Make You Mine Season 1 | Hear...

By chrisseaven

56K 1.4K 257

Tian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despit... More

Make You Mine
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Note
About Make You Mine
About Heartful Academy
Special Part
First Anniversary Gift: Bonus Scenes
Annoucement

Chapter 2

3.1K 67 55
By chrisseaven


TIAN MARTELL

DIPUTA, minalas 'ata ako ngayon. Ayon na nga ang chance ko para mahalikan ang isa sa mga babaeng matagal ko na inaakit tapos mapupunta lang pala sa wala, pambihirang buhay naman talaga oh!

"Hay naku Tian...hindi mo na nga natikman ang babaeng 'yon, muntik ka pa mahuli ng mga paparazzi at reporters..." umiiling-iling na pagkasabi ni Alvin habang nakatingin sa 'kin.

Gusto kong mainis dahil pinagmumukha niya talaga sa 'king malas ako, pero 'wag nalang dahil nandito pala ako ngayon sa bahay niya.

Napalingon kami kay Blue na nasa tabi ko nang bigla siyang napatakip sa bibig na parang gulat na gulat. "What's wrong with you Blue?" Tanong ko.

Nilingon niya ako at napakalalim ng titig niya sa 'kin na parang may nakakabahala siyang sasabihin. "Walang mali sa 'kin Tian, pero mukhang ikaw ang magkaka-problema. Kalat na kalat na ngayon ang pictures mo kasama nong babaeng kalandian mo sa labas ng airport..." tugon niya.


Sa gulat ko ay napatayo ako mula sa kamang inuupuan at agad ko kinuha kay Blue ang hawak niyang cellphone. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang trending nga ngayon online ang ginawa ko kanina sa airport.

"Holy breath! Hindi pwede 'to, sira na naman ang pangalan ko..." napahawak ako sa ulo dahil malaking problema na naman itong pinasok ko.

"Tian matagal nang sira ang pangalan mo, hindi ka pa ba sanay? Lagi ka nalang laman ng balita na may kasamang iba't ibang babae." Napakamot sa ulo si Vincent. "Kakabalik mo pa nga lang sa movie industry nagkalat ka na naman ng bagong scandal. Talagang most scandalous actor ka na ng Seaven Network." Mahinahon itong sinabi ni Vincent kaya hindi ko alam kung nang pipikon ba siya o concern lang.

Pero may punto siya do'n, kaya natawa nalang ako. "Well tama ka naman talaga diyan...kaya bakit pa ako matatakot sa mga sasabihin nila eh sanay na ako sa mga 'yon..." napahiga nalang ako sa kama.


Lumapit sa 'kin si Blue. "Alam mo ganito nalang, magsaya tayo! Nagpatawag kami ng babae para sa 'yo..." nakangiting sabi niya at nagtawanan na sila.

Nang marinig ko ang sinabi ni Blue ay agad akong bumangon, syempre babae na 'yon eh. "Talaga? Sa'n na? Papunta na ba?" Sunod-sunod ang pagtanong ko na halatang sabik na.

"Kalma lang Tian, papalapit na siya. Ito sana 'yong surprise namin sa 'yo, kaso hindi ka nakinig at mas pinili mo pang makipagkita sa babaeng 'yon sa labas ng airport." Tugon ni Vincent. "Si Alvin nag plano nito. Tapos si Blue ang nagpili ng babae." Dagdag pa niya.

Umakbay ako sa balikat ni Blue. "Nagulat naman ako sa inyo, hindi ko inasahang gagawin niyo 'to para sa 'kin..." abot tenga ang ngiti ko habang sinabi iyon sa kanila.

"It's just to celebrate sa pagbabalik showbiz mo. And alam naming hindi magiging kumpleto ang araw ko kung walang babae. Kaya iiwan namin kayo dito at gawin niyo kung ano ang gusto niyo." Sagot ni Blue.

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ko ay nagagawa ko pa rin kalimutan ang mga 'yon sa tuwing kasama ko silang tatlo. Marami akong kaibigan lalo na sa showbiz industry, ngunit iba sila sa lahat.

Sila ang nakakaunawa sa 'kin. Lagi silang nandito para suportahan ang mga gusto ko gawin sa buhay. Silang tatlo na ang naging pamilya at takbuhan ko mula nong nagtrabaho abroad si Papa at through video call ko nalang nakakausap dahil minsanan nalang umuwi


Mayamaya ay tumunog ang door bell sa labas ng bahay ni Alvin kaya pariho kaming napalingon. "Ito na nga ang hinihintay ko..." sabik kong pagkasabi at lumapit na ako sa may salamin at doon ay inayos ang sarili.

Lumabas na si Blue para sunduin ang babaeng pinapapunta niya para paligayahin ako. Nang makabalik siya ay kasama na niya ang babae. Napanganga ako sa aking nakita. Kabighani-bighani ang ganda ng babaeng ito, mula sa kanyang mahabang mga buhok at napakinis na katawan.

Pero ang ipinagtaka ko lang ay bakit siya nakasuot ng mask? Hindi bali na, maganda naman ang mga mata niya na nakatingin sa amin kaya siguradong napakaganda niya. Baka nahihiya pa siya ipakita ang kanyang ganda.

"Miss, pwede mo na bang tanggalin ang iyong mask? Gustong makita ni Tian ang maganda mong mukha." Tugon ni Blue na nasa likuran ng babae.

Hinawakan na ng babae ang face mask niya kaya lahat kami ay napanganga habang nag-aabang na makita ang mukha niya. Nang matanggal na niya ang mask ay halos mahulog ang aming panga nang makitang marami siyang biguti sa baba, at pag ngiti niya ay sirang-sira pa ang mga ngipin niyang paubos na at sobrang dilaw pa.

"Hi boys..." pang-aakit niya habang kumakaway at hinahawi ang buhok na parang nagmamaganda kahit expired na.

Agad kaming tumakbo ni Vincent at Alvin papunta kay Blue na nanginginig pa ang katawan. "P-Pasensya ka na Miss, kailangan na naming umalis, tanggap ka na sa trabaho, linisan mo ang buong bahay..." natatarantang sabi ni Blue at dali-dali kaming tumakbo palabas ng bahay.

"Hey boys, where you going...? I'm fresh from the oven and ready to be eaten na..." halos masuka kami sa narinig naming sigaw niya habang nakalabas na kami ng gate.


Hinihingal kaming huminto sa gitna ng kalsada. "Ano ba 'yan Blue, minsan mo na nga lang ako suprisahin nakakatakot pa..." tugon ko habang inaalis ko ang mga pawis sa mukha ko.

"Blue sa'n mo ba 'yon napulot? Hindi nga natin sigurado kung babae ba talaga 'yon..." hirit ni Alvin.

Napakamot sa ulo si Blue. "S-Sa online lang mga lods...pasensya na, nadala lang talaga ako sa napaka mysterious niyang mukha kaya tinawagan ko siya. O 'di ba na-surprise talaga tayo..." pinipigilan pa niya matawa.

"Ang galing mo Blue, huwag mo na ulitin huh." Parang inis na pagkasabi ni Vincent.

Kinuha ni Blue ang cellphone niya sa bulsa. "Actually meron pang mga babae ditong naghihintay nalang sa tawag ko," agad kong kinuha ang phone niya kaya natigil siya.

"Tama na, maawa ka sa amin." Pagpigil namin sa balak niya at natawa lang siya.

Napa-isip ako and I come to a great idea. "Ganito nalang. Mamayang gabi samahan niyo ako, pupunta tayo sa 7Z Bar. Do'n natin mahahanap ang tunay na ligaya." Sabi ko.

Napa-iling si Alvin. "May bago ka pa ngang issue, gusto mo naman dagdagan." Pagtutol niya sa gusto ko.

Umakbay nalang ako sa kanya. "Sus ano ka ba, hindi lang naman ako ang artistang pumupunta ng bar eh..." nilingon ko sila. "Kaya huwag na kayong kill joy dyan..." pagpilit ko sa kanila at dahan-dahan silang napatango. Actually wala naman talaga silang choice kundi sundin ako, dahil alam nilang lahat ng gusto ko nakukuha ko. 



Nasunod nga ang nais ko. Ngayong gabi ay nandito kami ng mga kaibigan ko sa loob ng bar. Syempre hindi talaga buo ang araw ko kapag hindi ako nakakaisa ng babae. Bigo ako kanina sa airport eh. Tapos ang panget pa nong babaeng pinapunta ni Blue. Kaya ito, dito nalang ako sa bar maghahanap ng babae.

Inaasahan kong hindi ako mabibigo dahil kahit sa'n ako tumingin ay maraming babae. Ang ilan sa kanila ay nasa gilid-gilid lang at naghihintay na lapitan ng lalaki. Ang iba naman ay nakatulog na sa kalasingan. Pero ang pinakagusto ko sa lahat ay mga babaeng bago lang pumupunta dito, malalaman 'yon dahil binibigyan sila red bracelet as a thank you sa unang pag visit nila dito sa 7Z Bar.

Marami nga ako nakita ditong mga bago lang at 'di hamak na mas sexy. Nakasuot sila ng napaka-ikling short at skirt na halos makita na ang pribadong katawan habang nakikipagsayawan sa mga lalaki.

Hindi nga ako nabigo dahil nilapitan ako ngayon ng isang napaka-gandang babae na hugis bote ang katawan. Nagkatitigan ang aming mga mata, at dahan-dahan niya akong dinala sa gitna ng stage para do'n ay papainitin namin ang gabing ito.


Dahan-dahan niyang hinahaplos ang aking katawan habang napapakagat pa siya sa labi. Hanggang sa umabot na siya sa kung saan nakatago ang aking alaga. Hinawak-hawakan ko naman ang dalawang malalaking prutas sa dibdib niya, at sinasadya naman niyang ilapit sa tenga ko ang mukha niya kaya naririnig ko ang binubulong niyang ungol.

"Let's enjoy this hot parttyyy!!!" Sigaw ng dj at mas pinalakas ang pinatugtog na remix kaya nagsayawan ang iba habang nagsisigaw. Nakita ko rin na nakisali na ang mga kaibigan ko sa party.

Ramdam na naming dalawa ang init sa aming katawan. Kaya mas pinili naming magpakalayo dito at pumunta sa kung saan kami lang dalawa. Pariho naming napagpasyahan na sa comfort room. Nang makarating kami sa loob ng restroom ay dito namin itinuloy ang ginagawa.


Maraming nagtatanong kung anong klaseng buhay ang meron ako. Well ganito lang naman ang buhay ko, umiikot lang sa dalawang bagay, sa pag-aartista at sa pang-babae.

Sa umaga shooting sa pelikula. Sa gabi shooting sa babae.

Ewan, hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula ang pagkahilig ko sa ganitong bagay. Basta ang alam ko gusto ko lang maranasan ang init ng pagmamahal, kaya kahit panandalian lang, papasokin ko.

Marami ng iba't ibang klase ng babae ang nasubukan ko. Lahat ng mga babaeng naka date ko natikman ko na. May mga artista na nakasama ko na sa set, mga anak ng government officials, mga foreigners at kahit nakilala lang sa online. Kaya sa tingin ko mahirap ng itigil ang gawaing ito.

Pero sa kabila nito ay wala akong siniseryoso at iniibig sa kanila. Hindi ako hopeless romantic. Hindi ko nakikita ang sarili ko na magmahal. Ayaw ko sa diputang pag-ibig na 'yan. One night stand at katawan lang ang habol ko.

Mahal ko lang sila kapag nasa kama, pagkatapos ay kinakalimutan ko din at naghahanap ako ng bago. Ganon lamang ang buhay ng isang Tian Martell, lahat ay panandalian lang.



Pagkauwi ko sa bahay ay kasama ko pa rin ang mga kaibigan ko dahil gusto ko pang makasama sila. Hindi na bago 'to dahil pinapayagan naman sila ng mga magulang nila na matulog sa bahay ko. Mula pa sa loob ng kotse at hanggang ngayon na nakahiga na ako sa kama ay hindi pa rin nabubura ang ngiti ko dahil nakaisa na naman ako.

"Aba sobrang saya mo yata...malamang may babae kang na-diligan 'no...?" Natatawang sabi ni Alvin.

"Syempre naman, ako pa ba, eh ang lakas ko kaya sa mga babae..." sagot ko.

Biglang tumabi sa 'kin si Blue. "Ako Tian, kailan mo 'ko didiligan?" Napanganga ako sa naging tanong niya at halos hindi ako makasagot, mukhang hindi naman siya nagbibiro dahil seryoso ang mukha niya.

"B-Blue, bading ka ba?" Tanong ko pero bigla siyang natawa. "Just kidding bro..." aalis sana siya sa kama pero agad ko siyang hinawakan.

"Hindi pwede sa 'kin ang ganyang biro. Kaya hali ka dito didiligan kita, nabitin pa naman ako kanina..." pabiro kong sabi habang niyayakap ko siya nang mahigpit at natatawa naman siya na halatang nakikiliti.

Nakita kong napakamot sa ulo si Alvin. "Tian, Blue, itigil niyo nga 'yan...ang lalaswa niyo..." tinatakpan pa niya ang mga mata niya pero tinatawanan lang siya ng katabi niyang si Vincent. "Ganyan na talaga sila maglambingan, hindi ka pa ba nasasanay?" Saad ni Vincent.


Mayamaya ay natigil kami nang biglang nag-ring ang cellphone ko, dali-dali ko itong kinuha sa bulsa at nang makita kong si Director Mike ang tumatawag ay sumenyas muna ako sa mga kaibigan ko na manahimik, bago ko sinagot ang tawag ni Direk.

"Hello Direk, kumusta po?" Pagbati ko.

"Tian hindi ka ba pupunta dito sa studio? On-going pa ang audition para sa bago mong movie. Baka gusto mong makita ang mga babaeng nag-audition maging partner mo." Tugon ni Direk sa tawag.

"Naku huwag na po Direk, baka pag nakita pa nila akong nandyan at malaman na ako magiging leading man ay baka mag back out din sila..." pinipilit ko ngumiti kahit nasaktan din ako mismo sa nasabi ko. "Ayaw ko pong masayang lahat ng pagod niyo." Pagpatuloy ko.

"O sige hijo...kapag may mapili na kami sasabihin namin sa 'yo. Bye muna sa ngayon." Pagkatapos niya sabihin 'yon ay pinatay na niya ang tawag.


Napahiga nalang ako sa kama at maraming bagay na naman ang gumugulo sa isip ko, lalo na sa mga nangyayari sa 'kin ngayon. Sunod-sunod 'yong mga issues ko at karamihan sa mga 'yon puro pambabae lang. Pero mas ayos naman 'yon, kaysa naman maging isa akong artista na lulong na sa druga at napariwala.

Tulad ng ibang artista ay nagsimula din ako sa wala at pa-extra extra lang. Naalala ko pang sa isang tv kid commercial nagbago ang buhay ko.

Nong mas sumikat ako ay naging target na ako lagi ng mga paparazzi at reporters para maging usap-usapan ang mga kuha nilang pictures at videos dahil nga sikat ako at maraming fans ang gustong makaalam sa mga ginagawa ko.

Hanggang sa hindi na nga ako nakakawala. Lagi na akong nahuhuling may kasamang iba't bang babae, at marami sa mga 'yon ay hindi mga artista at nagtatrabaho lang sa bar.

Dahil dito ay labis na apektohan ang career ko, unti-unti akong nabawasan ng mga fans and supporters. Hindi ko nga alam kung may nakakaalala pa ba sa 'kin ngayon eh. Meron siguro, pero puro mga bashers na.

Sobra akong nasaktan sa mga masasakit nilang salita. Madumi daw ako, baboy, kampon ng dilim, at kung ano-ano pang masasakit. Hindi ba nila alam na tao lang din ako. Parang wala na akong karapatan na gumaya sa ibang tao dyan na malayang mag party.

Parang ang gusto nila perfect ako at good boy lang. Fuck that!

Ang mas masakit pa binabash na rin ako ng mga dati kong fans. Pero habang tumatagal naman nasanay na ako. Paulit-ulit ko lang sinasabi sa sarili ko, "Mga bashers lang sila. Pwede nilang sabihin kung anong gusto nila, pero hindi pa rin nila hawak ang buhay ko."


Biglang tumabi sa 'kin si Vincent kaya natigil ako sa kaka-overthink. "Napakabait talaga ni Director Mike sa 'yo Tian," tugon niya.

Nilingon ko siya. "Sobra. Siya lang ang Director na nanatiling mabait sa 'kin. Kasi kahit pwede naman niya 'kong palitan sa bago niyang project na Our Memories ay pinu-push pa rin niya ako dito." Nakangiti kong sagot.

Umupo na rin sa harapan ko si Alvin kaya tatlo na kami dito sa kama. At parang may mahalaga pa siyang sasabihin. "Nga pala lods, hindi ba sabi mo may lalaking tumulong sa 'yo kanina sa airport para makatakas ka sa mga paparazzi at reporters. Pero sa paanong paraan? Anong ginawa niya?" Nagtatakang tanong niya.


Oo nga pala. Muntik ko na makalimutan ang isang lalaking kahit papaano natulongan ako kaninang umaga sa airport. Hindi ko nakuha ang pangalan niya dahil agad na 'kong umalis nong masyado na 'kong na weirdohan sa mga ikini-kilos niya.

Pero baka isa lang siyang loyal fan na obsessed sa 'kin. Pero isa siyang lalaki eh, tunay na lalaki. Kaya bakit ganun? May tunay ba talagang lalaki na pumapatol din sa lalaki? O sadyang napag-tripan lang ako nong lalaking 'yon.

Ang pinagtataka ko lang ay may kakaibang bagay na sa kanya ko lang naramdaman. Sa pinapakita niya sa 'kin kanina ay parang matagal na niya akong kilala.

Pero ngayon ko lang talaga siya nakita eh. At wala naman akong naalalang ganong mukha sa nakaraan ko.

Tsk, anak ng puta. Bakit ko naman pala maalala eh may problema pala ako sa memorya.


I suffered from a memory condition. A rare memory disorder na kusang nabubura sa ala-ala ko ang iilan sa mga moments kapag ilang months na ang lumipas mula nong nangyari.

Maging ang mga tao na matagal ko na hindi nakikita ay nabubura din sa ala-ala ko at nakakalimutan ko na. Ayon ang kinatatakotan ko.

Kaya ayaw kong hindi ko nakakasama ang mga kaibigan ko. Lagi-lagi din akong tinatawagan ni Papa para kahit papaano ay nakakausap ko siya kahit hindi ko siya nakikita sa personal. Ayaw kong dumating ang panahon na hindi ko na sila maalala. Hindi ko pa naman alam ang takbo ng memorya ko.

Pero ang isang katanongan sa 'kin ngayon, ay kung sino kaya ang lalaking 'yon? Isa kaya siya sa mga taong nakilala ko na before, at nabura na siya sa ala-ala ko?




Continue Reading

You'll Also Like

213K 7.8K 110
kung saan si baekhyun at chanyeol ay magaling magtago
14.5K 974 27
Boy Love Series #1 A nostalgic love story begins after the simple employee, Ry, meets their new promotional model, Grix, through his path. Grix bring...
97.4K 3.5K 35
YOLO, yan ang tingin ni Crimson red d. idehelyo sa buhay. masaya lang, ika nga nya 'life dont need to be so hard if you don't allow it to be' bata p...
5.1K 52 21
title: 跟在四爷身边当阿飘[清穿] Author: Chang Geng Qiyuan 长庚启元 Status: Completed Last update: 2023-11-01 link: https://www.jjwxc.net/onebook.php?novelid=6876458...