H A U N T E D (NGS #11)

By Ineryss

2.5M 75.9K 32.7K

Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl... More

H A U N T ED
P R O L O G U E
1st Haunted
2nd Haunted
3rd Haunted
4th Haunted
5th Haunted
6th Haunted
7th Haunted
8th Haunted
9th Haunted
10th Haunted
11th Haunted
12th Haunted
13th Haunted
14th Haunted
15th Haunted
16th Haunted
17th Haunted
18th Haunted
19th Haunted
20th Haunted
21st Haunted
22nd Haunted
23rd Haunted
24th Haunted
25th Haunted
26th Haunted
27th Haunted
28th Haunted
29th Haunted
30th Haunted
31st Haunted
32nd Haunted
34th Haunted
35th Haunted
36th Haunted
37th Haunted
38th Haunted
39th Haunted
40th Haunted
41st Haunted
42nd Haunted
43rd Haunted
44th Haunted
45th Haunted
46th Haunted
47th Haunted
48th Haunted
49th Haunted
50th Haunted
Epilogue

33rd Haunted

37.6K 1.1K 235
By Ineryss

Haunted

Peace

Wala akong tulog. I was waiting for my cousins. Kahit may parte sa akin ang ayaw nang maghintay at gusto nalang magpahinga, ngunit may katiting pa ring nananalangin na kahit makita lamang sila, may makasama, ay tatanggapin ko.

Ang unang dumating ay si Chey. Her tired face welcomed me.

"Brokenhearted?" she assumed when she saw my puffy eyes.

I nodded and made a sad face. Kung ano man ang nagpipigil sa aking magkwento, hindi ko alam.

"Naka move-on kana kay Roche at ibang lalake na ang iniiyakan mo?" hula niya habang hinuhubad ang suot niyang designer na bag.

Inabot ko ang kanyang kamay at niyakap siya. Tumili siya nang mawalan ng balanse at mapahiga sa aking kama.

"Amoy pawis pa ako, Cassey!" nagpupumilit siyang humiwalay.

I chuckled but the tears in my eyes betrayed me. Nanliit ang kanyang mga mata sa akin.

"Baka naman nalaman niyang hindi ka pa nakakamove-on kay Roche kaya ka hiniwalayan? Teka... do you even have a boyfriend?" she asked suspiciously while fixing her disheveled hair.

Humingos ako at pinanood ang kilos niya sa loob ng aking kuwarto. Nakikita ko ang pag bukas ng pinto at pagsilip ni Manang. She looked so desperate for an answer. Umiling ako dahil parang bumabara lamang sa aking lalamunan ang mga nangyari. Hindi ko kayang isuka palabas lalo na't masyado na rin akong nanghihina.

Mga bandang twelve na noong si Naia naman ang dumating. Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg at hindi ko na napigilang umiyak.

"Brokenhearted ata. I don't know if it's still Roche or..." si Chey.

Niyakap ko nang mahigpit si Naia. Dumagsa agad sa aking isip kung paano ko naisip na maaaaring huling sandali na iyon ng aking buhay. Nakakatakot pala. Napagtanto kong hindi pa ako handa. Ayoko pa.

My cousins are aware how crybaby I am and clingy when it comes to them. Kaya ngayong ganito ako, alam ko na hindi na bago iyon sa kanila.

"Anong nangyari?" Naia's serious voice made me cry even more.

I was so scared! Idinaan ko lang sa tapang ang pagtakas ngunit takot na takot ako! Paano kung naabutan nila ako roon? Paano kung hindi napadaan si Casen doon? Paano kung hindi ako nakatakas? Anong mangyayari sa akin kasama sila? Will I even make it alive? I bet not!

"I just missed you guys! Group hug!" naiiyak kong tawa at hinila rin si Chey para magyakapan kami.

Chey looked so confused. Naia looked at me meaningfully. Kapwa ko hinawakan ang mga baywang nila para mayakap silang dalawa. Chey sighed and hugged me back. Naia didn't flinch but I felt how she snaked her arms around my waist to hug me too.

Manang was so frustrated when I told her I didn't inform my cousins about what really happened. Hindi ko alam kung paano siya ikukwento sa totoo lang. I don't want to cause more trouble since what happened with our other cousin made us so worry. Kaya kung nalaman nilang pati ako... sigurado akong mangangamba lamang sila.

And hearing it might traumatized them too. Besides, I survived. Nothing bad happened to me. They didn't torture me to death. They only fired words but those were bearable.

Really, Cassey? Bearable? You couldn't sleep thinking about it! You feel anxious! You're getting paranoid! And yet you're saying that... it's bearable?!

"Miss you, Mom..." bulong ko sa sumunod na mga araw.

"Is there a problem? Is this about him again?" si Mommy na nagsususpetsya.

Umiling ako at pinigilan ang hikbi. Tinakpan ko ang aking bibig lalo na't ayokong marinig niya ang iyak ko. Sa mga araw na dumaan at tumatawag siya minsan, hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin sa kanila ang nangyari. I wanted to forget what happened to me. I wanted to act like everything's okay. But it's hard. It's heavy. I wanted some shoulders to cry on. I wanted a hug. I want an assurance that I am already safe.

"We'll be back before Chey's birthday, sweetheart. Sisikapin naming umuwi sa araw na 'yon. Wala ka bang gala?"

"Wala naman, Mom. I'm tired. I want to rest..." sabi ko sa matamlay na tinig.

"Oh... are you sick?"

"I'm not—"

"Excuse me, Madame. Mr. Fortalejo wants you on the meeting..." ang tinig na pumutol sa pagsasalita ni Mommy.

"Oh alright... Cassey, hija. I need to go. I'll call again later, alright?"

Tumango ako. "Love you..." I whispered.

"I love you sweetie..." and she ended the call.

Nasa bahay lamang ako. Manang is always worried for me. Bukod doon, pati si Naia ay kusa na akong binibisita. Kahit naman wala siyang sadya, pupunta siya para lang samahan ako buong araw. Wala naman akong nakukwento ngunit siguro nga, naninibago siya.

I was expecting for Mom's call on the next day but when she suddenly showed up with her luggage, I was so shock.

"Mom?"

Hindi niya pa nailalagay nang maayos ang designer niyang bag sa sofa, nang makita ako ay nilapitan niya agad ako.

"Are you okay?" she asked and scanned me.

Lumunok ako at nilingon si Manang na tumutulong sa mga gamit ni Mommy. She looked at me meaningfully.

"Hindi ako mapakali sa'yo, Cassandra. You're acting strange. Iba ang kutob ko."

Tumango si Manang nang muli ko siyang masulyapang tumutulong sa mga gamit ng aking ina. Muli kong tiningnan si Mommy na titig na titig. I sighed and pulled her to the second floor of our house so we can talk privately.

"Ilang araw na akong hindi mapakali roon, Cassey. I know you. Kabisado kita sa tawag. And you're different! Nagmumukmok ka rito!"

Umupo ako sa sofa at pinisil ang aking mga daliri.

"What is it, Cassey? Tell me... Kahit si Manang, nangungulit na pauwiin ako! I kept on asking what's wrong! Kaso ang sabi niya, ikaw na lamang daw ang bahalang magsabi sa akin," she said pleadingly.

"Mom..." pumikit ako ng mariin.

Naramdaman ko ang pagyuko ni Mommy. Hinaplos niya ang aking pisngi kaya napadilat ako. My shoulder loosened when I saw the concern in her eyes.

"I..." my lips shivered.

She looked so bothered while watching me seriously.

"I was kidnapped, M-Mom..." I admitted bravely.

Her eyes widened. Kita ko ang nag-uunahang takot at pangamba sa kanyang mga mata nang tingnan ang mga mata kong bumuhos agad ang luha.

"W-What..." halos manginig agad ang kanyang tinig.

"I was kidnapped! T-Three of them! They... they didn't hurt me b-but... but I stab one of them j-just to get away... I was desperate! Tinatakot nila ako! N-Na... gagahasain... p-pagsasamantalahan... and... and to kill me after doing it..."

Umawang ang bibig ni Mommy habang unti-unting nanghina sa aking harapan sanhi na mapaluhod siya. Her breath labored. Kinapa niya ang dibdib at unti-unting yumuko, nanginginig ang mga kamay na inabot ako sabay hila sa akin para sa isang yakap.

"But I was so brave because I made it! Nakatakas ako! Imagine it... I... I was alone... and I escaped death! I fought well! I survived, Mom!"

Umiling si Mommy at humigpit ang yakap sa akin. Ang impit ng kanyang masakit na iyak ang pumaibabaw sa aking tainga.

"I... I was so scared. Dahil akala ko... huling buhay ko na 'yon... dahil akala ko... hindi ko na kayo makikita. I was so scared..." hikbi ko.

Humagulhol si Mommy. I can almost hear her guilt. Her pain as a mother. Her fear.

"Ayoko pa palang mamatay. Akala ko ang tapang ko... pero... pero ayoko pa pala..." gusto ko iyong idaan sa tawa ngunit dahil sa iyak, hindi ko nagawang magtunog biro iyon.

"How did I let this happen to you? I am your mother and... and I wasn't there!" she cried.

I wanted to be held like this on that day. I wanted to be comforted so bad. Kaya ngayong niyayakap ako ng mahigpit ni Mommy, ang pangungulila ko sa araw na 'yon, unti-unting napupunan. But I wouldn't lie to myself that I was disappointed that time.

"Manang called you but you're... busy," I whispered.

Dumaing siya at umiyak lalo.

"I'm sorry... I'm so sorry, Cassandra. I'm sorry..." paulit ulit niyang bulong, tila ba sapat na iyon para pawiin ang sakit na naramdaman ko sa araw na iyon.

I don't blame them for what happened to me. Ngunit hindi ko kayang hindi madismaya lalo na't noong mga panahong kailangang kailangan ko sila, wala sila.

"Tapos na, Mommy. I just want to move-on... It was scary and I don't want to remember it again..."

It was a desperate decision. I badly want to move-on and forget everything. Ayoko itong manatili sa isip ko. Ayokong mamuhay nang may takot na inaalala. I want to bury those memories. Ayoko nang mamalagi iyon sa isip ko dahil pakiramdam ko mababaliw ako.

"I told you to check on her!" her voice thundered infront of my bodyguards after an hour.

Kanina lamang umiiyak pa siya sa loob ng aking kuwarto, ngayon ay galit na galit na siya at nakita ko ang sampal na iginawad niya.

It wasn't their fault. I tried to stop her from venting her anger towards them but she's desperate.

"Iyon na nga lang ang trabaho niyo, hindi niyo pa nagawa nang tama! That's your primary job, to make sure my daughter is safe and you failed!" she pointed each one of them angrily.

"Mom..." hila ko sa kanyang braso.

I looked at the bodyguards apologetically. Nakayuko silang lahat, nakapamulsa at hindi makatingin nang deritso kay Mommy na nagpupuyos sa galit.

She also asked for the cctv copy of the parking lot but they claimed that the footage was deleted. Itinatanggi ng Management na wala ako roon. Now, my parents are desperate to find them. But with my condition, with my shock with what happened, hindi ko alam kung kaya ko bang idetalye isa isa ang mga mukha nila.

"This is what I told you, Vlad!" ang tinig ni Mommy nang umuwi na rin si Daddy kasama si Tito Vince.

She ranted it to my father. Napauwi rin ito nang wala sa oras sa halip na sabay sana sila ni Tito Vincent umuwi. Ang una niyang ginawa ay niyakap agad ako. Sa sobrang higpit, ramdam ko ang nagsusuntukang emosyon ng aking ama at ang galit na nanalo laban sa iba.

"They almost... almost kill our daughter! Kamuntik na, Vlad! Mamamatay ako kakaisip kung ano ang ginawa nila kay Cassey habang naroon siya! Habang kasama niya ang mga hayop na 'yon!" my mother screamed painfully.

Tulala si Daddy sa kawalan. Nakapamaywang at tila lumilipad na ang isip sa madilim na bahagi dahil sa galit na maaaninag sa kanyang mukha.

Ang tahimik naming bahay dahil minsan lamang sila umuuwi ay tila nadisturbo dahil sa galit nilang dalawa.

"That's why I told you not to spoil her all the time! Kung hinihigpitan lang natin, kung pinapagalitan mo, hindi ito mangyayari!"

"That's why she got guards, Autumn—"

"Guards?! Nasaan sila noong oras na 'yon?! Naisahan sila ng anak mo! This isn't the first time, Vlad!"

Mariing pumikit ang aking ama at nagulo ang buhok. He looked so mad and frustrated. Pabalik balik siya sa paglalakad habang ang aking ina ay sabog na sabog dahil kinakain ng galit. Simula noong nakauwi si Daddy, hindi niya na ito tinantanan pa. Ilang oras na silang nag-aaway at hindi man lang ako makasingit.

"Mababaliw ako kung may nangyaring masama sa kanya! At nasaan ako noong oras na 'yon? I'm busy! We're both busy! We're not there! Umuwi siya rito, Vlad! At ang una niyang ginawa ay hinanap tayo pero... wala tayo sa tabi niya! Ang anak ko... walang kasama sa oras na 'yon..." ang galit ni tinig ni Mommy ay biglaang nabasag.

My father glanced at her. Pinalis ko ang luha habang nakikita ang gumagalaw na balikat ng aking ina at itinuturo si Dad.

"Aanhin natin ang pagsisikap na ito kung nawala siya, huh?! This is useless, Vlad! I don't care about this empire if I lose her!"

Kita ko ang pagkalma ng ekspresyon ni Daddy at nilapitan si Mommy. He pulled and hugged her. Umiyak ang aking ina habang niyayakap siya nito.

"We won't lose her..." bulong ni Daddy habang hinahalikan ang noo ni Mommy para aluin ito.

"I promise..." he whispered more.

I was planning to tell to my cousin what happened to me after Chey's birthday but something big happened. Triple ang takot na yumakap sa aking ina nang may mapagtanto ito.

"It was all a set-up! Una nilang pinagtangkaan ang anak natin kaya noong hindi nagtagumpay ay si Vincent na!" my mother said angrily to my father.

My mind refuse to believe everything. Kung hindi ako nakatakas, ako ba dapat ang nasa kabaong? Ako ba dapat ang pinaglalamayan?

Tito Vincent, Chey's father, is dead.

Pinanood ko ang paglabas ni Naia pagkatapos sagutin ang tanong sa kanya nila Mommy. Tahimik akong sumunod para samahan siya ngunit hindi ko inaasahan ang nakita ko sa comfort room.

The weak and helpless Naia was gasping for an air while she's trying to control her tears. Namilog ang aking mga mata at natakpan ang aking bibig. Her controlled sobs were so painful and unbearable. Hindi ko aakalaing may mas isasakit pa sa nararamdaman ko.

Sa bawat pagtakas niya, sa bawat pag-iyak nang palihim sa loob ng comfort room, nasa may pinto ako, nakasandal at tinatakpan ang bibig para umiyak kasama niya.

We're both trying to endure everything. She's trying her best to survive. We're all trying our best to swim through the rough waves, to save ourselves from drowning. We are all trying to become our own superhero because no one is going to save us.

"I was just worried! Ayoko nang mangyari ulit ang nangyari sa'yo, Cassandra! Look at what happened to your Tito Vincent! I will do anything in order to keep you safe! I almost lose you, hija! I won't repeat that mistake again!" si Mommy pag-uwi namin at halos magtalo kaming dalawa sa sala pagkatapos ng sagutan nila ni Naia.

"But Mom, you are blaming Naia for what happened! Labas siya roon! Hindi niya iyon ginusto!" I defended desperately.

"Do you even hear yourself Cassandra?! You are disregarding your own pain because they're hurting too? Isasantabi ba kita at unawain sila?!"

"Gusto ko lang na makita mong hindi iyon ginusto ni Naia, Mommy—"

"At hindi ko rin ginustong malagay ka sa kapahamakan, Cassandra! Do you understand it?! Nasa huli na! Hanggang pagsisisi nalang! Napahamak ka rin! We're too late to realize the danger! And look at what happened! We lost a life!"

Namuo agad ang luha sa mga mata ko.

"Stop saving someone's ass, Cassey. Stop favoring them! Stop thinking about the people around you and think about yourself too!" she countered.

"It was your own guilt, Mom! You don't want to blame yourself after what happened to me that's why you're trying to blame someone else! Kaya sila ang nakikita mo!"

Tears flashed on her eyes. Galit ang kanyang mga matang nakatingin sa akin ngunit ramdam ko ang pagkatigil niya.

"Alam kong gusto mong bumawi sa akin pero hindi ko kaya na isisi mo sa iba ang sarili mong mali, Mom. I understand you are mad at her for not being there with me but you are not there too! Alam kong isa iyon sa mga hinanakit mo sa kanya!"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Kita ko ang paggalaw ng kanyang panga at ang pagbaba ng kanyang balikat.

"Wala akong sinisisi sa nangyari sa akin, Mom. Hindi kita sinisisi..."

She looked at me with a bloodshot eyes.

"But I am blaming myself for what happened to you! Wala akong nagawa noong oras na 'yon para sa'yo! Paano kung hindi ka nakatakas? Do you think I am ready to mourn for you once you're gone, Cassey? Do you think I will make it? Tingin mo ba kaya kong tumayo sa harapan ng kabaong mo at iyakan ka?!"

Natutop ang aking bibig. Suminghap siya at nailing.

"I would rather ruin your cousin's delusions than lose another life! Than lose you!" giit niya at mariin akong tiningnan.

It wasn't a delusion. I've witnessed all of it! Alam kong totoo ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Walang karapatan si Mommy na kwestyunin ang bagay na iyon.

"I wasn't there for you! Ramdam ko ang dismaya mo sa akin dahil kahit ako ay ganoon din bilang ina mo, Cassey! I failed as a mother! Hindi mo man isumbat, ngunit ramdam ko ang pagkukulang ko dahil wala ako roon noong kailangang kailangan mo ako!" her voice cracked.

"That's why I'm doing my best just to keep you safe, just to avoid the mistake I did from the past... Dahil ayokong maulit iyon. Ayokong tumayo sa harapan ng kabaong mo at ang tanging magagawa nalang ay iyakan ka! Ayokong magsisi sa huli na sana ay ginampanan ko nang maayos ang pagiging ina ko! That I did all my best to protect you because you are my daughter and I love you!"

Pinalis ko ang luha habang bumababa ang aking tingin.

"You are so precious to me, Cassey. When you feel that no one is there to support you, I want you to know that you have me. I want you to keep in mind that I'm here for you whenever you feel like you're suffering on your own. Ayokong mag-isa mong harapin ang problemang ito. Ayokong maranasan mo ulit ang naranasan mo kaya inuuna kita dahil hindi mo kayang unahin ang sarili mo..." ani Mommy na nagtulak sa panibagong batalyon ng aking luha.

"You are their first victim, hija. They failed but they still scarred your life! Do you think I will forgive them so easily? Do you think I will give them the benefit of the doubt?! Do you think I will consider the bond they gave to us?! I won't let them hurt you again! Or anyone in this family!"

Pumasok si Daddy at kritikal ang ibinigay na tingin sa akin. Alam kong umuwi lamang kami para makapagpahinga ngunit sa nangyayari, mukhang malabo ang bagay na iyon.

Nang maalalang kasama dapat si Daddy na uuwi sa araw na iyon, sila ni Tito Vince, nanghina ako. At alam ko, isa iyon sa nagpapabigat kay Mommy. Isa iyon sa dumagdag na pangamba niya. That she almost lost us...

Alam kong iba-iba ang pinaglalaban namin dito ngunit iisa lamang ang pinanggagalingan ng lahat ng iyon. We wanted to protect our loved ones. Pilit iniinda ang lahat at nagpapakatatag para lamang hindi kami gumuho.

But how many times do we have to shatter before we can achieve peace?

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 94.4K 61
Chey Venice Fortalejo is the "friendliest" and most approachable amongst the Fortalejo cousins. Since they were young, she had been very vocal about...
6.1M 182K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...
101K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?
7.5M 209K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...