29th of February (Published u...

بواسطة TheLadyInBlack09

1.4M 38.7K 3.2K

WARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year المزيد

Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Sorry :(
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Pre-Final Chapter LII
Chapter LIII
Author's Note
Epilogue
02/29/2016
Self-Publish
Handa ka na ba?
No More Self-Publish
April 01, 2019
02/29/2020

Chapter XXX

19.5K 541 79
بواسطة TheLadyInBlack09

"JC... JC, wake up..."

Ipinilig ni JC ang ulo na napakasakit bago iminulat ang mga mata. Tama ba ang naririnig niya? Boses iyon ni Claud na tumatawag sa pangalan niya. Inilibot niya ang nanlalabo pang paningin sa paligid. Napalunok siya ng mapagtantong mahigpit siyang nakatali sa kinauupuan at unti-unting makilala ang lugar kung nasaan siya. Pamilyar ang lugar na iyon na nagbibigay sa kanya ng matinding kaba. Iyon ang lugar na dapat ay pupuntahan niya bago siya... Bago siya nawalan ng malay kanina.

"JC, tulungan mo ako..."

"Claud..." Nanlaki ang mga mata ni JC ng sa wakas ay makita si Claud hindi kalayuan mula sa kanya. Kagaya niya ay nakatali rin ito sa sariling kinuupuan at may bahid ng natuyong dugo ang mukha. Sa pagitan nilang dalawa ay may isang maliit na lamesa kung saan nakatayo ang isang mahaba at itim na kandilang sapat lamang ang liwanag para sa maliit na bahay at isang cutter sa tabi pa nito.

"JC, tulungan mo ako," iyak ni Claud. Nanlalagkit na ang mahabang buhok nito dahil sa magkahalong pawis at dgo.

Napalingon sila sa lumangingit na kahoy na pinto kung saan nakatayo ang isang nakapulang babae. May sako ito sa ulo kaya't hindi nila makilala kung sino ito. Pumapalakpak pa ang babae habang naglalakad papasok.

"Nagkita na pala ang secret lovers," anang babae na huminto na sa pagpalakpak na ginagawa.

Pamilyar kay JC ang halos punit-punit na pulang pantulog na suot ng babae. Pati na rin nag boses nito. Pero paanong magiging tama ang hinala niya? "P*tang inang hayop ka! Kung sino ka man, papatayin kita!"

"Pinatay mo na ako JC! Pinatay ninyo na ako!" paasik na sigaw ng babae at kinuha ang cutter bago naglakad palapit kay JC. Napadako ang tingin niya sa noo ni JC na may sugat na sanhi ng malakas na pagkakahampas niya dito kanina sa loob ng van. Gumuhit ang ngiti sa labi niya bago dahan-dahang inilabas ang talim ng kutsilyo at itinuok ang dulo sa sugat ng binate. Sinimulan niyang muling ukitin at tuklapin ang sugat nito na sariwa pa. Dahan-dahan at palalim ng palalim.

"Ahhhh!!!!" malakas na sigaw ni JC. Ramdam niya ang matinding sakit sa ginagawang pagtuklap ng babae sa sugat niya gamit ang cutter na hawak nito. Palalaim ng palaim ang kustilyo. Mabilis na tumulo ang dugo mula sa malalim na sugat, tumuloy pa iyong lumandas sa mukha niya at bumagsak hanggang sa may dibdib. Habang palalim ng palalim ang kustilyo ay lalong pasakit ng pasakit ang nararamdaman niya.

"Tama na! Tigilan mo na siya!" malakas na sigaw ni Claud. Kitang-kita niya ang paghihirap sa mukha ni JC na naliligo na sa sariling dugo. "Tama na please! Maawa ka sa kanya!"

Huminto ang babae sa ginagawa at lumingon sa sumisigaw na si Claud.

"A-ako na lang ang patayin mo! H-h'wag mo na siyang idamay! W-wala siyang - Ahhhh!"

Lalong idiniin ng babae ang talim ng cutter sa binubutas na noo ni JC. Halos kulang na lang ay pukpukin niya iyon sa sobrang galit na bigla niyang naramdaman. "Wala rin kaming kasalanan sa inyo! Pero ano?! Anong ginawa ninyo sa amin!?"

"Ahhhh!!" Lalong lumakas ang sigaw ni JC. Lampas na isang pulgada ang lalim ng nakabaong cutter sa noo niya. Nanalangin siya na sana ay may makarinig sa kanila ngunit alam niyang imposible iyon dahil sa malakas na ulan at napakalayo ng mansion mula sa maliit na bahay na iyon.

"Maawa ka sa kanya, tigilan mo na siya!" muling sigaw ni Claud.

Tuluyan ng napahinto ang babae sa ginagawa at pabagsak na ibinaba ang duguan niyang kamay.

"O-oh m-my G-God!" Halos hindi na naintindihan ni Claud ang mga salitang lumabas mula sa bibig dahil sa pagkagaralgal ng magsimulag maglakad ang babae palapit sa kanya.

"Demonyo ka! H'wag mong sasaktan si Claud! Ako na lang ang harapin mo! Ako na lang ang patayin mo!"

"N-no, please... Wala akong kasalanan... Wala kaming kaalanan sa iyo..." iyak ni Claud. Kung ito nga ang babae sa kwento ni Kiko... Kung ito nga red lady na nagmumulto, hindi sila dapat madamay. Dahil alam niyang sino man sa kanila ay walang kasalanan dito.

Dumiretsong naglakad ang babaeng nakapula sa may likuran ni Claud bago inilapit ang ulo sa tainga ng nanginginig na dalaga. "Gusto mo bang mabuhay?"

Napalunok si Claud sa narinig. "O-oo..."

"Kaya mo bang gawin lahat para lang mabuhay?"

Nanginginig na ang buong katawan ni Claud dahil sa amtinding takot na nararamdaman. Pero hindi pa rin naaalis sa isip niya ang isang bagay, ang mabuhay. "O-oo!"

"Patayin mo si JC..."

Nanlaki ang mga matang napatingin si Claud sa nakatali at duguan na si JC.

"P*tang ina mong hayop ka! H'wag mo ng idamay si Claud sa ka-demonyohan mo! Claud, h'wag kang making sa kanya!"

"Gusto mong mabuhay 'di ba?" muling tanong ng babae.

Muling napalunok si Claud kahit nanunuyo na ang lalamunan niya bago wala sa loob na tumango. Napatulala siya sa nagwawala ng binata. Hindi niya lubos maisip kung paano niya magagawang kitlin ang buhay ng dating kasintahan para sa sariling buhay niya.

"Simple lang naman eh, papatayin mo si JC tapos papakawalan na kita. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Gusto ng masuka ni Claud dahil sa amoy ng sakong nakatakip sa ulo ng babae. Masangsang kasi iyon na tila ba kaytagal pinaglagyan ng nabubulok na karne. Hindi siya sigurado pero tila pamilyar sa kanya ang boses nito. Gustong pa niya sanang isipin at alalahanin kung saan niya nga ba huling narinig ang boses nito ngunit lalo lamang sumasakit ang ulo niya.

"Isang saksak lang Claud, makakalaya kana... Kaya mo bang gawin?"

"O-oo, k-kaya ko," sa wakas ay muling sagot ni Claud. Bahala na. Gusto niya pang mabuhay. Hindi pa siya handang mamatay... Kaya kahit ano na nga siguro ay gagawin niya para lang mabuhay.

"N-no... C-claud... Claud h'wag kang makinig sa kanya!" Nakita ni JC na tinatanggal na ng babae ang tali ni Claud. Inalalayan pa nito ang dating kasintahan palapit sa harapan niya bago pinahawak ang matalim na cutter.

"Now Claud... Do it for your own life..."

"Claud.... Please... No... Please..." umiiyak na pagmamakaawa ni JC. Hawak na ng nanginginig na dalawang kamay ni Claud ang cutter na nakalabas na ang mahabang talim at nakabwelo na ito na tila anumang oras ay sasaksakin na siya sa lalamunan.

"J-JC, I-I'm sorry... Pero ayoko pang mamatay..." Umiiyak na ring hinging patawad ni Claud. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa cutter. Buo na ang loob niya. Kailangan niya itong gawin para mabuhay.

Nakangisi naming nanunuod ang nakapulang babae sa dalawang nag-iiyakan. Nakatayo lang siya hindi kalayuan sa may likuran ni Claud at naghihintay ng mas exciting na mangyayari.

"I love you, Claud.... Mahal na mahal kita..." Isang malalim na buntong hininga angbinitawan ni JC bago kinagat ang pang-ibabang labi at pumikit. Kung ito lang ang tanging paraan upang mailigtas ang babaeng pinakamamahal niya ay handa na siyang isakripsiyo ang sariling buhay. "Do it now..."

Lalong naiyak si Claud sa ginawa at sinabing iyon ni JC. Totoo bang handa itong ibigay ang sariling buhay para lang sa kanya sa kabila ng pananakit at ang-iiwan na ginawa niya rito? Itinaas na niya ang nanginginig na mga kamay at bahagya pang umatras upang bumwelo. Ano pa mang mangyari ay kailangan niyang ituloy ang gagawin. Kailangan dahil gusto pa niyang mabuhay. "I'm sorry JC... I'm sorry," huling sabi niya bago inihanda ang cutter na isasaksak sa lalamunan ng binata. Tila nag-low motion ang lahat sa kanya at bago pa man dumikit ang dulo ng talim sa lalamunan ni JC ay bigla siyang humarap sa babaeng nakapula at doon isinaksak ang cutter.

Ngunit mas mabilis na kumilos ang babae. Kaagad niyang naisaksak ang hawak na mahaba at mas matalim na bulo sa may leeg ni Claud na tumagos pa sa may ulo nito.

Nangilid pa ang luha sa mga mata ni Claud bago ibinuhos ang natitirang lakas at itinaas ang mga kamay upang hawakan ang sakong tumatakip sa ulo ng babaeng kaharap niya.

"C-claud..." Pakiramdam ni JC ay sasabog na ang ulo niya ng makita ang pagbagsak ng katawan ni Claud sa kahoy na sahig at hawak pa ang maduming sako tinanggal mula sa ulo ng babaeng nakapula. Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa babaeng abot tainga ang mga ngiti.

Siya?

Paanong nangyaring siya ang may kagagawan ng lahat ng ito?!

"Ngayong nakita mo na ulit ako," sabi ng babaeng nakapula at bahagyang umupo sa tabi ng wala na buhay na si Claud na dilat pa ang mga mata. Marahas niyang hinila ang bolo na nakasaksak sa may lalamunan nito. Mabilis na kumalat ang dugo sa sahig hanggang sa may paanan niya. Muli siyang tumayo at naglakad palapit kay JC. "Pwede ka na rin sigurong mamatay..."

"Paano mo nagawa ang lahat ng ito? Bakit?"

"Kung ibabalik ko na sa iyo ang tanong ay kaya mo bang sagutin JC?!" Itinapat ng babae ang mahabang talim sa lalamunan ni JC. "Paano nga ba nangyayari ang lahat ng ito? Bakit?"

Pakiramdam ni JC ay bigla siyang nakarinig ng malalakas at magkakahalong ingay... Malalakas na tawanan... Sigawan... Kahalo ang malakas na iyak at pagmakakaawa ng isang... Boses babae... Para siyang mababaliw. "Tama na... Ayoko na... Patawarin mo na ako... Patawarin mo na kami.. Please... Ayoko na..."

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ng babae dahil sa pagwawalang ginagawa ni JC. Marahil ay naaalala na nito ang mga nangyari halos apat na taon na ang nakakaraan.

"It's too late..." anang babae bago tuluyang nilaslas ang lalamunan ni JC. Halos sabay na sumambulat ang malapot na dugo sa mukha niya mula sa lalamunan at bibig nito. "Happy 29th of february JC..."

****

"C-CIS?" tawag ni Phoebe sa nobyo ng mkapasok ng kwarto nila. Napakadilim sa buong paligid at tanging ang liwanag mula sa hawak niyang cellphone lamang ang nagbibigay ng linaw sa dinaraanan niya. Binabalot na ng takot ang katawan niya habang patuloy sa paglalakad na ginagawa. "Francis, nasaan kaba?"

Napuntahan at nailawan na niya ang lahat ng sulok ng kwarto pero ni anino ni Kiko ay hindi niya nakita.

'Nasaan ba siya?'

Napahinto siya sa isang tayo ng may maisip na maaaring puntahan ni Kiko. Lalong binalot ng takot ang katawan niya pero mas kailangan niyang lakasan ang loob. Ayaw niyang may masamang mangyari kay Kiko kaya kailangan niya itong hanapin at makita.

Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang isa pang kwarto. Ang luma at abandonadong kwarto na nasa may dulo ng pasilyo. Saglit pa siyang napahinto sa pagpasok ng makitang bahagyang nakabukas ang pinto. Naririnig na naman niya ang mga bulong na bumibigkas ng kakaibang mga salita. Hindi niya alam kung anong lenggwahe ang mga iyon na habang tumatagal ay tila nagiging isang orasyon sa pandinig niya. "C-cis," mahina at kinakabahang tawag niya bago tumuloy na pumasok sa loob. Natakpan niya ang ilong dahil sa masangsang na amoy na bumati sa kanyang pagpasok. Mas masangsang ngayon ang amoy kumpara noong unang beses siyang pumasok doon. "Kiko nandito ka ba? Sumagot ka naman oh.

Ay p*tsa!" sambit niya ng matisod sa isang kahon na kaagad na natumba sa harapan niya at kumalat ang mga laman. . 'Mga pako?' Wala sa loob na napaupo siya at inilawan ang mga pako na kaagad na nilangaw at kinailangan pa niyang bugawin. Napalunok siya ng may mapansin sa mga pako na marahil ay dahilan kung bakit ito kaagad pinagpi-pyestahan ng mga langaw. Halos lahat ng piraso ng pako ay may bahid ng dugo. Ibinalik niya ang ilaw sa may kahon na kaagad na inilipat sa may tabi nito.

"Oh my God!" Tuluyan na siyang napaupo sa carpet ng makita ang isang baseball bat. Ang mas nakapangilabot sa kanya ay ng mapansing may mga bahid ng dugo ang mga pako at may nakasabit pa na mga hibla ng buhok.

"Tulungan mo ako..."

Nanginginig ang kamay na inilibot niya ang hawak na cellphone kung saan nanggagaling ang tila iyak na naririnig niya.

"Phoebe, tulungan mo kami..."

"C-claud? J-JC? " pangingilala niya sa dalawang nailawan na nakadapa hindi kalayuan mula sa kanya. Nababalot ng dugo ang dalawa na tila hindi na halos makalakad. Lalapitan na niya sana ang mga ito ng muling may tumawag sa pangalan niya.

"Phoebe..."

Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Madz sa tabi ni Claud. Nasa kabilang tabi naman ang duguan ring si Emma na laslas ang leeg.

"Phoebe...."

"M-mang Potpot? J-joel?" usal niya. Napapalibutan na siya ng mga duguang tao. Hindi. Napapalibutan na siya ng mga duguang multo!

"Phoebe, tulungan mo kami..." Lahat ay nagsisimulang ng gumapang palapit kay Phoebe. Dahan-dahan na tila hira na hirap at bigat na bigat na hinihila ang katawan.

"H-hindi ito totoo... H-hindi kayo totoo..." Naramdaman niyang buong katawan na niya ang naginginig ngayon habang sinusubukang tumayo.

Kailangan na niyang makatakbo palabas ng kwartong iyon.

Kailangan na niyang makalayo ngayon sa mga duguang katawan na nasa harapan niya.

Kailangan na niyang humingi ng tulong upang mailigtas ang sarili.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makatakbo ay may nabunggo siyang tao na mabilis na tumakip ng bibig at ilong niya. Masakit at nakakahilong amoy ang pumasok sa ilong niya bago unti-unting nagsimulang dumilim ang lahat sa kanya.

***

***

***

***

Si Phoebe na ba ang susunod? :(

Salamat sa patuloy ng paghihintay sa bawat chapter.

***

***

Please don't forget to hit the VOTE button and leave some comments.

Thank you so much! :) :*

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
106K 8.3K 98
A MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's...
7.7K 675 17
Isang kasunduan ang namagitan kina Alonzo at Celestina noon na kapag lumipas ang limang taon at wala pa rin silang ibang mahal ay magiging sila na. N...
454K 12K 26
SECTION A, B,C,D? Saang section ka nababagay?