The Wicked Painter (Brilliant...

By AteSamuha21

417K 7.2K 238

Rea Enero Suwaib, an Underrated Artist Painter with a small studio that people rarely visit because of her cr... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3✓
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
EPILOGUE 1
EPILOGUE 2
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER 23

5.1K 89 0
By AteSamuha21

Chapter 23: Courting and province

"I WANT a complete family, Rea. Let's give that to our daughter... She deserve this..."

Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa narinig ko. Walang halong pagbibiro iyon, hindi siya nang-aasar na ano. Seryoso siya noong sinabi niya ang mga katagang 'yan sa akin.

At tuluyan ko na ring nalaman na may alam na rin talaga siya. Nagtaas baba ang aking pahinga dahil sa paninikip nito. Namumungay ang mga mata niya na tiningnan ulit ako.

"I should be mad at you... Dahil hindi mo pinaalam sa akin ang nangyari sa 'yo after that night. Itinago mo rin sa akin si Markiana...but fvck... Ni hindi ko naramdaman ang galit na 'yon. You named her after me, Markiana... I love her name... Pero bakit hindi mo sinabi sa akin, Rea? Kung hindi ko pa naalala ang nangyari sa atin ay hindi ko rin malalaman na a-anak ko si... Markiana Reyan." Pagkatapos sabihin no'n ay yumuko siya at ipinatong ang baba niya sa tuktok ng ulo ng kanyang anak. Pinaglalaruan niya ang mga daliri nito.

"Nagawa mo pa akong iwasan... May kinatakutan ka ba, baby? Bakit mo itinatago ang bata sa akin?" tunog na pagtatampong tanong niya. Hindi nga siya galit sa akin dahil sa pagtatago ko sa katotohanan. Hindi siya nagalit kahit hindi ko sinabi sa kanya agad na anak niya ang baby ko.

"May family history kayo, Markin... That's the reason," I told him. He took a deep breath at kagat labing nilingon ako.

Namumula ang mga mata niya dahil sa pangingilid din ng luha niya. Iiyak ba siya?

"I will do anything to protect her, Rea. I'll protect Markiana against my family. She's my daughter..." sincere na sagot niya, parang may paninindigan talaga siya.

Iyong takot at pangamba ko para sa baby ko ay unti-unting naglalaho dahil sa narinig kong sinabi niya. Na bukod sa akin ay may magtatanggol na sa anak ko at iyon na ang Daddy niya. Hindi na ako mangangamba ba kapag nalaman ng lahat ang tungkol sa...bagong miyembro ng Brilliantes clan.

Na magiging trending pa yata dahil... Dahil nag-iisang babae lang siya sa pamilya... Kung sana may mga kapatid sila o pinsan. Pero napakaimposible... Isa lang daw salot sa kanila ang magkaroon ng babae sa clan nila.

"Kung papipiliin nila ako ay hindi ako magdadalawang isip na piliin si Markiana, Rea," he added, "I'm sorry... I'm sorry kung wala ako sa tabi mo noong pinagbubuntis mo siya... I'm sorry dahil hindi kita nagabayan sa mga paghihirap mo noon... Hindi ka ba nahirapan?" malambing na tanong niya sa akin. Umiling ako. Gulat na gulat pa rin ako sa mga nangyayari.

Hindi ako makapaniwala na hindi nga talaga siya nagdalawang isip na tanggapin si Markiana. Ni hindi niya talaga ito itinanggi na hindi niya anak kahit alam kong... Bumuntonghininga ako.

"I love her... I love her, so much... Walang makapapanakit sa anak ko. Dahil ako ang makakalaban nila..." sabi niya at maingat na hinalikan niya ang ulo ni Markiana.

"You wonder kung bakit malakas ang kutob ko na anak ko si Markiana?" he asked me.

"Engineer Markin..." bigkas ko sa pangalan niya.

"Lukso ng dugo, baby... At the moment I lead my eyes on her? I know that she's mine..." I can't say anything but nodded.

Iba rin ang inaasahan ko na mangyayari. Ang akala ko ay magagalit pa siya sa akin dahil... iisipin niya na ipinagkait ko sa kanya ang karapatan niya sa bata. Na napaka-selfish kong ina dahil tinago ko kay Markiana ang lahat, ang tungkol sa Daddy niya.

"I understand... I understand kung bakit hindi mo sinabi sa akin noong una. Pero saan mo nalaman ang tungkol doon?" he asked me.

Hindi ko puwedeng sabihin na kay Leighton ko iyon nalaman dahil baka...ano pa ang sabihin niya sa akin o baka hindi siya maniwala. Puro pambabanta lang kasi ang sinabi sa akin ng babaeng iyon. Ayaw no'n na lumapit ako sa best friend niya.

May Leandro naman siya pero bakit kaya pati ang lalaking ito ay inaangkin niya rin? Tunog nagseselos ang boses ko, ah.

"Basta," tipid na sabi ko lang sa kanya.

"When is her birthday?" he asked me. Nagsisimula na siyang magtanong tungkol kay Markiana at hindi ko iyon ipagkakait sa kanya. Pareho kaming may atraso sa isa't isa.

"Next month ay saka lang magsi-six month old si Markiana. Sa March 17 ang first birthday niya..." sagot ko.

"March 17... In just two weeks?" may multong ngiti na sabi niya. I avoid looking at him dahil alam ko ang gusto niyang ipahiwatig. Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Mabilis pa naman itong mamula.

"Shut up," sabi ko at inirapan siya.

"I'm lucky to have you, love..."

"Dada..." maliit na boses na sambit ng anak niya at nilingon ko silang dalawa.

"Yes, love. I'm your D-Daddy..." Nakagat ko ang lower lip ko dahil may nakita akong luha na lumandas sa pisngi niya at pumiyok pa ang boses niya.

"Dada..." Ang kulit ng baby ko... Ilang beses niyang hinalikan ito sa noo at pisngi. Nakikipaglaro lang sa kanya ang baby Markiana at pilit na inaabot ang buhok ng Daddy niya.

"I love you, Lotus... Daddy loves you, so much. I'm so sorry when your Daddy is late... Babawi si Dada, love... Babawi ako sa 'yo, anak ko..."

Nakakapanghina, may kung ano'ng bagay ang humahaplos sa puso habang pinapanood ko sila. Ang sarap-sarap nilang panoorin pero pati ako ay nahahawa sa pag-iyak.

Hindi na nga ako nakapaghanda pa na sabihin sa kanya, sa baby ko ang lahat pero nakilala na niya agad ang Daddy niya. I'm happy for my baby... Her father is right, she deserve this.

At kung ano man ang ikasasaya talaga ng anak ko ay hindi rin ako magdadalawang isip na ibigay iyon sa baby ko. Mas mahalaga pa rin sa akin si Markiana.

"HOW...did you know that Markiana is a girl?" I asked him, curiously.

Nasa may mini-kitchen kami ngayon at um-order lang siya ng foods for our lunch. Nakatulog kanina si Markiana pagkatapos niyang mag-milk sa baby bottle niya, mabuti nga ay hindi siya naging sutil kanina. Nahihiya akong ipakita kay Markin na nagbi-breastfeed ako sa makulit niyang baby. Saka...ah, basta.

"Just my instinct," sagot niya at nagkibit-balikat pa, "Where are you going by the way?" he asked me.

"Sa..." I uttered at napakamot pa ako sa kilay ko. Kumunot lang ang noo ko nang mapagtantoko na... "Kailangan mo pa ba'ng malaman iyon?" nagsusungit na tanong ko sa kanya.

Chicken soup at vegetable salad ang in-order niya. Hindi ko nga rin alam kung bakit ganitong klaseng pagkain ang binili niya para sa amin. Bakit may sabaw pa at gulay?

"Kulot, I have right to ask that. Markiana is my child..." mariin na sambit niya sa akin. Napahinto ako sa paghigop ko ng chicken soup at napatitig sa kanya.

"May balak ka bang kunin mula sa akin ang anak ko?" kinabahan na tanong ko sa kanya. Nagsalubong naman ang kilay niya.

"Yes," seryosong sagot niya at napabitaw ako sa hawak kong spoon. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko.

Hindi nga siya nagalit sa akin pero may balak siyang kunin sa akin si Markiana?! Hindi ko siya papayagan!

"But I want her Mommy, too," kaswal na sabi niya lang at ipinagpatuloy na ang pagkain. Dahil sa pagkabigla ko ay natatarantang inabot ko ang basong tubig at basta na lamang iyong ininom pero nasamid lang ako.

"Shet," narinig kong mura niya at napatayo pa siya. May lumabas din yata na tubig sa aking ilong.

"Dahan-dahan kasi," utas niya at hinagod niya ang likuran ko. Dahil sa nararamdaman ko na namang kuryenteng nagmumula sa kamay niya ay mas higit na akong nalunod sa tubig na iniinom ko.

"I-I'm...fine... I'm fine," ani ko at kinumpas ko pa ang kamay ko para lang patigilin na siya. Bumalik naman siya sa kinauupuan niya.

"Can I come with you?"

"Wala ka bang trabaho? Ang aga-aga mong pumunta rito, ah."

"Dahil isang linggo mo akong iniiwasan. You even closed your studio para hindi ako makapasok. Why is that?" curious na tanong niya sa akin. I shrugged my shoulder.

"Bibiyahe kami ni Markiana sa probinsya," ani ko.

"Where is it? Santa Rosa?" I nodded my head, "For what?"

"Do I need to tell you that too?" nakataas na kilay na tanong ko.

"I'm your suitor, remember?"

"Pinagbigyan na ba kita?" nang-aasar na tanong ko sa kanya.

"That's your punishment, baby..." Tangna nito. May pa-baby pa ang gago.

Napatingin ako sa wristwatch ko. Balak talaga namin ng baby ko kanina ay bibiyahe na around 9AM. Kasi most of the time naman ay umaalis na si Engineer Markin sa tapat ng studio ko. That's our cue to leave.

"Natakot lang naman ako, eh! What if hindi mo pala tanggap si Markiana? Just what if ay itatanggi mo siya na hindi mo naman anak. Since hindi mo naman talaga ako kilala, eh," dahilan ko.

"I told you, I will accept Markiana no matter what... She's my daughter, Rea. Iyon ba talaga ang kinatakutan mo?" he asked me. Hindi na ako nakasagot pa dahil wala na rin naman akong maisip pa na sasabihin.

"Let's go. Sasama ako," sabi niya nang matapos kami sa pagkain.

Papayagan ko ba siyang sumama sa amin? Paano kung magulat sila? Paano kung may sasabihin na hindi maganda sa kanya ang family ko? Pero hindi naman iyon mangyayari. Kilala ko sila dahil hindi sila ganoon. Hindi sila nanghuhusga sa ibang tao.

Saka... Nakagat ko ang daliri ko dahil mas kinakabahan ako sa magiging reaksyon nina Lolo at Tatay.

"You're going to meet my family, Engineer Markin. Hindi ka ba... Hindi ka ba natatakot? Kaya mo ba silang harapin? Lalo na...naisip nila na may atraso ka sa akin," nag-aalalang sabi ko.

Natigilan siya at napatingin sa akin. Inaayos niya ang mga bagahe namin. Habang hinihintay namin ang baby na natutulog pa. Napahimbing ang tulog, eh.

"Because I impregnate their daughter? That's a good thing, Rea. I can meet your family in person at magpapakilala na rin ako ang Daddy ni Markiana but I'm not sorry though dahil nabuntis kita kahit hindi pa kita girlfriend noon." Malutong na mura lang ang kumawala sa bibig ko.

Nakangisi pa ang gago at mukhang proud na proud pa!

"Are you not afraid? May Lolo at Tatay ako, baka habulin ka nila at may hawak-hawak pang itak. Baka hampasin ka ng walis tambo ng Lola at Nanay ko," nananakot na sabi ko. Nakita ko ang paglunok niya at pagkaputla.

"T-That's... I will be fine. For you and Markiana, I'm going to face them." Pinanindigan talaga. Bahala siya kung ano ang gusto niya. Bahala siya sa buhay niya, ah.

Bahala siya sa paliwanag niya sa pamilya ko mamaya. Bahala na talaga siya.

Nang magising si Markiana ay unang lumapit si Markin. Sumampa siya sa kama at ang lapad-lapad pa ng ngiti niya.

"Good afternoon, love... How's your sleep?" malambing na tanong niya.

Humikab pa ang anak niya at humaba ang nguso niya. Mayamaya lang ay bumungisngis na siya.

"Dada..." Ang galing na bata...

"Yes, love?" Markin kissed her chubby cheeks na mas nag-ingay na talaga ang anak ko.

Kinuha ko ang baby bag ni Markiana at hinanda na ang lahat para sa pag-alis namin.

"Gagabihin tayo. That's enough," untag ko sa kanila.

Ilang segundo pa ang hinintay ko sa kulitan nilang dalawa saka sila tumigil.

Buhat-buhat ko na ang anak ko nang palabas na kami sa studio. Si Markin pa ang nagsarado ng studio ko.

Siya ang magmamaneho papunta sa San Rosa. Kahit puwede naman kaming sumakay ng bus pero mas safe raw kung sa kotse na raw niya at siya ang magmamaneho. Lahat na lang ay kailangan siya ang nasusunod.

Napasimangot na lang ako sa huli. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng sasakyan niya. Siya pa ang
Nagkabit ng seatbelt sa katawan ko.

"Wala kang dalang mga gamit. Baka gusto mong dumaan sa condo mo para kumuha ng mga gamit?" suhestiyon ko sa kanya. Tiningnan niya lang ang likuran niya.

"May extra shirt and shorts ako sa duffle bag ko sa fortuner," he said.

"Okay... Ikaw ang bahala..." kibit balikat na sabi ko na lamang.

"Mama?" Aba, diretso na ang pagbigkas ng Mama ng anak ko, ah.

Hinalikan ko siya sa pisngi at nginitian siya, "Uuwi tayo ngayon, love... Miss mo na ba sila?" malambing na tanong ko. Hinilig niya ang pisngi niya sa dibdib ko at hinawakan iyon.

Inabot ko sa dashboard ang baby bottle niya dahil nagugutom na naman siya.

"Are you hungry na, love?"

Nasa driver's seat na rin si Markin na balak pa yata kaming panoorin.

"Gagabihin tayo, engineer," sabi ko sa kanya.

I feed my baby at habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasan ang kabahan.

Ano kaya ang magiging reaksyon nila na kasama namin ang Daddy ni Markiana? Magagalit kaya sila kay Markin?

Paano kaya haharapin ng engineer ang pamilya ko? At ang buhay namin sa probinsya? Mukha pa naman na hindi siya sa sanay sa buhay namin doon.

Mas sanay siya rito sa Manila at baka... Kinakabahan talaga ako. Sana lang ay magiging maayos ang lahat.

"Breath, baby... I will be fine."

"I'm not worried, hey."

"Yeah? Eh, bakit kung makatingin ka sa akin ay pag-aalala sa mga mata mo?"

"Asa ka!"

Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 143 6
( O N - G O I N G ) Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. °°°°° The 26-year-old model Dawn Pepper Guillermo-Gillman...
338K 6.3K 32
Dark Romance (R18) Rouge's upbringing was unusual, shaping her into an innocent soul with a dark divine goal. She believed she was serving a divine p...
19.3K 325 50
Not An Angel Series# 5 (Completed) Creselia Sylyphyn Velencio is the woman who values food more than falling in love again. For her, eating food is p...
354K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...