Serving The Heir's Father

By Haaadeez

16.6K 476 37

Vincent Kleive Alvares was heart broken because he decided to just let go of his first love. He saw a gorgeou... More

Prologue
STHF
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty- Eight
Chapter Twenty- Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty- One
Chapter Thirty- Two
Chapter Thirty- Three
Chapter Thirty- Four
Chapter Thirty- Five
Chapter Thirty- Six
Chapter Thirty- Eight

Chapter Thirty - Seven

481 5 3
By Haaadeez

Napanguso ako nang makita ang sunburn ko. Namamalat na kasi, ang hapdi hapdi pa.

Lalagyan ko na sana ng cream pero naubos na pala. Ang OA ko naman kasi, bakit nung hindi pa namamalat doon ko na nilagyan, tuloy ay wala akong magamit ngayon.

Tinitigan ko na lang ang repleksyon ko sa salamin.

I did change. From natural pink lips to dark red lipstick, from no make up to make up everyday type, from simple clothes to branded clothes. What I'm seeing right now is not Pauline, this is Aurelia, a woman with power and intelligence.

I have everything now, a comfortable life, wealth, power, and all pero may kulang.

"You have to be strong, Aurelia. You are a Samonte, remember that. Did you remember your dad cheated on me? Did you see me as miserable as you? No. Because I know my worth, you should know that too." Hindi siya mukhang galit, parang... pinapangaralan niya lang ako bilang ina ko.

Umiwas ako ng tingin. Hindi lang naman ito tungkol kay Vince.

Ilang gabi na akong umiiyak, paano ako napunta sa lugar ko ngayon? Paanong nasasaktan ako ng sobra kung wala naman akong ginagawang masama? Paanong pinaparusahan ako.

Ang pang iiwan ni Vince kasama ang ibang babae, ang pagkamatay ng anak ko, ang pagkawala ni Xyphere na hindi ko alam kung ano ang iisipin. Ang hirap hirap tanggapin na ang tanging lakas ko ay nawala pa.

"Everything will be alright. Hahanapin natin ang anak mo. Be strong, okay?" Ngumiti ito sa akin ngunit hindi ko magawang suklian 'yon. Masyado akong nasasaktan, ni hindi ko na nga tanda ang huling tumingin ako sa salamin para tignan ang sarili ko.

Narito pa rin ang pagod at walang tulog na paghahanap kay Xy kung saan namatay ang taong nasa sinapupunan ko.

A tear again escaped my eyes. Lagi na lang ba akong iiyak kapag naalala ko ang nangyari sa akin? Nakakasawa ng mabuhay sa nakaraan. All I wanted is for my son to be healed kaya ako nag Maynila pero hindi ko alam na ganito ang sasapitin ko.

Life really is full of surprises.

I looked at my son's picture, my daily source of happiness. Mama will get you soon, anak. I promise that.








Noah:

I won't tell you my plan, mahirap na baka traydurin mo 'ko haha kidding.

Hindi ko na siya nireplyan dahil alam kong pinipikon na naman niya ako. I closed my eyes, controlling my emotions.

"Ma'am?" I heard a knock so I looked up.

"Yes? Come in." I sighed and fixed myself. Nasa Pilipinas ako ngayon, sabi ni mama dumito na muna ako. I don't have a choice but to follow her, hindi naman pupwedeng magstay ako sa Canada.

"Ah, ma'am, an applicant walked in." Pumasok ito at may hawak pang ilang papel. "Kayo ho ba ang mag-iinterview?

I nodded, hiring pala kami ngayon. Nagretire na ang dati naming janitor dahil matanda na ito. Actually nangangailangan nga kami ng 5, isa na lang ngayon dahil nakahanap na sila ng iba.

Sinabihan kong papasukin niya na para mainterview na. Hindi naman talaga interview, I just want to meet him in person.

I was signing some papers when I felt someone sat infront of my table.

"Good morning." I greeted. Nang iaangat ko ang tingin ay nawalan ako ng sasabihin.

"Good morning ma'am." He smiled casually. Ang pamilyar na kabog ng dibdib ko ay nagsisimula na naman.

Palihim kong pinapakalma ang sarili bago tinaasan siya ng kilay. "What do you want?"

"Mag-aapply na janitor." He then smiled. Wala mamang masama sa pagngiti niya pero naiinis ako.

"Stop fooling around, Mr. Alvarez." I gritted my teeth, ano na naman kayang pinaplano nito? I don't trust him.

His eyes grew big, he acted like he was offended. "Fortunately, I am not, madam." He still smiled. "Wala na akong kumpanya at wala akong trabaho. I really needed this job."

I closed my eyes. He was a multi-billionaire, imposibleng mawala lahat ng yaman niya. At talagang sa kumpanya ko pa?

"In my company?" Hindi ko nnapigilang itanong, para kasing may hindi tama.

"Yes, I heard you have pretty much good salary. Nangangailangan din naman kayo, hindi ba?" Tumaas ang kilay niya at tumikhim.

I arched my brows. "Do you even know how to mop a floor?"

"Yes." He felt so proud. "I watched you before." He tried to hide his smirk but failed.

Napahinga ako nang malalim.

I rolled my eyes in annoyance, nakakairita ang mukha niya.

"When do you want to start?"

"Ngayon na kung gusto mo, ma'am."

"Ayaw ko, next week na."

"Bukas po?"

Sumasakit ang ulo ko. Napahinga ako ng malalim as I nodded. He's not good for me.

"You can start tomorrow." I stated, ngumiti naman ito sa akin kaya sinuklian ko naman. I don't want to be a bad employer. "Please, close the door when you leave."

Malayo pa lang ay naririnig ko napag uusyoso ni Nel. Hindi nga ako nagkakamali, ilang minuto pa lang nang makalabas si Vince ay pumasok siya.

"Anteh! Bakit nandito ang boss natin?" Tanong niya. I looked at him confused.

"Boss natin? Si mommy?"

"Hindi, gaga! Si sir Vince!" Lumapit pa siya na akala mo hindi ko narinig ang sinabi niya.

"He's not our boss. Nag apply nga na janitor."

He blinked many times, not absorbing what I just said. "Janitor? Gagi true ba itez?"

I nodded. "But I just thought, why here?"

He just shrugged. Maybe also confused.



My day ended feeling exhausted. Ang daming trabaho. Nakita ko pa nga lang si Vince pagod na ako. I'm tired of thinking about him, it's not romantic though. It's all about what happened to him.

Nung umalis kami akala ko magiging maayos siya kasi iyon ang gusto niya. Ang umalis kami. Bakit iba naman ang nangyari sa kaniya?

Minahal ko 'yong tao at masakit pa rin naman para sa akin na naging ganoon ang buhay niya.

Tumagilid ako sa kama at tumitig sa picture ng anak ko.

"This is Noah Legaspi." Kilala ko siya. Siya ang kapatid ni Vince. Napatingin ako kay mommy nang ipakilala niya ang lalaki. "Siya ang tinatago ng mga Alvarez." Ang lalaki ay nakangiti sa larawan.

"Anong mayroon sa kaniya?" Mula sa larawan ay napatingin ako sa nanay ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi 'to sa akin.

"Do you want revenge, Aurelia?"

Hindi ko ginustong maghiganti. Hindi ko gusto masira siya. Hindi ako pumayag sa gusto nila kasi para sa akin, si Vince ang isa sa mga taong nagpasaya sa akin. Siya ang nagparamdam sa akin na kahit wala akong maalala sa nakaraan ko ay kompleto ako.

He made me feel loved in that short span of time. Seeing him holding a mop and mopping the floor broke my heart.

But I know I shouldn't be easy on him. Nandito pa rin ang sakit na ginawa niya sa akin, sa amin ng mga anak ko. Kahit na hindi ko sabihin ay siya ang sinisisi ko kung bakit namatay si Aelia. I'm done taking the blame.

"Are you done?" I strictly asked.

He wiped his sweat on his forehead. Basa na rin ang damit niya. Hapon na at alam kong pagod na rin siya dahil hindi lang naman isang floor ang nilinisan niya.

"Yes ma'am." He still managed to smile.

"Bakit may dumi pa?" I pointed out the tiny dirt I saw.

Lumingon siya ron at tila nagulat pa na may maliit na dumi ron. "Oh, didn't see it."

"Do you want me to mop the floor for you?" I crossed my arms at looked at him.

He was taken a back. "N-no." I watched him mop the floor again. I'm being irrational, hindi naman ako ganoon sa dati naming empleyado.

Gusto ko lang maramdaman niyang hindi kami maayos. Why do I want him to feel that? I can't understand myself either.

Gabi na nang makalabas ako sa kumpanya. I saw him waiting outside my car. "Yes?"

Mula sa pagkakasandal sa kotse ko ay umayos siya nang tayo. "Aalis na ako."

"Okay?" I arched my brows, waiting for him to talk.

He wanted to say something pero umiling na lang siya at bahagyang yumuko saka umalis. I was left there confused with his actions.

And I hate him for making me insane again.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 115K 32
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
2.8M 162K 50
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1.6M 138K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...