Vengeance of the Fallen Tribe

By Belaxluna

284 23 0

Start: Dec. 13, 2022 Ends: ??? More

PAGTATATWA
KAALAMAN
Kabanata 1 - Kaibigan
Kabanata 2 - Paanyaya
Kabanata 3 - Mundo ng Hirayon
Kabanata 5 - Libro at mapa
Kabanata 6 - Malamig na apoy
Kabanata 7 - Lilac
Kabanata 8 - Misteryosong nilalang
Kabanata 9 - Utang na loob
Kabanata 10 - Kasunduan

Kabanata 4 - Bagong pangalan

21 1 0
By Belaxluna

Hernyxia Moscoval

Gising na ang diwa ko ngunit nananatili lamang akong nakapikit, hindi ko pa iminumulat ang mga mata ko dahil pinakikiramdaman ko pa kung nasaang lugar ako ngayon.

Pasimple kong kinapa ang gilid ko. Madulas at malambot ang telang kinahihigaan ko kaya may hinuha na ako na nasa isang kwarto ako. Ngunit kaninong kwarto?

Naalala kong may nakahuli nga pala sa akin. Bumalik na naman ang kaba na naramdaman ko nang mga oras na iyon, mabilis at malakas ang dagundong ng dibdib ko at nahirapan akong huminga kaya hindi ko na napigilan pa na maidilat ang mata ko. Sakto naman na may kamay sa tapat ng mukha ko na tila ba may balak akong hawakan.

“Mabuti naman at gising ka na.” tinig iyon ng isang lalaki.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at awtomatiko akong napabalikwas sa kama. Nagtago ako sa gilid niyon.

“Anong ginagawa mo diyan, binibini?” tanong nito.

Marahan kong iniangat ang ulo ko upang silipin ang kaniyang mukha at halos mapanganga ako sa kaniyang istura. Mahaba at may pagkacurly ang gintong buhok nito, mistiso at may singkit na ginintuang mga mata na nakasisilaw kapag nasisinagan ng araw na nagmumula sa malaking bintana. Nakasuot ito ng black na polo at black slacks na jumper ang style. Magkasalikop ang mga palad nito habang nakaupo siya sa kabilang gilid ng kama na hinihigaan ko kanina.

In short, gwapo s'ya.

“Huwag kang matakot, hindi ako masamang tao.” sambit nito at ngumiti. Ngayon ko lamang napansin na may malalim siyang dimple sa kanang pisngi.

Ilang segundo ko pa siyang tinitigan bago napagpasyahan na bumalik sa kama upang maupo. Mukha naman siyang harmless at palagay ko ay nagsasabi siya ng totoo.

“Kung hindi ka masama, bakit mo ako kinidnap?”

Nagsalubong ang makapal na pares ng kilay nito. “Kinidnap? ano iyon?” nagtatakha nitong untag.

Napakamot naman ako sa tanong niya. Bakit hindi ba niya alam ang salitang iyon, hays. Pareho sila ni Kia, kadalasan kapag may nababanggit akong word na hindi niya naiintindihan ay humahantong pa ito sa eksplinasyon. Sa bagay, magkaiba nga naman pala kami ng mundo. Marahil ay may mga bagay silang hindi nalalaman at ganoon din ako. “Ang sabi ko bakit mo ako hinuli?”

“Ah iyon ba, hindi naman talaga kita dinakip. Dinala lang kita rito dahil hinimatay ka bigla kanina.” sambit niya. “Naroon ako upang sana ay magbanyo at saktong nakita kita na nagtatago.” dagdag niya pa.

Nagtaka ako sa sinabi niya, kung gano'n nga ang nangyari ibig sabihin... oh my! may nakita ba ako kaya ako hinimatay?! isipin ko pa lang ang bagay na 'yun ay gusto ko nang himatayin ulit.

Nasapo ko ang noo ko. Sana talaga ay nawalan lang ako ng malay dahil sa nerbyos nang makita ko siya at hindi sa kung anuman.

“Ano nga pala ang iyong ngalan binibini?”

Muntikan ko nang masambit ang pangalan ko ngunit naalala ko si Kia, lalo na ang mga bilin nito. Ang una niyang rule sa oras na makatapak ako rito ay huwag akong sasama kahit kanino, kun'di sa kaniya lang. Pangalawa, huwag akong makikipag-usap lalo na sa hindi ko kilala at huwag ko basta ibibigay ang tunay na pangalan ko. Pangatlo, hindi nila dapat malaman ang katauhan ko, na galing ako sa ibang mundo at kung saang mundo ako nagmula.

“Alam kong nakakabighani ang kagwapuhan ko, hindi mo na kailangang ipamukha sa 'kin.”

Napangiwi ako sa sinabi niya. Mahangin pala ang isang ito, akala ko ay sa mundo ko lang may ganitong katangian.

“Ako nga pala si Chade... Chade Lopez,” pagpapatiuna niyang pakilala nang hindi ako magsalita. Itinaas nito ang kamay sa ere para makipagshake hands sa akin.

Akmang aabutin ko na sana ito nang may isang matipunong braso ang pumigil sa akin. Hawak nito ang wrist ko at inilayo ito sa kamay ng lalaki. Sino naman 'to? Yari na talaga ako kay Kia, kung sinu-sino na ang nakakita sa 'kin.

“Huwag mo siyang hahawakan.” ma-awtoridad na utos nito.

Bakit naman ayaw niya akong pahawakin sa kamay ni Chade. Tinignan ko ang kamay ko, malinis naman ito.

Umatras ‘yung nagpakilalang lalaki habang nakataas ang dalawa niyang palad. “Oops.” sambit nito at nakangisi ng nakakaloko.

Humarap naman sa 'kin ang lalaking kadarating lang. Mas matangkad ito kung ikukumpara kay Chade, malaki ang pangangatawan pero sakto lang. Itim na itim ang buhok nito gayundin ang kaniyang mga mata, kasing kulay ito ng charcoal. May maliit itong nunal sa kaliwang pisngi malapit sa mata na gaya ng sa 'kin.

Nabigla naman ako nang ilapit niya ang mukha sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya nakaramdam ako ng pagka-consious. “Hindi ka mukhang tagarito.” nanlaki ang mata ko at napaatras sa sinabi niya.

Lumapit naman si Chade at gano'n din ang ginawa niya. Inilagay niya ang kamay niya sa ilalim ng kaniyang baba. “Iyon din ang napansin ko. Kakaiba ang kasuotan niya at wala akong maramdaman na kahit konting enerhiya sa loob niya.” nagtatakha niyang sambit.

Sunud-sunod ang paglunok ko ng laway at kulang na lang ay gawin ko na itong tubig dahil nauuhaw na rin ako. Nauubusan na ako ng liquid sa katawan ko dahil sa mga pang-uusisa nila.

Ramdam ko ang pamumuo ng malamig na pawis sa noo ko, hindi ko man makita ang sarili ko ay alam kong para na akong naubusan ng dugo sa sobrang putla. Nasaan na ba kasi si Kia? ang sabi niya ay babalikan niya ako ngunit ilang minuto na ba ang nakalipas? o baka naman ilang oras din akong nakatulog sa silid na ito.

“Tinatanong kita.”

Natutop ako sa kinatatayuan ko. Jusko ito na ba 'yon? Huhulihin na ba nila ako at ipapakulong? Anong isasagot ko sa kaniya, ayoko naman sirain ang mga rules na ibinigay sa 'kin ni Kia dahil hindi lamang ako ang mapapahamak kung magkataon, madadamay siya. Pero ano naman sasabihin ko sa mga 'to, anong idadahilan ko gayong wala pa akong alam sa mundo nila.

“Ah... eh...”

“Eryn! nariyan ka lang pala!”

Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang pamilyr na boses. Hoo! save by the bell! agad akong nilapitan ni Kia nang makita niya ako. “Kanina pa ako hanap ng hanap sa 'yo. Ano bang nangyari?” tanong nito at pinasadahan ang kabuuan ko.

“Hinimatay siya kanina kaya naisipan kong dalhin siya rito.” pagsagot ni Chade.

“Kilala mo siya?” dagdag naman no'ng isa.

Pareho kaming nagkatinginan ni Kia. Kinausap niya ako sa kaniyang isipan.

“Sakyan mo lang kung anong sasabihin ko...”

Marahang tumango si Kia sa kanila. “Oo. Siya nga pala si Eryn, ang bago at magiging personal kong tagabantay.”

“Na naman?” sabay nilang anas dito.

Kung makapagreact naman sila. Ilan na ba ang personal na tagabantay ang ipinakilala sa kanila ni Kia para magreact sila ng ganito.

“Hindi pa ba napapagod ang Mahal na Reyna sa kakatalaga ng iyong personal na tagabantay na palagi mo naman natatakasan?” naiiling na sambit no'ng lalaki.

“Huwag na kayong mag-alala. Ako ang namili kay Eryn at tiyak kong magagampanan niya nang maayos ang tungkulin na ibinigay sa kaniya.”

“Saan mo naman nakilala ang babaeng ito? nakasisigurado ka ba na magiging tapat siya sa iyo? paano kung isa pala siyang espiya, hindi malabo lalo na at kakaiba ang kaniyang kasuotan at pamamaraan ng pananalita.” mahabang litaniya pa ng lalaki.

Bakit pakiramdam ko ay napakarami niyang tanong, mukha ba akong manloloko para usisain niya ng ganito. Si Chade naman ay tahimik lang habang pinapanood ang pag-uusap ng dalawa.

“Saan pa ba makakakuha ng mga tagapagsilbi, hindi ba sa Tribe lamang ng Hiroshima? Huwag mo na akong alalahanin pa Zeryx, kaya ko ang sarili ko.”

Tinignan ko ang mukha ng tinawag niyang Zeryx at hanggang ngayon ay makikita sa ekspresyon nito na hindi pa rin siya ganoon kakumbinsido.

“Kung mamarapatin ninyo ay may mga bagay pa akong dapat sabihin sa bago kong tagabantay, kaya't isasama ko na siya sa aking silid ngayon din. Chade, salamat nga pala sa pagbantay kay Eryn.” Thank God at makakaalis na rin ako sa kwarto na ito. Pakiramdam ko ay nasalang ako sa hot seat dahil sa dami ng tanong nila... especially no'ng Zeryx na 'yon.

Pero teka, anong sinabi niya kay Chade? “Kia... siya ba 'yong sinasabi mong magbabantay sa 'kin kanina?” mahina kong bulong habang tinatahak namin ang madilim daan, para itong hallway.

“Oo, siya nga.”

Naikwento niya sa akin na si Chade ay isang mapagkakatiwalaang kaibigan lalo na pagdating sa kalokohan, siya raw ang unang pumasok sa isip nito na magbantay sa akin. Pero ayon sa kaniya hindi alam ni Chade na galing ako sa ibang mundo. Sinabi lang nito na lihim siyang naghire ng isang panibagong tagabantay mula sa Tribe ng Hiroshima. Nasabi ko na rin sa kaniya ang nangyari bago siya dumating kanina at naintindihan ko na rin kung bakit hindi ko pwedeng hawakan si Chade, dahil kung sino man ang direct contact niya sa kamay ay magiging bato, iyon pala ang dahilan kung bakit pinigilan ako ni Zeryx. Mabuti na lang talaga at dumating siya kung hindi ay matutulad na ako sa mga biktima na tulad ng kay Medusa.

Hindi ko rin lubos maisip na paano kung nahawakan ko ang kamay niya, kung nang-aasar lang siya o nagbibiro ay hindi iyon magandang gawain. Mabuti na lang at aware na ako sa kaya niyang gawin at least maiiwasan ko na maulit itong muli.

Inamin na rin sa 'kin ni Kia ang tunay niyang estado sa mundong ito at tama nga, isa siyang prinsesa... Ang susunod na magmamana ng trono na pinangangalagaan ngayon ng kaniyang ina... Ang mahal na Reyna Victoria.

“Sigurado ka ba na kaya kong gampanan ang ibinigay mo sa 'king task?” kapagkuwan ay tanong ko.

Hindi ako sigurado kung kaya ko bang panindigan ang ginawa kong pagsama, baka mamaya ay maisipan kong bumalik ulit sa mundo namin dahil sa mga katarantaduhan na pinagagagawa namin. Hindi ko gustong magsinungaling lalo na sa harap ng mga taong may matataas na katungkulan at kapangyarihan. Ngunit dahil kay Kia ay wala na akong magawa pa.

“Alam kong kaya mo, tutulungan naman kita. Basta palagi mo lamang isaisip ang mga rules na sinabi ko upang hindi tayo mapahamak...” aniya at pinisil ang palad ko. Binigyan niya ako ng reassuring smile.

Ayon sa kaniya ay bukas na bukas din magsisimula na ako sa tungkulin ko bilang personal niyang tagabantay. Iyon din ang oras na tuturuan niya ako patungkol sa mga bagay na dapat kong matutunan sa kanilang mundo.

Hindi ako sigurado kung magandang ideya ba ang pagpasok ko sa kanilang mundo subalit nandito na ako, kailangan kong panindigan ito.

Sana lang ay huwag agad akong mamatay...

Continue Reading

You'll Also Like

20.9M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
82.8K 4.3K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
1.6M 65K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...