Make You Mine Season 1 | Hear...

By chrisseaven

43.2K 1.3K 236

Tian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despit... More

Make You Mine
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Make You Mine
About Heartful Academy
Special Part
First Anniversary Gift: Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 9

868 35 19
By chrisseaven


TIAN MARTELL

NATIGIL ang pagsalubong ng mga kilay ko nang biglang may lumapit kay Haku na mga grupo ng kalalakihan na kung titignan ay mga junior high students dahil sa suot nilang uniform. Sa itsura ng mga ito ay halatang barumbado.

"Haku, pwede ba kami makipag-kaibigan sa 'yo?" Tanong ng isa na parang nagsisilbing leader nila.

Nakatalikod si Haku kaya hindi ko makita ang expression ng mukha niya, pero sa tindig niya ay masasabi kong kalmado pa rin siya. "Why?" Mahinahon siyang nagtanong, nasa likod lang niya ako kaya rinig ko ang usapan nila.

"Wala lang, sikat ka eh, kaya kung maging kaibigan ka namin sisikat din kami, mapapansin na kami ng buong campus...kaya sali ka na dito sa grupo namin, kami bahala sa 'yo..." sagot ng lalaki at tumango naman ang mga kasama niya habang pangiti-ngiti pa.

"Don't count me in. You all look immatured." Napanganga kami sa naging sagot ni Haku, maging ako ay napatakip ng bibig. Grabe ang angas ng pagkasabi niya, grabe 'tong tao na 'to ang pranka pala.

Nakita ko ang galit sa mukha ng mga lalaki at ang leader nila ay nakahanda ang kamao para suntokin si Haku. Pero nanatiling kalmado pa rin si Haku sa kinatatayoan na parang walang kinatatakotan.


"Ang yabang mo ah..." Susuntokin na sana ng leader si Haku mabuti nalang ay may dalawang lalaki ang tumatakbo papalapit dito habang may hawak-hawak na arnis.

"Hoy mga panget, lumayo kayo sa clasmate namin!" Sigaw ng dalawa at dahil may dala silang arnis ay nakita ko ang takot sa mukha ng mga barumbadong students at dali-dali silang nagsi-alisan.

Huminto ang dalawa sa tabi ni Haku. "Sus mga duwag naman pala..." tugon ng isa at nilingon niya si Haku. "Haku, ayos ka lang?" Tanong nito.

"Bro, foreigner siya...halata naman sa itsura, sa kutis, at surname niyang Monteriver, kaya mag english ka." Sabi ng isa at lumapit siya kay Haku. "Hey classmate, are you okay? What those ugly chicken told you? Are they ano, ano tawag do'n? Warningin. Oo, are they warningin you?" Napakamot siya ng ulo na halatang hindi din siya sigurado sa nasabi.

Bumulong sa kanya ang kaibigan niya. "Bro, anong warningin pinagsasabi mo..." natawa ito. "Eh wala na akong maisip eh, malay ko bang 'yon na ang lumabas sa bibig ko..." sagot naman ng isa.

"I'm okay. They didn't warned me. Also, I can understand tagalog at alam ko mag tagalog." Napalingon ang dalawa nang biglang magsalita si Haku.

"Ayon, warned pala hindi warningin..." sabi ng dalawa habang nagkatinginan pa sila. Ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata nila at dali-daling nilingon si Haku. "Ano...?! Nagtatagalog ka naman pala pinahirapan mo pa kami..." sabay nilang sabi.


Nagsimulang lumakad si Haku papunta sa school building nila. "Hali na kayo, oras na ng klase." Sabi niya sa kanila at sumunod naman ang dalawa na classmates pala niya.

Nakatingin pa rin ako sa kanila na humahakbang sa hagdan papunta sa third floor kung saan ang classroom nila. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong lingonin ni Haku at hindi niya inalis sa akin ang titig.

Ayaw kong magmukhang talonan na natatakot sa titig niya, kaya tinitigan ko din siya at nagsasalubong pa ang mga kilay ko. Biglang nangyari ang hindi ko inasahan, bigla siyang kumindat sa 'kin, kaya napanganga ako sa gulat. Pagtapos ay inalis na niya sa 'kin ang tingin at nakatuon nalang siya sa paghakbang ng hagdan.

Halos matulala ako habang nakatingin sa likod niya. What the fuck! Did he just wink at me?!

Napakuyom ako ng kamao dahil kahit tinitignan ko lang siya ay kumukulo na ang dugo ko sa kanya. That damn guy, suddenly come to my life and stole the fame of me! Hindi ako papayag, gagawin ko ang lahat para muling sisikat.

I got the talent, charm lang ang meron siya. Kaya hindi ako magpapatalo sa kanya.



The afternoon comes at tamang-tama na nakatapos na kami ng tatlong scenes, so far pitong scenes na ang nagawa namin. Nagpahinga muna kami sa pag shoot, nandito lang ako sa gilid at walang makausap, wala kasi ang mga kaibigan ko.

Bigla akong naiihi na parang kunti nalang sasabog na ang bulkan, kaya tumayo ako at aalis na sana para maghanap ng banyo pero biglang lumapit si Pearl na may dala-dalang iced coffee. "Tian, binilhan kita nito. Isa ito sa mga favorite ng students dito sa cafeteria ng school." Sabay abot niya sa 'kin nito.

Agad ko itong tinanggap. "M-Maraming salamat dito Pearl..." halos hirap ako magsalita at nanginig ang paa ko dahil ihing-ihi na ako. "Pearl, iihi muna ako..." dali-dali na akong tumakbo palayo dito habang hawak-hawak pa rin ang iced coffee.

Nakalayo na ako sa event center at sa aking paglilingon ay nakita ko ang isang napakalaking restroom na nasa gilid ng ABM Building 1. Dali-dali na akong tumakbo papunta do'n.

Nang marating ko ito ay dali-dali na akong pumasok at kakapasok ko pa nga lang ay nanlaki na ang mga mata ko nang isang pangyayari na naman ang hindi ko inasahan. Bigla akong nakabangga ng isang tao na papalabas na sana sa restroom na 'to.


Sa sobrang bilis ng takbo ko ay naging malakas ang pagkabangga namin sa isa't isa. Mas lalo pang bumibilis ang kaba sa dibdib ko nang makitang aksidenti kong nabuhos ang hawak kong iced coffee sa suot niyang school uniform.

Hindi ko kita ang mukha niya dahil nakayuko ang ulo ko, pero dahil sa school uniform niyang blue ay masasabi kong senior high student siya.

Nagtagal din ang oras na magkalapit ang aming katawan. Napansin kong hindi nagsasalita ang taong nabangga ko, kaya dahan-dahan akong humakbang paatras at dahil kasalanan ko naman ang nangyari ay humingi na ako ng tawad.

"Sorry, sorry, hindi ko sinasadya...sorry talaga..." at para mapakita kong sincere ako humingi ng tawad ay dahan-dahan ko pa pinupunasan ang uniform niya para kunwari aalisin ang dumi, kahit mahirap na talaga maalis dahil nagmarka na talaga ang kape dito.

Napanganga nalang ako dahil naisip kong sobra na ang ginagawa kong paghahawak sa uniform niya na halos nahahawakan ko na ang katawan niya. Kaya dahan-dahan akong tumigil at dahan-dahan na rin ako nag-angat ng tingin para makita ang mukha niya.


Pagkakita ko sa mukha niya ay nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. "Diputa! Ikaw na naman!" Mas mabilis pa kay The Flash na kumulo ang dugo ko nang makitang ang gagong fame stoler na si Haku na naman ang nakabangga ko.

"Pwede ba tigil-tigilan mo na ang pagpapakita sa akin dahil talagang automatic nasisira ang araw ko!" Naging matalim ang tingin ko sa kanya.

Ang gago kahit tinataasan ko na ng boses ay nanatili pa rin siyang kalmado. "This restroom, is exclusive only for students here at ABM Building 1. At hindi ka HA student. So sa tingin mo, sino ang may kasalanan dito?" Sinabi niya ito na walang kahit anong expression sa mukha.

Naiinis ako, pero hindi ko alam kung sa kanya ba ako maiinis o sa sarili ko. Dahil ang dami-dami kong naiisip na pwede kong isagot sa kanya dahil ayaw ko magpatalo. Pero bakit natahimik lang ako at parang nakakaramdam pa ng labis na hiya. Ano na bang nangyayari sa sarili ko?

Ilang sandali pa ay dahan-dahan niyang hinubad ang suot na blue uniform coat at wala akong nagawa kundi tignan lang siya. Gusto ko na umalis dahil baka kung ano pa mangyari, baka mamanyakin na naman niya ako.

Pero kahit anong pilit ko ay parang hindi ko maigalaw ang katawan ko. Gusto ng isip ko na umalis, pero ang katawan ko ay ayaw at nanatili pang pumipintig ang puso ko habang nakatingin lang sa kanya.

Bwesit na katawan 'to, gusto pa yata ako mapahamak.


Dahan-dahan niya inabot sa 'kin ang blue uniform coat niya, at tila tuloyan na nga ako nawalan ng tino nang tinanggap ko naman ito at maingat pang hinawakan.

Hay naku bahala na kung anong iisipin niya, ang akin nalang ngayon ay ginawa ko ito dahil ako naman ang may kasalanan.

Dahan-dahan na nanlaki ang mga mata ko nang makitang isusunod na niya ngayon sa paghubad ang uniform na white shirt, at dahan-dahan pa lang niya ito inaalis ay napapanganga na ako.

Akalain mo namang napaka-hot pala ng gago na 'to kahit walang abs. Malinis, makinis, maputi at perfect hot ang ship. Mas attractive pa 'ata ang katawan niya kumpara sa 'kin.

"Natulala ka, baka sa susunod n'yan maglaway ka na." Natigilan ako nang marinig siya magsalita, tila tulala na kasi ako habang nakatingin sa katawan niya.

Dali-dali akong nag angat ng tingin sa mukha niya at nakita ko siyang nakangiti at parang pinipigilan pa matawa. Sinalubongan ko siya ng kilay. "Tinatawa-tawa mo dyan?! Hindi ka nakakatuwa..." inis ko.


Unti-unting nagbago ang expression sa mukha niya, mula sa nakangiti ay parang may binabalak siyang masama sa 'kin. "You," dahan-dahan siya lumalapit sa 'kin.

Bumibilis ang kaba sa dibdib ko dahil habang papalapit siya ay hindi niya inaalis sa akin ang tingin. At sinusubukan ko naman siyang iwasan ng tingin, pero hindi sapat 'yon kaya dahan-dahan akong lumakad sa gilid at doon ay umaatras. Naiilang na ako sa walang kataposan niyang titig, kaya nagyuko ako ng ulo at sa sahig ang titig.

Nanlaki ang mga mata ko nang wala na akong maatrasan, nakasandal nalang ako ngayon sa dingding. Ang bobo ko talaga, bakit pa ako pumagilid kung pwede naman ako tumakbo palabas dito kanina. Malamang naunahan na ako ng kaba kaya wala na akong maisip pa.

Mas naging malapit ang katawan niya sa 'kin at dahan-dahan niyang inilagay ang isa niyang kamay sa dingding na pinagsandalan ko. Diputa, na-corner na niya ako. Minsan ko na itong ginagawa sa movie eh, tapos siya pala ang unang gagawa sa 'kin nito, hayop na 'yan.

"You're stuck with me. You're mine now." Malamig pakinggan ang tuno ng kanyang boses.


Napanganga ako nang haplosin ng kabila niyang kamay ang pisngi ko, at dahan-dahan niya akong pinapatingin sa mukha niya. "Tignan mo ang mga mata ko, ikaw ang laging hinahanap nito. Ikaw lang ang gusto kong makita sa araw-araw." Kalmado niya itong sinabi habang nanatili ang tingin niya sa 'kin.

Tila naninibago na ako sa sarili ko, dahil parang nawala ang takot ko sa kanya. Unti-unting kumakalma ang tibok ng puso ko, at ayaw ko man isipin pero kung titignan ay parang naging comfortable na ako sa kanya kahit ang lapit-lapit ng katawan namin sa isa't isa at nagkatitigan pa ang aming mga mata.

Habang tumatagal ay muli akong naiilang, kaya napapikit-mata nalang ako. Diputa naman o, nasisiraan na ba ang lalaking ito, mukha ba akong babae para gawin niya sa akin ito...?!

Agad kong tinakpan ang mukha niya gamit ang hawak kong uniform coat na inabot niya sa 'kin kanina, at tinulak ko siya ngayon palayo sa 'kin. "Hoy ikaw, hindi ako bading! At hindi rin ako babae para pagnasahan mo, wala akong tahong, talong meron! Pahubad-hubad ka pa dyan..." pinagsisigawan ko na siya habang pinagtuturo pa.


Inalis niya ang uniform coat na nasa mukha niya at dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. Inabot niya sa 'kin ang school uniform niya kasama na do'n ang white shirt at blue coat.

"Nadumihan ng kape mo ang school uniform ko. Kaya labhan mo 'yan at gusto kong malinis 'yan pagbalik mo sa 'kin, walang kahit anong dumi na matira." Seryoso niya itong sinabi sa 'kin.

Wala na akong nagawa kundi hawakan nalang ang school uniform niya. Kahit ugali kong hindi magpapatalo ay alam kong hindi din niya ako titigilan, lalo na ako naman may kasalanan kung bakit nadumihan ang uniform niya kahit sabihin ko pang accident lang.

Kinuha niya ang bag niyang nakasabit sa handle na nakadikit sa dingding. May kinuha siya sa loob ng bag, ito pala ay isang black long sleeve at kanyang sinuot habang nakatingin pa siya sa 'kin. Matapos suotin ang damit ay nakahanda na siyang umalis.

Nang nasa pintoan na siya ay bigla siyang napahinto at muli akong nilapitan, may inabot siya sa 'kin na maliit na card. "Ito ang address ko. Dito mo ako puntahan pagtapos mo labhan 'yan, nang malinis." Wala akong choice kundi dahan-dahan na tanggapin ang inabot niyang card at tsaka siya umalis.

Napakunot-noo ako. "Ano ba 'yan, mayaman na tao nagpapalaba sa iba, wala ba siyang maid...hay naku, dagdag problema na naman 'to..." napabuntong hininga nalang ako.

Dahil sa pangyayaring ito ay tila umurong na ang ihi ko, kaya lumabas nalang ako dito sa restroom na nakabusangot habang hawak-hawak pa rin ang uniform ni Haku.



Hanggang ngayon ay mag-isa pa rin ako sa bahay. Hindi kasi pinayagan ang mga kaibigan ko na mag-sleep over dito sa 'min at naintindihan ko 'yon dahil kailangan muna nila mag focus sa mga school activities nila.

Itinuon ko ang buong oras sa pagsasanay ng guitar, pero kahit anong pilit ko nandito pa rin ang pagiging makalimutin ko. Madali kong nakakalimutan ang mga chords na kanina lang pinag praktisan.

At hindi pa rin ako magaling sa mabilisang paglipat-lipat ng daliri sa strings. Sumasakit na ang mga kamay at braso ko sa matagal na oras kakahawak ng guitar, kaya humiga muna ako para makapaghinga.

Napagod ako sa pag gi-guitar at hindi sa paglalaba ng uniform ni Haku. Dahil hindi naman ako naglaba, at hindi naman talaga naglalaba ang isang tulad kong artista.


Mayamaya ay biglang tumunog ang door bell sa bahay ko, dali-dali akong tumayo at sumilip sa labas ng bintana para malaman kung sino ito. Nakita ko sa labas ng gate ang delivery rider sa suki kong laundry shop. Sa kanila ako laging nagpapalaba dahil mag-isa lang naman ako sa bahay at walang katulong.

"Ang bilis naman..." sabi ko at agad na akong lumabas ng bahay. Pagkabukas ko ng gate ay nilapitan ko ang delivery rider at inabot niya sa 'kin ang isang box na naglalaman ng pinalaba kong school uniform ni Haku.

"Grabe hanga talaga ako sa laundry shop niyo bro, malinis na nababalik ang mga damit at sobrang bilis pa hindi inaabot ng ilang araw..." nakangiti kong sabi habang hawak-hawak na ang box.

Abot tenga ang ngiti ng delivery rider. "Salamat idol...syempre iba talaga ang service ng aming laundry, walang katulad ang, You Laba!" Nakaturo siya sa 'kin sabay kindat na parang confident siya sa sinabi niya, at mayamaya ay umalis na siya.

Sandali akong natahimik at naging palaisipan sa 'kin ang sinabi niya. "Taika bakit siya nakaturo sa 'kin?" Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ay gago 'yon ah, baka gusto niyang maglaba na rin ako...parang 'yon ang pinapahiwatig niya eh, nakaturo siya sa 'kin...tse, hindi dapat naglalaba ang tulad ko!" Sa inis ko ay padabog kong sinara ang gate.


Pumasok ako sa kwarto at nagbihis ng simpleng damit pang-labas. Pagkatapos ko magbihis ay kinuha ko ang card na binigay ni Haku kanina at tinawagan ko ang number na nakalagay sa likod nito. Hindi rin nagtagal ay sinagot na ang tawag ko.

"Hello, si Tian Martell 'to. Pwede po ba makausap si Haku?" Sabi ko.

"Speaking." Kahit sa cellphone ay kalmado pa rin pakinggan ang boses niya.

Bumuntong hininga muna ako. "Papunta na ako sa inyo, isasauli ko na sa 'yo 'tong uniform mong tapos ko na labhan. Nga pala, dapat pagdating ko dyan may snacks, bisita ako eh..." sabay tawa ko.

Pero natigil ako sa pagtawa nang bigla niyang pinatay ang tawag. "Diputa ka talagaaa!! Nakakainis!" Halos umusok na ang ilong ko sa galit. Mamaya lang siya sa 'kin, ililibing ko talaga siya ng buhay kahit sa mismo niyang bahay.




Continue Reading

You'll Also Like

98.2K 733 8
Exactly what the title says :)
4M 166K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
126K 2.5K 13
// sorry but... Theres no character x reader, it's just like a reader-insert so I'm sorryryyyy--// You're found by a married couple, Mike and Linda...
82.6K 2.5K 23
I WROTE THIS IN 2017 AND ITS CRINGE AS HELL SORRY I SWEAR IM A BETTER WRITER NOW Unknown: everybody gets high sometimes you know... Woozi: Do I know...