niya sa mga braso ko nang sa gayon ay pareho naming hindi maikilos ang mga iyon. Dikit na dikit kami sa isa't isa na halos magkaamuyan kami ng hininga.

Ngunit hindi ko nagawang matakot, mag-iisip na sana ako ng kilos nang bigla akong matigilan. Kusang nagbaba ang tingin ko sa dibdib naming pareho nang may maramdaman ako.

Babae siya!

At ang pamilyar nitong amoy ay lalong bumubuhay sa galit ko. "Hayop ka!"

Bigla ako nitong itinulak at patalikod akong sinipa na nagawa kong ilagan! Pero hindi pa pala doon matatapos ang pagsipa niya dahil ang paa niya ay nanatili na sa ere at sunod-sunod akong inatake! Nang maabutan ako nito ay agad nitong hinawakan ang pareho kong pulsuhan. Tinapik ang isa kong siko at ang isang kutsilyo ay hindi kapani-paniwala kong nabitiwan! Agad nitong iniharap ang talim niyon sa 'kin at ngumisi. Kahit hindi ko nakikita ang mukha nito ay batid ko ang kaniyang pagngisi.

"Gawin mo!" sigaw ko.

At hindi nga ito nag-atubiling itarak iyon sa mismong pulsuhan ko. Napasigaw ako sa sakit. Kakatwang nagawa niya pa iyong isauli sa 'kin ang patalim. Parang alipin ko naman iyong tinanggap.

Pinche idiota!

Napasigaw nang pagsugod si Christian ngunit agad itong yumuko at kagulat-gulat nang magawa nitong buhatin ang salamin ng center table! Batid ko kung gaano iyong kabigat pero nagawa niyang bitbitin at isangga sa pag-atake ni Christian!

Nang dahil do'n ay tumalsik ang hawak na kutsilyo ni Christian. Walang-habas naman nitong inihampas ang gilid ng hawak nitong salamin sa lalaki dahilan para mahilo-hilo itong matumba matapos tamaan. Kikilos na sana patayo si Christian nang mamataan ko ang isang pares ng paa na agad na pumigil sa dibdib niya. Nang mag-angat ako ng tingin ay panibagong tao na ang aking nakita!

What the hell? Hindi ko agad nagawang kumilos, gulat na gulat akong napatitig sa isa pang iyon. Pulos nakaitim at may tabing ang mukha! Kung ganoon ay tama ang aking hinala! Dalawa sila!

Hindi ko malaman kung paano ko nagagawang makapag-isip pa nang ganito sa kabila ng nangyayari sa pagitan namin. Tama ang aking hinala, dalawang tao ang sumugod sa akin nang gabing iyon. Hindi man kumpirmado ay nakasisiguro na ako. Gayunman, ang nasaksihan ko ngayon sa aking kaharap ay mapanlinlang. Isa iyong patunay na kahit nag-iisa ito ay hindi ito mahihirapang patumbahin ako.

"Please, stop!" sigaw ni Almeyra pero walang pumansin sa kaniya.

Nang ako ang harapin ng unang taong nakaitim ay handa na ako sa pag-atake. Pero gaya kanina ay naging mabilis ang pagkilos nito. Nagawa nito akong tungkuran sa tuhod at pwersahang isampal sa mismong ulo ko ang makapal na salaming iyon!

Nawalan ako ng balanse sa sobrang lakas niyon at bago ko pa magawang matumba ay humampas pa muna ang aking baba sa kahoy na mesa! Nakita ko pa kung paano nitong ibinato kay Christian ang mabigat na salamin dahilan para mapabulyaw ito sa sakit.

"Dalawa." Narinig ko muli ang pagbilang nito.

Dali-dali akong gumapang pero sobra na ang aking hilo. Literal na umiikot ang aking paningin. Ang dugo ay nararamdaman ko nang kumakalat sa aking mukha. Unti-unti ay biglang namanhid ang ilang parte ng katawan ko. Natakot ako nang hindi ko na maramdaman ang aking mga paa. Agad ko iyong ikinilos at iwinagwag na para bang lumalangoy. Walang nangyari.

Nakita kong dumaan sa harapan ko ang ikalawang pulos nakaitim. Ang naunang nakaitim ay nakatayo na sa harapan ng aking ama. Nang umastang susugod ang aking ama ay agad siya nitong sinalo sa panga at pabatong iniitsa!

Daddy—no!

Gusto kong sumigaw nang sobrang lakas! Pero bukod sa wala akong lakas ay hindi ko magawang ibuka ang aking bibig. Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa niya sa 'kin upang bigla ay para akong naparalisa. Nag-angat ako ng tingin sa ikalawang nakaitim, nakatunghay ito sa akin. Walang emosyon na mababasa sa kaniyang mga mata.

Sinikap ko ring tingalain si Christian, hindi na ito kumikilos gaya ni Mark.

Ano na ang mangyayari sa amin? Cargosin, where are you! We...need you! Maging sa isip ay nahihirapan akong magsalita. Natotorete ako at kung ano-anong maiingay na bagay ang nangingibabaw sa aking pandinig. Ang kaba ko ay walang-habas sa pagtindi. Ang mga kamay ko ay malakas ang pagkilos sa sobrang panginginig.

"Please!" nangibabaw ang tinig ni Almeyra.

Nang tingnan ko siya ay nakaluhod na siya at nagmamakaawa. Pinagkikiskis ang mga palad na para bang magagawa siya niyong isalba. Ngunit ang naunang nakaitim ay nilingon lang siya at tinapunan ng tingin.

"Please, I am begging you for my life!" patuloy ni Almeyra. "My family needs me! I am, begging you! Please! Please, don't hurt me, please! Please be kind! I am begging you, please!"

"I am kind to everyone, but when they hurt me I hurt them more." Pinakadiinan nito ang huling sinabi. Ang mga salitang iyon ay mabilis na nanuot sa sistema ko at pinanindig ang lahat ng aking balahibo.

Ang boses na iyon ay pamilyar sa pandinig ko. Nasisiguro kong hindi na iyon ang unang beses ko iyong narinig. Hindi ko lang malaman kung paano niyong nagagawang palakihin pa iyon nang hindi pinipilit ang sarili. Tinig lalaki pero mula sa lalamunan ng isang babae.

"I am so sorry for everything that I did! I d-didn't know! I don't know anything! Please! My family is waiting for me and they didn't know anything about this, please! Oh, God! I am begging you, please!" halos halikan na ni Almeyra ang paanan nito.

"Umalis ka sa harapan ko."

Mabilis na tumayo si Almeyra, nangangatog ang mga tuhod at hindi man lang ako tapunan ng tingin nang magtatakbo. Gusto kong maiyak nang sandaling iyon, hindi ko mahanapan ng sagot ang mabilis nitong pagtalikod. Umakyat siya sa itaas at sunod-sunod na kalabog na ang aking narinig.

Ngunit hindi ko inaasahang patakbo ring bababa si Almeyra. Mabilis ko siyang tiningala dahil sa sobra kong pag-aalala. At gano'n na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makitang may hawak na siyang baril. At ang baril na iyon ay pamilyar sa aking paningin. Pag-aari ko iyon! Nasisiguro kong hinalungkat niya iyon sa bag ko.

Pero hindi na tama ang kilos niyang iyon. Hindi kilala ni Almeyra ang mga kaharap namin na ngayon ko lang din halos nakikilala. Nasisiguro kong bago niya pa makalabit ang baril ay umitsa na siya. At ang mas ikinatatakot ko ay baka magawang umilag ng dalawang nakaitim at tamaan ang aking ama.

"No..." Hirap na hirap ko iyong sinabi habang ang palad ko ay sumesenyas sa kaniyang huminto.

Pero hindi ako pinansin ni Almeyra, sa halip ay nagpipindot siya sa hawak na cellphone.

"Leave us alone or I'll call the cops!" sigaw pa ni Almeyra.

Dahan-dahang bumaling ang naunang nakaitim sa kaniya. Muli ay tumabingi ang ulo nito na para bang pinag-aaralan siya. Maging ang pagngisi nito ay muli ko na namang nakita.

"I am warning you! Leave us alone!" bulalas na naman ni Almeyra. Ni hindi niya magawang itutok nang deretso ang baril. Gumewang-gewang ang nguso niyon dahil sa matindi niyang panginginig. Tuloy ay hindi man lang nakanti ang mga pinagbabantaan niya.

"Hindi ako 'yong tipo ng tao na tumatawag ng pulis, Almeyra." Nang magsalita siyang muli ay nasiguro ko nang tama ang aking hinala. Kahit gaano pa nitong palakihin ang boses, sadya man iyon o hindi, ay hindi na ako pwedeng magkamali. Kilala ko na ito! "Ako 'yong tipo ng tao na kapag nainis, hihilingin mong sana ay dumating ang mga pulis dito bago dumapo sa 'yo ang mga kamay ko."

"Shut up!" sigaw ni Almeyra na agad na tinitigan ang hawak na baril. Ngunit mababasa sa kaniyang hindi niya alam kung paano iyong gamitin.

Damn it! Mierda!

Sinikap kong kumilos ngunit huli na iyon! Nagawa nang iitsa ng isa pang nakaitim ang kutsilyo kay Almeyra at eksakto iyong tumama sa bibig ng baril! Natutulirong napatitig na lang si Almeyra sa dalawang nakaitim matapos mabitiwan ang baril. Agad namang lumapit doon ang ikalawang nakaitim at pinulot ang baril. Gamit ang isang kamay ay ikinasa nito iyon, tinanggal ang magasin at pintik isa-isa ang mga bala. Kung gaano kabilis at katalino niya iyong nagawa ay hindi ko na dapat pang pagtakhan. Ngunit isa iyong matinding dahilan para sila ay katakutan.

Mierda!

"Who the hell are you?" Nangibabaw ang tinig ng aking ama, dali-dali akong nagbaba ng tingin sa kaniya.

Bahagyang nakatagilid ang aking katawan ngunit nananatili itong paralisado sa hindi maipaliwanag na dahilan.

'Ayun na naman ang pagtabingi ng ulo ng naunang nakaitim. "Roses are red...violets are blue..." Nakababaliw kung paano niya pang idinaan sa biro ang sandaling iyon. Sa pagtula nito ay batid kong nakangisi ito. Dumaragdag tuloy sa galit ang pagkainsulto ko.

"Who are you!"nanggagalaiting sigaw muli ng akin ama, dinuro pa ang dalawa.

"Stop asking who I am, because you'll die if I tell you."Ang kaninang nakaiinsulto niyang pagtula ay naging nakapangingilabot.

Nanlaki ang aking mga mata. Kinapos ako nang hininga.

Ang linyang iyon...

Kinilabutan ako nang paulit-ulit habang ang mga mata ko ay patuloy sa panlalaki. Napako ang aking paningin sa likuran ng naunang nakaitim. Hindi ako pwedeng magkamali!

"Oh, shit..." Dinig ko ang umiiyak na bulong ni Almeyra ngunit hindi ko na siya nagawa pang tingnan. Nanatili sa naunang nakaitim ang paningin ko. "Ang linyang iyon..."

Lahat ng kaibigan naming magkakasunod na naaksidente ay narinig ang linyang iyon. Na para bang iyon ang iniiwang marka nito sa t'wing may titirahing tao.

Umiling nang umiling ang aking ama, hindi mabasa ang reaksyon sa mukha. Naghahalo ang takot, kaba, pagkadismaya, kawalan ng pag-asa at galit sa kabuuan niya.

"I've been hearing that line over and over again! Who the hell are you!" bulalas ng aking ama, namumula sa galit. Pakiramdam ko ay ito na ang katapusan naming pare-pareho.

"You'll die if I tell you, Chairman Rewis," sagot nang naunang nakaitim.

"Kung ganoon ay ikaw ang nanloob sa aming tahanan? Ikaw ang gumawa niyon sa lahat ng taong malapit sa aking anak?" gitil na tanong ni Chairman.

"Ngayon ko lang sasabihin ito," pabulong nitong sabi ngunit maririnig pa rin. "Ako lang ang may karapatang gumamit ng linyang iyon, señor."

Matapos sabihin iyon ay dinamba nito ang aking ama. Dahilan para mapahiga si daddy at pumaibabaw siya nang hindi nagdidikit ang kanilang mga katawan. Ang kutsilyong hindi ko man lamang nakitang hawak niya ay mahigpit niyang itinutuok sa mismong lalamunan ni daddy. Halos mapatili ako nang makitang kuminang ang talim no'n sa aking paningin.

Oh, please! God!

"Sa anong paraan mo gustong masaktan, Chairman? Iyong dahan-dahan o biglaan?" muling tanong nito.

"I am not afraid of you!"

"You should be." 'Ayun na naman ang malalim at malaki nitong boses.

"You will pay for this! I will make you suffer!"

"Then watch me suffer."Pinakahigpitan nito ang pagkakagapos sa leeg ng aking ama. "You think you know me?" tanong nito.

"Who are you!" halos mapuno ng boses ni daddy ang kabuuan ng bahay.

Umalis ito sa ibabaw ng aking ama at hinilang bigla ang suot ni daddy na kurbata. Inilapit nito ang mukha nila sa isa't isa. Pero inikot nito nang inikot ang kurbata ng aking ama hanggang sa mahirapan itong huminga.

"Repeat your question then I'll tell you who I am!" Bigla itong sumigaw, at mararamdaman doon ang galit!

Muli akong kinilabutan at mabilis na nangilid ang aking mga luha.

"Who...are you?" hirap na hirap na tanong ng aking ama. Halos malunod siya sa sarili niyang laway at animong kinakapos na ng hininga!

"My name...is Maxpein."

Hindi ko alam kung bakit alam ko naman na iyon pero ganoon pa rin ang aking gulat dahil sa kompirmasyon. Noon lang ako nakarinig ng pangalan na may kakayahang pagwalain sa takot ang dibdib ng sinuman.

Inaasahan kong magdudulot ng panibagong galit ang pag-amin ni Maxpein. Ngunit hindi ganoon ang nangyari. Napuno ako ng natakot. Ni katiting na pag-asa ay wala ako.

DEIB'S POV

Isang buwan ang nakalipas bago ako pinayagan ng mga doktor na bumalik sa Pilipinas. Hindi ko maipaliwanag ang naghahalong saya at bigat ng pakiramdam.

"Excited ka na ba?" tanong ni daddy, sunod-sunod na tango ang naisagot ko.

Bukod sa 'min nina mommy't daddy at Manang ay sina Noonaat Randall lang ang nakakaalam na ngayong gabi mismo ang balik namin sa Pilipinas. Sinadya kong hindi iyon ipasabi kay Taguro, gusto ko kasi siyang sorpresahin.

Ngunit hindi ko inaasahang ako pala ang masosorpresa nang makita kung gaanong kagarbo ang buong bahay namin pagkarating. Nagkalat ang mga palamuti at disenyo, makikinang na ilaw, at mga lobo. Malakas din ang sounds na nagmumula sa loob ng bahay.

"Mom?" napapangiti kong baling dito. Halos mapunit din sa kangingiti ang mga labi ni mommy pero hindi niya nagawang sagutin ako.

Sa halip ay tumuloy kami sa bahay at doon ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko.

"Welcome back, Deib Lohr!" sabay-sabay nilang sigaw. May pinaputok pa dahilan para magkalat ang confetti sa ulunan ko.

"Ang mga puso! Ang mga puso!" sigaw ni Parrot at mabilis nitong binuksan ang malaki at bakal na electric fan. Agad na nagliparan ang mga lobo na hugis puso sa ere.

Gaya ni mommy ay halos mapunit ang labi ko sa sobrang pagkakangiti. Natatawa ako at natutuwa nang hindi ko maintindihan. Mabilis ding nangilid ang mga luha ko pero batid kong dahil iyon sa sobrang tuwa.

"Happy birthday, Deib Lohr!"

Bigla ay sabay-sabay silang kumanta at ang boses ni Parrot ang pinakanangingibabaw, bigay na bigay pa. Pilit pinahahaba at kinukulot-kulot ang tono ng kanta.

"Happy birthday, Deib Lohr! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday, Deib Lohr!"

Habang nakikinig ay iginala ko ang mga paningin. Hindi sa mga naroon kundi sa mga disenyong pinaglaanan nila ng oras na ilagay. Kaliwa't kanan ang cartolina paper na nakadikit sa mga kurtina. May "Welcome back, Deib Lohr!", may "Happy 2nd Born day, Deib Lohr!", may "Welcome home, baby babe!", at may "WE LOVE YOU, DEIB LOHR ENRILE!".

Nakakatuwa. Pakiramdam ko ay tumaba bigla ang puso ko. Hindi ko alam na ganito katindi ang isasalubong nila sa 'kin at talagang nahaplos ang aking puso.

At bago pa man matapos ang pagkanta nila ay natuon na ang paningin ko sa taong iyon na ilang buwan kong pinanabikang makita. Maging ako ay parang nakikita ang kinang sa aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang kuryenteng kumiliti sa buo kong sistema nang magtama ang paningin namin ni Taguro.

Syempre, dahil si Taguro iyon ay wala na naman siyang emosyon. Deretsong nakatingin sa 'kin at hindi man lang nag-abalang makikanta.

"Kumusta sa pakiramdam 'yong mabigyan ka ng panibagong buhay, bro?" nakangiting tanong ni Randall matapos ang kanilang pagkanta.

"Nakakatuwa. Walang katumbas ang tuwa at saya," seryoso kong isinagot.

"Na-miss ka naman, 'dre!" biglang tumakbo si Tob at yumakap sa 'kin. "Miss na miss kita, 'dre! Kahit hindi mo ako tinatawagan at tine-text ay hindi ako nagtatampo sa 'yo. Naiintindihan ko. At araw-araw kong hinihiling na talagang gumaling ka na, 'dre! Na-miss kita talaga! I love you, 'dre!"

"Putsa, alis nga diyan!" natatawa kong singhal.

"Welcome back, Deib," nakangiti at nakapamulsang bati naman ni Lee. Hindi na rin nito napigilan ang sariling lumapit at yumakap sa 'kin.

"Anak ng...si Taguro ang inaasahang kong unang gagawa nito sa 'kin at hindi kayo," inis kong bulong sa kanila.

Hindi naman sila nakasagot. Nagkatinginan pa bago pilit na ngumiti sa 'kin. "Alam namin! Psh! Para iisang yakap lang, eh! Pwedeng-pwede mo naman nang yakaping maya't maya si Taguro pagkatapos nito!" pabulong ding asik ni Tob.

"Pero ang totoo ay miss na miss ko rin kayo, bwahahaha! Alam niyo bang nagpabili pa ako ng mga laruan na Superman do'n para maalala ko si Lee! Tapos sa 'yo naman Tob ay si Joker! Bwahahahaha—"

"Anong Joker naman!" singhal ni Tob. Sabay na lang silang natawa ni Lee.

"Hi, Deib! It's nice to see you again," nakangiting lumapit sa kaniya si Kimeniah.

"Kim! Grabe, 'ganda mo, ah!" natutuwang bati ko sabay sulyap kay Taguro. Napanguso ako nang makitang hindi siya nakatingin sa 'min. Tch! Hambog!

"Thanks! Nag-worry talaga ako at naiyak ako nang makarating sa 'kin 'yong news tungkol sa iyo. Masaya talaga ako na okay na okay ka na ngayon. I never stopped praying for you."

"Thanks, Kim." Muli akong lumapit para yakapin siya habang ang paningin ay na kay Taguro pa rin. Na nang sandaling iyon ay panay na ang kutkot sa ilong at pumipitik kung saan-saan.

Yak! Grabe talaga ang babaeng 'to! Tsk! Nakakainis!

"Deib!" patakbong yumakap sa kaniya si Keziah. "Oh, thank God you're alright!"

"Thanks for your prayers, Keziah."

Bukod sa magkapatid ay isa-isa ring lumapit sa 'kin sina Parrot, Michiko, BJ at Migz. Muling lumapit sa 'kin sina Lee at Tob bago tuluyang makalapit sa 'kin si Noona na yumakap agad nang sobrang higpit. Habang nagsasalita pa ay panay ang pag-iyak niya, hindi mahinto dahil sa sobrang saya.

Nando'n din si Lolo Dei Min na bagaman maikli ay mahigpit din ang naging pagyakap sa 'kin, ginawaran pa ako ng halik bago ako kumustahin. Si Chairman Enrile ay halatang naiilang bago pa man makalapit sa 'kin. Pero naramdaman ko ang pananabik at saya nang yakapin niya ako at hagurin sa likuran. Sinabi niya pa kung paano niyang sinisi ang sarili sa nangyari pero paulit-ulit ko naman 'yong itinanggi.

Ang mga Moon ang huling lumapit sa 'kin at para bumati. Syempre, hindi mawawala ang kainosentehan ni Maxrill na tinusok-tusok pa ang dibdib ko gamit ang barbecue stick. May hawak pa itong dalawang barbecue sa kabilang kamay at ngumunguya habang nakikipag-usap sa 'kin. Hindi rin nawala ang mga paalala ni Maxwell habang kinukumusta ako. Gano'n na rin sina More at Maze na panay ang habilin na sa susunod ay mag-ingat na ako. Si Chairman Moon ay may iniregalo sa akin na nakalagay sa sobre, bukas ko na lang daw tingnan iyon. Si Mokz naman ay kinuwestyon na muna ako kung bakit hindi ko nagamit ang mga itinuro niya sa 'kin bago ako nagawang kumustahin.

Napakasarap sa pakiramdam, hindi ko talaga inaasahan ang ganitong kainit na salubong sa pagbabalik ko.

Isang tao na lang ang hinihintay ko at hindi ko na sinayang pa ang sandali. Agad kong itinuon ang paningin sa kaniya dahilan para maagaw naming pareho ang atensyon ng lahat.

Agad na nangibabaw ang panunukso sa ilan. Ang mga kaibigan naman namin ay nanatiling nakatingin lang. Parang nakaramdam naman si Taguro kaya nilingon niya rin ako. Bahagya pa siyang ngumiwi nang makitang ang lahat ay nakatingin na sa kaniya. At saka parang lalaki na tumayo at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin.

Syempre, grand entrance dapat ang sa kaniya! Tch!

Simpleng t-shirt at maong pants na butas-butas ang suot niya. Ang buhok niya ay medyo wavy at nakaladlad. Wala ring palamuti ang mukha niya, pero agaw-atensyon ang mapula niyang labi. Gamit niya iyong sneakers na madalas niyang isuot at ang dumi-dumi no'n ngayon. Pero kahit gano'n ay napakaastig pa rin niya.

Isang dipa pa ang layo niya sa 'kin pero agad na nanuot sa ilong ko ang pamilyar na amoy ng kanyang pabango.

"Baby babe!" agad kong sigaw na ikinagulat nito.

"Tss."

"Baby babe, my baby babe, my one and only, baby babe!" pakanta kong sabi.

"Omo! Yieee!" sunod-sunod na tango ni mommy na sinabayan pa ng mahinang palakpak.

"Hello, Taguro...ko! Hehe!" bati ko.

"Hi." Ang angas na naman ng dating niya. Naramdaman ko ang isa-isang pag-alis ng mga nakapaligid sa amin. Nagkani-kaniyang pwesto ang mga ito malayo sa 'min. "Kumusta?"

"'Eto, kinikilig."

"Tss."

Ngumuso ako. "Ikaw ba?"

"Ayos naman ako."

"Hindi. Ibig kong sabihin, ikaw ba, kinikilig din?"

"Hindi."

Napanganga ako. Ano pa nga ba ang aasahan mo, Deib Lohr? "Grabe ka! Manhid!"

"Kumain ka na." Walang emosyon niya iyong sinabi.

"Babe..." Sinundan ko si Taguro, matagal bago niya nagawang lumingon sa 'kin. Napangiti ako at tiningnan ang maganda niyang mukha.

"Oh?" ngumiti siya sa 'kin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, patakbo akong lumapit at yumakap sa kaniya. "Na-miss kita nang sobra, Taguro," pabulong kong sabi.

Agad ay naging emosyonal ako, parang anumang oras ay maiiyak ako. Napakasarap sa pakiramdam na makita siya at lalo pa ngayong kayakap ko na siya. Walang sandaling nawala siya sa isip ko, at gano'n na lang ang saya't tuwa ko nang sa wakas ay magkasama na uli kami.

"I'm so happy to see you again, babe," muling bulong ko, hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.

Bahagyang nawala ang ngiti ko nang wala man lang akong naramdamang ganting yakap mula sa kaniya. Pero inalis ko agad 'yon sa isip ko at inalalang siya nga pala si Taguro. Ang mayabang na si Taguro.

Maraming tao dito kaya 'wag kang umasa na ibababa niya ang yabang niya, Deib!

Kumalas ako sa pagkakayakap at nakangiting tumingin sa kaniya. Kinuha ko ang mga kamay niya at inilagay ang kaliwa sa dibdib ko. Napatitig siya sa kamay niyang nasa dibdib ko, animong pinakikiramdaman ang tibok doon. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at napangiti ako nang magtama ang mga mata namin.

"Malakas na uli ang puso ko, babe." Nakakahiya man pero namasa talaga ang mga mata ko. Pakiramdam ko kasi ay siya na ang pinakamasayang tao ngayon dahil sa ibinalita ko. "Hindi ka na dapat malungkot kasi magaling na 'ko, babe. Matibay na uli ang puso ko. Hindi na bibigay 'to kahit saktan pa nila 'ko nang paulit-ulit."

"Good for you," ang tanging naisagot niya.

Sandali akong natigilan pero bumawi agad ako, ngumiti ako sa kaniya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Ikaw ang nakaisip nitong party na 'to, babe?" sabi ko habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng backyard.

"'Yong ate mo."

"'Sabagay, pangit nga pala ang taste mo kaya imposibleng makaisip ka nang ganito kagandang design," sabi ko habang iginagala ang paningin. 'Tsaka pa lang ako nagbaba ng tingin sa kaniya nang masabi ko na lahat 'yon.

Walang nagbabago sa itsura niya, nananatili iyong blangko at parang walang gana. Muli ay hindi ko 'yon pinansin. Inakbayan ko siya, habang hawak pa rin ang isang kamay niya, 'tsaka ko siya inakay papalayo sa mesa ng mga pagkain.

Nagpaakay siya sa 'kin pero nilingon niya ako nang dalhin ko siya sa mismong gitna ng lahat. Lalo siyang natigilan nang nakangiti ko siyang iharap sa 'kin at ilagay ang dalawang kamay niya sa magkabila kong balikat. Napatingin siya sa mga kamay ko nang ilagay ko ang mga 'yon sa bewang niya.

"Maganda 'yong kanta, hayaan mong isayaw kita," nakangiti ko pa ring sabi, hindi mawala ang kinang sa mga mata.

"Baka mapagod ka," nag-iwas siya ng tingin at bumuntong-hininga.

"Malakas na 'ko, babe, kaya ko na," sabi ko na sinimulang isayaw siya nang mabagal. Paikot-ikot at para lang gumagalaw.

Girl, I think you're truly something. And you're, you're every bit of a dream come true. With you, babe, it never rains and it's no wonder the sun always shines when I'm near you. It's just a blessing that I have found somebody like you.

"Magpahinga ka na lang sa loob," aniya na akmang aalisin ang mga kamay sa balikat ko.

Pinigilan ko 'yon at saka ako ngumuso. "Kahit ngayon lang, babe, na-miss talaga kita."

Bumuntong-hininga na naman siya. "Ikaw ang bahala."

"Hindi mo ba 'ko na-miss?" nakangisi kong tanong, nang-aasar.

Nagbaba lang siya ng tingin at muling bumuntong-hininga. Nangunot ang noo ko pero hindi ko na lang uli 'yon pinansin. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniya, panay pa rin ang pagngiti ko. Parang hindi kasi ako makapaniwalang nasa harap ko na uli siya, nahahawakan ko at gumagalaw kaming pareho.

"No'ng inooperahan ako, sobra 'yong takot na naramdaman ko."

Mayamaya ay nagsimula akong magkwento na para bang totoong nakita ko ang mga iyon. Habang ang paningin ay nasa kung saan na nakatulala kong tinitingnan.

"Bago kasi ako makatulog ay narinig ko ang mga sinabi ng doktor—siya rin 'yong doktor na tumingin at nag-opera sa 'kin noon. Pamilyar siya sa 'kin, tumanda siyang tingnan pero hindi ko siya nakakalimutan."

Nakangiti akong nagbaba ng tingin sa kaniya, nanatiling nakaiwas ang tingin niya. Animong napakalalim nang iniisip at hindi magawang salubungin ang mga titig ko. Muli akong napangiti dahil sa magandang pakiramdam na idinudulot sa 'kin ng presensya niya.

"Ang sabi niya sa mommy't daddy ko ay mababa raw 'yong chances na maka-survive ako,"bumuntong-hininga ako. "Umiyak ako no'n, sa totoo lang," bahagya pa akong natawa. "Sobra na nga 'yong kaba ko tapos may maririnig ka pang gano'n? Parang...wow!" Napapailing ko pang sinabi 'yon. "'Tapos alam mo ba?"

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin. "Ano?"

"Bukod sa mahal kita," natawa pa ako. "Nahirapan silang humanap ng blood donor ko, hindi ako nag-match kay daddy. Masyado namang mababa 'yong BP ni mommy. Marami rin daw nakitang dahilan kung bakit hindi siya pwedeng mag-donate. They both cried in pain. Sinisisi nila 'yong sarili nila at panay ang sorry nila sa 'kin. Kapag sa medical mission daw ay nagagawa nila ang lahat, pero pagdating sa 'kin, wala raw silang pakinabang."

Pakiramdam ko ay muling bumabalik sa kasalukuyan ko ang nangyari nang sandaling 'yon. Naaalala ko na naman ang takot na naramdaman ko, pakiramdam ko tuloy ay nararamdaman ko uli 'yon ngayon.

"Ang sabi pa ng doktor ay biglaan daw masyado 'yong pagdating ko para magpaopera, hindi tuloy nila napaghandaan. Kung nakapagsabi raw nang maaga ay nahanapan na agad ako ng donors bago pa ako dumating. Kaya 'ayun, tumagal ako ro'n. Imbes na one month lang ay naging six weeks."

Nang muli ko siyang tingnan ay nasa malayo na ang paningin niya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero ang gusto ko lang ngayon ay maibahagi sa kaniya 'yong nangyari habang wala ako. Gusto kong malaman niya lahat nang nangyari sa 'kin bago at habang inooperahan.

"Dahil mabait sa 'kin ang Diyos ay binigyan niya 'ko ng panibagong buhay," ngumiti ako nang todo habang ang paningin ay nasa malayo na naman. "Biruin mo ang daming hassle no'n. Bukod do'n sa wala akong blood donor ay biglang bumagsak 'yong resistensya ko sabi ng doktor. Muntik nang maudlot 'yong operasyon kasi hindi raw kakayanin ng katawan ko. Pero dalawang araw bago ako operahan ay bigla akong sumigla. Alam mo kung bakit?"

Muli ay parang natitigilan siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. "Bakit?"

"Kasi iniisip kita," nakangiti kong sabi habang nakatitig sa mga mata niya. "Totoong hindi ka nawala sa isip ko, babe. Lalo na 'yong kinantahan mo 'ko? Parati kong naririnig sa isip ko 'yon! No'ng oras na 'yon ay iniisip ko kung ano ang mararamdaman mo kapag nawala ako. Kaya sabi ko sa sarili ko ay kailangan kong maging malakas. Kailangan kong magpaopera. Kailangan kong gumaling. Para sa 'yo."

"Bakit sa 'kin?" malamig niyang tanong.

Sandali akong natigilan. "Dahil mahal kita."

"Ako ba ang nasa katawan mo?"

Bahagya akong natigilan. "Ha?"

Bumuntong-hininga siya. "Nagpaopera ka dahil 'yon ang kailangan mo, at hindi dahil sa 'kin."

"Oo nga, babe, pero ikaw ang dahilan ko para maging malakas. Para lumaban. Para kayanin ang lahat. Totoong ikaw ang dahilan ko, babe," nakangiti ko pa ring sabi.

Bumuntong-hininga uli siya at saka nag-iwas ng tingin. Hindi ko maramdaman ang bigat ng mga kamay niya sa balikat ko. Pakiramdam ko ay sinasadya niyang pagaanin ang mga 'yon para hindi gaanong sumayad sa mga balikat ko.

Wala siguro siya sa mood, Deib. Hindi ko alam kung bakit bigla ay nakaramdam ako ng lungkot. Pero sinikap ko pa ring ngumiti at 'wag 'yong pansinin. Kailangan mong gumawa ng paraan para gumanda ang mood niya.

"Hindi mo alam kung ga'no mo 'kong napasaya dahil dito sa sorpresa mo, babe," nakangiti kong iginala ang paningin ko sa magandang disenyo ng paligid. "Hindi ko naisip na magagawa mo pa 'to kasi alam kong gaya ko ay wala kang ibang iniisip kundi ako. Salamat sa effort, babe. Ito na talaga ang ikatlong pinakamagandang regalo na natanggap ko. Una ay 'yong dumating ka sa buhay ko, ikalawa ay 'yong panibagong buhay na meron ako ngayon, ikatlo talaga 'to. At dahil do'n ay lalo kitang minahal, Maxpein. Mahal na mahal kita," kakatwa mang isipin ay emosyonal kong nasabi 'yon. Mula sa puso at kaluluwa ko.

Buntong-hininga agad ang isinagot niya at saka nag-iwas ng tingin. "Hindi nga ako ang gumawa nito. Ate mo." Nauubusan na agad siya ng pasensya.

"'Sus! Okay lang naman sa 'kin kung sabihin mong ikaw talaga, Taguro. Maiintindihan ko. Nakakakilig nga, eh, hehe."

"Hindi talaga ako," seryoso niyang sabi na deretso pang tumingin sa mga mata ko. "Maupo na tayo."

"Ha?"

"Hindi ka pa ba napapagod?"

Natigilan na naman ako pero pilit na pinalis agad 'yon. "Sige," nakangiti kong sabi 'tsaka inalalayan siyang lumapit sa mesa kung nasa'n ang pareho naming pamilya.

Nakangiti kaming pinanood ng mga nakaupo ro'n. Inalalayan ko si Taguro paupo at saka ako naupo sa tabi niya. Matagal akong tumitig sa kaniya bago ko nagawang gantihan ng ngiti ang lahat ng naro'n.

"It's really nice to see you again, bro," ani Randall, hindi rin mawala-wala ang ngiti sa labi niya.

"Salamat," sabi ko na muling nilingon si Taguro. "Pero 'yong makita uli ang girlfriend ko ang pinakamasarap na pakiramdam na naramdaman ko."

"Wooh! Panis!" biro ni Randall, natawa kami.

"Ang kaso ay parang hindi niya 'ko nami-miss," nakangiti ko 'yong sinabi pero parang gustong mamasa ng mga mata ko. Niliitan ko ang mga mata ko para hindi 'yon mahalata at saka ako nag-iwas ng tingin.

Naramdaman kong natigilan si Taguro pero hindi ko na lang uli 'yon pinansin. Ang totoo ay ayaw kong mawala 'yong magandang pakiramdam na idinudulot ng kasalukuyan sa dibdib ko. Gusto ko lang namnamin ang sandali dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na uli ako at humihinga nang ayos.

Para akong nagkaro'n ng panibagong lakas at dahilan para mabuhay. Pakiramdam ko na naman ay panibagong buhay 'tong ibinigay sa 'kin, kahit gano'n naman talaga. Kaya ayaw kong sayangin ang bawat sandali lalo at nasa tabi ko si Taguro.

Pero ang katotohanang napapansin ko ang malamig na pakikitungo niya ay pinakatatago ko sa likod ng utak ko at dulo ng puso ko. Ayaw kong magtanong.

NGUNIT hindi ko inaasahang ang malamig niyang pakikitungo na iyon ay hindi mawawala hanggang sa matapos ang party. At hindi pa siya nakontento dahil nagtagal iyon ng ilang araw hanggang sa dumaan ang isang linggo.

Kailangan kong magpahinga ng dalawa hanggang tatlong linggo ayon sa doktor na nag-opera sa 'kin. Sa loob ng panahon na 'yon ay imo-monitor pa rin nila ako sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga doktor na tumitingin sa akin sa bahay. Bantay-sarado ako nina mommy't daddy, Randall at Noona, maging nina Chairman at Lolo. Maya't maya ay naaabala ang isip ko kaya hindi ko magawang tutukan ang pag-iisip kay Taguro. Dahil kailangan kong magpahinga ay hindi ko pinagod sa sobrang pag-iisip ang utak ko. Ang lungkot ay pilit kong inaalis nang paulit-ulit sa puso ko. Kailangan ko ng disiplina at naging napahirap niyon para sa akin.

Noong una ay dumadalaw siya. Pero wala siyang ipinagbago mula no'ng una kaming magkita nitong makabalik ako galing Amerika. Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa 'kin at mas nanlamig pa. Hindi siya nagte-text at mas lalong hindi siya tumatawag. Sa t'wing kukumustahin ko siya sa mga kaibigan ko ay walang maisagot sa 'kin, busy raw sila. Kapag ang malalapit namang kaibigan niya ang bumibisita sa 'kin ay halos ibahin nila parati ang usapan kapag siya na ang nabanggit ko. Nagpapanggap lang akong hindi nakakahalata pero hindi lang talaga ako nagsasalita.

Ang tanong ay nananatili sa isip ko. At hindi iyon nawawala doon.

Ano ang nangyayari, Taguro? Bakit nagkakaganito tayo?

Natatakot ako. Wala akong maisip na dahilan para magkaganito kami. Hindi nawawala sa isip ko iyong huling pangyayari bago ako pumunta sa Amerika. Lalo na iyong sandaling kinantahan niya ako, iyong emosyon na ibinuhos niya no'n kahit magkausap lang kami sa telepono ay hinding-hindi makakalimutan ng puso ko. Pero hindi ko maintindihan para umasta siya nang ganito sa akin ngayon.

Hanggang sa dumating ang ikatlong linggo, araw iyon ng Lunes. Pumasok ako at eksaktong nakasabay ko si Taguro sa parking lot. Nagkataon lang na nauna siya at hindi ako nakita.

"Babe," hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Gulat siyang napabaling sa 'kin pero mabilis ding nagbago ang reaksyon sa mukha niya.

Walang mababasang emosyon sa mukha niya nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin. Napabuntong-hininga ako at umayos ng tayo para harapin siya. Nanatili siyang nakaangat ng tingin sa 'kin at blangko ang mukha.

"Babe," muling sabi ko, nagugulat nang todo. Sunod-sunod ang naging pag-iling ko wala pa man. "Babe, sabihin mo nga sa 'kin, nalilito na ako, eh. May problema ba tayo?" halos mautal kong tanong. Sobra akong nanlulumo. Ang mukha ko ay paniguradong problemado.

Pero hindi ako nakatanggap ng sagot. Matagal niya akong pinagmasdan na para bang may sinasabi siya sa 'kin gamit ang utak. Pakiramdam ko tuloy ay ang tanga-tanga ko na naman dahil hindi ko 'yon makuha.

"Babe, please tell me, do we have a problem?" paglilinaw kong tanong.

"Bakit? Sa tingin mo ba ay meron?"

Napabuntong-hininga ako, bigla akong kinabahan. "Pakiramdam ko kasi ay masyado kang malamig sa 'kin. Simula nang dumating ako galing sa States ay ganito ka na. Did I do something wrong? Bakit ka ganito sa akin?" May kirot agad akong naramdaman sa dibdib ko. "May problema ba?"

Umayos siya ng tayo at hinarap ako. "Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?"

"Sarili ko?"

"Oo," natawa siya. "Ano ba 'yong ginawa mo sa 'kin?"

Natigilan ako nang sobrang tagal habang nakatitig pa rin sa kaniya. "Taguro..."

"Oh?"

Sunod-sunod na naman ang naging pag-iling ko. "Naguguluhan ako."

"Anong gagawin ko?" napakalamig niyang makitungo talaga.

"Linawin mo sa 'kin, please. Gusto kong malaman, may problema ba tayo?" nagsisimula na akong mag-alala nang sobra. "At oo at hindi lang ang sagot, babe."

"Nakalimutan mo na agad?"bahagyang nakangising tanong niya.

"Ang alin?" hindi ko na naiwasang mautal.

Matagal siyang tumitig sa 'kin, para bang nagsisimula nang magalit dahil may bagay akong nakalimutan sa 'min. Kung ano man 'yon ay hindi ko maalala dahil hindi naman na ako magtatanong kung tanda ko pa 'yon. Nalilito ako masyado.

Nang gabing iyon ng pagdating ko, sa party ay napapansin ko na ang panlalamig niya pero mas pinili kong bale-walain 'yon. Unang-una kasi ay ayaw kong sirain ang magandang mood, ikalawa ay mas gusto kong lokohin ang sarili ko. Gusto kong isipin na wala akong napapansin. Dahil ang katotohanang nararamdaman ko ang panlalamig niya ay masakit para sa akin. At ikatlo ay ayaw kong mag-usap kami nang ganito sa harap ng pamilya naming pareho.

"Babe...okay naman tayo, 'di ba?" umaasa kong tanong nang hindi siya magsalita.

"Bago mangyari ang mga nangyari, oo, ayos tayo."

"Hindi ko maintindihan, babe." Umiling ako nang umiling.

"Kailan ka ba nakaintindi?"

"Babe..." Nagugulat ako sa kaniya.

"Hiwalay na tayo, 'di ba?"

Parang binambo bigla ang dibdib ko. Agad na nag-init ang magkabilang gilid ng mga mata ko pero agad ko rin 'yong pinigilan. Pinakatitigan ko siya at saka ako humakbang para mas mapalapit pa sa kaniya.

Napabuntong-hininga ako, hindi ko agad nagawang makapagsalita. Sandali pa akong napaisip habang nagkakamot sa likuran ng tenga. Napalunok ako 'tsaka muling tumitig sa kaniya.

"Pero hindi ba't sinabi mong pagbalik ko ay ayos na tayo, babe?" umaasa pa ring tanong ko. "Sinabi mo 'yon, babe."

Umiling siya. "Hindi ko matandaang gano'n ang sinabi ko, Deib."

Muli akong natigilan, naguguluhan nang sobra at kinakabahan. "Pero bago ako umalis papuntang Amerika ay okay tayo, babe. Sinabi mo pa ngang mahal mo 'ko, 'di ba? Kinantahan mo pa ako. A-Anong nangyari bigla ngayon?"

"Saan?"

"Ang lamig mo sa 'kin, eh, tapos...ganiyan pa ang sinasabi mo." Nangibabaw na naman ang kirot sa dibdib ko. "Ano ba ang problema, babe?" malumanay kong tanong. "Sabihin mo sa 'kin, please?"

"Ano ba ang mahirap intindihin sa salitang hiwalay?" pabalang niyang sagot. "Hiwalay na tayo, Deib. Nakipaghiwalay na 'ko sa 'yo. At hindi 'yon problema," peke ang ngiting aniya. "Katotohanan 'yon."

Muli akong natigilan, hindi agad makain ng sistema ko ang mga sinasabi niya. Parang ayaw kong maniwala sa mga nangyayari, ayaw kong paniwalaan ang mga sinasabi niya.

Sandali akong nag-isip, pero hindi ako makapag-isip nang ayos dahil naghahalo-halo ang lahat sa utak ko. Pilit kong inaalala 'yong mga sinabi niya no'ng huli. At nang malinawan ako ay nag-aalala akong tumitig sa kaniya.

"Gusto mo bang ligawan ulit kita, babe?" hindi ko malaman kung bakit parang nasasaktan na agad ako.

Calm down, Deib. Gusto niya lang sigurong suyuin mo siya dahil 'yon naman talaga ang mas tamang gawin. Don't worry, she loves you.

"'Yon ba ang sinabi ko?" parang nagliwanag pa kunyari ang mukha niya, tumingin sa kung saan bago nagbalik ng tingin sa 'kin. "Hindi ko na matandaan."

Napamaang ako. "Ang sabi mo sa 'kin bago ako umalis, babe, magpaopera ako. 'Tapos ay bumalik ako dito at bawiin kita. 'Yon ang sabi mo sa 'kin, babe. Kung nakalimutan mo na ay ipapaalala ko sa iyo lahat, babe."

"Okay."

"Anong okay, babe?"

"Okay...binabawi ko na."

"Ha?" natutuliro kong sagot.

"Binabawi ko na 'yong sinabi kong 'yon."

"Ano? Bakit?"

"Anong bakit?"

Natutuliro akong tumitig sa kaniya. "Binabawi mo na?" tanong ko, sinagot niya ng tango. "Ibig mong sabihin ay tayo na uli?"

Natawa siya. "Ang slow mo talaga."

Para na namang tinampal ang dibdib ko. "Eh, ano ba?"

Huminga siya nang malalim 'tsaka muling seryosong tumitig sa 'kin. "Ibig kong sabihin ay binabawi ko nang may sinabi akong gano'n. Hiwalay na tayo at hanggang doon na lang 'yon—"

"Taguro," pigil ko sa kaniya, kunot na kunot ang noo at sobra nang naguguluhan. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo?"

"Sa 'kin? Bakit sa 'kin?"

"Bakit mo sinasabi ang mga 'yan?"

"Dahil 'yon ang laman ng isip ko, Deib."

"Oo nga pero..."

Natitigilan akong napatitig sa kaniya, hindi ko na malaman kung anong itsura ko. Basta ang alam ko lang ay sobra na akong nag-aalala. Hindi ko malaman kung nagbibiro ba siya o seryoso. Ayaw kong isiping seryoso siya dahil nasasaktan ako. Pero ang mga sinabi at ginawa niya bago ako umalis at habang nasa Amerika ako ang pinanghahawakan ko.

Hindi pwedeng panaginip lang ang mga iyon! Narinig ko 'yon mismo! Sinabi niya sa 'kin lahat 'yon! Alam ko! Sigurado ako!

Hindi ko inaasahang mag-iinit ang mga mata ko. "Akala ko kasi pagbalik ko ay okay na tayo, babe."

"Okay naman tayo."

"'Yong tayo na ulit."

"Wala akong sinabing gano'n."

Umiling ako nang umiling. "Pero papayag kang ligawan kita ulit, 'di ba? Ayos lang sa 'kin, babe. Gagawin ko lahat. Mas mag-e-effort ako para sagutin mo lang ako. Kahit na gaano katagal, maghihintay ako. Sagutin mo lang ako."

"Kahit 'wag na." Hindi ko alam kung paano niya pa nagawang ngumiti nang sabihin iyon. Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Pilit ko pa ring sinasabi sa sarili kong nagpapasuyo lang siya. Na kaya siya nagkakaganito ay dahil nagtatampo pa rin siya sa akin.

"May chance pa ako, 'di ba?"

"Deib, tigilan mo na."

"Pero, babe..."

"Alin ang hindi mo maintindihan sa sinasabi ko? Ano ang hindi mo maramdaman sa mga ipinararamdam ko? Kailangan ko pa ba talagang isa-isahin at idetalye sa 'yo?"

Sobra akong natigilan. Ipinaramdam niya na sa akin nang paulit-ulit kung gaano akong katanga at nagagawa niya pang isampal sa 'kin ang katotohanang 'yon ngayon.

Sandali kaming nagtitigan. Inayos ko ang sarili ko at sunod-sunod akong bumuntong-hininga bago nakapagsalita.

"Kung gano'n ay hindi ka masaya na makita ako nang gabing 'yon sa party?"

"Masaya naman. Syempre, isang kakilala na nakita mo uli, gano'n."

Kakilala...wow. Tumingala ako dahil hindi ko siya magawang tingnan. At sobrang sakit na. "Taguro..."

"Oh?" parang maiinis nang tugon niya.

"Nalilito ako."

"Saan na naman? Ang dami mo kasing inuusisa kaya lahat na lang ikinalilito mo."

Umayos uli ako ng tayo at hinawakan ang magkabilang kamay niya. "Liligawan uli kita, babe. Paghihirapan ko uli ang sagot mo. 'Wag ka lang maging ganito kalamig sa 'kin, please?"

"Ganito talaga ako, Deib."

"Hindi ka ganito sa 'kin."

"Ganito ako," giit niya. "Ganito ako bago mo 'ko makilala. Nakalimutan mo na rin ba?" seryosong-seryoso talaga siya.

"Oo nga pero nagbago ka dahil sa 'kin, 'di ba?"

"At bumalik din ako sa dati nang dahil sa 'yo," pandederetso niya. "Paprangkahin na kita, ah?" patanong niyang sabi, agad akong kinabahan. "Kasi mukhang hindi mo maiintindihan ang pabalang kaya kailangan ko pang sabihin sa 'yo sa simpleng salita para lang makaintindi ka."

"Babe..."

"Lahat nang sinabi ko sa 'yo sa ospital bago ka umalis...lahat 'yon ay sinabi ko lang para pumayag kang magpaopera. Ayaw ko kasing makonsensya. Pero bukod do'n, wala na. Wala na akong dahilan para balikan ka."

Bigla ko siyang nabitiwan. "Hindi totoo 'yan," umiiling ko pang sabi.

Hindi nawawala sa 'kin ang deretso niyang tingin. "'Yon ang totoo, Deib."

"Hindi ako naniniwala sa 'yo, Taguro."

"Eh, di 'wag," nag-iwas siya ng tingin.

Nanatili akong nakatitig sa kaniya, kung ano nang itsura ko ay hindi ko alam. "Babe, please naman, oh? Itatama ko ang lahat. Handa akong bawiin ka. Handa akong dumaan uli sa paghihirap mapasagot ka lang uli. Handa akong gawin lahat, bumalik ka lang sa 'kin."

Naging marahan ang pagbabalik niya ng tingin sa 'kin. "Pero hindi ko na alam kung paanong ibabalik 'yong nararamdaman ko sa 'yo."

"Taguro..."

"Wala na 'kong dahilan para bumalik sa 'yo. Wala na 'kong babalikan sa 'yo."

"Mahal mo 'ko, 'di ba? 'Yon ang babalikan mo sa 'kin, babe. 'Yon ang dahilan para balikan mo ako, Taguro."

"'Yon mismo ang nawala sa puso ko," para siyang matatawa nang sabihin 'yon.

"Ano ang ibig mong sabihin?" seryoso kong tanong, pilit na nilalabanan ang nagsisimulang mangibabaw kong emosyon.

"Hindi mo na naman nakuha?" nakakainsulto niyang tanong 'tsaka tumawa. Ngumiti siya at muling nag-iwas ng tingin sa 'kin. "Kung ako ang nakita mong may ginagawang masama kasama ang lalaking pinagseselosan mo, matatanggap mo pa rin ba 'ko?"

Hindi ko nagawang sumagot agad, napatitig ako sa kaniya nang malalim na nagawa niya namang labanan. "Bakit ko naman hahayaang mangyari sa 'yo 'yong nangyari sa 'kin?"

"Oo at hindi lang ang sagot, Deib."

"Babe, hindi mo alam ang pinagdaanan ko nang gabing 'yon. Akala ko ay naipaliwanag ko na sa 'yo lahat? Ang sabi mo sa 'kin ay naniniwala ka sa 'kin? Ano ang nangyayari sa 'yo ngayon?"

"Oo at hindi lang ang sagot, Deib," mas mariin niyang ulit.

"Oo!" Matapang kong sagot. Nagsisimula nang mamasa ang mga mata ko. "Kahit lokohin mo 'ko, kahit saktan mo 'ko ay tatanggapin pa rin kita, Taguro. Tatanggapin pa rin kita dahil mahal kita."

Mapakla ang ngiting iginanti niya sa 'kin. "Pwes ako, hindi."

"Taguro," nanlulumo kong pagtawag.

"Hindi ako tulad mong tanga, Deib," mariin niyang sabi, para 'yong kutsilyong ibinaon niya mismo sa dibdib ko.

Hindi ko na napigilan ang pamumuo ng mga luha sa mata ako. "'Wag mo naman akong pagsalitaan nang ganiyan, babe?" nakikiusap kong sabi.

"Hindi mo alam 'yong sakit," nangingiti pang aniya. "Hindi mo alam kung ga'no kasakit," mas mariing sabi niya 'tsaka sumeryoso. "Napakasakit dahil ako na nga 'yong nasaktan, ako pa 'yong kailangang magsinungaling para lang madugsungan 'yang buhay mo," animong sising-sisi niyang sabi.

Mabilis akong nasaktan. Ang bawat salitang binitiwan niya ay parang bubog na isa-isang itinutusok sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mangyari nito ngayon. Ayaw kong tanggapin.

"Naiintindihan kong nasaktan ka," kunot-noong dagdag niya nang hindi ako makapagsalita. "Ikaw, naintindihan mo bang nasaktan din ako?"

"Nag-sorry naman ako, 'di ba?"

"King inang sorry 'yan!" natawa siya at nag-iwas ng tingin. "Dahil do'n sa ginawa mo ay nasaktan ako nang paulit-ulit! Nawala ang tiwala ko sa 'yo, Deib! 'Tapos 'yan lang ang masasabi mo? Sorry?" mas madiin at nagagalit niyang sabi. "Sorry ba ang bumubuo sa nararamdaman ng tao? Sorry ba ang pundasyon sa tiwalang ibinibigay sa tao? Kaya ba 'yan ang sinasabi mo ay para maibalik uli ang mga 'yon? King inang sorry 'yan!"

"Pero sana ay sinabi mo sa akin, Taguro. Sana ay sinabi mo para naitama ko. Sana ay binigyan mo ako ng pagkakataon—"

"Paano ko magagawa 'yon kung nakaratay ka ro'n?" itinuro niya ang gawi ng ospital.

Hindi ko nagawang magsalita, hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Masiyado akong umasang magkakaayos kami sa pagbalik ko, hindi ko napaghandaan ang ganito.

"Kung gano'n ay hindi mo na rin sana sinabi sa 'king okay lang kahit hindi naman pala."

"Ako pa pala ngayon ang mali?" sarkastiko niyang tanong. "'Yong pagsisinungaling ko ay para rin sa 'yo. Nakakabaliw, 'di ba? Ako 'yong niloko mo pero sa huli ay may ginagawa pa rin ako para sa ikabubuti mo."

"'Wag mo namang isumbat sa 'kin 'yan, pakiramdam ko ay sising-sisi ka dahil nadagdagan ang buhay ko, eh." Sinikap kong sabihin 'yon nang hindi ipinakikitang masyado akong nasasaktan. "Pero sobra naman yata 'to, Taguro? Bakit hindi mo ako bigyan ng ikalawang pagkakataon? Alam mo naman kung gaano kita kamahal, 'di ba?"

"Ang kapal ng mukha mo." Matagal man bago niya nasabi iyon ay naramdaman ko naman ang diin. "Hanep, ka rin, eh, 'no? 'Sabagay, 'yan ka, eh. Demanding."

"Sorry," sinsero ko iyong sinabi. Mabilis no'ng pinangilid ang mga luha ko. "Alam ko kasing mahal mo ako kaya kahit mag-demand ako ay hindi mo iisiping demand 'yon. Kasi nga mahal mo 'ko, 'di ba? Kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo susukatin 'yong mga bagay na nagagawa mo sa kaniya. Kasi ginawa mo 'yon nang kusa. Kasi mahal mo siya. Kasi mahal mo ako, Taguro. Bakit ganito ka manumbat sa 'kin ngayon?" dere-deretso kong sabi. "Alam mo ba kung gaano mo akong nasasaktan ngayon dyan sa mga sinasabi mo? Kagagaling ko lang sa operasyon, Taguro."

"Sino ba ang lumapit sa 'kin ngayon? Sinabi ko ba sa 'yong kausapin mo 'ko?"

"Dahil nahahalata kong malamig ka sa 'kin kaya ginawa ko 'to!"

"Kung gano'n ay ikaw ang naglalagay sa sarili mo sa peligro, at hindi ako."

"Taguro naman, oh. 'Yong ginawa ko, handa akong itama lahat 'yon. Ngayon ay nagsisisi na ako at handa pa akong magsisi hanggang sa makontento ka. 'Wag mo lang akong ganituhin, oh?" naluluha nang pakiusap ko.

Wala akong pakialam kung sino ang makakita at makarinig sa 'min. Sa ngayon ay siya lang ang nakikita ko. Kaming dalawa lang ang humihinga ngayon dito.

"No'ng una ay iniwasan mo 'ko, bale-wala sa 'kin kung magmukha akong tanga kahahabol sa 'yo. Kahit nakakahalata ako ay naniwala akong busy ka, wala pa rin akong pakilam kahit magmukha akong tanga kahihintay sa 'yo. Ipinaglaban kita sa lahat. Lahat ng kaya ko ay ginagawa ko para sa 'yo, Deib. Lahat ay ibinibigay ko sa 'yo. Maliban sa isang bagay na 'yon na hindi ko magawang ibigay...kaya sa iba mo hinanap."

"Hindi totoo 'yan, Taguro," seryoso kong sabi, pilit na namang nilalabanan ang emosyon.

"'Wag mo na 'kong lokohin," nakangiti siya ngumit makikitang nasasaktan. "Kasi ang dami ko na masyadong pinaniwalaan sa 'yo."

"Hindi kita niloko."

"Ano lang? Ginago? Tinarantado? Iniwan mo 'ko dahil hindi ka nakontento!"

"Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa 'kin?"

"Dahil do'n sa ginawa mo, oo."

Nag-iwas ako ng tingin, matagal akong tumitig sa kawalan at nag-isip. Paulit-ulit akong huminga nang malalim at saka muling tumingin sa kaniya. Nababasa ko ang galit sa mga mata niya pero hindi ko magawang matakot.

"Kung alam ko lang ay hindi na sana ako nagpaopera." Nasabi ko 'yon nang hindi ko namamalayan. Nasa mga kamay niya ang paningin ko. "Umasa kasi ako na may babalikan ako."

"Kung hindi lang ako ang masisisi sa huli ay hindi ko rin balak na puntahan ka nang araw na 'yon."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Hindi ko inaasahang aabot tayo sa punto na gagamitin mo sa 'kin 'yang mga ganiyang salita mo, Taguro. Masakit. Napakasakit."

"Ganito ako kapag mababaw ang kausap ko. 'Yong simple sa 'kin, mahirap sa kanila."

Hindi ko nagawang sumagot, nagbaba ako ng tingin. Siya lang ang nakapagparamdam sa 'kin kung gaano kahina ang ulo ko. May kung anong bagay na nagsisimulang umangat mula sa dibdib ko at unti-unting bumabara sa lalamunan ko.

"Sa tingin ko ay umiwas na muna tayo sa isa't isa, mas makabubuti siguro 'yon sa 'yo, Deib," suhestyon niya, hindi ko na naman nagawang sumagot. "Mauna na 'ko."

Pinanood ko siyang talikuran ako pero sa sandaling 'yon ay mabilis na tumulo ang mga luha ko. Hindi pa man siya nakalalayo ay agad na akong humabol.

"Babe," humawak ako uli sa braso niya. Nagulat siya ng makita ako. "Sorry kung nagkamali ako, 'wag mo 'kong iwan, babe. Please? 'Wag."

Nabasa ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "Pero hindi ko na rin alam ang gagawin ko, Deib," kumunot ang noo niya.

"Kahit wala kang gawin, babe. Hayaan mong ako ang gumawa nang lahat, bumalik ka lang sa 'kin. Please? Gagawin ko lahat. Lahat-lahat. Kahit sabihan mo 'kong tanga, slow, bobo, okay lang, babe. Okay lang. Please?"

Umiiling siyang tumitig sa 'kin. "Pero...wala na 'kong nararamdaman sa 'yo."

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. "Imposible naman 'yon, Taguro," nanlulumo kong sabi.

"Wala na," namula rin ang mga mata niya na para bang maiiyak na. "Nasimot na."

"Babe...baka naman meron pa?" nasasaktan na ako nang sobra-sobra, hindi ko pa rin magawang pakawalan siya. "Kahit kaunti?"

Umiling siya. "Wala na."

"Hindi mo na 'ko mahal?"

"Hindi na."

"Kailan pa?"

"Ang alin?" wala na namang emosyong tanong niya.

"Kailan pa nawala 'yong nararamdaman mo para sa 'kin?"

"Ilang araw matapos mong gawin 'yon."

"No'ng pumunta ka sa ospital ay hindi mo na 'ko mahal?" nasasaktan kong tanong.

Tumitig siya sa 'kin at hindi sumagot. Pero dahil sa blangko niyang mukha ay para niya na rin akong sinagot nang "oo".

"Kasinungalingan na lang lahat 'yong sinabi mo no'n?"

"Ikaw pa rin ang mahal ko nang oras na harap-harapan mo 'kong saktan," nakangiting sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa 'yo no'n. Walang nagkulang sa pagmamahal ko."

Doon nagsimulang mangilid ang mga luha niya at kahit pa anong pilit niyang ngumiti ay naipapakita niya ang tunay na sakit na kaniyang nararamdaman.

"Pero 'yong tiwala ko, 'yon ang nabawasan. 'Yon ang nabago at 'yon ang nasira, Deib. Noon ko lang nalamang may sandali palang nawala ako diyan sa puso mo at pinalitan ng panandaliang pangangailangan ng katawan."

"Hindi totoo 'yan, Taguro,"nagmamakaawa kong sabi. "Paano mo ba 'ko paniniwalaan?"

"Hindi ko na yata kayang maniwala sa 'yo."

"Maniwala ka sa 'kin, mahal mo 'ko, 'di ba?"

"Ayaw ko nang paulit-ulit na usapan, Deib."

"Ayaw kong maniwala sa sinasabi mo, Taguro. Nasasaktan ako."

"Mawawala rin 'yan, tingnan mo 'ko," nagyayabang niyang sabi.

Matagal akong tumitig sa kaniya, umaasa akong sa gano'ng paraan ay babawiin niya ang lahat ng sinabi. Pero nabigo ako.

"Hindi mo na rin ba hinihintay ang pagbabalik ko?" muling tanong ko.

"Ang totoo ay inabala lang ako no'ng kapatid mo para pumunta. Wala 'kong choice, eh. May gagawin nga sana 'ko no'n pero no'ng araw matapos no'n ko na lang ginawa."

Inabala... Napatango-tango ako at saka ako nag-iwas ng tingin. Hinayaan kong matuyo ng hangin ang mga luha sa mata at pisngi ko. Nakailang singhot din ako bago nawala ang namuong sipon sa ilong ko.

"Nasaktan kita. Hindi mo alam kung gaano kong pinagsisihan 'yon, Maxpein. Alam kong hindi ko na 'yon magagawang alisin sa puso't isip mo. At hanggang ngayon ay magso-sorry ako at sasabihin ko sa 'yo na hindi ko 'yon ginusto. Hindi ko 'yon hiniling. Dahil kung ginusto ko 'yon ay hindi ko na ipapahamak pa ang sarili ko, para lang makapagsinungaling sa 'yo." Dere-deretso ko uling sabi. "Ayos lang sa 'kin na makipaghiwalay ka ngayon. Pero sana ay 'wag mo na uli akong iinsultuhin na para bang wala kang naramdaman kahit katiting sa 'kin. Dahil iyon ang mas masakit, Maxpein! Ang iparamdam mo sa akin na sobra kong tanga dahil nasaktan kita, matapos mong iparamdam sa 'kin na kaya ko ang lahat dahil may nararamdaman tayo sa isa't isa."

Nanatiling blangko ang emosyon sa mukha niya. Ilang beses niya nang ipinakita sa akin iyon. Pero hindi na ako sanay ngayon. Dahil maging iyon ay nagagawa akong saktan ngayon.

"Hindi ko sasabihing kalimutan mo ang mga pagkakamali ko. Pero sana habang nagsasalita ka sa 'kin nang masakit ay hindi mo rin kalimutan 'yong mga magagandang bagay na ginawa ko."

Hindi ko malaman kung magagawa ko pa ba siyang tingnan. Bukod sa sakit ay nangibabaw ang pagkapahiya sa 'kin. Pakiramdam ko ay bigla niya ring sinimot ang emosyon sa dibdib ko kaya maging ang masaktan ay hindi na nito magawa.

"Sige," kaswal kong sabi.

Nagbaba ako ng tingin dahil iyon pa lang ang nasasabi ko pero agad na bumuhos ang aking mga luha. Pero hindi ko nagawang tumingin nang deretso sa mga mata niya.

"Kung sa huling pagkakataon ay 'yon lang ang magagawa ko para mapasaya ka," napakasakit para sa 'king sabihin 'yon. "Kung ang nararamdaman ko lang ang kaya kong isakripisyo para hindi na kita masaktan pa. Sige, tatanggapin ko," doon ako deretsong tumingin sa mga mata niya kasabay ng pagtulo ng mga luha. "Hiwalay na tayo."

Matagal ang naging titigan namin, gusto kong paniwalaang nagulat din siya. Pero hindi ko na malaman ngayon kung ano ang mababasa sa mga mata niya. Bigla ay parang hindi ko makilala ang Maxpein na nasa harapan ko. Nawawala rin ako sa sarili ko.

Muli akong nagbaba ng tingin, hindi ko kayang tagalan ang wala niyang emosyong mukha. Hindi ko kayang makita na sa sandaling ito ay ako lang ang nasasaktan. At nang hindi ko na kinaya ay nauna na akong tumalikod sa kaniya. Sa isip ko ay ini-imagine ko na lang na sinusundan niya pa ako ng tingin kahit alam kong imposible na iyon.

No words can express how much I love you...and no words can express how hurt I am right now. 

Continue Reading

You'll Also Like

31.4K 924 35
Who wouldn't have thought in just a one dare, a one kiss her life began to change. Tila ba isang panaginip na ang man of her dreams niya ay napansin...
117K 1.4K 86
Yes I am a typical girl. Simple but Smart. I don't know what made us together.. Destiny ba or isa lang pagkakataon. May dahilan ba o Wala.. Hello po...
63M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!