El Violador

By JuanCaloyAC

393K 8.3K 1.2K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Sex Deadly Sins Read at your own risk. Maximiliano DiM... More

Welcome Hindots!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Finale
It's me, hello, I'm the author.

Chapter 16

9.1K 185 32
By JuanCaloyAC

Ilang araw matapos ang kaganapan sa simbahan ng san Guillermo ay hindi na ulit kami nagkita ni Armando. Sinusubukan ko pa rin siyang kitain sa tagpuan namin sa dulo ng Hacienda de Gracia pero walang Armando ang sumisipot sa akin.

May mga gabing umiiyak ako sa higaan namin pero pigil ang iyak na 'yon para hindi marinig ng mga magulang ako at ng aking mga kapatid. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang ginawa ni Armando. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na magbabago pa ang isip niya.

Mahal na mahal namin ang isa't isa, e. Gan'on na lang ba talaga kadali sa kanya ang bumitaw? Kahit ano'ng gawin ko ay si Armando pa rin ang laman ng utak ko. Nagluluksa pa rin ako sa tinapos niyang pag-ibig sa akin habang ako ay nananatili pa ring siya ang iniibig.

"Alam mo ang gamot d'yan?" Pagputol naman ni Hilda sa mga iniisip ko. Nandito kami ngayon sa sakahan at tinatabas ang mga tubo. Napatingin naman ako sa kanya kaya kita ko ang pagngisi niya. "Inom tayo ng tuba mamaya."

Napabuntong-hininga naman ako sabay tingin ulit sa mga tubo. Hawak ko lang ang patalim pero hindi ko naman tinatabas sa mga tubo. Wala pa akong ganang magtrabaho. Bahala na magalit si Donnalyn.

"Pagod na akong umiyak, Hilda." Sambit ko sa kanya.

"Halatang-halata nga sa'yo aking kaibigan." Sagot naman ni Hilda. "Maski ang ibang mga magsasaka ay pansin ang pagbabago mo. Tinanong din ako ng mga magulang mo kung may nangyari ba sa'yo, isang linggo ko nang sinasagot na masama lang talaga ang pakiramdam mo."

Napabuntong-hininga lang ulit ako. Masama naman talaga ang pakiramdam ko dahil hindi maayos ang puso ko ngayon. "Paano ba makalimot? Paano ba agad mawala ang sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon? Pagod na ako, Hilda."

Umakbay naman sa akin si Hilda at inalog-alog ako. "Kaya nga iinom natin 'yan mamayang gabi para pansamantala ka munang makalimot. Nakabili na ako ng tuba, Esme. Magpaalam ka na lang sa mga magulang mo na sa amin ka muna matutulog pero ang totoo sa may batis tayo iinom dahil ipapaalam ko rin sa aking mga magulang na sa inyo ako matutulog."

Napatingin naman ako kay Hilda. Lahat na lang ng kalokohan ay alam niya. "Gumastos ka pa talaga sa tuba. Hindi naman ako umiinom."

"Matagal ko na kasing gustong uminom, Esme. Tuwing may handaan lang ako pinapayagang uminom ng aking mga magulang." Pagpapaliwanag pa niya. "Saka Esme, ang taong sawi sa pag-ibig ay tuba ang linalaklak."

Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa kanya. "Iyong mga paniniwala mo sa buhay ay ikaw lang ang nakakaalam."

Tumawa naman si Hilda sabay higpit niya sa pagkaka-akbay sa akin. "E, ako ba ang sawi sa pag-ibig? Hindi naman, 'di ba? Dadamayan ka na nga, ayaw mo pa?"

Natawa naman ako sa kanya sabay tanggal ng braso niya sa balikat ko. "Oo na. Magpapaalam muna ako sa mga magulang ko matapos ang trabaho. Siguraduhin mong hindi tayo mahuhuli dahil tiyak ay mapapagalitan ako."

"Akong bahala sa'yo, Esme." Pagyayabang pa niya.

.

.

.

.

.

"Para sa sawing pag-ibig ni Esme!" Sigaw ni Hilda sabay angat ng baso niya sa ere.

Kaming dalawa lang ang nasa gilid ng batis at tanging isang maliit na gasera lang ang tanglaw namin sa madilim na gabi. Gaya nang napag-usapan namin ay nagpaalam kami sa aming mga magulang na kunwari ay makikitulog kami sa kanya-kanyang bahay. Pero ang totoo ay dito kami sa batis magpapalipas ng gabi para lang uminom. May dala kaming sapin at kumot ni Hilda kaya nakabalot ang katawan ko ng kumot dahil sa lamig ng gabi.

"Sira ka talaga. Tama bang ipagdiwang ang kasawian ko?" Sagot ko naman kay Hilda sabay angat din ng baso ko ng alak. "Para sa mga gaya kong ipinagpalit sa ka-estado sa buhay."

Nagkampay naman kami ni Hilda sabay inom sa mga baso namin. Napangiwi pa ako dahil hindi ko talaga gusto ang alak pero ngayong gabi, gustong-gusto kong uminom para mawala muna ako pansamantala sa sakit nang puso ko.

"Hilda," Tawag ko sa aking kaibigan habang nakatulala lang ako sa batis. "Alam mo, noong nakita ko si Jacinta. Sobrang layo nga namin sa isa't isa. Iyong mga gaya niya 'yong kakayanin talaga ni Armando na ipakilala sa kanyang mga magulang. Habang ako, sa itsura ko ay baka nga ay ikinahihiya ako ni Armando kaya tinago niya ang relasyon namin."

Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Hilda na nakayakap lang sa mga binti niya. "Ayoko ng umibig, Esme. Parang hindi ko kakayanin ang sakit. Ayokong maranasan ang nangyari sa'yo."

Napatingin naman ako kay Hilda. Napangiti ako sa kanya. Dahil masayahin siyang tao kaya hindi niya gusto ang ganitong klaseng karanasan. "Alam mo, kahit nasasaktan ako ngayon, hindi pa rin ako titigil na sumubok muli. Isipin mo na lang, paano kung ang susunod na taong mamahalin ko ay ang tamang tao na pala? Ang lalakeng nag-iisang tama sa mga lalakeng dati kong minahal."

Napatingin naman sa akin si Hilda. Kita ko na ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa kalasingan. Halos naubos na pala namin ang isang bote ng tuba. Ito ang unang beses kong malasing.

"Sige nga, Esme. Sabihin mo nga sa akin kung bakit ang susunod na lalakeng mamahalin mo ay si senyorito?" Pang-aasar na naman niya sa akin.

Napa-irap naman ako sa kanya. "Iyan ka na naman."

Tumawa siya sabay yakap sa akin kaya napahiga kami sa sapin namin sa gilid ng batis. Pareho naman kaming napatingin sa mga bituin. Binalot lang kami ng katahimikan. Sa mga ganitong pagkakataon ay nagpapasalamat akong kaibigan ko si Hilda dahil dinadamayan talaga niya ako sa lahat ng bagay.

"Alam mo ang pinagkaiba ni senyorito at Armando?" Tanong pa sa akin ni Hilda.

Umiling naman ako.

"Pareho silang anak ng may-ari ng mga haciendas sa Negros." Sagot naman ni Hilda. "Pareho ang mga magulang nilang mababa ang tingin sa mga magsasaka."

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. "Ano naman ang kinalaman n'on sa sitwasyon ko ngayon?"

Ngumiti lang siya habang nakatingin pa rin sa langit. "Alam mo ang pinagka-iba nilang dalawa?"

Kunot-noo pa rin ako sa mga tanong niya sa akin. "Lahi?"

Natawa naman si Hilda. "Bukod d'yan, si senyorito, alam kong ipaglalaban ka niya sa mga magulang niya. Pero si Armando, alam kong hindi ka niya magagawang ipaglaban."

Napatingin naman ako sa kanya. "Paano mo naman nasabi?"

Tinignan din ako ni Hilda. "Naging malapit din kami ni senyorito, hindi lang ako pero pati na rin kay Jose at Nora. Kasi, kapag may gusto ka sa babae, hindi lang ang babae ang liligawan mo. Pati na rin ang mga taong malalapit sa kanya. At 'yon ang ginawa ni senyorito, kahit hindi pa niya sabihin sa akin na gusto ka nya. Si Armando, kahit kailan ay hindi siya naging malapit sa akin. Ikaw lang ang mahal niya pero hindi niya mahal ang mga taong nakapaligid sa'yo dahil sa katotohanan na mahirap lang kami."

Napatitig naman ako kay Hilda. Alam kong hindi niya talaga gusto si Armando pero ngayon ko lang naintindihan kung bakit. Dahil kahit kailan ay hindi gumawa ng paraan si Armando na mapalapit silang dalawa. Ayaw niya rin kasi kay Hilda.

Iyong sa mga kapatid ko naman ay nauunawaan ko dahil hindi naman nila alam ang kay Armando. Pero kung alam kaya nila ay makikipaglapit kaya si Armando sa mga kapatid ko?

Napatingin naman ako ulit sa madilim na langit. Ang daming bituin at ang liwanag ng buwan. Ang lamig ng gabi. Nahihilo ako sa alak. Ang sarap pala ng alak kapag may pinagdadaanan ka. Ang sarap palang uminom paminsan-minsan, nakakatakas ka sa mga problema mo sa buhay.

Hanggang sa balutin na ako ng antok at nakatulog na.

.

.

.

.

.

Nagising naman ako dahil naiihi ako. Dinilat ko ang mga mata ko at pansin kong madilim pa rin ang paligid. Napatingin naman ako kay Hilda na mahimbing na ring natutulog sa tabi ko.

Bumangon ako at napahawak sa likuran ko dahil ang sakit mahiga sa lupa. Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko at tumayo. Patay na rin ang gasera at naubos namin ang isang bote ng alak.

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa sakit nito na tila tumitibok. Nahihilo pa ako sa kalasingan ko pero kailangan kong maihi kaya naglakad pa ako sa talahiban. Tinaas ko lang ang saya ko at ibinaba ang aking kasuutang pang-ilalim bago bumaba sa lupa para umihi.

Kinikilig pa ako sa pag-ihi. Pag-ihi na lang pala ang magpapakilig sa akin sa mga susunod na araw. Habang umiihi ako ay may narinig akong kaluskos sa paligid ko kaya napalingon ako.

"S-sino 'yan?"

Wala namang sumagot sa akin kaya tumayo na ako at inayos ang aking kasuotan. Lumabas naman ako ng talahiban at pumunta sa batis. Sumalop ako sa kamay ko para uminom ng tubig dahil hilong-hilo pa rin ako.

Matapos ko namang uminom ay sinubukan kong linisin ang ari ko dahil pakiramdam ko ay ang kalat ng pag-ihi ko kanina. Ayokong mangamoy panghe ako. Putragis ang lamig ng tubig ng batis. Sa lamig ng batis na lang pala kikiligin ang puday ko.

Muli namang may kumaluskos sa talahiban kaya napalingon ako. May aswang ba ngayon? Agad ko namang inayos ang kasuotan ko.

"S-sino 'yan?"

Walang sumagot sa akin pero tuloy pa rin ang kaluskos sa talahiban kaya sinubukan ko 'yon lapitan. Pumasok ako sa talahiban at sinundan ang ingay hanggang sa madapa ako dahil may natapakan ako. At sa pagkadapa ko ay tumumba ako sa isang bagay.

"Ay!" Aray! Nagsasalita ang bagay na natumbahan ko.

Tinignan ko naman kung ano ito. Si senyorito lang pala. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Senyorito?!"

"Hmmm..." Ungol lang niya.

Pumwesto naman ako sa gilid niya at sinubukan siyang gisingin dahil nakapikit lang siya. Base sa amoy niya ay naka-inom din siya ng alak. "Senyorito..."

Dumilat lang si senyorito at tinignan ako sandali bago siya pumikit. "Estoy borracho." Lasing ako.

Napahawak naman ako sa ulo ko. Jusko, pareho pa kaming lasing. Pero, kailangan niyang makauwi ng mansion dahil baka mapaano siya. Hinawakan ko ang braso niya at hinila siya.

Napaupo naman siya sa lupa at napahawak sa ulo niya. "Me duele la cabeza un montón." Sobrang sakit ng ulo ko.

Ako rin po pero kailangan kitang i-uwi sa mansion! Tumayo na ako at hinila rin ang braso niya kaya tumayo naman siya. Inikot ko ang braso niya sa balikat ko para umakbay siya sa akin habang ang isang braso ko ay lumandas lang sa likod niya para humawak sa kabilang bewang niya.

"Ang bigat mo!" Reklamo ko sa kanya.

"Lo siento." Patawad. Pagsasalita niya ng espanyol.

Naglalakad na kami sa talahiban at tumagos sa sakahan. Pareho kaming pagewang-gewa dahil sa pareho kaming lasing. Kahit hilong-hilo ako ay sinusubukan kong ibuka ang mga mata ko para makita ang daan. Jusko, pikit na pikit na ang mata ko sa kaantukan.

"Esme," Tawag pa sa akin ng senyorito. "Realmente me gustas." Gusto talaga kita.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya! Hindi ko kabisado ang espanyol na salita. Ang mga mura lang ng Donya DiMarco ang alam ko. Pinabayaan ko na lang siya at nagpatuloy pa kami sa paglalakad.

Ang layo pa ng mansion. Hindi ko na kaya. Buti na lang ay malapit na kami sa kamalig kaya d'on ko muna dinala ang senyorito. Binuksan ko ang kamalig kung saan tumutuloy ang kabayo niya. Inihiga ko muna ang senyorito sa mga dayami at tumabi ako sa kanya.

Hingal na hingal ako. Mas lalo lang akong nahilo sa ginawa namin. Ang problema ko ngayon ay paano ako babalik sa batis. Tatayo na sana ako nang dumantay ang braso ng senyorito sa tiyan ko.

Tinignan ko naman siya. Nakapikit lang siya. Tatanggalin ko na sana ang braso niya pero mas humigpit pa ito at yumakap sa akin. Wala akong lakas para labanan siya.

"Senyorito..." Tawag ko sa kanya. "Kailangan kong bumalik sa batis."

Dumilat naman siya at tumingin lang sa mga mata ko. Namumula ito at antok na antok na rin ang mga mata niya dahil sa kalasingan. "Esme..."

Tumitig lang din ako sa mga mata niya at hinintay ang sasabihin niya.

Umangat pa ang kamay niya sa pisngi ko para haplusin 'yon. "Hindi ka bagay kay Armando."

Pareho lang kayo ni Hilda ng sinasabi. Sasagot pa sana ako pero muli siyang nagsalita. "Tayo. Gusto kita, Esme. Tayo ang bagay."

Alam ko na rin 'yan. Sinabi mo na rin 'yan. Wala pa ako sa wisyo para sagutin 'yang mga sinasabi mo. Lasing tayon pareho kaya makakalimutan din natin 'to paggising kinabukasan.

Lumapit pa ang mukha niya sa mukha ko. "Ako na lang, Esme. Ako na lang ang mahalin mo."

Napatitig ako sa mga mata ni senyorito. Hindi ko akalain na ganito siya. O, baka dahil epekto lang ng alak? Kung kay Armando ay ako ang nanlilimos ng pag-ibig, si senyorito naman ang nanlilimos sa akin ng pag-ibig.

"Senyorito---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sakupin na ng labi niya ang labi ko.

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 150 51
|| EXPLICIT MATURE CONTENT!! || || WARNING ⚠ R 🔞 || ||UNEDITED|| 𝙳𝚘𝚜 𝚁𝚒𝚟𝚎𝚛𝚊 𝚡 𝚃𝚞𝚕𝚒𝚙𝚒𝚊𝚗 𝚅𝚎𝚐𝚊𝚜 Hindi ko alam na aabot ako sa pu...
165K 3.4K 30
Ang pag-ibig ay madaya sa larangan ng paglalaro. Ito'y mapusok, nakakapanghina ng loob. Ngunit masarap sa damdamin. Gaya ng pagmamahal, ang bawal ay...
1.2M 39.9K 55
"Ano kamo? Magpa-transginger ka?!" Gulat na singhal na kanyang bestfriend na si Collie Felwis. "Transgender 'yun." Pagtatama niya rito pero mukhang...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...