Mr Badboy Personal Maid

Door Pretty_Christia

2.3K 557 674

Isang simpleng babae na nakipag sapalaran sa kanila para sa kanyang pamilya. Nangarap at nagsikap abutin ang... Meer

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16

Chapter 15

6 0 0
Door Pretty_Christia

Faith's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit kong saad sa kanya. Nilibot ko pa ang tingin ko para hanapin kung kasama n'ya, yung babae kanina.

"She's not here, mapapagod ka lang kakalingon. Daig mo pa ang electric-fan." Saad n'ya pa.

Umirap lang ako sa kanya dahil wala naman akong pake kahit andito 'yung babaeng masungit.

"Ehem. Tol, kanina ka pa? Akala ko hindi ka na susunod, e."

Tinitigan naman ng amo ko 'yung lalaking katabi ko bago binaling sa'kin ang atensyon.

"Nope. Mga 5 minutes ago lang siguro."

Wow, 5 minutes, e di kanina pa nga.

Tumayo naman ako para umalis na dahil ayoko nang makipag usap sa kanila.

"Saan you pupunta?"

Napahinto naman ako sa pag lalakad at hinarap silang dalawa na ngayon ay nakatanaw na sa pwesto ko.

"Malamang mag ta-trabaho, ano pa ba?" Masungit kong saad at umirap uli. Hinigpitan ko na rin ang tali ng apron na suot ko dahil mag huhugas na ako ng mga plato.

"Wait, wait, wait, who told you to leave?"

Tinitigan ko naman ang amo ko na ngayon ay nakataas ang kilay habang humihigop pa ng wine.

"Ako, bakit, aangal ka?" Daretsa kong saad na ikinatawa ng kasama namin.

"Stop it, Aeron, umalis ka na nga."

Tinitigan ko lang silang dalawa saglit at nag lakad na ulit. Mabuti na lang ay hindi na nila ako pinigil pa dahil kung hindi ay mainam na silang dalawa na lang ang gumawa sa trabaho ko.

Naabutan ko pa sa sala ang paslit kong amo habang kalaro ang aso nitong lawit na ang dila sa pagod.

"Oh, you're back. Can you please get Choco some water?" Saad nito nang hindi man lang ako tinititigan sa mata.

"Nasa tabi n'yo lang po yung water n'ya,"

Tinignan naman ako nito. "He's sensitive e, gusto n'ya ng warm water."

Tumango na lang ako dito at dumaretso na agad sa kusina para hindi na ako ulit mautusan pa. Pag pasok pa lang ay nakita ko na sila aling Yolly na nag ku-kumpulan sa sulok.

"Pero alam mo ba ang nakakagulat, ang sabi lang naman kasi kanina ni madam ay uuwi na rin 'yung taong 'yun. Nako, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag s'ya ulit ang bubungad sa umaga ko."

"Ano ka ba, Linda. Huwag ka ngang mag salita ng ganyan sa bata, isa pa wala tayong magagawa kung dito ulit balak patirahin ni madam 'yung batang 'yon," saad ni aling Yolly.

Mukhang hindi nila ako napansin dahil lahat sila ay mga nakatalikod sa pintuan habang nag gagamay ng mga pinamiling gulay.

Aalis na sana ako dahil baka ipakagat ako sa aso ng batang 'yon pero dahil sa kuryosidad ay mas pinili ko pa rin na makinig sa kanila.

"May bago kaming amo?"

Hindi ko na napigil ang sarili ko na lumapit sa kanila para mas marinig nang malinaw ang pinag u-usapan ng dalawa.

"Ang hirap kaya na maging taga-sunod no'n, mas gugustuhin ko pa kay Peterson at Louis, at least sila alam pa rin nila yung limitasyon nilang dalawa. Baka mamaya ay mag bugbugan na naman sila sir K- ay, kanina ka pa, Faith?"

Napangiwi naman ako dahil sa hindi ko sinasadyang natabig ang mga paper bag na katutupi lang sa lamesa.

"Hala pasensya na po?"

Isa-isa ko 'tong pinulot para ibalik sa dati. Naiilang pa ako dahil sa'kin na ngayon nakatuon ang atensyon ng dalawa.

"Kadarating ko lang po, kumuha lang po ako ng tubig para sa aso ni sir Louis," ngiwi kong saad.

"Ha? E, meron na akong nilagay na tubig doon sa living area kanina?" Nag tatakang saad ni aling Linda at tuloy pa rin sa pag pipitas ng beans.

"E, sensitive raw po ang aso, warm water ang gusto."

Tila nagulat naman ang mga matanda sa sinabi ko. "Nako, huwag kang maniniwala sa batang 'yon, hindi totoo 'yan. Baka pinag ti-tripan ka na naman."

Napangiwi naman ako dahil hindi ko alam kung totoo nga ba na pinag ti-tripan lang ako ng bata, pero minainam ko na rin na sundin ang utos nito dahil baka mamaya iba na naman ang pumasok sa kukote n'ya.

"Wala po akong magagawa kung gano'n, bata pa po kasi kaya siguro wala pang kamuwang-muwang." Saad ko na lang na nakapag patawa sa kanila.

Nag paalam na ako dahil baka mamaya ay sugurin na ako ng malditong bata na amo ko. Wala na ito sa pwesto n'ya kanina nang maabutan ko ito dahil ang nandoon ay yung dalawang binata na ngayon ay nag ra-rambulan na dahil lang sa remote.

"Ilipat mo sabi e, andoon si Michiko tol, huwag ka namang ganyan."

"Ano ba, hindi ka ba nag sasawa sa mukha ng babaeng 'yan? Mandiri ka nga, daig mo pa ang ulol na aso."

Natawa naman ako dahil kung tutuusin, mas mukha pa silang bata kesa sa kapatid ni sir Peterson.

"What are you laughing at?"

Natahimik naman ako dahil sa sabay nilang saad.

"Wala naman, masama ba ang tumawa?" Taas kilay kong saad at inilapag ang water container sa tabi ng kakanan ng aso.

Ramdam ko na pinapanood nila ang kilos na ginagawa ko kahit nakatalikod ako sa kanila kaya umalis rin ako dahil naiilang na ako.

Hindi na ako nakarinig pa ng ingay sa salas marahil kumalma na rin ang dalawa.

"Faith, p'wede ba na pakidala ito kay ma'am Catherine sa Library? Kailangan ko kasing mag luto ng miryenda."

"Hey, what's that smell?"

"What smell? Baka hininga mo lang 'yun."

Tumango naman ako nang mabilis na inabot sa'kin ng ginang ang isang tray na nag lalaman ng kape at cake.
Kahit papaano ay magandang dahilan na rin ito para makaalis ako sa harapan ng dalawang 'to dahil kanina pa ako naalibad-baran sa pag mumukha nila.

"Saan ka pupunta?"

Nilingon ko naman ang amo ko na ngayon ay nakatayo sa likuran ko pati na rin si sir Aeron na ngayon ay nakapasok pa ang dalawang kamay sa bulsa.

"Huwag n'yo sabi akong guluhin." Saad ko.

Hanggang sa maihatid ang tray ay nakasunod pa rin ang dalawang binata sa'kin kaya minainam ko na na dumaretso sa kwarto ko para mapigil na rin ang ginagawa nila.

"C'mon, Faith. Samahan mo naman ako oh, kwentuhan muna tayo. I want to know you more."

Hinihilot ko ang sentido ko dahil sa kanina pa ako pinepeste ni sir Aeron. Pakiramdam ko ay ano mang-oras ay sasabog na ako.

"Oops, huwag n'yong sabihin na pati ba dito ay sasama kayo? P'pwede po ba na mag sibalik na kayo doon sa kaninang pwesto n'yo dahil may importante pa akong gagawin." Saad ko at daretso silang tinignan. Tahimik lang si sir Pete pero alam ko na interesado rin s'ya sa gagawin ko dahil daig din n'ya ang aso kakabuntot sa'ming dalawa.

"And so? Wala namang masama kung sasama kami pati sa loob, oh, ako lang pala. Pete had a lot of works to do, diba?" nakangiting saad ni sir Aeron.

"Shut up."

Akmang isasara ko na ang pinto nang may isang kamay ang humarang nito na dahilan para mapasigaw ito sa sakit.

"Ano ba, tanga ka ba?"

"Grabe ka naman Faith, you're hurting me." Mangiyak na saad ni Aeron habang hinihipan ang mga daliring namumula.

Nakukunsensya ako pero mas nakakakunsensya yung ginagawa nila. Daig ko pa ang may bodyguard.

"Papasukin mo na lang kasi kami, p'wede?"

Tinitigan ko naman ang amo ko na ngayon ay nakakunot na ang noo habang nakahawak na sa hambana ng pintuan.

"Sure ba talaga kayo?"

"Oo/yes"

At dahil makulit sila, hinayaan ko na lang sila kesa naman sumama pa lalo ang pakiramdam ko. Mukha namang aliw na aliw sila sa simpleng kwarto ko kaya dumaretso na ulit ako sa isang pintuan pero nahinto na naman ako dahil sa tanong nila.

"Oy, saan ka pupunta na naman?"

"Ge-gebs, bakit sasama pa rin ba kayo?" Saad ko sa kanilang dalawa na nakapag panganga sa kanila. Oo, ge-gebs (poopie) rin talaga ako. Hindi ako nag bibiro. Kaya pala masama pakiramdam ko kanina at wala sa mood. Nakakahiya man pero 'yun talaga ang totoo. Kanina ko pa pinipigilan 'to dahil sa dalawang ulupong na nasa harapan ko.

To be continue...

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

309K 16.7K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
853K 42.8K 61
ā€¢ NOW A PUBLISHED BOOK ā€¢ Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. ā€¢ Fea...