MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escud...

By BinibiningNadya_25

11.3K 754 31

She is the girl with a cold hearted, spoiled bratt, cursed and feared by everyone at the school owned by her... More

PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11 ⚠️WARNING⚠️
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20 ⚠️WARNING⚠️
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26 ⚠️WARNING⚠️
CHAPTER 27 ⚠️WARNING⚠️
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
EPILOGUE
A/N

CHAPTER 10

331 25 1
By BinibiningNadya_25

👑MY ULTIMATE QUEEN👑

CHAPTER  10

May mga sumigaw naman na mga esdiyante.

"Loser ka Yveth, tanggapin mo pagkatalo mo"

"Oo nga, mas masama ka pala sa iniisip namin kay Audrey"

Hindi naman umiimik si Yveth, tsk. Napahiya tuloy si loka lokang babae. Lumapit naman ako kay Cyriel.

"Cyriel, Let's go"-pag aya ko rito. Halos mabingi ako sa tilian ng mga estudiyante sa loob ng Hall.

"Guys, our New Queen and King"-sigaw naman ni Kenneth. Kaya mas lalong naghiyawan ang mga ito. Hinawakan ko ang kamay ni Cyriel na kina Blush ng pisngi niya.

"Tara na"-sabi ko.

"Bigyang daan, ang mahal na reyna at mahal na hari"-sigaw ni Kenneth.

Kaya nagsitabi ang mga estudiyante na dadaanan namin palabas ng pinto.

Magkahawak kamay kaming naglalakad, habang naghihiyawan sila at kami ang Super star nila. Na parang naglalakad sa red Carpet.

"Bagay na bagay talaga kayo"

"Wuhoo, nakakakilig"

Marami naman ang kumukuha ng pictures samin.
Masarap pala sa feeling ang ganito. Ang hangaan ka ng marami. Medyo masarap sa feeling.

Pareho kaming nakangiti ni Cyriel sa isa't isa, na kunwari habang naglalakad sa red carpet sa hall.

GARDEN.

Sarap na sarap naman ako habang kumakain ng Burger. Sobrang nagutom ako kanina. Natigil naman ako sa pagsubo ng mapansin si Cyriel na nakatitig sakin.

Dugdug.dugdug

Ano ba itong puso ko, masyadong nag iingay.

"May dumi ba ako sa mukha?"-tanong ko kaya napaiwas siya ng tingin. At umuling iling siya.

"Wala, kumain ka lang jan, para mabusog ka"-sabi ni Cyriel at inabotan pa ako ng Chuckie. Libre niya to sakin, kasi panalo daw ako.

"Bakit ka nga pala sumali sa Competition na yun?"-tanong ko. At patuloy na kumakain.

"Si Kenenth nagregister ng pangalan ko, nalaman ko na lang na kasali na pala ako.

Nakita ko naman si Yveth sa may puno na nakasilip samin at parang nakikinig sa usapan namin. Hmm. Napa ka stalker.

Sino kaya vinote niya samin. Matanong nga, para marinig ni Yveth kung sino ang Binoto ni Cyriel samin.

"Umh, Cyriel, corious lang ako. Sino ang binoto mo samin ni Yveth kanina?"-tanong ko na medyo linakasan ang boses ko para marinig ni yveth.

Napangiti naman si Cyriel.

"Umh, Ikaw yung Vinote ko"-sabi niya at parang nahihiya siya na sabihin yun.

"Bakit ako? Bakit hindi si Yveth, diba magkaibigan kayo?"-tanong ko at medyo malakas ang boses ko.

"Audrey, Bakit gusto mo pang malaman, tiyaka alam mo na ang sagot don."-he said.

"Yieeh,"-napatili naman ako. "Dahil mahal mo ko ganun."-pang aasar ko kay Cyriel kaya napangisi naman siya sa inasta ko.

"Syempre,"-sabi niya at sumubo ng pagkain.

"Ikaw ah, Inlababo ka masyado sakin"-sabi ko pa at diniinaan sa salitang Inlababo at sakin, siguro asar na asar na ang feslak ni Yveth ngayon at nagpaplano nang patayin ako.

"Akala ko ba mag momove on kana sakin dahil binasted kita"-i said, kaya napatigil si Cyriel sa pagsubo ng burger. Hayss, sarap niya asarin, dahil ang cute ng mata at pisngi niya pag nagbablush.

"Hindi kasi ako makatulog sa gabi eh. Tiyaka ayoko na magkailangan tayo, nagmumukha akong Loser pag nag give up ako"-he said at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Tinapik tapik ko naman ang balikat niya.

"Good job Cyriel, huwag ka susuko, malay mo sagutin kita "-sabi ko. At napangiti ng konti.

Hay naku Yveth. Para siyang baliw, mas lalo niyang sinasakatan ang sarili niya . Nakinig pa talaga siya sa usapan namin, napaka gaga. Hindi lang ito ang mga gagawin ko sa kanya.

Pero pano si Cyriel, paano kung umasa siya sa mga sinasabi ko. Tsk.

Kinabukasan...

CYRIEL'S P.O.V

"Uy bro, kulang pa kami ng isang player sa Team namin, gusto mo isali kita"-sabi ni Kenneth, habang andito kami sa Ssg office Room.

"Ayoko, tiyaka limot ko na kung pano magbasket ball"-sabi ko naman. Tiniklop niya naman ang laptop niya.

"Huy, Mr Campus King, kailangan mo magpa impress ng husto kay Audrey, alam ko naman na baliw na baliw ka sa kanya eh. Para na nga kayong Couples talaga, pero baka kayo na talaga, kayo na ba?"-tanong niya at linapit ang mukha niya sakin.

"Hindi ah, tiyaka pwede ba lumayo ka sakin"-sabi ko at tinataboy ang mukha niya.

"Hay naku, may nabanggit pa naman sakin yung bestfriend ni Audrey na, mahilig daw manood ng Basketball si Audrey"-sabi ni kenenth at binuksan ulit ang laptop niya.

"Parang hindi naman eh"-sabi ko

"Hindi pa kayo Close masyado ni Audrey, kaya hindi mo alam yan. Ewan ko sayo."-sabi ni kenneth. May narinig naman kami ng katok mula sa pinto.

"Tuloy"-sabi ni Kenenth. Bumukas naman ang pinto at linuwa nito si Audrey.  "Oh, Miss. Audrey ikaw pala"-Ken. Ngumiti naman siya samin.

Dug.dug.dug

Hay naku, nagtatalon nanaman ang puso ko sa tuwa. Naalala ko tuloy ang sinabi niya kahapon sakin.

"Good job Cyriel, huwag kang susuko malay mo sagutin kita."

Hayss. Para na akong tanga.

Tama sinabi niya, huwag ko siyang susukuan.

"Ah, kenneth. Ibibigay ko lang tong listahan ng mga kasali sa darating natin na Event."-sabi nito at may inabot na Mga papel kay Kenneth.

"Salamat Miss. Audrey, ikaw pa talaga naghatid dito, nakakahiya naman sayo"-sabi ni Kenneth nang kunin niya ang inaabot ni Audrey.

"Okay lang, tiyaka obligasyon ko naman yan. Sige alis na ko. "-sabi ni Audrey at lumabaa na ito ng ssg Office.

"Pag isipan mong mabuti Bro, tignan mo pulang pula ka nanaman, nakita mo lang si Audrey eh."-pang aasar ni Kenneth, tinignan ko naman siya ng masama.

"Any way, diba Birthday mo nextday, ano bang balak mo, magbar tayo invite natin sina Audrey with her friends"-suggestion niya, Bar? Kala niya sakin mayaman.

"Hindi ako mayaman, nakakahiya kina Audrey "-sabi ko. Malapit na pala ako mag 22 years old, sobrang bilis ng panahon. Uuwi kaya si mama.

Nagvibrate naman ang phone ko na nasa mesa.
May nagtext, binuksan ko naman ang text.

👑My Queen👑

Pwede ba tayo mag usap ngayon.

Napangiti naman ako matapos kong basahin ang text ni Audrey. Badoy ba ko magpangalan sa phonebook. Tsk. Siya naman talaga kasi ang Reyna ko, wala ng iba.

October 08

"Cy, can we talk"-rinig kong saad ni Yveth nang magdissmissal na. Ilang araw kaming hindi nagpansinan ni Yveth dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam na may ganun pala siyang side, bakit kailangan niya pang ipahiya ang babaeng mahal ko, buti na lang Strong si Audrey at hindi nagpatalo.

"Happy Birthday Cy,"-sabi niya at may inaabot na paper bag sakin. Tumayo naman ako. "Gift ko sayo to, tiyaka im really Sorry, Dahil sa nagawa ko. Promise hindi ko na uulitin yun"-sabi niya na mukhang seryoso naman na humihingi nang tawad.

Tumango lang ako at tinanggap ang regalo niya para sakin.

"Okay lang, basta huwag mo nang uulitin yun"-sabi ko at bigla niya kong yinakap. Inalis ko naman ang mga kamay ni Yveth na nakayakap sakin.

"Cyriel!"

Napalingon naman kami pareho sa galit na boses na tumawag sa pangalan ko. It's Audrey. Naglakad siya papasok ng room.

"Let's go Cyriel, kailangan nating pumunta sa Hall"-saad ni Audrey habang masama itong nakatingin kay Yveth.

"Audrey, tara na"-sabi ko at hinawakan ang kamay ni Audrey at hinila paalis ng room, baka kasi mag away pa sila. At binitawan ko na ang kamay niya nang makalabas na kami.

"Ano yan?"-tanong niya at napatingin sa hawak kong paper bag. Inagaw niya naman ito at pinunit ang paper bag para mabuksan niya.

"Ano naman to, napaka Cheap niya magregalo"-saad ni Audrey nang makita niya ang regalo ni Yveth. Isa itong Bracelett. Lumapit naman si Audrey sa may trashcan at tinapon dito yung renegalo ni Yveth.

"Bakit mo tinapon yun?"-tanong ko.

"Wala ka na don, mag usap tayo. Sumunod ka sakin"-sabi niya na nakairap at nauna nang naglakad. Sumunod naman ako sa kanya, nagseselos ba siya? Napangisi naman ako, sana nga nagselos siya.

Sumunod lang ako kay Audrey hanggang sa makarating kami sa Garden.

"Meron akong ipapagawa sayo"-she said.

AUDREY'S P.O.V

PRIVATE OFFICE..

"Besh ibigay mo to kay Cyriel"-saad ni Shin at may inabot itong paper bag. Kinuha ko naman ito.

"Gift namin yan sa kanya, diba birthday niya ngayon?"-Shin, bday? Kaya ba binigyan siya ni Yveth ng regalo kanina. Binuksan ko naman ang paper box, isa itong Expensive Wine.

"Bakit wine, hindi naman mahilig si Cyriel ng ganito"-sabi ko, eh hindi naman lasinggero yun.

"Ano ka ba, yan kasi sabi ni Kenneth na iregalo namin kay Cyriel, tapos ikaw daw magbibigay, para daw mas lalong mabaliw sayo si Cyriel pag nainum niya yan, tiyaka sabi na rin ni Kenneth dapat daw sabayan mo siya habang iniinum yan"-paliwanag ni Shin. Teka alam na ba nila na may gusto sakin si Cyriel.

"Si Kenneth nagsabi samin, na gustong gustomka daw ni Cyriel"-sabi pa ni shin at parang nabasa pa ang nasa isip ko. Detective girl talaga.

"Sige, ibibigay ko ito"-sabi ko. Siguro bukas ko na lang ibigay, gabi na eh . Tiyaka baka umuwi na siya.

Hayss, sana naman magawa niya ang pinapagawa ko sa kanya. At abangan niyo kung ano yun. Secret muna sa ngayon.

×××××××

Naglalakad ako sa may parking area nang makita ko si Cyriel na parang may inaayos na motor.

Chance ko na to, para maibigay ko na ngayon ang regalo nina Shin. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang papalapit kay Cyriel.

"May problema ba jan?"-tanong ko, agad naman siyang lumingon sakin.

"Ah, wala naman, naayos ko na. Pinalitan ko lang ng bagong side mirror."-sabi niya.

"Sayo ba yan?"-tanong ko, tumango naman siya. Ang ganda ng motor niya ah. Parang mamahalin.

"Medyo luma na to, ito kasi ang huling regalo sakin ng papa ko"-sabi niya at nakangiti. Oo nga pala patay na ang papa niya. At yung mama niya nasa abroad, dinig ko lang kay shin. Kasi kinukwento daw ni Kenneth sa kanya, na halatang close na silang dalawa.

"Ah ganun ba, ito may gift din kami sayo, "-sabi konat pinakita sa kanya ang paper bag na hawak ko. "Gusto mo magcelebrate tayo sa bahay niyo?"-i ask. Sigurado ba ako, bakit sa bahay pa nila. Naku baka kung ano isipin niya.

"Huh? Pero di pa ko nakapaglinis sa bahay eh, tiyaka maliit lang bahay namin."-he said at parang nahihiyang tumingin sakin.

"Okay lang yun, iniisip mo  ba na  sobrang maarte akong babae, gusto ko makita ang bahay ng lalaking may gusto sakin"-sabi ko at kinindatan siya, kaya parang kinilig naman siya. Naku naman Cyriel, masyado ko nang pinapasaya ang puso mo.

"Sige, sige."-sabi niya at sumakay ng motor. "Tara na"-sabi niya at tinuro sa likod niya na sumakay na ako. Umangkas ako sa motor niya. Nagsuot na siya ng helmet niya. Linagay ko  naman ang magkabilang kamay ko sa Bewang niya.

"Let's go"-i said, at pinaandar niya na ang motor. Kumapit naman ako sa Tiyan niya, i mean sa matigas niyang abs.

Gusto ko siyang pasayahin kahit sa araw man lang nang bday niya. Kasi wala pala ang parents niya.
Pinasaya niya ko ng Bday ko, kaya pasasayahin ko rin siya sa gabing ito.

*Bahay ni Cyriel.

"Maganda naman bahay niyo ah"-sabi ko ng makapasok kami sa bahay nina Cyriel. Tiyaka wala namang kalat . Sobrang linis nga eh.

"Si mama kasi mismo engineer ng bahay na to"-he said. Engineer pala mama niya.

"Galing.! Birthday mo ngayon kaya magcelebrate tayo. Actually, wine talaga regalo namin sayo,"sabi ko ng ilabas ko sa paper bag ang Mamahaling Wine.

"Hindi naman ako umiinum niyan,"-sabi niya. Napangisi naman ako, sabi na eh hindi umiinum nito si Cyriel. "Pero pwede ko naman tikman yan, wait lang kukuha lang ako ng baso at pagkain natin"-paalam niya at nagtungo na ng kitchen. Naupo naman ako sa sofa. At pinagmasdan ang buong living room. May 2 rooms naman. Puro awards Certificate ni Cyriel ang nakadikit sa Wall.

Maya maya pa bumalik na mula kitchen si Cyriel, na may dalang pagkain at wine glass na gagamitin namin. First time ko makasolo ng lalaki sa isang bahay. Binuksan naman ni Cyriel yung wine.

"Sabi mo tikim lang ah, ihahatid mo pa ko"-bilin ko rito.

"Oo, dont worry"-sabi niya habang nagsasalin ng Wine sa Baso. Linagyan niya lang konti sakin. Nag toast naman kami at sabay na ininum ito.

Masarap ah, hindi masyadong mapait.

Nagsalin ulit si Cyriel sa baso niya, halatang nasarapan siya.

"Masarap noh?"-tanong ko , tumango tango naman siya. "Pahingi pa ako"-sabi ko . Sinalinan niya lang ng konti ang baso ko. At binuksan niya ang TV.

After 1 hour.

Naramdaman ko na medyo nahihilo ako, dahil siguro sa medyo napadami ako ng inum. Pero bakit may iba akong nararamdaman ngayon, sobrang naiinitan ako.

Continue Reading

You'll Also Like

19.4K 544 8
𝒈𝒙𝒈 𝒔𝒉𝒐𝒓𝒕 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒊𝒆𝒔/𝒐𝒏𝒆𝒔𝒉𝒐𝒕𝒔
30.3K 2.5K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
30.2K 708 32
[ on-going &. under editing ] billionaires #2 Azrael Vigancillio, a living Multi-Billionaire. He has the looks, the body to die for and obviously he...
28.1K 783 30
The Professor, who falls inlove to his wild student since they childhood.