23rd Haunted

38.7K 1.1K 327
                                    

Haunted

Nervous

I wanna bury myself alive and disappear for a year after what I heard on my instagram.

I fucking drunk message him! Halos mangisay ako sa kama at iyakan ang mga pinaggagawa ko.

I don't have a solid evidence and I didn't clearly saw what really happened but I know Roche is there! Ano pa bang gagawin nila roon?

Oo at gusto kong idiin iyon sa kanya ngunit hindi sa ganitong uri ng kahihiyan. Inaalagaan ko itong pangalan ko, ako pa itong pinapahiya ang sarili ko!

Natabunan na ata ang sama ng aking loob at napalitan ng kahihiyan sa ginawa. I couldn't even type a single word. Worst, I need to deactivate my account in order to save my ass from embarrassment.

Ang hirap itanggi noon lalo na't boses ko mismo. At ayoko nang pakinggan isa isa dahil baka hindi ko kayanin at talagang magpapalamon nalang ako sa lupa.

Nagsusuka, pumipintig ang ulo, dinagdagan pa ng sama ng loob sa pinaggagagawa ko, mamamatay at mababaliw na yata ako sa araw na ito.

"Cassandra," my father's baritone voice boomed inside my room.

Kanina pa ako pinapatawag sa kasambahay ngunit ayokong bumaba. Minsan pinapakawalan naman ng mga parents ko ang mga kasutilan ko lalo na kung minor case lamang. Ngunit ang pagpunta ni Daddy sa mismong kuwarto ko, mukhang pagagalitan talaga ako.

"Dad my head is throbbing and I need my space for awhile. Not now, please," mariin kong pikit at ayaw lumabas sa nakatalukbong kong kumot.

"Are you pretending to be sick to avoid this conversation, Cassandra? You know it won't work on me..."

I groaned. Oo at ginagamit ko 'yan noon para makaiwas at hindi mapagalitan dahil nga may lagnat o may sakit, ngunit totoo ito ngayon!

Uminom na ako ng gamot para sa hangover ngunit siguro dahil hindi makatulog, idagdag pa ang kahihiyan, parang umiikot ang pakiramdam ko at nahihilo.

"That yacht you bought costs eight digits, sweetheart..." kalmado ngunit alam kong seryoso si Daddy.

Napadilat ako at pinakiramdaman ito. I bought it out of my frustration because I'm hurt. I'm lost. And most importantly, I want to unwind because what I saw made me stress!

"Twenty five..." my father gasped, like it's too much to process.

Pumikit akong muli at kinagat ang labi. I know the business earns billions but... I pursed my lips.

"I will freeze your account as your punishment do you understand?"

Napabangon ako ng marahas. Nalaglag ang aking panga. Kahit sabog pa ang buhok at mukha dahil sa hangover, talagang napaahon ako.

"Daddy you can't do that!"

"I can. And I just did," he said confidently sabay halukipkip niya habang suot pa ang kanyang business suit.

"But how about my expensive sessions? My derma! My skin care! The concert I'm planning to attend in US? That's The Weeknd, Daddy! Bukod doon, paubos na rin ang toiletries ko and I need another stock! Anong gagamitin ko roon? Saan ako kukuha ng pera? Dad!"

No... I can't survive! Maii-stress ako at magb-breakdown ang skin ko! Ngayon pang brokenhearted ako, kailangan ko ng makakapitan! Kailangan kong aliwin ang sarili ko! Kailangan ay loaded ang schedule ko para wala akong panahong isipin ang kahihiyang ito! At pera ang solusyon sa lahat ng iyon!

"I'll give you an allowance. Cash," giit ni Dad na talagang nagpalaglag ng panga ko.

"Your Mom will buy your toiletries but I'm sorry to say I will cancel your plans about that concert you are talking about," he added firmly.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon