El Violador

By JuanCaloyAC

393K 8.3K 1.2K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Sex Deadly Sins Read at your own risk. Maximiliano DiM... More

Welcome Hindots!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Finale
It's me, hello, I'm the author.

Chapter 10

9.5K 158 5
By JuanCaloyAC

"Galit ka pa rin ba?" Tanong ko kay Armando.

Nandito kami ngayong dalawa sa simbahan ng San Guillermo sa mismong bayan. Nakaupo lang kaming dalawa habang nakaharap sa altar pero may distansya sa isa't isa dahil baka may makakita sa amin. Buti na lang ay hindi oras ng misa kaya bilang lang ang mga tao sa loob ng simbahan. Napagpasyahan namin na magkita kami bago siya bumalik sa Cebu.

Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. "May pagtingin ka ba sa dayuhan na 'yon?"

Tinignan ko naman si Armando na nakatangin pa rin sa altar. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin naaalis sa kanya ang magselos kay Senyorito Maximo? "Armando, sa'yo lang ako may pagtingin, wala ng iba pa. Mabait lang ang pakikitungo sa amin ng senyorito, sa aming lahat, hindi lang sa akin."

Dahan-dahan na siyang napatingin sa akin. Matagal niya akong tinitigan bago niya i-abot ang kamay niya sa akin. Nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang kamay. Pumulupot ang mga daliri namin sa bawat isa.

"Babalik na ako sa Cebu. Ilang linggo rin akong mawawala. Ayokong umalis na may samaan tayong dalawa. Patawad sa mga inasal ko noong nakaraan, Esme. Ganito lang talaga kita kamahal Esme." Sambit niya.

Tumango naman ako sa kanya na may ngiti sa aking mga labi dahil maayos na ulit kaming dalawa. "Nauunawaan ko, Armando. Humihingi rin ako ng kapatawaran sa'yo. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik mo, Armando. Mag-ingat ka lagi sa Cebu."

Ngumiti na rin siya. Tumingin muna siya sa paligid bago mabilis na hinalikan ang kamay ko. "Mauuna na ako, Esme. Baka hinahanap na ako ng aking ina. Sa susunod na lang nating pagkikita. Mag-ingat ka rin palagi." Pamamaalam niya.

"Sige, sa pagbabalik mo na lang tayo magkita." Sambit ko sa kanya.

Tumayo na si Armando at naglakad na palabas ng simbahan. Napabuntong-hininga naman ako at muling humarap sa altar. Lumuhod ako at nagdasal. Sa naging pagtatalo namin ni Armando noong isang araw, tinuruan ako ng Diyos ng matindi at mahalagang aral. Kababaang-loob, kabaitan at mas mahusay na paghuhusga. Eme!

Dalangin ko sa D'yos na patuloy pang patatagin ang relasyon namin ni Armando. Alam kong marami pa kaming kakaharapin nang magkasama at kakayanin namin 'yon nang magkasama.

Tumayo na rin ako at naglakad palabas ng simbahan. Nadatnan ko naman si Hilda na tutok sa pagkain ng manggang hilaw na may nakahalong bagoong. Nagutom tuloy ako sa kinakain niya. Kumaway siya sa akin nang makita niya ako kaya lumapit ako sa kanya.

"Nakita ko si Armando nang lumabas siya kanina. Tumango naman siya sa akin nang makita niya ako." Sambit ni Hilda habang ngumunguya at nangangasim sa mangga na kinakain niya. "Mukhang nagkaayos na kayo."

Nginitian ko naman si Hilda sabay kuha ng isang pirasong hiwa ng mangga. "Oo, nagkaayos na kaming dalawa. Makakahinga na rin ako at hindi na mag-iisip ng malala. At hihintayin ko na lang ulit ang pagbabalik niya galing Cebu."

Tumango-tango naman si Hilda habang ngumunguya. "Buti naman. Para hindi ka na malungkot, Esme. Lagi ka na lang malungkot sa tuwing may pagtatalo kayong dalawa. Binubuhos mo ang galit mo sa tubo."

Tinapos ko muna ang pagnguya ko bago siya sagutin. "Gan'on talaga Hilda kapag nasa isang relasyon. Kasama ang pag-aaway, hindi puro saya. Hindi mo pa kasi nasusubukan kaya hindi mo pa nauunawaan."

Pinanlakihan naman ako ng mga mata ni Hilda na hindi makapaniwala sa mga huling sinabi ko. "May gusto ka bang iparating aking kaibigan? Ano naman kung hindi ko pa nararanasan? Ayoko talagang maranasan ang lungkot at sakit sa maling tao, Esme."

Hindi naman maling tao si Armando! Kapag may lungkot at sakit sa isang relasyon, maling tao agad?! Hindi ba pwedeng pagsubok muna?!

Tumawa naman ako sabay hila sa kanya para maglakad na kami. "Alam mo, mag-madre ka na lang kung ayaw mong pumasok sa isang relasyon." Suhestiyon ko sa kanya.

Sinamaan naman niya ako ng tingin habang pinupunasan ang bibig niya. "Kaibigan, hindi ako nagmamadali, naghihintay ako ng isang tamang lalake na iibig sa akin. Sa ngayon, masaya ako sa ako lang muna, habang kasama ko kayong mga kaibigan ko. Pero 'di ba si Nora planong mag-madre? Baka nasa lahi niyo talaga ang mag-madre at sa ating dalawa ay ikaw pa ang mag-madre."

Nagkibit-balikat naman ako. "Hindi 'no, mag-aasawa kami ni Armando. Saka oo, nasasabi nga ni Nora na gusto niya talaga mag-madre. Pero bata pa naman siya at baka magbago pa ang isip niya. Pero hindi malabong mangyari dahil ang mga madre ang nagpapaaral sa kanya ngayon sa isang katolikong simbahan kaya baka ma-impluwensyahan nga siya."

Aktibo kasi si inay sa simbahan tuwing katapusan ng linggo. May maliit kasing kapilya sa bukid at doon nila nakilala ang mga madre. Noong una ay ako pa nga ang inaaya nilang mag-madre. Tumanggi ako kasi kami na ni Armando noon. Pero s'yempre, hindi ko sinasabi. Kaya si Nora na lang ang naaya nila.

"Sa ingay ng bunganga ni Nora, baka palabasin siya ng simbahan." Pagbibiro ni Hilda sabay tawa.

"Bata pa kasi." Rason ko naman kay Hilda. "Kapag seryoso talaga siya sa pagiging madre, tiyak ay magbabago rin siya."

"Sabagay." Pagsang-ayon naman ni Hilda.

Habang naglalakad kami ni Hilda ay nakita namin ang kalesang sinasakyan ng ina at kapatid ni Armando. Ang ganda ng mga kasuotan nila at ang mamahalin ng mga alahas nila. Kapwa may ganda rin silang taglay.

Kita kong napatingin sa akin ang ina ni Armando kaya nagtama ang mga tingin namin. Agad akong nag-iwas ng tingin pero sa pag-iwas ko ay nakita ko ang kasunod na kalesa at sakay din doon si Armando at ang kanyang ama.

Hindi ako nakita ni Armando dahil nakatingin lang siya sa kabilang direksyon. Ang ama naman niya ay seryosong nakatingin lang sa unahan. Ang gara rin ng kanilang mga kasuotan. Hindi mapagkaka-ilang galing sila sa isang marangyang pamilya, na galing sila sa angkan ng mga de Gracia, na isa sa mga maimpluwensyang angkan sa Negros.

Nanliit na naman ako sa sarili ko. Kitang-kita ang layo ng antas namin ni Armando. Tanging sa pag-ibig lang kami nagkakapantay. Pero ang takot ko ay ang pantay na pagtingin sa akin ng mga de Gracia kung sakaling ipakilala na ako ni Armando sa kanila.

Minsan, napapaisip ako kung kakayanin ko bang ipaglaban ang pag-ibig naming dalawa? Wala naman kasi akong maipagmamalaki. Minsan, bumabalik sa akin ang linya ni Armando. Na ang Pilipino ay para lang sa mga Pilipino. Pero paano kung, ang mayayaman ay para lang sa mga mayayaman, at ang mahihirap ay para lang sa mga mahihirap?

Ang hirap magmahal sa hindi patas na mundo. Sinundan ko na lang ng tingin ang papalayong kalesa ng mga de Gracia. Umaasa pa rin ako na sa huli ay ang pa-iibigan namin ni Armando ang mananaig.

Bumalik na kami ni Hilda sa Hacienda DiMarco matapos naming magpaalam na may bibilhin lang kami saglit sa pamilihan. Bumalik na kami sa pagsasaka---ang totoong mundo namin.

Bandang hapon ay pinuntahan namin ang senyorito sa pawid dahil nagsisimula na siyang magturo sa mga batang magsasaka. Nasa unahan ang senyorito habang nakaupo naman ang mga bata sa mga dala-dala nilang maliliit na upuan na gawa sa kahoy. May tig-isang kwaderno na sila at mga lapis na gamit pangsulat.

"Ganito isulat ang dobolyu. Parang pinagdikit na dalawang yu kaya tinawag na dobolyu." Turo pa ng senyorito habang pinapakita sa pisara kung paano ito isulat.

Siniko naman ako ni Hilda kaya napatingin ako sa kanya. "Bukod tanggi talaga ang senyorito. Minsan heneral, minsan haciendero, minsan ay guro, pero madalas ay gwapo. Kay gandang mundo na puno ng mga gwapo."

Inirapan ko naman siya. "Puro ka gwapo kaya walang nagkakagusto sa'yo. Ibaba mo kaya ang pamantayan mo."

"Kaibigan, wala nga akong pamantayan. Wala lang talagang nagkakagusto sa akin." Sagot naman ni Hilda kaya natawa ako.

Tinignan naman kami ni senyorito at sinenyasan lang ng 'saglit lang'. Muli niyang hinarap ang mga bata. "Magsanay muna kayong magsulat. Gayahin niyo lang ang mga sinulat kong titik sa pisara. Balikan ko kayo mamaya para tignan kung tama ang pagkakasulat niyo."

"Salamat po, Senyorito Maximo." Korong sagot ng mga bata.

Tumayo na ang senyorito at naglakad palapit sa amin ni Hilda. "Pasensiya na't hindi ko na kayo napuntahan sa sakahan at pinatawag na lang dito. Ayos lang ba talaga sa inyong dalawa ang sumama sa akin sa Bukidnon bukas? Hindi ba ako makaka-abala."

Kinausap kami ng senyorito noong isang araw na samahan siya sa Bukidnon. Nakakuha na kasi siya sa Tanggapan ng Estadistika ng listahan ng mga parehong kapangalan ni Aling Caridad sa Bukidnon. Buti na lang ay sinama niya si Hilda dahil alam niya ang naging pagtatalo namin ni Armando nang dahil sa kanya. Hindi kasi ako sasama kung kaming dalawa lang dahil ayoko ng magalit sa akin si Armando.

"Ayos na ayos ho, senyorito." Masiglang sagot ni Hilda sabay akbay sa akin. "Magsasaka po kami ni Esme at ang pupuntahan pa ay bukid, may non nga lang sa dulo kaya ayos na ayos po."

Tinignan ko naman si Hilda na naguguluhan. "Ano'ng kinalaman ng pagiging magsasaka natin sa pagpunta sa Bukidnon?"

Napabuntong-hininga na lang si Hilda. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko, Esme. Isipin mo na lang na wala akong sinabi."

Natawa naman si senyorito kaya napatingin kami sa kanya. "Salamat talaga sa inyong dalawa. Gustong-gusto ko ang pagka-kaibigan niyong dalawa. Para na kayong magkapatid na dalawa."

Humigpit pa ang pagkaka-akbay sa akin ni Hilda. "Gan'on po talaga. Lumaki po kami ng sabay nito ni Esmeralda. Lalake na lang po talaga ang makakapag-hiwalay sa aming dalawa."

Pinanlakihan ko na naman ng mga mata si Hilda. "Hilda!"

D'yos ko, wala akong planong makihati ng pagmamahal sa iisang lalake. At hindi ko rin naman magagawang umibig sa lalakeng nagugustuhan ni Hilda. At ayoko ring magkagusto siya kay Armando.

Tumawa na naman si Hilda na kita ang ngala-ngala. "Malamang hindi naman tayo pwedeng magsama sa iisang bahay kapag nag-asawa na tayo, Esme. Kaya lalake lang ang pwedeng magpahiwalay sa atin. Ang asawa mo at ang asawa ko." Paglilinaw ni Hilda sabay tingin niya kay senyorito. "At sino kaya ang lalakeng magpapahiwalay kay Esme sa akin?"

Napakunot-noo naman si Senyorito Maximo na hindi naunawaan ang huling sinabi ni Hilda kaya siniko ko ang kaibigan ko. Ito na naman ang babaitang ito sa mga isyu niya. Talagang gusto niya akong mapalapit sa senyorito kahit na may kasintahan ako!

"Ah, h'wag niyo na pong pansinin si Hilda. Hindi pa po siya nakakainom ng gamot niya kaya kung anu-ano ang mga sinasabi." Pagpapaliwanag ko sa senyorito.

Humalakhak lang si Hilda habang napapa-iling na lang si Senyorito Maximo. Hinila ko na si Hilda paalis sa pawid dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bunganga niya. Kailangan na naming umuwi ng maaga dahil maaga pa kaming aalis bukas papunta sa Bukidnon.

Magbabakasyon muna ang mga magsasaka bukas.

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 150 51
|| EXPLICIT MATURE CONTENT!! || || WARNING ⚠ R 🔞 || ||UNEDITED|| 𝙳𝚘𝚜 𝚁𝚒𝚟𝚎𝚛𝚊 𝚡 𝚃𝚞𝚕𝚒𝚙𝚒𝚊𝚗 𝚅𝚎𝚐𝚊𝚜 Hindi ko alam na aabot ako sa pu...
88.1K 2.9K 32
✨FLUFF✨ Liam's life seems too perfect to be real. He has a girlfriend he's been with since high school, is on the dean's list, and plays basketball f...
194K 4.1K 48
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 2 of Never Series Read at your own risk. Pursuit of justice, danger in revenge, and the worthiness...
1.5M 25.4K 33
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Daddy Society Series Read at your own risk. Lumaki sa Sisters of the Lady of Guadalupe Convent...