I'm Courting Mr. Cold

By fizz_chae07

400K 5.5K 1.2K

Ito'y isang kwento tungkol sa isang engot na babae na naghahabol sa isang cold guy na si Jin Ren. Halos lahat... More

Prologue
CHAPTER I - Love at First Sight
CHAPTER II - Stay Away From Me
CHAPTER III - My Favor or His Condition?
CHAPTER IV - Yes or No?
CHAPTER V - Meeting His Family
CHAPTER VI - Fizz Lopez
CHAPTER VII - Getting To Know Him
CHAPTER VIII - Reminiscing His Past
CHAPTER IX - Meeting the Cassanova
CHAPTER X - Meeting the Cassanova (Part II)
CHAPTER XI - Cookies, My First Move
CHAPTER XII - Dream Come True
CHAPTER XIII - He's Acting Weird
CHAPTER XIV - Date
CHAPTER XV - Real Date
CHAPTER XVI - Walang Sikreto Ang Di Nabubuko
CHAPTER XVII - Devil Beside Me
CHAPTER XVIII - Missing
CHAPTER XIX - Scandal
CHAPTER XX - He Hates Me
CHAPTER XXI - Now, He Hates Me More
CHAPTER XXII - Jealous
CHAPTER XXIII - Reasons Behind My Action
CHAPTER XXIV - The Culprit
CHAPTER XXV - Mixed Emotions
CHAPTER XXVI - Confession
CHAPTER XXVII - The Spies
CHAPTER XXVIII - Dinner
CHAPTER XXIX - We're Locked?
CHAPTER XXX - Library
CHAPTER XXXI - My Mission Impossible
CHAPTER XXXII - Lunch Box and Chopsticks
CHAPTER XXXIII - She's in Danger!
CHAPTER XXXIV - My Hero
Discussion
CHAPTER XXXV - Grocery Store
CHAPTER XXXVI - Trip ko Siya
CHAPTER XXXVII - Bipolar
CHAPTER XXXVIII - Trip Niya Ako
CHAPTER XXXIX - What A Wonderful Day
CHAPTER XL - Two Days Before His Birthday
CHAPTER XLI - Weird
CHAPTER XLII - Unexpected Visitor
CHAPTER XLIII - Birthday Present
CHAPTER XLIV - Pick-up Lines
CHAPTER XLV - Siguro
CHAPTER XLVII -Trip to Terra Cota
Chapter XLVIII - Destiny
CHAPTER XLIX - Salamat
CHAPTER L - I'm Stupid
CHAPTER LI - Reconciliation
CHAPTER LII - Final Review
CHAPTER LIII - Sinasagot na kita!
Chapter LIV - I'll Be There For You (Part I)
Chapter LV - I'll Be There For You (Part II)
CHAPTER LVI - 1st Lunch Date as a Couple
CHAPTER LVII - Date Under The Moon
Chapter LVIII (Part 1)
CHAPTER LVIII (Part 2)
Chapter LVIX - School Festival Day 1
Chapter LVXX
CHapter LVXXI
Chapter LVXXII

CHAPTER XLVI - New Mission

4.2K 70 14
By fizz_chae07

CHAPTER XLVI

**YURI’s POV**

(First Kiss)

I pulled up to a drive

I tightened up my tie

And I need to make her wait

No sleep from the night before

Her dad answers the front door

And already knows my name

I stand in fear

As she gets near

That everything's okay

I hope this feeling never goes away

Hindi ko talaga magets kahapon si Jin Ren ko. bigla na lang niya ako hinila palabas ng ice cream parlor! Sayang yung mga ice cream na inorder ko. di ko tuloy naubos lahat.

Hindi rin naman siya nagpaliwanag sa akin kung bakit niya ginawa iyon. Ang sinabi niya lang eh uuwi na raw kami. Yun lang at hinatid niya na ako sa bahay namin. Bipolar talaga!

Sana kasi kasing sweet at bait niya na lang si Mario Maurer dun sa story na “Suddenly it’s Magic” para happy ending na kami.

Pero maiba nga muna tayo. Pansin ko lang kanina pa hindi nagpaparamdam si Jin Ren ko. kanina ko pa siya tinetext ngunit di naman siya nagrereply. Sinubukan ko siyang tawagan pero ang sabi ‘busy yung number’. Ano naman na kaya ang nangyari dun? Tawagan ko na lang ulit siya mamaya.

Nandito nga pala ako sa daanan, naglalakad pauwi ng bahay. Lumabas kasi ako para bumili ng mga chichirya eh. Naubusan na kasi ako ng stocks. Hanggang ngayon kasi wala pa rein si nanny, kaya di rin ako nakakapag-grocery.

Hay… nakaka-LSS (Last Song Syndrome) talaga ang kantang to. kanina ko pa to pinapakinggan ng paulit-ulit, pero di ako nagsasawang pakinggan ito. Sana naman kasi mangyari na rin sa amin ang nangyari dun sa mag-lovers sa kantang ito.

Patuloy lang ako sa pakikinig nung kantang  “FIRST KISS” ng “A Rocket to the Moon” at bigay todo pa akong kumanta pagdating sa chorus ng kanta

(CHORUS)

I never thought

I'd find a love like this

There's no need

To hide that feeling we get

Whenever we touch

We can't resist

We go back to our first day

Our first kissnang biglang…

nang biglang............

BEEP… BEEEEEEEEEEEEEEP….

Napatalon ako sa sobrang gulat dala ng sunod-sunod na pagbusina nung kotse. Mukhang kanina pa yata bumubusina eh, ngayon ko lang narinig.

Lumingon na ako’t tinignan yung kotseng nakaparada sa may tabi ko. Kung makapambusina naman tong may-aring kotse na to eh parang nakaharang talaga ako sa daanan niya, eh ang lawak-lawak naman sana netong daan.

Nanatili lamang akong nakatayo at nakatingin dun sa kotse. Ewan ko kung anong ginagawa ko, siguro hinihintay kong bmaba yung may-ari ng kotse para… para ano? Para pagalitan ako dahil nakaharang ako sa daan? Ay ewan! ><

Dahan-dahang bumababa yng bintana ng kotse. At nung tuluyan na nga itong naibaba eh bumungad sa akin ang nakataas na kilay na si Maxine. Kasama niya si tita Jane.

Eh??? Ano ginagawa nila dito? O.o

“T—tita?” gulat na tanong ko. nginitian niya lang ako sabay sabing,”Hop in!”

Nalito naman daw ako dun sa sinbi niya. hop in? eh san naman daw kami pupnta?

Binigyan ko ng nalilitong tingin si Tita, ngunit nginitian niya lang ulit ako sabay sabing,”Come on.”

Nalilito man eh sumama pa rin ako. Sumakay na ko ng kotse, syempre backseat lang ako kasi si mahal na reyna, este si Maxine kasi yung nasa passenger’s seat eh. Wala na rin naman akong problema sa suot ko eh. Di naman kasi masyadong pambahay yung dating ng suot ko. pwede nang pang-malling lang. XDD

“Kanina pa ko bumubusina, di mo ba narinig?”tanong sa akin ni tita.

“Ah—eh, naka-earphones po kasi ako tita. Pasensya na po.”pagdedespensa ko naman.

Nginitian lang ako ni tita tapos tinuon niya na ang pansin niya sa daan. Teka nga, hanggang ngayon di ko pa rin alam kung san kami pupunta. Matanong nga.

“Ahmm, tita… San nga po pala tayo pupunta?”

“Magsha-shopping tayo!”ngiting-ngiti  na sabi niya.

“Shopping?” parang timang na tanong ko sa kanya.

Nakangiting tumango sa akin ang mama ng mahal ko.

At bakit naman daw kami magsha-shopping? -_______________-

Ilang saglit pa eh nakarating na rin kami sa mall at diretso na sinimulang an gaming pagsha-shopping. Nagsimula kaming pumasok sa isang botique kung saan puro mga summer wears ang binebenta rito.

‘Teka, ano bang gagawin namin dito?’ tanong ko sa sarili ko. takang-taka kasi ako rito kay tita. Abalang-abala siya sa pagpili ng swimsuit at kung ano-ano pang summer attire. Habang ako naman eh nakasunod lang sa kanya.

Ilang saglit pa eh nakapili na siya ng mga bathing suit at tsaka ito ibinigay sa saleslady. Dumiretso siya sa counter at binayaran yung mga bili niya habang ako naman eh kunwaring inaaliw ang sarili ko kakatingin sa mga damit dito sa loob ng botique.

Pagkatapos mamili ni tita eh lumabas na kami sa botique na yun tsaka pumasok na naman sa ibang botique. This time mga casual na damit naman ang pinipili niya.

“Oh Yuri, subukan mo tong isukat.” Sabi pa niya sa akin tsaka inabot ang isang cute na cute na summer dress.

“Ah eh… wag na po tita. Di naman po bagay sa akin yan eh.” Pagtatanggi ko naman sa kanya. Sa totoo lang eh ayaw ko lang talagang isukat yun, kasi naman masyadong sexy tignan kahit cute din naman ang dating. Nakakakhiya kaya yun! XP

“Ay nakuuuu!!! Isukat mo na dali! Alam ko namang babagay yan sayo eh. Pipiliin ko ba yan sayo kung alam kong di bagay sayo!” makulit na sabi ni tita.

Aist! Ano bay an! Ang kulit-kulit talaga ni tita. Wala talaga akong kawala rito. Nakakahiya rin naman kung magmamatigas pa ako di ba? kaya sige na nga lang, isusukat ko na…. -____________-

Kinuha ko na yng summer dress na ubod sa pagiging sleeveless saka pumasok sa loob ng fitting room. sinukat ko na ito at talagang saktong-sakto lang sa akin. Ang galing talagang pumili ni tita. Naman oh! XDD

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Talagang gandang-ganda ako dito  na suot ko. ilang saglit pa eh narinig ko na si tita na kumakatok mula sa labas.

Nag-aalinlangan pa ako kung pagbubuksan ko ba siya o hindi. Eh kasi naman, nakakahiya… di ako sanay sumuot ng ganitong klaseng damit -_-

ilang katok pa ang narinig ko at di nagtagal eh pinagbuksan ko na rin si tita! halatang manghang-mangha siya sa suot ko.

"Wow! Sabi ko sayo, babagay talaga to sayo!" sabi pa niya sabay ngiti ng todo.

"You look stupid!" epal na pagbulong sa sarili ni Maxine.

Tong batang to! Napakakontrabida talaga! Walang ibang magawa sa buhay kundi kontrahin ako -_____-

Patience Yuri... Patience.....

"Ahmm miss, i'll take this one." sabi ni tita sa saleslady.

At yun na nga.. binili niya na yung damit na yun. Naglibot-libot pa kami sa iilang mga botiques. At kada botikang mapasukan namin eh lagi kaming umaalis na may dala-dala.

Grabe.. napaka-shoppaholic pala ni tita.. Ngayon ko lang nalaman. Pero pansin ko lang.. Pulos mga summer attire binibili niya. Ano bang meron? matagal pa naman sana ang summer...

Matapos namin lumabas dun sa huling botika na pinasukan namin eh dumiretso na kami sa isang restaurant tsaka kumain.

nag-occupy na kami ng isang table at automatic namang may isang waiter na pumunta sa amin para tanungin ang order namin. Umorder na kami at pagkatapos ay bigla na lang tumayo si Maxine tsaka naglakad palayo sa amin.

O____O Huh??? Ang weird nang batang yun! Ni hindi man lang nagpaalam sa amin kung san pupunta. Marahil ay mag-CCR lang!

Natigilan ako sa pagmumuni tungkol sa ugali nung si Maxine nang biglang magsalita si tita.

"Yung batang yun..."sabi pa niya habang nakangiti. Nakangiti nga siya, ngunit sa mga ngiting iyon, mapapansin mong may tinatagong lungkot si tita. May problema ba siya?

"po?" tanong ko naman. HIndi ko kasi siya maintindihan eh.

“yung batang yun… napakasweet nyan, mabait, makulit, masayahin, friendly at mapagmahal dati. Simula nung naghiwalay kami ng papa ni Ren, di ko na sila masyadong nakasama. Pumunta kasi ako nun sa Korea’t dun muna nanirahan.”kwento pa ni Tita habang nakatingin sa malayo.

“Huh? Iniwan niyo po mga anak niyo?”gulat na tanong ko sa kanya.

Binalin niya ang mga tingin niya sa akin at nginitian ako sabay sabing,”May mga pagkakataon talaga na kailangan mong iwan ang mga taong mahal mo para maintindihan mo ng husto ang sarili mo.”

Clueless naman daw ako sa sinabi ni Tita, pero bago pa ako nakapagsalita eh inunahan niya na ako.

“Buhat ng pag-alis ko, di ko nakasama ng ilang taon sina Maxine at Ren. Pero tinatawagan ko naman sila parati para kamustahin sila. Simula nung naghiwalay kami ng asawa ko, nag-iba na rin ang pakikitungo ni Ren sa daddy niya. Ni hindi sila magkasundo. Lagi silang nag-aaway...nagtatalo! Di ko rin naman siya masisisi. Masyado rin naging mahigpit ang daddy niya sa kanya. Ang gusto kasi ng daddy ni Ren maging isang ganap na businessman si Ren sa future. Siya raw kasi ang magmamanage lahat ng business nila eh.Pero simula’t sapol ayaw ni Ren maging kagaya siya ng daddy niya. Kaya ayun, isa yun sa mga rason kung bakit lagi niyang sinusuway daddy niya. Kung di lang dahil kay Maxine at Granny, siguro matagal nang lumayas si Ren.”mahabang litanya ni tita. Bakas sa mukha’t sa tono ng pananalita niya na nalulungkot siya sa mga nangyayari.

“Dahil po kay mAxine at Granny?”pag-uulit ko pa.

“Yeah. Masyadong mahal ni Ren si Granny at si Maxine. Ganun din naman si Maxine, mahal na mahal din niya ang kuya niya. Simula nung nagbago ang pakikitungo ni Ren sa mga tao…”

“You mean po, yung cold treatment niya?”singit ko pa.

“Oo, yung cold treatment niya. Alam ko, kahit di sabihin sa akin ni Ren, bukod sa paghihiwalay namin ng daddy niya may iba pa siyang dahilan kung bakit ganyan siya kung umakto. Kung bakit ganyan ang trato niya sa mga tao. At ang tanging tao na nakakaintindi sa kanya kung bakit siya ganyan eh si Maxine at yung dalawang best friends niya.”pagpapatuloy niya.

“Eh? Si Maxine?” gulat na tanong k okay tita.

Ngumiti muna si tita sa akin bago niya pinagpatuloy ang kwento niya.

“Kung napapansin mo, medyo rude si Maxine sayo. Yun ay dahil alam niyang may gusto ka sa kuya niya. Masyadong protective si Maxine pagdating sa kuya niya.”sagot ni tita.

“Eh? Protective po ba kamo?”paglilinaw ko.

“Yeah. Ayaw niyang mapunta lang sa kahit kaninong babae ang kuya niya. Gusto niya mapunta sa mabuting kamay ang kuya niya. Sa babaeng di siya sasaktan, lolokohin, at higit sa lahat… di siya iiwan.”base sa kwento ni Tita, mukhang may masalimuot na nakaraan si Jin Ren ko sa babae. Pero theory ko lang yun ah?! XDD

Magtatanong pa sana ako tungkol dun, pero di ko na nagawang itanong dahil biglang pumasok sa eksena si bubwit. Hindi ko napigilang mapatingin sa kanya.

ngayon naiintindihan ko na siya.

Pssh! Akala niya siguro lolokohin ko kuya niya?! well, kung totoo man na may masalimuot na nakaraan si Jin Ren ko with girls, kung sino man yung nanloko sa kanya dati eh sana mamatay na. Chos!

Gago yun! Dahil sa kanya umiba  tuloy ugali ng mahal ko. >_____________<

“Staring?”naiiritang tanong ni Maxine tsaka nag-roll eyes pa.

WHAT THE?! >___________________________O

"Patience Yuri.. Patience… alam mo kung bakit siya ganyan. Kaya intindihin mo na lang siya." Sabi ko pa sa sarili ko.

“Wala lang. I just thought na you will look nice if you’ll smile.” Sabi ko pa sa kanya tsaka siya nginitian.

Halata namang nagulat siya sa sinabi ko. Ngayon ko lang din naman kasi siya sinagot tuwing tinatarayan niya ko eh. Si tita naman ngumiti lang din sa akin.

Okay! I think may bago na naman akong misyon! At yun ay makuha ang tiwala ni Maxine! XDD

I think mababago ko pa tingin ni Maxine sa akin. Di naman pala talaga siya ganoong kasama after all. Hika nga ni tita, "she’s just being protective over her brother!" XD

--------------------------------------

fizz_chae07

Continue Reading

You'll Also Like

1M 81.6K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
95.1K 1.5K 15
Hey witch I'm hungry saad nung nasa harap ko And so? Why me you have a mouth to call the waiter pabalang kong saad sa kanya sabay sama ng tingin I sa...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
19.5M 535K 62
A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️