The Last Moon Keeper (Great E...

By midnightangelixx

80.1K 4K 300

What if I told you that even the Great Bakunawa fell in love once? --- In Hemia's world, there were once seve... More

-
Illustrations
Map
Chapter 1: The Moon Feast
Chapter 2: The Successor
Chapter 3: A Hundred Flower Graves
Chapter 4: Bakunawa, The Moon-Eater
Chapter 5: The Girl with No Luck
Chapter 6: A Mischief Deal
Chapter 7: Escape
Chapter 8: Rain of Arrows
Chapter 9: A Stage for Betrayal
Chapter 10: The Five Phases
Chapter 11: A Chicken Versus A Swan
Chapter 12: To the Province of Cavay
Chapter 13: The Missing Blacksmith
Chapter 14: Ten Water Strings
Chapter 15: The Night of Submerging
Chapter 16: A No-Holds-Barred Match
Chapter 17: Underwater Vertigo
Chapter 18: A Hand-Carved History
Chapter 19: Tambanokano, The Giant Crab
Chapter 20: Black Pearled Poison
Chapter 21: The Berserk State
Chapter 22: Those Who Stayed
Chapter 23: Death Zone
Chapter 24: Welcome to the Capitol
Chapter 25: The Little Sage
Chapter 26: Lawin's Test
Chapter 27: Yin and Yang
Chapter 28: Immaterial Dimensions
Chapter 29: A Call for Surrender
Chapter 30: A Brewing Storm
Chapter 31: Mark of Ownership
Chapter 32: The Mad Emperor
Chapter 34: Midnight Warmth
Chapter 35: A Moon-Eater's Promise
Chapter 36: Mayhem in the Fog
Chapter 37: A Knock From the Past
Chapter 38: The Ritual
Chapter 39: Last Ones Out
Chapter 40: Confrontation
Chapter 41: Red Hibiscus
Chapter 42: The Choice
Chapter 43: Rapture
Chapter 44: The Guide
Chapter 45: Gods and Goddesses
Chapter 46: Rampage
Chapter 47: Wrecking Havoc
Chapter 48: Endless Contradiction
Chapter 49: Sinister News
Chapter 50: Downfall
Chapter 51: Defanged
Chapter 52: The Laughing General
Chapter 53: Unparalled Fury
Chapter 54: Deep Slumber
Chapter 55: Perplexing Truth
Chapter 56: A Gnarly Mission
Chapter 57: Path to Tread
Chapter 58: After Dark
Chapter 59: Distant Memory
Chapter 60: Great Eclipse
Chapter 61: Shattered Moonlight
Chapter 62: Night Filled with Flowers
Epilogue
Acknowledgement

Chapter 33: A New Member

255 16 4
By midnightangelixx

Chapter 33: A New Member

We followed a secret route to leave the Capitol that only Lawin knows and when we arrived at a village market, he dropped us there.

"Hanggang dito na lang ako. Malalaki naman na kayo, kaya niyo na ang sarili niyo," aniya saka bumaba sa kabayong kinasasakyan niya.

Napangiti naman ako.

"Lawin, maraming salamat," sambit ko,

Kahit na hindi ko makita ang reaksyon niya sa dahil sa suot na maskara ay alam kong nakangiwi siya ngayon.

Bumaba rin ako sa kabayo, then I fixed the arm sling that Raksasa just did for me.

"Kahit kailan ay masyado kang padalos-dalos, Hemia. Ngayon lang ako nakakita ng taong sumagot ng ganoon sa Emperador at humihinga parin hanggang ngayon," he scoffed.

"Oh siya, hindi ako pupwedeng magtagal dito. Binigyan ko si Raksasa ng ilang mga salapi, kaya mas mabuting gamitin niyo na ang tsansang ito upang makapamili rito para sa magiging paglalakabay niyo."

Bahagya akong natigilan.

I didn't expect him to give us money.

"S-sandali, baka naman ibang Lawin ang kausap namin ngayon," ani ko.

"Gusto mo bang bawiin ko?" mabilis akong umiling na tila nakadepende roon ang buhay ko.

"Maraming salamat talaga sa lahat-lahat, Lawin," ani ko, "Hindi ko 'to makakalimutan."

Nababagot naman siyang napatango, "Kanina ka pa nagpapasalamat, iyan na lang ba ang alam mong salita?"

Natawa ako.

"Natupad mo naman ang pangako mo sa akin at marami akong nakuhang pera ngayon. Kaya, hindi mo kelangang magpasalamat."

"Babalik uli ako para bisitahin ka, pangako," nakangiting sambit ko.

"Nako, iyan ang huwag mong gagawin. Dahil tuwing nakikita kita, puro kunsumisyon lang ang dala mo sa akin."

Kung makapagsalita talaga'y akala mo nakakadiri akong kulangot na ipinunas sa damit niya. But then again I know, deep inside he wants me to visit him again. That's what I want to think.

I suppressed a smile.

"Mag-iingat kayo. Paniguradong ilang linggong magkakagulo sa kapitolyo pagkatapos ng mga nangyari," he sighed.

"Isa pa pala, Hemia . . . ." he trailed off, "Huwag mong gamitin ang iyong poot at subukan mong iwasan ang pulang immateryal na dimensyon. Totoo lahat ng sinabi ko sa'yo tungkol doon."

I was stunned for a moment.

Nagpaalam na rin siya kalaunan sa amin para bumalik sa kapitolyo at iniwan ang kabayong kinasasakyan naming dalawa, dahil hindi naman kami magkakasyang tatlo sa iisang kabayo lang. So now, we have two horses. The one I rode with Lawin and the other one who Bakunawa and Raksasa is riding together.

Nang maiwan na kaming tatlo ay nilingon ko si Raksasa. Sabay kaming nagpakawala ng malalim na buntong hininga, then we bumped each other's fists in victory while grinning widely.

Success!

"Sa wakas ay buo na uli tayo!" masiglang wika niya.

"Dakilang Bakunawa, masaya ako't nakabalik ka na rin," aniya pa at napangiti naman ang isa.

"Salamat, Raksasa."

Agad kaming nagkatinginan ni Raksasa habang halos lumuwa ang mga mata at hindi makapaniwala.

"N-Nabibingi na ba ako, Hemia?" gulat na tanong niya.

"Magugunaw na yata ang mundo," natatawa ko ring saad.

Napatitig kami kay Bakunawa na kunot na ang noo at naguguluhan, "Ano bang pinagsasasabi niyong dalawa?"

Sabay na lang kaming napailing at nagpigil ng ngiti. I see, he's learning how to say gratitude to others now.

"Kung ganoon, gaya ng sabi ni Lawin. Mas mabuting mamili muna tayo ng makakaya nating mabili rito," sabi ko.

"Sige, ako na ang magbabantay dito sa mga kabayo. Kayo na ni Ban ang maglibot at mamili, Hemia. Magtatanong-tanong din ako rito ng maaaring magandang ruta para sa atin," he then gave us the pouch filled with coins that Lawin gave.

I can hear the sound of money reaching the depths of my heart. Crap. Unang beses akong makahawak ng ganito karaming pera.

Tumango na lang ako sa kaniya.

Nabalik ang tingin ko kay Bakunawa na palinga-linga sa paligid.

We're in the middle of the night but the village market is still bustling with people.

Lumapit ako kay Bakunawa at tumingkayad para abutin iyong hood na suot-suot niya saka iyon hinila paibaba para matakpan iyong mukha niya. Lawin gave it to him before he left.

"Huwag mo itong tatanggalin," utos ko sa kaniya.

"Babalik nanaman ba tayo sa pagtatago?" Nababagot niyangtanong.

"Wala tayong magagawa. Tara. Sandali lang kami, Raksasa," paalam ko. He nodded at us.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa direksyon ng pamilihan.

Seryoso akong tumitingin sa mga estante ng mga gulay at prutas nang mapuna kong wala si Bakunawa sa tabi ko kaya nanlaki ang mga mata ko at iginala iyon sa paligid.

Nasaan ba iyon? Akala ko nakasunod siya sa akin.

Inis akong napakamot sa ulo ko at nagsimulang hanapin siya.

Halos paikot-ikot na ako at marami na rin akong nakakabanggaang tao nang makita ko iyong pamilyar na tuktok ng hood niya sa 'di kalayuan. Buti na lang talaga at matangkad siya.

Napabuga na lang ako ng marahas na hininga saka kinaladkad ang mga paa ko papalapit sa kaniya.

Ano bang ginagawa niya?

Ngunit halos matumba ako nang biglang may malakas na bumangga sa balikat ko.

"Ah, pasensya na---"

"Kakailanganin mo ng isang babaylan. Magtungo ka sa probinsya ng Ynabuyan, doon mo siya mahahanap," mahinang usal ng lalaking siyang nakabanggaan ko.

No. He bumped into me.

"Anong . . . . ?"

"Mag-iingat ka, Hemia."

Nanlaki ang mga mata ko. I felt chills shot through my spine.

Maagap ko siyang nilingon ngunit sa dami ng mga tao ay hindi na siya mahanap ng paningin ko.

Babaylan? Ynabuyan?

What does that mean?

Isa pa, sino siya? Paano niya ako nakilala?Nagpakawala na lamang ako ng marahas na hininga bago bumaling uli sa kinaroroonan ni Bakunawa.

Should I head there and see what he means? Pero paano kung isa iyong patibong?

Unti-unting nabura iyong pagkakunot ng noo ko nang mapagtanto kong nasa harapan si Bakunawa ng isang estante ng mga alahas at palamuti. Nakatitig lang siya sa mga paninda ro'n at hindi gumagalaw.

"Ban!" pagtawag ko at tila nahila siya sa reyalidad saka kaagad na napalingon sa akin.

"Ano bang ginagawa mo? May gusto ka bang bilhin?" tanong ko pagkalapit ko sa kaniya.

"Nako, hija. Kanina pa niya tinititigan iyang palamuti sa buhok na iyan," iyong matandang babae ang sumagot sa akin.

"Tinatanong ko nga siya kung gusto niyang bilhin ngunit hindi naman siya sumasagot."

"Palamuti? Ano hong palamuti?" tanong ko.

Itinuro ng matanda iyong isang palamuti sa buhok na may disenyo ng bulaklak ng Sakura.

It was as if my breath was caught on my throat when I recognized that it has almost the exact same design of Eleya's gift to me. Iyon 'yong inialay ko kay Tambanokano.

Nilingon ko si Bakunawa, "B-bakit . . . .?"

"Alam ko kasing nawala mo, kaya gusto ko sanang bilhan ng kapalit. Gusto kong makitang gamit-gamit mo," sagot niya.

Nagsimulang mag-init iyong pisngi ko dahil doon.

"Oh, siya! Sige, ibibigay ko na lamang ito sa'yo. Pasalamat ka, hijo, dahil naaalala ko sa iyo 'yong asawa ko," narinig kong natatawang sambit ng matandang babaeng nagtitinda kay Bakunawa.

Napatulala na lang ako nang makita siyang ngiting-ngiting tinanggap iyong palamuti sa buhok mula sa matanda na parang batang binigyan ng laruan.

"Oh sige na. Isuot mo na sa kasintahan mo iyan nang makita mo kung bagay sa kaniya," dagdag pa nito.

Hindi parin ako makaimik hanggang sa pumihit paharap sa akin si Bakunawa.

He leaned towards me and I felt my heart hammered inside my chest.

Naramdaman ko iyong mga daliri niyang maingat na hinawi ang ilang hibla ng buhok ko at dahan-dahang inipit iyong palamuti roon.

I was looking at his face the whole time and somehow I felt kind of defeated. Why does he looks so awfully beautiful?

Nang mailagay na niya iyong palamuti sa buhok ko ay umatras siya at tinignan ang itsura ko. His lips stretched in a smile as he nodded to himself.

"Pwede na," nangingiting aniya habang nakatingin iyong mga bughaw na mga matang iyon sa akin.

Those eyes . . . those damn eyes of his can't only swallow the moons, but also the stars, the galaxies, the universes and . . . . my heart.

"M-maganda ba?" wala sa sariling naitanong ko.

Bigla tuloy akong kinabahan sa kung anumang isasagot niya. Panigurado namang iinsultuhin niya lang uli ako.

Nakita kong natigilan siya sandali bago napangisi.

"Maganda . . . "

Tuluyan akong napangiti.

". . .Iyong palamuti sa buhok," dagdag niya na ikinabura ng ngiti ko.

"Anong . . . ?"

He grinned as he crossed his arms in front his wide chest, "Bakit? Akala mo ba ikaw iyo---"

Bago pa niya matapos ang sinasabi niya ay malakas ko siyang sinipa sa gitna ng mga hita niya kaya napaawang ang mga labi niya habang nakatingin sa akin. Nakita ko ang pangingilid ng luha niya kasabay ng mabilis niyang pagbagsak sa lupa.

"Siraulo."

***

Bumili kami ni Bakunawa ng banig, at mga tela so we could build tents when we do stop overs, asin at asukal na rin para pampalasa sa kung anumang pagkain na lulutuin namin.

Fortunately, this time we will be more comfortable while traveling compared before because we'll have horses.

"Bilisan mo, naghihintay sa atin si Raksasa," inis kong sabi kay Bakunawa.

"Alam mo namumuro ka na, Hemia! Wala ka talagang ibang inaatake palagi kung hindi 'yong ano ko! Kailangan mo ba talaga akong itrato ng ganito pagkatapos mo akong nakawan ng halik?"

Napaawang ang bibig ko at pinanlisikan siya ng mata, "Ako pa talaga ang nagnakaw? Akala mo naman hindi mo nagustuhan, eh umisa ka pa nga!"

Naitikom ko agad iyong bibig ko at nag-init ang mga pisngi ko nang mapagtanto 'yong nasabi ko. Kainis!

"Bakit ikaw hindi mo ba nagustuhan? Hmm?" Pinamukol niya iyong pisngi niya gamit ang dila at iyon na nga't lumitaw ang mapang-asar niyang ngisi.

Nag-iwas ako ng tingin at mas binilisan ang paglalakad, "Bahala ka diyan!"

Sobrang bilis ng pagkabog ng dibdib ko, kaya naman nang matanaw ko na si Raksasa ay saka lang ako napabuga ng hangin.

Ngunit kaagad kong napansin na may isang lalaki siyang kasama.

Hindi ako nahirapang mamukhaan kung sino iyon, sa tindig pa lamang nito, sa suot na damit at sa halos basag parin niyang mukha.

Mabilis kong nahugot ang Einmaraw.

"Anong ginagawa mo rito, Sho?" kaagad na tanong ko pagkalapit at itinutok ang talim ng Einmaraw sa kaniyang leeg.

Hindi siya kumurap. Nanatiling blangko ang kaniyang mukha bago napabuntong hininga.

"Sasama ako sa inyo."

"Haa?!" sabay na umalingawngaw ang boses namin ni Bakunawa. Dahil doon, napasulyap ang ilang mga taong dumaraan sa amin.

My eyes landed at Raksasa who's been quiet the whole time.

"Raksasa, may ginawa ba siya sa'yo?" tanong ko na may halong pag-aalala.

"W-Wala, Hemia."

Bumalik ang tingin ko kay Sho na kunot ang noo.

"Hemia, sasama ba talaga siya?!" pagsisiguro naman ni Bakunawa sa tabi ko.

Dahan-dahan akong umiling, "Hindi ah."

"Dapat talaga pinatay ko na siya kanina eh. Tignan mo, nakasunod tuloy siya sa atin," aniya.

Asar akong napapalatak ng dila. I sheathed the Einmaraw back and nodded at him, "Magsalita ka. Bakit nandito ang isa sa pinagkakatiwalaang heneral ng Emperador? Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko sa kaniya?"

Itinuro niya ang kanang dibdib ng suot niyang damit at napansin ko na tila may punit iyon. As far as I can remember, that's where the Lakansorang Crest was embroided.

"Hindi na ako isang heneral, hindi na ako naglilingkod sa ilalim ni Emperador Lideon."

My jaw dropped.

"A-Ano . . . . ?"

Natawa si Bakunawa sa tabi ko at nagpamulsa.

Well, I won't be surprised that he did that.

"Sigurado ka ba diyan? Ang ginawa mo ay ituturing na pagsuway at pagtraydor sa Emperador, isa sa pinakamabigat na krimen dito sa imperyo," sambit ko. He will be a wanted person like us.

"Wala na akong pakialam doon," pahayag naman niya.

"Kung ganoon naman pala, bakit ka nandito? Bakit mo kami sinundan?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Iyon ay dahil hindi ko hahayaan na lang na pagala-gala sa buong Imperyo si Bakunawa. Kahit na tinalikuran ko na ang Emperador, hindi ko tatalikuran ang kaligtasan ng mga tao sa imperyo," sunod-sunod na sagot niya.

"Oh, bakit nanaman ako nasali diyan?" salubong ang kilay na asik ni Bakunawa.

Hindi namin siya pinansin.

"Hindi na iyon kailangan. Dahil kayang-kaya ko 'tong kontrolin. Hindi siya magpapasaway hangga't nandito ako," itinuro ko si Bakunawa gamit ang hinlalaki ko.

"Hindi lang si Bakunawa ang hindi ko pinagkakatiwalaan. Kung hindi ikaw, Hemia. Kaya naman, nais kong malaman kung anong klase ka talagang Moon-Keeper," he stated with serious tone.

Basically he's saying that because I'm like the captain who controls the ship, he should be more cautious toward me. Nice.

I glanced at the spear he's holding, may nakabalot ng tela sa dulo nito. A Moon-Keeper's weapon. Mukhang mas malalim pa ang pinanghuhugutan niya sa mga Moon-Keeper.

Napakibit balikat na lang ako, "Wala na akong magagawa kung ganoon. Sumama ka sa amin kung gusto mo."

"Pumapayag akong sumama ka sa amin hindi dahil gusto ko, kung hindi dahil may pakiramdam ako na magiging malaking tulong ka sa amin. Ngunit tandaan mo, Sho. Sa oras na gumawa ka ng bagay na ikapapahamak ng kung sino sa grupong ito, ituturing kitang kaaway ko at siguro'y alam mo naman ang kaya kong gawin sa mga kalaban ko, hindi ba?" ngisi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

46.8K 2.8K 41
WATTYS 2022 WINNER (FANTASY CATEGORY) First Avenue In San Ferro hospital where affected babies are confined on the same day due to the widespread occ...
14.1K 1.7K 46
Ang Black Ficarro ay isang malakas na organisasyon na kung saan ang mga miyembro nito ay walang ibang inisip kung hindi ang bigyan ng hustisya ang pa...
48K 1.8K 55
Bakunawa's curse was broken and Hemia is barely holding off a larger catastrophe that's about to happen. To wield the full strength of a Moon Keeper...
466K 17.5K 43
Kingdom of Tereshle Story #3 [COMPLETED] Shanaya. Queen of the fairies. She doesn't want the crown nor the throne. Para sa kanya, mas nanaisin pa niy...