Make You Mine Season 1 | Hear...

By chrisseaven

44.3K 1.3K 240

Tian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despit... More

Make You Mine
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Make You Mine
About Heartful Academy
Special Part
First Anniversary Gift: Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 7

1K 38 0
By chrisseaven


TIAN MARTELL

TAHIMIK akong naglalakad dito sa quadrangle o tinatawag nilang event center, pauwi na rin ako ngayon dahil kakatapos lang ng klase namin. Wala pa akong mga kaibigan at hindi naman ako 'yong tipo ng tao na mahilig makipag-socialize, kaya syempre diretso agad sa bahay.

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang sigawan ng mga students na nandito sa event center, karamihan sa mga ito ay mga babae. Kung titignan ay para silang mga fans na nakasalubong ang kanilang idol.

Hindi ko makita kung sino ang pinagkagulohan nila dahil ang dami nilang nagpapa-picture kaya natatakpan ang taong ito. Pero 'di bali na, wala naman akong paki sa kanila, ang mahalaga makauwi na ako.

Nakita kong pakunti na sila nang pakunti, siguro dahil tapos na sila makipag-selfie sa tao na 'yon kaya nagsi-uwian na sila. Kaya wala na masyadong tao at makakadaan na ako ng maayos.


Nagpatuloy ako paglalakad at biglang nag ring ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha sa bulsa, nang makita kong si Mama ito ay kaagad kong sinagot. Masaya kong ibinalita kay Mama ang pagkapanalo ko sa essay contest na sinalihan ko, may ngiti sa labi ko habang tinitignan ang hawak na trophy.

Dahil nakayuko ang ulo ko at nasa trophy ang tingin ko habang kausap sa cellphone si Mama ay hindi ko na natignan ang dinadaanan ko, bagay na nagpahinto sa 'kin nang bigla ako makabangga ng tao sa harapan ko.

Naging kabado ako dahil kasalanan ko ang nangyari at baka kung ano pang gagawin sa 'kin ng taong nabangga ko.

Napaatras ako para makita kung sino ang taong nabangga ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan nang isang babae pala ang nabangga ko. Kung titignan ang mukha niya ay halatang inis na inis siya, salubong ang mga kilay niya habang naka-crossed arms.


Pandak siya kaya nagmumukha siyang minions na galit. Pero kailangan ko humingi ng tawad dahil kasalanan ko palang nabangga siya. Pinatay ko muna ang tawag dahil ayaw kong marinig ni Mama ang pag-uusap namin, baka ano pang iisipin niya ayaw ko siya mag-alala.

Nagyuko ako ng ulo. "S-Sorry po Miss, hindi ko sinadyang mabangga ka..." paghingi ko ng tawad sa babae.

"Hey low creature! Tignan mo ako, huwag kang bastos!" Tinaasan niya ako agad ng boses.

Kahit kabadong-kabado ay dahan-dahan pa rin ako nag-angat ng tingin at napalunok ako nang makita ang nangangalit niyang mukha. "S-Sorry ulit Miss, pa-pangako, titingin na talaga ako sa daan, hindi na mauulit..." halos pinagpapawisan ako sa harapan niya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Oh my gosh, hindi mo ba ako kilala? Sa susunod kilalanin mo ang binangga mo. Ako lang naman si Natasha Amante, the one and only Reyna Dyosa of Heartful Academy." Ang talim ng tingin niya sa 'kin mula ulo hanggang paa.

Naku ano ba naman ito, sa dami ng pwede ko mabangga bakit siya pa? Kahit wala ako masyadong alam sa kanya ay lagi ko naman naririnig ang pangalan niya dito sa school. Kahit ang mga classmates ko ay lagi siyang pinag-uusapan, hinahanggan siya nila dahil sa pagiging confident niya.


Mas lalo nga akong natakot, halos manginig na ang katawan ko dahil siya pala si Natasha Amante. Napapikit ako ng mata nang dahan-dahan niya ngayon hinawakan ang suot kong reading glasses.

"So if I were you, start quiting this school. Dahil isang post ko lang sa ginawa mo sa 'kin, your life will be in danger. Lahat ng mga fans ko, aabangan ka kahit sa'n ka magpunta." Parang pananakot niya sa 'kin habang hawak-hawak pa ang reading glasses ko.

Nagmukha akong tuta sa harapan niya na takot na takot, hindi ako makapagsalita at naninigas pa ang katawan ko, ni-hindi ko kayang tignan ang mataray niyang mukha.

"Alam mo, I really hate guys like you, weirdo at walang dating. Parang palaboy sa kalsada, kulang nalang hingan mo ako ng piso. Nakakadiri. Ipapaalala ko lang sa 'yo, this is the most richest school in the Philippines, kaya hindi allowed ang tulad mong low class cheap person!" Ngumi-ngiti siya habang minamaliit ako.

Dahan-dahan niya ibinalik sa 'kin ang salamin ko at kinurot pa niya ang pisngi ko. "Good luck nalang sa buhay mo." Tumawa siya at nagawa pa niya akong itulak sa gilid bago siya dumaan at umalis.

Naiwan akong tahimik at halos nanginginig ang katawan, kahit umalis na siya ay naiwan pa rin sa 'kin ang matinding kaba.


"Okay cut!"


Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. "Bravo, bravo...ang galing! Sobrang galing! Grabe, unang take pa lang 'yon at wala kayo naging mali. Kuhang-kuha niyo ang bawat emotions and action!" Tuwang-tuwa si Direk Mike na napatayo pa.

Napangiti ako nang makitang nagpalakpakan ang mga crew at maging ang mga students na naging extra kanina. Nakahinga na ako ng maluwag dahil nagawa ko ng maayos ang unang scene namin. Ang galing ko talagang actor.

Nilapitan ako ni Direk Mike. "Walang kupas, sobrang galing pa rin talaga ng isang Tian Martell!" Dama ko ang paghanga ni Direk habang hawak niya ang balikat ko.

"Syempre naman po, Drama Prince 'to eh..." nakangiting sagot ko.

Lumapit sa 'min si Pearl na bakas ang tuwa sa mukha at agad na umakbay sa kanya si Direk. "Hindi talaga kami nagkakamali sa pagpili sa 'yo Pearl. Congratulations, binigyang buhay mo nang maayos ang iyong character." Pagbati sa kanya ni Direk.

Nilingon ako ni Direk. "Hindi ba sabi ko sa 'yo, ang galing niya. Bagay kayo, malakas ang chemistry niyo. Kayo na ang susunod Best Loveteam of the year, claim it!" Nakakatuwa na buhay na buhay nga ang loob ni Direk.


Lumapit na si Direk Mike sa mga crew para maghanda sa susunod na scene kaya naiwan kami dito ni Pearl. Lumapit sa 'min ang mga kaibigan ko. "Wow, grabe ang galing mo pala Pearl...'yong acting mo is parang biterana na..." labis na humunga sa kanya si Blue.

Napahawi ng buhok si Pearl na halatang kinikilig sa sinabi ni Blue. "Syempre, part kaya ako ng theater play..." nakangiting sagot niya.

Natigil kami nang biglang magsalita si Alvin. "Oo na magaling ka na. Pero pandak ka pa rin, at 'yon ang hindi gagaling." Muli niyang pang-asar kay Pearl nagpipigil na naman ako tumawa.

"Alam mo, kanina pa ako napipikon sa 'yo!" Dali-daling lumapit si Pearl at papalapit na nga sa mukha ni Alvin ang nakakuyom niyang kamao, mabuti nalang ay agad ko nahawakan ang braso ni Pearl.

Kinakabahan ako dahil ramdam ko ang matinding galit ni Pearl na parang gigil na gigil na siya masapak si Alvin. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Tama na kayong dalawa. Pearl magaling ka, soon magiging best actress ka, so should act like a professional. Iwasan mo makipag-away, lalo na babae ka." Mahinahon akong nagsalita para mapakalma si Pearl.

Hindi nga ako nabigo dahil unti-unti naging kalmado si Pearl, kaya binitawan ko na siya. Pero kitang-kita pa rin ang inis sa mukha niya habang tinitigan si Alvin. "Salamat Tian, kung hindi mo 'ko pinigilan malamang nasapak ko na 'tong kaibigan mo. Sabihin mo sa kanyang tigil-tigilan na niya ako, dahil kahit babae hindi ko siya uurongan." Inirapan niya ng mata si Alvin bago siya umalis.

Nilingon ko si Alvin. "Narinig mo 'yon, ang sabi niya—" natigilan ako nang magsalita si Alvin. "Narinig ko. Nandito lang naman ako sa harapan niyo eh." Seryosong sabi niya.


Umakbay sa 'kin si Blue. "Ang galing mo talaga lods...parang ibang tao ang nakita namin sa 'yo kanina, talagang nag in-character ka." Nakangiting sabi niya sa 'kin.

"Oo nga Tian, hanga talaga ako sa 'yo. Nagampanan mo ng maayos ang character na malayong-malayong sa totoong ikaw. Mabait 'yon eh, tapos ikaw bad boy na chicks boy..." sabay tawa ni Vincent at ngumiti lang ako habang lumakad na kami papunta sa gilid para makapag break muna.

Habang naglalakad ay naramdaman kong parang may kanina pa nakatingin sa 'min. Ewan pero malakas talaga ang kutob kong mula ito sa itaas. Kaya nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang malaking school building na nasa gilid nitong quadrangle.

Isa na yata ito sa pinakamalaking school building dito sa Heartful Academy. The walls painted white and blue ang ilang parts. Meron itong limang floor at sa ika-tatlong floor ay meron pang malaking balcony na merong mga flowers at isang bench.

Dahan-dahan ko pang inilibot ang tingin ko sa paligid ng building na 'yon. At hindi nagtagal ay nakita ko sa ika-tatlong palapag ang lalaking kanina pa nakatingin dito sa 'min. Pagkakita ko sa kanya ay agad naman siya nag alis ng tingin at naging kalmado pa sa pagtalikod.

Hindi ko nakita ng malinaw ang mukha niya pero familliar ang pangangatawan niya. Parang nakita ko na siya some where, pero hindi pa rin ako sure dahil natalikod naman kasi. Pero hindi bali na, wala na akong paki sa bagay na 'to.


Umupo kami sa mga chairs na nakalaan lang para sa 'min at dito ay nagpahinga. Uminom ako ng tubig habang ang mga kaibigan ko naman ay busy sa mga kanya-kanya nilang cellphone. Napakunot-noo ako dahil sa expression ng mukha nila Blue at Vincent, para silang may pinagnanasahan sa cellphone.

Napakagat sila ng labi at ngumi-ngiti, kaya hindi ko na napigilang magsalita. "Hoy, anong kabadingan na naman 'yan..." sabi ko sa kanila at dali-dali naman silang lumingon. "Uy hindi kami bading..." sabay nilang sabi.

"Natuwa lang kami dahil may bagong info kay Midnight Prince. Nag post ang mga classmates niya ng mga pictures niya sa room nila...grabe ang gwapo talaga ng lalaking ito..." pinakita pa sa 'kin ni Vincent ang pictures sa cellphone niya.

"He's a transfer student here at HA. He's a Grade 11 and taking the ABM strand." Sabi pa ni Blue at patingin-tingin na siya ngayon sa paligid. "Saan kaya 'yong room nila? Tara hanapin natin, gusto ko siya makita ng personal..." excited niyang sabi.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano ba kayo, nasa klase pa 'yong tao ginugulo niyo..." pagtutol ko sa gusto nila.

"Lunch time naman eh, kaya wala pa silang klase. Sige na sandali lang naman, dadaan lang tayo sa classroom nila..." pagpumilit sa 'kin ni Vincent habang hawak-hawak pa niya ang kamay ko.


Napalingon kami sa gilid nang makita ang napakaraming students na naghihiyawan habang may ngiti sa labi at tumatakbo na parang may artistang pupuntahan. Nakakasakit na nandito lang naman ako sa gilid at hindi pa nila ako nakita. Lahat sila ngayon ay papunta na sa ika-tatlong palapag ng school building na nasa gilid nitong quadrangle.

Nakatuon ngayon ang tingin namin sa pinaka-center na classroom sa third floor at dinumog ito ng mga students sa labas. "Mukhang 'yan na 'yon, nasa harapan lang pala natin kaya hali na kayo..." tugon ni Vincent.

"May taping pa ako, kaya kung gusto niyo kayo nalang..." muling pagtanggi ko sa gusto nila.

Nilingon ni Vincent si Direk Mike na nasa malayo at kinakausap ang mga crew. "Direk, hiramin muna namin si Tian saglit lang po, babalik din kami..." nagpaalam pa siya kay Direk, talagang pinipilit nila ang kanilang gusto.

"O tsa sige, balik kayo agad..." sagot ni Direk na may ngiti sa labi ni Direk.

Naging abot tenga ang ngiti nila Vincent at Blue habang pinagtulongan akong hilain palayo dito, kaya wala na akong nagawa pa. Maging si Alvin ay malamyang sumunod sa 'min, halatang kahit ayaw niya sumama ay napilitan nalang siya dahil ayaw niya mapahiwalay sa 'min.


Umakyat kami sa hagdan papunta sa third floor ng building na 'to. Nang marating namin ang third floor ay napanganga nalang kami nang bumungad sa amin ang napakaraming students sa hallway.

"Ngayon sabihin niyo, makakadaan kaya tayo eh ang daming bubuyog na parang nangingisim sa kilig." Inirapan ko sila ng mata. "Bumalik na nga tayo. Nakakahiya ito sa pangalan ko, artista ako tapos makikisali ako sa mga fans na 'yan." Hahakbang na sana ako paatras pero hinawakan ni Vincent ang kamay ko.

"Nandito na tayo, kaya itodo na natin 'to. Kahit ngayon lang i-support mo naman kami..." saad ni Blue na nakabusangot na parang nagmamakaawa, para tuloy akong guilty na hindi ko sila susuportahan, kaya wala na akong choice kundi sumabay sa lakad nila papunta do'n.

Nasa labas na kami ngayon ng classroom na dinudumog ng students. Napalunok ako sa kaba nang makitang pinag-titinginan ako ng ilang students dito, ang iba pa sa kanila ay masama ang tingin sa 'kin kahit hindi ko naman inaano.

Isang malaking mali talaga 'to eh. Ano nalang ang iisipin ng mga tao. Ako lang yata ang artistang nakikidumog sa mga fans para makita ang taong hindi naman artista.

Nandito lang kaming apat nakatayo sa gilid at sumisilip sa bintana para makita ang pinagkakagulohan nilang Midnight Prince.


Natahimik ang lahat nang magsalita ang class adviser na nasa loob. "Haku, please come here. Batiin mo naman sila." Sabi ng class adviser at dahil dito ay mas kinikilig na nga ang lahat ng students dito, liban lang sa 'kin.

Nakita namin na dahan-dahan tumayo ang Midnight Prince na nag-ngangalang Haku pala. Nagsimula siyang lumakad papunta sa harapan ng mga students na halos gusto ng pumasok sa classroom nila.

Dahan-dahan pang kumakaway sina Vincent at Blue dito sa labas ng bintana, as if naman napansin sila ng idol nila eh diretso ang lakad nito at napaka-seryoso pa ng mukha.

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sobrang lakas ng hiyawan, para lang silang nagsayang ng boses eh mukhang sumplado naman ang Haku na 'to. Pero mas lalo pa silang kinikilig nang nakatayo na nga malapit sa kanila si Haku.

"Hi." Malamig ang tuno ng boses ni Haku at kumaway siya ng isang beses habang wala man lang kahit anong emotion ang makikita sa mukha niya.

Kinilig naman ng todo ang lahat ng students dito, nagtutulakan na sila ng braso at nagsasapakan pa sa balikat ang mga babae.

Ayon na 'yon...? Kinilig na sila do'n...? Ni-hindi man lang siya nagpakita ng pagpahalaga sa mga fans na nandito.


Natigil ako sa kakaisip ng masama kay Haku nang bigla akong tinu-tulak nila Blue at Vincent para mas makalapit sa kanilang classroom, kaya para na tuloy akong nakikipagsiksikan sa mga students dito.

Mayamaya pa ay napanganga ako nang biglang hinawakan ng babaeng nasa tabi ko ang kamay ko. "Bhe, 'di ba gusto mong mahawakan si Haku...? Ito na 'yong chance mo..." sabi ng babae.

Nakangiti siyang tumitingin kay Haku kaya hindi niya alam na ako pala ang nahawakan niya at hindi ang kaibigan niyang hindi ko sinadyang matulak palayo dahil sa pagsiksikan ko.

Nanlaki ang mga mata ko dahil inakala nga ng babaeng ito na ako ang kanyang kaibigan, kaya agad niya akong hinila ng pagkalakas at itinulak papunta sa harapan. Sa sobrang lakas ay tumapon ako at bakas ngayon ang takot sa mukha ko, dahil isa lang ang papupuntahan ko, walang iba kundi kay Haku na nakatayo sa harapan namin.


Pagkalapit ko kay Haku ay wala akong choice kundi humawak sa mga braso niyang nakahandang sumalo sa 'kin. At dahil sa sobrang lakas ng pagtama ko sa katawan niya ay nawalan nga siya ng balance at magkasama kaming babagsak.

Dahil sa sahig kami babagsak nito ay dali-dali kong hinawakan ang ulo niya hanggang likod upang hindi siya masaktan kapag tatama na ang ulo niya. Concern lang ako, lalo na ayaw ko makakita ng dugo.

Tuloyan kaming bumagsak ngayon sa sahig at habang nakahiga siya ay nakapatong naman ang buo kong katawan sa kanya. Parang naulit lang ang pangyayari nong magkita kami sa airport.

It's feels like everything stopped when our body collide.

At kahit ramdam ko ang sakit mula sa kamay kong tumama sa sahig para lang hindi mabagok o masugatan ang ulo niya ay tiniis ko, hindi ko pa rin inalis ang kamay ko at hawak-hawak ko pa rin ang ulo niya.

Habang tumatagal ay naramdaman ko ulit ang pagtahimik ng buong paligid. Ang weird ng feeling na 'to pero parang totoo, that feeling na parang wala akong ibang nakikita kundi siya lang at kami lang ang magkasama.




Continue Reading

You'll Also Like

51.8K 1.4K 20
Ⓓ︎ Ⓘ︎ Ⓢ︎ Ⓒ︎ Ⓛ︎ Ⓐ︎ Ⓘ︎ Ⓜ︎ Ⓔ︎ Ⓡ This is a work of fiction. names, character, business, songs, place and events are either product of the authors imagina...
105K 3.8K 41
It is a story of a girl. She gets married to a man, who is already married, had a son and his wife died. The reason of their marriage is his son who...
209K 2.1K 69
What happens when Melanie Shelby goes to a race of her cousin for the first time. @landonorris is following you now @bellemelshelby is following you...
19.5K 501 30
What will happen if you accidentally date an Idol that you don't even know?